Quantcast
Channel: Cristy Per Minute
Viewing all 233 articles
Browse latest View live

Cristy Per Minute • Abril 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAbril 1-15, 2017

  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Liza Soberano
 
 Liza Soberano
  KC Concepcion
 
KC Concepcion
  Coco Martin
 
Coco Martin
  Piolo Pascual
 
Piolo Pascual
  Shaina Magdayao
 
Shaina Magdayao
  Mocha Unson
 
Mocha Unson
  Jim Paredes
 
Jim Paredes
  Vivian Velez
 
Vivian Velez
  Leah Navarro
 
Leah Navarro
  April Boy Regino
 
April Boy Regino

Angel Locsin – Isinuko na ang role sa Darna

Isinuko na ni Angel Locsin ang pagbibida sa seryeng Darna ng ABS-CBN. Hindi pa rin siya puwedeng gumawa ng maaaksiyong eksena, malalagay sa alanganin ang kaniyang katawan, kaya nakabukas ngayon ang libro ng network para sa pamimili ng papalit kay Angel.

Ipinaliwanag niya ang mga dahilan, unang-unang kunsiderasyon ng aktres ang matindi niyang problema sa kaniyang likod at balakang. Hindi pa rin pala maayos ang posisyon ng kaniyang mga buto sa likod at tagiliran. Hindi pa balanse at mahaba-habang panahon pa ang pagdadaanan ng aktres para sa gamutan.

Gustung-gusto niyang gawin uli ang Darna, pero kung iyon naman ang makakapalit ng pagkadelikado ng kaniyang kalusugan ay hindi niya iyon gagawin. Ipinauubaya na niya sa ibang artista ang makasaysayang role.

Mula ngayon ay mamimili na ng gagampanang papel sa TV at pelikula si Angel Locsin. Napakalaking problema ang kaniyang likod at balakang ngayon para sa mas ikasusulong pa ng kaniyang career.

Pero hindi iyon matanggap ng mga tagasuporta ni Angel Locsin, napulitika lang daw ang kanilang idolo. Ang totoo raw ay kayang-kaya namang gampanan ni Angel ang nasabing papel pero napagkaisahan lang siya.

Alam ni Angel ang totoo, alam na alam din ng mga ehekutibo ng ABS-CBN ang kawalan niya ng kapasidad na mag-Darna, maayos nilang itinawid ang announcement sa publiko.

Liza Soberano – Siya kaya ang magiging bagong Darna?

Si Liza Soberano ang pinakagusto namin sa lahat ng mga artistang pinagpipilian para gumanap bilang Darna. Ang komento ng iba ay masyado raw mestiza ang dalaga para pumalit kay Angel Locsin. Gandang-Filipina raw ang kailangan, malayo sa ganoong katangian si Liza Soberano ayon sa mga nagbibigay ng opinyon.

Pero kung babalikan natin ang mga nakaraang Darna ay hindi nagkakalayo ang kanilang mga itsura. Mula kay Rosa del Rosario, Liza Moreno, Eva Montes, Gina Pareño at Congresswoman Vilma Santos ay mapapansin na may dugong mestiza rin ang mga ito.

At kung babalikan natin ang pagkakaguhit ng nobela ni Uncle Mars Ravelo ay kapansin-pansin na mestisahin din ang bumibida. Tisay na tisay si Darna, kaya puwedeng-puwedeng gumanap si Liza Soberano bilang bagong makasaysayang karakter sa pelikula.

Sa ganda ay wala nang kuwestiyon si Liza, maging sa pag-arte ay wala nang problema sa kaniya. Wala nang kulang kung tutuusin kung ang magandang young actress ang gaganap bilang Darna.

Napakalaking karagdagan para sa dalaga ang pagganap bilang Darna. Milya-milya ang magiging layo ni Liza Soberano sa kaniyang mga kakontemporaryo kapag nagkataon.

At bakit naman hindi kung nasa kaniya naman ang mga katangiang hinahanap para sumigaw ng “Ding! Ang bato!”

KC Concepcion – Anyare sa acting career ni KC?

Sa mga pinagpipiliang personalidad ngayon na ipampapalit kay Angel Locsin para gumanap na bida sa Darna ay napapasama rin ang pangalan ni KC Concepcion pero hindi umaasa ang mga nagpapasok ng kaniyang pangalan sa pilian na siya ang mapipisil ng Star Cinema para bumida sa Darna.

Parang okey lang na kasali ang pangalan ni KC sa mga tinatanggap na suggestion ng production, pero walang ingay iyon, parang basta napasali lang ang kaniyang pangalan.

Mula noong mag-umiyak si KC sa isang talk show tungkol sa paghihiwalay nila ni Piolo Pascual ay mukhang umiyak na rin ang kaniyang career. Wala siyang nagawang project sa ABS-CBN magmula noon.

Napakalaking problema ba ang nagawa ni KC nang dahil sa kaniyang paghagulgol sa ere? Gaano ba kalaki ang naging epekto noon na hindi kagandahan para sa career nilang dalawa ni Piolo?

Pero bukod doon ay natatandaan din namin ang naging problema sa kaniya ng produksiyon dahil sa pag-alis-alis niya ng bansa. Pang-umaga ang kaniyang show noon, hindi kagandahan ang rating ng programa, kaya pinalitan na lang.

Kunsabagay ay parang hindi na naman seryoso si KC sa kaniyang pag-aartista. Parang mas gusto na lang niyang magpabalik-balik sa London at sa Pilipinas. Hindi naman nasasayang ang kaniyang panahon dahil maraming kababayan natin ang kaniyang natutulungan bilang National Ambassador Against Hunger of the United Nations’ World Food Programme.

Sayang lang dahil bagay rin kay KC Concepcion ang role. Maganda siya, may puhunan nang pangalan, saka pareho sila ng karakter ni Darna na tumutulong sa mga nangangailangan.

Tanong ng isang source sa amin, “Bakit po hindi na binibigyan ng project ng Star Cinema at ABS-CBN si KC, iyon ba ang naging parusa sa kaniya ng paghagulgol niya on the air?

“Mula po kasi noon, e, nawalan na ng project si KC sa network, maiisip mo tuloy na pinarusahan siya sa mga sinabi niya tungkol sa prized possession ng station na si Piolo Pascual,” komento ng aming kausap.

Coco Martin – Patuloy pa rin ang seryeng Ang Probinsyano

Sa pinakahuling kuwentong nakarating sa amin ay hindi pa muna tatapusin ang halos dalawang taon nang Ang Probinsiyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Kumpirmadong nagkaroon ng planong tapusin na sana ang palabas pero kumontra ang mga kababayan natin.

Kaya pala sa teaser nila ay mayroon nang maririnig-mapapanood, “Huwag kayong mag-alala, mahabang-mahaba pa ang ating pagsasamahan,” bilang tugon sa hiling ng mga Pinoy na pinasasaya ng serye gabi-gabi.

Magastos ang pagbubuo ng bawat episode ng serye. Sa maaaksiyong eksena pa lang nila ay parang naiimadyin na namin kung gaano katindi ang gastos ng produksiyon.

Pero kayang-kaya namang bawiin iyon ng ABS-CBN sa mga patalastas na karga ng Ang Probinsiyano, siksik na siksik sila sa commercials, magkano ang bawat ad placement kapag primetime ang isang programa?

Napakalakas ng karisma sa publiko ni Coco Martin, kuhang-kuha niya ang panghalina sa ating mga kababayan ng idolo niyang si FPJ, bagay na bagay niyang gawin ang mga pinagbidahang pelikula ng Hari Ng Aksiyon dahil hindi nagkakahuli ang pagmamahal sa kanila ng manonood.

Bakit ba lumulutang ang husay sa pagganap ni Arjo Atayde? Dahil iyon sa pang-aapi nito kay Ricardo Dalisay, ganoon din ang kinaiinisang magaling na premyadong aktor na si Tito Eddie Garcia, ang ama ni Agot Isidro sa kuwento.

Nahuli ni Coco ang pulso ng masang Pinoy. Ang pagiging modelo niyang pulis, ang matinding pagmamahal niya sa kaniyang pamilya, ang paghihimagsik sa pakikipaglaban kapag siya ang nasa tama.

Malaking atraksiyon din sa serye ang mapagmahal niyang lolang si Manang Inday (Susan Roces), ang hindi pang-iiwan sa kaniya ni Yassi Pressman bilang karelasyon, at ang mga bibong bata na sina Awra, Onyok at Paquito na maraming pakakainin ng alikabok sa galing magsiarte.

So, matatagalan pa ang Ang Probinsiyano, huwag nang malungkot ang mga kababayan nating nakikiusap sa ABS-CBN na huwag munang tapusin ang magdadalawang taon nang seryeng gabi-gabi nilang niyayakap ang kuwento.

Piolo Pascual – Walang duda! Pinakaguwapo pa ring aktor

Sa unang pagkakataon na napanood namin ang full trailer ng Northern Lights, A Journey To Love ay nakuha na noon ang aming atensiyon. Mga eksena sa bundok ng yelo ang nakita naming tinutukan sa trailer.

Walang pagbabago ang itsura ni Piolo Pascual, anuman ang sabihin ng iba ay siya pa rin ang may hawak ng trono bilang pinakaguwapong personalidad ngayon, nagkakaedad na pero makisig na makisig pa rin si Papa P.

Gustung-gusto ng mga kababayan natin ang mga ganoong eksena na bagong-bago sa kanilang paningin. Sa New Zealand kinunan ang pelikula, ang kapareha ng aktor ay ang magaling umarteng si Yen Santos, mukhang maganda ang pelikula dahil nakaaarte rin ang batang lalaking kaeksena ni Piolo.

Masayang-masaya si Mother Lily Monteverde sa muling paggawa ng proyekto ni Piolo sa kaniyang produksiyon, hindi pa ganyan kasikat noon ang aktor nang gawin nila ni Joyce Jimenez ang I Think I’m In Love, tama si Mother Lily sa pagsasabing napakalayo na nga ng narating ni Piolo Pascual.

Mapang-imbita ang trailer ng Northern Lights, bukod sa magandang pagmasdan ang bundok ng niyebe ay maganda ang kuwento ng pelikula, siyempre’y malaking kunsiderasyon din ang kaguwapuhan ng papa ng bayan na hindi lang basta guwapo kundi may maipagmamalaki ring acting.

Shaina Magdayao – Limang taon na raw ka-date ni Papa P?

Bakit kaya kahit paulit-ulit na at panay-panay ang pagsasabi ni Piolo Pascual na limang taong na silang nagde-date ni Shaina Magdayao ay parang wala namang bumibili sa kaniyang mga sinasabi?

May punto rin naman kasi ang mga nagtataas lang ng kilay tungkol sa kuwento, ang kanilang komento, “Si Piolo naman, parang pinalalabas niyang ipinanganak kahapon ang mga taga-showbiz!

“Sino ba naman kasi ang maniniwala na sa tagal ng panahong sinasabi niya, e, wala man lang nakaalam ng sinasabi niya? Sa showbiz pa?

“E, kahit nga simpleng pagsasama lang sa mall ng dalawang artista, e, pinagpipistahan na, iyon pa kayang five years nang pagde-date nila ni Shaina ang hindi man lang matunugan ng mga usisero?

“Kahit nga picture nila habang nagde-date sila, e, wala namang lumalabas! Maitatago ba naman nila iyon? Ano ba namang drama ‘yan!” sabi ng kaibigan naming propesor.

At wala rin namang kinukumpirma ang aktres, kahit ang kapatid nitong si Vina Morales na puwedeng magkuwento ay wala rin namang ibinabahagi sa publiko, kaya talagang maraming nagdududa sa mga sinasabi ni Piolo.

Napakahaba ng panahong sinasabi niya, hindi biro-biro ang limang taon nilang pagde-date na hindi naman lumalabas, kaya hindi mapipigil ng aktor ang pagdududa ng mga kababayan natin sa kaniyang press release.

Sundot pa ni prop, “Five years na pala silang steady date. Sa tagal na iyon, e, wala pa ring exact definition ang relasyon nila? Ano ito, lokohan?”

Mocha Uson – Wala na sa DZRH at pati sa Twitter

Sinuspinde ang programa sa radyo ni Mocha Uson. Napingasan ng isang pangil ang tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagrereklamo ng marami sa pagpapakawala niya ng kung anu-anong salita laban kay Vice-President Leni Robredo.

Tinanggap ni Mocha ang suspensiyon, nauunawaan daw niya ang naging desisyon ng kaniyang istasyon, pero sa kaniyang blog ay paulit-ulit niyang pinanindigan ang pagtawag ng bobo kay VP Leni.

Wala raw siyang dapat bawiin. Wala rin daw siyang dapat sabihan ng sorry, dahil hindi magbabago ang kaniyang opinyon na bobo ang ikalawang tagapamuno ng ating bayan.

Ilang araw pa lang nang nagpista ang nagpapaseksing singer sa pagtawag ng tanga kay VP Leni, marami nang reklamo ang tinanggap ng DZRH. Bakit daw nila pinapayagan ang kanilang radio anchor na si Mocha na basta na lang pagmumurahin at maliitin sa himpapawid ang pangalawang pangulo? Kailangan na raw bigyan ng leksiyon ang mga ginagawa ng singer-blogger at Board Member ng MTRCB.

Natuloy ang indefinite suspension. Hindi na maririnig ang programa ni Mocha Uson, sinagot niya sa kaniyang blog ang ipinataw na parusa sa kaniya ng istasyon.

Totoong sumosobra na ang lakas ng loob ni Mocha sa pagbibitiw ng mga salitang hindi hinihingi sa himpapawid. Dapat ay tinatalian din ni Mocha ang kaniyang dila paminsan-minsan dahil hindi lang naman ang kaniyang mga kaalyado ang nakikinig sa kaniya.

At kailangang nasa wastong paraan ang pagkontra. Hindi niya kailangang tawaging tanga ang pulitikong inaayawan niya. Sa posisyon na posisyon na lang ni VP Leni Robredo, kung isinusuka man niya ang ginawa nitong pahayag na nasaksihan ng buong mundo, ay nag-iwan man lang sana siya nang kahit kaunting pagrespeto.

Pabayaan na lang sana niya sa mga pulitiko ang pagbabangayan. Itinuturing na kasing lona ng boksing ng mga ito ang himpapawid, lisensiyado man sila o hindi ay huwag na sanang gayahin iyon ni Mocha Uson.

Milyun-milyon naman ang kaniyang mga tagasubaybay sa social media, nailalantad niya naman doon ang kaniyang mga hinaing, doon pa lang ay panalo na si Mocha sa kagustuhan niyang marinig ang kaniyang posisyon.

Sinuspinde na ang kaniyang Twitter account kamakailan, ngayon naman ay sinuspinde na rin ang kaniyang radio program, huwag na sanang hintayin pa ni Mocha Uson na lahat ng paraan ng pakikipagkomunikasyon niya sa kaniyang mga ka-DDS ay mawala nang lahat.

Walang masama sa pagiging transparent, iyon ang kailangan natin ngayon mula sa mga nagseserbisyong pulitiko sa ating bayan, pero anumang sobra ay kailangan nang kalusin.

Lumilihis na si Mocha Uson sa kagandahang-asal, lumalabis na siya sa kailangan lang, kailangan niyang timplahin nang maraming beses ang tabas ng kaniyang dila kapag nasa harapan na niya ng mikropono at tumitipa na sa harapan ng kaniyang makina.

Matalino si Mocha Uson, walang duda iyon, pero ang katalinuhan kasi kapag nagagamit sa hindi tamang paraan ay nagiging kabobohan na.

Lalong walang masama sa pagkakaroon ng lakas ng loob, iyon ang gumigiya sa ating paninindigan, pero kapag sumosobra na ang lakas ng loob ay tinatalo noon ang ating mga hangarin.

Konting asim at konting tamis, iyon naman ang reyalidad ng buhay na alam naming kapadung-kapado ni Mocha Uson, dahil ipinanganak siyang wala sa talampakan ang kaniyang utak.

Mga KSP – Politika ang trip! Jim Paredes, Leah Navarro, Mocha at Vivian Velez

Hindi lang si Mocha Uson ang umaani ng mga pamba-bash ngayon, pati ang binigyan ng titulo noon bilang Miss Body Beautiful na si Vivian Velez ay palagi ring binubusog ng masasakit na salita ngayon sa social media, pareho lang ang kanilang isinisigaw.

Gusto nilang bumaba sa posisyon si VP Leni Robredo. Nagmamaasim din si VV, pero mas maaanghang ang pinakakawalang pahayag ni Mocha kesa sa kaniya. Uso lang kaya ito o dinidibdib talaga ng mga artista ang pagiging aktibo sa pakikihalo sa mundo ng pulitika?

Sa kabilang ibayo ay nandoon sina Jim Paredes at Leah Navarro, sa mga tagasuporta naman ng kasalukuyang pangulo ay maingay na maingay sina Mocha at Vivian Velez, mukhang ibinibigay na talaga nila ang mahalaga nilang oras sa pakikipaglaban.

At kung mapapansin ay hindi sila abala sa kanilang nililinyahang career. Hindi na kumakanta sina Jim at Leah, si Mocha naman ay hindi na masyadong aktibo sa kaniyang grupo, at si Vivian Velez ay pasulput-sulpot na lang sa pag-arte sa telebisyon.

Mukhang tama ang komento ni prop dahil ang kaniyang sabi, “Pansinin n’yo lang. ang mga umeepal sa politics, iyong mga nakikisawsaw, eh, mga personalities na hindi gaanong busy sa kanilang profession.

“In short, wala silang pinagkakaabalahan, kaya for want of exposure na nakasanayan na nila, ayan sila ngayon, bisi-bisihan sa pakikisawsaw sa mundo ng pulitika.

“Kahit nga naman wala silang career, eh, nakikita pa rin sila, napag-uusapan, nabibigyan sila ng moment sa pinaggagagawa nilang pagsigaw. Exposure lang ang kailangan nila, iyon lang ang nakikita ko sa mga artistang nakikisali sa mga rally,” madiing komento ni prop.

Kopyang-kopya namin iyon. Maaasahan ba nating makihalubilo sa mga ganoong pagkilos ang mga artistang wala na halos tulog at pahinga sa sobrang dami ng trabaho?

Mayroon man silang minamanok na pulitiko ay magkakasya na lang sila sa piping pagsuporta, sa malayuang paghanga, kesa sa pakikisali sa mga kilos-protesta.

Hindi natin iniaalis sa kanila ang kalayaang makapagpahayag ng kanilang damdamin, karapatan nila iyon. Pero hindi rin nila masisisi ang mga kababayan nating nagsasabi na kaya lang sila nagsisisigaw sa social media at nakikipagmartsa sa kalsada ay dahil kulang sila sa pansin o KSP.

April “Boy” Regino – Binigyan ng magandang tribute ng A.S.A.P.

Tinext kami ng isang kaibigan, habang nanonood daw ito ng A.S.A.P. ay kami ang kaniyang naaalala, dahil binibigyan ng tribute ng variety show si April “Boy” Regino.

Nakakapangilabot para sa isang singer na tulad ni April Boy ang handugan ng ganoon kagandang pagkakataon. Lahat ng mga piyesang pinasikat niya ay kinanta ng mga sikat na performers, ang dami-dami palang kantang pinasikat ang tinaguriang Idol Ng Bayan, sinasabayan ng audience ang kaniyang mga kanta.

Milagro ang ginawa ng mundo ng musika para kay April “Boy” Regino, d’yan siya yumaman. Sa pamamagitan ng mga kantang baduy sa panlasa ng iba nag-ugat ang lahat-lahat ng kung anumang materyal na bagay na mayroon ngayon ang kaniyang pamilya.

Kumita siya nang milyun-milyon sa pagsu-show sa mga probinsiya. Milyunan din ang bayad sa kaniya sa kampanya, malaki rin ang nakukuha niyang royalty sa benta ng kaniyang mga plaka.

Pero sa kalagitnaan ng kaniyang popularidad ay sinubok ng kapalaran ang kaniyang katatagan. Nagkasakit si April Boy na halos kumitil na ng kaniyang buhay.

“Ikalawang buhay ko na po ang hawak ko ngayon. Pinagaling pa rin po ako ni Lord. May mga kailangan pa po siguro akong dapat gawin, hindi pa tapos ang misyon ko sa buhay, kaya binigyan pa Niya ako ng second chance.

“Malabo pa rin po ang paningin ko. Nakakabanaag po ako, pero kailangang malapit na malapit sa mukha ko ang kaharap ko para kahit paano, eh, makita ko siya.

“Mas malakas na po ang katawan ko ngayon. Puro dasal lang po kaming mag-anak, saka ang mga pamilyang malapit sa amin, talagang Diyos lang po ang tanging pag-asa natin,” kuwento ng Jukebox King tungkol sa kaniyang sitwasyon.

At aliw na aliw ang mga kababayan natin dahil halos plakado ang boses ni April Boy at anak nila ni Madel na si JC. Sa Amerika na namamalagi ang kanilang mga anak na sina JC at Charmaine dahil maganda ang trabaho ng magkapatid sa bansa ni Uncle Sam.

“Araw-araw naman po ang communication namin, nagtse-check sila sa daddy nila, kailangang nagkakausap sila everyday,” kuwento ni Madel.

Nakakatuwa si Madel, ang dakilang misis ng Jukebox King, idol ang tawag nito sa kaniyang mister. Iyon na ang kaniyang nakasanayan, hindi na nito mabago ang tawag kay April Boy, mahirap nga namang basta-basta tanggalin ang anumang nakasanayan na natin.

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Abril 16-30, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAbril 16-30, 2017

  Pia Wurtzbach & Marlon Stockinger
 
Pia Wurtzbach & Marlon Stockinger
  Nadine Lustre & James Reid
 
Nadine Lustre & James Reid
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Piolo Pascual & Yeng Santos
 
Piolo Pascual & Yeng Santos
  Mahal and Hebrio
 
Mahal and Hebrio

Pia Wurtzbach – May broken-heart ang beauty queen

Dahil sa rebelasyon ng pagkakaroon na ng anak ng car racer na si Marlon Stockinger ay maraming nagtatanong ngayon kung tuloy pa rin ba ang kanilang relasyon ng ating beauty queen na si Pia Wurtzbach.

Nagkani-kaniyang opinyon na ang ating mga kababayan tungkol doon. May mga nagsasabing sana’y mas gumana ang utak ngayon ni Pia kesa sa kaniyang puso.

Kung talagang mahal daw siya ni Marlon, sa unang araw pa lang ng kanilang pagkikilala ay sinabi na dapat ng lalaki ang kaniyang nakaraan, pero natagalan pa bago iyon nalaman ni Pia.

Kundi pa lumitaw si Kit Barraquias na nakarelasyon-naanakan nito ay wala pang malalaman si Pia. Nabigla ang beauty queen, dahil wala naman kasing nababanggit na ganoon sa kaniya ang car racer.

May kuwento ring nagkaroon ng argumento ang dalawa na nauwi na sa hiwalayan. Masakit na masakit daw ang loob ni Pia dahil hindi nagpakatotoo sa kaniya ang car racer kaya napahiya siya sa publiko nang lumutang ang katotohanan tungkol sa nakaraan ng kaniyang boyfriend.

Sabi nga ni prop, “Napapahiya siya ngayon dahil sobrang engrossed siya sa relasyon nila ni Marlon. Lahat na lang ng mga nangyayari sa kanila, e, ipinagsisigawan niya sa buong mundo.

“Kaya ngayong lumabas na ang kuwento na may anak na palang kambal ang boyfriend niya, feeling ni Pia, e, napakalaki ng dapat niyang panagutan sa mga followers niya.

“She’s not discreet kasi, she’s too flaunty, feeling din ng lahat, e, mas mahal na mahal niya si Marlon kesa sa mahal siya. Kung naging maingat lang siya sa paglalabas ng kung anu-anong posts about them, wala sana siyang guilt feelings ngayon,” kabuuang sabi ng kaibigan naming propesor.

JaDine loveteam – Ang US producer ang may sala

So, tapos na ang boksing! Nakikipaghalikan na sa lona ang humamon sa JaDine loveteam!

Nagbenta pala si Elaine Crisostomo ng tickets para sa isang brunch. Ang kaniyang pangako sa mga ticket buyers ay darating sa brunch ang JaDine, makikipagkuwentuhan sa mga kababayan natin, doon na rin magsasawa ang mga mayhawak ng tickets sa isang mahabaang photo opportunity.

E, wala naman palang alam ang Viva Live sa brunch. Lalong walang alam sina James Reid at Nadine Lustre, kaya namuti ang mga mata ng mga Pinoy sa kahihintay sa paborito nilang tambalan.

‘Yan ang hirap kung minsan sa mga show promoter, magbebenta sila ng tickets sa mga kababayan natin sa ibang bansa na kakambal ang pangako na makakasalo nila sa brunch, dinner, merienda o anuman ang mga performers, pero wala naman iyon sa usapan.

E, walang sumipot na JaDine sa pinlanong brunch ng tomboy, ano ngayon ang gagawin niya, di ang isalba na lang ang pagmumukha niya sa mga naghahabol na ticket holders?

Sino ngayon ang nasira sa mga kababayan natin sa Amerika? Ang JaDine ba na walang kamalay-malay sa pinagkakitaang brunch ng Elaine na ito? Suplado pala si James Reid, ha? Maldita pala si Nadine Lustre, ha?

Tandang-tanda pa namin kung sino ang Elaine Crisostomo na nagpakalat ng kasiraan tungkol sa JaDine. Hindi kami puwedeng magkamali, kami ang natokang mag-interbyu sa kaniya, ibinuyangyang niya sa buong mundo noon ang pagpapakasal nila ni Desiree del Valle sa Amerika.

Lantad na tibo si Elaine Crisostomo. Walang krimen sa pagiging tomboy pero ang magpakalat ng mga kuwentong puro kababalaghan ay ibang usapan na.

Bago ang JaDine ay siniraan din ng tomboy na ito si Marion Aunor. Dahil din iyon sa isang show sa Amerika kung saan hindi tumupad si Elaine sa mga pinagkasunduan nila ni Lala Aunor.

Binaligtad ni Elaine Crisostomo ang kuwento, ang mag-ina pa ang lumabas na masama, galit na galit sa tomboy na ito ang nag-abono pa nga sa show na si Maribel Aunor.

Wala siyang karapatang magreklamo at manira dahil hindi naman siya ang kausap ng Viva Live, kumbaga sa taxi ay wala siyang sariling linya at nakikabit lang siya kay Nancy Yang na kakontrata ng produksiyon, kaya ano ang karapatan niyang wasakin ang loveteam?

Kung nagbenta man siya ng mga ticket para sa brunch, ano ang karapatan niyang piliting magpunta doon ang JaDine, samantalang wala naman iyon sa usapan ng Viva Live at ni Nancy Yang?

Bakit kaya hindi umuwi dito ang tomboy na ito para dito siya magdadakdak? E, ni wala pala siyang pasaporteng magkalat ng mga paninira dahil hindi naman siya ang kakontrata ng produksiyong humahawak sa JaDine?

Bastos pala at hindi marunong tumupad sa usapan ang magka-loveteam, ha? Bigyan ng piso ang tomboyitang ‘yan para may makinig sa mga kababalaghan niyang kuwento!

Kris Aquino – Palpak ang balik-TV “Trip ni Kris”

Ang inaasahan ng mga kababayan natin ay magiging bonggang-bongga ang rating ng pagbabalik-TV ni Kris Aquino. Matagal kasi siyang na-miss ng manonood, kaya kahit sa ngalan ng curiosity kung ano ang mga bago niyang ihahandog ay mataas na rating ang magiging kakambal noon.

Maraming nag-abang sa kaniyang Trip Ni Kris. Mahigit na isang taon na siyang wala sa aksiyon, kaya curious ang ating mga kababayan na tutukan siya, pero hindi naging garantiya iyon sa napakababang rating na nakuha ng kaniyang show.

Pero hindi nagtagumpay si Kris. Kinabog pa siya ni Vice Ganda na hindi naman nakikipagkumpetensiya sa kaniyang unang sultada. Hindi naganap ang inaasahan ng marami, siguro raw ay panahon na para mamahinga pa nang mahaba-habang panahon ang aktres-TV host para ma-miss siya nang husto ng mga kababayan natin.

At hindi naging maganda ang reaksiyon ng marami sa pagbibitiw niya ng mga hindi kagandahang salita tungkol sa kaniyang prodyuser na si Rhodora Morales at sa anak nitong si Konsehal Renan.

Masakit para sa car racer na anak ni Mrs. Morales ang ibinunyag ni Kris na nag-aambisyon palang maging vice-governor ng Nueva Ecija si Renan.

Pakiramdam ni Kris ay nagamit lang siya sa pagbuo ng TV show, para sa interes lang daw iyon ni Renan at hindi naman para sa kaniya, sabi pa ng TV host.

Ikinasama rin ng kalooban ng TV host ang pagpapa-presscon ng mag-ina na wala siya. Ginagamit lang daw siya ng kaniyang prodyuser at ng anak nito.

Isang napakasarkastikong “super-use-me-in-a-sentence” pa ang paglalarawan ni Kris sa ginawa ng mag-ina. Nag-press release din daw ang pamilya na super-yaman ang mga ito pero delayed namang magbayad ng talent fee niya at ng kaniyang staff.

Napakatalinong tao naman ni Kris. Kung pinairal niya ang talas ng kaniyang pang-amoy, sa umpisa pa lang ng pakikipagtransaksiyon niya kay Manang Doray ay naramdaman na sana niya kung ano ang motibo nito ng pamumuhunan sa kaniyang show, sa kaniya pa ba naman makalulusot iyon?

Siguradong sising-alipin na ngayon ang mag-inang Rhodora at Renan Morales sa mga komentong binitiwan ni Kris patungkol sa kanila.

Hindi biro ang sampung milyong pisong ipinuhunan ni Rhodora Morales sa kaniyang pagbabalik-telebisyon. Halagang pinaghirapan ng pamilya sa loob nang maraming taon ang isinugal nito para magkaoon siya ng show.

Doon pa lang ay dapat nang magpasalamat si Kris, iyon pa lang ay nagbigay na dapat sa kaniya ng senyal na magtiklop ng kaniyang dila sa kung anumang nasa utak niya. Hindi maganda sa pananaw ng mas nakararami ang ginawa niya na pagkatapos ng kaniyang gusto ay ganyan pa ang ginawa niya sa mga taong nagtiwala sa kaniya.

Negang-nega si Kris Aquino ngayon. Pero kung iisipin ay siya naman ang humingi ng sitwasyong ito. Sadya man o hindi ay siya ang nagpasimuno at gumawa ng dahilan para siya upak-upakan ngayon sa social media.

Piolo Pascual at Yen Santos – Lugi sa box office ang tambalan

Ang dami-dami naming tinatanggap na hindi kagandahang kuwento tungkol sa pelikulang Northern Lights, a Journey to Love na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Yen Santos. Kumbaga sa karihan ay matumal ang benta ng kanilang produkto.

Nakapanghihinayang dahil gumastos nang malaki ang produksiyon para sa pelikula,. Kinailangan nilang mag-shooting sa ibang bansa para makapaghain sila ng bago sa publiko, pero mukhang mailap na ang box office ngayon sa guwapong aktor.

Nakaapekto kaya ang pinagpistahan nilang retrato-video ng kaniyang anak na si Iñigo sa hindi gaanong pagsuporta ng ating mga kababayan sa pinakahuli niyang pelikula?

Hindi naman puwedeng nakulangan ang manonood sa pelikula. Bagung-bago ang tema noon kung tutuusin, napakaganda ng mga eksena at makabuluhan ang kuwento ng pelikula.

Pana-panahon nga lang ‘yan. Noon naman ay panalung-panalo ang mga proyekto ng papa ng bayan. Pareho silang nabiyayaan ni Judy Ann Santos ng suwerte, kahit anong klase ng pelikula ang gawin nila bilang magka-loveteam ay nakakahon na ang tagumpay noon.

Komento naman ng kaibigan naming propesor, “Bitbit naman kasi ni Piolo ang bigat ng movie. Siya ang may hawak ng responsibilidad na pakitain iyon.

“Maliit na artista pa rin si Yen Santos. Sana, binigyan siya ng leading lady na makakasabay niya sa pagdadala ng pelikula. Maganda ang movie, parang travelogue nga iyon, parang narating na rin ng moviegoers ang location nila.

“But Piolo alone can’t make it happen. Kailangang may kasama siyang big star para ibenta ang project. Hindi si Yen ang tamang leading lady for Piolo.

“Nakakapanghinayang lang dahil pinaghirapan nila ang pelikula, ginastusan ng production ang movie, pero kapag nanood ka, e, bilang na bilang ang mga nanonood.

“Sayang, maganda pa naman ang movie, pati ang kuwento, maayos din ang pagkakabuo. Sayang na sayang talaga,” komento pa ni propesor.

Mahal – Kawawa, matinding indulto ang pinagdadaanan

May matinding indulto palang pinagdaanan ang kakapiranggot na komedyanteng si Mahal. Sa liit niyang iyon ay parang kasinglaki ng mundo ang pinapasan niyang problema.

Nakikipisan ngayon si Mahal sa bahay ni Mae Rivera, ang singer na nagpasikat ng piyesang Aray, ito ang nakakaalam ng buong kuwento ng pinakahuling matinding problema ng maliit na babae.

Walang ibang problemang kinasasangkutan si Mahal kundi ang kaniyang buhay-pag-ibig. Napakabilis niyang maniwala na mahal siya ng lalaki, masakit mang pakinggan ay totoong utuin si Mahal, kaya siya sumasabit sa kontrobersiya.

May nakilala siyang lalaki sa Pangasinan nang mag-show siya doon, kinuha ng lalaki ang kaniyang numero, niligawan siya nito. Kinausap ni Mae ang lalaki, sinabi ng singer na walang pera si Mahal, pero ang bulilit na babae ang mapilit na magpakasal na sila ng lalaki dahil baka raw magbago pa ang isip nito.

Kinulit-kulit ni Mahal si Mae, kaya isang araw ay ipinakasal nito ang kaniyang kaibigan sa lalaki, sa huwes sila ikinasal at si Mae ang gumastos sa lahat-lahat.

Sabi ni Mae Rivera, “Ako, kinausap ko ang lalaki. Sinabi ko na sa kaniya na walang pera si Mahal, pero ito naman palang si Mahal, eh, kung anu-anong pangako ang sinasabi doon sa lalaki!

“Ipagpapatayo raw niya ng bahay ang lalaki, magpapatayo rin daw siya ng building sa Bicol, para may mapaupahan ang pamilya ng lalaki.

“Sino ang paniniwalaan ng lalaki, ako ba o si Mahal? Habang sinasabi kong wala siyang pera, eh, pangako naman pala siya nang pangako sa boyfriend niya ng kung anu-anong kababalaghan!” kuwento ni Mae.

Natuloy ang kasal. Kapag may pera raw si Mahal ay napaka-sweet sa kaniya ng lalaki, pero kapag wala na, sinasaktan na nito ang kakapiranggot na babae.

“Noong minsan, eh, tinanong ko siya. Mugtung-mugto kasi ang mga mata niya. Sabi ko, ano’ng problema? Wala raw. Pero ramdam na ramdam ko na mayroon.

“Kumpisal ni Mahal, kapag kumikita raw siya sa mga shows na tinatanggap ko na isinasama ko siya para kumita naman, eh, agad na siyang niyayaya ng asawa niya para mag-shopping.

“At take note, puro branded ang mga binibili ng lalaki, puro sa kaniya lang, ni walang nabibili si Mahal. Pagkatapos noon, eh, dedma na uli sa kaniya ang guy.

“Sa paanan nga siya ng lalaki natutulog! May malaking stuffed toy sa kama niya, iyon ang katabi ng lalaki, nasa paanan lang niya si Mahal.

“At ang masakit pa, ikinuwento sa akin ni Mahal na sinasampal siya noong lalaki kapag wala siyang maibigay na pera. Eh, susmaryosep naman! Pagkaliit-liit na nga ng mukha niya, sasampalin pa?

“At heto pa. Pinapa-squat siya, nilalagyan ng mga libro ang magkabilang braso niya! Imagine, sa liit niyang ‘yan, eh, mabibigat na libro pa ang ipinapatong sa kaniya habang naka-squat siya?

“Sobra-sobrang hirap ang ipinatikim sa kaniya ng lalaking ngayon, eh, nasa Saudi na, nagtatrabaho na doon, ako pa ang nagpahiram ng placement fee niya para makaalis na lang!” suwabeng pagkukuwento ni Mae Rivera.

Paulit-ulit na lang na mangyayari ang ganyan kay Mahal dahil hindi siya nagpapakatotoo. Dinadaan niya sa pera ang pag-ibig sa lalaki. Kung anu-anong pangako ang sinasabi niya samantalang alam naman niya na wala siyang pera.

Para makuha niya ang atensiyon at pagmamahal ng kakikilala lang niyang lalaki ay mangangako na siya agad na ibibili niya ito ng kotse, ipagpapatayo ng bahay, bibigyan ng negosyo ang pamilya nito.

Naniniwala naman sa kaniya ang lalaki kaya kahit hindi naman siya mahal ay nagpapanggap ito dahil sa pag-asang gaganda ang kaniyang buhay nang dahil kay Mahal.

Kailangang matuto ng leksiyon ang bulilit na komedyante. Makipagkilala siya dapat sa katotohanan. Kailangan niyang tanggapin na wala siyang pera at walang pagbabago siyang maibibigay sa estado ng buhay ng lalaki.

Kailangan siyang mahalin ng lalaki bilang siya, walang mga pero-pero, dapat siyang mahalin dahil siya si Mahal at wala nang iba pang dahilan.

Hanggang nabubuhay sa ilusyon si Mahal ay para laging mangyayari ang ganito sa kaniya. Palagi lang siyang masasaktan, palagi lang siyang iiyak, walang magiging katahimikan ang kaniyang buhay. (CSF)

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Mayo 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 1-15, 2017

  Pia Wurtzbach & Marlon in Brunei
 
Pia Wurtzbach & Marlon Stockinger sa Brunei
  Kris Aquino
 
 Kris Aquino
  Claudine Barretto
 
Claudine Barretto
  Angel Locsin & Neil Arce
 
Angel Locsin & Neil Arce
  Jaclyn Jose kasama ang apo na si Ellie
 
Jaclyn Jose kasama ang apo na si Ellie
  Andi Eigenmann kasamang anak na si Ellie
 
Andi Eigenmann kasamang anak na si Ellie
  Ara Mina, Amanda & Patrick Meneses
 
Ara Mina, Amanda & Patrick Meneses
  Maine Mendoza & Alden Richards
 
Maine Mendoza & Alden Richards
  Ai Ai delas Alas & Gereald Sibayan
 
Gerald Sibayan & Ai Ai delas Alas

Pia Wurtzbach – Naayos na ang naging problema sa Brunei

Mabuti naman at natulayan na ang problema sa pagitan ni Pia Wurtzbach at ng kababayan nating negosyante sa Brunei na si Kathelyn Dupaya. Magandang balita iyon.

Mas malaki ang mawawala sa beauty queen kesa sa negosyante kapag nagpatuloy pa ang hindi nila pagkakaintindihan. May nakaputong na korona habambuhay kay Pia samantalang kahit sa pang-barangay na paligsahan ay hindi naman sumasali si Kathelyn.

Komunikasyon lang ang gumamot sa sitwasyon. Pagpapaliwanagan. Noong una ay may kainitan pa ang pagpapalitan ng salita ng magkabilang kampo pero pasasaan ba’t lalamig din naman ang kanilang ulo.

Kapag pride na kasi ang umiral ay walang posibilidad ang pagkakasundo, pero kapag isinuko na iyon, siguradong sorry na ang maririnig sa magkabilang bakod.

Pamilyar sa amin ang pangalan ng sinasabing Pinay businesswoman sa Brunei na nakaengkuwentro ni Pia Wurtzbach. Ang misis ni April “Boy” Regino na si Madel ang nagkuwento sa amin kung gaano kabait itong si Kathelyn Dupaya.

Kinuhang mag-show sa Brunei ang Idol Ng Bayan dalawang taon na ang nakararaan. Nalaman daw ni Kathelyn na ooperahan sa mata si ABR, kaya bukod sa talent fee nito ay nagbigay pa ng tulong si Kathelyn, malaking halaga iyon na nakatulong sa operasyon ni April Boy.

Anak-mahirap daw si Kathelyn, salat na salat sa buhay, kaya nang magkaroon siya ng magandang kapalaran ay parang buslong butas ang kaniyang bulsa sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Maraming artistang pinapupunta sa Brunei si Kathelyn Dupaya. Siya ang sagot sa plane ticket, siya rin ang bahala sa hotel accommodation, may pocket money pa siyang ibinibigay.

Bongga rin siyang magbayad sa mga artistang pinagso-show niya sa Brunei, spoiled ang mga ito, dahil binibigyan pa niya ng mga branded na regalo ang mga personalidad.

Gusto nga palang linawin ni Madel na hindi sa casino madalas na nananalo si Kathelyn Dupaya at ang kaniyang mister kundi sa lotto.

Hindi raw marunong magsugal ang mag-asawa, hindi raw sila nagka-casino, pero hindi sila pumapalya sa pagtaya sa lotto.

Pero nagkaayos man ang kampo nina Pia Wurtzbach at Kathelyn Dupaya ay hindi na mabubura sa utak ng mga nakasaksi sa kanilang pagpapalitan nang maaanghang na salita. Lalo na sa reklamo ni Kathelyn na nang imbitahan daw kasi niya ito ay bitbit ng beauty queen ang buong pamilya ng kaniyang boyfriend na si Marlon Stockinger. At may kasama pa silang mga kasambahay

Ikinasama rin ng kaniyang loob ang pagtawag sa kaniya ng scammer ni Pia, idagdag pa ang sinabi diumano ng beauty queen na fake naman ang Hermes bag na iniregalo sa kaniya, kaya ang hamon ni Kathelyn Dupaya noon ay ipa-check ang uri ng branded bag na iniregalo niya para magkaalaman na.

Kris Aquino – Ano ang role sa Crazy, Rich Asians?

Habang inaayos pala ni Kris Aquino ang proyektong gagawin niya sa Hollywood ay pansamantala niyang ipinagkatiwala si Josh sa yaya nito. Isang buwan na palang nasa Hinigaran, Negros Occidental ang panganay ni Kris.

Kuwento ng aming assistant na si Japs Gersin ay hindi ito ang unang pagkakataong nagbakasyon nang matagal sa kanilang bayan si Josh. Sobrang lapit kasi nito sa kaniyang yaya. Iniiyakan ni Josh ang bawat pag-uwi ni Yaya Anna sa Negros.

Nagtatanungan ngayon ang marami kung ano na, finally, ang magiging role ni Kris sa gagawin niyang pelikula sa Warner Bros. May nakuha na kasing bida, may natitira pang dalawang mahalagang papel sa Crazy, Rich Asians, alin kaya doon ang masusungkit ng TV host?

Sabi ni prop na naging abala nitong mga huling linggo, “Sigurado na iyon! Iyong role ng crazy ang mapupunta kay Kris! Hindi na niya kailangang umarte, just be herself na lang ang peg niya!”

Malaki man o maliit ang papel na mapupunta kay Kris Aquino ay natupad ang kaniyang pangarap na makapasok sa mundo ng Hollywood na inaasinta ng lahat ng mga artista sa buong mundo.

Claudine Barretto – Kailangang mag-diet at magbawas ng timbang

May mga kaibigan kaming nakakita kay Claudine Barretto sa isang kilalang grocery store. Kasama ng aktres sa kaniyang pag-iikot ang mga anak nila ni Raymart Santiago.

“Maganda pa rin si Claudine, ang tunay na ganda talaga, hindi naitatago. Pero may problema siya. It must be the reason kung bakit hindi pa siya napapanood ngayon sa movie or sa TV,” banggit ng isa naming kaibigan.

Malaki pa rin daw ang katawan ni Claudine. Sa madaling salita, mataba ang aktres, kailangan muna niyang magpaliit nang husto para hindi siya maging katawa-tawa sa harap ng mga camera.

“Ang braso niya, malalaki. Ang hips niya, sobrang laki rin. Ang mga hita niya, e, nagmumura. Di ba, nag-diet na siya dati? Naglabas pa nga siya ng mga pictures noon na payat na siya, di ba?

“Pero ang laki-laki pa rin niya. Maganda siya, totoo iyon, pero ang body niya, parang kalahati lang ng katawan niya ang bulto ni Gretchen.

“Sayang, ang dami-dami nang lumalampas na projects sa kaniya. Mag-diet na sana siya nang husto para makabalik na siya,” sabi pa ng aming kausap.

At may hirit pa ang kasama nito, “Paano naman siya papayat, e, puro pampataba ang mga laman ng cart niya? Grabe, puro carbo, kaya mahihirapan nga siya pumayat!”

Angel Locsin at Neil Arce – Sila naman ang mag-steady ngayon

Hindi lang sila lantarang umaamin pero malaki ang posibilidad na nagkakaigihan na ngayon sina Angel Locsin at Neil Arce. Hindi naman kasi si Angel ang klase ng babaeng ipinaglalantaran sa buong mundo ang mga nangyayari sa kaniyang pakikipagrelasyon.

At wala namang problema kung sila na nga dahil malinis ang kanilang kartada. Malaya na si Angel na magmahal at malaya na rin si Neil sa paghihiwalay nila ni Bela Padilla.

Mas maganda na para kay Angel ang ganitong kuwento, tutal naman ay nagbigay na ng pahimakas ang producer na si Mr. Arce, ano raw kaya ang susunod na kahahantungan ng kanilang pagkakaibigan na pitong taon na ngayon?

Palaging kinukuwestiyon ng mga kababayan natin kung bakit puro mga tibo ang palaging kasa-kasama ngayon ni Angel kahit saan. May multiple choice pa nga silang ibinibigay. Kundi raw karelasyon ng tibo ang magandang aktres ay siya mismo ang tibo.

Ngayong may nauugnay nang lalaki sa kaniya, kahit paano’y mababawasan ang mga nagtatanong kung ano ba ang totoong kasarian ni Angel Locsin, mababalanse ni Neil Arce ang kuwento.

At may karapatang lumigaya si Angel Locsin. Walang makapipigil noon para sa kaniya. Kung busilak naman ang intensiyon ng producer sa dalaga ay walang problema.

Kilalang-kilala na nila ang isa’t isa, pareho pa silang mga anak ng sining, walang masama kung sila na nga ngayon.

Umamin man sila o hindi ay nand’yan na ang mga palatandaan—maligaya sila sa isa’t isa.

Jaclyn Jose ­­– Dakilang ina ng isang palalong anak

Nakakaawa si Jaclyn Jose. Pati siya ay inuupakan na rin sa social media ngayon dahil sa sobrang pagtalak ng kaniyang anak na si Andi Eigenmann. Hindi raw maayos ang ginawang pagpapalaki ni Jaclyn sa kaniyang anak.

Masakit ang paghusgang iyon para sa isang ina na ginawa naman ang lahat-lahat para sa kaniyang supling. Mag-isa niyang pinalaki si Andi, patay-katawan sa pagtatrabaho ang aktres para maibigay ang mga pangunahing pangangailangan ng kaniyang anak, pero siya pa ang sinisisi ngayon ng marami.

Binigyan nang sapat na panahon ni Jaclyn ang paglaki ni Andi. Dahil siya ang gumaganap na tatay at nanay ng kaniyang anak ay napakahirap ng kaniyang pinagdaanan.

Pero hanggang sa paggabay at pangangaral lang naman ang magagawa ng isang magulang. Hindi niya hawak ang saloobin ng kaniyang anak, hindi na kasalanan ng isang nanay na hindi naman nagkulang na lumaking ganyan ang kaniyang produkto.

Kahit naman si Jaclyn ay halos sumuko na noon kay Andi na lumaking palalo. Kaya nga lang ay hindi niya naman matiis ang kaniyang anak, siya pa rin ang pumapagitna sa mga laban nito, siya pa nga ang nasisisi sa bandang huli.

Napakasuwerte ni Andi sa kaniyang ina. Kung iba-ibang nanay lang si Jaclyn, sa sobrang tigas ng ulo ng kaniyang anak ay baka pinabayaan na lang niya ito, pero magkarugtong nga kasi ang kanilang pusod.

Kaya ayun si Jaclyn, ipinagtatanggol pa rin ang kaniyang anak, binibigyan pa rin niya ng katwiran si Andi kahit pa lihis na sa katwiran ang mga pinagsasasabi nito.

Ganoon ang nanay. Handang ipagtanggol ang kaniyang anak. Handang ibuwis ang kaniyang buhay para lang hindi masaktan ang sanggol na dinala niya nang siyam na buwan sa kaniyang sinapupunan.

Andi Eigenmann – Punumpuno ng poot ang puso

Kung makapagsalita naman ng basura si Andi Eigenmann, para namang pagkasama-sama na ng mag-inang Laarni Enriquez at Jake Ejercito, kung makapagbitiw siya ng salitang walang puso ang pamilya Estrada ay parang wala nang bukas pa.

Ano na naman ba ang nangyayari kay Andi? Naging libangan na lang niya ngayon ang upakan nang upakan si Jake, kapag kulang pa sa kaniyang panukat ang mga bira niya ay idinadamay na niya ang pamilya Estrada, paano siya magiging maligaya kapag ganyan na punumpuno ng poot ang puso niya?

Sayang ang panahong ginugugol niya sa pakikipag-away sa ama ng kaniyang anak na si Ellie. Gagastos pa raw siya ngayon para sa lawyer na kukunin niya, hirap na hirap na nga raw siya sa pagsuporta kay Ellie, dahil hindi naman nagbibigay ng sustento si Jake para sa kanilang anak?

Ang lahat ng inirereklamo ngayon ni Andi ay puwede naman kasing naiwasan kung nagbigay lang siya ng panahon para makipag-usap kina Laarni at Jake.

Alam ng mga taga-Viva ang kuwento. Ilang ulit nang nakipag-usap ang dating aktres kay Boss Vic del Rosario para humingi ng appointment na magkausap-usap sila ni Andi, maaaring tumugon naman si Boss Vic sa hiling ni Laarnie, pero nangyari ba iyon?

Hindi siya nakipagkita sa gitna, ni konting panahon ay hindi siya nagbigay para kina Laarni at Jake dahil busy raw siya, pagkatapos ngayong naghain ng petisyon si Jake para sa joint custody nila kay Ellie ay kung anu-ano ang ikinakatsang niya na para bang kaawa-awa siya.

Kung pinagbigyan niya ang pakiusap ng mag-ina, di sana’y wala na silang problema, di sana’y hindi na siya magagastusan ngayon as pambayad sa abogado niya?

Ito rin ang sigaw niya noon laban kay Albie Casino, ipinaaako niya noon sa aktor na ito ang ama ng bata, maraming salamat na lang sa resulta ng DNA test nina Jake at Ellie dahil nagkaroon na ng katahimikan ang buhay ng bagets.

Kahit ilang beses pang magpalit ng karelasyon si Andi Eigenmann ay hindi siya magiging maligaya. Hanggang punumpuno ng galit ang kaniyang dibdib ay magiging mailap sa kaniya ang maligaya at may katahimikang buhay.

Mayor Patrick Meneses at Ara Mina – Hiwalay na pero magkaibigan pa rin

Kundi mo alam ang kuwento ng relasyon nina Mayor Patrick Meneses at Ara Mina ay maliligaw ka sa mga pinakahuling pangyayari sa kanilang buhay. Magdududa ka rin na baka nga nagkabalikan na sila.

Pero kung kabisado mo ang naging takbo ng kanilang relasyon, lalo na ang naging dahilan ng pakikipagkalas ng pulitiko sa aktres, ay hindi mo bibigyan ng kahit anong kakaibang pakahulugan ang pagsasama nila noong nakaraang Semana Santa sa Brunei.

Sa kabila ng nangyari sa kanilang relasyon ay pinanatili nina Mayor Patrick at Ara ang pagkakaibigan para sa kanilang anak na si Amanda.

Malayang nahihiram ni Mayor Patrick ang kanilang anak, hindi siya nagkukulang sa pagtupad sa mga obligasyon para sa bata, maayos ang naging pag-uusap nila ni Ara tungkol kay Mandy.

Walang pagbabalikang naganap, pero napasaya nina Mayor Patrick at Ara ang kanilang anak, naniniwala sila na kapag nakikita ng bata ang kaniyang mga magulang na nagkakasundo ay maayos ang paglaki nito.

Ganoon lang iyon. Para sa bata ang naging pagsasama nila nang ilang araw, walang ibang dahilan iyon kundi ang kapakanan ng kanilang anak, walang nangyaring pagbabalikan.

Malinaw iyon.

Alden Richards at Maine Mendoza – Mismong taga-GMA7 pa ang naninira sa Aldub

Tustado na ang creative consultant ng GMA-7 na kumumpirmang flop ang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza noong una pero medyo tumaas na rin ang rating nang ipasok sa istorya si Thea Tolentino.

Ay, nag-royale rumble ang mga fans ng AlDub, pinupog-kinuyog nila si Suzette Doctolero, ang nagsabing flop ang serye, kaya kumbaga sa tinapay ay sa tustadong mamon na maikukumpara ngayon ang empleyado ng Siyete.

Hindi nga naman iyon maganda sa pandinig, lalong hindi masarap sa panlasa na mismong taga-GMA-7 pa ang kumumpirmang mababa ang rating ng serye noong una, sino pa ang maniniwala sa pag-aangat ng mga fans nina Alden at Maine sa loveteam kung ganyan na mismong empleyado ng network ang nangdadaot sa kanilang mga idolo?

Galit na galit sa kaniya ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil sa pagbabando niya na flop ang serye ng AlDub.

Hindi na bago ang kuwentong ito. Si Suzette Doctolero rin ang nagbulgar noon nang pagkadiin-diin na ham actor si Aljur Abrenica. Hindi raw kakulangan sa istasyon ang isang banong umarteng aktor.

Hindi namin alam kung may basbas ng kaniyang mga bossing ang mga pinakakawalang salita nitong si Suzette. Mahirap kasing intindihin na mismong may posisyon pa sa network na tulad niya ang maglalabas ng mga komentong kontra sa kanilang mga artista.

Nakakaawa si Suzette Doctolero sa pang-uupak sa kaniya ng mga tagasuporta ng AlDub. Hindi lang basta hinihiling ng tropa na bigyan ng leksiyon ng network si Suzette, ipinatatanggal pa nila, dahil wala raw malasakit sa mga programa at artista ng kanilang istasyon ang creative consultant.

May katwiran naman ang grupo sa kanilang sigaw, hindi bale nang manggaling ang kumpirmasyon sa ibang tao o network, huwag lang sa mismong nagtatrabaho sa istasyong pinagpapalabasan ng serye ng phenomenal loveteam.

Ang pagpapakatotoo ay may pinipiling panahon at sitwasyon. Kung wala itong masasabing positibo tungkol sa serye ay mas magandang nagtikom na lang sana ito ng bibig dahil hindi magandang tingnan na ang mismong pinagmumulan ng biyayang ikinabubuhay nito ang malalagay sa alanganin.

Respetuhan lang naman ‘yan. Kung ayaw ni Suzette Doctolero sa AlDub ay walang kahit sinong makapamimilit sa kaniya. Pero puwede nitong respetuhin ang bakurang nagbuo-nagbalangkas ng serye para kina Alden at Maine.

Ai Ai delas Alas – Ikakasal na sa isang taon kay Gerald

Wala na nga sigurong paglagyan ang kaligayahan ngayon ni Ai Ai delas Alas. Wala na siyang mahihiling pa sa nakapagandang takbo ng kaniyang career. Maging ang kaniyang lovelife ay makinis ang takbo, tanggap ng kaniyang mga anak si Gerald Sibayan, ito pa nga ang itinuturing niyang lucky charm.

Pagkatapos ng masalimuot niyang pinagdaanan sa pakikipagrelasyon ay pinremyuhan naman siya ngayon ng panahon. Wala na siyang nakikitang hadlang para sa pagpapakasal nila ni Gerald.

“Masarap kasing kasama ang taong hindi ka lang mahal kundi naiintindihan ang buong pagkatao mo. Marami rin namang tiniis si Ge. Iyong mga pangmamaliit lang sa kaniya noon ng ibang tao, e, enough na para sumuko siya kung tutuusin, di ba?

“Pero tiniis lang niya iyon, ang palagi lang naming pinag-uusapan, e, laban lang, anyway, kaming dalawa lang naman talaga ang nakakaalam kung ano ang nararamdaman namin para sa isa’t isa.”

Sa susunod na taon na ang pagpapakasal ng Philippine Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas at ng mag-aapat na taon na niyang boyfriend na si Gerald Sibayan.

Sa mga susunod na buwan ay magiging busy na sila sa paglilista ng mga kukunin nilang ninong at ninang at ng bubuo sa kanilang secondary sponsors. Ngayon pa lang ay mayroon nang mga pangalang lumalabas na kukuning ninong at ninang nina Ai Ai at Gerald.

Nababanggit ang mga pangalan nina Bossing Vic Sotto, Tony Tuviera, Boy Abunda, Congresswoman Vilma Santos, Sharon Cuneta at Marian Rivera.

Malapit na uling patunayan ni AiAi delas Alas ang kaniyang magic sa takilya. Inspirasyon niya si Gerald Sibayan at ang kaniyang mga anak sa pagtatrabaho niya nang sabayan sa telebisyon at pelikula.

Malapit na ang Our Mighty Yaya, may ginagawa pa siyang pelikula ngayon para sa Cineko Productions, dalawang TV shows ang umookupa sa kaniyang panahon.

“Wala akong nararamdamang pagkabagot, kahit ang physical na hirap, wala akong napi-feel. Masarap magtrabaho kapag maganda ang mga nangyayari sa paligid mo,” tanging nasabi ng Comedy Concert Queen.

Pinagpalang babae. Sabi nga, ang magagandang bagay sa mundo ay sabay-sabay na nangyayari para sa isang pusong busilak, ipinaaangkin namin iyon kay Ai Ai delas Alas.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Mayo 16-31, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 16-31, 2017

  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Alyssa Quijano & Charice
 
Alyssa Quijano & Charice
  Ian Veneracion
 
Ian Veneracion
  Daniel Padilla
 
Daniel Padilla
Mocha Uson
 
Mocha Uson
  Mariel de Leon
 
Mariel de Leon
  Pauleen Luna & Vic Sotto
 
Pauleen Luna & Vic Sotto
  Alden Richards & Maine Mendoza
 
Alden Richards & Maine Mendoza

Sharon Cuneta – Sino ba at ano ba talaga ang problema ng Megastar?

Nahihilo na ang bayan sa mga pinalulutang na pahayag ni Sharon Cuneta. Kumbaga sa isang nobela ay nagbubuhul-buhol na ang takbo ng istorya, nakapangliligaw na ang kuwento, hindi na tuloy malaman ng publiko kung ano ang paniniwalaan nila.

Noong una ay personal ang kaniyang hinaing, nang mga sumunod na araw ay parang buo na sa kaniyang kalooban na huwag na munang magbalik-bansa, ngayon naman ay mayroon na siyang mga sinisisi sa mga nagaganap sa kaniyang buhay.

Ano ba talaga, ate, tanong ng bayan. Ano ba talaga ang pinagdadaanan ng Megastar, nasaan ba ang problema, nasa ibang tao ba o nasa kaniya na?

Nagme-menopause na raw kasi si Sharon, BIR (Babaeng Inurungan Ng Regla) na nga ang tawag sa kaniya ng mga becki, kapag umaatake raw ang hot flashes ng singer-actress ay kung anu-ano na lang ang ipino-post niya.

Pero sa seryosohang usapan ay may hugot nga ang mga pahayag ni Mega. May bumabagabag sa kaniya. Siguro nga ay may mga taong hanggang ngayo’y namubulabog pa rin sa kaniya sa usapin ng mana.

Pero may punto ang komento ng kaibigan naming propesor, ang kaniyang sabi, “Palagi niyang sinasabi na sawang-sawa na siya sa magulong buhay. Privacy ang palagi niyang wini-wish. Mula bata pa raw kasi siya, eh, napakagulo na ng mundo niya.

“Okey, tama naman siya doon. Lahat-lahat na lang ng tungkol sa buhay niya, eh, naibahagi na niya sa publiko. Uhaw siya sa privacy, tulad din ng ibang mga artistang sikat na kapribaduhan ang hinihingi.

“But wait, how can she achieve that kung siya mismo ang gumagawa ng dahilan para maging magulo ang buhay niya? Mag-post ka ba naman na ayaw mo nang umuwi, na pagod na pagod ka na. Ano ang inaasahan ni Sharon, ang basta na lang intindihin ng buong bayan ang mga hinaing niya?

“Kung titigilan niya ang paglalabas ng mga hinaing niya, eh, walang issue. Kung hindi siya magpapatalo sa emotion niya, walang pag-uusapan ang publiko!

“Gusto niya raw ng privacy, ng tahimik na buhay, but Sharon is defeating her purpose. Siya mismo ang nang-iimbita ng ikagugulo ng buhay niya.

“Tama, tao lang siya na may karapatang masaktan at maglabas ng saloobin niya. But does she have to flaunt it in public? Kasali ang buong bayan sa mga problema niya? Isang araw, pagsasawaan na ang mga atake niya!

“Sabihin na niya nang straight kung ano ba talaga ang gumugulo sa isip niya. Cards on the table na kasi, hindi tulad ng ganyan na ang gulu-gulo na ng tinatakbo ng kuwento sa sinusulat niyang nobela!” inis nang pahayag ni prop.

May katwiran ang katwiran.

Charice Pempengco – Magpapalipas muna ng sama ng loob sa US

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagparating sa amin ng impormasyon na nagpaplanong umalis muna si Charice Pempengco para magpalipas ng sama ng loob. Magbabakasyon daw muna ang international singer sa Amerika.

Hindi naman sinabi ng aming kausap na doon na ipagpapatuloy ni Charice ang kaniyang singing career, babalik din daw siya agad, kailangan lang muna niyang mapag-isa.

Na dapat lang naman. Sayang na sayang ang kaniyang singing career, kailangang ipagpatuloy niya ang kaniyang pinaghirapan, sayang ang oportunidad na hindi naman ibinibigay sa lahat ng mga nangangarap.

“Sandali lang siya doon, magpapalipas lang siya ng depression, tapos, pagbalik niya, e, tututukan na niya ang career niya,” sabi ng aming source.

Parang hindi naman katanggap-tanggap para sa mga sumusuporta kay Charice Pempengco na nang dahil lang sa paghihiwalay nila ni Alyssa Quijano ay basta na lang niya tatalikuran ang larangang nagbigay sa kaniya ng magandang kapalaran.

Nang dahil lang sa naunsiyaming pag-ibig, pababayaan na ni Charice ang kaniyang career, mababaw para sa kaniyang mga tagahanga ang ganoong dahilan. Tama lang na magpahinga muna siya, makipagkuwentuhan muna siya at maglabas ng saloobin sa kaniyang Pareng Ellen DeGeneres, pagkatapos noon ay magpapaaktibo na uli siya sa pagkanta.

Sayang na sayang si Charice Pempengco, sa totoo lang, kung magpapatalo siya sa isang problemang may nakalaan namang solusyon.

Ian Veneracion – Naloloka ang mga matrona sa kaguwapuhan!

“Kapatid, nagpista na naman ang mga matrona!” tili ng isang kaibigan naming becki na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan naming kilig na kilig kay Ian Veneracion.

Kuwento ng aming kaibigan, “May meeting pa ako noong gabing iyon, may gagayakan akong wedding, nasa kasukdulan ang pakikipag-usap ko sa mga clients ko, pero ang mga sisters natin, nanggugulo!

“Tawagan nang tawagan! Pero iisa lang naman ang kuwento nila, ang sobrang pagkakilig nila kay Ian Veneracion sa A Love To Last! Hala, tilian nang tilian ang mga lowkah, nag-propose na raw kasi si Anton kay Andeng!

“Sabi ko, e, tantanan muna nila ako at may inaayos pa akong raket! Nalokah ako, kasi, sabi noong isang ka-meeting ko, ‘Nakakainis nga, na-miss ko ang episode tonight, kilig na kilig din kasi ako kay Ian!’

“Naloko na! Pati pala ang kausap ko, e, ganoon din ang pagkagusto kay Ian Veneracion!” humahalakhak na kuwento ng aming bestfriend na si Sonia.

At maraming tagapanood ng serye ang natutuwa dahil marunong na raw umalma at lumaban ngayon si Andeng, palaban na raw ang role ni Bea Alonzo, hindi tulad noon na tanggap na lang nang tanggap ito ng mga panghuhusga sa kaniya ng dating misis at mga anak ni Ian sa istorya.

At tama sila, kung kailan nagkaedad si Ian Veneracion ay saka pa mas lumakas ang kaniyang appeal, ngiti at titig pa lang daw ng guwapong aktor ay ulam na.

Kahit pagod sa maghapon ang ating mga kababayan ay talagang hinihintay pa rin sila ng seryeng nagpapakilig sa kanila bago matulog.

Daniel Padilla – Seseryosohin na ang pagkuha ng voice lessons

Inalat si Daniel Padilla. Hindi pa nga naipagtatanggol ng young actor ang kaniyang sarili sa isyu ng pagyugyog niya sa puno ng cherry blossoms ay ayaw pa ring mawala ang mapapaklang salitang ikinakabit sa kaniya.

Siguradong nagpupuyos pa rin ang damdamin ng kaniyang dakilang inang si Karla Estrada, pagdating sa kaniyang mina ng ginto ay nawiwindang agad ang nanay ni Daniel, dahil sa kaliwa’t kanang pang-uupak na inaabot ngayon ng aktor sa social media.

Mayroon namang mga nagtatanggol kay DJ, pero hindi iyon sumasapat sa nagkakaisang komento ng mga netizens tungkol sa wala sa tonong pagkanta niya sa Bb. Pilipinas pageant, para lang daw kumakanta sa isang rehearsal si Daniel sa ipinamalas niyang performance noong gabi ng coronation.

Isang malakas na tapik ang mga ganoong pagpuna sa mga humahawak sa karera ng young actor. Kailangang tutukan nila ang inirereklamo ng bayan tungkol sa kanilang artista.

Sa tagal na ni Daniel sa pagsalang sa entablado, nakapag-recording na nga siya at palagi namang kumakanta sa A.S.A.P. at sa mga tinatanggap niyang shows dito at sa iba-ibang bansa man, pero bakit may ganyan pang pamimintas sa kaniyang pagkanta?

Pero may mga pangyayaring hindi kagandahan sa simula pero nagiging positibo ang resulta sa bandang huli. Pagkatapos lait-laitin si Daniel Padilla sa wala sa tono niyang pagkanta sa coronation night ng Bb. Pilipinas ay may magandang kuwentong ipinanganak tungkol sa sikat na young actor.

Ang mga negatibong pagpuna sa kaniyang boses ay nagresulta sa pagkagising ng mga taong namamahala sa kaniyang career. Ayon sa isang source na nakausap namin ay seseryosohin na ni DJ ang pagbo-voice lessons.

“Kailangan niya naman talagang gawin iyon, hindi siya dapat tamarin sa pag-eensayo. Hindi kasi siya nagbo-voice lessons, may nagga-guide lang sa recording niya, pero wala siyang regular voice lessons.

“Hindi maganda ang nangyari, nasaktan siya sa mga comments sa social media, pero nagsilbing lesson sa kaniya iyon. Hindi siya dapat sumasalang sa malalaking venue nang hindi siya nakahanda.

“Kailangang pinaghahandaan ang ganoon. Kahit nga ang magagaling nang singers, e, bumibisita pa rin sa voice coach nila dahil gusto nilang ma-perfect ang pagkanta nila. Si Daniel pa ba namana ng hindi dapat gumawa ng ganoon?” kuwento ng aming source.

At tanggap ni Daniel Padilla ang kaniyang kakulangan, hindi naman nagmamaangas ang young actor, alam niya na para rin naman sa kaniya ang mga komentong naglabasan sa wala sa tono niyang performance.

Sabi nga, paminsan-minsan ay kailangan din nating magkamali para mayroon tayong matutuhan, ano ba ang pinapansin? Di ba’t ang mga kulang at sobra lang naman?

Makagaganda para kay Daniel ang pagbo-voice lessons, singer-actor ang pagpapakete sa kaniya, sa susunod ay siguradong magiging handa na siya sa mga malakihang pagtitipon.

Ang pagiging humble ni Daniel Padilla, ang kabutihan ng kaniyang puso sa mga taong bahagi ng buhay nilang mag-iina, walang kaduda-duda na iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi bumibitiw ng paghanga sa kaniya ang publiko.

Mocha Uson – Ipinagtatanggol ngayon ni Mareng Winnie Monsod

Kahit hindi niya naman hiningi ang bagong posisyong pinanumpaan niya ay binubulabog ngayon sa social media si Mocha Uson. Ang mapanuring si Mocha, inuuri ngayon ng kaniyang mga bashers sa social media, inuupakan talaga siya.

Malaking isyu para sa mga haters ng dating dancer ang kaniyang bagong posisyon bilang Assistant Secretary ng PCOO (Presidential Communications Operations Office). Hinahanapan siya ng kuwalipikasyon. Pinagpapaliwanag siya kung bakit sobrang lakas niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pero bago pa nakapagsalita si Mocha Uson ay ang pangulo na ang nagtanggol sa kaniya. Masipag, matalino at mulat sa mga nagaganap sa ating bayan si Mocha, ayon kay Ka Digong, kaya siya ang nakakopo sa posisyon.

At nakatagpo pa ng tagapagtanggol si Mocha sa napakadiretsong mag-opinyon na si Mareng Winnie Monsod, hindi nito sinasang-ayunan ang mga kumukuwestiyon sa kapasidad ni Mocha, ano raw ang kuneksiyon ng pagiging dancer niya sa ipinagkatiwalang trabaho sa kaniya ng ating pangulo?

Hindi raw dapat husgahan si Mocha sa kaniyang nakaraan at sa kaniyang imahe, mas maganda raw na maghintay ang mga pumupunang iyon sa idedeliber na talento ni Mocha bilang Assistant Secretary ng PCOO, hinding-hindi gusto ni Mareng Winnie ang pagtuligsa kay Mocha.

Na tama naman. Sa opinyon namin ay mas magiging kapaki-pakinabang si Mocha sa PCOO kesa sa MTRCB dahil isa siyang lantad na social blogger. At huwag tawaran ang mga sumusubaybay sa kaniyang mga opinyon, apat na milyon lang naman, napakalaki at napakalawak ng naaabot ng kaniyang social blog.

Basta para sa bayan at hindi sa mga kalaban ang tinutukan ni Mocha Uson bilang kabahagi ng PCOO ay walang problema. Kailangan niyang maging patas, kailangang balanse ang pagdedeliber niya ng trabahong ipinagkatiwala sa kaniya, para ipahiya niya ang mga nambubulabog sa kaniya ngayon.

Para wala nang magsabi sa kaniya ng makasaysayang komentong – “Mukha mo!”

Mariel de Leon – Humingi ng tawad kay Mocha si Bb. Pilipinas International

Hindi siya pinadalhan ng imbitasyon, siya mismo ang nang-imbita sa kaniyang sarili para siya magkaroon ng imahe ng kanegahan, mabuti naman at mukhang may plano nang huwag makisawsaw sa kung anu-anong isyu ngayon si Mariel de Leon.

Humingi na siya ng paumanhin sa kaniyang mga nasaktan, nag-iwan na siya ng positibong pahayag para kay Mocha Uson bilang ASEC ng PCOO, wala raw siyang intensiyong manakit ng sinuman dahil ang nangibabaw lang para sa kaniya ay ang maganda niyang pangarap para sa ating bayan.

Nagkamali ng kinalaban ang nanalong Bb. Pilipinas-International. Ang akala siguro niya ay si Mocha Uson lang ang pipiyok sa kaniyang mga pinakawalang paghusga sa dating dancer. Walang kaalam-alam si Mariel na buong tropa pala ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pupupog sa kaniya, tilad-tilad ang pagkatao niya nang magsimula na siyang bulabugin ng mga kakampi ni Mocha.

Naninirahan tayo sa malayang bansa, may kakambal na kalayaan din iyon sa pagsasabi-paglalantad natin ng saloobin, pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiintindihan tayo.

Magpakawala ba naman si Mariel de Leon ng mga salitang disrespectful at not educated, ano ang bumalik sa mukha niya, di higit pa sa kaniyang inaasahan?

Bukod sa pamimintas sa kaniyang pisikal na itsura ay nadamay pa ang kaniyang mga mahal sa buhay. Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay ang naganap, dahil pati ang kaniyang amang si Christopher de Leon ay hinusgahan na rin.

Pati ang mga proyektong may hubaran ng kaniyang ama ay nakaladkad na, sensitibo kasi ang kaniyang pagpuna, mahirap kuwestiyunin ang kapasidad ng isang tao lalo na ang kaniyang edukasyon.

Napakaraming paksa na may social relevance ang dapat sana’y pinuna na lang ng beauty queen, pinalampas na sana niya ang bagong posisyon ni Mocha Uson na hindi naman nito hiningi at ipinagmakaawa, sana’y hindi siya nakakatanggap ngayon ng mga salitang hindi niya talaga makakain.

Masakit ang salitang not educated. Ang literal na pakahulugan doon ay walang pinag-aralan. Sana naman ay naglaan muna nang sapat na panahon si Mariel de Leon sa pagsasaliksik tungkol sa educational attainment ni Mocha Uson.

Tatalampak sa kaniyang mukha na ang taong minemenos niya ay malapit na sanang naging doktor kundi inagaw ng mundo ng musika ang kaniyang panahon.

Pauleen Luna – Malapit nang isilang ang panlimang anak ni Bossing Vic

Totoo namang ang ganda-ganda ngayon ni Pauleen Luna. Kung paniniwalaan ang kasabihan, kapag ganoon kaganda ang nagdadalantao ay babae ang kaniyang magiging anak, hindi nagbago ang itsura ni Poleng.

Kung excited na siya sa pagdating ng una nilang baby ni Bossing Vic Sotto ay ganoon din siyempre ang kaniyang pamilya. Magiging lolo at lola na sina Eugene at Mommy Chat sa kanilang unang apo.

At maganda ang kanilang kumbinasyon ni Vic, kapag pinaghalo ang kanilang itsura ay siguradong artistahin din ang magiging itsura ng kanilang anak, parang nakikinita na namin ngayon pa lang kung gaano magiging kabuting mommy si Pauleen na talagang mahiligin sa mga bata.

Wala nang problema sa kanilang relasyon, wala nang humaharang. Sina Vic at Poleng mismo ang nagbigay ng dahilan para tantanan sila ng mga paghusga noong bagu-bago pa lang ang kanilang relasyon.

Pinatunayan ni Vic na sinsero ang pagmamahal nito kay Poleng, magkalayo man ang kanilang edad ay hindi naman iyon kuwestiyon, ang mahalaga ay nagmamahalan sila at pangarap nilang bumuo ng mundong kanilang-kanila lang.

Panlimang anak na ito ng aktor-TV host. Limang supling na may iba-ibang ina, pero pinanindigan naman ni Vic ang kaniyang pagkaama sa pagiging responsable sa mga ito.

Sa mga huling retrato ni Pauleen sa kaniyang IG account ay biglang lumobo ang kaniyang tiyan. Ganoon daw talaga kapag malaya nang ipinaaalam sa publiko ang pagdadalantao, biglang lumalaki ang tiyan ng malapit nang maging nanay, parang gusto nang makalabas ng sanggol para magpakilala sa mundo.

Harinawang maging maayos ang kabuuang panahon ng pagdadalantao ni Pauleen Luna. Ito ang kaniyang una, siguradong mapapangalawahan pa, marami nang nasasabik sa pagdating ng kanilang munting anghel ni Vic.

AlDub Nation ­– Hating-hati na ang AlDub ngayon

Ang dating solidong puwersa ng AlDub Nation ay hating-hati na ngayon. Ihiniwalay na ang puti sa mga de-kolor. Lumulutang na ang solidong maka-Alden Richards lang at ang totoong maka-Maine Mendoza lang.

Sila-sila mismo ang nagbabangayan sa social media. Konting kibot lang ay mayroon nang umuupak sa Pambansang Bae, todo naman sa pagdepensa ang kaniyang mga tunay na tagasuporta, reaksiyon nila ay bakit ba si Alden ang binabantayan ng mga ito at hindi si Maine na kanilang idolo?

Buhay na buhay ang karera ni Alden, kahit saan siya magpuntang bansa ay positibong imahe ang kaniyang iniiwanan sa ating mga kababayan. Mabait si Alden at walang kaangas-angas kahit sikat na sikat na.

Wala sa bokabularyo ni Alden ang kayabangan. Iyon ang isa sa mga katangiang mas magdadala pa sa kaniya sa katanyagan, iyon ang tutupad sa kaniyang mga pangarap, hindi maliligaw ang karera ng Pambansang Bae.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Hunyo 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 1-15, 2017

  Iza Calzado & Bea Alonzo
 
Iza Calzado & Bea Alonzo
  Gretchen Barretto
 
Gretchen Barretto
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Marian Rivera
 
Marian Rivera
Maine Mendoza & Alden Richards
 
Maine Mendoza & Alden Richards
  Xian Lim & Kim Chiu
 
Xian Lim & Kim Chiu
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
   Jodi Sta. Maria
 
Jodi Sta. Maria 
  Winwyn Marquez
Winwyn Marquez 
  Nora Aunor
 
Nora Aunor
  Jim Paredes, Leah Navarro & Cynthia Patag
 
Jim Paredes, Leah Navarro & Cynthia Patag

Iza Calzado – Walang panama si Bea sa acting ni Iza

Sa pakikipagkuwentuhan namin sa mga kaibigang tutok na tutok sa serye nina Bea Alonzo at Ian Veneracion ay kapansin-pansin ang sobrang paghanga ng tropa kay Iza Calzado.

Kumokontrabida pa nga ang role ng aktres sa serye bilang asawa ni Ian na nang-iwan sa kanilang mag-aama, pero lumulutang ang kahusayan ni Iza. Masakit man pero kailangang tanggapin ni Bea Alonzo ang mga reaksiyon na kailangan pa nitong magdagdag ng effort para mapantayan ang galing sa pag-arte ni Iza.

“Pinag-iiwanan siya ni Iza, lamon na lamon siya. Sa mga mata pa lang ni Iza, e, walang-wala na ang nakakahong acting ni Bea!” komento ng isa sa umpukan.

At kabisado ng mga ito ang eksena, hindi sila naliligaw, under-acting daw ang atake ni Iza sa mga komprontasyon nila ni Bea.

“Hindi naman kasi kailangang palaging sumisigaw ang artista kapag sumasalang siya sa confrontation scene, e. si Iza ang best example sa ganoon. Parang pigil na pigil ang boses niya, pero naman!

“Nangangain ang mga tingin niya! Kapag magkaeksena nga sila ni Bea, e, makikita mo na marami pang dapat matutuhan si Bea. Pinapaboran siya ng mga camera dahil maganda siya, pero sa acting, e, magmamano siya kay Iza dahil kinakain siya nang walang ka-effort-effort!

“At napakaganda rin ni Iza, ha? Naghahabulan lang ang ganda nila. Nakakaloka naman kasi si Iza Calzado. Kahit sino yata ang makaeksena niya, e, nawawala sa kuwadro dahil nilalamon niya!” komento naman ng isa pa sa umpukan.

Isa lang ang ibig sabihin nito, sinusubaybayan ng grupo ang A Love To Last, tulad din ng ibang mga nakakausap namin na sobrang kinikilig naman kay Ian Veneracion.

“Tingin pa lang ni Ian, ulam na,” paglalarawan ng isang kaibigan naming beki. Kung kailan daw nagkedad ang guwapong aktor ay saka pa namayagpag ang kaniyang career.

Pana-panahon lang talaga.

Gretchen Barretto – Maganda, sosyal pero maugat na ang mga binti

Kung kasosyalan at pormang yayamanin ang pag-uusapan ay walang kakabog kay Gretchen Barretto. Keri niya kasi ang kahit anong gawin niya. Kahit galing sa ukay-ukay ang kaniyang isuot ay kakambal pa rin noon ang kasosyalan. Mag-lipstick lang siya ay pakakainin niya ng alikabok ang mga babae d’yan na oras ang binilang sa pagpapa-parlor.

Pero sa ganda at kasosyalang iyon ni La Greta ay nahanapan pa rin siya ng kapintasan ng mga netizens na daig pa ang leon sa pang-amoy at talas ng mga mata. Ang napagdiskitahan ng mga ito ay ang mga ugat na nagsasalimbayan sa kaniyang mga paa, ugating Gretchen ang tatak na ibinigay sa kaniya sa social media.

Sa nasabing video kasi ay nagsimulang maglaro ang mga camera sa kaniyang mukha, sa kaniyang katawan, pababa sa kaniyang mga paa. Doon nakahanap ng butas ang mga kababayan nating matagal nang hindi natutuwa sa aktres.

Masyado raw kasi niyang ipinagbabanduhan ang kaniyang kayamanan na hindi niya naman pinaghirapan kundi produkto lang ng pakikipagrelasyon niya sa negosyanteng si Tony “Boy” Cojuangco.

Komento ng isang iritado kay Gretchen, “Ang ganda-ganda mo nga, puro branded nga ang lahat ng stuff na mayroon ka, pero hindi mo naman maihanap ng gamot ang ugating mga paa mo!

“Nasaan na ang sinasabi mong age is just a number? E, kitang-kita namang tumatanda ka na rin dahil sa mga ugat mo sa paa?” komento nito.

Aray ko! Isa kasi sa mga barometro sa pagkakaedad ng mga kababaihan ay ang mga ugat sa mga kamay at paa at balat sa leeg na hindi naitatago.

Huwag na lang kasing ibinubuyangyang sa publiko ang video para wala nang usapan.

Sharon Cuneta – Sana’y umaksiyon nang naaayon sa kaniyang edad

Umalis at bumalik si Sharon Cuneta na hindi pa rin malinaw kung ano ang tunay na estado ng pagsasama nila ni Senador Kiko Pangilinan.

Iyon ang kahinaan ng Megastar. Palagi siyang tinatalo ng kaniyang emosyon. Hindi niya kayang magtimpi. Sasabihin niya ang kaniyang gusto at nararamdaman kahit pa lumikha iyon ng pagdududa ng publiko.

Sobra pa sa wastong edad si Sharon, sana nga ay tantanan na niya ang pagtutok sa social media para maglabas ng kaniyang mga hinaing. Sana’y umaksiyon si Sharon Cuneta nang naaayon sa kaniyang edad. Gamitin na lang sana niya iyon sa mga kuwento tungkol sa nagaganap sa kaniyang shooting at taping na siguradong ikatutuwa ng kaniyang mga fans.

Tama na ang pang-iimbita ng mga intriga, tantanan na niya ang paglalabas ng mga personal na pangyayari sa kaniyang buhay, doon lang niya mahahawakan ang tahimik na buhay sa likod ng mga camera na matagal na niyang pinapangarap.

Siguro nga ay napakahirap ng buhay sa itaas. Hindi alam ni Sharon kung sinu-sino lang ang pagtitiwalaan niya. Maraming beses na kasi siyang nagtiwala at nabigo.

Sinubukan na niyang dumistansiya sa social media, nasunog siya nang husto noong lantaran niyang puri-purihin ang kaniyang anak na si Frankie, na ang naging dating sa publiko ay panglalaglag niya naman sa kaniyang panganay na si KC.

Hindi naging maganda ang persepsiyon ng mga kababayan natin sa ginawa niyang pag-aangat sa panganay nila ni Senador Kiko at pagbabagsak naman sa anak nila ni Gabby Concepcion.

At nagkakaisa ang mga kababayan natin sa pagsasabi na personal ang dinadalang problema ngayon ni Sharon Cuneta. Ang relasyon nila ni Senador Kiko Pangilinan ang pinagsususpetsahan na ugat ng mga emosyon niya ngayon.

Paulit-ulit na lang ang kuwento.

Marian Rivera – Maldita pa rin hanggang ngayon

Kailangan na sigurong iupo para sa isang masinsinang pag-uusap ng mga namamahala sa kaniyang career si Marian Rivera. Sentro na naman siya ng pamba-bash ngayon sa social media dahil sa kuwento ng isang pamilyang nakasabay niya sa eroplano kamakailan.

Walang ibang istorya, pare-pareho rin. Ang pagmamaldita ng aktres ang ugat ng kuwento. Palagi na lang ganoon, parang ikinambal na sa kaniyang imahe ang kamalditahan, wala na bang iba?

Dagdag na impormasyon ng aming source, “Sa Sunday PinaSaya last week, eh, promo dapat ng Mulawin VS. Ravena, pero si Regine Velasquez lang ang nag-guest.

“Walang Mulawin na si Dennis Trillo dahil magkaaway pa rin sila ng ex-manager niyang si Popoy (Caritativo), wala ring Heart Evangelista, Carla Abellana at Lovi Poe, dahil kaaway rin ni Marian.

“Hay, naku! Walang nagawa ang GMA-7, nakakaloka si Marian!” kumpletong kuwento ng aming kausap.

At pati ang pagbibitiw ni Marian ang salitang OFW ay pinapansin din ngayon ng mga netizens, sana raw ay may gumabay sa aktres-TV host, para hindi niya iyon sinasabing Ow-Ep-Dobol You.

Sa pagkakaalam namin ay napino na ni Dingdong Dantes ang sinasabing kamalditahan ni Marian. Nabawasan na raw iyon. Pero bakit may mga kuwento pang ganyan na naglalabasan tungkol kay Marian?

Ikahihirap ba ni Marian Rivera ang pakikipag-selfie ng mga fans? Mababawasan ba ang kaniyang kagandahan kung magpo-pose siya at magpapakawala ng ngiti?

Sabi nga ng isang kaibigan namin ay ang ngiti ang pinakamagandang outfit. Hindi kailangan ng damit na branded, smiley pa, puwede.

Sana’y mapagtanto ni Marian Rivera na lahat ng mayroon siya ngayon ay dahil sa mga kababayan nating sumusuporta sa kaniya. Ang suporta ng publiko ang nagluklok sa kaniya bilang Primetime Queen noon ng GMA-7.

Gaano ba naman katagal ang kakaining panahon ng pakikipag-selfie? Ilang segundo lang iyon ay tapos na. Nakapagpaligaya na siya ng mga kababayan natin.

Alden Richards at Maine Mendoza – Nag-flop ang serye sa GMA7

Natuldukan na ang serye nina Alden Richards at Maine Mendoza na naging kontrobersiyal dahil mismong kasamahan nila sa GMA-7 ang nagsabing flop ang serye.

May gagawin daw silang pelikula, pero habang hindi pa iyon nagsisimula ay ano na ba ang mangyayari sa dalawa. Kunsabagay ay nand’yan naman ang Eat… Bulaga! na puwede nilang balikan dahil doon naman ipinanganak ang kanilang tambalan.

Sa panig ni Alden ay walang problema dahil mabenta siya sa mga shows dito at sa iba-ibang bansa man, siya ang hinihingi ng mga Pinoy producers, maraming kababayan natin ang sabik na sabik na makita-mapanood siya.

Pero kay Maine Mendoza ay walang masabi ang mga kababayan natin, nagsimula at natapos kasi ang kanilang serye ni Alden na uhaw pa rin sa magagandang komento ang Dubsmash Queen, isinasama na nga ito sa listahan ng mga hamonadong artista sa larangan ng pag-arte.

Baka naman OA lang ang paglalarawan sa acting ni Maine Mendoza. Baka naman ayaw lang talaga sa kaniya ng mga nagkokomento. Baka naman galit lang sa dalaga ang mga namimintas sa pag-arte nito.

Puro baka naman lang ang naging komento namin. Hindi namin maipagtanggol si Maine Mendoza dahil kahit isang segundo lang ay hindi namin nasilip ang serye nila ng Pambansang Bae.

Xian Lim – Hindi na raw muna siya mag-aartista

Nagpaalam na si Xian Lim sa mga tagasuporta niya sa social media. “Bye for now” ang kaniyang sabi, kasingtipid ng pamoso niyang linyang “Very well,” kapag nagho-host siya ng beauty pageant.

Pero ang tanungan ngayon ay kung ano ba ang tunay na dahilan ng pamamaalam ni Xian Lim. Hindi na raw muna siya mag-aartista. Gusto na muna niyang mamuhay nang tahimik at pribado na malayung-malayo sa mga mata ng publiko.

Sa kaniyang pagpapaalam ay may mga nagkometo. Sabi ng isa, “Naging artista ka ba? Parang hindi ko naman iyon naramdaman!”

Nakakalungkot dahil simula nang pasukin ni Xian Lim ang showbiz ay ikinambal na sa kaniyang balat ang pagiging ham actor. Wala siyang talento sa pag-arte. Kaguwapuhan lang ang sinasabing puhunan niya.

Siya ang male personality na palaging naba-blind item na nagiging dahilan ng pagtatagal ng taping dahil sa hindi niya makuha-kuha ang tamang emosyon sa eksena. Kahit maiigsing linya lang ay hirap na hirap din siyang itawid.

At ang nakakaloka pang kuwento tungkol sa aktor na ewan kung pinalutang lang ng mga taong ayaw sa kaniya ay ang pagiging banidoso.

Ang tagal-tagal daw niyang maligo dahil ang dami-dami niyang rekotitos. May bitbit daw siyang yelo at gatas sa CR para ipahid sa buo niyang katawan.

At may makalilimot ba sa urban legend (urban legend daw, oh!) ng showbiz na nagpapahid ng gamot na pula si Xian Lim sa kaniyang nipples, talampakan at siko para magkulay rosas ang mga bahaging iyon ng kaniyang makinis na katawan?

At paano na raw ang kanilang relasyon ni Kim Chiu na hindi naman binili ng publiko? Produkto ng hype ang relasyon nila ng young actress, dahil mismong mga katrabaho nila ang nagpapatotoo na sweet-sweet-an lang sila kapag may mga nakakakita, pero kapag wala na ay kani-kaniya na sila ng pinagkakaabalahan at hindi man lang sila nagpapansinan.

Kapag ganyan ang mga kuwentong ikinakambal sa pag-aartista ni Xian Lim, kung kayo ang magsusuot ng sapatos niya, magpapaalam na rin ba kayo?

Kris Aquino – Nabalagoong na ang career ngayon

Alam na this! Kaya naman pala tutok na tutok ngayon si Kris Aquino sa kaniyang cooking show na napapanood sa kaniyang FB, ang The Kris List, ay nilulukuban siya ng depresyon sa kinauwian ng kaniyang audition sa Hollywood.

Hindi pala siya napili para sa malaking role sa pelikulang sinasabi niya, pang-extra lang pala ang naibigay sa kaniya, kaya siguro siya ganito katahimik tungkol sa kaniyang Hollywood dream.

Wala siyang sinasabi ngayon, kung gaano siya kaingay noong pipirma pa lang siya ng kontrata ay biglang preno ang bibig ngayon ng TV host tungkol sa Hollywood movie, nabulilyaso na naman pala ang kaniyang pangarap.

Ano ba namang indulto ang dumating na ito kay Kris? Lahat ng pasukin niya ay parang may kung anong humaharang. Para siyang pinagtampuhan ng panahon.

Sinimulang panoorin ng mga kaibigan namin ang kaniyang cooking show pero hindi na nila tinapos. Madilim na raw kasi ang materyal na parang si Kris lang naman ang naiilawan ay napakapormal pa ni Kris, wala ang mga inaasahan nilang kataklesan-kaartehan ni Kris na kaniyang-kaniya lang, todo-Ingles pa siya samantalang mga pagkaing Pinoy naman ang kiyeme-kiyemeng itinuturo niya kung paano lutuin.

“Sobrang bagal, aantukin ka, saka bakit siya English nang English, e, puro Filipino food naman ang iniluluto niya? Kung sanay kang manood ng mga food channels sa ibang bansa, hindi mo tatapusin ang panonood sa cooking show niya.

“Naliligaw siya, tutok na tutok siya sa pagluluto, kaya madalas na wala siyang dialogue, hindi niya nabibigyan ng buhay ang cooking show niya,” komento ng isang kaibigan naming nakapanood na ng The Kris List.

Naumay kay Kris Aquino ang publiko. Masarap lang basahin ang kaniyang mga posts, pero dahil sa sobrang kasarapan, nagsawa sa kaniya ang mga kababayan natin.

Naghanap ng iba. Kumbaga sa pagkain, hindi man kasarapan na tulad ng ihinahain ni Kris, ay may bagong lasa.

Angel Locsin – Kung totoo man ang usapan, napakagandang tibo

Hanggang ngayon ay binubulabog pa rin ng kaniyang mga bashers si Angel Locsin. Kung anu-anong negatibong komento ang mababasa tungkol sa magandang aktres sa social media.

Kahit daanin pa sa bling item ang bira sa aktres ay madaling hulaan na siya ang tinutukoy, kasama sa mga kuwentong ibinabato sa kaniya ang isyu ng pagiging tibo, sa gandang iyon ni Angel ay pinalalabas ng mga ayaw sa kaniya na babae ang kaniyang type.

Nakapagtataka na ayaw mamatay-matay ang kuwentong iyon tungkol kay Angel, samantalang kung susukatin naman ang kaniyang porma at pagkatao ay babaeng-babae siya, lalaki ang kaniyang hanap.

Hindi lang lumutang ang kuwentong iyon nang magpaigsi siya ng buhok, dati nang laman ng social media ang isyu ng kaniyang katibuan, iyon daw ang dahilan ng hiwalayan nila ni Luis Manzano.

Mas masaya raw kasi si Angel kapag kasama ang kaniyang mga katropang tibo kesa sa poder ni Luis. Madalas daw nilang pagtalunan iyon, kaya nang hindi na nakatiis si Luis ay nakipaghiwalay na lang ito sa aktres.

Lumalabas tuloy na parang front lang ni Angel ang sinasabing manliligaw niyang si Neil Arce dahil ang totoo ay magkapareho lang daw naman ang kanilang hanap.

May isang sutil pang basher si Angel Locsin na sa halip na costume ni Darna ang suot niya ay costume ni Superman ang ipinasuot sa kaniya.

Kung totoo ngang may bahid ang kagandahan ni Angel Locsin ay napakaganda naman niyang tibo!

Jodi Sta. Maria – Napakaganda pero sana’y hindi anorexic

Nakasabay ng mga kaibigan namin sa flight si Jodi Sta. Maria. Gandang-ganda pa rin ang mga ito sa aktres, parang wala raw ipinagbabago ang itsura ni Jodi, naalala tuloy nila ang seryeng pambagets na Tabing-Ilog.

Habang gandang-ganda ang mga kaibigan namin kay Jodi ay kasabay rin noon ang matinding malasakit at pag-aalala. Maysakit daw ba si Jodi?

Kuwento ng isang kausap namin, “Soooobrang payat niya! Alam mo iyong buto niya sa leeg? Puwede mo nang paglagyan ng patis na kahit kumilos siya nang kumilos, e, hindi tatapon!

“Ganoon katindi ang kapayatan niya, parang balat na lang ang nagdudugtong sa laman at buto niya. Napakalalim ng mga buto niya sa leeg, nakakapag-alala iyon!” sinserong reaksiyon ng aming kaibigan.

Sabi naman ng isa pa, “Anorexic ba siya? Noong minsang makita namin sila ni Vice-Governor Jolo Revilla sa Makati, e, hindi naman siya ganyan kapayat! May laman pa naman siya.

“Pero noong nakasabay namin siya sa flight, talagang payat na payat na siya. Parang halos wala na siyang laman, parang natutuyot na tuloy siya.

“Sayang, ang ganda-ganda pa naman niya, magdagdag naman sana siya ng weight. Nakakatakot ang ganyan, remember Karen Carpenter?” nag-aalalang pahayag ng aming kausap.

Huli naming nakita si Jodi Sta. Maria ay noong nakaraang taon pa. Sila pa noon ni Vice-Governor Jolo, tahimik lang siyang nakaupo sa isang tabi, binabalik-balikan lang siya ng BF niya. Bumebeso naman siya sa mga dumadalaw sa PNP Custodial Center pero lagi lang talaga siyang tahimik sa isang sulok.

Sayang ang inalagaan nilang relasyon na sa hiwalayan din nauwi. Gusto na siyang pakasalan ni Vice-Governor Jolo pero hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal nila ni Pampi Lacson na may iba nang pamilya ngayon.

Lihim na lihim ang pagpapakasal nina Pampi at Jodi sa Mandalay Bay salas Vegas. Mahal Na Araw noon, nalaman namin ang kanilang pagpapakasal mula kay Col. Jude Estrada, dahil isa sa mga ninang nila si dating Senadora Loi Ejercito.

Winwyn Marquez – Magmamano kay Alma kung ganda ang pag-uusapan

Nakita namin ang napakaseksing katawan ni Alma Moreno nang ilunsad siya ng Sampaguita Pictures sa pamamagitan ng Eva Fonda 16. Hubog-softdrinks ang katawan ng magandang aktres.

Kumita ang mga pelikulang pinagbidahan ni Ness, bukod kasi sa napakaganda niyang katawan ay panglaban din ang kaniyang kagandahan, hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa pag-arte si Alma Moreno.

Pero noong huli namin siyang makita ay wala na kahit ang anino lang ng sexy niyang katawan, triple ang ibinigat ng kaniyang timbang, napakalaki na ngayon ni Alma Moreno.

Nang maging abala na siya sa pakikilahok sa mundo ng pulitika ay napabayaan na ni Ness ang kaniyang katawan. Nagkasakit pa siya, mabuti na lang at naagapan iyon, kaya paminsan-minsan na lang umaatake ang matinding sakit ng kaniyang ulo na mas malala pa sa migraine.

Pero nand’yan pa rin ang kagandahan ni Ness na kinabaliwan ng mga kalalakihan, lumaki man ang kaniyang katawan na naging puhunan niya sa pagsikat ay hindi pa rin kumukupas ang kaniyang ganda, walang tulong ng salamat po doktor ang ganda ni Alma Moreno.

Nang makita namin si Winwyn Marquez, anak nila ni Mayor Joey, ay para kaming nagbalik sa panahon ng Eva Fonda 16. Seksing-seksi ang dalaga, nawawala ang kaniyang bewang, inaasinta ng isang manager ng mga beauty queen na ipanglaban si Winwyn sa Miss World-Philippines.

Bakit nama ang hindi? Maganda na at sexy ay matalino rin si Winwyn, may puwede itong patunayan, tulad din ni Pia Wurtzbach na nakatatlong pagtatangka muna bago nito naisuot ang korona ng pagiging Miss Universe.

Kung ganda ang pag-uusapan ay magmamano si Winwyn sa kaniyang ina. Iba ang ganda ni Alma Moreno, natural na ay nang-iimbita pa, walang kakupas-kupas ang kaniyang ganda.

Nora Aunor – 1967 nang maging kampeon ng Tawag Ng Tanghalan

Mistulang naging tribute para sa Superstar na si Nora Aunor ang kabuuan ng aming programa noong nakaraang Martes (May 30) nang hapon. Bago nagsimula ang Cristy Ferminute ay nagpadala ng mga materyales ang mahal naming si Kabsat Portia Ilagan.

Ang mga kanta at larawan at video ay bilang pagpapahalaga sa ika-50 taong anibersaryo ng pagkakampeon ni Nora Aunor sa Tawag Ng Tanghalan noong 1967.

Katorse anyos lang siya noon, pero ang kaniyang boses ay buung-buo na, labing-apat na linggo niyang hinawakan ang pagiging weekly champion hanggang sa si Nora Aunor na nga ang tinanghal na kampeon ng Tawag Ng Tanghalan nang taong iyon.

Melangkolya ang hatid ng mga piyesang People at Moonlight Becomes You, ang mga kantang ipinanglaban ni Nora, kapansin-pansin na sa edad niyang 14 pa lang ay wala ka nang hahanapin pa sa kaniyang boses at enunciation sa pagbibitiw ng mga liriko ng piyesa.

Ang liit-liit ng kinatawan ng Iriga City, pero ang kaniyang boses ay pangdalaga na, sa isang larawan ay kasama pa niya si Mamay Belen Aunor na naging talent scout at tunay na gumabay sa pagkanta ni Nora.

Maraming nagkakamali sa relasyon nina Nora at Mamay Belen, maraming nag-aakala na ang kaniyang tiyahin ang tunay niyang ina, magkapatid sina Mamay Belen at Mamay Tunying Cabaltera Villamayor.

Dinala lang ng Superstar ang apelyidong Aunor, ang anak nina Mamay Belen at Sgt. Satrunino Aunor ay sina Ate Tita, Romy, Bobot, Ramon at Lala, magpipinsang-buo sila ni Nora.

Inangkin ng kasikatan ng Superstar ang buong dekada ‘70. May kalaban siya noon, si Vilma Santos, pero mas kinagat ng publiko ang tambalang Guy & Pip nila ni Tirso Cruz III.

Iyon ang mga panahong nagwawala ang sambayanang Pilipino sa kanilang tambalan. Nagsasarado ang mga sinehang pinagpapalabasan ng kanilang mga pelikula at hindi sila puwedeng maglakad nang malaya sa kalye dahil siguradong pupupugin sila ng ating mga kababayan.

Wala nang mas titindi pa sa kasikatang naabot ni Nora Aunor. Dinadambana siya noon at hindi lang siya basta hinahangaan, nag-iiyakan ang kaniyang mga tagahanga masilip lang siya, ganoon katindi ang popularidad ni Nora Aunor.

Leah Navarro, Jim Paredes at Cynthia Patag – Tatlong laos

Binubulabog ngayon sa social media sina Leah Navarro, Jim Paredes at Cynthia Patag. Dilawan ang tawag sa kanila, may kinikilingang partido, kaya panay-panay ang upak nila kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Bumahing lang ang pangulo ay mayroon na agad komento ang tatlo, binabantayan talaga nila ang mga aksiyon at salita ng tagapamuno ng ating bayan, para mayroon silang mai-post sa social media.

E, tatatlo lang sila, mayroon mang mga sumasang-ayon sa kanilang mga opinyon ay hindi iyon sasapat sa milyun-milyong tagasuporta ng pangulo, kaya puro bashing ang inaabot nila ngayon sa social media.

Ayaw naming makisawsaw sa kanilang mga ipinaglalaban, mas gusto naming magbigay ng opinyon na ang mga tao talagang libre at walang pinagkakaabalahang makabuluhang bagay ay nagpapapansin na lang, para maramdaman pa rin ng publiko ang kanilang presensiya.

Sinungaling ba kami kung sasabihin naming pumanaw na ang career ng tatlong ito? Nagkaroon sila ng pagkakataong makilala, lalo na si Jim Paredes na bitbit din ang pangalan nina Danny Javier at Buboy Garovillo, sikat na sikat noon ang APO Hiking Society at ang kanilang mga kanta.

Pero hindi na sila aktibo ngayon, mga piyesa na lang nila ang naririnig natin, piniling magnegosyo nina Danny at Buboy pero si Jim ay tumutok sa sinasabi niyang pagpapakalalim sa takbo ng estado ng ating bayan.

Si Leah ay ganoon din, bukod sa matanda na ang kaniyang itsura ay napakarami nang nagpakain ng alikabok sa kaniya sa pagkanta, kaya abalang-abala ngayon ang sosyalerang singer sa pagbatikos sa ating pangulo.

Di lalo naman si Cynthia Patag na ang tanging alaalang iniwan sa ating mga kababayan ay ang role nito sa Palibhasa Lalake na may kandong palaging stuffed toy sa kaniyang boses na parang pinunit na yero.

Iyon lang ang aming opinyon, hindi pampulitika, kundi ang katotohanan ng buhay na kapag tapos na ang career ng mga personalidad ay kung anu-ano na lang ang naiisip nilang gawin. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Hunyo 16-30, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 16-30, 2017

Tirso Cruz III
  Julia Barretto
 
Julia Barretto
  Jessy Mendiola & Luis Manzano
 
Jessy Mendiola & Luis Manzano
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Pia Wurtzbach & Marlon Stockinger
 
Pia Wurtzbach & Marlon Stockinger
  Gerald Sibayan & Ai Ai delas Alas
 
Gerald Sibayan & Ai Ai delas Alas
  Piolo Pascual & Judy Ann Santos
 
Piolo Pascual & Judy Ann Santos
  Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
   
 
Tirso Cruz III
  Maine Mendoza
 
Maine Mendoza
  Sharon Cuneta
Sharon Cuneta
  Sarah Geronimo
 
Sarah Geronimo
  Bamboo
 
Bamboo

Julia Barretto – Kaaway nga ba ang kapatid na si Daniella?

Kung kailan naman gumaganda na ang imahe ni Julia Barretto ay saka naman lumutang ang kuwento tungkol sa hidwaan nila ng kaniyang kapatid na si Daniella.

Magkapatid sila sa ina, si Dani ang naging bunga ng relasyon nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto; itinuring na tunay na anak ni Dennis Padilla si Daniella noong nagsasama pa sila ni Marjorie.

Maganda ang kumbinasyon nina Dennis at Marj, artistahin ang itsura ng kanilang mga anak; hindi naman masyadong magkatugma ang dugo nina Kier at Marjorie.

Sa buong panahon ay kay Marjorie nakapisan si Dani, hindi namin nabalitaan kahit minsan na kinuha ito ni Kier. Ang mas natatandaan namin ay ang pagmamahal ni Claudine noong bata pa si Daniella.

Ayon sa kuwento ay umalis na si Dani sa poder ng kaniyang ina. Ewan lang kung kaninong tita nakatira ngayon ang dalaga nang si Daniella; ang kuwento pa ay nakikisali ngayon sa gulo ng kaniyang ina at kapatid si Julia.

Reaksiyon ng marami, sana raw ay si Julia ang gumawa ng paraan para magkasundo ang kaniyang mommy at kapatid, sa halip na palakihin pa niya ang gulo sa paglalabas ng mga retratong wala si Dani.

Naglabas kasi ng picture si Julia na kasama ang mga taong mahal niya, pero wala si Dani, tuloy ay kung anu-anong interpretasyon ang naglalabasan ngayon dahil sa ginawa ni Julia.

Pero sa isang nakakuwentuhan namin ay iba ang pinagkakainteresan, ang kaniyang pang-uusisa, “Si Dani lang ba ang half-sister ni Julia? Di ba, mayroon pang isa?” sabi nito.

Sabi na nga ba, hahaba nang hahaba ang istoryang ito, kaya habang maaga pa, kailangan nang tuldukan ni Marjorie ang hidwaan nilang mag-ina kung mayroon man, para wala nang lumabas pang mga dagdag na kontrobersiya.

Luis Manzano – Compatible kay Jessy lalo na sa pagpatol sa mga bashers

Sa maraming anggulo ay masasabi ngang compatible sina Luis Manzano at Jessy Mendiola. Pareho silang mahilig sa scuba diving, maraming sports silang pinagkakasunduan, idagdag pa ang hilig nilang pumatol sa kanilang mga bashers.

Tawa kami nang tawa sa pakikipagkuwentuhan sa propesor naming kaibigan. Kabisado kasi nito ang kartada ng mga artista sa madalas nitong pagbababad sa social media.

Ang sabi nito tungkol kina Luis at Jessy, “Nakakaloka silang dalawa! May time talaga silang sumagot sa mga bashers, nakikipagtaltalan sila, lalo na si Luis na namemersonal pa ng mga bashers niya!

“Sa lahat ng mga artistang mahilig pumatol sa mga bashers, e, si Luis ang pinakamatindi. Namba-body shaming kasi siya, super-namemersonal, kaya maraming nanggigigil sa kaniya!

“Ang iniisip ko lang, hindi ba siya pinangangaralan ng parents niya na mga artista rin at hindi naman palaaway na tulad niya? Tahimik ang mga magulang ni Luis, kaya nakapagtataka kung kanino niya namana ang ugaling ganyan!” seryosong komento ni prop.

Compatible daw talaga sina Luis at Jessy kaya malakas ang kutob ng marami na magkakatuluyan ang dalawang ito. Madalas kasing nagiging dahilan ng mga artistang nagkakahiwalay ang incompatibility.

Pero sa totoo lang naman kasi, may mga bashers na sumosobra rin kung manghusga, kung mahina-hina lang at maigsi ang pisi ng pasensiya mo ay siguradong papatol ka.

Angel Locsin – Nagkawanggawa sa Marawi pero napintasan pa

Mahirap talaga ang posisyon ng mga artista. Gumawa man sila ng kabutihan na walang kuwestiyon namang galing sa puso ay marami pa ring nasasabi laban sa kanila ang mga taong walang nakikitang maganda sa kanilang kapuwa.

Tulad na lang ni Angel Locsin na inirisko na nga nag kaniyang buhay para lang makadalaw-makatulong sa ating mga kapuwa Pilipinong naging biktima ng giyera sa Marawi.

Hindi niya naman ipinagmakaingay iyon, nakisabay lang siya sa tropa ng DSWD na mamamahagi ng tulong sa mga taga-Lanao del Norte; hindi rin siya ang naglabas ng mga retrato at video tungkol sa kaniyang pagdalaw sa mga Muslim.

Pero ano ang napala ng aktres? May mga nagpatutsada pa sa kaniya na ang pagtulong daw ay hindi ipinagmamakaingay, ginagawa na lang daw iyon nang tahimik. Nakakaawa naman si Angel na tinanggap na nga ang hamon na delikado ang kaniyang gagawin pero sinunod pa rin niya ang dikta ng kaniyang puso.

Sa dinami-dami ng mga artistang mayroon tayo ngayon ay hindi pa ba naman mapupuri ang tapang na ipinamalas ni Angel? Siya lang naman ang nagkaisip na personal na damayan ang mga kababayan natin sa Mindanao. Kulang pa ba ang kagandahan ng puso na ipinakita niya, kailangan pa bang magbuwis ng buhay si Angel Locsin para pahalagahan ang mabuti niyang puso?

Ang mga pumupuna-umuupak sa kaniya, may nagawa naman kaya itong makabubuti sa buhay ng mga kababayan nating nasukol sa giyera sa Marawi, nakapag-ambag man lang kaya sila kahit paano?

Pia Wurtzbach – Sino ba ang “nauntog” – si Pia o si Marlon?

Mukhang nagkakaroon ng problema sa pagitan ng beauty queen na si Pia Wurtzbach at sa kaniyang boyfriend na si Marlon Stockinger. Nauntog na nga ba sa katotohanan ang dalaga?

Mula nang malantad ang nakaraan ng boyfriend ni Pia sa pagkakaroon ng dalawang anak na hindi man lang nito kinilala at binigyan ng suporta ay napakarami nang nag-uudyok sa beauty queen na makipaghiwalay na kay Marlon.

Wala raw magandang kinabukasang maibibigay sa kaniya ang isang iresponsableng lalaking tulad ni Marlon. Kung ano raw ang ginawa nito sa kaniyang mga anak ay siguradong gagawin din nito kay Pia kapag nagpamilya na sila pero hindi nakinig si Pia sa mga sinasabi sa kaniya ng mga nagmamalasakit niyang kaibigan.

Pero nitong mga huling araw ay wala nang mga retrato ni Marlon na ipino-post si Pia, mukhang hindi na rin nila sinusundan ang isa’t isa sa social media, kaya maraming kaibigan ng dalaga ang natuwa.

Sabi ni prop, “Hindi kasi magandang tingnan sa isang beauty queen na tulad niya ang labas nang labas ng mga pictures nila ng BF niya.

“Nakakabawas iyon sa premium niya. Pero tama rin ang opinion ng isang kausap ko na baka naman si Marlon ang nakipaghiwalay kay Pia dahil sa controversy nila ng family niya? Di ba, galit na galit ngayon kay Pia ang stepmon at half-brother niya?

“Aba, they deserve each other naman pala, kung ganoon? Isang iresponsableng lalaki at isang sinungaling na babae, kung totoo nga ang bintang sa kaniya ng mga kadugo niya?

“Baka naman pareho lang silang nauntog sa katotohanan, hindi kaya?” komento ni prop.

Ai Ai delas Alas – Magpapakasal kay Gerald sa Pilipinas

Bago matapos ang taon ay magpapakasal na sina Gerald Sibayan at Ai Ai delas Alas sa Pilipinas. Burado na ang planong sa Amerika muna sila magpapakasal sa Nobyembre at sa susunod na taon na ang pagpapakasal nila dito.

Biglaan ang mga pangyayari. Kinausap ni AiAi ang mga kaibigan niyang pari para humingi ng gabay at basbas tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Gerald.

Sa bandang huli ng kanilang usapan ay nagbago na ang kanilang mga plano. Kailangan na nilang magpakasal bago matapos ang 2017 at hindi na sila magpapakasal sa ibang bansa.

Naniniwala si AiAi na may dahilan ang pagbabago ng kanilang mga plano ni Gerald, hindi iyon basta ipinanganak lang sa pakikipag-usap niya sa mga pari, may malalim na dahilan iyon.

Mahihirapan lang sila sa biglaang pagpaplano, pero iyon na lang naman ang kanilang tututukan, wala nang problema sa kanilang relasyon at sa kani-kanilang pamilya.

Akalain n’yo iyon? Ang relasyong hinusgahan dahil sa malaking agwat ng kanilang edad, ang pagmamahalang pinagdudahan na ipinaglaban, sa altar pala ang uwi?

Noong minsang nagkausap kami ni Gerald, pinahanga kami ng binata dahil sa kaniyang napakahabang pisi ng pasensiya at pang-unawa, ipinagkikibit-balikat lang nito ang kaniyang mga nababasa at naririnig.

Simple lang ang kaniyang sinabi, “Okey lang po iyon. Ang mga nagdududa lang naman po sa akin, eh, ang mga taong hindi ako kilala.” iyon lang.

Si Gerald Sibayan ang nagpamulat sa amin ng kapositibuhan ng buhay. Sa halip na sabihin nating mayroon tayong problema ay sabihin na lang natin na may dumadaang pagbabago sa ating buhay na may kakambal na leksiyon.

Sa halip na sabihin nating wala tayong pera ay sabihin na lang natin na may mga padating na biyaya pero hindi pa nga lang natin hawak.

Malaki kasi ang tiwala ni Gerald sa kaniyang sarili, hindi madaling makipagrelasyon sa isang sikat na sikat na personalidad, pero kinakaya iyon ng binata dahil alam nito na malinis ang kaniyang hangarin sa pakikipagrelasyon sa Philippine Comedy Queen.

Sa isang pag-uumpukan naming magkakaibigan ay ibinahagi namin sa kanila ang isang kuwento. Dalawang lalaki pa lang ang nasaksihan naming hindi nahihiyang bitbitin ang bag ng kanilang karelasyong artista.

Una ay si Senador Win Gatchalian noong sila pa ni Pauleen Luna. Lalaking-lalaki kasi ang mambabatas, kaya anuman ang sabihin ng iba, may tiwala ito sa kaniyang kasarian.

Ang ikalawa ay si Gerald Sibayan. Kapag may nagpaparetrato kay AiAi, ito ang humahawak ng bag ng komedyana, walang pagdadalawang-isip nitong binibitbit ang bag ng kaniyang girlfriend.

Judy Ann Santos – Hindi excited sa planong movie na katambal si Piolo

Maraming nakakahalata na hindi seryoso si Judy Ann Santos sa ideya ng muli nilang pagtatambal sa pelikula ni Piolo Pascual. Parang oo na parang hindi ang reaksiyon ni Juday sa posibilidad ng pagtatrabaho uli nila ng hunk actor.

Walang makakukuwestiyon sa inabot ng kasikatan ng kanilang loveteam noon, panalo ang lahat ng mga ginagawa nilang pelikula, mataas palagi ang rating ng mga seryeng pinagbibidahan nila.

Pero naunsiyami ang kanilang mga tagahanga nang maugnay si Juday kay Ryan Agoncillo, na nauwi na nga sa kasalan, naiwan si Piolo na walang katambal.

Sinubukan ng Star Cinema na ipareha ang aktor sa ibang artista, pero hindi iyon kasinglakas ng tambalan nila ni Judy Ann, ang loveteam pa rin nila ang hinahanap ng ating mga kababayan.

Kung matatandaan ay nagkaroon nang matinding isyu sa pagitan nina Ryan at Piolo nang gawin nila ni Juday ang huli nilang pelikulang kinunan sa Baguio. Matindi ang kontrobersiya, pinersonal pa nga noon ni Ryan si Piolo, naipit sa dalawang nag-uumpugang bato noon si Judy Ann.

Siguro nga ay umiiwas na lang ngayon si Judy Ann sa maaari pang mangyari kung sakaling magtambal uli sila ni Piolo kaya parang hindi siya seryoso sa halik-tambalan nila.

Tutal naman ay pareho nilang kinaya ang senaryo nang magkahiwalay sila bilang magka-loveteam, hindi naman sila nawala sa gitna ng aksiyon sa sarili nilang kapasidad, kaya mas okey kung wala na lang ganoong ideya.

Pabiro pang sabi ni Juday ay hindi pa niya maa-achieve ang liit ng waistline ni Piolo Pascual, isang pahayag na binigyan ng iba-ibang interpretasyon ng mga nakarinig, kaya alam na!

Kathryn Bernardo – Tagumpay ang negosyo at ang relasyon kay Daniel

Masayang-masaya ngayon si Kathryn Bernardo dahil wala na silang mahihiling pa. maayos ang kanilang relasyon ni Daniel Padilla, may bago na naman siyang proyekto sa ABS-CBN, at kabubukas pa lang pero napakarami nang kliyente ng kaniyang KathNails.

“Ganoon talaga ang kinahihinatnan ng mga anak na marespeto sa magulang at ng artistang marunong magbalik ng pasasalamat sa mga taong nakatutulong sa career niya, lalo na sa mga fans.

“Iyon si Kathryn, malaking-malaki ang role ng mga fans nila ni Daniel sa buhay niya. Hindi lang siya marunong magpasalamat, mapagmalasakit pa siya sa mga taong sumusuporta sa kaniya,” papuri ng anak-anakan naming si Ogie Narvaez-Rodriguez na palaging nakakasama ang pamilya ng magandang young actress.

Sa pagitan ng taping ng La Luna Sangre, ang bago nilang serye ni DJ, ay gumagawa ng paraan si Kathryn Bernardo para masilip ang kaniyang business na nang buksan ay akala mo may theatre tour ang KathNiel sa The Block-SM North EDSA.

Regalo iyon ng dalaga para sa kaniyang Mommy Min, isang paraan na rin iyon para maipakita niya sa publiko kung paano niya pinahahalagahan ang kinikita niya, masinop sa pera ang young actress.

At siguro nga ay pinag-uusapan nila ni Daniel ang kanilang kinabukasan dahil pagkatapos ng KathNails ay ang guwapong young actor naman ang magbubukas ng isang bar.

May mga kasosyong basketball players si DJ, tulad ni Kathryn ay inilalagay rin ni Daniel ang kaniyang kinikita sa makabuluhang paraan, iba na nga naman iyong kumikita na ito sa pag-aartista ay may negosyo pang nasasandalan at kinalilibangan.

Maganda ang impluwensiya nila sa isa’t isa, ibang-iba talaga kapag nagagabayan ng mga magulang ang mga kabataang milenyal, maagang natututong pahalagahan ang kanilang pinaghihirapan.

Tirso Cruz III – Mahusay na actor ang “Forever Idol”

Hindi kinalawang ang husay sa pag-arte ni Tirso Cruz III sa paglipas ng panahon. Ang heartthrob noong dekada ‘70 ay naging magaling na aktor.

Isang gabi ay napanood namin ang komprontasyon nila ni Bea Alonzo sa A Love To Last. Makabuluhan ang pagpapalitan nila ng mga dayalog hanggang sa angkinin na ni Tirso ang mga camera sa kaniyang pagmo-monologue.

Tuhog ang eksena, tuluy-tuloy ang kaniyang pagsasalita, pero sa paraan iyon na hindi napabayaan ng singer-actor ang kaniyang pag-arte.

Ang galing-galing umarte ni Pip. Kontrabida siya sa pagmamahalan nina Anton at Andeng kung tutuusin pero bumibida siya sa magaling niyang acting.

Sa aming cellphone ay hindi mababasa ang pangalang Tirso Cruz III o Pip sa aming phone book. Walang nakasulat na ganoon.

Pero may nakasulat na Forever Idol sa aming telepono. Si Tirso Cruz III iyon. Deklarado kaming tagahanga ng tambalang Guy & Pip noong kanilang kapanahunan.

At mula noon hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang paghanga namin kay Tirso Cruz III, isang idolo, isang anak-anakan at isang kaibigan.

Maine Mendoza – Nag-post ng sexy pictures, na-bash tuloy dahil flat-chested

Kung hindi nagpo-post si Maine Mendoza ng mga sexy pictures niya habang nagbabakasyon sa Maldives ay hindi rin sana siya bina-bash ngayon sa social media.

Si Maine ang nagbukas ng pintuan para siya punahin, lait-laitin at pintas-pintasan ng mga taong hindi natutuwa sa kaniya. Simple lang naman ang senaryo, kung walang sexy photos, di wala rin sanang bashing na nagaganap ngayon.

Ang mga tao pa namang walang magawa sa buhay, mas maraming nagagawa, ang manakit at mamintas ng mga artistang hindi naman sila inaano at pinakikialaman.

May abs si Maine, pinaghirapan ng Dubsmash Queen ang pagkakaroon noon, pero ano ang natitikman niyang pamimintas ngayon sa social media?

Mas inatupag pa raw ni Maine ang pagkakaroon ng abs kesa sa dibdib niya. Mas malaki pa raw ang abs niya kesa sa boobs niya na flat na flat na parang pritong itlog.

Aysus, pinagpipistahan talaga ang abs ni Maine, mabuti pa raw ang bukol niya sa tiyan at ang nguso niya at napapansin pero ang dibdib niya ay walang ginagampanang papel sa katawan niya.

Nand’yan naman siyempre ang mga loyalistang tagasuporta sa pagtatanggol ni Maine, pero mas matitindi ang upak ng mga bashers sa dalaga, ganyan daw talaga ang mga personalidad na palaos na.

“Tapos na kasi ang career niya na talaga namang hindi magtatagal. Pasalamat siya kay Alden Richards, nakilala siya. Since patapos na nga ang career niya, natural, kung anu-ano na lang ang ipinakikita niya para mapansin siya!

“Pero sorry, mas malaki pa ang abs niya kesa sa boobs niya. May sariling buhay ang nguso niya, kinakabog noon ang boobs niya!” isa lang sa sangkatutak na pamba-bash kay Maine Mendoza.

Sharon Cuneta – Napakabilis mag-move on ni Megastar

Nakakahawa ang pagbungisngis ni Sharon Cuneta. Kumbaga sa virus ay airborne iyon, malakas kumalat, napakasarap niyang humalakhak na para bang wala nang bukas.

Kahit saang programa siya isalang ay ganoon si Sharon, mababaw ang kaniyang kaligayahan, maraming nagsasabi na lumaki man daw ang kaniyang katawan ay ang madalas niyang pagbungisngis ang dahilan kung bakti hindi siya tumatanda.

Sa totoo lag, tama ang ganoong obserbasyon, lumusog lang ang Megastar pero ang ganda niya ay nand’yan pa rin at hindi nagbabago.

Kapag nakikita-napapanood naming humahagalpak si Sharon ay bigla naming naiisip na baka naman hindi siya ang mismong nagpo-post ng mga hilahil niya sa buhay?

Napakabilis niya kasing makapag-move-on. Parang kelan lang iyon noong umalis siyang mag-isa papunta sa ibang bansa at nag-post nang nag-post ng mga problema niya sa negosyo at personal niyang buhay.

Parang sobrang nakakaawa si Sharon, maraming nagbigay ng reaksiyon na kahit pala ang isang bilyonaryang tulad niya at sikat na sikat na personalidad ay dinadalaw rin nang matitinding problema, wala ngang taong ligtas sa mga pagsubok.

Pero kapag humahalakhak na siya sa himpapawid na may pahiga-higa pa siya sa stage ay maiisip mo na lang na ibang Sharon na iyon. Kabaligtaran na ng problemadong Megastar na nagsasabing ninakawan ng nurse ang kaniyang ina, na kesyo pati ang kanilang mga mamanahin ay itinakas ng ibang tao, ang layu-layo na ng comparison.

Nakakaaliw si Sharon Cuneta. A siya ngayon, pero bukas lang, B na siya. At bibihira ang taong nakagagamot sa kanilang sarili, ang may positibong pananaw, ang parang laro lang sa kanila ang katotohanan ng buhay.

Sarah Geronimo – Hindi pa huli upang ipagpatuloy ang nahintong pag-aaral

Dalawang magkakontrang deklarasyon nina Bamboo at Sarah Geronimo ang umagaw ng aming pansin sa pagsilip sa The Voice Teens.

Ngayon lang namin nalaman na hindi man lang pala natapos ni Sarah ang third year high school? Sa pakikipag-usap niya kasi sa isang kalahok na siya ang piniling coach ay malungkot na nagsabi ang kalahok na kinailangan nitong huminto sa pag-aaral para makatulong sa kanilang pamilya.

Napakakaswal ng sagot ni Sarah, “Ang sakit, di ba? Ako rin, hindi ko natapos ang third year high school.” Natulala kami. Bakit pumayag ang kaniyang mga magulang na hindi man lang nagtapos ng high school ang kanilang anak?

Ipagpalagay nang nagsisimula nang makilala noon si Sarah, sana’y iniraos na niya ang high school, marami namang paraan para mapagsabay ng personalidad ang kaniyang career at ang pag-aaral niya.

Kasikatan ni Sharon Cuneta. Dinadatnan namin sa set ang Megastar na nakahalayhay ang kaniyang mga notebooks sa isang baun-baon nitong mesa. Kapag walang take si Sharon ay nagrerebyu ito ng kaniyang mga homework.

Napakaabala rin noon ng aktres, napakarami nitong trabaho bilang artista, pero tuluy-tuloy ang kaniyang pag-aaral. At natagpusan ng Megastar ang high school.

Si Kris Aquino. Sobrang abala rin noon ang TV host pero ang tinatanggap lang nitong oras para sa kaniyang pag-aartista ay kapag tapos na ang kaniyang klase sa Ateneo.

At maraming-marami pang artistang nagsusunog ng kilay sa pagrerebyu habang nasa linya sila ng trabaho. Pinagsabay nila ang karera at edukasyon. Ang iba nga sa kanila ay nagtapos pa with honors.

Naisip lang namin, bakit hindi gumawa ng paraan si Sarah at ang kaniyang pamilya para makapagtapos siya ng high school? Para siyang kalabaw na isinuga agad sa bukid para mag-araro.

Hindi sinunod ng pamilya ang pagkakasunud-sunod ng senaryo tungkol sa edukasyon. Learn, earn, return. Baligtad. Earn agad bago learn sa kaso ni Sarah Geronimo.

Bamboo – Tinapos ang pag-aaral kaya humiwalay noon sa Rivermaya

Iba naman ang patotoo ng pamosong singer na si Bamboo. Sinabi niya sa ikino-coach niyang contestant na kaya siya umalis sa Rivermaya ay para maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Pansamantala siyang nawala sa aksiyon dahil binigyan ni Bamboo ng pagpapahalaga ang kaniyang edukasyon, pero nang magkadiploma na siya, bumalik uli siya sa pagkanta.

At ipinagmalaki ni Bamboo na ang pagpapatuloy ng kaniyang pag-aaral ang pinakamagandang desisyong nagawa niya sa buong buhay niya.

Iyon nga naman ang kayamanang walang kahit sinong makapagnanakaw at makaaangkin. Iyon ang pader na magiging sandalan ng kahit sino sa buhay na ito.

Maraming nagalit na manonood noon kay Rosanna Roces nang buong-ningning nitong ipagsigawan sa Startalk na hindi na kailangan ng mga anak nitong sina Grace at Onyok ang edukasyon.

“Ang mahalaga, eh, may pera ka. Bakit pa nila kailangang mag-aral?” mayabang na pahayag ng sexy star. Wala pang social media noon pero ang tinanggap na galit ng bayan ni Osang ay mas mataas pa sa kaniyang ulo.

Ngayon ang pag-uusapan natin. Nasaan na ang ipinagmamalaking pera ni Rosanna Roces? Nasaan na ang mga naipundar nitong ari-arian? At nasaan na ang mabulaklak nitong karera noon?

Ang salapi ay nauubos, ang mga proyedad ay natutunaw, pero ang edukasyon ay mananatiling atin habambuhay. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Hulyo 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 1-15, 2017

  Maine Mendoza
 
Maine Mendoza
  Sef Cayadona
 
Sef Cayadona
  Vice Ganda
 
Vice Ganda
  Charice
 
Charice aka Jake Zyrus
  Sharon Cuneta & Kiko Pangilinan
 
Sharon Cuneta & Kiko Pangilinan
   Kris Aquino & Herbert Bautista
 
Kris Aquino & Herbert Bautista
   Marian Rivera & Zia
 
Marian Rivera & Zia
  Gretchen Barretto & Tony Boy Cojuangco
 
Gretchen Barretto & Tony Boy Cojuangco
  Jinggoy Estrada & Bong Revilla
 
Jinggoy Estrada & Bong Revilla
  Mercedes Cabral
 
Mercedes Cabral
  Senator Cynthia Villar
 
Senator Cynthia Villar

Maine Mendoza at Sef Cadayona – Sila na ngayon. Tanggap na ni Alden.

Paano kaya ito? Isang impormanteng hindi nanununog at nangunguryente ang nagbigay sa amin ng impormasyon na totoong-totoo na sina Maine Mendoza na at Sef Cadayona ngayon.

Mukhang kahit mahiga pa nang nakadipa sa kahabaan ng EDSA ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza ay wala nang magagawa pa ang mga ito?

Walang pag-amin na maaasahan ang kahit sino mula kina Sef at Maine. Ano sila, hilo, ihahain nila ang kanilang mga sarili sa gitna ng mga tigreng handang manakmal anumang oras?

Pero siguradung-sigurado ang aming source, magkarelasyon na nga ngayon ang komedyante at ang Dubsmash Queen, heto ang sabi ng aming kausap.

“Naku, napakasakit naman kasi talaga para sa AlDub ang scenario na ito. Asang-asa sila na sina Alden at Maine ang magkakatuluyan, pero hindi naman pala!

“Humiga man sila sa riles ng MRT ngayon, eh, huli na ang lahat. I-bash man nila mula umaga hanggang gabi si Sef, upakan man si Maine ng mga fans nila ni Alden, eh, wala na silang magagawa!

“Kahit naman si Alden, alam niya na sina Sef at Maine na. Pero ano ba naman ang magagawa noong tao, eh, di tanggapin na lang ang katotohanan na iyon na nga iyon!

“Alangan namang ipagsiksikan ni Alden ang sarili niya sa babaeng iba naman pala ang mahal? Una, hindi iyon gagawin ni Alden. Ikalawa, nagmumukha naman siyang kawawa kung makikigulo pa siya sa dalawa.

“Ang pinakamaganda na lang niyang magagawa, eh, ang tanggapin ang katotohanan. Hanggang sa harap ng camera lang sila ni Maine, pero kapag tapos na ang palabas, eh, kay Sef na si Maine,” pagbibigay ng impormasyon ng aming source.

Pero may inaalala ang aming source at ang mga kasama nito. Nakakaawa raw naman si Maine dahil playboy si Sef Cadayona. Sana raw ay huwag namang gawin ni Sef kay Maine ang kinauwian ng mga nakaraang relasyon ng aktor.

Sana nga. Dahil kapag napatunayan ni Maine na hindi naman pala totoo sa kaniya si Sef ay siguradong magsisisi ang dalaga. Biglang papasok sa kaniyang utak ang hiling ng kaniyang mga tagahanga na si Alden Richards lang ang makapagmamahal sa kaniya ng totohanan.

Abangan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng istoryang ito. Pero sigurado ang aming impormante, sa umamin at sa hindi ang mga taong nakapaloob sa kuwento ay totoong-totoo, sila

Vice Ganda – Sobrang traffic at baha! Saan na napunta ang buwis?

Isandaang porsiyentong may katwiran si Vice Ganda sa paghahanap-pagtatanong kung saan napupunta ang milyun-milyong pisong ibinabayad niya sa BIR.

Milyunan kung magbayad ng buwis ang sikat na komedyante-TV host. Tumutupad siya sa itinatalaga ng batas, pero may mga pagkakataong naiinis siya dahil sa sobrang tindi ng trapik sa ating bayan.

Ang sabi kasi, ang ibinabayad daw natin sa buwis ay pondong ginagamit sa mga baradong kanal, pati sa mga kalyeng butas-butas na malaking abala at problema sa mga motorista at mananakay.

Pero ano’ng madalas nating maranasan? Umihi lang ang palaka ay laganap na ang baha, napakaraming kalyeng sira-sira, napakatindi ng trapik lalo na sa EDSA kaya tinatawag ng mga banyaga ang Pilipinas bilang “traffic capital of the world.”

Nakakainip na ang biyahe ay mabubuwisit ka pa dahil sa kaiiwas sa mga abalang kalye na akala mo buwan sa dami ng butas. Malaking aberya iyon sa trapik.

Kaya tama lang ang mga inilabas na emosyon ni Vice Ganda tungkol sa sobrang higpit ng trapik ngayon. Napakatagal na biyahe, ganoon pa rin kaliit ang mga lansangan, pero dagdag nang dagdag ang mga sasakyan.

Nakatulog ka na, nanaginip ka na, pero ni hindi pa pala nakauusad nang malayo ang kotse mo. Ang panaginip ay nagiging bangungot dahil sa sobrang tindi ng trapik.

Parang mistulang malaking parking lot ang EDSA. Hindi ka lang magugutom kundi magkakaroon ka pa ng problema sa UTI dahil sa pagpipigl ng ihi.

Charice Pempengco – Jake Zyrus na ang bagong pangalan

Nakakaloka ang mga kasunod na isyung kumakalat ngayon tungkol sa pagpapalit ng pangalan ng international singer na si Charice Pempengco. Kilala na siya ngayon sa pangalang Jake Zyrus.

Kung saanman niya kinuha ang bago niyang pangalan ay ang singer lang ang tanging nakakaalam, ang importante ay masaya siya sa kaniyang ginawa. Walang kahit magkanong makakatapat iyon sa puso ni Charice ngayon.

Marami namang naglantad ng kanilang tunay na kasarian na hindi nagpalit ng pangalan, si Aiza Seguerra ay Aiza Seguerra pa rin. Ano raw kaya ang sumuot sa kukote ni Charice para ibaon na sa nakaraan ang kaniyang tunay na pangalan?

Siya na nga si Jake Zyrus ngayon. Saanman niya kinuha ang pangalang iyon ay hindi pa niya ikunuwento sa ngayon, pero nagdesisyon na siya, tatawagin na natin siyang Jake Zyrus ngayon.

Naging kumplikado ang buhay ni Charice nitong mga huling buwan dahil sa paghihiwalay nila ng matagal niyang karelasyong si Alyssa Quijano. Nawindang ang kaniyang puso na mukhang nanghawa ng kawindangan sa kaniyang isip kaya nagpalit siya ng pagkakakilanlan.

Support group ang kulang kay Charice. Lumaki siyang hiwalay ang kaniyang mga magulang, hindi naman sapat ang pagkalingang naibibigay ng kaniyang Lola Tessie.

Kaya humahanga kami sa mga anak na humihiwalay sa kapalarang nakagisnan nila. Bagong buhay ang pangarap nila, buhay na kumpleto at maayos, dahil ayaw nilang danasin ang magulong sitwasyong nilakaran nila habang lumalaki.

Sana’y tumapang si Charice. Walang mababago sa kaniyang buhay kahit ilang ulit pa siyang magpalit ng pangalan. Ang kailangang magpalit ng pananaw ay siya mismo.

Kailangan niyang maging positibo. Eh, ano ngayon kung maraming bumabato sa kaniya? Gawin niyang pader at tulay ang mga batong iyon para sa ikauunlad ng kaniyang buhay at karera.

Siya ang arkitekto ng kaniyang buhay, siya ang mayhawak ng susi para sa kaniyang tagumpay. Huwag niyang pabayaang ibang tao ang magdikta at magdisenyo ng pupuntahan ng kaniyang career.

Makipagkilala dapat si Charice Pempengco sa kaniyang sarili. Huwag siyang umasa ng milagro mula kay Jake Zyrus. Multo lang iyon. Hindi totoo.

Sharon Cuneta – Bakit pinapabayaan ang hitsura ni Senador Kiko Pangilinan

Nagbukas na naman ng pintuan si Sharon Cuneta para papasukin ang mga bashers sa personal nilang buhay ni Senador Kiko Pangilinan.

Siguro’y nagpapatawa lang ang Megastar, naturalesa niya naman ang pagiging bungisngis at komedyana, pero may mga bashers na nagbigay ng iba-ibang interpretasyon tungkol sa kaniyang post.

Pabiro kasing inireklamo ni Sharon ang napakalakas na paghihilik ng senador. Parang motorsiklo raw na inirerebolusyon ang tunog ng paghihilik nito. Biro ni Sharon ay ground daw sa paghihiwalay ang sobrang lakas ng paghihilik ng kaniyang mister.

Iyon na! Napakarami nang nakisali sa isyu. Kung anu-anong pamimintas na ang inabot ng Dilawang mambabatas. Wala na raw kasi itong magawa dahil hindi nila mapatalsik ng kaniyang mga kakulay si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hilik na lang ito nang hilik na baka raw mauwi na sa bangungot.

Biro lang ang post ni Sharon pero sineryoso iyon ng mga hindi pabor sa kaniyang mister. Tinawag pang Kikong Matsing ang senador na dapat ay naiwasan kung hindi nag-post ang Megastar ng kapintasan ng ama ng kaniyang mga anak.

Noon namang minsang mainterbyu si Senador Kiko Pangilinan tungkol sa deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial Law sa Mindanao ay hindi ang kaniyang pagkontra sa desisyon ng pangulo ang umagaw ng aming pansin at atensiyon.

Mas napansin namin ang kaniyang hitsura, parang kagigising lang ng senador dahil gulu-gulo ang mapuputi na niyang buhok, sa biglaang paghusga ay maiisip mo tuloy na parang walang nag-aalaga sa kaniya.

Naka-close-up pa naman ang senador kaya kitang-kita ang nagmumura niyang kulaba, parang hindi man lang siya nagsuklay bago humarap sa mga camera, pati ang suot niya ay hindi kapuri-puri.

Napanood din pala ni prop ang panayam, kaya ang sabi nito, “Sa sobrang pagtutok ng mga Dilawan kay Pangulong Duterte, pati hygiene nila, nakakalimutan na nilang bigyan ng panahon.

“Napanood ko rin iyon, napakalaki na ng itinanda ni Senator Kiko, milya-milya na ang layo ng hitsura nila ni Sharon Cuneta. Bantay sila nang bantay sa mga ginagawa ni Pangulong Duterte para mabanatan nilang mga Dilawan, ayan tuloy, napababayaan na nila ang mga hitsura nila!” unang pagpansin ng kaibigan naming propesor.

Pero ang kalahati ng pagpansin ni prop ay ibinahagi nito kay Sharon. Wala na rin daw bang panahon ang Megastar para sa kaniyang mister? Bakit daw pinababayaan ni Sharon na ganoon ang hitsura ni Senador Kiko sa kaniyang mga panayam?

“Huwag na tayong lumayo. Gayahin niya dapat ang Tita Helen (Gamboa) niya na sobrang alagang-alaga ang mister niya! Kailan ba natin nakitang mukhang haggard na haggard si Senator Tito (Sotto)?

“Palagi siyang mukhang fresh na fresh, unat na unat ang suot, never ko pang nakita si Senator Sotto na parang napabayaan ng misis. Pagtabihin natin sila ni Senator Kiko.

“Mali ba ako kung sasabihin ko na parang si Senator Kiko ang uncle at si Senator Tito ang manugang? And I truly admire Ms. Helen Gamboa.

“Tahimik lang siya, hindi mo siya makikitang umeepal. Nalagay sa matinding issue ang husband niya, pero naramdaman man lang ba natin siya?

“Iyon ang totoong grace under pressure. Napakagrasyosa ni Bunny Channel. Ang ganda-ganda pa rin niya, at napaka-sexy pa rin despite her age,” papuri ni prop sa tiyahin ni Sharon Cuneta.

Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino – Hindi totoong nagkabalikan

Isang malaking kabalbalan ang kuwentong kumalat na dalawang taon nang lihim na magkarelasyon sina Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Napakalayo sa katotohanan ng istoryang iyon.

Para raw hindi sila pagpistahan ay sa ibang bansa pa sila nagkikita, nauuna raw umalis si Kris, at saka naman susunod si Mayor Bistek.

Kahit sa paluging halaga ay hindi namin bibilhin ang kalokohang kuwentong iyon. Siguradong paandar na naman ‘yan ng kampong walang magawa sa buhay para lang sila mapag-usapan.

Unang-una, kahit sa loob nang tatlong araw lang ay walang puwedeng ilihim si Kris Aquino, kung totoong dalawang taon na sila ng mayor ng Kyusi ay maitatago ba naman iyon ni Kris?

Susmaryosep! E, kung iyong magkikita nga lang sila ay covered na ng press release, ang dalawang taon pa ba nilang relasyon ang hindi mapagpipistahan?

Imposibleng nagkikita sila sa ibang bansa. Kung mayroon mang gustong sundan si Mayor Herbert, iyon ay ang kaniyang mag-iina, si Mayora Tates Gana at ang kanilang mga anak na sina Athena at Harvey.

At suportado iyon ng mga pictures, magkakasama sila sa retrato. Mayroon bang nailabas na picture si Kris na magkasama sila sa ibang bansa ng aktor-pulitiko?

Dalawang taon na relasyon, makakayang ilihim ni Kris Aquino, Wow!

Samantala, Ipinagmamalaki ni Kris ang Crazy Rich Asians kahit pa pigil na pigil siyang banggitin ang titulo ng proyekto.

At sana nga ay mahaba ang papel na gagamapanan niya sa Crazy Rich Asians, sana’y walang katotohanan ang umiikot na kuwento na dalawang sequences lang ang partisipasyon niya. Kapag napatunayang totoo iyon ay sangdamakmak na pangungutya na naman ang aabutin niya.

Pero, sigurado rin na bago pa lumipad sa Singapore si Kris kasama ang kaniyang entourage ay malinaw na sa kaniya ang lahat. Siguro ay may magandang exposure siya sa pelikula, may mga dialogue siya. Hindi siya magmumukhang tanga.

Marian Rivera – May katwiran magwala dahil sa pambabastos sa anak na si Zia

May katwiran namang magwala si Marian Rivera dahil sa ginagawang pambabastos sa anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia. Kahit naman sinong ina ay ganoon ang magiging posisyon dahil ano ba naman ang kasalanan ng wala pang kamuwang-muwang na bata sa mga nagaganap sa ating kapaligiran.

Patulan ba ang bata na bahagya pa lang na umaangat sa lupa? Idamay ba sa pamba-bash kina Dingdong at Marian ang kanilang anak na walang kalaban-laban?

Kung may galit man ang mga ito sa mag-asawa, di sila na lang ang birahin, huwag nang idamay pa ang batang walang kamuwang-muwang. Pati ba paslit ay hindi na rin pinatatawad ngayon?

Isang taon pa lang si Zia, pero sa napakamura nitong edad ay pinepersonal na, pinipintas-pintasan at gusto pang mapariwara sa kaniyang paglaki ng mga taong walang kunsensiya.

Paano pa kung hindi naging ganyan kaganda at kabibo ang bata, di lalo na, siguradong puro pisikal na kapintasan ang ipakakain sa kaniya.

Mabuti na lang at napakaganda ng resulta ng kumbinasyon ng dugo nina Dindong at Marian. Mabuti na lang at kahit sa malayuan lang ay gustung-gusto ring panggigilan ng ating mga kababayan si Zia. Paano kung hindi kagandahan ang bata?

Maligo sana sa pulot ang mga taong walang pinalalampas sa kanilang pamba-bash. Huwag nang isali sa kanilang mga kalokohan ang mga batang walang kalaban-laban.

Minsan na nating nasaksihan ang matinding galit nina Judy Ann Santos, Claudine Barretto at Regine Velasquez nang pati ang kanilang mga anak ay pagtripan ng mga taong walang magawa sa buhay.

Lahat ng nanay ay aangat kapag ang kanilang anak na ang idinadamay at sinasaktan. Iyon ang pinakamahinang parte ng buhay ng bawat ina.

Saktan mo na siya – huwag lang ang kaputol ng kaniyang pusod.

Gretchen Barretto – Hindi pa rin tanggap ng pamilya ni Tony “Boy” Cojuangco

Kahit sa mundo ng mga yayamanin ay si Gretchen Barretto ang pinagpipistahan ng mga humahalo ng pitsa ng mahjong. Linggo nang hapon, nasaksihan ng aming source ang buong kuwento, isa lang ang pinag-usapan ng mga sosyalerang nagpapalipas ng inip sa isang mansiyon.

Kuwento ng aming source, “Ang dami-daming kuwento tungkol kay Gretchen. Iyong pagpo-post niya ng mga branded stuff niya. No-no iyon para sa grupo. Halatang-halata raw kasing ngayon lang siya nagkakaroon ng mga ganoon.

“Mayroon din silang mga istorya tungkol kay Gretchen at sa family ni Tony “Boy” Cojuangco. Up to now pala, hindi pa rin siya tanggap. Napakasuwerte lang daw talaga ni Gretch dahil ipinaglalaban siya ni Tony Boy.

“Ang dami-dami! Alam nila kung saan umo-order ng mga branded bags and shoes si Gretchen. Splurge kung splurge daw talaga siya, walang pakialam sa presyo, hindi rin siya kuntento sa isang kulay lang.

“Ang opinion nila, eh, ganoon daw talaga kapag hindi pinaghihirapan ang pambili. Nakakaloka ang mga sinasabi nila, parang hindi nila tanggap si Gretchen sa circle nila na mga old rich na,” unang kuwento ng aming source.

Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla – Tatlong taon nang nakakulong

Hindi biro ang tatlong taong pamamalagi sa isang kuwadradong kahon. Makalalabas lang sila kapag inaprubahan ng Sandiganbayan pero kung hindi ay wala silang pamimilian kundi ang pagkabigo.

Noong June 20 ay tatlong taon na sa PNP Custodial Center sina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla. Tatlong taon na kainip-inip, lalo na’t hindi naman mabilisan ang pagdinig sa kasong plunder na ibinibintang sa kanila, sobra-sobrang pagsasakripisyo na ang kanilang pinagdadaanan sa napakainit at masikip nilang pansamantalang bahay.

Kung ang mga dumadalaw nga sa kanila ay init na init sa sementadong kapaligiran, paypayan nang paypayan ang mga ito dahil sumisigid sa kalamnan ang alinsangan, paano pa kaya ang dalawang aktor-pulitiko na tatlong taon nang nakapiit doon?

Salamat na lang dahil biniyayaan sila ng pamilyang wala sa bokabularyo ang paglimot. Ang buong pamilya ng dalawang senador ay regular na nandoon para kahit sa limitadong oras lang ay magkaroon sila ng bonding.

May mga kaibigan din silang hindi nagpapalit ng kulay, mga tunay na kaibigang maituturing, dahil kasama pa rin nila ang mga ito sa makapal at sa manipis at sa pagbagsak at pagbangon.

Hiling ng pamilya nina Senador Jinggoy at Senador Bong at mga nagmamahal nilang kaibigan at kapanalig sa mundo ng pulitika na sana’y makalaya na sila.

Sabi nga ni propesor, “Wala namang ebidensiya, pero ipinakulong na sila agad-agad? At hanggang ngayong three years na sila sa Custodial Center, eh, wala pa rin namang napatutunayan laban sa kanila?

“Ano ito, lokohan?” nasabi na lang ni prop.

Mercedes Cabral – Kilala ko na kung sino ang kontrobersyal na aktres

Kilala na namin ngayon si Mercedes Cabral. “The who?” kasi siya noon para sa amin kahit pa sinasabi ng aming mga kasamahan na magaling daw siyang aktres sa hanay ng Indie.

Wala pa kaming napapanood na pelikula ni Aling Mercedes na naging sobrang kontrobersiyal nang magsalita siya nang hindi kagandahan tungkol kay Mother Lily Monteverde na nirerespetong personalidad sa industriya.

Ngayon ay alam na namin ang kaniyang itsura, kasama kasi siya sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin, gumaganap siya bilang asawa ni dating Senador Lito Lapid na tagapamuno naman ng isang rebeldeng grupo.

Iyon pala si Mercedes Cabral, ang aktres na pinupog noon sa social media, pagdating sa pagganap ay wala naman kaming masasabi sa kaniya.

May napansin lang kami sa kaniyang make-up. Pinalalabas sa istorya ng serye na nagtatago ang kanilang rebeldeng grupo sa bundok ng Arayat.

Pero bakit fully made-up si Mercedes Cabral? Bakit ganoon ang kaniyang pilikmata, malantik na malantik, nakatingala sa mga puno sa paligid ng kanilang kubo?

Patagu-tago ang kanilang grupo, napakadelikado ng kanilang sitwasyon, pero nakukuha pang mag-make-up nang todo ni Mercedes Cabral?

Paalalahanan sana ng produksiyon ang aktres na ito kung siya ang may gusto ng ganoong itsura niya sa serye, bawasan ang kaniyang make-up, palabasing makatotohanan ang papel na ginagampanan niya bilang rebelde.

Unli rice – Sobrang kanin ay masama ayon kay Sen. Cynthia Villar

Ang magandang layunin ni Senadora Cynthia Villar ay minasama pa ng mga taong mas mabilis gumana ang dila kaysa sa utak. Sikat na sikat ngayon ang unli rice sa mga karinderya. Pang-promo iyon sa mga turo-turo dahil kahit isang ulam lang ang inorder mo ay puwede kang humingi ng ekstrang kanin.

Maganda iyon sa dinig dahil nabubusog ang kumakain sa murang halaga lang, pero kung pakikinggan natin ang payo ng mga doktor lalo na sa mga maysakit na diabetes, kanin ang unang-unang pinaiiwasan ng mga ito sa pasyente.

Carbohydrates ang pinaguguwardiyahan ng mga doktor, malaking imbitasyon ang kanin sa paglala ng diabetes, gulay at prutas ang ibinibigay na panghalili ng mga doktor.

Iyon mismo ang hangad ni Senator Cynthia Villar, ang mag-ingat ang mga kababayan natin sa malakas na pagkonsumo ng kanin, hindi iyon makatutulong sa ating kalusugan.

Pero ang malinis niyang motibo ay kinulayan ng iba. Bakit daw pinakikialaman ng senadora ang unli rice? Bakit daw niya pinanghihimasukan ang kagustuhan ng mga Pinoy na nagtitipid nga sa ulam kaya humihingi na lang ng dagdag na kanin sa mga karinderya?

Ang pagkaintindi kasi ng iba ay magpapasa ng batas si Senadora Cynthia tungkol sa pagbabawal sa unli rice. Nauna ang paghusga kaysa sa pag-intindi sa maganda niyang hangarin.

Walang ganoong aksiyon ang senadora. Ang malasakit niya sa mga kababayan natin ang una niyang inaalala dahil totoo namang napakahirap magkasakit ngayon. Mahal ang pagpapagamot, mabigat magbayad ng hospital bill, pero kung makaiiwas tayo sa matinding pagkakasakit ay maganda ang buhay.

Tayo naman ang hari ng ating sarili. Tayo ang nagdedesisyon ng kung ano ang makabubuti at makasasama sa ating katawan. Kung sa palagay nati’y maganda ang kumain nang sobra-sobrang kanin, walang makapipigil sa atin kung iyon ang ating gusto, hintayin na lang natin ang hindi magandang magiging resulta noon sa pagdaraan ng mga taon.

Butas na ang ating bulsa ay wasak pa ang ating katawan. ~CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Hulyo 16-31, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 16-31, 2017

  Nadine Lustre
 
Nadine Lustre
  Ian Veneracion & Bea Alonzo
 
Ian Veneracion & Bea Alonzo
  Charice a.k.a. Jake Zyrus
 
Charice a.k.a. Jake Zyrus
  Ai Ai delas Alas
 
Ai Ai delas Alas
  Manny Pacquiao & Jeff Horn
 
Manny Pacquiao & Jeff Horn
  Jose Manalo
 
Jose Manalo
  Kris Aquino
 
Kris Aquino

Nadine Lustre – Nakikipag-live in na kay James Reid

Sa isang sablay na pahayag lang ay halos ibitin na nang patiwarik ngayon sa social media si Nadine Lustre. Kalaban ng young actress ang mundo ngayon, talagang ginagawa siyang target, butas-butas na ang buong katawan niya ngayon dahil sa mga negatibong salita na ikinukulapol sa kaniyang pagkatao.

Personal na naming nararamdaman ang negatibong epekto ng mga deklarasyon ni Nadine Lustre. Mismong mga taong sinulat namin noon na gustung-gusto siya ang bumibitiw na ngayon sa pagsuporta sa aktres.

Hindi na kami lalayo pa. Sa mismong mga pamangkin na lang naming lalaki na gumagastos talaga kapag siya ang naka-cover sa mga magazine.

Ayaw na nila kay Nadine, hindi nila nagustuhan ang sinabi ng aktres na normal na lang ngayon ang pakikipag-live-in, milenyal na raw kasi ang kasalukuyang panahon.

Hindi iyon nagustuhan ng mga pamangkin namin na dati’y nakikipag-argumento para sa kanilang idolo, hindi na raw ang dating Nadine Lustre ang nakikita nila ngayon, ibang tao na.

At kahit sa presyong palugi ay hindi rin binili ng ating mga kababayan ang kaniyang sinabi. Mga kabataan pa naman ang mga tagahanga nila ni James Reid, pero ano ang nilalaman ng sinabi ni Nadine, maling hudyat iyon para sa mga kabataan.

Normal na lang daw ang pakikipag-live-in, paninindigan ni Nadine Lustre, nakalimutan na yata niya na namumuhay siya sa isang bansa na mahigpit ang pagpapahalaga sa wasto at sa kultura at tradisyon.

Nakakapanibago ang mga nangyayari ngayon sa buhay at karera ni Nadine. Napakalayo na niya sa kaniyang mga kasabayan. Habang simpleng-simple pa rin sina Kathryn Bernardo, Liza Soberano at iba pang nabubuhay na may ka-loveteam ay heto naman si Nadine.

Nagbago na ang kaniyang mga pananaw sa buhay, kinokontra na niya ang tradisyon, napakanormal na lang para sa kaniya ang pakikipag-live-in bago ang kasalan.

At maraming nagtatanong. Sa lahat ng kaganapang ito ay nasaan ang kaniyang boyfriend na si James Reid? Bakit si Nadine lang ang nalalatayan nang husto? Nasaan ang lalaking nagmamahal daw sa kaniya?

Isang maling busina para sa mga kabataan ang pahayag ni Nadine. Parang ineengganyo pa niya ang mga kabataang Pilipino na ayos lang ang pakikipag-live-in at saka na intindihin ang pagpapakasal.

Ian Veneracion – Maraming nag-iilusyon sa guwapong aktor

Sunud-sunod ang napanood naming patalastas noong isang gabi na si Ian Veneracion ang nag-eendorso. Pana-panahon lang talaga ang pag-aartista. Dati’y mga sikat na aktor ang bumibida sa TVC pero ngayon ay nakuha ng guwapong aktor ang trabaho.

Natural, negosyo ang puntirya ng mga may-ari ng produkto, kung sino ang sikat at mabango sa publiko ay iyon ang kinukuha nilang tagapag-endorso sa merkado ng kanilang mga ibinebenta.

Ang dami-dami pa namang produktong puwedeng pagmodeluhan ni Ian Veneracion. Vitamins, kape, alak, food supplement at iba pang mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga kababayan natin para sa kanilang katawan at kalusugan.

Panahon ngayon ni Ian Veneracion. Siya ang iniilusyong mayakap ng mga becki, ang kinakikiligan ng mga kababaihang may edad na, pati ng mga kabataang sumubaybay sa kanilang serye ni Bea Alonzo.

Tawa kami nang tawa sa komento ng isang kaibigan naming may mataas na posisyon sa ating lipunan na ayaw magpabanggit ng pangalan. Pero buking naman ng kaniyang staff kung gaano ito kalulong sa A Love To Last.

Sabi ng aming friend, “Naku, ayan na naman si Grace (Iza Calzado na ang galing-galing sa serye), lugar na maayos na ang relasyon ni Andeng at ng mga anak ni Anton, uuwi na naman ang hitad para guluhin sila!

“Nakuha na nga ni Andeng ang loob ni Lucas, wala na sanang problema, pero babalik na naman sa Pilipinas si Grace para manggulo!” komento nito.

At iyon ay sinabi ng aming kaibigan na para bang buhay ng kanilang kapitbahay ang bumibida sa kaniyang komento, parang apektado ito sa totoong buhay, samantalang kuwento lang naman ng A Love To Last ang kaniyang inoopinyunan.

At para patunayang tutok na tutok talaga ang aming kausap sa serye ay mayroon pa itong dagdag, “Ano ba ang name noong gumaganap na mayordoma nina Anton at Grace noong nagsasama pa sila?

“Mahadera siya, ha? Ano siya sa bahay na iyon, amo siya? Napakataray niya, akala mo kung sino siyang makairap kay Andeng! Nakakainis siya!”

Ha! Ha! Ha! Ha! Tagumpay ang serye!

Charice – Gustong maging kumpletong lalaki si Jake Zyrus

Sa isang masayang umpukan ng mga taga-showbiz ay bumida na naman si Charice Pempengco. Lahat kasi ng mga nandoon ay nakasaksi sa pangangarap hanggang sa pagtatagumpay ng international performer.

May isang nasa umpukan na nakakita kay Charice habang lumalakad papunta sa studio kung saan siya iinterbyuhin. Lakad-lalaki na raw talaga si Jake Zyrus dahil halos sakupin na niya ang pasilyo sa malikot niyang paglalakad.

Sabi nito, “Alam mo iyong lakad na may gustong patunayan? Machong-macho ang dating niya, para na siyang si Robin Padilla kung lumakad, pa-mhin na talaga si Charice!

Pinatunayan din ng mga taong nakakaalam ng personal na buhay ni Charice Pempengco na hindi na kagandahan ang numero ng kaniyang pananalapi ngayon. Puro palabas, walang pumapasok, kaya sa kanilang pag-aanalisa ay bagsak na ang bulsa ng international singer.

Sa ganoong kalagayan ngayon ni Jake Zyrus ay malayo sa katotohanang magawa niya ang kaniyang gusto para matupad na ang pangarap niyang maging tunay na lalaki ang dating.

“Hanggang sa pagpapatubo na lang siya ng bigote at pagpapatanggal ng boobs niya. Pero iyong pangarap niyang organ reassignment, mahihirapan na siya,” sabi ng source.

May mahabaang proseso pa palang kailangang pagdaanan ang gustong magpapalit ng ari. Hindi pala iyon kasingsimple ng basta paghiga sa operating table. May kung anu-ano pa palang paghahanda na kailangang harapin si Charice bago siya sumailalim sa organ reassignment.

“Physically, kaya niya, bata pa naman kasi si Charice. Pero ikukundisyon pa muna siya mentally, sasabihin sa kaniya ang magiging effect sa kaniya ng ipagagawa niya. Maraming pros and con iyon.

“Hindi na siya makapagpapabago pa uli kapag ikinabit na ang gusto niya. Hanggang sa magsisi na lang ang magagawa niya. No more turning back kumbaga,” maliwanag na pahayag ng impormante.

Idagdag pa sa senaryo ang hindi kagandahang estado ng kaniyang kabuhayan showcase. Wala na siyang mga raket, bihira na lang siyang kinukuha para sa mga shows sa ibang bansa, mula nang maglantad na siya ng tunay niyang kasarian.

Lahat ng nasa umpukan ay nagkaisa sa pagsasabi na pagsisisihan ni Charice iyon pagdating ng araw.

Pero kung iyon ang ideya ng happiness para kay Charice Pemepengco ay wala na nga siyang pakikinggang payo ng kahit sino. Ang kaniyang kalooban pa rin ang masusunod dahil iyon ang makapagpapasaya sa kaniya.

Sabi nga, walang basagan ng trip, tutal naman ay walang sinumang inaabala si Charice sa kagustuhan niyang maging tunay na lalaki.

Ai Ai delas Alas – Panlaban ang kurbada ng katawan ngayon

Mukhang kinakarir ng Philippine Comedy Queen ang pagda-diet. Malapit na kasi ang kasal nila ng badminton coach-trainer na si Gerald Sibayan.

Panlaban ang kurbada ng katawan ngayon ni Ai Ai delas Alas. Saktung-sakto ang hubog ng kaniyang bewang at balakang, wala siyang bilbil, malalapad ang kaniyang balikat.

Mula nang puro organic na ang kinakain ng Comedy Concert Queen ay napakalaki na ng ipinagbago ng kaniyang sistema. Maayos ang lahat ng vital signs niya, pati ang problema niya sa balat na dala ng stress ay nabura, palaging sinasabi ng komedyana na walang tatalo sa mga organic food.

Mahirap lang sa umpisa pero makakasanayan din. Iba nga naman ang nagagawang maganda sa ating kalusugan ng mga pagkaing walang kahit anong halo ng kemikal at iba pang sangkap.

Abalang-abala na ngayon sina Gerald at Ai Ai sa nalalapit nilang kasal. May kani-kaniyang toka sila, magkatulong silang nag-aasikaso, hands on sila sa paghahanda sa napakahalagang araw sa kanilang relasyon.

Maraming kulang at sobra sa mga nakaraang pakikipagrelasyon ng komedyana, aminado naman siya sa kaniyang mga pagkakamali, kaya dasal ng mga taong nagmamahal sa kaniya ay sumakto na sana siya ngayon kay Gerald.

Ang apat na taong relasyon ay sapat na siguro para masukat ni Ai Ai kung tama ang desisyon niyang magpakasal na sila ng lalaking nakilala lang niya sa paglalaro ng badminton.

Sasabihin ng iba na aksidente lang ang kanilang pagtatagpo, pero walang aksidente sa mundo, lahat ng pangyayari ay palaging nakadisenyo.

Sa bilyun-bilyong tao sa mundo ay mayroong nakalaan para sa bawat isa sa atin. Si Gerald Sibayan iyon para sa Philippine Comedy Queen. Walang naging problema sa kanilang relasyon dahil tinanggap-minahal agad ng mga anak ni Ai Ai si Gerald at wala ring naging problema sa pamilya ng binata sa pagmamahal sa komedyana.

Ito na nga iyon.

Sen. Manny Pacquiao – Dapat na bang mag-retire si Pacman?

Hindi tinanggap ng Pambansang Kamao ang pinal na desisyon ng WBO tungkol sa nakaraan nilang laban ni Jeff Horn. Walang belt na babawiin, kailangang tanggapin ni Senador Manny Pacquiao ang naging desisyon ng mga hurado, tinalo raw talaga siya ni Horn.

At hindi lang si Pacman ang nalungkot sa opisyal na pahayag ng WBO, maging ang mga nakaraan niyang nakapalitan ng mga suntok sa ring ay umalma rin, nakahiyaan na lang diumano ng WBO ang pagbawi kay Horn pero kitang-kita rin ng mga ito na si Pacman talaga ang nagtagumpay.

Sa pananaw naman ng mga Pinoy ay ayos lang ang pagkatalo kung talang kinapos si Pacman, pero ibang usapan na kapag siya na nga ang nagpapakawala nang matitinding suntok, pero siya pa pala ang talo sa mga puntos ng hurado.

Sabi ng isang malapit na kaibigan ni Pacman sa amin, “Hindi naman gutom sa parangal si Manny, ipinaglaban lang niya ang tama. Siya ang nakakaalam kung ano ang nangyari, alam niya sa capacity niya kung sino ang dapat nanalo, kaya siya naghain ng reklamo.

“Pero mabilis mag-move on si Manny, hindi siya iyong tipong magmumukmok lang sa tabi dahil sa pagkatalo niya na dapat, eh, panalo, paghahandaan na lang niya ang paghaharap uli nila ni Horn,” sabi ng common friend namin ng senador-boksingero.

May isyu sa pagitan nila ngayon ni Coach Freddie Roach. Tungkol iyon sa dapat ay tinanggap ng coach kahit pa siya natalo pero hanggang ngayon ay hindi pa raw nito tinatanggap.

Wala kaming alam na kung paano nila pinaghahatian ang panalo at talong pakikipagsalpukan ni Pacman, pero may alam ang aming kausap, ganito ang kaniyang paliwanag.

“Talagang wala pang maibibigay si Manny kay Coach Freddie Roach dahil siya man, hindi pa rin niya hawak ang amount na dapat niyang makuha. Ngayon lang naman nangyari ito, nagkaroon lang ng delay, dahil delayed din ang pagbibigay kay Manny ng halagang dapat niyang matanggap.

“Pero malinaw iyon sa bawat transaction nila. Iyong training niya sa Wild Card Gym, iyong lahat ng gastos sa training, lahat iyon, binabayaran ni Manny.

“Pagkatapos nilang ibawas pati ang tax na kailangang bayaran, ang lahat-lahat ng gastos sa paghahanda sa laban, iyon ang pinaghahatian nila,” pahayag ng aming source.

Maraming nagpapayo sa Pambansang Kamao na tumigil na sa kaniyang boxing career dahil sobra pa sa kailangan lang ang kaniyang napatunayan bilang kampeon, pero mukhang hindi pa ngayon ang panahon para bumaba na sa lona ang ipinagmamalaki nating boksingero, mayroon pa siyang pinaghahandaan.

Katawan niya iyon, siya ang nakakaalam sa kaniyang kapasidad, anuman ang mangyari sa mga susunod pang laban ni Pacman ay siya lang ang magiging responsable sa magiging resulta ng kaniyang laban.

Jose Manalo – Nagbabakasyon lang kaya nawala sa Eat… Bulaga!

Malapit nang bumalik si Jose Manalo mula sa masarap niyang bakasyon sa Amerika. Kuryente ang kuwentong suspendido ang magaling na komedyante.

Dumaan muna sa butas ng karayom ang hiling na bakasyon ni Jose dahil tatlong programa ang kaniyang ginagawa linggo-linggo. Hindi biro iyon. Isang pang-araw-araw at dalawang lingguhan.

Pero kinailangan niyang humiling ng bakasyon. Buong linggo siyang nagtatrabaho at hindi maiiwasan ang matinding stress kapag hindi niya siningitan ng bakasyon ang kaniyang araw-araw na rutina.

Doon umuusbong ang pagkaburyong, ang pag-iinit ng ulo dahil sa kakulangan ng tulog at pahinga, may mga artista talagang magtatrabaho nang singkad at saka sila magliliwaliw pagkatapos.

Utang na loob nila iyon sa kanilang sarili. Dapat nilang regaluhan ng pahinga ang kanilang isip at katawan. Hindi pa naman madali para kay Jose Manalo ang ginagawa niya lalo na sa Eat… Bulaga!

Kapag malayo ang location ng Juan For All, All For Juan, madaling-araw pa lang ay pumu-pullout na sila ng produksiyon, matindi pa naman ang trapik ngayon na kailangan nilang unahan.

Ang ibang hosts ng noontime show ay dumarating na lang sa studio kapag malapit nang magsimula ang programa pero sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at ang staff and crew nila ay umaalis na nang napakaaga para walang maging problema sa kanilang segment.

Dapat lang makakita ng bagong kapaligiran si Jose, kailangan din niyang magbanlaw sa sobrang pagtatrabaho, napakalaking kaginhawahan para sa magaling na komedyante ang paminsan-minsang pagbabakasyon.

Kris Aquino – Mukhang babalik na sa mainstream TV

Mabuti naman at marunong nang magrenda ng kaniyang dila si Kris Aquino. Paminsan-minsan ay kumakawala pa rin ang kaniyang kataklesan, lumulutang pa rin ang kaniyang kanaturalan, pero hanggang maaari ay siya na mismo ang rumerenda sa kaniyang pagsasalita.

Ang kuwento ni Kris ay malapit na siyang magbalik sa mainstream television, ayaw lang daw niyang sabihin kung saang network, dahil baka kapag hindi na naman natuloy ang transaksiyon ay baka mapahiya lang siya.

Noon pa dapat ginawa ni Kris ang ganyan. Dapat ay noon pa niya naisip na mahirap magpakawala ng mga detalye lalo na kung wala pa namang kasiguruhan dahil ang siguradong magiging resulta noon ay ang pagkapahiya.

Mas maganda kapag nand’yan na ang proyekto, ang network at ang lahat ng mga detalyeng kailangan, magsalita man siya nang magsalita ay hindi na siya mapapahiya.

Marami nang nakaka-miss kay Kris. Tanggapin natin ang katotohanan na wala na siyang kailangang patunayan, nagkataon lang na hindi niya naging kakampi ang kapalaran nitong dalawang nakaraang taon.

Hindi aamagin ang talento na tulad ng kay Kris Aquino, hawak na niya iyon magpakailanman at wala nang makaaagaw, kaya kapag umayos na ang hilera ng kaniyang mga bituin ay siguradong panalo ang kaniyang pagbabalik.

Ang tanong na lang ay kung kailan ba iyon at kung saang network? Kinukuha ba siya ng GMA-7 o sa ABS-CBN pa rin siya mapapanood?

Abangan! –CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Agosto 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 1-15, 2017

  Coco Martin & Julia Montes
 
Coco Martin & Julia Montes
  Karla Estrada kasama ng kaniya mga anak
 
Karla Estrada kasama ng kaniya mga anak
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Jake Zyrus 2
 
Charice aka Jake Zyrus
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Nadine Lustre & James Reid
 
Nadine Lustre & James Reid
  Ai Ai delos Alas Gerald Sibayan
 
Ai Ai delos Alas & Gerald Sibayan
  Maine Mendoza Alden Richards
 
Maine Mendoza Alden Richards
  Jenine Desiderio & Janella Salvador
 
Jenine Desiderio & Janella Salvador
  Ahron Villena
 
Ahron Villena

Coco Martin at Julia Montes – Ayaw pa ring aminin ang relasyon

Bakit kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin sina Coco Martin at Julia Montes na matagal na silang magkarelasyon? Ano kaya ang kanilang dahilan?

Magkalapit lang ang kanilang bahay sa isang subdivision sa Quezon City, ang balita pa nga ay si Coco mismo ang nagpagawa ng bahay ni Julia, pero kapag tinatanong ang dalaga tungkol sa kanila ni Coco ay taling-tali ang kaniyang dila.

Napakasuwerte nila sa isa’t isa. Responsableng anak at kapatid si Coco, hindi niya sinosolo lang ang mga pinaghihirapan niya, kaya kung ganoon kabuti ang aktor sa kaniyang pamilya ay mas magiging higit na responsable pa si Coco kapag nagpamilya na sila ni Julia.

Si Julia naman ay kapuri-puri sa pag-aasikaso sa kaniyang ama na ngayon lang nito nakasama, hindi nakapagsasalita at nakaririnig ang kaniyang ama na tulad din ng kaniyang ina, mabuti ang puso ng dalagang aktres sa pagmamahal sa kaniyang mga magulang.

Pero kahit anong tanong pa ang ibato sa kanilang dalawa ay walang napapalang pag-amin ang mga reporters, binabago nila ang usapan, hanggang sa makalimutan na ang tanong kung sila na nga ba.

Maganda rin para sa kanila ang hindi pagbibigay ng kumpirmasyon nina Coco at Julia. Pampubliko na nga naman ang kanilang buhay bilang mga artista, lahat-lahat ay ibinibigay na nila, kaya nag-iiwan sila ng espasyong para sa kanilang dalawa lang.

Naglalaan sila ng panahon para sa kanilang dalawa lang, iyong walang mga intriga, walang pagpipistahan tungkol sa kanilang dalawa.

Pribadong relasyon ang gusto nila. Matagal nang sila, napakatagal na rin silang tinatanong tungkol sa kanilang relasyon, pero wala silang kinukumpirma.

Puwedeng gustung-gusto na nilang ipagmalaki sa buong mundo na sila na nga, pero mas gusto nilang gawing pribado ang kanilang pagmamahalan, kuha namin ang punto nina Coco at Julia.

May mga artista talagang mapagpahalaga sa kanilang kapribaduhan. Mayroon silang iniiwanang kapirasong mundo para nila ma-enjoy nang malayo sa mga mata ng publiko.

Karla Estrada – Kapuri-puri ang ina ni DJ Padilla

Kapuri-puri si Karla Estrada bilang magulang dahil matindi ang pagpapahalaga niya sa edukasyon. Ang pangarap niyang makapag-aral-makatapos na hindi nangyari dahil maaga siyang sumalang sa pagtatrabaho ay gusto niyang tuparin sa pamamagitan ng kaniyang mga anak.

Malapit nang magtapos sa kolehiyo ang kaniyang anak na si JC, ito ang sumunod kay Daniel Padilla, magkapareho ang kanilang apelyido pero magkaiba ang kanilang ama.

Si Rommel Padilla ang ama ni Daniel, si Naldy Padilla naman na bokalista ng Orient Pearl ang ama ni JC, magpinsan ang kanilang tatay ni DJ kaya parang magkapatid na buo na rin sila.

Inaanak namin sa binyag si JC, nag-aartista na rin ito ngayon, pero mas lutang ang talento sa pagkanta ni JC na namana nito sa kaniyang singer-composer na amang si Naldy.

Totoo ang sinabi ni Karla na kinailangan niyang maagang magtrabaho para sa kanilang angkan. Mistulang Hospicio de San Jose ang bahay ni Karla kahit noong hindi pa ganito kaganda ang takbo ng kanilang buhay.

Ang mga kamag-anak niyang lumuluwas mula sa Leyte ay sa kaniyang bahay muna nakikitira. Iba-iba ang kuwento. May naghihintay na lang ng visa papuntang ibang bansa, may nag-a-apply pa lang sa pagiging seaman, maluwag sa kaloobang pinatitira ni Karla sa kaniyang bahay ang mga ito kahit pa kadalasa’y kinakapos siya sa panggastos.

At marunong magbigay ng premyo ang kapalaran sa mga taong matulungin. Nag-artista si Daniel na sikat na sikat na ngayon at si Karla naman ay sinuwerteng mabuhay uli ang career dahil sa pagsikat ng kaniyang panganay.

Napakagandang premyo dahil sa kabutihan ng kaniyang puso para sa mga nangangailangan.

Kris Aquino – Mapalitan na sana ng suwerte ang nararanasan ngayon

Sana nga ay magkaroon na ng katuparan ang kumakalat na balita na malapit nang magbalik-telebisyon si Kris Aquino. Oo nga at mayroon pa rin naman siyang paraan para mapanood ng kaniyang mga tagasuporta sa pag-unlad ng teknolohiya ay iba pa rin iyong sa telebisyon siya natutunghayan.

Ang dami-daming nanghihinayang sa talent ni Kris sa hosting, nawalan daw iyon ng saysay mula nang pagsaraduhan siya ng pintuan ng ABS-CBN, bakit daw kaya napakatagal magkatotoo sa sitwasyon ni Kris ang kasabihan na kapag may nagsasaradong pintuan ay mayroon namang mga nagbubukas na bintana ng oportunidad?

Hanggang sa mga kuwento-kuwento lang ang lahat, dahil kapag may nagtatanong naman sa mga ehekutibo ng istasyong pagtatrabahuhan ni Kris ay walang kumukumpirma, parang wala silang alam tungkol sa balita.

Ewan kung ano ang naganap sa karera ni Kris, napakatalino niya, sikat at pagdating sa hosting ay maaasahan siya anumang oras dahil nag-aaral siya ng kaniyang mga gagawin.

Sana nga ay lumipas na ang sinasabi ng iba na kamalasang kumapit sa buhay at career ni Kris Aquino, mapalitan na sana iyon ng suwerte, dahil marami pa ring umaasang isang araw ay papalaot uli siya sa telebisyon.

Charice o Jake Zyrus – Ipapakita sa concert ang pagiging boses-lalaki

Kailangang panindigan ni Charice Pempengco ang pagiging boses-lalaki na sa darating niyang concert sa Music Museum. Hindi na raw si Charice ang mapapanood sa October 6, si Jake Zyrus na, iyon ang unang pagkakataong mapapanood ang international singer sa nagbago na niyang boses.

Harinawang maging matagumpay ang muling pag-akyat sa entablado ni Charice, gumalaw sana ang bentahan ng kaniyang tickets, dahil kung matatandaan ay nabigo ang produksiyong nagtiwala sa kaniya noon kaya kinansela ang kaniyang concert sa KIA Theatre.

Mukhang mababago naman ang kuwento sa pagkakataong ito, tatauhin sigurado ang concert ni Charice dahil gustung patunayan ng ating mga kababayan kung totoo bang nagbago na nga ang kaniyang boses, dahil sa mga itinuturok na gamot sa kaniya ngayon.

Iyon ang palaging sinasabi ng singer sa kaniyang mga interbyu, ibang-iba na raw ang kaniyang boses ngayon, kalimutan na raw si Charice dahil si Jake Zyrus na ang papagitna sa entablado.

Mula sa pagbirit-birit ay kaboses na raw ni Charice ngayon ang mga sikat na male singers, bumaba na ang kaniyang boses, nagpaalam na siya sa pagbirit.

Hindi na niya masyadong tinatalakay ngayon ang plano niyang pagpapa-sex change. Baka nahimasmasan na rin si Charice na okey na ang ganyang nag-out siya, nagpatapyas ng dibdib at nagbago ang kaniyang boses, pero kalimutan na niya ang pagpapalit ng ari dahil kahit naman magputukan ang lahat ng bulkan sa buong mundo ay babae pa rin siya.

Sabi ng aming source, “May nakausap akong close kay Charice. Nag-iipon lang daw siya dahil napakalaki pala ng halagang kailangan para sa gender reassignment niya.

“Hindi iyon biro, milyon ang aabutin, kaya kailangan pa niyang mag-ipon para sa pangarap niyang makumpleto na ang pagiging transman niya,” kuwento ng aming impormante.

Kaabang-abang ang concert ni Charice sa October 6 sa Music Museum. Lahat ay mag-aabang tungkol sa transisyon ng kaniyang boses. Tingnan na lang natin kung mapaninindigan iyon ni Charice.

Sharon Cuneta – Dapat mag-isip muna bago mag-post sa social media

Sa panahon ngayon ay kailangan talagang dobleng ingat ang mga personalidad, lalo na ang mga popular, sa pagpo-post ng kanilang mga komento sa social media.

Nagkalat kasi ang mga bashers, iyong mga taong humuhugot ng kasiyahan sa pananakit sa kanilang kapuwa, iyong basta makakontra lang kahit pa wala namang saysay at basehan ang kanilang mga kuda.

Parang naging rutina na lang ng kanilang buhay sa araw-araw ang pag-upak sa mga artista, parang hindi kumpleto ang kanilang maghapon nang walang personalidad na umaaray sa kanilang mga sinasabi, kaya kailangan talagang mag-isip nang maraming beses ang mga artista bago mag-post ng kanilang emosyon.

Nainis lang sa totoo namang nakaiinis na traffic si Sharon Cuneta ay sa kaniya na nag-boomerang ang kaniyang kainisan sa parang napakalawak na parking lot na kalye habang bumibiyahe siya.

Hindi naman para sa kaniyang sariling kapakanan lang ang inirereklamo ng Megastar, para sa pangkalahatan naman, pero siya pa ang inupakan ng mga taong masayang-masaya kapag may nasasaktan sila.

Bakit daw siya reklamo nang reklamo, samantalang palagi naman silang magkasama ng mister niyang senador, bakit daw hindi si Senador Kiko Pangilinan ang ukilkilin niya tungkol sa nakapagdudusang traffic?

May isa namang hitad na nagkomento na kung naiinip daw si Sharon, di kumain siya nang kumain sa biyahe, tutal naman ay hindi kapani-paniwala ang kaniyang press release na medium na lang ang t-shirt niya ngayon dahil sa laki na ng nabawas sa kaniyang timbang.

Walang pupuntahan ang mga artista. Kumaliwa sila at kumanan ay sinasapul pa rin sila ng mga bashers. Kaligayahan na ng mga ito ang kontrahin sila sa kahit anong komentong inilalabas nila.

Wala nang ligtas ngayon sa social media.

James Reid – Pakiramdam ng mga fans ay hindi totoo kay Nadine

Ang dami-daming kuwentong lumalabas ngayon tungkol kay James Reid. Madalas daw siyang makitang nakikipag-inuman sa kaniyang mga kaibigan, regular siyang laman ng mga bars sa BGC, parang nangangayayat daw ngayon ang guwapong young actor.

Ngayon ay maraming tagahanga nila ni Nadine Lustre ang umuupak sa kaniya dahil sa isang lumabas na picture nila ng isang babaeng kasayaw niya sa bar. Pakiramdam ng mga fans nila ni Nadine ay niloloko niya ang dalaga na sobrang mahal na mahal siya.

Binubuyo rin si Nadine ng iba nilang tagahanga na hiwalayan na si James, wala raw mapapala ang young actress sa kaniyang boyfriend, puro problema lang daw ang pagdadaanan ni Nadine kay James.

Maaaring totoo ang pagba-bar hopping ni James Reid kasama ang kaniyang mga kaibigan, pero malayo naman sa kaniyang itsura ang nagbibisyo ng droga, hanggang doon lang ang puwedeng ipuna sa binata.

At may kuwento ang isang source namin tungkol kay James, ang sabi nito, “Saka behave siya kapag nakakainom. Tahimik lang siya, hindi war freak. Ni hindi nga siya nagpaparamdam kapag nandoon siya.

“Hindi siya papansin. May ibang personalities kasi na kapag nasa matataong lugar, e, nagpaparamdam na nandoon sila, parang nagyayabang, hindi ganoon si James.

“Wala lang, tahimik lang siyang umiinom, hindi siya naghahanap ng gulo kapag lasing na siya. Kundi mo nga gagalugarin ang mga tao sa bar, e, hindi mo malalamang nandoon pala si James.

“Tahimik lang kasi siya, simple lang, hindi siya attention getter. Walang angas ang batang iyon!” pagdidiin pa ng aming source.

Ai-Ai delas Alas – Suwerte na sa career, suwerte pa rin sa pag-ibig

Muling pumirma ng exclusive contract sa GMA-7 ang Philippine Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. Bukod sa mga regular niyang programa ngayon sa network ay may gagawin silang sikretong proyekto ni Bossing Vic Sotto.

Pagkatapos pumirma ng kontrata ni Ai-Ai ay lumabas agad ang pagkukumpara sa sitwasyon nila ngayon ni Kris Aquino. Dati silang mag-BFF.

Hindi puwedeng hindi sila pagkumparahin dahil ilang taon na ang nakararaan ay ang Comedy Concert Queen ang nasa sapatos ni Kris. Wala siyang proyekto, binalagoong siya sa Star Cinema, wala rin siyang programa sa ABS-CBN.

Iyon ang pinakamadilim na bahagi ng karera ni Ai-Ai, iyon din ang nagtulak sa kaniya para mag-isip nang manirahan na lang sa Amerika kasama ang kaniyang mga anak, bumili na nga siya ng bahay sa Los Angeles, California.

Pero biglang nagliwanag ang kaniyang paligid nang magbukas ng pintuan sa kaniya ang GMA-7, binigyan din siya ng oportunidad ng TAPE, Incorporated, pati ang M-Zet Productions ni Bossing Vic ay pumasok din.

Sa December 12 na magpapakasal sina Gerald Sibayan at Ai-Ai. Plantsado na ang lahat. Nakapamanhikan na ang mga magulang ng binata sa bahay ng Comedy Concert Queen at nagkapirmahan na sila para sa isang pre-nuptial agreement.

Limang buwan pa mula ngayon ang kanilang pagpapakasal pero aligaga na ang dalawa. Palibhasa’y malaki ang agwat ng kanilang edad ay mukhang si Gerald pa ang ninenerbiyos sa gaganaping kasalan.

Good luck charm kung tawagin ni Ai-Ai ang magaling na badminton coach dahil mula nang maging magkarelasyon sila, sa kabila ng pinagdaanan nilang mga negatibong komento sa social media dahil sa pagiging bata ng kaniyang boyfriend, ay naging maaliwalas ang kaniyang buhay at nakabawi siya sa kaniyang career na akala niya’y dumating na sa katapusan.

At talagang suwerte sa kaniya ang binata dahil noong nakaraang linggo lang ay pumirma uli siya ng exclusive contract sa GMA-7 na nangangahulugang sigurado na ang kaniyang mga gagawing trabaho sa loob nang dalawang taon.

Totoong-totoo na may karelasyong magaan dalhin. Kasundo agad ng mga anak ng komedyana si Gerald, lalo na si Sancho Vito, na halos kaedad lang nito.

Kung abala si Ai-Ai sa kaniyang pag-aartista ay may trabaho rin si Gerald, marami itong estudyante sa badminton, bukod pa sa pagko-coach ng mga teams.

Sabi nga ng Philippine Comedy Queen, “Ganoon ang maganda, iyong pareho kayong abala, walang kung anu-anong pumapasok sa utak n’yo na nega.” Tama!

Alden at Maine – Kailangang maging solid muli ang AlDub Nation

Nagpipista ngayon ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil balitang may pangalawa na silang pelikulang pagbibidahan na sa kanilang dalawa lang ang tutok at may pangakong pakikiligin ang publiko.

Maganda ang plano, bakit nga naman hindi, alangan namang mabalagoong na lang sila sa paglalambingan nila sa Eat…Bulaga?

Kaya lang ay mukhang nagkaroon na ng pagpapaksiyun-paksiyon ang kanilang mga tagahanga? May kani-kaniya na silang sinusuportahan ngayon, hindi tulad noon na sabay nilang iniidolo at iniaangat sina Alden at Maine, kaya malakas ang kanilang puwersa.

Nakakalungkot lang isipin na sila-sila ang nagkakagulo, ang nag-aaway-away, kaya pati ang kanilang idolong si Maine ay nagsawa na sa kaniyang mga nababasa at pansamantalang nagpaalam sa kaniyang Twitter.

Kailangang maging solido uli ang mga miyembro ng AlDub Nation para magtagumpay ang proyekto ng dalawa. Ganoon ang karaniwang nangyayari kapag nagkakani-kaniya na ang mga fans ng isang loveteam, hindi sa labas nanggagaling ang kanilang mga kalaban, sila-sila mismo ang nagbabangayan.

Humihina tuloy ang tambalan, nawawala na ang kanilang puwersa, hanggang sa mapag-iwanan na sila ng iba. Sa loob kailangang manggaling ang pagbabago, hindi sa ibang kampo, kung gusto ng mga tagasuporta nina Alden at Maine na tumagal pa sila.

Janella Salvador – Bakit kaya sinisiraan ng sarili niyang ina?

Pinagpipistahan sa isang malaking umpukan noong isang gabi ang kakaibang atake ng ina ni Janella Salvador sa pagdidisiplina sa kaniya.

Nagkakaisa ang lahat ng nasa umpukan na kung totoo ngang kinakapos sa pagrespeto ang young actress ay mali pa rin ang ginagawa ni Jenine Desiderio na ito pa mismo ang nambabagsak sa kaniyang anak.

Hindi raw tama ang kaniyang ginagawa na ipinaaabot pa nito sa social media ang mga ginagawa ni Janella, puwede raw naman nilang pag-usapan na lang sa kanilang tahanan ang problema, pero bakit sa publiko pa nagsusumbong si Jenine?

Tama naman ang kanilang punto. Nakalulungkot naman talagang isipin na habang itinataas ng Star Magic ang imahe ng dalaga ay kabaligtaran naman noon ang ginagawa ng ina niya mismo.

Maraming oras na puwedeng gamitin ni Jenine para sohetohin ang kaniyang anak sa sarili nitong paraan pero hindi iyon ang kaniyang ginagawa.

At walang pupuntahan si Janella kundi ang manahimik na lang. Kapag sinagot niya ang kaniyang mommy at nangatwiran siya ay lalabas siyang bastos na anak.

Puwede siyang bastusin ng kaniyang ina pero wala siyang karapatang mangatwiran man lang dahil siya ang babalikan ng publiko.

Ahron Villena – KSP! Naghubad! Nagpapansin sa mga becki at matrona

Ano kaya ang pumasok sa kukote ni Ahron Villena para maglabas siya ng mga retratong lantad na ang mga katagau-tagong bahagi ng kaniyang katawan? Sino kaya ang nagsulsol sa kaniya na magpakuha sa ganoong itsura?

Pero, naghuhugas-kamay ngayon si Ahron, nakahanap siya ng palusot sa ginawa niyang paglalantad sa hubad-hubad niyang katawan sa IG Story niya, pagod at puyat lang daw siya noong mga panahong iyon kaya nagkamali siya ng pag-click.

Hindi raw niya iyon sinasadya, honest mistake kuno ang nangyari, namali lang daw siya ng pagpindot sa makina kaya kumalat ang hubad-hubad niyang larawan sa social media.

Mabilis ding binura ng aktor ang mga inilabas niyang retrato, pero mas mabilis pa sa magnanakaw ang mga netizens na naka-grab sa kaniyang hubad na katawan sa IG, kaya pinagpipistahan iyon ngayon sa social media.

May gustong patunayan si Ahron kaya niya ginawa iyon. Imposibleng wala dahil anumang aksiyon na ginagawa ng kahit sino ay kinakambalan ng motibo. Siguradong may dahilan.

Tuloy ay pinaglalaruan ngayon si Ahron. Siya ang nagbukas ng pintuan para siya ganyanin, siya ang nang-imbita sa mga bashers na pakainin siya ng apdo, kaya magdusa siya!

At mahapdi sa balat ang mga komentong tinatanggap ngayon ng nagdedenay na nagkaroon sila ng relasyon ng komedyanang si Cacai Bautista, siguradong bumabaon ang mga salitang iyon sa flawless na kutis ng aktor, dahil berdaderong laos na ang ikinakambal na bansag sa kaniya.

Nagpapapansin lang daw si Ahron para magkaroon siya ng proyekto, gusto rin daw niyang patunayan sa lahat na lalaking-lalaki siya, para mapasinungalingan niya ang linyang tanggap naman siya ni Cacai sa kung anuman siya.

Nakipaglaro si Ahron pero siya ang pinaglalaruan ngayon sa social media. Siya ang nagsimula, ang mga bashers ang tumapos, sa kalokohang paglalantad niya ng kaniyang kahubdan sa publiko.

Ang mga tao nga namang hindi abala, kung anu-ano ang pinagkakaabalahan, kung anu-ano ang pumapasok sa kukote para lang sila mabigyan ng pansin. Ewan! – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Agosto 16-31, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 16-31, 2017

  Nadine Lustre & James Reid
 
James Reid & Nadine Lustre
  Sharon Cuneta / Robin Padilla
 
Sharon Cuneta / Robin Padilla
  Jake Zyrus & Shyre Aquino
 
Jake Zyrus & Shyre Aquino
  Vice Ganda
 
Vice Ganda
  Tony Calvento
 
Tony Calvento
  Erich Gonzales, Paul Soriano & Toni Gonzaga
 
Erich Gonzales, Paul Soriano & Toni Gonzaga
  Super Tekla
 
Super Tekla
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban
  Empoy Marquez
 
Empoy Marquez
  Claudine Barretto & mother
 
Claudine Barretto & mother
  Coco Martin at Julia Montes
 
Coco Martin at Julia Montes

Nadine Lustre – Pinagpipistahan na naman sa social media

Hindi talaga umaayon ang panahon ngayon kay Nadine Lustre. Pagkatapos siyang pag-initan sa social media dahil sa kaniyang katwiran na hindi krimen ang pakikipag-live-in ay heto na naman ang isa pang kontrobersiyang ewan kung paano niya malulusutan.

Isang lasing na lasing na Nadine naman ang pinagpipistahan ngayon sa social media, ipinakikita siyang nakikipag-inuman, nang malasing na siya ay sigaw siya nang sigaw ng “I love yooooooooo!!!!

Tanong nga mga netizens ay ano na ba ang nangyayari kay Nadine at parang nagiging masokista na siya? Parang siya pa ang nang-iimbita para siya pagpistahan, para siya masaktan, ine-enjoy raw kaya ng dalaga ang mga pamba-bash na natitikman niya ngayon?

Ang iba naman ay may opinyon na ang lahat ng mga ginagawa ni Nadine ay hindi niya naman talaga gusto, iyon daw ang gusto ni James Reid na gawin niya, para walang problema sa kanilang relasyon. At dahil sa sobrang pagmamahal niya sa binatang aktor ay sunud-sunuran na lang siya.

Ang nagmamahal daw ay nagiging bulag sa katotohanan. Para lang mapaligaya ang kaniyang mahal ay gagawin niya ang lahat, ipupusta niya kahit ang kaniyang career, huwag lang silang magkahiwalay ng kaniyang karelasyon.

Kung nasa ganoong sitwasyon si Nadine, sana ay maaga siyang magising sa katotohanan na may sarili siyang buhay, hindi siya nakatitiyak na magiging panghabambuhay na ang relasyon nila ni James Reid.

Walang masama sa pagmamahal na ibinibigay niya kay James, pero sana’y mag-iwan siya para sa kaniyang sarili, para kapag dumating ang ayaw niyang mangyaring paghihiwalay nila ng kaniyang boyfriend ay mayroon pa siyang naitatabi.

May maiiwanan pang puhunan para sa kaniya, hindi siya nasaid nang husto, bantayan dapat ni Nadine ang kaniyang kinabukasan.

Sharon Cuneta – Bored ba kaya si “Robin ko” ang napagdiskitahan?

Sabi ng isang source ay wala na naman daw sigurong magawa si Sharon Cuneta kaya nakatanghod na naman ang Megastar sa kaniyang laptop. Si Robin Padilla naman ang napagtuunan niya ng atensiyon ngayon sa social media.

Binalikan ni Sharon ang nakaraan nila ng action star, ang kanilang relasyon na dapat ay mauuwi na sa kasalan, pero biglang nadiskubre ni Sharon na may Liezel Sicangco pala si Binoe.

Hindi na idinetalye ni Sharon pero sa eroplano niya nalaman ang lihim. May nakapagsabi sa kaniya na ihinatid ni Robin sa Australia si Liezel, nagdadalantao, na malapit nang ikahimatay ni Mega.

Nauwi sa wala ang kanilang pagmamahalan. Galit na galit si Sharon. Napakatagal niyang iniyakan ang senaryo. Gusto na niyang kantahin noon ang pamosong piyesa ng mga lasing na “Pasumpa-sumpa ka pa, #$*%na ka! Na mahal na mahal mo ako, &%$#na mo!”

Pero iba na nga ang eksena ngayon. Ginamot na ng panahon ang galit niya kay Robin. Best friends na sila ngayon. At naglitanya si Sharon na kahit kailan ay hindi siya pinabayaan ng action star kahit pa hindi sila nagkatuluyan.

“Robin ko” ang tawag ni Sharon sa aktor, isang bagay na pinuna sa kaniya ng mga netizens, hindi raw kaya naiisip ni Shawie ang kaniyang mister na senador na puwedeng maapektuhan sa kaniyang post tungkol kay Robin?

Sana raw ay maging sensitibo naman si Mega dahil mayroon na siyang mister, may misis na rin si Binoe, kaya huwag na sana niyang binabalik-balikan pa ang kanilang nakaraan ni Robin Padilla.

“Robin ko” ang tawag niya sa action star sa kaniyang post. Paano kung may isang babae raw namang tumawag sa senador ng “Kiko ko,” hindi raw kaya magwarla si Sharon, tanong ng ating mga kababayan.

Jake Zyrus – Tumibok muli ang puso, may bagong girlfriend

May bago nang pagibig si Jake Zyrus. May kapalit na si Alyssa Quijano sa kaniyang puso. Tumitibuk-tibok na naman ang puso ng international singer na itinambak na sa basurahan ang dati niyang pangalan.

Tanggap na tanggap daw siya ni Shyre Aquino sa kung ano at sino siya. Mahal na mahal daw siya ng girl. Kulay rosas na naman ang paligid ngayon ni Pareng Jake.

May karapatan namang lumigaya si Charice Pempengco. Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Alyssa ay dapat lang namang makahanap siya ng babaeng makapagpapaligaya sa kaniya.

Ito ang inspirasyon ngayon ni Jake Zyrus, ito ang kaniyang bitamina, ito ang bagong nagpapaikot ng kaniyang mundo. Sana lang ay iwasan na ni Jake ang paglilitanya sa social media na naglalagay sa kaniya sa alanganin.

Noong sila pa kasi ni Alyssa Quijano ay parang wala nang katapusan ang kanilang pagmamahalan, parang may forever, kaya nga pati ang kaniyang pamilya ay kinalaban niya sa pakikipagrelasyon sa babaeng ayaw ng mga ito para sa kaniya.

Medya-medya lang, huwag buhos na buhos, matuto na sana si Jake Zyrus na magtira nang kahit kaunti lang para sa kaniya.

Masarap lang namnamin ang salitang forever, pero marami nang nagpatunay na sa kanta lang mayroong ganoon, walang forever sa totoong buhay.

Pero maraming masaya sa bagong pag-ibig ni Jake Zyrus. Sa tindi ng kaniyang pinagdaanan ay kailangan niya ng inspirasyon na magbibigay ng kulay sa madilin niyang mundo.

Vice Ganda – Di na natuto. Mukhang makakasuhan dahil sa pamimintas

Hindi binasang sulat ng panghihingi ng paumanhin ang makasasapat sa nasaktang damdamin ng kilalang peryodista-komentaristang si Tony Calvento.

Si Vice Ganda ang gusto niyang marinig-mapanood na humihingi ng dispensa sa ginawa nitong pagkaladkad sa nananahimik niyang pangalan para lang magpatawa-magkomedya.

Kundi iyon gagawin ng sikat na komedyante-TV host ay malinaw ang posisyon ni G. Calvento, itutuloy pa rin niya ang pagsasampa ng kaso laban kay Vice Ganda, sa It’s Showtime at sa ABS-CBN.

Sa biglang paghusga ay maaaring isipin ng iba na sobra namang makapagbigay ng reaksiyon si G. Calvento, nabanggit lang ang pangalan niya sa himpapawid, ganyan na katindi ang hinihingi niya kay Vice?

Pero kung lalaliman natin ang pag-ugat sa senaryo ay mapapatunayan natin na hindi lahat ng tao ay bukas ang kalooban para gawing katatawanan ang kanilang buhay.

Okey na sana ang mga unang komento ni Vice Ganda. Pinayuhan nito ang kalahok sa Tawag Ng Tanghalan na huwag ikahiya ang kaniyang hitsura, mukha iyon ng kalahok na dapat ay ipagmalaki nito dahil iyon ang kaniyang-kaniya.

Ang nagtanim ng kakaibang dating kay G. Calvento ay ang sinabi ni Vice na kahit pa kamukha ng kalahok ang peryodista ay dapat pa rin itong maging proud, huwag ikahihiya ang kaniyang hitsura, dahil iyon ang bigay sa kaniya.

Kung titilarin natin ang litanya ni Vice Ganda ay ang bahaging “kahit pa kamukha mo si Mr. Tony Calvento” ang nagdiin sa kaniya. Iyon ang ikinasama ng loob ni G. Tony Calvento, minenos ni Vice Ganda ang kaniyang pagkatao, ginawa siyang katatawanan ni Vice on national television.

Matalino si Vice Ganda. Hindi lang siya magaling na komedyante. Mabilis magtahi-tahi ng senaryo si Vice Ganda sa himpapawid na kahanga-hanga dahil napakaaktibo ng kaniyang utak sa pag-iisip.

Pero parang mabilis siyang makalimot. Dapat ay natuto na siya ng leksiyon sa ginawa niyang lantarang pagpapahiya noon sa himpapawid sa magaling na TV host na si Jessica Soho.

Pinakain na siya ng apdo noon ng publiko, halos ibinayubay na siya sa krus noon dahil sa panghihiya sa isang nananahimik na personalidad, pero heto na naman si Vice.

Tama ang pahayag ni G. Tony Calvento na hindi ngayon at sikat na sikat si Vice Ganda ay binibigyan na siya ng pasaporteng manghiya at mampahiya ng mga taong nananahimik.

Inuulit namin, ang mikropono ay parang baril, iyon ang itinuturing na armas ng mga tulad ni Vice Ganda. Oras na nasabi na niya ang mga salitang nakapananakit ay parang kinalabit na rin niya ang gatilyo, hindi na niya mababawi pa iyon, pinal na ang salitang binitiwan niya.

Erich Gonzales – Nagka-relasyon daw noon kay Direk Direk Paul Soriano?

Gusto naming paniwalaan na pagpapaingay lang sa ginagawang pelikula ngayon nina Erich Gonzales at Direk Paul Soriano ang mga lumulutang na alingasngas ngayon sa relasyon ng direktor at ni Toni Gonzaga.

Sa tagal ng kanilang relasyon bilang mag-boyfriend muna na humantong sa pagpapakasal at pagkakaroon na nila ng anak ay napakatibay na ng pundasyon ng kanilang pagmamahalan.

Isa pa ay parehong Christian sina Direk Paul at Toni. Hindi naman namin sinasabing hindi na puwedeng matukso ang mga kristiyano, pero nasa tao iyon, at sa pagkakilala namin kay Direk Paul ay hindi ito agad mahuhulog sa tukso.

Kung kailan nila nalampasan ang napakaraming pagsubok ay ngayon pa ba naman gagawa ng hindi maganda si Direk Paul? Sa aming opinyon ay walang katotohanan ang kumakalat na kuwento tungkol sa kanila ni Erich.

Karaniwan nang nangyayari ang ganyan para paingayin ang proyekto. Kahit may mga taong nasasagasaan ay sige lang, mapag-usapan lang ang pelikula, mabulabog lang ang kamalayan ng publiko.

Hindi sasayangin ni Direk Paul Soriano ang napakalaking tiwala sa kaniya ng mga magulang ni Toni, ang tagal-tagal ng panahong ipinaghintay nila, para masira lang nang dahil sa isang malisyosong istorya.

Ginagawa ni Toni ang kaniyang mga obligasyon bilang ulirang misis at ina, nagtatrabaho man siya ay wala siyang napapabayaan, walang dahilan para maghanap pa ng iba si Direk Paul.

Sila ang literal na pinag-isa na ang nasa gitna ng kanilang pagmamahalan ay ang Diyos. Men will always be men pero gusto naming ihiwalay si Direk Paul Soriano sa kapaniwalaang iyon.

Super Tekla – Lalaking-lalaki pala! Nagbabakla-baklaan lang

Nakagugulat pero totoo. Ang pinakamatinding problemang hindi kayang hanapan ng solusyon ni Super Tekla ay problema ng puso. Babae.

Maraming nagugulantang sa takbo ng buhay ng dating co-host ni Willie Revillame. Akala kasi ng mga kababayan natin ay becki si Super Tekla.

Pero lalaking-lalaki pala siya. Nagbabakla-baklaan lang. Puhunan lang niya ang pagiging becki sa harap ng mga camera. Babae at hindi lalaki ang kinakarelasyon ng komedyante.

Kayang pahintuin ng babae ang ikot ng kaniyang mundo. Kapag nagkakaroon sila ng problema ng kaniyang girlfriend ngayon ay tinatabla ni Super Tekla ang mundo. Tulad ng ginawa niya sa show ni Uge kailan lang.

Napakalinaw ng usapan. Kailangan siya sa studio bago mananghali. Tumawad ang kaniyang handler. Puwede raw bang makapananghali na siya darating? Pumayag naman ang talent coordinator ng Celebrity Bluff.

Alas tres na ay wala pa rin si Super Tekla. Alas singko ay wala pa rin. Tinawagan na ng produksiyon si Boobay para sumalo sa kaniyang posisyon. Agarang dumating si Boobay.

Ang ibinigay na dahilan ng handler ni Super Tekla ay problemado raw ang komedyante, nag-away raw sila ng kaniyang girlfriend, at kapag ganoon na ang sitwasyon ay bumabaligtad na ang mundo ni Super Tekla.

Maglumuhod man ngayon si Super Tekla sa panghihingi ng paumanhin sa show ay handa namang makinig ang staff, pero ang kunin pa uli siyang guest sa programa ay malayo nang mangyari, may ekis na ang kaniyang pangalan sa produksiyon dahil sa kaniyang ginawa.

Walang pakialam si Super Tekla sa kung magkano ang nagagastos ng network sa taping ng isang programa. Milyon ang itatapon ng istasyon kapag hindi natuloy ang taping nang dahil lang sa kawalan ng propesyonalismo ng kanilang panauhin.

Kung hindi dumating si Boobay at walang nagawang paraan ang produksiyon para makahanap ng papalit kay Super Tekla ay siguradong pack-up ang taping.

Napakabilis naapektuhan ng popularidad si Super Tekla. Pinahiram lang siya nang kaunting kapalaran ni Willie Revillame ay nagkaganyan na siya.

Kung si Willie nga, kahit kalalabas lang sa ospital, ay dumarating ito sa set ng Wowowin para magtrabaho. Alam kasi ni Willie na kapag hindi sila nakapag-taping ay milyunan ang itatapon ng produksiyon, walang kikitain ang kaniyang staff, kaya the show must go on.

Matagal din namang naging bahagi ng Wowowin si Super Tekla, dapat ay alam na niya ang kahalagahan ng propesyonalismo, dahil iyon ang unang-unang itinatanim ni Willie Revillame sa utak ng kaniyang staff.

At kalokohan ang katwiran na hindi siya nakarating sa taping dahil nag-away sila ng kaniyang girlfriend. Kung ganoon kababaw ang katwirang ibibigay ni Super Tekla sa tuwing sumisira siya sa pangako ay umalis na lang siya sa mundong ginagalawan niya ngayon. Magsumiksik na lang siya sa pundya ng karelasyon niya.

Nakapanghihinayang ang oportunidad na dumapo pero pinalipad din agad paalis ni Super Tekla sa kaniyang mga palad. Kung alam lang niya na inggit na inggit sa kaniya noon ang maraming stand-up comedian dahil sa magandang kapalarang ibinigay sa kaniya ni Willie Revillame.

Pambihira ang ganoon. Pero hindi iningatan at inalagaan ni Super Tekla. Natatakot na ngayon pati ang mga show coordinators sa malalayong probinsiya na kunin ang kaniyang serbisyo dahil baka hindi siya dumating. Baka nag-away na naman sila ng girlfriend niya.

Si Super Tekla mismo ang naghukay ng libingan ng maganda niyang career. Nakikiramay kami.

Angelica Panganiban ­– Nakikiangkas ngayon sa kasikatan ni Empoy?

Walang kamalay-malay si Angelica Panganiban na maraming kababayan natin ang naiinis-nayayabangan sa kaniya dahil sa mga sinasabi niyang pangmamaliit sa matagumpay na aktor na si Empoy Marquez.

Biro lang naman siyempre para kay Angelica ang pagsasabi niya na hindi naliligo at nagtu-toothbrush ang komedyante, pero para sa mas nakararami ay hindi niya dapat sinasabi iyon, bigyan daw naman sana niya ng kahihiyan si Empoy.

Sabi ng isang miron, “Matagal na pala silang magkaibigan, pero bakit ngayon lang niya sinasabi ang ganyan? Eh, di sana, noon pa, tutal naman, eh, magkabiruan na sila talaga!

“Kasi nga, eh, biglang sumikat si Empoy, kumita nang daang milyon ang movie nila ni Alessandra, kaya bigla na niyang naging kaibigan at tinutuya-tuya pa niya!

“Napakapalengkera talaga ni Angelica! Wala sa hulog ang mga sinasabi niya! Kaya siguro siya hiniwalayan ni Derek (Ramsay) at ni John Lloyd!” pautang na salita kay Angelica Panganiban ng source.

Ang totoo raw kasi ay nagpaparamdam lang ang dalagang aktres, baka nga naman puwedeng sila naman daw ni Empoy ang magtambal sa susunod, nakikiangkas lang daw si Angel sa kasikatan ngayon ni Empoy Marquez.

O, di ba, nakakawindang ang kuwento? Si Angelica Panganiban na ngayon ang nakikiangkas sa kasikatan ni Empoy?

Claudine Barretto – Dapat payuhang mag-gym at mag-diet

Mausisa ang aming mga kausap. Kailangan daw naming sagutin ang kanilang mga tanong. Isang hapon kasi ay nakasabay raw ng kanilang tropa si Claudine Barretto habang naggo-grocery.

Saludo pa rin sila sa ganda ng aktres, wala kasi siyang ka-make-up-make-up nang makita siya ng mga kausap namin, kaya lang ay hindi sila makapaniwala na ganoon na kalaki ngayon si Claudine.

“Bakit niya pinabayaan ang sarili niya na lumaki nang ganoon? Grabe, halos wala na siyang leeg! Saka ang katawan niya, parang tatlong doble ni Gretchen!

“Sayang naman, ang ganda-ganda pa rin kasi niya, pero kung ganoon naman siya kataba, e, ano ang mangyayari sa kaniya?” hindi na nakapagpigil na komento ng isa sa grupo.

Isa lang ang ibig sabihin noon. Hanggang ngayon, kahit hindi na aktibo sa pag-aartista si Claudine, ay marami pa ring interesado sa kaniya. Hindi naman kasi madaling kalimutan ang mga ginawa niya noong kasagsagan ng kaniyang career sa ABS-CBN.

“Walang nagbago sa face niya, ang ganda-ganda pa rin niya, natural ang ganda niya. Kaya lang, kailangan niya talagang magsakripisyo. Magpapayat siya.

“Mag-gym siya, mag-diet. Kahit hindi na niya maging kasing-sexy ni Gretchen, okey lang, basta magpapayat lang siya,” suhestiyon pa ng grupong kausap namin.

Coco Martin – Sobrang seloso sa mga kapartner ni Julia Montes

Bakit kaya pinagpipistahan ngayon ang kuwentong hiwalay na sina Coco Martin at Julia Montes? Nauna pa ang kuwento ng kanilang break-up kesa sa kanilang pag-amin.

Kahit anong tanong ng mga reporters sa dalawa ay ngiti lang ang kanilang sagot. Kahit pa balitang sa bahay na ni Coco Martin nakatira ang aktres ay wala silang binibitiwang kumpirmasyon na sila na nga.

May isang source na nagkuwento sa amin na hindi raw totoong matindi ang selos ni Julia kina Yassi Pressman at Yam Concepcion na kasama ni Coco sa Ang Probinsiyano.

“Si Coco ang seloso, hindi si Julia. Kahit magtanong kayo sa production, bantay na bantay ni Coco ang mga eksena ni Julia noon sa Doble Kara.

“Hindi siya puwedeng magpayakap at magpahalik, kahit kailangang-kailangan iyon sa eksena. Ayaw ni Coco,” sabi ng aming source.

Marami pang ibang kuwento tungkol sa kanilang relasyon na hindi na namin idedetalye pa pero siniguro ng aming kausap na taon na ang kanilang pagmamahalan.

Nagli-live-in na raw sina Coco at Julia, dagdag pa ng aming source, si Coco rin daw ang nagpatayo ng bahay ng dalaga sa subdivision kung saan nandoon ang mansiyon ng magaling na aktor.

Sana nga ay kuwentong-kutsero lang ang balitang hiwalay na sila ngayon, sayang na sayang naman ang ipunuhunan nilang emosyon, maligaya sila sa tagung-tago nilang relasyon at may karapatan silang ilihim-alagaan ang kanilang pagmamahalan nang malayo sa mga mata ng publiko.  – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Setyembre 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminSetyembre 1-15, 2017

  Jinggoy Estrada
 
Jinggoy Estrada
  Senator Bong Revilla mugshot
 
Senator Bong Revilla mug shot
  Raquel Pempengco kasama sina Charice & Carl
 
Raquel Pempengco kasama sina Charice & Carl
  Kathryn Bernardo bilang Wonder Woman
 
Kathryn Bernardo bilang Wonder Woman
  Coco Martin
 
Coco Martin
  James Reid & Nadine Lustre
 
James Reid & Nadine Lustre
  Lotlot & Mom Eva Rodriguez
 
Lotlot & Mom Eva Rodriguez
  Kris Aquino, Willie Revillame & Arnold Vegafria
 
Kris Aquino, Willie Revillame & Arnold Vegafria
  Verni Varga, Regine Velasquez & Kuh Ledesma
 
Verni Varga, Regine Velasquez & Kuh Ledesma

Sen. Bong Revilla at Sen. Jinggoy Estrada – Sa tulong ni PDU30, makapagpiyansa kaya?

Mula sa dilim ay parang nakakita ng liwanag ng pag-asa ang magkaibigang senador sa naging deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte noong isang araw sa isang pagtitipon sa Palasyo.

Naging malaking sorpresa para kina Senador Bong Revilla at Senador Jinggoy Estrada ang pagkabanggit ng pangulo na sobra-sobrang tagal na ng paglilitis sa kasong kinakaharap nila.

Ayon sa pangulo, kung nabigyan daw ng pagkakataong makapagpiyansa si Senador Juan Ponce Enrile, dapat ay ganoon din ang magkaibigang senador dahil iisa lang naman ang kasong ibinato laban sa kanila.

Napakatagal nang dasal ng dalawang senador ang mabilisang pag-usad ng kasong pinagdadaanan nila, pero usad-pagong ang nagaganap, nitong mga huling buwan pa lang kumikilos ang hearing.

Kundi man sila permanenteng mabibigyan ng kalayaan, sana’y payagan din silang makapagpiyansa, tutal naman ay matapang nilang hinaharap ang kasong ibinibintang sa kanila tungkol sa PDAF.

Nakaramdam din ng pag-asa ang mga nagmamahal kina Senador Jinggoy at Senador Bong sa mga binitiwang salita ni Pangulong Duterte, sana nga raw ay magkaroon ng katuparan ang oportunidad na makapag-bail sila. Hindi biro ang tatlong taon na nilang pagkapiit sa PNP Custodial Center nang wala pa namang kahit kapiranggot na ebidensiyang napatutunayan laban sa kanila.

Isang kaso lang ang hinaharap nina Senador Bong, Senador Jinggoy at Senador JPE, pero nabigyan ng temporary liberty ang huli; kaya hiling ng kanilang mga tagasuporta lalo na ng kanilang mga pamilya na sana’y mabigyan din ng pagkakataong pansamantalang makalaya ang magkaibigan senador.

Tatlong taon na nga namang nakapiit ang magkaibigan senador pero hanggang ngayo’y wala pa ring nangyayari. Kundi pa sila umapela na sana’y magkaroon na ng speedy trial ang kasong kinasasangkutan nila ay hindi pa kikilos ang gulong ng hustisya.

Hindi na biro ang tagal ng panahon ng kanilang pagkakulong. Sobra-sobrang sakiripisyo na iyon para sa kasong hindi naman umuusad para mahanapan ng ebidensiya para sila maparusahan.

Jake Zyrus – Sinusumbatan ng ina sa social media

Parang sobrang ine-enjoy ni Raquel Pempengco ang isyung kinapapalooban nila ng kaniyang anak na si Charice na ngayo’y si Jake Zyrus na.

Komento ng ating mga kababayan ay overkill na ang kaniyang mga komento sa social media. Hindi na nga sumasagot si Jake Zyrus ay panay-panay pa rin ang pag-arya ni Aling Raquel.

Humihingi siya ng katahimikan, pero iba naman ang kaniyang ginagawa. Labas siya nang labas ng kaniyang saloobin na baka kapag hindi nakapagpigil si Jake Zyrus ay masagot nito.

Panibagong royale rambol na naman kapag sumagot si Charice, manggigigil na naman si Aling Raquel, magiging seesaw na naman ang kanilang pagsasagutan.

Wala nang magiging katapusan iyon hanggang hindi tumitigil si Aling Raquel sa pagpaparunggit sa kaniyang panganay. Sinusurot niya ang kunsensiya ni Charice na may kakambal pang mga retrato nito at ng kaniyang kapatid noong mga bata pa sila.

Kung si Kris Aquino ang hihingan ng komento tungkol sa nagaganap sa mag-ina ay siguradong sasabihin ni Kris kay Aling Raquel ang litanyang “Don’t play the victim here.”

Paano magiging biktima ang isang nanay na napakaagang isinuga sa bukirin na parang kalabaw ang kaniyang anak para pagtrabahuhin?

Paano magmimistulang biktima ang isang nanay na ayon sa daloy ng kuwento ng Maalaala Mo Kaya ay regular na pinadadalhan ng kaniyang anak ng pambayad sa binili nitong bahay para sa kaniyang pamilya pero hindi naman pala ipinanghuhulog ng kaniyang nanay?

Paano pa ang kuwento ng pambayad sa buwis na ibinibigay naman ni Charice kay Aling Raquel pero may utang pa rin pala sa taxes ang international singer?

Hindi puwedeng maging pa-victim si Aling Raquel dahil ipinalabas na sa MMK ang kuwentong kay Charice mismo nanggaling na pinalabas siyang materyosa at malupit na nanay.

Pananahimik na lang siguro ang kailangang gawin ni Aling Raquel. Isang araw ay tatahimik din ang kanilang mundo, lilipas din ang isyu, pero kung patuloy siya sa pangungunsensiya sa kaniyang anak sa social media ay hahaba lang nang hahaba ang kontrobersiya.

Ang minsang-makalawa ay ayos na. Kapag mayroon pang pangatlo, pang-apat at panglima, ang istorya ay nakauumay na. Maghahanap na ng bago ang mga nakamasid lang sa kanilang mag-ina.

May pagkasutil ang isang anak-anakan naming nagsabi na si Aling Raquel daw ang sinungaling sa pagrereklamo na pinapangit siya sa kuwento ng MMK.

“Naku, liar siya! Anong pinapangit siya sa istorya? Pinaganda nga siya nang todo, eh, dahil si Dina Bonnevie ang gumanap na nanay ni Jake Zyrus!”

Kathryn Bernardo ­– Siya kaya ang Nora Aunor ng kasalukuyang panahon?

Nabasa namin ang mga pamba-bash kay Kathryn Bernardo. Sobrang personal nga naman pala iyon. Kung mahina-hina lang ang pang-unawa ng dalaga at kung maigsi lang ang pisi ng kaniyang pasensiya ay siguradong mang-aaway siya.

Nagsuot lang ng Wonder Woman costume si Kathryn ay pinintasan na siya. Pandak, sakang, walang boobs at papansin. Ang sakit-sakit ng mga salitang tinanggap ng mahal ni Daniel Padilla.

Naalala namin si Nora Aunor. Noong kasagsagan ng kasikatan nito ay busog na busog din sa mga pamimintas ang Superstar. Nand’yang tawagin itong ulikba dahil sa kaniyang kayumangging-kaligatang kulay, unano; hindi malayo sa mga pintas at panglalait na natitikman ngayon ni Kathryn Bernardo.

Pero nanatiling pinakasikat si Nora Aunor, walang kahit sinong personalidad na nakalapit man lang sa kaniyang posisyon, ito pa rin ang numero uno sa kasikatan.

Pinipintasang negra at ulikba, at kung anu-ano pang negatibong paglalarawan, pero si Nora Aunor ang nangwasak sa kalakaran ng lokal na aliwan na mga mestisa lang at matangkad lang ang may karapatang mag-artista.

Dahil sa ginawang pamimintas ngayon kay Kathryn Bernardo ay siya na nga kaya ang Nora Aunor ng kasalukuyang panahon? Siya na kaya ang numero unong young personality ngayon kaya ganyan na lang siya kung upakan at pintas-pintasan?

Sinasaksak man si Kathryn nang patalikod ngayon ay siya pa rin ang nasa unahan. Hinihila man siya pababa ng mga may utak-crab mentality ay siya pa rin ang nasa itaas, nakaukyabit lang sa mga paa ang mga nanglalaglag, panalo pa rin si Kathryn Bernardo sa kabila ng lahat.

Coco Martin – Dapat magdahan-dahan, baka ma-burnout

Kung galing sa pag-arte at propesyonalismo ang pag-uusapan ay yakap-yakap ni Coco Martin ang mga katangiang iyon. Magaling na siyang aktor ay napakaresponsable pa, ipinagmamalaki siya ng kaniyang mga kapuwa artista, dahil totoo namang mahal na mahal ni Coco Martin ang kaniyang propesyon.

Iyon ang dahilan kung bakit minamahal din siya nang doble pa nga ng kaniyang trabaho. Marami nang nagtangkang pataubin ang rating ng pinagbibidahan niyang Ang Probinsiyano, pero palaging bigo ang lahat, tutok na tutok ang buong bayan sa makabuluhan niyang serye.

Pero may mga nag-aalala para sa kalusugan ng sikat at magaling na aktor, baka raw naman nakalilimutan na ni Coco na tao lang siya, sa isang bigwas lang ng pagkakataon ay puwede siyang magkasakit.

“Lagare siya sa Ang Probinsiyano at sa Panday na ipapasok niya sa MMFF. Hindi ganoon kasimple ang schedule niya, siya pa ang head ng creative group ng series niya, direktor naman siya sa ginagawa niyang movie.

“Baka naman spreading too thinly na siya, baka one day, e, bigla na lang siyang bumagsak dahil sa tindi ng work load niya? Kailangan din niya ng pahinga, si Coco pa naman, kapag may project siya, e, sobra siyang involved,” pagmamalasakit ng aming kakuwentuhan.

Iisa lang ang buhay, hindi natin mabibili sa kahit anong department store ang pamalit sa ating buhay kapag nawala na, kaya dobleng ingat kundi man triple ang kailangang gawin ni Coco Martin.

James Reid at Nadine Lustre ­– Pinaghiwalay ng VIVA ang JaDine love team

Malungkot na malungkot ngayon ang mga JaDine supporters. Wala na silang choice kundi tanggapin ang desisyon ng mga namamahala sa career ng kanilang mga idolo na paghiwalayan muna sila.

Hindi maintindihan ng mga tagahanga nina James Reid at Nadine Lustre ang desisyon ng Viva Entertainment na itambal muna sila sa iba. May ginagawa nang proyekto ngayon si James na hindi si Nadine ang kaniyang katambal.

Ang dalaga naman ay malapit na ring magsimulang gawin ang isang pelikula na hindi rin si James ang kaniyang kasama, pero maganda raw ang proyekto, hahangaan daw ang young actress sa kuwento ng pelikula.

Kung sino ang nagplanong paghiwalayin muna ang loveteam ay gustong malaman ng mga JaDine fans. Maling-mali raw ang desisyon, gusto na raw sigurong buwagin talaga ang loveteam, samantalang napakabenta nila sa publiko.

Pero mas may alam ang nagdesisyon, malaki ang ipinuhunan ng kanilang management agency para marating nila ang popularidad na hawak nila ngayon. Alam ng mga ito ang kanilang ginagawa at kung ano ang magiging resulta ng paghihiwalay muna kina James at Nadine.

Nakarating naman sa amin ang impormasyon na matagal na palang nagli-live-in sina James at Nadine. Iyon ang dahilan kung bakit pinupog sa social media ang dalagang aktres, sinabi niya kasi na walang masama sa pagli-live-in, lalo na ngayong panahon na ng milenyal.

Maraming nanghihinayang sa kanilang tambalan dahil mukhang napag-iiwanan na sila ngayon ng kanilang mga kasabayang LizQuen at KathNiel.

Komento ng mga sumusubaybay sa kanilang career ay maaga silang nagpadala sa kanilang emosyon. Sa halip na career daw ang bigyan nila ng tutok at panahon ay inuna muna nila ang kanilang relasyon.

Pero ganoon talaga ang mga taong nagmamahalan, walang pinakikinggang payo, dahil mas malakas ang dikta ng kanilang puso.

Lotlot De Leon – Kaya namang mahalin ang kaniyang dalawang ina

Naiintindiahn namin kung saan nanggagaling si Lotlot de Leon. Naghahabol siya sa panahon, gusto niyang bumawi, dahil ngayon pa lang siya nabibigyan ng pagkakataong makasama ang tunay niyang ina.

Lumaki si Lotlot na nagtatanong at naghahanap. Nand’yan ang nagpalaki-kumupkop sa kaniya na si Nora Aunor, tinatanaw niyang napakalaking utang na loob iyon na hindi kayang tapatan nang kahit magkano, pero ang tulad ni Lotlot ay nangangarap ng isang kumpletong buhay.

Gusto niyang malaman kung sino ang tunay niyang mga magulang, gusto niyang makasama ang mga ito. At ngayong natunton na ni Lotlot ang mga tunay niyang ugat ay natural lang na gusto niyang samantalahin ang pagkakataong makasama ang kaniyang ama at ina.

Sana’y palawakin ng ibang tao ang kanilang isip sa nararamdamang kaligayahan ngayon ni Lotlot dahil nakilala na niya ang babaeng nagdala nang siyam na buwan sa kaniya sa sinapupunan.

Ito na ang hinog na pagkakataon para sila magkasama at balikan ang nakaraan. Sa paggawa noon ay hindi naman nangangahulugang kinalilimutan na ni Lotlot ang mga mapagpalang kamay ni Nora Aunor, hindi na iyon mawawala sa kaniyang kamalayan, hindi niya kailanman tatalikuran ang pagpapalaki sa kaniya ng kinagisnan niyang nanay.

Puwede niya namang mahalin ang tunay niyang ina na kipkip pa rin niya ang matinding utang na loob kay Nora Aunor. Puwedeng pagsabayin iyon. Puwedeng-puwede.

Kris Aquino – Gusto raw maging babaeng Willie Revillame

Laman ng social media ngayon ang pagkikita nina Willie Revillame at Kris Aquino noong August 24 nang hapon sa EDSA Shangri-La Hotel. Hindi kaswal na kuwentuhan lang ang naganap sa kanilang pagkikita. Tumagal iyon nang anim na oras.

Nang-imbita iyon ng mga komento at opinyon. May mga pabor kay Kris at mayroon ding mga pagkontra. Mas nakararami ang nagsabing kinailangan na talaga ngayon ni Kris ng isang salbabidang may hangin para magligtas sa pagkalunod ng kaniyang career.

Sabi nga, ang isang taong nalulunod daw, kahit sa tingting ay kakapit. At si Willie Revillame ang napisil ni Kris na hingan ng tulong para hindi mauwi sa kangkungan ang pagrereyna-reynahan niya sa ABS-CBN nang dalawang dekada.

Ang nag-ayos ng pagkikita nina Willie at Kris ay ang manager ngayon ng TV host na si Arnold Vegafria, gusto raw makausap ni Kris ang masang-masang si Willie, gusto raw niyang maging babaeng Willie Revillame.

Pinagbigyan naman ni Willie ang imbitasyon ni Kris. Napakahaba ng naging pag-uusap nila, hanggang sa mapunta na iyon sa kagustuhang makabalik sa telebisyon ng TV host.

Sa ideyang gustong maging babaeng Willie Revillame ni Kris ay napakarami niyang babaguhin sa kaniyang pakete. AB (sosyal) ang imahe ni Kris, kailangan niya ng CD (masa) followers, na ang ibig sabihi’y kailangan niyang ibaba ang kaniyang atake bilang artista.

Hindi kasi nakare-relate sa kaniya ang masa. Matayog ang tingin sa kaniya, lalo na’t post siya nang post ng mga kasosyalan na malayo sa bituka ng mas nakararami nating kababayan.

Gusto niyang maging Sharon Cuneta na nang mag-artista ay nag-aaral sa International School, pero ginawan ng Viva Films ng paraan para ito bigyan ng pagkakataong tanggapin din ng CD crowd; tagumpay ang ginawang pagpapakete ng Viva kay Sharon.

Matindi na ang pangangailangan ni Kris. Talagang humanap na siya ng personalidad na makatutulong sa kaniya para makabalik sa telebisyon, para kasing isda si Kris na inilipat sa lupa nang pagsaraduhan siya ng pintuan ng ABS-CBN, miss na miss na niya ang kaniyang trabaho.

At gaano katotoo na si Willie ang magiging tulay ni Kris sa pag-entra niya sa GMA-7? Si Willie raw ang makikipag-meeting sa mga ehekutibo ng network para magkaroon ng show sa kanila si Kris.

Nakakaamoy kami ng isang plano. Para makapasok sa network si Kris ay kailangang magkasama sila ni Willie sa show. Silang dalawa ang magtitimon sa programa dahil aprubado at garantisado nang tanggap na tanggap ng masang Pinoy si Willie Revillame.

Verni Varga – Napakabata pa para magkaroon ng Alzheimer’s

Kung totoo ang mga impormasyong nakarating sa amin ay nakalulungkot naman ang napakagaang pagkakaroon ng Alzheimer’s ng magaling na singer-performer na si Verni Varga.

Napakabata pa niya para dapuan ng ganoong problema. Ang karaniwang alam nating nagkakaroon ng Alzheimer’s ay matatanda na, wala pa sa ganoong estado si Verni.

Maraming kasamahan ng singer ang lungkot na lungkot sa balita. Iyon daw pala ang dahilan kung bakit nawawala siya sa sirkulasyon. Kailangang tutukan ng kaniyang pamilya ang kalagayan ng singer.

Mabuti na lang at may pamilya ang singer na nagmamahal sa kaniya. Kayang-kaya siyang dalhin sa pinakamahuhusay na espesyalista ng kaniyang mister, dahil nakaririwasa ito sa buhay. At sana nga ay bumalik sa dati ang kaniyang memorya.

Kuwento ng aming source, “Noong una, ang akala nila, e, normal na pagkalimot lang ang nangyayari kay Verni. Marami siyang nakakalimutan. Madalas mangyari ang ganoon.

“Pero noong magtagal pa, e, kinailangan na niyang magpa-check-up, maraming-marami na kasi siyang hindi matandaan, baka mapagbintangan pa siyang unprofessional dahil tumatanggap siya ng mga shows na hindi niya napupuntahan.

“Gustung-gusto pa rin niyang mag-perform, kilala siya sa pagiging professional, hindi siya naging problema kahit kailan ng mga concert producers. Hanggang sa dumating na nga ang hindi niya inaasahan.

“Napakabata pa niya, sana naman, e, masolusyunan agad ang problema niya. Para makapag-perform na siya uli, passion niya ang pagkanta, buong buhay niya, e, ginugol niya sa entablado,” nagmamalasakit na komento ng aming kausap. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Setyembre 16-30, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminSetyembre 16 – 30, 2017

  Marian Rivera
 
Marian Rivera
  Andrea Torres Dingdong Dantes
 
Andrea Torres & Dingdong Dantes
  Daniel Padilla
 
Daniel Padilla
  John Lloyd Cruz drunk
 
John Lloyd Cruz lasing
  Luis Manzano
 
Luis Manzano
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Luis Manzano & mom, Vilma Santos
 
Luis Manzano & mom, Vilma Santos
  Nora Aunor & Vilma Santos
 
Nora Aunor vs Vilma Santos noong 1970s
  Kris Aquino Willie Revillame
 
Kris Aquino & Willie Revillame

Marian Rivera – Masyadong magselos, masyadong praning

“Excited!” – Iyon pala ang pinakaugat kung bakit tinalak-talakan, kinompronta at tinakut-takot ni Marian Rivera si Andrea Torres na katambal ng mister niyang si Dingdong Dantes sa serye nito.

Galit na galit pala si Marian sa isinagot ni Andrea nang tanungin kung excited na itong makasama uli si Dingdong sa Alyas Robinhood 2. Natural, dahil promo iyon para sa kanilang programa, maaasahan ba ang seksing dalaga na sumagot ng hindi ito excited?

Di parang ang dalaga na rin ang nanglaglag sa pagsasamahan nilang show ni Dingdong? May nagtanong kay Andrea Torres kung magkakaroon din ba sila ng kissing scene ni Dingdong, excited na ba ang aktres sa mga ganoong tagpo, siyempre’y oo naman ang isinagot ni Andrea.

Iyon na! Minarkahan na ni Marian ang mga sinabi ni Andrea sa interview, excited pala ito, ha? Inis na inis pala si Marian dahil dati’y ate-ate pa siya ni Andrea, pero dahil sa pagtatambal nila ni Dingdong ay parang nakalimutan na raw ng seksing aktres na siya ang misis ng katambal nito sa serye, iyon ang mababaw na dahilan ni Marian. Kapraningan?

Andrea Torres – Tahimik lang kahit inapi-api ni Marian

Ano nga ba ang nangyari? Sa isang hindi sinasadyang pagkakataon ay nagkrus ang landas namin ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente. Marami pala kaming hindi alam na kuwentong namagitan kina Marian Rivera at Andrea Torres ilang buwan na ang nakararaan.

Naganap iyon sa isang kilalang restaurant sa Quezon City na hindi na namin papangalanan. Malapit lang ang lugar sa aming gallery, puwedeng lakarin, doon naganap ang matinding karanasan na hinding-hindi na nga marahil makakalimutan pa ni Andrea Torres habang siya’y nabubuhay.

Unang dumating sa restaurant si Marian Rivera kasama ang isang tinatawag nitong “Ateng.” Nag-imbestiga kami kung sino si makasaysayang ateng. Nalaman namin na ang ateng palang tinatawag ni Marian ay si Rams David na pumalit kay Jojo Oconer sa Triple A.

Pagkatapos ng kinse minutos ay dumating si Andrea Torres at isang kaibigang lalaki. Isang function room ang kinuha ni Rams David, pero ang kanilang pag-uusap ay naririnig sa labas, lalo na kung malakas ang boses ng nagsasalita.

Ang unang boses na narinig ng aming source ay mula kay Marian Rivera. Malakas at madiin ang paglilitanya ng aktres, siguradong si Andrea Torres ang pinatutungkulan ng misis ni Dingdong Dantes.

Ang narinig ng aming source, “Kinakalaban mo ba ako? Nandidiri ako kapag ikinukumpara ako sa iyo!” Sa puntong iyon ay umiling siguro si Andrea, kaya ang sumunod na monologue ni Marian, “Sino ka ba, eh, ganito ka lang? Buti naman at alam mong hindi mo ako kayang kalabanin!

“Subukan mo! Kayang-kaya kitang paalisin sa show mo! Madali lang ‘yan, di ba, ateng?” madiing litanya ni Marian kay Andrea Torres.

Nanghilakbot kami sa kuwento. Bigla naming naalala si Bela Padilla. Ganyang-ganyan din ang senaryo noong si Bela Padilla naman ang pagselosan-kainsekyuran ni Marian. Kinompronta rin niya si Bela at sino ang makakalimot sa kaniyang sinabi sa aktres na “Maputi ka lang, pero hindi ka maganda!”

At sa lahat ng mga pangyayaring iyon ay isa lang ang lumulutang na dahilan—selos. Pinagbibintangan ni Marian na may interes ang mga personalidad sa kaniyang mister.

Pagkatapos naming marinig ang kuwento ay naisip lang namin, nakakaawa naman si Andrea Torres, hindi siya naglabas ng kahit anong kuwento kapag tinatanong siya ng mga reporters.

Nanatili lang siyang tahimik, trabaho lang nang trabaho, samantalang nilait-lait na pala siya ni Marian Rivera. At mukhang hindi rin niya ipinarating sa kaniyang mga magulang ang naganap, dahil kung nagsumbong siya, may magulang ba namang hahayaan na lang na lait-laitin ng ibang tao ang kanilang anak?

Dingdong Dantes – Dapat nang pagsabihan ang malditang asawa

Maraming kababayan natin ang naaawa kay Dingdong Dantes dahil sa paglutang ng mga kuwento kung paano kinompronta ng kaniyang misis na si Marian Rivera ang sexy actress na si Andrea Torres.

Sa isang umpukan ng mga manunulat ay naging paksa si Dingdong. Ang kuwentuhan at pagpapalitan ng opinyon ng magkakaharap ay kinambalan ng pagkaawa sa aktor.

Sabi ng isang nasa umpukan, “Kapag pinabayaan ni Dingdong na ganito ang ginagawa ng wife niya sa mga nagiging leading ladies niya, e, sa kaniya magbu-boomerang ang ganitong sitwasyon.

“Baka ang career niya ang mag-suffer, hindi na maganda ang mga ginagawa ni Marian na ang root cause lang naman, e, matinding pagseselos na wala sa lugar.

“Tama bang talak-talakan niya ang babaeng tinanggap lang naman ang trabaho bilang leading lady ng mister niya? Ano ba naman ang gustong patunayan ni Marian? Na kayan-kayanan na lang niya ang mga artista dahil pinagbabantaan niyang ipatatanggal sa trabaho?

“Ganoon na ba siya ka-powerful? Sana lang, e, tantanan na ni Marian ang mga pinaggagagawa niya dahil papalapit na nang papalapit kay Dingdong ang sumpa!

“Baka one day, e, wala nang maging trabaho ang husband niya dahil sa paninita niya sa mga artistang wala namang planong agawin ang asawa niya.

“Kailangan nang kausapin nang masinsinan ni Dingdong ang misis niya habang hindi pa huli ang lahat. Kailangan na niyang gawin iyon, now na!” pagtatapos ng isang kaumpukan ng kolumnistang ito.

Daniel Padilla – Hindi lang pa-pogi, may Best Actor award na!

Kumpleto na ang pagiging artista ni Daniel Padilla. Hindi na siya basta sikat na young actor ngayon na kinakikiligan, may maipagmamalaki na rin siyang pruweba ng kaniyang talento, may best actor award na siya ngayon.

Hindi naman mawawala ang mga kumokontra. Kailan ba naman tinanggap ang tagumpay ng isang artista nang isandaang porsiyento, natural lang na may mga magkokontrabida sa pagkakatanggap niya ng parangal bilang pinakamahusay na aktor ng PMPC para sa taong ito.

Pero kailangang deadmahin na lang ni Daniel ang mga komento ng hindi pagsang-ayon. Wala nang choice ang mga iyon kundi ang tanggapin na lang ang katotohanan na kinakitaan ng husay sa pagganap ang heartthrob sa pelikulang Barcelona, pareho lang sila ni Kathryn Bernardo na nagpamalas ng husay sa pagganap sa pelikula.

Ang pinakamahalaga ay hindi niya hiningi o binili ang parangal, kusang-loob na ipinaangkin ang tropeo sa kaniya, dagdag na inspirasyon ang best actor trophy ng Philippine Movie Press Club para kay DJ.

Huwag na sa pelikula, nasusubaybayan din namin ang serye nilang La Luna Sangre ni Kathryn, alam mong pinaghahandaan ng magka-loveteam ang kanilang mga eksena. Sa mga stunts na lang ay hindi na biro ang kanilang ipinakikita.

At may mga mata si Daniel na tumatawid sa manonood. Hindi lang siya nagpapapogi sa serye, may lalim ang kaniyang acting, manonood ang huhusga kung kulang na kulang ang kaniyang pagganap.

Kaya sa mga bitter d’yan dahil sa parangal ni Daniel Padilla, tantanan na ang mga panglalaglag, kayo ang napapaklahan at hindi si DJ na mayhawak na ngayon ng tropeong pinaghirapan niya.

John Lloyd Cruz – Dapat mag-ingat sa pagpo-post sa social media

Mainit ang dugo ng mga tagahanga ni John Lloyd Cruz kay Ellen Adarna at sa mga kaibigan ng sexy star. Hindi nga naman tama na ilabas ng mga ito sa social media ang video kung saan makikitang walwal na walwal ang aktor at kung anu-ano ang ginagawa habang lasing na lasing.

Nagsasaya sila bilang magkakaibigan. Sila-sila lang dapat ang nagkakaalaman sa mga nagaganap sa paligid, pero inilagay sa kahiya-hiyang posisyon ng mga kaibigan ni Ellen Adarna ang sikat at magaling na aktor.

Sino tuloy ang pinagpistahan sa social media? Sino na naman ang nadiin, sino ang hinuhusgahan dahil sa paglabas ng video?

Agaran namang humingi ng paumanhin si JLC, pati si Direk Johnny Manahan ng Star Magic ay agad na naglabas ng opisyal na pahayag bilang damage control sa kanilang artistang binubukulan sa social media, pero ang lahat ay nangyari na.

Nakalimot si John Lloyd, hindi siya nag-ingat, parang siya pa mismo ang naghain sa kaniyang sarili sa matinding kahihiyan dahil sa mga taong pinagkatiwalaan niya na hindi pa pala niya nasusukat ang katapatan.

Matagal na silang magkarelasyon ni Ellen Adarna, ang malikot na paruparo ng showbiz, wala namang kumukuwestiyon kung ang babaeng ito ang nagpapasaya sa aktor ngayon.

Pero ang pakikipagrelasyon ay dapat kinakambalan ng pag-iingat, kailangang kinikilala munang mabuti ng sangkot sa relasyon ang kapasidad ng mga kaibigan ng taong nagpapasaya sa kaniya, doon kinapos si John Lloyd Cruz.

Luis Manzano – Host pa rin ng Pilipinas Got Talent

Babalik na ang Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN. Si Luis Manzano pa rin ang gusto ng network na mag-host ng talent search. Walang iba. Si Luis Manzano pa rin.

Pero tinanggihan ng actor-TV host ang trabaho noong una. Hindi puwede, sabi ng mga ehekutibo ng Dos, hindi makapapayag ang mga ito na ibang personalidad ang titimon sa programa.

Dapat sana’y ang kaniyang manager lang na si Tita June Rufino ang makikipag-meeting sa mga ehekutibo ng ABS-CBN, pero nagdesisyon si Luis, “Sasama ako sa meeting.”

At sa kanilang paghaharap-harap ay inilatag ni Luis Manzano ang mga dahilan kung bakit ayaw niyang tanggapin ang pagho-host ng Pilipinas Got Talent.

Mahal na mahal niya ang show, pero may humaharang sa kaniyang damdamin, si Angel Locsin na isa sa mga hurado.

Noon lang narinig si Luis ng mga ehekutibo ng Dos na naglabas ng kaniyang saloobin. Napakalalim pala ng mga dahilan kung bakit ayaw na niyang makatrabaho si Angel Locsin na matagal din niyang nakarelasyon.

At karapatan niyang tumanggi. Hindi niya makakayang magtrabaho nang maayos kung nandoon ang taong ayaw niyang makasama, sa huling pagtutuos ay si Luis ang pinaboran ng network.

Hahanap na lang sila ng makakasama bilang hurado nina Sir FMG, Vice Ganda at Robin Padilla.

Angel Locsin – Ayaw nang kausapin ni Luis

Kinakati na ang aming mga daliri ngayon para tilad-tilarin ang mga dahilang ibinigay ni Luis Manzano kung bakit hindi niya matatanggap ang trabaho nang nandoon si Angel Locsin bilang hurado.

Mga bagay-bagay at insidente iyon na noong una ay pinalalampas lang niya, pero umaabot sa sukdulan ang pasensiya ng kahit sino, mga pangyayari iyon na nagtulak sa kaniya para tapusin na ang kanilang relasyon ng aktres.

May dito nangyari, may naganap sa ibang bansa, mga hindi kagandahang senaryo na nang maipon nang maipon ay nagmistulang bundok na humarang sa pagpapatuloy ng kanilang relasyon.

Tao lang pala si Luis, may hangganan din ang kaniyang pasensiya at pang-unawa, humingi ng tulong si Angel kay Congresswoman Vilma Santos para magkausap sila nang masinsinan ni Luis.

Pero huli na ang lahat, nakapagdesisyon na si Luis, walang nagawa ang pagtutulay ng Star For All Seasons. Hindi hawak ng aktres-pulitiko ang puso ng kaniyang anak.

Isang napakabigat na linya ang binitiwan ni Luis sa kaniyang ina. Napatulala si Congresswoman Vilma. Ang mga salitang iyon ni Luis ang nagpaunawa sa Star For All Seasons na oo nga pala.

Hanggang sa paggabay at pagpapayo lang ang magagawa ng magulang sa kaniyang anak, pero hindi maaaring hawakan at kontrolin ng magulang ang puso ng kaniyang supling, puso pa rin ang mananaig sa pagtatapos ng maghapon.

Congresswoman Vilma Santos ­–– Bina-bash ng mga Noranians

Nakasilip ng butas ang mga Noranians para pintas-pintasan si Congresswoman Vilma Santos. Pinagpistahan nila ang retratong lumabas sa social media kung saan magkatabi ang Star For All Seasons at ang Superstar.

Lahat na yata ng pamimintas ay naibato na nila sa aktres-pulitiko, di hamak daw na mas maganda ang Superstar kesa sa kaniya noong gabi ng Star Awards, na para bang isang beauty pageant ang kanilang dinaluhan.

Sana’y inalam muna ng mga taong iyon ang dahilan kung paano nakarating sa awards night si Congresswoman Vilma. Dapat talaga ay hindi siya dadalo dahil matindi ang sumpong ng kaniyang ulcer noong nakaraang gabi.

Hindi halos siya nakatulog dahil sa sobrang pagsusuka. Masamang-masama ang kaniyang pakiramdam, pero dahil gusto niyang mapasaya ang mga taga-PMPC sa mahigpit na pang-iimbita ng mga miyembro, pinilit niya ang kaniyang katawan para makarating siya sa Star Awards.

Sinong puyat at maysakit ang magiging maganda sa retrato? Paano magmumukhang sariwa ang hitsura ng isang taong suka nang suka?

Nakarating din sa amin ang impormasyon mula kay Jojo Lim, isang aktibong tagasuporta ni Congresswoman Vilma, na noong pauwi na siya ay nagsuka pa nang nagsuka sa kaniyang sasakyan ang aktres-pulitiko.

Ang lahat ay ginawa niya sa ngalan ng pagiging propesyonal. Nakapagbitiw na siya ng salita sa PMPC na darating siya kaya kahit pa latang-lata ang kaniyang katawan at nagmumura ang kaniyang eyebags ay pinanindigan ng Star For All Seasons ang kaniyang pangako.

Nora-Vilma vs Vilma-Nora ­– Tapos na ang dekada 70, maanong tantanan na!

Ang matinding pamimintas ng mga Noranians sa Star For All Seasons ay senyal pa rin na hanggang ngayo’y pinagsasabong ang dalawang aktres.

Napakarami nang nagsulputang personalidad na mas bata kesa sa kanila pero ang labanang Nora-Vilma o Vilma-Nora ay buhay na buhay pa rin hanggang sa mga panahong ito.

Nagbabanggaan pa rin ang kanilang mga tagahanga, pakiramdam ng mga ito ay dekada ‘70 pa rin hanggang ngayon, lalo na ang ibang Noranians na kung mamersonal ay wagas na wagas.

Ayaw nilang maniwala na tapos na ang labanan, magkaibigan na ang kanilang mga idolo, kaya dapat ay mag-behave na rin sila.

Hindi nakatiis ang kaibigan naming propesor sa pagbibigay ng kaniyang komento tungkol sa hayagang pamimintas ng mga Noranians sa Star For All Seasons.

Ang kaniyang sabi, “Lahat ng tao, kahit pa ang mga beauty queen, eh, nagkakaroon ng downside pagdating sa kanilang appearance. We cannot expect na palagi silang maganda sa paningin, palaging nakapostura, dahil tao lang din silang nagkakasakit.

“I am not a Vilmanian, baby pa ako noong height ng labanan nila ni Nora Aunor, pero sobra namang makapanglait ang mga Noranians! Para namang napakagaganda nila para hanapan ng butas ang single moment na hindi kagandahan sa paningin nila si Congresswoman Vilma dahil hindi rin maganda ang pakiramdam noong tao!

“Napakalaking issue na para sa kanila ang single moment na iyon na mas maganda raw si Nora kesa kay Vilma. Minsan lang iyon, bakit hindi rin nila sabihin na sa maraming pagkakataon, eh, ang ganda-ganda naman ni Congresswoman Vilma?

“At dapat maintindihan ng mga Noranians na ang pagkakaedad, eh, darating sa lahat ng tao. Hindi natin iyon matatakasan, tatanda tayong lahat. Ang mahalaga, eh, iyong we age gracefully.

“May mga mata tayong lahat. May malinaw na paningin din ang mga Noranians. Sa mga pelikula at series na nilabasan ng idolo nila, ano ba ang masasabi nila sa hitsura ng Superstar?

“Linisin muna nila ang bakuran nila bago nila pakialaman ang bakuran ng may bakuran!” inis na inis na pahayag ni prop.

Kris Aquino – Desidido na bang maging babaeng Willie Revillame?

Wala pa rin kaming tinatanggap na positibong balita tungkol sa kagustuhan ni Kris Aquino na magkaroon ng show sa GMA-7. Pinagpistahan ang pagkikita nila ni Willie Revillame pero hanggang doon na lang iyon.

Ayon sa kuwento ay si Willie mismo ang makikipag-usap sa mga executives ng network, ito ang kukumbinse sa mga opisyales ng istasyon tungkol sa kagustuhang magkaroon ni Kris ng show sa kalabang bakuran ng kaniyang pinanggalingan, pero mula noon hanggang ngayon ay wala pang resulta ang plano.

May mga kuwentong nakarating sa amin na noong lumilipad pa sa kasikatan si Kris Aquino at nakaupo pang pangulo ang kaniyang kapatid ay nangingiming lumapit sa kaniya ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa airport.

Sabi ng aming source, “Dire-diretso lang kasi siya, palaging nakayuko, pagka-check-in niya, e, nasa VIP lounge na agad siya. Doon na siya naghihintay ng boarding time.”

Palagi raw ganoon, gusto man siyang lapitan ng mga kapuwa niya pasahero sa eroplano ay nagdadalawang-isip ang mga ito dahil hindi nga namamansin si Kris, nakakailang mag-approach sa kaniya.

Pero may mga nakapansin na nitong mga huling pagkakataon ay si Kris pa mismo ang bumabati sa mga nakakasalubong niya. Pumapayag na rin siyang magpa-picture sa mga lumalapit, nakikipag-usap pa nga raw ang TV host sa mga kababayan natin, ibang-iba na raw si Kris ngayon.

Bigla kaming nakaramdam ng awa para kay Kris, kailangan na talaga niyang magpakumbaba ngayon, dahil iba na ang kaniyang sitwasyon ngayon sa noon.

Sinisimulan na kaya niyang magpakamasa para siya maging babaeng Willie Revillame? Iyon na kaya ang hudyat ng pagbabago ng kaniyang imahe para magkaroon na siya ng programa sa GMA-7?

Nagsisilbing tulay niya ngayon sa network si Willie, ito ang gumagawa ng paraan para pagbuksan siya ng pintuan ng network, marami nang nag-aabang kung ano ang kahihinatnan ng mga ginagawa ni Willie para sa kaniya.

Hindi na biro ang magdadalawang taon na walang show si Kris Aquino, samantalang bentang-benta naman siya noon sa publiko, kung anuman ang alat na dumating sa kaniyang career ay mawala na sana para mapanood na siya uli.

Maarte, emotera at mahilig lang magpaandar si Kris Aquino, pero hindi kinakalawang ang galing niya sa pagho-host, kaya sana’y magbalik na ang ningning ng kaniyang career sa telebisyon. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Oktubre 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminOktubre 1-15, 2017

  Luis Manzano & Jessy Mendiola
 
Luis Manzano & Jessy Mendiola
  Piolo Pascual & Toni Gonzaga
 
Piolo Pascual & Toni Gonzaga
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Katherine Bernardo & Daniel Padilla
 
Katherine Bernardo & Daniel Padilla
  A LOVE TO LAST
  Ai Ai delas Alas & Gerald Sibayan
 
Ai Ai delas Alas & Gerald Sibayan
  Gabby Concepcion
 
Gabby Concepcion
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Alex Gonzaga
 
Alex Gonzaga
  Bimby Kris Josh
 
Kris Aquino at mga anak, Bimby & Josh
  Phillip Salvador
 
Phillip Salvador

Jessy Mendiola – Hindi nakikipag-kumpetensya kay Luis Manzano

Dahil walang PBA game noong nakaraang Sabado (Sept 30) nang gabi ay nakumpleto namin ang panonood namin sa Maalaala Mo Kaya na si Jessy Mendiola ang bumibida sa istorya.

Maaaring maputla pa ang pag-arte ni Jessy kumpara sa ibang artista, pero nakaaarte naman pala siya nang hindi pilit, hindi naman pala totoo ang mga pintas sa kaniya sa social media na ganda lang ang puhunan niya.

Puwedeng kulang pa ang kaniyang ipinakita pero hindi naman nagyayabang at nagpapanggap si Jessy na pang-award ang acting niya. Ang mahalaga ay ginawa niya ang lahat-lahat ng kaya niya, pinag-aralan niyang mabuti ang atakeng gagawin niya, at pasable niyang natagpusan ang papel na ibinigay sa kaniya ng MMK.

Maayos ang relasyon nila ni Luis Manzano. Aminado ang aktor-TV host na pinag-uusapan na rin nila ang pagpapakasal sa ngayon pero kailangan muna nilang unahin ang mga pangarap pang gusto nilang marating.

Doon sa argumentong kaya nagkakasundo sila ay dahil hindi nakikipagkumpetisyon si Jessy kay Luis ay magandang katangian iyon. Maraming relasyon sa showbiz ang nauwi sa wala dahil may kumpetisyon sa pagitan ng mga nagmamahalan.

Pero sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Nabasa ko ‘yung comment ni Congresswoman Vilma na gusto raw niya si Jessy dahil hindi siya nakikipag-compete kay Luis. Ang dating noon sa akin at sa mas nakararami, eh, submissive lang si Jessy kay Luis.

“Dapat lang naman siguro dahil starlet lang naman si Jessy kumpara kay Angel Locsin na big star talaga. Lumulugar lang naman si Jessy sa dapat niyang kalagyan.

“Siyempre po, may superstar complex si Angel Locsin dahil sikat siyang artista, di ba? Walang dahilan para makipag-compete si Jessy kay Luis dahil lesser star nga siya. ‘Yun lang po,” pananaw ng kaibigan naming propesor.

Ano sa palagay mo, SOS, pasok ba sa banga ang opinyon ni prop?

Piolo Pascual at Toni Gonzaga – Natalo nila Empoy at Alessandra sa box-office

Walang ingay ang resulta ng pelikulang pinagtambalan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Noong nakaraang Miyerkules pa ipinalabas ang Last Night pero walang balita kung ano ang kinalabasan noon sa takilya.

Sa halip ay iba ang nababasa natin sa social media at natatanggap na komento. May mga kaibigan kaming malayang nakapanood, hindi na nila kinailangang maghintay pa, dahil walang pila sa sinehang pinagpanooran nila.

“Noong nanood kami ng Kita Kita, naghintay pa kami ng next screening time, punumpuno na kasi ang movie house noong dumating kami. But this time, napakabilis naming nakapasok, saka mabibilang lang kaming nanonood,” sabi pa ng isang nakausap namin.

Ala tsamba na yata ngayon ang paggawa ng pelikula, hindi na mahagip ng mga prodyuser kung anong klase ng proyekto ang paglalagyan nila ng puhunan, dahil malikot ang boxoffice.

Hindi na rin puwedeng asahan ang star system, wala nang garantiya iyon, dahil may mga proyektong kumikita nang daang milyon na hindi naman mga bankable stars ang bumibida.

Sabi ni prop, “This only shows na hindi na tanggap si Piolo sa mga pakilig na istorya. Mas successful siya as producer kesa sa pagiging artista ng project.

“At si Toni naman, may asawa’t anak na kasi siya, wala na iyong dating charisma niya, parang awkward na ang mga ganyang tema ng project para sa kaniya.

“I can say the same. I watched the movie with some friends. Kami-kami lang ang nasa sinehan. Maganda naman ang movie, pero bakit ganoon, matamlay ang resulta?” nanghihinayang na komento ng kaibigan naming propesor.

Siyempre, kapag takilya ang usapan ay siguradong papasok ang pangalan ni Empoy Marquez, bakit nga naman ang komedyante? Kumita nang mahigit na tatlong daang milyon ang kanilang pelikula ni Alessandra de Rossi?

Ang hirap nga namang ipaliwanag noon.

Sharon Cuneta – Lumayu-layo na muna sa social media, nakakasawa na

Tahimik ngayon si Sharon Cuneta. Iba ang kaniyang postura ngayon. Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz noong isang gabi ay maraming nag-opinyon na sana’y mapanatili ng Megastar ang kaniyang pag-iwas sa social media.

Sana nga raw ay nasaktan nang husto si Sharon sa mga negatibong komento ng mga netizens sa sunud-sunod niyang pag-eemowt, nakapulot daw sana ng leksiyon ang singer-actress sa senaryo, para hindi na uli siya mag-emote nang mag-emote sa social media.

Napakalakas kasi ng kaway ng teknolohiya sa mga artista. Hindi na nga sila kailangang interbyuhin pa ngayon dahil malalaman mo na agad ang kanilang saloobin sa mga ipino-post nila.

Nandoon na ang lahat-lahat. Kung kanino sila galit, kung sino ang karelasyon nila, kung ano ang sama ng loob nila sa mga produksiyong pinagtatrabahuhan nila. Hindi na rin kailangang busisiin pa ang pribado nilang buhay dahil sila na mismo ang nagbabalita noon sa publiko.

Sana raw ay huwag nang mag-emote pa uli sa social media si Sharon, makipag-usap na lang daw sana siya sa mga taong pinagkakatiwalaan niya, para hindi siya nakakatikim ng mga upak mula sa kaniyang mga bashers.

Kahit maganda pa ang kaniyang intensiyon sa mga inilalabas niyang impormasyon tungkol sa personal niyang buhay ay mayroon at mayroon pa ring kokontra sa kaniyang mga sinasabi.

Sikat kasi siya, interesado ang buong bayan sa mga nangyayari sa kaniyang buhay at career, hindi lahat ay sasang-ayon sa kaniyang mga rebelasyon.

“Iba na lang sana ang pagkaabalahan ni Shawie, lumayu-layo na muna siya sa social media, siya mismo kasi ang nagbubuyangyang ng personal life niya!” may kabuluhang reaksiyon-opinyon ng kaibigan naming propesor.

KathNiel – Nasisingitan yata ang mga tagahanga ng “fake fans”

Palagay nami’y nasisingitan ang mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng mga fake fans. Iyon ang mga nagpapanggap na tagasuporta ng KathNiel na mahilig makipag-away sa iba-ibang grupo sa social media.

Hindi kasi puwedeng ang mga tagahanga mismo ng loveteam ang gumawa ng ganoon dahil sila ang pinakaunang kumokontra sa cyber-bullying. Lantaran nilang kinokondena ang pambu-bully sa kahit kanino.

Pero may mga lumutang na tagasuporta raw nina DJ at Kath na namba-bash kay Angel Locsin, kay Nadine Lustre at iba pang mga personalidad. Puro pamimintas ang laman ng kanilang mga posts na nag-iiwan nang mapaklang lasa sa bibig ng mga binibira.

Mahuhusay makisingit ang mga taong ganoon. Sa simula ay puro litanya ng suporta ang pakakawalan nila tungkol sa loveteam na gusto nila kunwari. Pero wala pang ilang araw ay nang-uupak na sila sa social media ng ibang artista na ginagamit ang pagiging tagasuporta nila nina Daniel at Kathryn.

Mapapasama siyempre ang grupo ng kanilang mga tagahanga. Sasabihin ng iba na mga bastos sila kahit wala naman silang kinalaman sa mga negatibong post sa social media.

Paboritong birahin ngayon ng mga mapagpanggap na fans ng KathNiel si Angel Locsin. Pinalalabas nila na maepal ang aktres dahil sa pagsali nito sa La Luna Sangre na ikinababawas daw tuloy ng exposure ng mga bumibidang sina Daniel at Kathryn.

Mabuti na lang at maagap ang mga fans ng KathNiel, kinakausap nila nang personal ang mga personalidad na binibira ng mga huwad na tagahanga ng loveteam, mas maganda na nga naman ang malinaw kesa sa malabo.

Ian, Bea at Iza – Nagpaalam na ang popular na seryeng A Love To Last

Makabuluhan ang pagtatapos ng kuwento ng seryeng A Love To Last na pinagbibidahan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo bilang sina Anton at Andeng.

Nasubaybayan namin ang palabas, ilang episodes lang siguro ang napalampas namin, bilang na bilang dahil sa nakakainis na matinding traffic. Noong Biyernes, Sept. 22, nang gabi ay nag-bow na ang buong cast, staff at crew ng programa.

Napakaraming pinagdaanan ng relasyon nina Anton at Andeng, totoong-totoo sa tunay na buhay ang ikot ng kuwento, mahalaga ang naging papel ni Iza Calzado bilang si Grace sa istorya.

Kundi nga nag-ingat si Bea ay talagang lalamunin siya nang husto ni Iza sa maraming eksena. Kontrabidang naturingan pero napakasarap panoorin ni Iza dahil mahusay na itong aktres ay napakamahal pa ito ng mga camera sa kaniyang kagandahan sa screen.

Mahirap talagang makipagrelasyon sa isang lalaking may pamilya na. iyon ang sentrong ikot ng kuwento ng A Love To Last. Pero kung talagang mahal ng babae ang kaniyang asawa ay tatanggapin niya ang nakaraan nito pati ang instant pamilyang nagkaroon siya.

Maraming hamon at sakripisyo pero sa bandang huli ay isinalba pa rin nina Anton at Andeng ang kanilang relasyon. Malinaw ang leksiyon, sa pakikipagrelasyon ay walang bilangan ng sakripisyo at nagagawa ng isa’t isa, wala ring sukatan kung sino ang mas nagmamahal kanino.

Mabrilyo ang serye mula sa umpisa hanggang sa pinakahuling gabi. Maligayang bati sa buong produksiyon at sa lahat ng mga artistang gumanap sa istorya, hindi nila sinayang ang pinaghihirapang halaga ng ating mga kababayan na ipinambabayad nila sa kuryente.

The Good Son – Paboloso ang seryeng pumalit sa pumalit sa A Love To Last

Nasubaybayan na namin ang unang dalawang gabi ng bagong serye ng ABS-CBN, ang pumalit sa A Love To Last, habang tumatagal ay lalong nakapang-iimbitang manood ng The Good Son.

Paboloso ang dating ng serye, isang kampong mayaman at isang ordinaryo lang, kuwento ng dalawang pamilya ni Albert Martinez ang tampok sa istorya.

Hindi kinakalawang ang husay sa pagganap nina Eula Valdez at Mylene Dizon, dagdag na brilyo sa kuwento ang simple pero rock na pagganap ng magaling na aktor na si Ronnie Lazaro, ganoon din ang papel na ginagampanan ni John Estrada.

Sa mga bagets na iikutan ng kuwento ay angat para sa amin ang pagganap ni Joshua Garcia. Wala siyang ka-effort-effort kung umarte. Sabi ng aming mga kasamang nanonood ay si John Lloyd Cruz daw ang nakikita nila kay Joshua Garcia.

At ganoon din ang aming obserbasyon, noong kabataan ni JLC ay ganyang-ganyan kay Joshua ang dating nito, nakikipaglaro lang sa mga camera ang kaniyang atake pero epektibo.

Magaling si Joshua Garcia. Sa mga unang eksenang napanood namin, lalo na ang mga simpleng batuhan nila ng linya ng kaniyang amang si Albert Martinez, ay pumapabor na sa binatang aktor ang pagkagusto ng manonood.

Kaporma niya si John Lloyd, plakado niya ang galaw at pagsasalita ng kontrobersiyal na aktor, junior talaga si Joshua Garcia ni JLC.

At sana, sa pagdadaan ng mga panahon, ay hindi matulad kay JLC ang kapalaran ni Joshua Garcia. Sa pagganap na lang sana sila magkatulad, huwag sanang bibitiw sa angkla ng katinuan si Joshua kapag sumikat na siya, para maging magkaiba naman ang landas ng karera nila ng magaling na aktor.

Napakalaking pintuan ng oportunidad ang nagbukas para sa bagets actor sa pamamagitan ng The Good Son.

Gerald Sibayan – Nagpumilit na pumirma ng pre-nup bago ikasal kay Ai Ai

Tahimik na sumasaludo ang Philippine Comedy Queen sa lalaking makakapalitan niya ng “oo” sa harap ng altar sa darating na December 12.

Puwede namang hindi na naganap ang pre-nuptial agreement, pero mapilit si Gerald Sibayan, kailangang maging maayos agad ang kanilang pagsasama sa unang hakbang pa lang.

Sa ilang beses na pakikipagrelasyon ni Ai-Ai delas Alas ay walang nakaisip ng pre-nup, pero nakatagpo siya ngayon ng batambata lang pero maprinsipyong lalaki, kahanga-hanga nga naman ang kaniyang mapapangasawa.

Para sa iba ay parang hindi magandang tingnan ang proseso ng pre-nuptial agreement, parang may pagdududa raw agad ang mas nakaaangat ang kabuhayan kumpara sa kaniyang mapapaangasawa, pero para naman sa iba ay positibo ang ganoong kasunduan.

Sa katayuan ni Gerald Sibayan na may trabaho naman ay maiiwasan ang pagdududa na kayamanan lang ni Ai-Ai ang kaniyang pinagkainteresan. Lubos man ang kanilang pagmamahalan ay hindi pa rin mawawala ang mga taong negatibo ang iniisip tungkol sa kaniya.

Kaya para matigil na ang mga pagdududa ay tama ang ginawang hakbang ni Gerald Sibayan, ang pumirma ng dokumento na nagsasabing wala siyang anumang kabahagi sa kung anumang mayroon na ang Comedy Concert Queen bago pa sila naging magkarelasyon, tapos ang kuwento.

Kaya pala napakataas ng respeto ni Ai-Ai kay Gerald, kaya pala sinasabi niya na nakita na niya ang taong nakadisenyo para mahalin siya at mahalin din niya pabalik, wala nga namang katapat na kahit magkano ang prinsipyo.

Panalo!

Ai Ai Delas Alas – Binabash dahil hindi inimbitahan si Kris sa kasalan sa Disyembre

Bian-bash ngayon si Ai-Ai delas Alas dahil hindi raw niya inimbita si Kris Aquino sa kasal nila ni Gerald Sibayan sa December 12. Naturingan daw silang dating mag-BFF pero bakit inetsa-puwera ng Philippine Comedy Queen si Kris?

Nakakatawa ang argumentong ito. Para kasing dinidiktahan ng mga bashers ang ikakasal na imbitahan si Kris. At sa mas magaspang na termino, ipinagduduldulan ng mga ito si Kris para magpunta sa kasal nina Ai-Ai at Gerald, kaya lang ay magiging gatecrasher ang TV host dahil sa kawalan ng imbitasyon.

Tuloy ay hindi na nakapagpigil ang kaniyang anak na si Sophia na nag-aaral sa Amerika. Inis na inis ang dalaga ni Ai-Ai sa mga pangnenega sa kaniya ng mga bashers, kaya ang opinyon ni Sophia, magpakasal na lang ang mga ito para maimbitahan nila si Kris.

Oo nga naman. Bakit kasi ipinagpipilitan ng iba na imbitahan ng ikakasal ang dati niyang BFF? Sa salitang dati ay nakaraan na ang pagiging mag-BFF nila, napakarami nang naganap sa kanilang pagkakaibigan, hindi na iyon makukuha sa pagsusulsi lang dahil punit na punit na ang kanilang dating samahan.

At tama lang ang posisyon ng komedyana na hindi na niya bibigyan nang matinding panahon ang mga ganoong komento dahil kahit ano naman ang kaniyang sabihin ay wala ring magiging saysay iyon.

Sasabihin pa rin ng iba ang kanilang gusto kahit pa maganda naman ang bibitiwan niyang salita. Mas wala siyang sasabihin ay mas maganda. Mas positibo ang kapaligiran.

Napakaespesyal ng petsang December 12 para kina Gerald Sibayan at Ai-Ai delas Alas, aangkinin nila at nanamnamin ang kanilang pag-iisang-dibdib, kaya huwag na sanang negahin pa iyon ng mga taong walang magawa sa buhay.

At sila ang ikakasal, sila ang dapat masunod kung sinu-sino ang mga gusto nilang makita sa mahalagang araw ng kanilang relasyon, sila ang dapat magdesisyon at hindi ibang tao.

Sabi nga ng mga kaibigan nating becki, “Bakit, kasal n’yo ba iyon?” Tama!

Pres. Digong Duterte – Dahil sa senior moment, nag-trending si Gabby Concepcion

Dahil sa pagsi-senior moment ni Pangulong Rodrigo Duterte ay biglang nag-trending si Gabby Concepcion noong isang araw. Sa halip kasing ang CEO ng ABS-CBN na si Mr. Gabby Lopez ang banggiting pangalan ng pangulo ay ang pangalang Gabby Concepcion ang nabitiwan nito.

Nagmura ang pangulo, galit na galit niyang minura ang may-ari ng Dos, pero mali ang binitiwan niyang pangalan. Ang kaniyang sabi, “Mukha kang pera, Gabby Concepcion!”

Bumawi naman ang pangulo, “Totoo naman, eh! Mukha kang pera, ‘tang@#%&;, Gabby Lopez!”

Umiinom kami ng kape ng mga sandaling iyon na nakatutok kami sa news, pero nang marinig namin ang blooper ng pangulo ay nasamid kami sa pagkabigla, malapit na naming maibuga ang iniinom naming kape.

Malaking publisidad para sa aktor ang hindi sinasadyang pagkakamali ng pangulo, bakit nga, laman siya ng mga pambalitaang programa at nakopo niya pa ang makapangyarihang social media.

Tinawanan lang naman ni Gabby ang nangyari, hindi nga naman maiiwasan ang mga ganoong kakapusan kung minsan, lalo na’t hindi naman sadya ang pagkakabanggit ni Ka Digong sa kaniyang wow maling pangalan.

Pero naisip namin, noong nakaraang halalan pa ang sama ng loob ng ating pangulo sa ABS-CBN. Nagbayad diumano nang dalawang milyong piso ang kumakandidatong si Ka Digong sa panguluhan, tinanggap ng network ang kaniyang bayad para sa political ad nito, pero hindi naman ineere iyon ng network.

Ibig bang sabihi’y hindi pa rin ibinabalik ng network ang pera ng pangulo? Kung naibalik na kasi ang pera ay bakit pinatututsadahan pa rin sila hanggang ngayon ni Pangulong Duterte?

John Lloyd Cruz – Hiwalay na kay Ellen Adarna, magpakatino na kaya?

Wala nang safe ngayon sa social media. Napakalakas na ng loob ng mga kababayan natin sa pagtuligsa sa sinumang ayaw nila o napagtitripan lang. Palibhasa’y hindi naman kasi sila personal na kilala ng kanilang mga sinasaktan.

Si John Lloyd Cruz ang paboritong gawing pulutan ngayon ng mga bashers. Sumesegunda sa aktor si Ellen Adarna. May pinanggagalingan ang kanilang mga bira, ang magkarelasyon naman kasi ang nagbibigay ng pagkain sa kanilang mga bashers, kaya ganyan ang inaabot nila.

Ngayong balitang nauntog na sa katotohanan ang magaling na aktor at nakipaghiwalay na kay Ellen Adarna ay abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata.

Alin kaya ang mangyayari? Ang pagbabalik sa pag-arte ni JLC o ang balitang ipare-rehab siya ng mga nag-aalaga sa kaniyang career?

Kung alin at ano ang mas kailangan ang dapat mangyari.

Alex Gonzaga – Walang appeal sa mga televeiwers, bakit kaya?

Hindi gustuhin si Alex Gonzaga ng televiewers. Mailap sa kaniya ang publiko sa pagbibigay ng suporta. Hindi niya nakuha ang karisma ng kaniyang ateng si Toni.

Sa show ni Luis Manzano, ang I Can See Your Voice, para sa mas nakararami ay panira lang sa daloy ng programa si Alex. Maraming hindi nagkakagusto sa kaniyang mga hirit.

Nakararating iyon sa mga namamahala ng programa, marami rin kasing nakakausap ang mga ito na ayaw kay Alex, pero deadma na lang sila dahil nand’yan na ang show.

Dati’y malakas ang sense of humor ni Alex, kayang-kaya niya kaming patawanin, ewan lang kung ano ang nangyari at ganoon na lang ang mga negatibong komento tungkol sa kaniya sa social media.

Sabi pa ng isang kakuwentuhan namin, “I don’t like that girl. Parang nang-aagaw siya ng eksena, masyado siyang maingay! Nakakakulili ng tenga ang mga hirit niya!”

May isang kaibigan namin kaming tawa nang tawa, napapanood daw kasi nito ang isang TVC ni Alex, ang kaniyang komento, “Nakakaloka iyon! Para siyang lukring sa commercial na iyon!

“Ang payat-payat niya, tapos, pasipa-sipa pa siya na ewan. Para siyang tipaklong!” tawa pa nang tawa nitong komento tungkol sa kapatid ni Toni Gonzaga.

Kris Aquino – Bilang ina ay wala siyang pagkukulang kina Josh at Bimby

Dahil alam ng mga bashers ang matinding kahinaan ni Kris Aquino ay doon siya sinesentruhan ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang manakit ng damdamin ng mga taong wala namang ginagawang masama sa kanila.

Puwede nating sabihan si Kris na kung anu-anong salita, pero bilang ina ay wala siyang pagkukulang kina Josh at Bimby, mag-isa niyang pinalaki ang magkapatid.

At hindi biro ang pagiging single parent. Kahit pa milyonaryo si Kris ay hindi naman pampinansiyal lang ang kailangang suporta ng kaniyang mga anak. Kailangan niyang punuin ng pagmamahal ang mag-utol para hindi maramdaman ng mga ito ang mga kulang sa kanilang buhay.

Napakawalanghiya ng nagkomentong becki si Bimby. Sampung taon lang ang anak nina James Yap at Kris, pero mukhang ang basher na ang nagdedesisyon tungkol sa kasarian ng bata, natural lang na palagan ng TV host ang napakasakit na paghusga sa kaniyang bunso.

Alam kasi ng basher na sa aspetong iyon aalma si Kris. Pintasan na ang lahat-lahat tungkol sa kaniyang buhay at pagkatao at kaya pa niyang palampasin iyon.

Pero huwag ang kaniyang mga anak na walang kalaban-laban. Oo nga’t sikat na personalidad ang kanilang ina ay wala pa ring karapatan ang kahit sino na saktan sina Josh at Bimby.

Lalabas ang sungay ni Kris Aquino kapag ang kaniyang mga anak na ang inaapi. At natural iyon sa bawat magulang lalo na sa estado ng TV host na mag-isang pinalaki ang kaniyang mga anak.

Phillip Salvador – Suwerte! Nanalo ng 29-million pesos ang misis sa casino

Nagsimula lang sa blind item ang lahat. Nanalo raw nang twenty nine million pesos ang misis ng isang sikat na action star sa casino. Bigay na bigay ang pagkakakilanlan sa male personality.

Tumakbo raw siya sa isang mataas na posisyon sa isang probinsiya pero hindi siya nanalo. Naging karelasyon daw niya at nagkaroon sila ng anak ng isang presidential sister (opo, ganoon kadiretso ang blind item).

Aysus, bingi at bulag na lang siguro ang hindi pa makahuhula kung sino ang sikat na action star na tinutukoy sa blind item ng isang radio anchor, si Phillip Salvador ang pinahuhulaang action star.

Natural, marami kaming kaibigang madalas ding naglalaro sa Solaire, kaya nakibalita kami. At ano ang ginagawa ng aming co-anchor sa Cristy Ferminute na si Wendell Alarez? Makalulusot ba naman iyon sa kaniya?

Totoo ang kuwento. Nanalo nga nang twenty nine million pesos sa casino si Ate Emma Ledesma, ang misis ni Kuya Ipe, tumataginting na kayamanan nang maituturing.

Pero bago pala ang milyunang halagang pinanalunan ni Ate Emma ay nagkaroon muna ng pahimakas ng suwerte para sa kaniya ilang araw bago nito natumbok ang twenty nine million pesos.

Wala lang. Napakaliit lang ng kaniyang taya noong gabing iyon, pampalipas-oras lang, pero nanalo si Ate Emma nang kalahating milyong piso. Masuwerteng gabi.

Sabi siguro ni Ate Emma, tingnan ko nga kung magtutuluy-tuloy ang suwerte, lumaro nga uli ako ng slot machine. iyon na! Nakuha ng misis ni Kuya Ipe ang jackpot na twenty nine million pesos!

Ang suwerte, tulad din ng kamalasan, ay mabilis manghabol. Kapag para sa iyo ang suwerte ay gagawa iyon ng paraan para mapasaiyo. At kung dadaluyungin ka naman ng kamalasan, sa gabi pa lang ay nakasapatos na ang pera mo, pababa sa hagdan.

Hindi naman ipinagkakaila ni Kuya Ipe na naglalaro siya. Totoong nagpupunta siyan sa casino, at hindi rin niya iyon maitatago, dahil kilalang-kilala siya ng ating mga kababayan.

Pero hindi siya umaabot sa puntong pati ang susi ng kaniyang sasakyan ay isasangla na niya para mayroon lang siyang maipangtaya.

Kapag ubos na ang inilaan niyang puhunan ay tumitigil na siya, umuuwi na siya na ang sasakyan pa rin niya ang minamaneho niya, hindi tulad ng ibang nagka-casino na naka-taxi na lang na umuuwi dahil naiwanan na sa mga nagpapautang sa casino ang kanilang kotse.

Sabi ng isang nakausap namin, “Para talaga sa wife ni Phillip ang jackpot. Ang dami-dami nang nauupo sa machine na iyon, pero puro talo. Hinintay talaga siya.

“Ang akala nga niya, eh, nasira ang machine niya noong pumasok sa kaniya ang twenty nine million. Bigla raw kasing nag-black, dumilim, kaya akala niya, eh, nasira.

“Ang dami-daming sinusuwerte ngayon sa Solaire, bigay nang bigay ang mga machine nila, kaya palaging punumpuno ang casino. Imagine, may mag-asawa ring nanalo kailan lang!

“Balikbayan sila, nagpalipas lang ng oras pagkakain ng family nila. Nakuha nila ang jackpot, kinuha nila agad ang milyones, bumili lang sila ng bag sa Solaire.

“Pana-panahon lang, suwerte-suwerte lang talaga, kung talagang sa iyo ang suwerte, hihilahin ka papunta ru’n ng mga paa mo,” paninindigan ng aming kausap. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Oktubre 16-31, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminOktubre 16 – 31, 2017

  Nadine Lustre
 
Nadine Lustre
   Piolo Pascual
 
Piolo Pascual
  Jake Zyrus
 
Jake Zyrus
  Sharon Cunta & Kiko Pangilinan
 
Sharon Cunta & Kiko Pangilinan
John Lloyd Cruz Ellen
 
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz
  Coco Martin & Vice Ganda
 
Coco Martin & Vice Ganda
   Empoy
 
Empoy Marquez
  KRIS WILLIE WOWOWIN
  Joey De Leon
 
Joey de Leon 
  Mariel de Leon
 
Mariel de Leon

Nadine Lustre – Naglahad na nagkaroon din siya noon ng depression

Nakakaalarma sa marami nating kababayan ang rebelasyon ni Nadine Lustre na minsan isang panahon ay sumagi rin sa kaniyang isip ang pagkitil sa kaniyang buhay dahil sa depresyon.

Mabuti na lang at biniyayaan siya ng utak na gasgas sa pag-iisip, ng lakas ng loob na paglabanan ang depresyon, kaya napagtagumpayan niya ang matinding kaway ng pagpapakamatay.

Inilabas ni Nadine ang ganoong saloobin habang nagluluksa ang kanilang pamilya sa pagpanaw ng kaniyang kapatid na si Isaiah na mas piniling habambuhay nang magpahinga kesa sa namnamin ang ganda ng mundo.

Kung nangyari iyon kay Nadine, at kung depresyon nga ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng kaniyang kapatid, ay nakakaalarma nga naman ang ganoong senaryo.

Mayroong mali, pero kung saan iyon nag-uugat ay ang pamilya lang ang nakakaalam, ngayong wala na ang kanilang kapamilyang si Ice ay kailangan na sigurong upuan nang seryosohan ng mag-anak ang kinakaharap na tadhana ng kanilang pamilya.

Mayroong kulang, pero sa kung saang aspeto iyon dapat madagdagan ay ang pamilya lang ni Nadine ang nakakaalam, sana’y matunton nila ang problema para ang isa ay hindi na masundan pa.

Nagdadalamhati ngayon ang buong pamilya ni Nadine Lustre. Ito ang panahon na pakikisimpatya ang kailangan ng pamilya ng young actress at hindi kung anu-anong komentong hindi naman makababawas sa kanilang kalungkutan.

Pero talaga yatang wala nang sinasanto ang ibang bashers, wala silang pakialam tungkol sa pinagdadaanan ni Nadine Lustre, arya lang sila nang arya.

Pinapatulan naman ng dalaga ang kaniyang mga nababasa. Matalim din ang kaniyang dila sa kaniyang mga sagot. May makapagsabi sana kay Nadine na huwag nang patulan pa ang mga taong wala namang maidudulot na maganda sa kanilang pamilya ngayon.

Pero sana rin ay pakiusapan ni Nadine Lustre ang kaniyang mga kamag-anak na iwasan ang paglalabas ng mga retrato sa burol sa social media para walang inire-repost ang mga netizens.

Kung walang retratong ipino-post ang kanilang kampo ay wala ring kakalat. Masusunod ang pakiusap ni Nadine na sana’y irespeto ng ibang tao ang kanilang pagluluksa.

At lumayo na rin sana nang ilang dangkal sa social media si Nadine Lustre habang nagdadalamhati ang kanilang pamilya. Huwag na muna siyang pumapatol sa mga bashers.

Hindi naging maganda ang pamamaalam ng kaniyang kapatid. Trahedyang maituturing iyon ng pamilya, napakatagal na gamutan ng emosyon ang kailangan nilang pagdaanan bago sila makabawi sa senaryong ito.

Muli, ang taos-puso po naming pakikiramay sa pamilya ni Nadine Lustre, harinawang matanggap nila nang maluwag sa kanilang kalooban ang naganap kay Isaiah.

Piolo Pascual – Kasama ng ng cast ng La Luna Sangre

Idadagdag na rin ang karakter ni Piolo Pascual sa La Luna Sangre na pinagbibidahan ng loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Nauna nang pumasok bilang dagdag sa istorya si Angel Locsin.

Parang pagbabalik ng Lobo ang mangyayari. Iyon ang unang aklat ng mga bampira at lobo, sina Piolo at Angel ang bumida sa serye ng ABS-CBN.

Natural, parang insulto ang dating noon sa KathNiel, wala raw bang tiwala ang network na kayang dalhin ng kanilang mga idolo ang La Luna Sangre kaya kailangan pang ipasok sa kuwento sina Piolo at Angel?

Kayang-kaya, sabi ng mga namamahala sa serye, pero kailangan talagang isama sa kuwento ang presensiya ng mga unang bida ng ideyang pinagkunan ng serye nina Daniel at Kathryn.

Nasusubaybayan namin ang serye. Wala kaming masasabi sa ipinakikitang pagganap nina Daniel (Tristan) at Kathryn (Maliya), kumbaga sa mga estudyante ay dumarating sila sa classroom na nakahanda sa kanilang gagawin.

Hindi basta pagpapakilig lang ang kaya nilang gawin, malalim ang kuwento ng La Luna Sangre, pero mula sa umpisa hanggang sa dulo ng episode ay kitang-kita na malaki ang pakinabang ng network sa kanilang talento.

Walang dapat ikabahala ang mga tagasuporta ng loveteam kahit pa tambakan ng iba-ibang artista ang serye. Ang mas lulutang pa rin ay ang talento nina Daniel at Kathryn, iyon pa rin ang inaabangan ng manonood, dahil sa kanila pa rin namang dalawa ang ikot ng kuwento.

Sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang La Luna Sangre.

Jake Zyrus – Tagumpay ang concert sa Music Museum

Napuno ni Jake Zyrus ang Music Museum nitong nakaraang October 6. Maraming tumangkilik sa kaniyang unang concert magmula nang “ilibing” na niya si Charice Pempengco. Transman na siya ngayon.

Una, hindi naman kasi kalakihan ang venue ng kaniyang show, 800 lang ang kapasidad ng Music Museum. Kapag sumobra pa doon ang bilang ay SRO na. Kung sa Araneta Coliseum ginanap ang kaniyang palabas ay mas kahanga-hanga kung napuno iyon ni Jake Zyrus.

Dumating sa kaniyang concert si Nanay Tessie Relucio, ang ina ni Raquel na nagpalaki kay Jake Zyrus. Ito ang totoong kasa-kasama niya sa pagdayo sa mga amateur contests noong bata pa siya.

“Ako ang nananahi ng mga isinusuot niya, mga sobra-sobrang tela iyon ng mga customer ko, hinihingi ko sa kanila para magawa kong damit ni Charice kapag sumasali siya sa amateur contest.

“Ang pamasahe naman papunta sa lugar ng amateur contest, e, inuutang ko muna sa mga kaibigan at kapitbahay namin, binabayaran ko na lang kapag nakakasingil na ako ng tahi at kung minsan, sa premyo na ni Charice ko kinukuha ang pambayad sa inutang kong pamasahe namin,” madalas na kuwento noon ni Nanay Tessie.

Dapat lang namang mapanood ni Nanay Tessie ang concert ng kaniyang apo, malaking kaligayahan na para sa kaniya ang makita si Jake Zyrus sa entablado, produkto iyon ng kaniyang mga hirap at sakripisyo para sa international singer na ngayon.

Wala ang ina at kapatid ni Jake sa concert. Inaasahan na iyon ng mga nakakaalam ng totoong kuwento sa pagitan ng mag-ina, consistency ang hinahanap ni Jake mula kay Aling Raquel.

Para raw kasing klima ang takbo ng utak ng ina ni Jake Zyrus, minsang okey at kadalasan ay hindi, kaya si Nanay Tessie lang ang kaniyang inimbitahan.

Sabi ng isang kaibigan naming nanood, “Wala pa ring kupas si Jake, ang galing-galing niyang mag-perform, mapuso siyang kumanta. Nami-miss ko lang si Charice habang nanonood ako, siya kasi ang hinangaan ko, hindi naman si Jake Zyrus.”

Sharon Cuneta – Si Sen. Kiko kaya ang dahilan ng lungkot ni Mega?

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang nabunyag ang matagal na palang ambisyon ng mister ni Sharon Cuneta. Mismong si Mayor Sara Duterte ang naglabas ng impormasyon na noon pa pala gustong tumakbo bilang pangulo ni Senador Kiko Pangilinan.

At nakakagulat ang kuwento ng anak ni Pangulong Digong. Nagkita raw sila sa isang golf course ilang taon na ang nakararaan, kinausap daw ni Senator Kiko ang kaniyang tatay, humihingi ng suporta sa pagtakbo nitong pangulo ng ating bayan.

Okey na raw ang suportang maibibigay ng kaniyang misis na si Sharon, pero kailangan pa rin nito ng suporta mula sa Katimugan, kaya panay-panay ang hingi nito ng tulong kay mayor pa lang noon na si Presidente Digong.

Hindi maganda ang insinwasyon. Ilang beses na tumakbo sa Quezon City si Senador Kiko pero natalo. Nanalo lang ito nang maging mag-asawa na sila ni Sharon.

Marami tuloy nag-isip, tinilad-tilad nila ang mga pahayag ni Mayor Sara, noon pa man pala ay matindi na ang ambisyon ng mister ni Sharon na maging tagapamuno ng Pilipinas.

Matagal nang kuwento ito, pero walang kumukumpirma, hanggang sa magsalita na nga ang mayor ng Davao City at ipinaaalala kay Senador Kiko ang iniuungot nitong suporta noon ng kaniyang ama.

Ang dami-dami tuloy nag-isip na ambisyoso ang senador. Na parang ginamit lang nito ang Megastar sa kaniyang mga ambisyong-pampulitika. Iyon kasi ang tinutumbok ng mga rebelasyon ni Mayor Sara Duterte.

Iyon kaya ang dahilan kung bakit palaging parang malungkot at maraming posts si Sharon Cuneta na hindi maligaya ang aktres sa kabila ng napakamarangya nitong kabuhayan?

John Lloyd Cruz – Paano na ngayon ang career ni JLC?

Marunong din sa buhay sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna. Naniniwala siguro sila na kapag hindi nakikita o nagpaparamdam ang artista ay malaki ang posibilidad na makalimutan siya ng publiko.

Para huwag mangyari iyon sa kanila ay sige-sige sila sa pagpo-post tungkol sa mga nangyayari sa kanilang buhay habang nasa iba-ibang bansa sila. Magagaling!

Wala nga naman sila dito, pero pinag-uusapan pa rin sila, sinusundan pa rin sila ng ating mga kababayan sa social media. Wala ring pagbabago kung nandito man sila o wala.

Enjoy na enjoy ang dalawa ngayon sa kanilang pagliliwaliw nang magkasama. Wala silang inaalalang trabaho, walang stress, basta puro happy moments lang ang pinagsasaluhan nilang dalawa.

At pangarap ng mga abalang-abalang personalidad ang ganoon. Fiesta na para sa kanila ang makatakas sa harap ng mga camera, ang maligtas sa mapanuring mata ng publiko, napakalaking biyaya ang turing nila sa mga panahong taung-tao sila at hindi artista.

Iyon ang nararamdaman nina JLC at Ellen, nagagawa nila ang kahit ano ngayon.

Ang tanong lang ay hanggang kailan nila gagawin ang ganyan? Paano na ang kanilang career, lalo na si John Lloyd na hindi naman ipinanganak nang magdamag lang ang tinatamasang tagumpay, hindi kaya sila pagtampuhan ng kapalaran?

Masayang makakita ng mga taong maligaya, karapatan nila iyon, kaya lang ay gawin sana nila ang pagpapakaligaya nang wala silang napapabayaan.

Hindi palaging nakabukas ang pintuan. Nagsasarado rin. Baka kapag nahimasmasan sila at gusto na nilang magpakaseryoso sa kanilang career ay wala na pala silang mapapasukan kahit siwang lang.

Coco Martin – May hidwaan ng dating kaibigang si Vice Ganda

Lumutang na ang kuwento ng hindi pagkakaunawaan ng dating magkaibigang sina Coco Martin at Vice Ganda. Kung paniniwalaan ang mga chikang umiikot ngayon ay tungkol sa mga pelikulang ipapasok nila sa Metro Manila Film Festival ang naging ugat ng kanilang hidwaan.

Sabi ng isang nakausap namin, “Kinausap ni Coco si Vice. Pinakiusapan niya si Vice na huwag na munang magkaroon ng entry sa MMFF, dahil nga plano niyang gawin ang Ang Panday.

“Hindi siyempre pumayag si Vice! Ang katwiran niya, e, bakit siya ang maggi-give way, samantalang taun-taon, e, mayroon siyang entry sa MMFF?

“Hanggang sa mauwi na iyon sa mas malalim na issue. Nagkaroon na sila ng pagsusumbatan. Hanggang sa hindi na sila nag-usap. Nagkaroon na sila ng samaan ng loob,” kuwento ng aming source.

Dahil hindi nga pumayag si Vice Ganda na huwag siyang magpasok ng entry sa MMFF ay magiging magkalaban pa sa takilya ang mga pelikula nila ni Coco Martin. Magkaiba naman ang kanilang atake.

Action ang kay Coco at comedy ang kay Vice. Pero kahit bali-baligtarin ang sitwasyon ay magiging magkalaban pa rin sila. Maraming nanghihinayang sa kanilang pagkakaibigan.

“Dati silang magkasama sa movie, successful ang tambalan nila, pero magkalaban na sila ngayon. Ang buhay nga naman ng mga artista. Anything can happen. Walang forever,” sabi pa ng aming kausap.

Harinawang parehong magtagumpay ang kanilang mga pelikula sa darating na MMFF. Siguradong pareho nilang pinaghandaan ang kani-kanilang entry, pinagsasakripisyuhan nila, kaya dapat silang makatanggap ng magandang premyo.

At sana rin ay manumbalik ang dati nilang pagkakaibigan. Huwag sana nilang payagang masira ang maganad nilang pinagsamahan nang dahil lang sa ganyang senaryo.

Empoy Marquez ­– Siya ngayon ang “Bagong John Lloyd Cruz”

Palibhasa’y dati nang mapagkumbaba, kumita man nang milyones ang pelikulang pinagbidahan nila ni Alessandra de Rossi ay walang-walang nagbabago kay Empoy Marquez, siya pa rin ang dating komedyanteng walang kaangas-angas at kayabangan.

Ang suwerte nga naman kapag talagang para sa iyo, natutulog ka man ay gigisingin ka, kakatukin nang malakas ng oportunidad ang pintuan mo.

Napakatagal na panahong nagsakripisyo ni Empoy. Anim na taon kaming nagkasama sa TV5 kaya saksi kami sa kaniyang pinagdaanan bilang komedyante, madaling-araw siyang umaalis sa Malolos para hindi siya mahuli sa taping sa TV5-Novaliches.

May mga pagkakataong nakikita namin siyang natutulog nang paupo sa mismong studio. Nagbibilin siya sa staff, “Pakigising n’yo na lang ako kapag roll na tayo, iidlip lang ako para makabawi ng lakas.”

Ibang-iba na ngayon ang ikot ng mundo ni Empoy, sikat na siya, kinukuha na siyang tagapag-endorso ng iba-ibang produkto at pinapirma na siya ng esklusibong kontrata ng Star Magic.

At may bago nang tawag sa kaniya. The New Pogi. Bagong John Lloyd Cruz. Kung dati’y paikut-ikot siya sa mall para bumili ng kaniyang mga kagamitan ay hindi na niya iyon magawa ngayon, may pinakikiusapan na siya, pinagkakaguluhan na kasi si Empoy Marquez.

Napakasarap marinig ang mga komento ng kaniyang mga dating kabanda, musikero rin kasi ang magaling na komedyante, “Walang-wala siyang pagbabago. Simple pa rin siya, walang kaangas-angas kahti sikat na siya.

“Siya nga ang nahihiya kapag may mga nangangantiyaw na hindi na siya maabot, wala raw ganyanan, napakasaya naming lahat sa tagumpay niya ngayon,” kuwento ng tropa.

Kris Aquino – Magkakaroon ng markadong partisipasyon sa Wowowin

Pagkatapos nang halos dalawang taon ng pamamahinga sa telebisyon ni Kris Aquino ay si Willie Revillame ang magbibigay sa kaniya ng isang markadong partisipasyon sa Wowowin.

Tinupad ng aktor-TV host ang kaniyang pangako na isang araw ay mapapanood sa kaniyang game show ang tinaguriang Queen Of All Media. Nakapag-taping na si Kris sa Wowowin at maaaring sa papasok na linggong ito na ipalalabas ang kaniyang guesting.

Hindi namin pangungunahan kung anu-ano ang nangyari sa pagsasama sa harap ng mga camera nina Kris at Willie, pero isa lang ang sigurado, ikaliligaya ng mga tagasuporta ng Wowowin ang nakatakda nilang mapanood.

Magiging barometro ang guesting ni Kris sa Wowowin para sa pagdedesisyon ng mga ehekutibo ng GMA-7 kung karapat-dapat ba nilang bigyan ng programa ang aktres-TV host sa kanilang bakuran.

Binuksan na ni Willie Revillame ang kandado ng pintuan, ipinauubaya na niya sa mga ehekutibo ng istasyon kung papapasukin ng mga ito si Kris, iyon ang kailangan nating bantayan.

Ang importante ay ginagawa ni Willie ang pagtulong kay Kris sa abot ng kaniyang kapasidad. Pero ang huling desisyon ay hindi niya hawak, hindi niya pag-aari ang network, nagsisilbi lang siyang tulay.

Joey de Leon – Kapuri-puri ang ginawang paghingi ng tawad on national TV

Gusto naming bigyan ng espasyo ang makabuluhang mensahe ni SOS tungkol sa ginawang panghihingi ng tawad ni Joey de Leon sa publiko dahil sa isyu ng depresyon na kinontra ng mayorya nang magsalita siya sa Eat… Bulaga!

Komento ni SOS, “Sobrang humanga po kami sa pagpapakumbaba ni Joey de Leon. Kahit sabihin pa pong wala na siyang choice dahil sa dami ng bumabatikos sa kaniya, eh, kahanga-hanga pa rin ang ginawa niyang panghihingi ng tawad on national television sa lahat ng mga na-offend niya.

“It takes a lot of character para magawa ang ganoon in public. Nag-sorry na po si Joey, kaya wala nang dahilan para i-bash pa siya nang todo,” kumpletong pahayag ni SOS.

Itinuturing na sakit ang depresyon. May lunas ang ganoong sitwasyon. Kailangan lang talagang paglabanan iyon ng taong inaatake ng depresyon, ang panghihina ng kalooban ay kailangang talunin ng katatagan ng isip.

Hindi biro ang depresyon, doon karaniwang nag-uugat ang maling-maling paraan ng pagkitil ng buhay, ang pagpapakamatay.

Hindi gawa-gawa lang ang depresyon. May mga pagkakataong puwedeng psychological ang dating ng ganoong sitwasyon, pero mas madalas na hindi, nervous system ang itinuturong dahilan ng mga doktor.

Mariel de Leon – Parang pinahiran ng apdo ang dila ng beauty queen

Maraming kababayan natin ang hindi nagkagusto sa tabas ng dila ng beauty queen na si Mariel de Leon. Maraming napaklahan sa kaniyang sinabing “Same last name, but thank God, we’re not related. Ew, shame on him and to people who think like him.”

Si Joey de Leon ang kaniyang tinutukoy na nag-ugat sa isyu ng depresyon na ipinanghingi na ng tawad ng beteranong TV host-komedyante sa publiko.

Wala namang masama sa paglalantad ng saloobin ni Mariel de Leon, iyon ang kaniyang paninindigan, may kalayaan siyang gamitin ang kaniyang espasyon sa social media para iparating ang kaniyang opinyon.

Pero maraming paraan ng pagkontra. May mga pagkontrang madaling unawain at tanggapin, kung paanong mayroon ding pagkontrang tulad ng kay Mariel, na sa halip na kampihan siya ng mayorya ay siya pa ang inuupakan ngayon.

Pagkatapos naming mabasa ang litanya ng dalaga tungkol sa isyu ay bigla naming naisip ang kaniyang mga magulang na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong. Walang alingasngas sa kanilang pagsasama ang mga magulang ni Mariel.

Wala rin kaming matandaang nakaaway ang mag-asawa, napakasimple ng kanilang buhay, tahimik lang at hindi tulad ng kay Mariel na maligalig.

Pinahiran nga ng apdo ang dila ng dalagang ito. May pakla. May asim na wala sa lugar. Sawsawera. Sa palagay naman kaya ni Mariel de Leon ay gusto siyang maging kamag-anak ni Joey de Leon?

Kung ito’y nangyari noong mga panahong mainit pa ang libido ni Joey de Leon sa pakikipag-argumento na wala itong pakialam kung ano ang kasarian ng kaniyang kalaban ay makakatikim ng boldyak itong si Mariel mula sa komedyante.

Magpipingkian sila ng salita, magkakaroon sila ng word war, buti na lang at sa kaniyang pagkakaedad ay medyo lumamig-kumalma na ang dating gawi ni Joey de Leon.

Sa halip na magmistulang bawang na kasahog sa lahat ng lutuin si Mariel de Leon at personalin ang mga taong hindi niya kapareho ang pananaw sa buhay ay mas maganda kung pagtutuunan na lang niya ng pansin ang sarili niyang laban.

Rarampa siya sa entablado, nangangarap na makakuha ng titulo, huwag naman sanang maging “thank you girl” ang babaeng ito para walang maipangsupalpal sa kaniya ang mga tagasuporta ni Joey de Leon. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Nobyembre 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminNobyembre 1-15, 2017

  ISABEL GRANADA
 
Isabel Granada
  sarah and matteo
 
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli
  AI AI AND GERALD
 
Ai-Ai delas Alas & Gerald Sibayan
  Kris
 
Kris Aquino
  SHARON AND KC
 
Sharon Cuneta & KC Concepcion
  Marjorie Barretto
 
Marjorie Barretto
  Recom Echiverri
 
Recom Echiverri
  maricel soriano
 
Maricel Soriano

Isabel Granada – Sana’y maging ligtas na

Kuwarenta’y uno anyos lang si Isabel Granada. Hindi lumobo ang kaniyang katawan dahil madalas siya sa gym. Magaling din siyang volleyball player. Gym buff ang singer-actress.

Iyon ang dahilan kung bakit nabulabog ang buong showbiz nang makarating dito ang balita na nag-collapse siya, isinugod sa ICU, at ngayon nga’y mahigpit na binabantayan ang kaniyang kundisyon sa isang kilalang ospital sa Doha, Qatar.

Dahil doon ay kung anu-ano nang kuwento ang kumalat sa social media. Na-wow mali si Vivian Velez, nag-post ng “Gone too soon” ang aktres na nabasa ng mga kababayan natin, kaya napakabilis na kumalat ng balita.

Agad ding tinanggal ni VV ang kaniyang post dahil kinontra iyon ng mga kaibigan ni Isabel Granada. Huwag daw naman sanang unahan ang kalagayan ng aktres, sa halip ay manalangin na lang para maligtasan niya ang malaking dagok na ito sa kaniyang buhay.

Naglabas din ng opisyal na pahayag ang mister niyang si Arnel Cowley. Totoong nasa ICU si Isabel dahil sa brain hemorrhage na nakaapekto nang matindi sa kaniyang puso. Panalangin ang hinihiling ni Arnel para sa ikagaganda ng kundisyon ng kaniyang misis.

Hindi nakagugulat ang ganoon. Kahit pa madalas tayong mag-ehersisyo ay may mga pagkakataong puso pa ang tumbok ng ating pagkakasakit. May isang kaibigan kaming doktor na gym buff din, pero biglang nanikip ang dibdib, nang magpa-angioplasty ito ay natuklasang dalawa pala ang barado nitong coronary arteries.

Mahal ng industriya si Isabel Granada, malapit ang kaniyang inang si Mommy Guapa sa mga reporters, kaya napakaraming nagdarasal ngayon para sa kaniyang kaligtasan.

Harinawang malampasan ng singer-actress ang sitwasyong ito, walang imposible sa sama-samang dasal. Maging matagumpay sana ang operasyong gagawin para kay Isabel sa Doha, Qatar.

Sarah Geronimo – Limitado pa rin ang relasyon kay Matteo

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkumpirma sa amin ng kuwentong umiikot ngayon tungkol sa hindi pagkakasundo ni Matteo Guidicelli at ng ama ni Sarah Geronimo.

Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin tanggap ng ama ni Sarah ang aktor kahit pa bumibilang na rin nang mahabang panahon ang kanilang relasyon. Ikinumpara ng aming kausap ang sitwasyon sa isang buong cake na nabawasan nang malaking bahagi nang dumating si Matteo sa buhay ni Sarah.

Hindi sa puntong pampinansiyal ang tinutukoy ng aming source, kung magsusukatan daw kasi ng yaman ay mapapahiya ang pamilya ni Sarah sa kung anumang mayroon ang pamilya ni Matteo, kundi sa atensiyon.

Kuwento ng aming source, “Nasanay kasi ang family ni Sarah na sila-sila lang ang magkakasama. Kapag walang work si Sarah, nasa bahay lang siya. Ganoon ang nakagisnan niyang buhay.

“Nagsasama-sama sa bar ang mga kaibigan niya, gusto niyang sumama, pero hindi siya pinapayagan dahil makasasama raw sa boses niya ang usok at pagpupuyat. Bakit nga naman puwede iyon sa ibang singers din, pero sa kaniya, eh, hindi?

“Minsan-minsan lang naman iyon, kapag may okasyon lang, pero hindi puwede iyon kay Sarah. Ayaw siyang payagan. Ang dami-dami kayang bawal kay Sarah?

“Bawal siyang kumain ng chocolates, ng ice-cream, bawal siyang uminom ng malamig, kaya tatakam-takam na lang siya kapag enjoy na enjoy na kumain ng mga ipinagbabawal sa kaniya ang mga kapuwa niya singers!” kuwento ng aming kausap.

Nang pumasok sa buhay ng sikat na singer-actress si Matteo, pakiramdam ng mga magulang ni Sarah ay nahati na ang kaniyang atensiyon; nabawasan na ang para sa kaniyang pamilya.

“Mabait na boyfriend si Matteo. Lumulugar siya sa tama. Kapag may work si Sarah, hindi siya nakikigulo, hindi sila nagkikita para hindi maapektuhan ang focus sa trabaho ng girlfriend niya.

“Iyong pagsama ni Sarah sa mga activities ni Matteo, hindi siya lang ang kasama, nandoon ang kapatid niya, ang PA niya, hindi siya naisasama ni Matteo nang siya lang. Nirerespeto iyon ni Matteo.

“Hanggang dinner nga lang sila, hanggang sa pagdalaw lang ni Matteo sa bahay nila ang nangyayari, kasi nga, iyon ang kasunduan nila. Mainit ang dugo ng parents ni Sarah kay Matteo.

“Hindi totoong umalis na si Sarah sa bahay nila, may sarili siyang condo unit, pero hindi niya naman nagagamit dahil nandoon pa rin siya sa bahay ng parents niya.

“Hindi mangyayari iyon, pagpapakasal lang nila ni Matteo ang makapagpapahiwalay kay Sarah sa pamilya niya, promise!” kuwento pa ng aming source.

Kapag masama pala ang loob ni Sarah ay idinadaan lang niya iyon sa pag-iyak. Hindi siya nagsasalita. Kinikimkim lang ng singer-actress ang lahat.

Sundot pa ng aming impormante, “Kapag nakikita siyang umiiyak ng mommy niya, eh, nakakaloka ang reaction sa pag-iyak niya. Huwag daw siyang umiiyak, makaaapekto raw sa pagkanta niya ang pag-iyak. Hanggang doon ba naman, boses pa rin niya ang concern ng mommy niya?”

Ai-Ai delas Alas – Malapit nang maging Mrs. Sibayan

Tama ang sinabi ni Ai-Ai delas Alas na marami siyang kalabisan at kakulangan sa sarili niyang buhay pero sumakto siya sa kaniyang mga anak. Naturingang Philippine Comedy Queen ang kanilang ina pero lumaking nakasayad sa lupa ang mga paa nina Sancho Vito, Sofia at Nicolo.

At kapag lumaking maayos ang mga anak ay sa kanilang magulang ibinibigay ang kredito. Mag-isang pinalaki ni Ai-Ai ang tatlo niyang anak, wala siyang nakatuwang. Kahit nasa trabaho na ang komedyana ay panay-panay pa rin ang pagtse-check niya kina Sancho, Budang at Nicolo.

Sabi niya noong minsan, “Wala namang perfect na magulang, di ba? Wala ring perpektong anak. Pero napakalaki ng pasasalamat ko kay Lord dahil ang mga anak ko, naiintindihan nila ang work ko.

“Ipokrita ako kung sasabihin kong nabigyan ko sila nang sapat na oras, hindi totoo iyon, dahil noong mga panahong halos wala na akong panahon kahit para sa sarili ko, eh, kulang na kulang din ang time na naibibigay ko para sa kanila.

“Pero kapag may time naman ako, sama-sama lang kami sa bedroom ko, fiesta talaga, doon na kami kumakain lahat. Sinasamantala namin ang panahong wala akong trabaho,” kuwento ng Comedy Concert Queen.

At bibihira ang mga anak na nauunawaan pati ang lovelife ng kanilang ina. Kung saan maligaya si Ai-Ai ay wala kang maririnig na anumang pagkontra mula sa kaniyang mga anak.

Puwedeng mayroon, pero hindi nila iyon ipinararamdam kay Ai-Ai. Malaki ang respeto ng magkakapatid sa kanilang ina para hindi na lang kumibo.

Pero iba ang sitwasyon ngayon kay Gerald Sibayan. Mahal ng mga anak ni Ai-Ai ang binata. Magkakaibigan sila, nagkakasundo, ramdam kasi ng magkakapatid na malinis ang intensiyon ni Gerald sa kanilang ina.

Si Gerald ang balon ng inspirasyon ni Ai-Ai kahit pagod na pagod siya sa pagtatrabaho ay pampaalis niya ng pagod at stress ang binata, pinahahalagahan iyon nina Sancho, Sofia at Nicolo.

“Maraming-marami na akong nagawang maling desisyon sa buhay ko. Pero sabi ng mga anak ko, eh, hindi ko na dapat pang balikan iyon dahil part of life nga naman ang pagkakamali at pagkatuto ng leksiyon.

“Sabi ko nga, kahit minsan man lang sana, eh, makagawa ako ng tama. At feeling ko, eh, ito na nga iyon. Mahirap lang ang preparation, ang dami-dami palang kailangang iayos na mga dokumento, pero napaka-smooth.

“Feeling ko, eh, ngayon lang ako ikakasal. Siguradong iyakan ito, pareho kasing mababaw ang luha namin ng darling ko. Madali kaming maiyak. Inaasahan ko na iyon sa kasal namin. Babaha ng luha ng kaligayahan,” masayang kuwento pa ni Ai-Ai.

Ilang tulog at gising na lang ay December 12 na. Maraming magbabago sa buhay nina Gerald at Ai-Ai. At tatawagin na naming Mrs. Sibayan ang komedyana.

Kris Aquino – Naunsyami na naman ang pagsali sa Wowowin

Sumuko na si Kris Aquino sa pagsasalansan ng mga katangiang mayroon dapat ang kaniyang makakarelasyon. Naisip siguro ni Kris ang matagal nang kasabihan na dahil sa kapipili ay nauwi ang maselan sa bungi.

Pero mayroon pa rin siyang hinahanap na mga katangian ng gusto niyang makasama sa buhay. Kailangang hindi tamad ang lalaki, kailangang matalino at higit sa lahat, kailangang mahalin din nito ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Hindi raw kailangang kasingyaman niya ang lalaki. Alam ni Kris na mahihirapan siyang makakita ng ganoon ang estado sa buhay kung ordinaryong lalaki lang ang hinahanap niya. Para siyang maghahanap ng karayom sa bunton ng dayami.

Pagkatapos ng hiwalayan nila ni James Yap ay wala nang nakarelasyon si Kris. Napabalitang sila na ni Mayor Herbert Bautista, pero habang sinasabi iyon ni Kris ay tanggi naman nang tanggi ang aktor-pulitiko. Kaya kung susumahin ay may apat na taon na siyang walang karelasyon mula nang maghiwalay sila ng basketbolista.

Sinukat talaga si Kris ng panahon. Wala na nga siyang inspirasyong matatawag ay naging mailap pa ang kapalaran sa pagkakaroon niya ng trabaho sa telebisyon at pelikula.

Totoong nakapanghihinayang ang magdadalawang taon nang kawalan ng show ni Kris.

Hanggang sa pagdiskitahan na rin ni Kris ang kaniyang apelyido. Iyon daw ang dahilan kung bakit natatakot ang mga istasyon na pagkatiwalaan siya ng programa.

May pinag-ugatan ang kaniyang sinabi. Lumapit siya kay Willie Revillame para magpatulong na makapasok siya sa GMA-7. Gagawin ko ang lahat, sabi naman ng TV host, pero ang mga ehekutibo pa rin ng network ang magdedesisyon.

Naplantsa na ang lahat. Magge-guest muna si Kris sa Wowowin. Iyon ang magiging barometro ng network, titingnan nila ang reaksiyon ng publiko kung tanggap pa rin ba si Kris, pero hindi iyon natuloy.

Sasalang na lang sa Wowowin si Kris pero may pumigil. Huwag daw muna dahil mainit pa ang sitwasyon. Doon nabuo sa utak ni Kris na ang dahilan ng hindi pagkatuloy ng kaniyang guesting sa programa ni Willie Revillame.

Dahil isang Aquino siya. Dahil kapatid niya ang dating Pangulong Noynoy. Iyon ang pumasok sa kaniyang isip kaya niya sinasabi ngayon na dahil Aquino ang dinadala niyang apelyido ay humuhulagpos ang maraming oportunidad para sa kaniya.

Baligtarin niya na lang ang sitwasyon, gawin niyang positibo. Isipin na lang ni Kris na ang apelyidong bitbit niya ang naging dahilan kung bakit siya sumikat at nagkaroon ng mga dagdag na milyones sa kaniyang busog nang kaban.

Sharon Cuneta – Tadtad na naman ng bashing sa social media

Kinapos na naman sa pag-iingat sa kaniyang mga pananalita si Sharon Cuneta kaya puro pamba-bash na naman ang inaabot ngayon ng Megastar sa social media.

Napakasimple ng pinag-ugatan ng kuwento kung bakit. Tuwang-tuwa si Ai-Ai delas Alas dahil nagbigay ng bahagi ng kaniyang kinita sa Ang Probinsiyano ang anak nitong si Sancho Vito.

Sa mga hindi pa pamilyar kung ano ang ginagampanang papel ni Sancho sa matagumpay na serye ay ito ang parang kanang kamay ni Jhong Hilario na palaging nakapandong. Sila ang nagbubuo ng bagong grupong makakalaban ng Pulang Araw.

Bilang isang nanay na nagmamalaki sa ginawa ng kaniyang anak ay ipinost iyon ng Comedy Concert Queen, sabay pasalamat kay Sancho, na binigyan naman ng reaksiyon ni Sharon.

Ang kaniyang sabi, “Nakaka-touch naman, BFF… wala pa akong anak na gumawa n’yan.” Kinontra iyon ng komedyana sa pagsasabing niregaluhan na dati ni KC Concepcion ang kaniyang mommy ng mga gamit na mahal ang halaga.

Iyon lang at binira-bira na si Sharon. Reaksiyon ng mga netizens ay bakit kailangan niyang ipahiya ang kaniyang anak sa publiko, samantalang dati nama’y siya pa mismo ang nagmamalaki sa mga inireregalo sa kaniya ni KC?

Siya pa raw na mismong ina ang nanglalaglag sa kaniyang anak. Si KC ang tinukoy ng mga nakisawsaw, dahil ito pa lang naman ang anak ni Sharon na kumikita na.

Inconsistent daw ang singer-actress dahil hindi pa natatagalan ay ipinagmalaki pa niya ang mga branded bags na iniregalo sa kaniya ni KC, pati ang humidifier na binili ni KC para sa kaniya ay ipinost din ng aktres, kaya ano raw ang pinanggagalingan ng bagong post ni Sharon?

Sa pagbasa namin sa post ni Sharon ay nakakita kami ng katwiran. Maaaring puro mamahaling regalo ang ibinibigay sa kaniya ni KC pero hindi siya binibigyan ng literal na pera ng kaniyang anak.

Iyon lang iyon. Kinapos lang ng pag-iingat sa kaniyang pananalita ang Megastar na ang naging kapalit na ay kilo-kilometrikong paghusga ng mga nainis sa kaniya.

Gretchen Barretto – Nagbulgar ng relasyon ni ex-Mayor Echiverri at Marjorie

Si Gretchen Barretto ang pinakaunang nagbulgar tungkol sa relasyon ni dating Caloocan Mayor Recom Echiverri at ng kapatid nitong si Marjorie. Wala pang lumalabas na pag-amin mula sa dalawa.

Marami nang bulung-bulungan tungkol sa kanilang relasyon at pagkakaroon ng anak pero si Gretchen ang naglabas ng kumpirmasyon nang ma-wow mali ito ng pagkaintindi sa post ni Claudia Barretto.

Sa pampublikong pag-amin lang umiiwas ang pulitiko at si Marjorie pero ginagampanan nila ang tungkulin bilang mga magulang ng kanilang anak. Nang ipagdiwang ang Parent’s Day sa eskuwelahang pinapasukan ng bata ay nandoon sina Mayor Recom at Marjorie.

Natural, nasa kanila ang atensiyon ng mga magulang ng mga batang nag-aaral sa pampribadong eskuwelahan. Sila mismo kasi ang nakapagkumpirma sa kanilang mga sarili na totoo ang kuwento at hindi imbento lang.

At kasalu-saludo ang ibinibigay na suporta nina dating Mayor Recom at Marjorie sa kanilang anak, wala man silang ginagawang pag-amin tungkol sa pagkakaroon nila ng supling ay mas mahalaga pa ru’n ang ipinakikita nila. Hindi nila pinababayaan ang bata na produkto ng kanilang pagmamahalan.

Mahabang panahon na ang lumipas. May ibang pamilya na rin ngayon si Dennis Padilla. Lumamig na ang tensiyon at maging ang magkapatid na Julia at Claudia ay malapit na rin ngayon sa kanilang ama.

Ang nakakaaliw na komento pa ng mga nakakitang magkasama sina dating Mayor Recom at Marjorie, “Nakakatuwa silang tingnan, para silang kape at gatas. Mukhang nakuha ng bagets ang kulay ng tatay niya.”

Maricel Soriano – Sana’y bumalik sa showbiz ang Diamond Star

Ikinaligaya ng mga fans ni Maricel Soriano ang isang linggo niyang pag-upo bilang isa sa mga hurado sa paglalaban-laban ng mga hosts ng It’s Showtime para sa kanilang ikawalong taong anibersaryo.

Medyo nadagdagan lang ng timbang si Marya, pero ang kakinisan at gandang mayroon siya ay nand’yan pa rin, walang kakupas-kupas ang Diamond Star.

Kung madetalye ang mga kasama niyang hurado ay may karamutan naman sa paglalarawan ng kaniyang napanood na performance si Maricel. Hindi siya madetalye, halatang hindi siya kumportable, kaya ang palagi na lang niyang komento ay nasabi na ng ibang kasamahan niya ang gusto niyang sabihin.

Nakakapanibago nga siguro ang muling pagharap sa mga camera pagkatapos nang mahabang pagpapahinga. Ganoon din kasi ang napansin namin nang maging judge si Aga Muhlach sa labanan ng mga beki sa noontime show.

Parang hindi rin kumportable ang guwapo pa ring actor. Nagtatanong pa nga ito kung ano ang kaniyang gagawin, parang sobrang nanibago si Aga sa pagsalang uli pagkatapos nang mahabang bakasyon sa paggawa ng pelikula.

Hiling ng mga tagasuporta ni Maricel Soriano na nand’yan pa rin at hindi nagpapalit ng kulay ay mas madalas na raw sana siyang mapanood kundi man sa pelikula ay kahit sa telebisyon man lang.

Sayang nga naman ang pagkakataon. Hindi dapat mabakante ang talento ng Diamond Star. Hindi dapat mangalawang ang kaniyang kapasidad na maraming dekada niyang pinaghirapan at iningatan.

Baklang-bakla pa ring magsalita si Maricel Soriano, isang tatak na tanggap na tanggap ng ating mga kababayan, at miss na miss na nila ngayon. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Nobyembre 16-30, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminNobyembre 16-30, 2017

   Anne Curtis Erwan Heussaff
 
Anne Curtis & Erwan Heussaff
  Rhian Ramos ZANJO MARUDO
 
Rhian Ramos Zanjo Marudo
  Mariel de Leon
 
Mariel de Leon
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Liza Soberano
 
Liza Soberano
  James Reid
 
James Reid
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Bong Revilla Lani Mercado
 
Bong Revilla & Lani Mercado

Anne Curtis – Mrs. Erwan Heussaff na ngayon

Mrs. Heussaff na ngayon si Anne Curtis. Tapos na ang kanilang kasal ni Erwan na ginawa niyang pahulaan ang lugar at petsa. Maraming nainis sa aktres sa hindi niya pagiging totoo sa kaniyang pagpapakasal.

Katwiran ng mga naiinis, magpupunta pa raw ba naman sa New Zealand ang mga kababayan natin para lang makiusyoso sa kaniyang kasal? Gagastos ba nang malaki ang mga Pinoy para lang masilip ang kasal nila ni Erwan?

Pero ibigay na lang natin iyon kay Anne Curtis, siya naman ang ikinasal, kaya natural lang na kung sino ang haharap sa altar ang dapat masunod sa gusto niyang mangyari.

Parang isyu lang iyan ng hindi pang-iimbita ni Ai-Ai delas Alas kay Kris Aquino sa pagpapakasal nila ni Gerald Sibayan sa December 12. Totoong mag-BFF sila noon, pero iba na ang sitwasyon ngayon, kaya kung hindi man padalhan ng wedding invitation ng Comedy Concert Queen si Kris ay kauna-unawa iyon.

Minsan lang ikakasal ang mga nagmamahalan, para sa kanila ang napakaespesyal na araw na iyon, kung sinu-sino ang gusto nilang makita sa pakikipag-isang-dibdib nila ang dapat pahalagahan at hindi ang kung ano ang sinasabi ng ibang tao.

Sa New Zealand nagpakasal sina Erwan at Anne, puro malalapit na kapamilya at kaibigan lang ang kanilang imbitado, desisyon nila iyon na dapat maunawaan ng iba dahil sila ang ikinasal at gumastos sa okasyon.

Nagtatampo lang siguro ang iba nating mga kababayan dahil kapag may pelikula nga naman si Anne Curtis ay panay-panay ang panghihingi niya ng suporta pero ang simpleng lugar at petsa lang pala ng kaniyang pagpapakasal ay hindi pa niya kayang ipagkatiwala sa publiko.

Rhian Ramos – Dapat hangaan sa tatag ng pagkatao

Si Rhian Ramos. Naging malayuan kaming armas ng dalaga sa mga nakaraan niyang pakikipaglaban. Binaboy siya nang lantaran ng isang nakaraang karelasyon. Wala siyang kalaban-laban, husgado lang ang tanging natakbuhan niya para mapagsumbungan.

Saludo kami kay Rhian Ramos sa pakikipaglaban para sa kaniyang karapatan bilang babae, hindi siya natakot; kahit pa sabihing pinakademonyong lalaki na yata ang natagpuan niya’t pinagbigyan ng kaniyang pagtitiwala.

Pero ang panahon ang pinakamagaling na doktor sa lahat ng mga sakit at paghamong pinagdadaanan natin. Nakabangon na uli si Rhian; pero ang lalaking nambastos sa kaniya ay nagtatago pa rin, pinaliit ng taong iyon ang kaniyang mundo.

Ano ang naging inspirasyon ni Rhian sa buhay? Ang pagrespeto sa kaniyang sarili na kailanman ay hindi niya ipananakaw sa kahit sino. Ipinahiya man siya sa mundo ng nambastos na iyon ay mayroon pa rin siyang mukhang ipakikiharap sa publiko dahil kilalang-kilala niya ang kaniyang sarili.

Ang ganoong karanasan ay posteng puhunan ni Rhian sa pagganap. Hindi na siya basta magandang babae lang ngayon, pinapahalagahan na ang kaniyang pag-arte, bibihira ang ganoong kumbinasyon sa mga artista.

Kuwento ng isang kaibigan namin ay magaling daw si Rhian Ramos sa pinagtambalan nilang pelikula ni Zanjoe Marudo, ang Fallback, na handog na Cineko Productions at Star Cinema.

“Hindi siya nakauumay, ang ganda-ganda niya, at sa ganda niyang iyon, eh, nakaaarte pa siya. Madadala ka ng mga eksena nila ni Zanjoe, bagay na bagay sila,” kuwento ng aming kausap.

Isa si Rhian Ramos sa mga babaeng artistang hinahangaan namin ang pagkatao. Naging saksi kami sa kaniyang pakikipaglaban. Nakita namin kung paano niya hinagulgulan ang pinakamasakit na bintang sa kaniya bilang babae, pero hindi niya pinabayaang manalo ang kasinungalingan.

Sa tahimik na paraan ay ipinagtanggol niya ang kaniyang pagkababae, dinaan niya sa legal at hindi sa social media ang kaniyang depensa, bibihirang pampublikong pigura ang makagagawa sa ipinakita ni Rhian Ramos.

Napakahalaga nga naman kasi ng pampublikong persepsiyon. Doon sila hinuhusgahan. Pero kung pababayaan lang nilang mangyari iyon. Kung hindi sila lalaban.

Eh, ibang klaseng babae si Rhian, hindi niya basta inupuan lang ang pambabastos na ginawa sa kaniya ng lalaking akala niya’y nirerespeto siya, pero hindi naman pala.

Ang paglantad sa liwanag ay tanda ng pagsasabi ng katotohanan, kung paanong ang paglayo at pagtatago ay senyal ng guilt at pagsisinungaling, nakabalik na ba sa bansa mula noon ang lalaking sumira sa kaniyang imahe?

Gusto naming yakapin nang mahigpit asi Rhian Ramos kapag nagkita kami dahil sa pagpapahalaga niya sa kaniyang pagkatao at pagkababe.

Mariel de Leon – Natalo sa Miss International pageant

Grabe ang pang-iinsultong tinatanggap ngayon ni Mariel de Leon, ang kinatawan natin sa katatapos lang na Miss International, na hindi man lang pinalad na mapabilang sa Top 15.

Sa halip na malungkot ang mas nakararami nating kababayan sa pagkabigo ng dalaga ay puro pintas pa ang inaabot niya ngayon. Mukhang napabayaan daw kasi sa kusina si Mariel kaya namumutok ang kaniyang katawan nang iparada na niya ang kaniyang katawan sa entablado na naka-simwear.

Lahat ng pisikal na pamimintas ay ipinatititkim ngayon kay Mariel. Siya lang ang beauty queen na ginanito ng ating mga kababayan, dahil kapag natatalo ang Pinay sa ganitong labanan ay binibigyan ng pag-asa ng mga Pinoy ang ating kalahok.

Hindi nakaganda para kay Mariel ang madalas niyang pagbibitiw noon nang maaanghang na salita kapag nakikisawsaw siya sa maraming isyu ng bayan. Lalo siyang pinupog nang magkomento siya tungkol sa paksa ng depresyon na ipinanghingi na ng tawad sa publiko ni Joey de Leon.

Maraming becki ang nagalit sa kaniya, para siyang isinumpa ng mga ito na matatalo sa lalabanan niyang beauty pageant. Nagdilang-anghel ang mga hindi nagkagusto sa pagiging brutal ni Mariel de Leon sa pagkokomento sa social media.

Alden Richards – Single pa rin ang sinasabing status

Inupak-upakan na naman si Alden Richards nang dahil lang sa isang pinakawalan niyang sagot sa isang interbyu kung single pa ba siya? Isang Thai host ang nagtanong sa kaniya.

Ang simpleng sagot ni Alden ay “yes.” Dahil doon ay puro bira kaliwa’t kanan na ang kaniyang tinanggap mula sa mga tagasuporta ni Maine Mendoza. Bakit daw hindi maamin ng Pambansang Bae na may girlfriend na siya?

Bakit daw parang ikinahihiya niya sa Maine, bakit daw hindi niya diretsong masabi na selyado na siya? Aysus, katakutakot na bash agad ang inabot ni Alden, pati ng host sa Thailand na nag-interbyu sa kaniya.

Napakababaw na dahilan, parang nakapatay na agad si Alden sa mga tinatanggap niyang masasakit na salita, samantalang nagpakatotoo lang naman iyong tao.

Ang tanong, ang malaking tanong, hayagan na ba silang umamin na sila na nga? Mayroon na bang pagkakataong nagsabi sila nang diretso na magkarelasyon na sila? Hindi ba’t ang dami-dami na ngang naiinip sa kanilang pag-amin?

Napakatagal na nga nilang magka-loveteam, araw-araw silang magkasama sa Eat…Bulaga! pero hanggang sa pagpapakilig lang naman ang ginagawa nila.

May mapalapit lang na babae kay Alden ay nagwawala na agad ang AlDub, may maging ka-close lang na lalaki si Maine ay halos maghuramentado na sila, samantalang wala pa namang inaamin sina Alden at Maine na sila na nga.

Kung wala pa namang relasyon ay ano ang karapatan ng kahit sino na upakan si Alden Richards? Magkakaroon lang sila ng pasaporteng pagsalitaan si Alden kung girlfriend na pala niya si Maine pero single pa rin ang isinasagot niya sa tanong tungkol sa kaniyang lovelife.

Mahirap bang intindihin na kung wala pa naman talaga ay hindi nagsisinungaling ang tinatanong? Hindi tuloy kagandahan ang epekto noon sa ating mga kababayan. Parang ipinagduduldulan nila si Maine kay Alden.

Liza Soberano – Maganda sa loob at labas, kapuripuri

Hindi lang basta maganda si Liza Soberano. Ang kaniyang ganda ay sa pangloob at sa panglabas. Dapat lang naman palang biyayaan ang magandang young actress dahil napakarami niyang napaliligayang mahal sa buhay.

Napakaraming endorsements ngayon ni Liza Soberano. Lahat na yata ng mga produktong pangkabataan ay siya ang tagapagbenta sa publiko, bukod pa iyon sa mga pelikulang ipinagkakatiwala sa kaniya ng Star Cinema.

Abala ngayon ang dalaga para sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kaniya ng ABS-CBN para magbida sa makasaysayang seryeng Darna. Halos araw-araw ang kaniyang rehearsal sa pagsayaw (para sa mabilis na footwork), sa mga routine, sa pag-arte.

Ang kinikita ni Liza ay hindi niya sinasarili lang. Nagpapadala rin siya ng tulong sa kaniyang ina na naninirahan sa Amerika. May sarili na itong pamilya ngayon, may apat na anak, kaya tinutulungan sila ng young actress.

May pamilya na rin ang kaniyang ama, magkakasama sila sa bahay ng kaniyang ama at stepmom, napakaayos ng kanilang samahan. Kitang-kita naman sa aura ni Liza ang pagiging masaya na ang pinag-uugatan ay ang kaniyang pamilya.

Sa lahat ng kaniyang mga proyekto ay hindi rin niya pinababayaan ang naka-discover sa kaniya bago siya napunta sa pangangalaga ng kaniyang manager na si Ogie Diaz, kabahagi ito sa lahat ng perang pumapasok sa kaniyang kaban, pinagkasunduan nila iyon ng kaniyang manager.

James Reid – Pang-showbiz lang ba ang relasyon kay Nadine?

Minsan nang may nakapagkuwento sa amin na hindi raw naman mahal ni James Reid si Nadine Lustre. Ang naging barometro ng aming source ay noong minsang mag-cover sa isang glossy magazine ang sikat na loveteam.

Sa kabuuan daw ng pictorial ay wala silang naramdamang kahit anong emosyon mula kay James para kay Nadine. Ang babae raw ang lapit nang lapit sa lalaki pero parang wala namang pakialam ang bagets.

“Nagsimula at natapos ang pictorial na wala kaming nakita or napansing pagke-care man lang ni James kay Nadine, as in, wala talaga! Deadma lang siya, palaging nasa phone, palagi siyang may kausap kapag breaktime.

“Nakakaawa nga si Nadine, siya ang parang trying hard na trying hard sa paglapit-lapit kay James, nagpapaka-sweet siya pero wala man lang ginagawa si James to please her,” kuwento ng aming source.

At ngayon nga ay lumulutang na ang kuwentong hindi naman totoo ang sinasabing pagmamahalan ng magka-loveteam. Para lang daw sa kanilang career ang lahat pero ang totoo ay hindi naman mahal ni James ang dalaga.

Nalalagay sa negatibong posisyon ngayon si James habang marami namang naaawa kay Nadine na ginagawa na nga ang lahat-lahat pero ni hindi naman pala siya pinahahalagahan ng binata.

At iyong kuwentong inilabas ng isang kaibigan ni James tungkol sa kawalan nito ng emosyon kay Nadine ay ipinalalagay ng kanilang mga tagahanga na si James Reid din mismo ang pinag-ugatan.

Sigurado raw na si James Reid ang nagsasabi noon sa kaniyang mga kaibigan, ito raw ang source, wala nang iba pa.

Mocha Uson – Walang karapatang pintasan si Kris

Sinorpresa kami ng sunud-sunod na text messages sa amin ng matagumpay na aktor-TV host na si Willie Revillame.

Sabi ni Willie ay nasa New York daw si Kris Aquino at ang kaniyang mga anak, pero may mensaheng gustong iparating sa amin, nabasa raw ni Kris online ang aming kolum na lumabas noong Linggo sa pahayagan.

Isang depensa kay Kris ang nasabing kolum, pinitik namin si Mocha Uson sa sinabi nitong kapag pumasok sa mundo ng pulitika si Kris ay ibang usapan na, tama na raw ang palpak na serbisyong ibinigay ng namayapang si Tita Cory at ni P-Noy.

Sa aming opinyon ay walang karapatan ang kahit sino, lalo na si Mocha Uson, na pangunahan ang anumang gustong pagdesisyunan at gawin ni Kris sa hinaharap dahil sarili niyang buhay iyon.

Maglulupasay man nang nakahubad si Mocha Uson sa kalyeng dadaanan ni Kris papunta sa COMELEC para sa pagsusumite ng kaniyang certificate of candidacy ay wala itong magagawa. At wala itong karapatang husgahan ang kung anumang gustong pasuking mundo ni Kris Aquino.

Hawak-hawak ni Kris ang lahat ng katangiang kinakailangan mula sa isang kakandidato. May karapatan siya at hindi ilusyunada dahil matalino siya at pampulitikang pamilya ang kinagisnan niya.

Bakit hindi na lang kasi ang departamento ng PCOO ang tutukan ni Mocha Uson. Napakarami nilang dapat gawin para hindi sila nalalagay sa alanganin na mauuwi sa pangmemenos at pagtatawa sa kanila ng taumbayan.

Iyon ang dapat pakialaman ni Mocha, hindi ang nananahimik na si Kris Aquino, hindi nito dapat idamay si Kris sa matinding galit nito sa mga Dilawan.

Kris Aquino – May sole custody na para kay Bimby

Ipinaalam ni Kris Aquino sa pamamagitan ng kaniyang post sa social media na solong-solo na niya ang kustodiya ngayon sa anak nila ni James Yap na si Bimby.

Nasaktan daw kasi si Bimby nang sabihin ng kaniyang amang basketbolista na nakakawalang-ganang magpaka-ama sa kaniya. Dahil doon ay kumilos si Kris, umapela siya na solong gampanan ang child custody kay Bimby, kasabay ang hindi na panghihingi ng child support para sa bata.

Parang mali ang pagkaintindi ni Kris sa sinabi noon ni James dahil ang komento nito ay nakakawalang-ganang makiusap na makasama nito ang kaniyang anak dahil parang nagmamakaawa ito at namamalimos ng oras.

Walang sinabi si James na nakakawalang-ganang magpakaama kay Bimby, ang proseso ng panghihiram nito sa bata ang kaniyang sentimyento, mukhang nabulungan ng maling impormasyon si Bimby.

Kunsabagay, ang sitwasyon naman ni Bimby ay walang iniwan sa kaniyang Kuya Josh, hindi rin naman halos nakikita-nakakasama ni Phillip Salvador ang kanilang anak ni Kris.

Ilang taon pa mula ngayon ay makararating na sa kaniyang legal na edad si Bimby. Walang anak na hindi naghanap sa kaniyang magulang. Kahit nga ang mga ampon ay nangangarap na makita-makilala ang kanilang pinagmulan.

Kapag abot na ng hinog na isip ni Bimby ang sitwasyon ay siguradong hahanapin din nito ang mga yakap ni James Yap. Isang senaryo na hindi kayang harangan ni Kris Aquino.

May nakakuwentuhan kaming kaibigang yayamanin na may ideya kung gaano kayaman si Kris Aquino. Mahabang-mahaba raw ang pisi ng aktres-TV host, kahit daw habambuhay pa siyang mawalan ng trabaho ay kaya niyang ibigay ang lahat-lahat para sa kaniyang mga anak na sunod na sunod pa rin ang kaniyang mga granatsa, daang milyon daw ang iniingatang salapi ng mahusay na TV host.

Sabi ng aming source, “Passion lang talaga niya ang pagiging host and actress, iyon talaga ang ikinaliligaya niya, pero kung tutuusin, e, hindi na niya kailangan pang magtrabaho!

“Hindi nila mauubos na mag-iina ang kayamanang mayroon siya ngayon, kahit magliwaliw pa sila nang araw-araw sa iba-ibang bansa, ni hindi maaapektuhan ang ipon niya. Dati na siyang millionaire, pero dahil sa kasipagan niya, e, nadagdagan pa iyon nang nadagdagan.

Senador Bong Revilla – Kailan kaya makakalaya?

Harinawang matupad ang dasal at hiling ng pamilya, mga kaibigan at tagasuporta ni Senador Bong Revilla na mabigyan siya ng karapatang makapagpiyansa bago dumating ang Pasko.

Matinding kaligayahan iyon para kay Mayor Lani Mercado at sa kanilang mga anak at apo, granted prayer nilang maituturing ang makasama ang aktor-pulitiko na nagdiriwang ng Pasko sa buhay na malaya.

Iyon din ang dasal ng mga tagasuporta ni Senador Bong noong kaarawan niya, pero natapos ang Setyembre at Oktubre ay nasa PNP Custodial Center pa rin siya, hindi nawawalan ng pag-asa ang mga nagmamahal sa kaniya na baka ngayong Nobyembre hanggang sa susunod na buwan ay dinggin din ang kanilang mga dasal.

Hindi pa puwedeng lumabas sa telebisyon si Senador Jinggoy Estrada, pero nakapag-iikot na ang aktor-pulitiko sa iba-ibang lugar sa Pilipinas para magtalumpati, sana nga ay magkasama na sila isang araw sa mundong walang mga rehas at bantay.

Si Senador Bong na lang ang nasa Crame ngayon, ikinatutuwa niya ang mas maagang pansamantalang paglaya ng kaniyang kaibigang karnal, pero mas makukumpleto ang kaligayahan ni Senador Bong kung magkikita na sila sa labas ni Senador Jinggoy.

Walang imposible sa mga panalangin. Isang araw ay masosorpresa na lang tayo dahil pinagbigyan na rin ang pagpipiyansa niya, makakasama na rin si Senador Bong ng kaniyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta sa isang mundong makakikilos na siya nang malaya at walang bawal-bawal. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Disyembre 1-15, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminDisbyembre 1-15, 2017

  Maine Mendoza
 
Maine Mendoza
  Alden Richards
 
Alden Richards
  AiAi Gerald
 
Ai-Ai delas Alas & Gerald Sibayan
  Ellen Adarna & John Lloyd Cruz
 
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz
  Rachel Peters
 
Rachel Peters
  Rachel Peters & Pia Wurtzbach
 
Rachel Peters & Pia Wurtzbach
  Heart Evangelista & Christian Louboutin
 
Heart Evangelista & Christian Louboutin
  LUIS MANZANO
 
Luis Manzano

Maine Mendoza – Sumambulat na ang paghihimutok

Bahala na si Batman. Ganoon ang dating ng sinulat na blog ni  para paalpasin ang matinding emosyon at opinyon na nararamdaman niya ngayon.

Nandoon ang pagdadalawang-isip, kakambal noon ang pagdududa kung mauunawaan siya ng mundo; pero kailangan niyang sundin ang sinasabi ng kaniyang utak at idinidikta ng kaniyang puso.

Ganoon ang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sukdang marami siyang makalaban ay gagawin niya dahil ang pinakamahalaga ay ang paghawak sa kung sino siya. Iyong walang buton na kapag nilaro ng mayhawak ay para siyang robot na hindi kayang mangatwiran.

Sumambulat na ang paghihimutok ni Maine sa mga taong akala niya’y nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya pero nagtatayo pala ng pader para gawin siyang sunud-sunuran sa anumang magustuhan ng mga ito.

Sawang-sawa na siya sa pagiging ibon na nakakulong sa gintong hawla. Gusto na niyang makalaya at makalipad sa paraang gusto niya.

Humahaplit na parang latigo ang mga salita ni Maine sa pakikipaglaban sa kaniyang kalayaan. Nagpapasalamat siya sa masarap na suporta sa kaniya, sa mga biyayang tinatanggap niya, pero ang kaligayahang hinahanap niya ay wala.

Walang ningning ang kaniyang mga mata, blangko ang kaniyang puso.

Matagal na naming inaasahan ito. Nahuli lang ang pagdedesisyon at aksiyon ni Maine. Ang dami-dami na kasing nasasaktan sa pakikipaglapit sa kaniya ng mga taong wala namang masamang motibo. Pati ba naman sa pakikipagkaibigan ay nagtatayo pa ng bakod ang mga diktador sa kaniyang paligid?

Panahon na para makapagdesisyon siya ayon sa kaniyang gusto. Hindi na niya bibigyan ng karapatang panghimasukan ng ibang tao ang kaniyang personal na buhay.

Pinutol ng mga taong iyon ang kaniyang mga pakpak para hindi siya malayang makalipad.

Malayang buhay na ang gustong tahakin ni Maine Mendoza at sa pagkakataong ito ay wala nang makapipigil pa sa kaniya.

Alden Richards – Napakalinaw ng rebelasyon ni Maine, kaibigan lang

Samantala, maraming daliring nakaturo ngayon sa ama ni Alden Richards bilang isa sa mga taong nagpaniwala sa AlDub Nation na magkarelasyon ang kanilang mga idolo.

Damay si Mr. Faulkerson sa inilabas na blog ni Maine Mendoza na tahasang nagsasabing magkaibigan lang sila ni Alden Richards. Walang labis at walang kulang, iyon ang katotohanan.

Kuwento ng isang source, “Isa sa mga kinikilig sa loveteam ang father ni Alden. Siya ang palaging nagpo-post ng mga pictures at info tungkol kina Alden at Maine.

“Kumbaga, lumalabas na isa siya sa nag-inject ng idea na magkarelasyon ang dalawa, kaya ang mga supporters naman nila, e, naging selfish. Bantay-sarado sila sa lovelife nina Alden at Maine, exclusive lang sila para sa isa’t isa, dahil nga sa wrong information na ipinakakain sa kanila.

“May sariling atake ang daddy ni Alden, parang naging diary na nila ni Maine ang account ng daddy niya, kaya ngayong inamin na ni Maine na friends lang sila ni Alden, maraming nabuwisit kay Mr. Faulkerson,” kuwento ng aming impormante.

Ang tanong, may ideya kaya si Alden Richards sa blog na inilabas ni Maine, kinonsulta man lang kaya siya ng dalaga tungkol sa rebelasyong ilalabas nito?

Sa biglaang pag-aanalisa kasi ay parang iniwan nito sa gitna ng laban ang Pambansang Bae. Parang nakanganga sa kawalan ng ideya si Alden, samantalang mahigit na dalawang taon na silang magka-loveteam.

At kung babalikan ang mga senaryo, kahit minsan ay hindi ipinagtanggol ni Maine si Alden sa pamba-bash ng kaniyang mga fans, parang okey lang iyon sa dalaga kahit pa sobrang nasasaktan na ang singer-actor.

Kumpara kay Maine ay si Alden ang mas nakulong nang todo sa kanilang loveteam. Maraming oportunidad na pinalampas si Alden nang dahil sa kanilang tambalan ni Maine.

At noong sabihin ni Alden sa isang panayam na single siya ay ano ang kaniyang natikman? Kaliwa’t kanang bira, ikinahihiya raw niya si Maine, nagpapanggap daw siyang single samantalang taken na siya.

Sino ngayon ang mapagpanggap? Sino ngayon ang nagsisinungaling, sino ngayon ang napahiya? Napakalinaw ng rebelasyon ni Maine Mendoza, magkaibigan lang sila ni Alden Richards, hindi sila magkarelasyon.

Mabuti na lang at edukado si Alden. Mabuti na lang at ginagamit ng binata ang kaniyang utak sa tamang paraan, mabuti na lang at may magandang breeding ang Pambansang Bae.

Gerald at Ai AI – 8 bishops at 10 pari ang magkakasal sa Dec 12

Sanay na kaming makatanggap ng singing birthday at Christmas card. Iyong kapag binuksan mo ang card ay kakantahan ka, napakasarap noon sa pandinig, parang kaharap mo lang ang nakaalalang magbigay sa iyo ng card ng pagbati.

Pero ngayon lang kami nakatanggap ng imbitasyon na may kakambal na video. Pagbukas mo ng imbitasyon ay isang piyesa ang sasalubong sa iyo, puro “I love you” ang liriko ng piyesa, na sinasayawan naman ng mga ikakasal.

Ganoon pinaghandaan at kakaiba ang imbitasyon sa kasal nina Gerald Sibayan at Martina Eillen delas Alas. Sa December 12 na ang kanilang pag-iisang dibdib na walong bishops at 10 pari ang mamamahala sa kabuuan ng selebrasyon ng matrimonyo.

Napakagandang panoorin ang kanilang video habang malambing silang nagtititigan, tumatakbong magkahawak-kamay, lalo na ang kanilang pagyayakapan ng magkadikit ang kanilang katawan na hindi na kailangan pa ng dayalog kung gaano nila kamahal ang bawat isa.

Kinunan ang video sa ituktok ng Temple Of Leah, may kalayuan ang luntiang lugar sa lunsod ng Cebu pero pagdating mo ru’n ay parang ayaw mo nang umalis.

Ang Temple Of Leah na dinadayo ng mga turista ay pag-aari ng pamilya ng kontrobersiyal na si Ellen Adarna. Isang shrine iyon kung saan makikita ang mga alaala ng yumaong si Leah Albino-Adarna, ina ng ama ni Ellen na si Allan Adarna. Ginastusan nang halos bilyon ang naturang shrine.

Maraming artistang bahagi ng kasalan sa December 12 sa Christ The King Church sa Greenmeadows. Bukod sa mga ninong at ninang na artista ay kasama rin sa entourage sina Piolo Pascual, Alden Richards, Sharon Cuneta, Marvic Sotto, Pauleen Luna-Sotto, Dingdong Dantes, Bayani Agbayani, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Pops Fernandez, Randy Santiago, Lovely Abella, Valeen Montenegro, Marian Rivera at ang panganay ni Ai-Ai na si Sancho Vito.

Mga kaibigan, pinsan at mga kasamahan naman ni Gerald sa badminton ang ibang kasama sa kasalan. Napaka-star studded ng kasalang ito, pinili ni Ai-Ai ang mga naging bahagi ng kaniyang buhay at karera mula noong magsimula siya, aminadong Vilmanian ang komedyana kaya ninang nila ni Gerald ang Star For All Seasons katambal si Senador Ralph Recto.

Kasama naman sa listahan ng mga ninong sina Boy Abunda, Willie Revillame, Tony Tuviera, Mother Lily Monteverde, Bro. Mike Velarde, Atty. Jejomar Binay, Felipe Gozon, Senator Richard Gordon at marami pang malapit sa puso ni Ai-Ai.

Ninang din kami ni Manay Loit Solis, si Willie Revillame ang aming katambal, pero ang tanong ay magsusuot ba kami ng gown sa kasal nina Gerald at Ai-Ai?

Mabuhay ang mga ikakasal!

Ellen Adarna – Mukhang magiging tatay na si John Lloyd

Kalat na kalat na ang kuwento tungkol sa pagdadalantao ni Ellen Adarna. May iba pa ba namang ituturong ama ng kaniyang dinadala ngayon, kung totoo man, kundi si John Lloyd Cruz?

Hindi naman dapat pagtakhan kung totoo ngang may binhi nang pumipintig sa kaniyang sinapupunan dahil ilang buwan na silang magkasama ni JLC.

Sa mga interview noon ni Ellen ay madalas niyang sabihin na gusto na niyang magkaanak bago siya mag-treinta anyos. At kung tama ang ibinibigay niyang edad ay 29 years old na ngayon ang sexy star.

At may mga kaibigan siyang naniniwala na nagdadalantao na siya ngayon. Hindi na raw kasi masyadong umiinom si Ellen, behave na behave siya, hindi tulad noon na palagi siyang walwal nang walwal.

Kung seryoso naman ang pagmamahalan nila ni John Lloyd ay hindi lang si Ellen ang dapat nang magkaanak, kahit si JLC ay nasa panahon na para magkaroon ng baby, pareho lang silang hindi na bumabata.

Pareho naman silang libre, wala silang masasagasaan sa kanilang pagpapamilya, puwedeng mauna muna ang pag-aanak bago ang kanilang pagpapakasal kung iyon ang gusto nila.

Responsableng anak at kapatid si John Lloyd Cruz. Inuna muna nitong iayos ang buhay ng kanilang pamilya bago ang kaniyang mga gusto sa buhay. Si JLC ang gumastos sa pagpunta sa ibang bansa ng kaniyang mga kapatid at ang magaling na aktor din ang sumusuporta sa kaniyang mga magulang.

Masuwerte si Ellen Adarna sa aktor. Mahirap nang makakita ngayon ng lalaking marunong manindigan at responsable sa kaniyang mga obligasyon. At hindi lang natin alam ang mga dahilan pero masuwerte rin si JLC kay Ellen kaya ang sexy star ang kaniyang kinarelasyon nang seryosohan.

May mga dahilan daw kaya hindi pa umaamin si Ellen Adarna tungkol sa kaniyang kasalukuyang kundisyon. Pero kapag plantsado na ang lahat ay siya mismo ang magsasabi na totoong magkakaanak na sila ni John Lloyd.

Pia Wurtzbach – Huwag sanang sisihin dahil natalo si Rachel Peters

Ano naman kaya ang kakayahan ni Pia Wurtzbach bilang isa lang sa mga hurado sa katatapos na Miss Universe pageant na ipanalo ang ating manok sa labanan?

Kahit pa mahigit sa isandaang porsiyento ang ibigay niyang boto kay Rachel Peters ay hindi pa rin niya kakayaning ipanalo ang ating kinatawan, kaya sana’y tantanan na ang paninisi kay Pia, ilabas na sa usapin ang beauty queen.

Sa mga ganyang labanan ay palaging umiiral ang pagkampi sa sariling lahi. Kahit hindi sabihin ni Pia ay gustung-gusto siyempre niyang manalo si Rachel Peters, ito ang gusto niyang koronahang Miss Universe, kaya lang ay napakarami naman nilang dapat magdesisyon.

Nakakaawa naman si Pia, sumuporta na nga siya nang todo kay Rachel ay ganito pa ang inaabot niya, ang sisihin sa pagiging Top 10 lang ng ating kalahok na kung tutuusi’y magandang kartada na rin.

Sa siyamnapu’t dalawang babae ay napasama si Rachel Peters sa sampu, hindi pa ba naman maipagkakapuring karangalan iyon? Hindi pa ba karapat-dapat palakpakan ang dalaga sa kaniyang naabot?

Mocha Uson – Tatakbong senador sa darating na eleksyon

Mukhang kakaririn na ni ASEC Mocha Uson ang mundo ng pulitika. Napakinabangan ng dating singer-dancer ang pagsamasama sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte. Nagkaroon siya ng posisyon sa pamahalaan, kahit pa maraming kumokontra.

Ngayon, mas marami ang naniniwala na pagdating ng halalan ay kakainin ni ASEC Mocha Uson ang mga pagtangging sinasabi niya ngayon na walang-wala sa bituka niya ang pagtakbong senador.

Walang naniniwala sa kaniyang mga ibinibigay na dahilan na hindi raw niya inaasahan ang pagkabanggit sa kaniyang pangalan sa listahan ng mga kakandidatong mababatas sa susunod na eleksiyon.

Ngayon pa nga lang daw ay naghahanda na siya, kukuha na siya ng abogasya. Balita ring kukuha siya ng crash course tungkol sa public administration. Iyon nga ba naman ang walang kaplanu-planong lumahok sa pulitika ng ating bayan?

Kahit sinong mamamayan ng Pilipinas, basta makatutugon sa mga kuwalipikasyong hinihingi ng COMELEC, ay may karapatang kumandidato. Hindi naiiba doon si ASEC Mocha.

Sa darating na Enero ay magsisimula na ang kaniyang paghahanda, marami siyang pinaplanong paraan para mas mapalawak pa ang kaniyang kaalaman sa mundo ng pulitika, kaya sana’y tama na muna ang paiwas na sagot kapag tinatanong siya kung tatakbo ba siyang senador.

May bitbit na sakit sa damdamin si ASEC Mocha. Dating judge sa kanilang probinsiya ang kaniyang ama na naging biktima ng pagpaslang. Hanggang ngayo’y hindi pa natutukoy kung sino ang pumatay sa judge niyang tatay.

Doon pa lang ay mayroon nang hugot si ASEC Mocha, mas paiigtingin niya ang pagtutok sa mga krimeng nagaganap sa ating bayan na walang kasagutan, lalo na ang napakatalamak ngayong pagpaslang ng mga riding in tandem.

May karapatang tumakbo si ASEC Mocha, walang makahaharang sa kaniya, kaya sana’y tantanan na ang pagpapakawala nang matitigas na pagtanggi para kapag kinain niya iyon ay malambot lang para hindi siya mahirapang lumunok.

Kris Aquino – Iwasan na sana ang pagpo-post ng video ni Bimby

Pagdating sa kapakanan ng kaniyang mga anak ay sensitibo si Kris Aquino. Pintasan mo na siya nang mula ulo hanggang paa at kaya niyang manahimik pero huwag na huwag mong pipintasan sina Josh at Bimby dahil siguradong magbibigay siya ng reaksiyon.

Nag-viral kasi ang video ni Bimby kung saan ginagaya nito nang plakadung-plakado ang pagsasalita ng kaniyang ina. Pati ang kilos ni Kris ay kabisado ng kaniyang bunso.

Natural, may mga pumansin kay Bimby, ang insinwasyon ay ginagawang beki ni Kris ang bata dahil pinababayaan nitong gayahin ang kaniyang mga kilos at pagsasalita.

Nainis si Kris, ipinagtanggol niya siyempre si Bimby, wala raw alam ang mga bashers sa gustung-gustong ginagawa ng bagets. Talaga raw magaling manggaya ng iba-ibang personalities si Bimby at kasama na siya sa mga ginagaya nito.

Ang punto naman ng mga hindi nagkagusto sa viral video ay bakit kailangan pa kasing ipino-post ni Kris ang mga ganoon kung saan nahuhusgahan tuloy ang kaniyang anak?

Bakit daw hindi na lang i-video si Bimby na naglalaro ng basketball, tutal naman ay mayroon itong pagmamanahan, star player ng PBA si James Yap.

Kung pagba-basketball ang mapapanood ng publiko na ginagawa ni Bimby ay siguradong walang mang-aalaska sa bata, natural lang iyon sa isang batang lalaki, walang manghuhusga sa bunso ni Kris.

“May kakaibang insinuation kasi kapag ang pagsasalita ni Kris ang ginagaya ng anak niya, parang stand-up comedian sa comedy bar ang dating ni Bimby, di ba? E, karamihan pa naman sa mga stand-up comedian, e, beki!

“Parang Vice Ganda, parang Chokoleit, parang Pooh, di ba? Kung ayaw niyang hinuhusgahan ang anak niya, iwasan niyang mag-post ng ganoon,” may puntong reaksiyon ng kaibigan naming propesor.

Heart Evangelista – Basahan man ang ipasuot, ay may class pa rin

Pangarap ng lahat ng mga personalidad sa buong mundo ang magkaroon ng sapatos na tatak Christian Louboutin (ang tamang bigkas ay Lubutan). Sobrang mahal kasi ang brand ng naturang sapatos.

Kapag iyon ang tatak ng suot ng personalidad ay parang mas nakaaangat siya sa iba, para siyang bukod na pinagpala, sikat na sikat ang tatak na iyon ng French shoemaker-designer.

Siguradong masusuka sa pagkainggit ang ibang personalidad d’yan dahil nakatabi-nakakuwentuhan-nakasayaw lang naman ni Heart Evangelista ang pamosong French shoemaker sa isang malaking okasyon.

At dahil ipinanganak namang may gintong kutsara ang misis ni Senador Chiz Escudero ay siguradong marami siyang pares ng Christian Louboutin. Siguradong iyon ang inikutan ng kanilang kuwentuhan ng Pranses.

At hindi malayong isang araw, tulad ng ibang branded bags, ay magkaroon na rin ng disenyo ng Louboutin shoes na may obra ni Heart Evangelista.

Ang salitang class ay hindi nabibili. Milyun-milyon man ang kayamanan ng isang babae ay nababalewala iyon kundi niya kayang dalhin ang produkto.

Sabi nga, ang unggoy balutin mo man ng ginto, ay unggoy pa rin. Dahil ang natural na class ng tao ay ihinihinga niya, hindi iniimbento. Iyon ang kaniyang naturalesa.

At si Heart Evangelista, basahan man ang ipasuot mo, ay may class pa rin. Wala iyon sa uri ng kaniyang suot, lalong wala iyon sa fabric, bitbit niya ang pagiging class sa anumang pagkakataon.

Naalala tuloy namin ang isang insidente noong bagets na bagets pa si Heart Evangelista at contract star pa siya ng ABS-CBN. Mapangsilaw na ang isinusuot niyang hikaw, pati ang kaniyang singsing, kaya pinagbibilinan ng executive producer ng kanilang show ang alalay ng aktres.

“Sundan mo si Heart, bantayan mo siya sa pagbibihis, baka kung saan niya lang maipatong ang mga alahas niya! Kayamanan na ‘yan!” sabi nito sa alalay ni Heart.

Luis Manzano – “Out” na talaga sa Pilipinas Got Talent

Pinanindigan ni Luis Manzano ang pagtangging maging bahagi ng muling pagratsada ng Pilipinas Got Talent. Sa ipinakikitang teaser ng show ay wala si Luis, ang nandoon lang ay sina Vice Ganda, Robin Padilla, si Freddie Garcia (FMG) at si Angel Locsin.

Nandoon pa rin bilang host si Billy Crawford pero ang balitang makakasama nito ay si Toni Gonzaga na. Out na si Luis na sa unang sultada pa lang ng show ay nandoon na bilang host.

Pero hindi naman parehas kung sasabihing si Jessy Mendiola ang dahilan, nand’yan man o wala ang dalaga ay nagdesisyon na si Luis, kung magkakasama pa rin sila ni Angel sa PGT ay hindi niya tatanggapin ang trabaho.

Personal ang mga dahilan ng aktor-TV host, inilahad niya iyon nang makipagmiting sila ng kaniyang manager na si June Torrejon sa mga ehekutibo ng ABS-CBN, naintindihan naman ng mga bossing ang kaniyang desisyon.

Manang-mana si Luis sa kaniyang ina. Sa tagal na namin sa mundo ng panulat ay sukat na sukat na namin ang ugali ng Star For All Seasons.

Hindi ito nambabastos dahil palaging pinaiiral ni Congresswoman Vilma Santos ang kaniyang breeding at edukasyon pero hindi kumportable ang aktres-pulitiko na makatrabaho-makasama ang mga taong ayaw nito.

Kunwari, mayroong saloobin si Congresswoman Vilma tungkol sa isang tao, hahalik-bebeso ito sa mga katabi ng taong iyon at pangdededma ang mapapala ng taong hindi nito gusto.

Ganoon si Ate Vi, manang-mana si Luis sa kaniyang mommy, hindi uso sa kaniya ang pagkukunwari. Hindi rin siya magpapairal ng magaspang na ugali, pero mararamdaman mo agad kapag mayroon siyang ayaw makasama, hindi niya pinahihirapan ang kaniyang sarili.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Luis at Angel. Nakabukas ang libro ng naging relasyon nila hanggang ngayon dahil marami pang naaalalang hindi kagandahang karanasan si Luis noong sila pa ng aktres.

Sariwa pa ang sugat, matagal pa bago maghilom, kaya kung ang panahon ngayon ang pagbabasihan ay hindi talaga gugustuhin ni Luis na magkasama sila ni Angel sa isang kapaligiran.

Walang kasalanan si Jessy Mendiola, wala itong kinalaman sa naging desisyon ni Luis, kaya sana’y huwag namang ibunton sa sexy actress ang paninisi at pagbibintang tungkol sa senaryo.

Ayaw makasama ni Luis si Angel sa kahit anong trabaho. iyon lang iyon. Ganoon lang kasimpleng sagutin nang eksakto ang aritmetik. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Disyembre 16-31, 2017

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminDisyembre 16 – 31, 2017

   Ai Ai
 
Marian Rivera, Mr. & Mrs. Sibayan, & Dingdong Dantes
  KRIS AQUINO
 
Kris Aquino
  sharon cuneta
 
Sharon Cuneta
  Coco Martin
 
Coco Martin
  raffy tulfo
 
Raffy Tulfo
  ELLEN JLC
 
John Lloyd Cruz & Ellen Adarna
  Gretchen Barretto
 
Gretchen Barretto

Ai-Ai delas Alas – Mrs. Sibayan na ngayon ang Comedy Queen!

Mula noong tanggapin ni Ai-Ai delas Alas ang papal award ay nagdesisyon sila ni Gerald Sibayan na maging celibate. Puwede silang magparamdam ng pagmamahalan sa iba-ibang paraan, pero hindi na sila puwedeng magsiping, magagawa lang nila iyon kapag nagpakasal na sila.

Matagal nilang tiniis ang init ng kanilang damdamin. Sabay silang nagpigil sa tawag ng laman. Kailangang panindigan ni Ai-Ai ang kaniyang sinumpaang pangako na sa pagiging papal awardee ay iiwasan niya ang pakikipagniig nang walang basbas ng Panginoon.

Dahil bata pa si Gerald ay natural lang na ito ang nahihirapan, pero kapag umaandar ang pagiging lalaki nito na naghahanap ng init ay isa lang ang sinasabi ni Ai-Ai, “Hmmmm…. Ayaw ni Lord!”

Pero ngayon ay malaya na nilang maitatawaid sa isa’t isa ang init ng kanilang pagmamahalan, may basbas na ang kanilang pagsasama, mag-asawa na sila.

Gusto nilang humabol sa pagkakaroon ng anak, singkuwenta’y tres na si Ai-Ai ngayon, pero dahil sa sobrang kaunlaran ng siyensiya ay marami namang paraan para ipagdalantao-iluwal ang produkto ng kanilang pagmamahalan.

Kailangan lang magpahinga sa pagtatrabaho ng Philippine Comedy Queen, kailangan lang niyang mag-bed rest nang mahabang panahon, masakripisyo ang proseso pero walang kabayarang kaligayahan naman ang magiging hatid noon sa kanilang mag-asawa.

Dumating na rin ang araw na pinakahihintay nina Gerald Sibayan at AiAi delas Alas – ang takdang araw ng pagbabasbas sa kanilang apat na taong relasyon.

Ngayon ay tatawagin nang Mrs. Sibayan ang Comedy Concert Queen, isang titulong kaniyang-kaniya lang at walang makaagaw, harinawang maging panghabambuhay na ang kanilang pagmamahalan.

Dumaan sa matinding paghusga ang kanilang relasyon, malaki ang agwat ng kanilang edad, pinagdudahan din si Gerald na ang kasikatan lang at kayamanan ng komedyana ang kaniyang habol.

Pero may batas na pinaiiral ang mga pusong nagkakaunawaan at nagmamahalan, anuman ang sabihin ng buong mundo ay hindi nila dapat pakinggan, dahil ang kanilang mga puso lang ang makapagdedesisyon.

Malaking bentahe sa paglalim ng kanilang relasyon ang mga anak ni AiAi na hindi kumontra kay Gerald bilang boyfriend ng kanilang ina. Agad silang nagkasundo, naging magkakaibigan, kahit pa para lang silang magkakapatid kung edad ang pagbabasihan.

Maprinsipyo si Gerald, hindi ito umaasa lang sa magandang buhay ni AiAi, magaling na badminton coach ito ng mga kilalang unibersidad. Kumikita ito, hindi man kasinglaki ng kinikita ng komedyana iyon ay sapat nang patunay na hindi ito magiging pabigat kay AiAi, may sinasandalang propesyon si Gerald Sibayan.

Dalangin din ni AiAi na sana’y ibinigay na sa kaniya ni Lord ang lalaking matagal na niyang ipinagdarasal na makakasama niya habambuhay. Marami na siyang pinagdaanan, busog na busog na siya ng leksiyon sa pakikipagrelasyon, kaya sana’y si Gerald Sibayan na ang huli niyang kakatagpuin sa harap ng altar.

Mabuhay ang aming mga inaanak! Mabuhay ang mga bagong kasal!

Luis Manzano – Huwag na sanang patulan ang mga bashers ni Jessy

Sang-ayon kami sa opinyon ng aming mga kaibigan na mas makagaganda kung hindi na lang papatulan ni Luis Manzano ang mga bashers ni Jessy Mendiola. Kailangang palawakin ng aktor-TV host ang kaniyang pang-unawa, kasabay ang pagtanggap sa katotohanan na public figure ang kaniyang girlfriend kaya pinupuna-nabibira sa social media.

Dapat din niyang unawain na reaksiyonaryo lang naman ang mga netizens, may unang umaksiyon, kaya nagbigay sila ng opinyon. Kung walang ipino-post na sexy pictures si Jessy ay wala namang mangnenega sa kaniya.

Pero si Jessy ang nagpapasimuno, ito ang nagpo-post ng kaniyang mga larawan, pero kapag may nangnega naman ay agad nang ikakukulo ng dugo ni Luis.

Nanghihinayang ang mga kausap namin sa magandang imaheng nabuo ng aktor-TV host sa publiko. Nakapanghihinayang din ang kaniyang pinagmulan, parehong malawak ang pang-unawa ng kaniyang mga magulang, hindi pikon at balat-sibuyas sina Edu Manzano at Congresswoman Vilma Santos.

Sa kadedepensa ni Luis kay Jessy ay ang pangalan niya ang nadadagtaan ng kanegahan, hindi naman ang sa dalaga, na siguro nga’y lalong humahaba ang buhok dahil sa pagtatanggol sa kaniya ni Luis.

Pinasok nila ang mundong ito, naging pampubliko silang pigura, kakambal noon ang parang paglangoy nila sa aquarium na lahat ay nakasunod sa kanilang mga ginagawa at sinasabi.

Totoong masakit, totoong nakagagalit at nakapupugto ng pasensiya ang masasakit na salitang ipinupukol sa kanila nang wala silang kalaban-laban, pero kailangan nilang maisip na ito ang presyong kailangan nilang pagbayaran bilang mga artista.

Sabi nga, kung kumikita ka, kailangan mo ring magbayad ng buwis. Ito iyon.

Kris Aquino at Sharon Cuneta – Masyado yatang OA na ang mga pabebe

Ganoon nga siguro ang mga taong nagtapos sa mga eskuwelahang nakalaan lang para sa mga bukod na pinagpala. Paglabas nila sa bakuran ng kanilang pinasukan at bitbit nila ang pagiging pabebe.

At hindi lang basta pabebe, kadalasan ay OA pa kung ilarawan sila ng mga nakamasid sa kanilang mga sinasabi at ikinikilos, ang madalas na maging target ng mga ganoong pagpuna ay sina Kris Aquino at Sharon Cuneta.

Isang hapon na napaaga kami ng dating sa TV5 para sa aming pang-araw-araw na programa sa radyo (92.3 New FM, AKSYON TV-41) ay isang staff namin ang tawa nang tawa habang nakaharap sa computer.

“‘Nay, naaaliw lang ako sa mga comments tungkol kina Kris at Sharon. May nagsabi kasi na dapat daw, e, pagtaliin ang dalawang ito dahil sa sobrang pagiging OA! Pabebe raw kasi sila, hindi na raw bagay sa age nila ang mga pinaggagagawa nila,” sabi ng aming staff.

Nakisilip na rin tuloy kami sa mga binabasa ng aming staff. Totoo nga, bina-bash sina Kris at Sharon, pinakakain sila ng ampalaya.

Inuupakan si Kris dahil sa biglaan niyang pag-amin na tagasuporta na rin siya ngayon ng Korean Boy Band na BTS. Nagpapakamilenyal daw si Kris, hindi na raw siya nahiya, samantalang lampas-lampasan na siya sa edad para kilig-kiligin sa banyagang grupo.

Si Sharon naman ay binibira dahil sa panayam sa Megastar tungkol kina Joshua Garcia at Julia Barretto na kasama nila ni Robin Padilla sa matagumpay nilang pelikula.

Sabi ng isang nagkomento, “Nakakaloka si Sharon, napaka-OA! Kinikilig pa siya nang lagay na ‘yan, samantalang nagwawagwagan na ang mga taba niya sa katawan!

“Ang OA-OA niya, hindi na bagay sa age niya ngayon ang magpabebe! Mahiya naman siya sa mga anak niya!” basag na basag si Sharon.

Coco Martin – Masipag at mahusay na actor kaya walang oras sa romansa

Sabay-sabay na manonood ng pelikula ni Coco Martin sa MMFF ang aming mga kaibigan. Bitbit nila sa panonood ang kanilang mga anak at apo, hindi nila palalampasin ang Ang Panday, tulad ng ginagawa nilang pagtutok gabi-gabi sa Ang Probinsiyano.

Napanood na namin nang ilang beses ang trailer ng pelikula, sagad ang mga ginawang stunts ni Coco, idagdag pa na makasaysayan ang iniwanang pelikula ng Hari Ng Aksiyon na si Fernando Poe, Jr.

Napapanahon ang pag-atake ni Coco bilang aktor-direktor ng Ang Panday, nakamotorsiklo na si Flavio, pati ang kaniyang mga punyal ay may iba-iba nang hugis at itsura.

Sa kabila ng kaniyang kaabalahan sa pelikulang mapapanood na sa mismong Pasko ay hindi pa rin napababayaan ni Coco Martin ang kaniyang serye. Gabi-gabi ay lalong nagiging kapana-panabik ang mga eksena sa Ang Probinsiyano.

Hindi mo gugustuhing mapalampas iyon, isusumpa mo ang sitwasyon kapag nagsisimula na ang serye ay nasa kalye ka pa rin dahil sa matinding traffic, kinabukasan kasi ay mapag-iiwanan ka sa kuwentuhan ng iyong mga kaopisina tungkol sa nangyari nang nakaraang gabi.

Sa tindi ng trabaho ngayon ng magaling na aktor ay hindi na nga halos niya mabibigyan ng oras ang kaniyang personal na buhay. Kaya siguro lumutang ang balitang hiwalay na sila ni Julia Montes.

Mula umaga hanggang gabi ang pagtutok ni Coco sa trabaho, nakabantay pa siya sa post production ng kaniyang pelikula, sa Ang Probinsiyano naman ay bahagi siya ng creative team.

Totoong-totoo, isang babaeng may malawak na pang-unawa lang ang makayayakap sa takbo ng buhay at karera ngayon ni Coco Martin. Kung mapaghanap ang babae ay sa hiwalayan talaga iyon mauuwi.

Raffy Tulfo – Inihantad ang fake news mula kay Asec Mocha Uson

Damay si Asec Mocha Uson sa isang fake news na lumabas kailan lang kung saan sangkot ang isang kababayan nating OFW na si Lilibeth Languitan. Tinutukan namin ang pagkakasalansan ng kaniyang kuwento sa Wanted Sa Radyo nina Kuya Raffy Tulfo at Nina Taduran sa Radyo 5.

Napakalaki ng tulong ng social media para sa ating mga manggagawa sa iba-ibang bansa, pinagtangkaang halayin ng kaniyang pinaglilingkurang Egyptian si Lilibeth, inilabas nito ang video para makarating sa kaniyang mga kaanak, kaibigan at kapuwa OFW.

Nagsadya ang mister ni Lilibeth sa Wanted Sa Radyo, nang malaman ni Kuya Raffy ang matinding senaryo ay agad nitong pinatawagan si Ms. Marissa Cruz ng OWWA (Overseas Workers Welfare Administration), agaran naman itong kumilos para mai-rescue si Lilibeth.

Tagumpay ang ginawang hakbang ni Ms. Marissa Cruz, nakuha agad si Lilibeth sa bahay ng kaniyang amo, dinala ito sa ahensiyang kumuha sa kaniya. Mahabang proseso ang ugnayan nina Kuya Raffy at Ms. Cruz, naparusahan ang Egyptian at nakauwi na ngayon sa Pilipinas si Lilibeth.

Heto ang kuwento. Inaangkin ng Embahada natin sa Riyadh, Saudi Arabia na sila ang gumawa ng paraan para mailigtas si Lilibeth, ayon sa balitang inilabas ni Asec Mocha Uson ay si Ambassador Adnan Alonto at ang mga tauhan nito ang nag-rescue sa OFW, samantalang kahit mga anino lang nila ay hindi nakita ni Lilibeth.

Isinalang nina Kuya Raffy at Nina Taduran ang OFW noong Lunes nang hapon. Si Lilibeth mismo ang nagpatunay na hindi nito nakita ang mga taong nagtatrabaho sa Philippine Embassy sa Riyadh na umaangkin ng kredito. Inisa-isa ni Kuya Raffy ang mga pangalan ng mga nagpapapogi mula sa Embahada, hindi po lang ang palaging sagot ni Lilibeth, walang sinuman sa kanila ang tumulong.

Galit na galit si Kuya Raffy dahil wala na ngang naitulong ang mga taga-Embahada natin sa Riyadh ay malalakas pa ang loob ng mga ito na magpalabas ng fake news. Si Asec Mocha Uson ang naglabas ng balita.

Pahayag ni Kuya Raffy, “Magkaibigan tayo, Asec Mocha, pero sana naman, bago ka maglabas ng balita, eh, mag-double check ka muna. Alamin mo muna ang tunay na nangyari bago mo purihin ang mga kasamahan mo.

“Hindi ako galit sa iyo, baka you were fed the wrong information, pero trabaho mo pa ring alamin kung totoo ang kuwentong nakararating sa iyo. Fake news iyon dahil hindi naman ang Embahada natin ang tumulong kay Ms. Lilibeth,” madiing komento ng matapang na news anchor-radio commentator.

Halos sambahin ni Lilibeth at ng mister nito si Kuya Raffy sa sinsero nilang pasasalamat. Napakabilis kasi ng kaniyang aksiyon, pinakiusapan niya si Ms. Marissa Cruz na unahin ang pagliligtas kay Lilibeth, na ginawa naman nito.

Dalawang taga-OWWA ang palaging nakahandang tumulong sa Wanted Sa Radyo kapag may mga manggagawang Pinoy na nanganganib ang buhay sa ibang bansa. Sina Ms. Marissa Cruz at Deputy Administrator Josefino Torres.

Sila ang mga tunay na bayani, sila ang kahawak-kamay nina Raffy Tulfo at Nina Taduran sa pagmamalasakit sa ating mga OFW, hindi ang mga nakikiangkas at nang-aagaw lang ng kredito.

Isa lang ang masasabi namin sa napakarami nang manggagawang Pinoy na natutulungan ng Wanted Sa Radyo (minamaltrato, hinahalay, hindi pinasusuweldo, hindi pinakakain nang wasto, sinasaktan nang pisikal), sana’y dumami pa ang tulad ninyo, mabuhay kayo!

Ellen Adarna – Bakit kaya umiinom ng alak ngayong nagdadalantao na?

Kung ang mga huling posts nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna ang pagbabasihan kung totoo ngang nagdadalantao na ngayon ang sexy star ay magdadalawang-isip ang makakakita noon.

Karaniwan na kasing kapaniwalaan na bawal ang alak at paninigarilyo sa babaeng nasa ganoong sitwasyon dahil makaaapekto iyon sa kaniyang dinadala. Lahat ng bisyo ay kailangang talikuran ng nagdadalantao bilang pagmamalasakit sa binhi sa kaniyang sinapupunan.

In fairness, umiinom lang naman si Ellen sa pinakahuling post nila ni JLC, hindi ito nagyoyosi, saka mukhang hindi naman ito nagwawalwal kasama ang kanilang mga kaibigan, nagkakatuwaan lang sila.

Pero kung totoo ngang nagdadalantao na si Ellen Adarna ay isang malaking biyaya ang sanggol mula sa langit na kailangan nilang tanggapin at mahalin. Pareho naman silang walang sabit, hindi lahat ng gustong magkaanak ay nabibiyayaan, kaya masuwerte sila.

Wala pang katiyakan ang pagbabalik sa trabaho ni Lloydie, wala pa siyang abiso, siguro nga ay nasarapan ang aktor sa mahabang panahon ng kaniyang pamamahinga. Minsan-minsan lang kasi siyang nabibigyan ng bakasyon.

Pero huwag siyang pakasiguro. Napakabilis ng transisyon ngayon ng mga artista. Maraming bagitong magagaling ding umarte, kinakikiligan ng mga fans, baka mamaya ay mangawit ang panahon sa kahihintay kay John Lloyd.

Huwag na ang kaniyang kikitain dahil mukhang nakapag-ipon naman siya para sa kaniyang kinabukasan, ang masakit doon ay minahal na nang isandaang porsiyento ni JLC ang kaniyang propesyon, sa mundo na ng showbiz siya lumaki at nagkaedad.

Kapag nawala ang nakasanayan na ay papasok na ang paghahanap, ang kagustuhang makabalik, kaya sana’y mas agahan ni John Lloyd ang pagkauntog.

Hindi pa naman huli ang lahat. Laging may espasyong nakalaan para sa tulad ni JLC na naging bahagi na ng buhay ng publiko.

Gretchen Barretto – Napakasosyal talaga ng magandang aktres

Napakasosyal naman talaga ni Gretchen Barretto. Bukod sa kaniyang hitsura na keing-keri niya ay marami pa kaming nalamang kuwento tungkol sa pagiging esekola ng magandang aktres.

Isa rin si Gretchen sa mga Pinoy na isinusumpa ang matinding traffic, ikatlong kanto lang ang pupuntahan mo ay aabutin ka nang siyam-siyam sa kalye, kaya maraming kababayan na natin ang tamad na tamad na lumabas ng bahay ngayon.

Patuloy ang pagdami ng mga sasakyan, pero hindi naman lumalapad ang kalye, talagang pasikip na nang pasikip pati ang mga pangunahing kalsada na isang napakalaking parusa sa mga motorista at mananakay.

Mainipin si Gretchen. Sa kabuuan ng kaniyang pag-aartista ay halos wala tayong narinig na kuwento ng pagiging prima donna niya, dumarating siya sa takdang oras ng kaniyang trabaho, dahil ayaw niyang magpahintay ng kaniyang mga kapuwa artista.

Iyon ang dahilan kung bakit kapag may kasamahan siyang nagpapahintay sa shooting ay marespeto niya itong kinakausap. Ayaw rin kasing naghihintay ng aktres.

Dahil sa matinding traffic ngayon ay hindi na siya lumalabas ng bahay, kung gusto niyang mag-gym ay mayroon na siyang sariling equipment, maliit na espasyo lang ng kaniyang mansiyon ang ookupahin ng mga makina para sa pagpapaganda ng kaniyang katawan.

Ayaw niyang maburyong sa matinding traffic, kaya kapag may pupuntahan siya ay nakaantabay ang helicopter sa kanilang helipad, sa himpapawid siya bumibiyahe.

Ganoon siya kabongga. Anuman ang sabihin ng kahit sino d’yan ay iyon na talaga siya. Napakakumportable ng takbo ng kaniyang buhay ngayon.

Kuwento ng aming source, “Kapag dumadalaw siya sa Europe kay Dominique, doon na niya isinasabay ang pagsi-shopping. Natural, puro branded ang mga stuff niya, hindi lang isa kung bumili siya, lahat ng kulay!

“Kaya kung umalis siya, eh, isang maliit na luggage lang ang dala-dala niya, pero pagbalik ng lola n’yo, ilang cart ang bitbit niyang pinamili sa Europe!”

Noong magpagamot sa Stanford Hospital sa San Francisco ang kaniyang karelasyong si Tony “Boy” Cojuangco ay nagulantang sa kaniya ang mga Pinoy na doon nagtatrabaho.

Mistulang display-area raw ng Louis Vuitton ang hospital suite ni Tony Boy dahil sa mga nakahilerang maleta at mga bags ni Gretchen.

Hindi na importante kung saan nanggagaling ang ipinambibili ng mga granatsa ni Gretchen Barretto. Ang mahalaga ay wala siyang tinatapakan, wala siyang sinasagasaan, suportado ng kaniyang karelasyon ang anumang magustuhan niya.  – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Enero 1-15, 2018

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 1-15, 2018

  Daniel Padilla
 
Daniel Padilla
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Herbert Bautista
 
Herbert Bautista
  markanthony alma
 
Mark Anthony Fernandez & Alma Moreno
  Jasmine Curtis
 
Jasmine Curtis
  ai ai and gerald
 
Ai-Ai delas Alas & Gerald Sibayan
  Amalia Fuentes 1
 
Amalia Fuentes, noon
  Amalia Fuentes 2
 
Amalia Fuentes, ngayon

Daniel Padilla – Tumatanaw ng utang na loob sa mga kasambahay

Bakasyon-grande ngayon sa Japan si Daniel Padilla. Para sa isang personalidad na halos wala nang tulog at pahinga nitong mga nakaraang linggo dahil sa dami ng trabaho ay napakalaking regalo na ang napakasarap na pahinga sa ibang bansa.

Kasamang nagkabasyon ni Daniel ang kaniyang buong pamilya at ang mahal na kaibigan ng kaniyang inang si Karla Estrada, si Mayora Tates Gana, kasama ang magkapatid na Athena at Harvey.

Ilang taon nang ganoon ang nagiging plano nina Karla at Mayora Tates, sama-sama nilang ipinagdiriwang ang Pasko at Bagong Taon sa ibang bansa, iba lang ang naging sitwasyon ngayon dahil sumama pa sa parada ng mga artista sa MMFF si Daniel.

Pagkatapos ng parada ay umuwi na agad ang sikat na young actor, mayroon siyang ibinigay na party para sa kanilang mga kasama sa bahay, saka sa ilang piling-pili nilang mga kaibigan.

“Tulog na tulog si DJ pagparada ng van niya, pinabayaan lang siyang matulog ng mommy niya, hindi talaga siya ginigising kapag ganoon dahil pagod na pagod siya.

“Pero noong gumising na siya, eh, naki-join na siya sa lahat, masaya siyang nagpakuha ng picture sa pamilya ng mga kasama nila sa bahay, masayang-masaya rin siyang nagbukas ng mga regalo sa kaniya.

“Ang kasama sa party, eh, ang kanilang mga cleaners, labandera, drivers at lahat ng mga araw-araw nilang kasama sa bahay. Ganoon si DJ, maligaya siyang kasama ang mga taong sumusuporta sa kanilang pamilya.

“Doon mo maririnig ang pinakamalakas niyang tawa, binibiro niya ang mga kasambahay nila, napakasimpleng bata,” papuri ni Mayora Tates sa young actor.

Mapagpahalaga si Daniel Padilla sa anumang nagagawa para sa kaniya ng mga kasama nila sa bahay. Konting bagay lang na nagagawa ng mga ito ay agad nang kasunod noon ang pasasalamat.

Hindi rin nawawala sa kaniya ang mga salitang po at opo na tatak ng mga Padilla. At hindi hiwalay ang kinakain nilang mag-iina sa kanilang mga kasambahay.

Hindi puwede iyon kay Daniel, maging sa kaniyang inang si Karla, kung ano ang kinakain nila mula umaga hanggang hapunan ay iyon din ang nakahain sa kanilang mga kasambahay.

Willie Revillame – Mukhang inspired ngayon ang kuya ng bayan

Parang tinamad nang mangibang-bansa si Willie Revillame. Kung wala rin lang siyang show para sa mga kababayan nating OFW ay mas gusto pa niyang magpalipas ng panahon sa kaniyang bahay sa Tagaytay.

Ipinasusundo niya ang kaniyang mga anak, sama-sama silang nagsasaya, sa ganoon na lang umiikot ang kaniyang mundo ngayon. Tapos na siya sa paglalakbay, kung kailan naman mayroon na siyang sariling eroplano at yate ay saka pa siya hindi nagbabakasyon sa ibang bansa, pero iyon ang mas gusto niya ngayon.

Ang nakakatawa lang ay hindi pa rin naman siya nakapagpapahinga kahit pa naka-tape na ang Wowowin. Iikutin niya ang kaniyang mga bahay (tatlo ang mansiyon ng aktor-TV host sa Tagaytay), kapag napansin niyang natutuyo na ang mga pananim sa kaniyang garden ay hindi siya mapapakali, kailangang bumili ng mga bagong halaman ang kaniyang gardener para palitan iyon.

Sabi nga ni Bernadette, ang kaniyang make-up artist, “Sobrang workaholic si Kuya Wil, imbes na ipagpapahinga na lang niya, eh, trabaho pa rin ang inaasikaso niya.

“Kapag napansin niyang may hindi tama sa bahay, siya pa mismo ang mag-aayos noon. Ganoon siya, parang hindi siya masaya kapag hindi siya kumikilos, kaya ano bang bakasyon ngayon?

“Hindi siya nagbabakasyon, nagtatrabaho pa rin siya. Saka kailangang naka-ready ang staff niya, pinaaakyat niya kasi sa Tagaytay nang biglaan. Wala lang, para magkasama-sama lang ang lahat sa bahay niya,” natatawang kuwento ni Bern.

Kahit saan kami magpunta ay nagtatanong ang aming mga kausap, masaya raw ba ang lovelife ni Willie Revillame, sino raw ba ang girlfriend niya ngayon?

Nag-aapuhap kami ng isasagot, kasi nga ay wala naman kaming nakikitang babaeng palagi niyang kasama, alam namin kapag may special someone ang aktor-TV host.

Kahit lihis sa paksa ay mahahalata mo sa kaniya na may nagpapaligaya sa kaniya, iba ang kaniyang boses, inspirado ang kuya ng bayan.

Tanungin mo siya nang seryosohan ay biro pa rin ang isasagkot niya sa text, iba-ibang termino ang itatawag niya sa iyo, mayroong nanay, mayroong inang, mayroong kamahalan at kung anu-ano pang katawagan. Iyon si Willie Revillame!

Kris Aquino – Throw back: 2x daw nag-propose sa kaniya si Bistek

Walang kahit sinong makapipigil kay Kris Aquino na gawin at sabihin ang kahit anong gusto niya. Para siyang si Kulas na habang sinasaway ay lalong nagpupumiglas.

Walang umuubra kay Kris. May kuwento nga si Tita Cory (SLN) noon na kapag gumagawa ng hindi maganda si Kris ay lumalakad ito nang paluhod sa simbahan, ang kaniyang inuusal, “Lord, here I go again.”

Ganoon. Kaya kung ang kaniyang pamilya nga ay hindi pinakikinggan ni Kris ay sino naman tayong lahat para bigyan niya ng atensiyon para pakinggan?

Pinagpipistahan ngayon sa social media ang kaniyang rebelasyon na dalawang beses siyang niyayang magpakasal ni Mayor Herbert Bautista. Matagal nang tapos ang kanilang relasyon pero nakati-katihan ngang balikan iyon ng aktres-TV host.

Natural, umalsa ang kani-kaniyang opinyon tungkol sa kaniyang pagto-throwback, may mga naaliw sa kaniyang kalokahan at marami ring nainis kung bakit kailangan pa niyang bulabugin ang mga taong nananahimik na?

Maraming nakisimpatya kay Mayora Tates Gana, ang ina nina Athena at Harvey, hindi man sila kasal ni Mayor Herbert ay ito ang kinikilalang mayora ng Kyusi.

Iyong pahayag ni Kris na kasundo niya ang mga partido ni Mayor Herbert, pati ang mga staff nito, ay maaaring bilhin ng dalawa-singko.

Pero ang sabihin niyang okey sa kaniya pati si Mayora Tates Gana at ang mga anak nila ni Mayor Herbert ay mukhang pag-iisipan pang mabuti kung totoo.

Mas magandang sabihin na edukado sina Athena at Harvey, marespeto ang mga batang ito, pero ang sabihing maluwag sa kaloobang tanggap ng magkapatid ang ibang babae para sa kanilang ama ay may tandang-pananong pa.

Huwag na si Kris, kahit sinong babae ang masangkot kay Mayor Herbert ay mayroon siyempreng kirot sa puso nina Athena at Harvey, ganoon ang kanaturalan ng mga anak.

Hindi sila magpapakita ng ugaling hindi kagandahan sa harapan ni Kris, pero kung bubuksan ang kanilang puso, hindi nila maaaring ipagkanulo ang kanilang ina.

Ganoon talaga ang mga anak, para sa kanila ay umiikot lang ang mundo sa kanilang ama at ina, sinumang pumasok sa kanilang teritoryo may paalam man o walang basbas ay isang kalabisan.

Naalala tuloy namin ang napakasakit na paghikbi nina Athena at Harvey nang magpahayag si Kris sa buong mundo na magkarelasyon na sila ni Mayor Herbert. Tanggap naman nila ang istorya, pero ang ipagmakaingay pa iyon ay hindi nila agad maiintindihan, ang pagiging maagap ni Tates Gana sa pagpapaliwanag sa magkapatid ang gamot na agad na nagpagaling sa nagdurugong puso ng kaniyang mga anak.

Masalimuot talaga ang kuwento ng pag-ibig, mahirap intindihin, pero nagaganap. Sabi nga ng isang kaibigan naming nawiwindang din sa mga sinasabi at ginagawa ni Kris, “Sorry na lang tayo. Kris is in-love with love.”

Mark Anthony Fernandez – Sa wakas, nakalaya na ang panganay ni Ness

Pinakamagandang regalo ang tinanggap ni Mark Anthony Fernandez noong nakaraang Pasko. Hindi iyon materyal na bagay pero habambuhay niyang pahahalagahan, ang paglaya mula sa mahigit na isang taon niyang pagkakulong sa Pampanga Provincial Jail, para makasama ang kaniyang pamilya sa pagdiriwang ng Pasko.

Malinaw ang pahayag ng tagapamahala ng kulungan na dismissed ang kasong ibinintang sa kaniya tungkol sa usapin ng pagbebenta ng marijuana. Ibinasura na ang kaso laban kay Mark, pero may isa pang naiiwanan, ang hindi magandang asal na pinalutang niya nang maganap ang police checkpoint.

Mahigit na isang taon ding nagsakripisyo sa piitan si Mark Anthony, iyon ang mga panahong kumuha na ng bahay na mauupahan si Alma Moreno sa Angeles City, para palagi silang nandoon para dalawin ang magaling na aktor.

Maraming nakisimpatya kay Mark nang maganap ang insidente, kilalang-kilala kasing mabait siya at marunong makisama, nalungkot ang showbiz sa kaniyang pagkakulong.

Pero ang lahat ng problema ay may solusyon, nakalaya si Mark Anthony bago pumitada ang Noche Buena, kaya napakalaking kaligayahan para kay Alma Moreno ang pagiging kumpleto ng mga anak nito noong nakaraang Pasko.

Sana nga ay makabalik agad sa trabaho si Mark Anthony, sayang na sayang ang kaniyang galing sa pagganap, marami pang pagkakataong naghihintay para sa kaniya.

At mahirap man ang kaniyang pinagdaanan, ang pinakamahalaga ay pinagbayaran niya iyon nang mahigit na isang taon, panibagong buhay na ang kaniyang haharapin ngayon.

Problema, solusyon, leksiyon.

Jasmine Curtis – Makakatambal ni Alden Richards sa bagong TV series

Naku, may bago na namang magiging target ang mga AlDub fans na kung makapambira ng kahit sinong makalapit kina Alden Richards at Maine Mendoza ay parang nagkukukot lang ng butong-pakwan, siguradong mapapalaban na naman sila dahil sa pagpasok ng bagong babae sa career ng Pambansang Bae.

Kapag naayos na ang lahat, kapag plantsado na ang release papers ni Jasmine Curtis sa TV5, ay sila ni Alden ang magtatambal para sa isang serye ng GMA-7.

Pumutok na ang balita, kaya ngayon pa lang ay siguradong aandar na ang makinarya ng mga bashers, makakatikim na si Jasmine ng mga salitang ayaw niyang marinig kapag nagkataon.

Kung dati’y medya-medya lang ang natatanggap na mga salita ni Jasmine dahil hindi niya naman maaasahan na gusto siya ng lahat ay baka mawindang ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis sa kaniyang papasukin.

Walang katwiran ang mga bashers ni Alden, ganoon din ang mga alipores ni Maine, basta may pumasok na ibang mukha sa pagitan ng kanilang mga idolo ay siguradong kalaban na ang kanilang turing.

Aasahan na natin ang mga personal na pamimintas kay Jasmine, ngayon pa lang ay siguradong nag-iipon na ng mga bala ang mga taong walang magawang maganda d’yan para ibato laban sa dalaga, tingnan din natin kung ano ang kalalabasan ng pagpuntirya ng mga grupong ito sa bagong makakatambal ni Alden.

Walang kasalanan si Jasmine Curtis sa nalalapit nilang pagtatambal ng Pambansang Bae, desisyon iyon ng produksiyon at ng kaniyang manager, pero kailangan na niyang ihanda ang kaniyang katawan dahil siguradong siya ang magiging target ng mararamot na tagasuporta ng loveteam.

AiAi at Gerald Sibayan – Honeymoon sa Japan

Nagpapakasarap ngayon sa Japan ang mga bagong kasal. Nauhaw sa bakasyon si AiAi delas Alas dahil sa tuluy-tuloy niyang trabaho bago sila ikinasal ni Gerald Sibayan.

Sinadya niyang tapusin ang lahat ng kaniyang mga kompromiso para hindi siya nagmamadaling makabalik agad, kailangang samantalahin nila ng kaniyang mister ang paggising nang wala siyang iniintinding trabaho, puro pagpapasarap lang.

Aminado ang Comedy Concert Queen na ito ang pinakamarkadong bakasyon para sa kaniya dahil mag-asawa na sila ni Gerald. Puwede na niyang ipagmalaki ang pagiging Mrs. Sibayan niya.

Gusto nilang magkaanak, gagawin nila ang lahat para magkaroon ng produkto ang kanilang pagmamahalan, pero kundi na iyon maibibigay sa kanila ay nakahanda na ang kanilang kalooban ngayon pa lang.

“Ang mahalaga, kasal na kami. Natupad ang palagi kong hinihiling noon kay Lord na sana, ibigay Niya sa akin ang taong mamahalin ako bilang ako at siyempre, mamahalin ko rin.

“Sa four years naming pinagsamahan bilang magkarelasyon, e, kilalang-kilala na namin ang isa’t isa, alam na niya kung ano ang gusto ko, ang nagpapainit ng ulo ko, ganoon din siya.

“Sabi ko nga, e, formality na lang ang pagpapakasal namin, kailangan lang talaga naming ikasal para gawing legal ang pagsasama namin. Saka Papal awardee ako, nakakahiya namang ako pa mismo ang sumisira sa parangal na ipinagkatiwala sa akin,” kuwento ni AiAi.

Para silang mga bata ngayon na naglalaro sa snow, nakapaglalakad sila nang malayang-malaya, pero dahil sa dami ng Pinoy sa Japan at mga bakasyunistang kababayan natin ay hindi pa rin nawawala ang pagpaparetrato sa komedyana kahit saan sila magpunta.

Amalia Fuentes – Nagka-stroke, bedridden na ang magandang aktres

Nawindang kami sa impormasyong nakarating sa amin tungkol sa pamilya Muhlach na kinabibilangan nina Amalia Fuentes, Alex at Cheng Muhlach.

Bedridden na ang aktres pagkatapos siyang ma-stroke sa ibang bansa. Matagal siyang naospital hanggang sa magdesisyon siyang magpauwi na lang sa kaniyang bahay para doon na magpalakas.

Malayang nakadadalaw noon sa aktres ang kaniyang mga kapatid na sina Alex at Cheng Muhlach pati ang kanilang mga anak na sina Aga at Niño.

Pero nakagugulat ang balitang lumabas na hindi na nila madadalaw ngayon si Tita Nena, pinagbawalan diumano sila ni Alfonso Martinez, anak nina Albert at Liezel (SLN).

At hindi lang ang magkapatid, pati sina Aga, Niño at ang adopted son ng aktres at ni Joey Stevens na si Jeric ay bawal na ring dumalaw kay Tita Nena.

Bukod doon ay nag-file na rin ng sole custody ang anak nina Albert Martinez at Liezel na si Alfonso Martinez para ito na ang mamahala sa lahat ng mga ari-arian ng maysakit na aktres.

Nakakabigla at nakakalungkot ang pangyayaring ito. Madaling unawain ang tungkol sa mga properties ni Tita Nena, nag-iisa niyang anak si Liezel, at dahil pumanaw na ang kaniyang anak ay puwedeng ang kaniyang mga apo ang legal na maging tagapagmana ng kaniyang mga ari-arian.

Pero ang nakalulungkot na parte ng kuwento ay ang pagpigil sa mga kapatid ni Tita Nena para siya madalaw at makita. Kilala sa pagiging malapit sa isa’t isa ang magkakapatid na Muhlach, kontra kaninuman ay iisa lang sila, magkakakampi sila sa lahat ng laban.

Si Tita Nena kaya ang nagsabi kay Alfonso na ayaw niyang makita ang kaniyang mga kapatid at pamangkin? Kay Tita Nena rin kaya nanggaling ang utos na pati sina Aga at Niño na itinuturing na niyang mga sariling anak ay ayaw rin niyang makita?

Kung sa aktres nagmula ang utos ay walang magagawa si Alfonso, iyon ang hiling ng kaniyang lolang maysakit, dahil baka kapag kinontra nito ang gustong mangyari ni Tita Nena ay kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

May lungkot na kakambal ang ganitong kuwento. Mismong mga kapatid na ng maysakit ay hindi puwedeng dumalaw sa kaniya? Matindi ang respeto at pagmamahal nina Alex at Cheng sa kanilang ate, sinusunod ng mga ito ang pangaral ng kanilang kapatid, kaya maraming nakikisimpatya sa kanila.

Harinawang maging maayos ang kanilang relasyon, magkakadugo sila, walang ibang makareresolba sa problema kundi sila-sila rin. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Enero 16-31, 2018

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 16 – 31, 2018

   Nadine Lustre
 
Nadine Lustre
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban
  Julia Montes
 
Julia Montes
  Kathryn Bernardo
 
Kathryn Bernardo
  Kris Aquino
 
Kris Aquino

Nadine Lustre – Siya lang ang mananagot sa kaniyang mga aksyon

Ang palutang ni Nadine Lustre ay hindi siya naaapektuhan ng anumang negatibong komentong nababasa niya sa social media. Balewala lang daw sa kaniya ang mga ganoon dahil may sariling utak siya para patakbuhin ang kaniyang buhay.

Pero habang nagsasabi naman ng ganoon ang young actress ay panay-panay ang patol niya sa kaniyang mga bashers. Nakikipag-argumento siya palagi na ang kinuuwian ay nakikipag-away na siya.

Ang taong hindi naaapektuhan sa kaniyang mga nababasa ay tahimik lang, mas kilala niya ang kaniyang sarili, kaya wala siyang dapat ipaliwanag kaninuman.

Pero tao lang din naman kasi si Nadine na umaaray kapag sobra-sobra na ang mga negatibong komentong ipinupukol laban sa kaniya. May damdamin ang tao, nasasaktan kapag nasosobrahan na sa mga tinatanggap niyang masasakit na salita, ganoon ang nangyayari kay Nadine Lustre.

Pero dahil kilala siyang personalidad ay dapat ding binabantayan ni Nadine ang kaniyang mga salita at galaw. Doon kasi siya mamarkahan ng publiko. Konting ingat sa pagbibitiw ng mga salita dahil baka sa bandang dulo ay siya pa mismo ang magpahamak sa kaniyang sarili.

Walang masama sa pagsagot, wala ring masama sa pagbibigay ng opinyon at saloobin, basta handa rin si Nadine Lustre sa magiging resulta ng kaniyang mga aksiyon.

Siya lang ang mananagot noon at hindi ibang tao. Siya lang.

Sharon Cuneta – 40 years na sa showbiz, Megastar pa rin!

Malaki na ang nabawas sa timbang ng Megastar. Red ang kaniyang suot, hindi itim, na nakapagtatago ng kalusugan. Mapapansin agad ang kaniyang pagpayat dahil kitang-kita ang lumiit na bulto ng kaniyang katawan.

Kapag tumatayo si Sharon Cuneta ay kapansin-pansin din na may kurbada na siya, matambok ang likuran, na dati’y hindi nakikita dahil balot na balot siya ng katabaan.

Hindi biro ang apatnapung taon niyang pamamayagpag bilang singer-actress, marami siyang kakontemporaryong hindi na aktibo ngayon, pero ang Megastar ay nandito pa rin at minamahal ng publiko.

Bumati kay Sharon sa espesyal na tribute sa kaniya ng A.S.A.P. ang pinakamamahal niyang pamilya na pinangungunahan ni Senador Kiko Pangilinan. Kinantahan din siya nina Frankie at Miel, habang parang wala naman sa mood ang kanilang adopted child na si Miguel, na ayon kay Sharon ay isang komedyante.

Nagtatanungan kami kung ano ang naging pinakamabisang paraan na ginamit ni Sharon para siya pumayat. Dati’y may press release na payat na siya, pero parang wala namang nagbago sa kaniyang katawan, hindi tulad ngayon na sa kahit anong anggulo mo tingnan ay napakalaki na talaga ng bumagsak niyang mga taba sa katawan.

Mahilig sa lechon si Sharon, iyon ang paborito niya, kayang-kaya niyang ubusin ang isang lechon de leche sa isang upuan lang. Usung-uso ngayon ang pagda-diet na fats ang kinakain ng mga nagpapapayat.

Lechon kung lechon ang kanilang inuupakan, kaya sabi naming magkakaibigan, kung iyon ang ginawang paraan ni Sharon ay epektibo pala talaga ang paglantak ng lechon para sa pagbabawas ng timbang.

Pagpansin naman ng iba naming kausap sa kabilang linya, “Take note, red ang damit niya, hindi black na pinagtataguan ng mga basha. Ilang ikot na siya, talagang pumayat nga si Shawie! Hindi naman kaya ‘yan sa liposuction lang, bumabalik din iyon, nagsakripisyo siguro talaga si Mega sa food intake.”

Makabuluhan naman ang komento ng isa pa naming ka-conference call, “Alam n’yo, iba naman ang observation ko. Palagay ko, eh, malaki ang ibinagsak ng weight niya noong magkaroon sila ng problema ni Senator Kiko, napakalaking reason noon sa pagpayat niya.

“When you’re into it, wala kang ganang kumain, hindi ka napagkakatulog, may gusto kang gawing decision na kailangan mong pag-isipan nang paulit-ulit. Eh, napaka-transparent pa naman ni Sharon.

“Hindi siya nakapagtatago ng emotions niya, kung ano ang napi-feel niya, she shares it to the public talaga. Malaki ang belief ko na iyon ang naging dahilan ng pagpayat niya,” komento ng aming kaibigan.

Natahimik kaming lahat dahil noong nagpapasalamat na si Sharon sa lahat ng mga naging bahagi ng kaniyang apatnapung taon sa showbiz ay tumingin siya nang diretso kay Senador Kiko Pangilinan.

Lantarang pahayag ni Sharon,”Kiko, thank you. We’ve been through so much, so very much.

“We almost lost each other last year. I praise God that the family is together and the children are happy,” diretso ang tingin sa senador na bitiw ni Sharon.

Tanging “Amen!” lang ang isinukli ng pulitiko sa kaniyang sinabi, makahulugan ang salitang iyon, sumasang-ayon ang senador sa mga ipinahayag ng kaniyang misis.

Ang mahalaga, minsan pa, ay ang maisalba nilang dalawa ang kanilang relasyon. Dumarating naman ang mga ganoong pagsubok sa buhay ng mag-asawa pero ang pinakaimportante ay kung paano nila hahawakan ang mga paghamon para nila mapanagumpayan.

Apat na dekada nang umiikot ang buhay ni Sharon Cuneta sa lokal na aliwan. May pagkakataong hindi siya gaanong aktibo, pero kapag bumangon naman siya ay todo, hindi ganoon kadaling makaapat na dekada ang kahit sinong personalidad na nasa itaas pa rin.

Congratulations sa nag-iisang Megastar!

Angelica Panganiban – Pinaasa sa wala ni John Lloyd

May nasagasaan pala ang relasyong John Lloyd-Ellen Adarna. Habang maligaya pala ang mga ito ay may isang pusong nagluluksa hindi dahil sa hindi niya kayang mabuhay nang wala si Lloydie kundi dahil pinaasa siya nito at pinaglaruan.

Alam ng aming mapagkatiwalaang source kung saan nanggagaling si Angelica Panganiban. Alam nito ang mga dahilan kung bakit may bitbit na sama ng loob ang aktres kay John Lloyd Cruz.

Pilit na pinaglalabanan ni Angelica ang lahat, pero dahil tao lang naman ang aktres, ang pagdaloy ng kaniyang emosyon ay hindi mahaharangan.

Unang sabi ng aming kaharap, “She was made to believe na sila na uli. Balik na sila sa dati. Plantsado na ang problema, nagkabalikan na sila, maayos ang naging pag-uusap nila.”

Iyon ang mga pagkakataong may mga nakakakita sa kanila sa labas na masayang magkasama sa dinner, nanonood sila ng sine, nagpupunta ang aktor sa bahay ni Angelica.

Hindi lang muna sila nagsalita tungkol sa kanilang pagbabalikan, pero malinaw sa kanilang dalawa na sila na uli, at iyon ang pinakamahalaga para kina Lloydie at Angelica.

Isang araw ay inulan ng mga tawag at text si Angelica. May halong pag-aalala ang mga mensaheng tinanggap niya, ano raw ang nangyari, bakit daw nagkaganoon?

“Ang alin? Ganoon ang sagot niya sa lahat ng nag-message sa kaniya. Wala kasi siyang alam. Kailangan niyang magtanong. Si John Lloyd daw at si Ellen Adarna na pala?

“Ang next question niya, eh, bakit? Siya na ang nagtatanong, ano raw ang nangyari? So, kalat na kalat na nga ang post noong dalawa tungkol sa pagsasama nila sa Bantayan, Cebu.

“Natural, na-shock si Angel! Paano nga naman nangyari iyon? May communication sila ni Lloydie, alam nila kung nasaan ang sinuman sa kanilang dalawa, pero bakit may ganoon?

“In fairness, proof lang naman ang kailangan niya, nakita niya ang mga posts, walang hindi siya nakita. Betrayal siyempre ang dating noon sa kaniya dahil nagkaayos na sila ni Lloydie, wala nang problema, pero biglang lumabas ang tungkol sa kanila ni Ellen Adarna,” pagtutuwid ng aming source sa isyu.

Ngayon ay tanggap na ni Angel ang naganap, pero kapag may mga nagtatanong sa kaniya kung bakit ganoon ang nangyari ay humuhulagpos ang kaniyang emosyon, may pinatatamaan siya nang patagilid dahil hindi niya pinapangalanan kung sino pero sigurado ng lahat na si John Lloyd iyon.

Julia Montes – Seloso si Coco, maraming bawal gawin sa pelikula

Isang kaibigan ang tumawag sa amin. Tungkol kina Coco Martin at Julia Montes ang pinag-usapan namin. Madalas kasing ma-blind item noon na selosong boyfriend daw ang magaling na action star.

Hindi raw puwedeng tumanggap ng proyektong may mga yakapan at halikan si Julia. Ayaw raw ni Coco. Ganoon daw binabakuran ng matagumpay na action star ang career ng kaniyang girlfriend.

Ang tanong, umamin na ba sina Coco at Julia na sila na nga? Hindi ba’t palaging napapabalitang hiwalay na sila pero hindi pa naman sila umaamin na nagkaroon sila ng relasyon?

Pagpansin ng aming kausap, “Siguro nga, e, tapos na ang relasyon nila. Sa napapanood ko kasing teaser ng bagong show ni Julia sa Dos, e, mayroon na siyang mga eksenang nakikipaghalikan siya. Di ba, iyon ang ayaw na ayaw ni Coco?

“Hindi kaya masyado nang nasakal ang girl sa sobrang pagiging seloso ni Coco? Masarap iyong feeling na mahal na mahal ka ng boyfriend mo, pero kung sobra ka nang nasasakal, hindi na healthy iyon sa isang relasyon,” komento ng aming kaibigan.

Puwede. Pero ang tanong, umamin naman kaya sina Coco at Julia na sila pa rin o tapos na ang kanilang relasyon, hindi ba’t palagi silang umiiwas sa mga ganoong tanong?

Kung ang pagbabasihan ay ang teaser ng Asintado kung saan makikitang nakikipagyakapan at nakikipaghalikan ang aktres ay puwede ngang isipin na tapos na ang kanilang relasyon ni Coco Martin.

O baka naman pinagkasunduan nilang puwede nang gumawa ng mga ganoong eksena si Julia? Hindi rin malayong ganoon nga ang kanilang kasunduan pero sila pa rin.

Kathryn Bernardo – Napakaganda, mahal na mahal ng camera

Mahal na mahal ng mga camera si Kathryn Bernardo. Sapul na sapul sa La Luna Sangre ang kaniyang simpleng kagandahan. Sa halos lahat ng anggulo ng young actress ay panalung-panalo ang kaniyang itsura.

Maganda naman kasi ang mga mata ni Kathryn. Tumutulay iyon sa manonood, kaya doon sa mga eksenang namatay si Tristan (Daniel Padilla) ay ramdam na ramdam ang napakahusay niyang pag-arte, hindi iyon OA dahil ang ginawa niyang atake ay natural na natural.

Siguro nga ay inunahan na niya ang kaniyang mga eksena, ang naging hugot siguro ni Kathryn ay paano na siya kapag nawala si Daniel sa totoong buhay, kaya ganoon na lang kahusay ang kaniyang pagganap.

Mas naglalagablab ngayon ang mga eksena sa La Luna Sangre, nakapanghihinayang na palampasin ang serye, bukod kina Daniel at Kathryn ay magagaling din ang kanilang mga co-stars.

Hindi nakapanghihinayang ang pambayad sa kuryente kapag ganoon kaganda ang palabas, hindi bale nang tumaas ang ating konsumo sa elektrisidad, kung pagkatapos naman nating manood ay mapapapalakpak ka na lang sa ganda ng pinanood mo.

Kris Aquino – Hindi kayang ubusin ang yaman kahit hindi magtrabaho

AYON sa aming source ay wala nang makahaharang pa sa planong pagpoprodyus ng mga indie films ni Kris Aquino. Puwedeng kasama siya sa proyekto o hindi, pero ang sigurado, papasok na sa pamumuhunan sa pelikula ang aktres-TV host.

Kayang-kaya namang gumawa ni Kris ng mga pelikula nang kahit sabay-sabay, sobra-sobra ang kaniyang puhunan, pero maraming pabor na sana’y bumida rin siya sa pelikula at hindi basta producer lang.

Ayon naman sa mga feng shui expert ay magiging suwerte ang 2018 para kay Kris dahil ipinanganak siya sa Year Of The Pig. Taon daw ito ng aktres-TV host na magdadalawang taon nang hindi napapanood sa telebisyon.

Sana nga ay mangyari at bumalik ang kaniyang suwerte sa taong ito, marami nang nakaka-miss sa atake niya sa paghawak ng programa na kaniyang-kaniya lang, walang ibang makakaplakado.

Maligaya naman si Kris sa piling ng kaniyang mga anak, bilang ina ay wala na siyang hahanapin pa, pero sa katotohanan lang ay hinahanap na ng kaniyang sistema ang pagharap sa mga camera ng telebisyon.

Bukod kina Josh at Bimby ay iyon ang kaniyang buhay. At ang kaniyang kaligayahan.

Bihirang makita si Kris Aquino na nagsi-shopping. May importanteng kailangan lang siyang bilhin kapag siya mismo ang nagsasadya sa mga branded shops dito sa atin.

Kapag sinisipag siya at may sapat na panahon ay paggo-grocery lang ang gusto niyang ginagawa, gusto niya kasing siya mismo ang pumipili ng mga produktong ginagamit niya sa pagluluto, hindi niya iyon ipinagkakatiwala sa iba.

Ibang klaseng mag-shopping si Kris online. May mga kaibigan din siyang naninirahan na sa Amerika, doon siya nagpapabili ng mga kailangan niya, lahat ng kulay ng mga produktong nagugustuhan niya ay ipinabibili ni Kris.

Kahun-kahon ang mga sapatos, pati ang mga branded bags niya ay ganoon din, mas maraming boxes naman ang para sa kaniyang mga anak na karamihan ay t-shirts at shoes.

Ipinado-door-to-door ng kaniyang mga kaibigan ang produkto, card-card lang ang kaniyang pagbabayad, ganoon katinding gumastos noon si Kris Aquino pagdating sa kaniyang mga granatsa.

Nag-isip kami na baka hindi na ganoon kapabolosa ngayon si Kris dahil magdadalawang taon na siyang walang show. Hindi iyon usapin ng kung kaya pa ba niyang tustusan ang kaniyang mga luho kundi dahil wala siyang pinagkakaabalahang programa kung saan niya gagamitin ang mga ipabibili niya.

Magdaan man ang maraming-marami pang taon na walang show si Kris ay hindi iyon makakaapekto sa kaniyang kaban, bumubulwak iyon sa kapunuan, dahil sa kaniyang naipon sa pag-aartista at sa kaniyang mga minana mula sa kaniyang pamilya.

Kuwento ng isang common friend namin ni Kris, “Naku, ganoon pa rin siya kagastadora! Walang pagbabago! Kung mag-order siya ng mga imported stuff, kahun-kahon pa rin!

“Hindi siya nagsi-shopping dito, nagpapabili pa rin siya abroad, walang ipinagbago si Kris may show man siya o wala. Saka siya naman kasi ang kino-contact ng mga branded shops abroad, pinadadalhan agad siya ng mga brochures ng mga new products nila.

“Iba na talaga ang big spender, sila ang nauunang magkaroon ng mga bagong produkto dahil sa mga brochures na ipinadadala sa kanila,” kuwento ng aming kaibigan.

Natatawang kuwento pa ng aming kausap, “Di ba, may mga artista na nakabili lang ng branded bag, eh, agad nang ipakikita iyon sa Instagram nila? Mayroon pa ngang hindi makatiis sa pagyayabang, ihihilera pa ang mga mamahalin nilang bags at ipinakikita through social media.

“Jusko! Kung si Kris ang magpapakita ng kung anu-anong mayroon siya, eh, ilang araw kaya niyang kukunan iyon para maipakita sa social media? Pinagtatawanan lang siguro sila ni Tetay!” tawa nang tawang reaksiyon ng aming kaibigan. Oo nga naman. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Viewing all 233 articles
Browse latest View live