Quantcast
Channel: Cristy Per Minute
Viewing all 233 articles
Browse latest View live

Cristy Per Minute • Disyembre 1-15, 2018

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminDisyembre 1-15, 2018

      Julia Barretto
 
Julia Barretto
  JM de Guzman and barbie
 
Barbie Imperial & JM de Guzman
  James Yap at Michela Cazzola
 
James Yap at Michela Cazzola
  Yam Concepcion
 
Yam Concepcion
  Coco Martin
 
Coco Martin
 
 
Piolo Pascual
  Richard Gomez, Sharon Cuneta & Kathryn Bernardo
 
Richard, Sharon & Kathryn Bernardo
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Tirso at Lyn Cruz & family
 
Tirso at Lyn Cruz & family
  Janno Gibbs
 
Janno Gibbs
  Vice Ganda
 
Vice Ganda

Julia Barretto – Siya ang pinakamagaling umarteng Barretto

Nasubaybayan namin ang career ng magkakapatid na Barretto. Sina Gretchen, Marjorie at Claudine. Kung ganda ang pag-uusapan ay bulag at sinungaling lang ang magsasabing kapos sila sa pisikal na katangian.

Naglalaban sa pagandahan ang magkakapatid. Wala silang anggulo, mahal na mahal sila ng mga camera, pero kumustahin naman natin ang kanilang pag-arte?

Sa kanilang tatlo ay si Claudine ang mas nabigyan ng oportunidad na magkaroon ng mga pambidang roles sa mahabang panahon. Sa kanilang magkakapatid ay si Claudine ang sinasabing mas mahusay umarte.

Pero may isa pang Barretto na bukod sa maganda na ay nakaaarte pa nang mahusay. Si Julia Barretto, panganay nina Marjorie at Dennis Padilla, na napakanatural gumanap.

Sa madalas naming pagsubaybay sa pinagbibidahan nilang serye ni Joshua Garcia, ang Ngayon At Kailanman, ay hindi nakaliligtas sa amin ang natural at magaling na pag-arte ng young actress.

Sa maraming eksena ay nakita namin ang dalaga sa kaniyang madadramang tagpo, alam ni Julia ang kaniyang ginagawa, nakikiiyak sa kaniya ang publiko.

Sabi ng mga kaibigan namin, siguro raw ay tinuturuan siya ni Joshua sa tamang pag-arte; ginagabayan daw si Julia ng kaniyang boyfriend pero iba naman ang pananaw namin doon.

Kung mayroon kang talento ay mayroon ka, pero kung wala ay wala, dahil hindi naiaarte ang pag-arte. Magaling na artista si Julia Barretto. Siya ang pinakamagaling umarteng Barretto. 

JM de Guzman – Tunay na gentleman, mabait at very humble

Maginoo si JM de Guzman. Nang maghulog ang langit ng haba ng pisi ng pasensiya ay nagtanggal siya ng bubong ng kanilang bahay para makasambot nang sobra-sobra sa kaniyang pangangailangan.

Pero may hangganan ang pasensiya. Kapag sobra na ay itinutulak na rin siyang lumaban lalo na kung puro kasinungalingan ang ibinabato laban sa kaniya.

Nasa ganyang posisyon ngayon ang magaling na aktor. Pinuputakti siya ng mga bashers na pinalalabas siyang sinungaling, two-timer at user.

Ipinagtatanggol ng mga ito si Barbie Imperial na diumano’y niloloko niya dahil ang totoong mahal niya ay si Rhian Ramos. Nakakaawa naman si Rhian, sa hiwalayan nina Vice-Governor Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria ay ito rin ang pinagbintangang third party, palagi na lang bang ganoon ang imahe ng magandang aktres?

Naputol ang pisi ng pasensiya ni JM de Guzman, sinagot niya ang mga nagbibintang sa kaniya ng puro kabaligtaran, kaya humaba nang humaba ang isyu.

Ang tanong, umamin na ba nang lantaran sina JM at Barbie na sila na nga? Pakiramdam ng mas nakararami ay totoo iyon, pero kailangan pa rin ng kumpirmasyon, na hindi pa ginagawa nina JM at Barbie.

Hindi man kami nagkikita ni JM de Guzman at hanggang pagte-text lang ang aming komunikasyon ay parang kilalang-kilala na rin namin siya mula ulo hanggang sa talampakan dahil kay Rita Avila.

Matagal silang naging magkatrabaho sa seryeng Araw Gabi, bibihirang artista ang nakakagaanan ng loob ng magaling na aktres, isa doon si JM dahil napatunayan ni Rita ang pagiging marespeto niya.

“Mabait siya, very humble, punumpuno ng respeto sa kahit sino. Malalim din si JM, saka pasensiyoso siya. Kapag sobra na, marunong din siyang lumaban na right niya naman,” papuri ni Rita Avila sa aktor. 

James Yap at Michela Cazzola – Totoo bang hiwalay na?

Matagal nang umiikot ang kuwento tungkol sa paghihiwalay nina James Yap at Michela Cazzola. Maraming nanghihinayang kung totoo nga ang kuwento dahil kung kailan pa naging dalawa ang kanilang anak ay saka pa nangyari ang ganito.

Nagsimula ang istorya nang lumabas ang balita na hindi na umuuwi sa kanilang bahay ang sikat na basketball player. Sa isang kilalang lugar umuuwi si James, pag-aari iyon ng pamilya ng isa ring basketball player; doon nagduda ang marami na hiwalay na nga sila ng ka-live-in niyang Italyana.

Pero mas tumingkad ang paniniwala ng kanilang mga kaibigan nang ikasal ang kapatid na babae ni James. Naglabas siya ng picture nilang magkakapatid na naka-formal suit, may inilabas din siyang family picture, pero wala ang kaniyang mag-iina.

Sa kulturang Pinoy nga naman ay dapat kumpleto ang magkakapamilya sa ganoong okasyon. Pero wala si Michela at ang dalawa nilang anak sa inilabas na retrato ni James.

Nasa ibang lugar si Michela kasama ang kanilang mga anak, nagbabakasyon daw, kung kailan naman may kasalan sa pamilya ng basketball player ay saka pa naisipang magbakasyon ni Michela?

Wala pang kinukumpirma ang sinuman kina James at Michela tungkol sa balita, maaaring gumagawa pa sila ng paraan para maiayos ang kung anumang naging problema nila; puwede rin namang matagal na talaga silang hiwalay pero nananahimik lang sila.

Tahimik si Michela Cazzola. Sa dami na ng pinagdaanan nilang kontrobersiya ni James Yap ay hindi ito nakikisawsaw.

Tahimik lang ang Italyanaa. Wala itong pinagbibigyang ingterview. Trabaho-bahay lang ang ikot ng kaniyang pang-araw-araw na buhay. 

Yam Concepcion – Napakahusay na kontrabida sa Halik

Miyembro ng isang malaking grupo ng mga bikers ang anak naming doktor. Ang kanilang dibersiyon pagkatapos ng trabaho, ang mag-ikot sa mga bulubunduking lugar sa Norte, bumibiyahe sila nang maghapon.

May kasamang pahinga iyon kapag oras na ng pananghalian at meryenda, sumisilong sila sa mayayabong na punong-kahoy para doon pagsalu-saluhan ang mga baon nilang pagkain, doon sila nakapagkukuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay at pangyayari.

Dahil puro bruskong bikers ang magkakasama ay si Yam Concepcion daw ang palagi nilang pinagkukuwentuhan. Pinanonood nila ang seryeng Halik dahil sa mganda at seksing aktres.

“Naku, si Yam ang palagi naming topic kapag oras na ng pahinga. May mga kasamahan kasi kaming mga binata pa, sobrang hangang-hanga sila kay Yam. Sexy na raw, e, maganda pa, saka ang galing-galing niya sa romansa!

“Ang lakas kasi ng appeal niya, alam n’yo naman ang mga kalalakihan, kahit pa kontrabida ang role ni Yam, agaw-pansin pa rin ang galing niya sa kama,” tawa nang tawang kuwento ni Doc Neil.

At kahit saan ay ganoon ang imahe ni Yam, napakasarap daw niyang makasama sa isang panandaliang kaligayahan, kumpleto na raw ang buhay nila kapag naganap iyon.

Flat ang dating sa kanila ni Yen Santos. Walang challenge. Ibang-iba ang porma ni Yam Concepcion para sa mga kalalakihan dahil katawan niya ang puhunan sa pakikipag-ulayaw niya kay Sam Milby.

Kung malakas ang dating niya sa mga bruskong kababayan natin ay pinakakain naman ng ampalaya at pinalulunok ng apdo si Yam sa social media.

Galit na galit sa kaniya ang mga manonood dahil sa ginagampanan niyang role na kahit, malandi at sinungaling. Galit na galit sa kaniya ang mga tunay na misis, pinapalakpakan naman siya ng mga escabeche, nakatumbok ng proyekto si Yam Concepcion na nagpaingay sa kaniyang pangalan. 

Coco Martin – Nagpakumbaba, napaliwanagan na ang PNP

Tuwing bago magsimula ang seryeng Ang Probinsiyano ay may ipinalalabas munang disclaimer ang network. Nakasaad doon na ang ikot ng istorya ng serye ay walang pinaggayahan, at kung sakali mang may kahawig sa tunay na buhay, iyon ay hindi sinasadya at nagkataon lang na magkapareho.

Sentro ng serye ang mga tiwaling miyembro ng kapulisan. Ipinakikita doon ang mga ginagawa nilang pagpapairal ng maling kapangyarihan na maraming kababayan natin ang naaapektuhan-nasasaktan-nabibiktima.

Hindi iyon nagustuhan ng tagapamuno ng PNP, hindi raw nakagaganda sa kanilang imahe ang mga eksenang ipinalalabas sa Ang Probinsiyano tungkol sa mga pulis na tiwali. Hindi na nga raw maganda ang kanilang imahe ngayon ay nadadagdagan pa nang dahil sa mga kuwentong ipinalalabas ng serye.

Mukhang hindi nanonood ng Ang Probinsiyano ang pinuno ng PNP, hindi nito nasusubaybayan ang serye, dahil mayroon ding mga karakter ng pulis na kapuri-puri sa daloy ng istorya.

Hindi naman lahat ng mga kapulisan ay ipinipinta nang negatibo sa palabas, may mga miyembro ring parehas lumaban, binibigyan din ng tutok ng pinagbibidahang serye ni Coco Martin ang matitinong pulis.

Saka teka lang naman muna. Hindi ba nangyayari sa totoong buhay ang mga eksenang napapanood natin sa Ang Probinsiyano? Hindi ba’t sa araw-araw nating pagtutok sa mga news programs ay palaging sentro ng balita ang mga pulis na tiwali?

May pulis na nagdodroga, nagbebenta ng droga at nangre-rape pa nga? Hindi ba’t may mga pulis na nangongotong? May mga pulis na damay sa mga gawaing hindi legal?

Hindi sadya ang mga eksenang napapanood natin sa Ang Probinsiyano, pero sinungaling ba ang mga scriptwriters ng palabas, hindi ba nagaganap ang mga senaryong baluktot tungkol sa ibang mga kapulisan?

Hindi natin nilalahat ang mga pulis pero totoong-totoong-totoong-totoong may mga baluktot sa kanilang hanay. Iyon ang kailangan nilang trabahuhing mawala, hindi iyong pakikialaman pa nila ang serye ni Coco Martin, iligaw ba ang isyung sila ang palaging napupuruhan? Iligaw ba ang taumbayan?

Binulabog man ng PNP ang serye ay parang wala namang naging epekto iyon para sa ating mga kababayan. Mas pinasikat pa nga ng mga reklamo ng kapulisan ang serye kaya mas tumayog din ang rating.

Humanap ng panahon si Coco Martin mula sa mahigpit niyang schedule para personal na humarap sa mga tagapamuno ng DILG. Nagpaliwanagan ang magkabilang kampo tungkol sa reklamo ng mga kapulisan na sinisira diumano ng FPJ’s Ang Probinsiyano ang kanilang imahe.

Walang hindi nalulutas ang pakikipagkomunikasyon. Palaging bukas ang pagkakasundo kapag nagkikita sa gitna ang mga nag-uumpugang kampo.

Kasama ang ilang ehekutibo ng ABS-CBN ay umalis sa Camp Crame si Coco Martin na plantsado na ang isyu. Walang plano ang DILG na ipasara ang serye, nirerespeto ng mga ito ang atake ng Ang Probinsiyano, basta huwag lang sosobra sa kailangan lang. 

Piolo Pascual – Bakit napapabilis yata ang pagtanda?

Pinagkukuwentuhan si Piolo Pascual sa isang umpukan. Pagpansin ng grupo ay mukhang napapabilis ang pagtanda ng guwapong aktor. Nabibigayan sila ng opinyon kung bakit.

Dahil daw kaya iyon kay Iñigo, ang kaniyang anak, na teenager na? Nasa buhok daw kaya iyon ni Piolo na napakahaba kaya ipinupusod niya?

Sabi ng isang reporter sa umpukan, “Hindi, wala na iyon sa hair niya, talagang mabilis ang pagtanda niya! I-compare n’yo siya sa mga ka-contemporary niya, mas batang tingnan sa kaniya sina Marvin Agustin, Jerciho Rosales, kahit si Diether Ocampo, hindi pa ganoon katandang tingnan!” opinyon ng reporter.

Lampas kuwarenta na ang edad ni Piolo Pascual, hindi pa katandaan ang ganoong age kung tutuusin, pero bakit maraming nakakapunang mas matanda ang itsura niya sa edad niya?

“Payat kasi siya, parang ang lalim na ng pisngi niya, hindi bagay kay Piolo ang ganoon. Mas okey siyang tingnan kapag may laman-laman ang face niya,” singit naman ng isang source sa umpukan.

Nagkaisa na lang ang buong grupo sa pagsasabing kailangan na ni Piolo ng babaeng mag-aalaga sa kaniya. Ilang taon na siyang walang girlfriend, tanging pamilya lang ang inspirasyon niya, panahon na nga siguro para makakita ang guwapong aktor ng babaeng makakasama niya para maalagaan siya.

Hirit ng isa sa grupo, “Naku, naurong na nang naurong ang age na sinasabi ni Piolo kung kailan siya mag-aasawa. Ilang taon na ba siya ngayon?

“Sobra naman kasing mapili sa girl si Piolo, wala siyang nakakarelasyon nang matagal, ang magiging ending nga niya siguro, e, magiging matandang-binata na lang siya!” reaksiyon nito. 

Kathryn Bernardo ­– Mabait, simple at walang kayabang-yabang

Puring-puri ni Sharon Cuneta si Kathryn Bernardo. Napakasimple raw ng young actress, parang hindi raw siya box-office star, walang kayabang-yabang.

Totoo naman ang komento ng Megastar, ang pelikulang The How’s Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla ang mayhawak ng marka bilang pinakamatagumpay na pelikula sa lahat ng panahon, sapat na dahilan para ipagmayabang na ng ibang artista.

Maganda at maayos ang pagpapalaki kay Kathryn ng kaniyang mga magulang. Lahat silang magkakapatid, kapag nagsalita na ang kanilang ama at ina ay batas na iyon, hindi sila sumasagot.

At sa personal naming opinyon, malaking-malaking bahagi ng magandang disiplina ni Kathryn ang mga aral at paggabay na dinala niya nang maraming taon bilang miyembro ng INC, hindi maitatago iyon.

May mga ate siyang nurse, dentist at flight stewardess, may kani-kaniyang trabaho na ang mga ito, pero si Kathryn ang pinakamayaman sa magkakapatid.

Pero hindi iyon naging dahilan para maging pasaway na si Kathryn, nakatanim pa rin sa lupa ang magkabila niyang paa, hindi pera kundi isang maligayang pamilya ang bumubuo sa kaniyang pagkatao.

Kung sinasabi ni Kath na masuwerte siya kay Daniel Padilla ay mas masuwerte ang young actor sa pagkakaroon ng girlfriend na tulad niya na madisiplina, may takot sa mga magulang, mapagkumbaba at walang kaere-ere sa kabila ng kaniyang tagumpay.

Sa mga magkaka-loveteam ngayon ay ang kina Daniel at Kathryn ang pinakamatatag. Wala silang problema. Malakas ang suporta sa kanila ng mga loyalista nilang fans, malalim na ang pundasyon ng KathNiel na hindi na mabubuwag ng kahit ano at kahit sino. 

Kris Aquino – Simula ng pagkabata, maraming trahedyang nakita

Dose anyos si Kris Aquino nang makita niya ang mga retrato ng kaniyang duguang ama na nakahandusay sa tarmac. Pinatapang siya ng naturang karanasan.

Halos hindi pa siya umaangat sa lupa ay magkakasama na ang buong pamilya sa pagdalaw sa Fort Bonifacio sa nakapiit niyang amang si dating Senador Ninoy Aquino.

Sa isang panayam ay tinanong ang pulitiko kung bakit may drum ng tubig na palaging nakahanda sa tabi ng kaniyang kulungan. Si Kris ang dahilang ibinigay ng kaniyang ama.

“May maliit akong anak na palaging naliligo sa pawis kapag dumadalaw dito ang pamilya ko. Basang-basa ang buong katawan niya. Init na init siya.

“Para maibsan ang init, inilulubog namin siya sa drum. Nandoon siya habang nagkukuwentuhan ang buong pamilya. Ipinakiusap ko pa ang paglalagay d’yan ng drum para sa bunso ko,” sagot ni dating Senador Ninoy Aquino sa tanong.

Batambata pa lang si Kris ay maraming unos na ang kaniyang hinarap. Ang paghuli-pagkukulong sa kaniyang ama. Ang pagpapalaki sa kanilang magkakapatid ni Tita Cory nang mag-isa lang.

Pero iyon ang mga karanasang nagbigkis sa kanilang magkakapatid. Isa laban sa lahat. Saktan mo ang isa sa kanila at parang pinadugo mo na rin ang puso nilang magkakapatid.

Sa pagsasampa ng kaso ni Kris sa mga taong sa kaniyang paniniwala ay nangyuyurak na sa kaniyang pagkatao ay palagi niyang kasama si Bimby. Magkahawak-kamay ang mag-ina sa mga hinaharap nilang laban.

Matalino si Bimby, alam nito ang mga nagaganap sa buhay ng kaniyang ina, ang binatilyo mismo ang may gustong sumama kay Kris sa kaniyang mga galaw.

Walang-wala ang mga nakikita ngayon ni Bimby sa masasakit na karanasan na sa batang edad ay naengkuwentro na ni Kris. 

Tirso at Lyn Cruz – Pumanaw na ang anak na si Teejay Cruz

Hindi namin nakakayang ilarawan ang sakit na dulot ng pagkawala ni Teejay Cruz sa kaniyang pamilya. Kuyog kung tawagin namin sina Tirso, Lyn, Teejay, Bodie at Djanin.

Bihirang-bihira silang dumarating nang hindi kumpleto, sa kanilang magandang pakikisama sa showbiz ay idinadamay nina Pip at Lyn ang kanilang mga anak, ganoon sila kasolido.

Pero sa napakabatang edad na 37 ay pumanaw na ang kanilang panganay na si Teejay (Tristan Jedediah) sa sakit na cancer. Napakasakit nito para sa kaniyang mga iniwan.

Sa loob nang anim na buwan mula nang malaman ng pamilya ang sakit ni Teejay ay numipis na agad ang kaniyang katawan, binawian ng buhay nang mabilisan, minsan pang naganap ang masakit na katotohanan na sa halip na ang anak ay ang mga magulang ang maghahatid sa huling hantungan sa kanilang mahal.

Saludo sina Pip at Lyn sa kanilang panganay dahil buong-tapang na hinarap ni Teejay ang kaniyang karamdaman. Hindi na sila pinahirapan pa ni Teejay, lagi niyang sinasabi na okey lang siya, pero bilang na bilang na pala ang kaniyang panahon sa mundo.

Masakit man ay kayang hawakan nina Pip at Lyn ang kanilang emosyon. Malapit sila sa Panginoon, alam nila na ang ating buhay ay hiram lang, ibabalik din sa takdang panahon sa nagbigay sa atin.

Pero madali lang sabihin iyon, pero napakahirap tanggapin, lalo na sa klase ng kanilang pamilya na kung nasaan ang isa ay nandoon din ang lahat.

Ilang kaarawan namin ang magkakasamang dinaluhan ng buong pamilya. Nagpupunta rin sina Pip at Lyn kasama ang tatlong anak nila sa aming gallery.

Sila ang eksaktong larawan ng isang masayang pamilya. Napakalaking pagsubok para sa pamilya Cruz ang maagang pagpanaw ni Teejay. Sugat na walang paggaling pero kailangang bukas-pusong tanggapin.

Mula sa puso, ang sinsero naming pakikiramay sa pamilya Cruz, harinawang maging magaan ang pagtanggap nila sa pagkawala ni Teejay sa maagang panahon.

Janno Gibbs – May tampo, hindi nakasali sa Christmas ID ng ABS-CBN

Halos sabay na naglunsad ng kanilang Christmas Station ID ang ABS-CBN at GMA-7. Parehong pinagpaguran ng sinasabing magkalabang network ang kanilang handog sa publiko ngayong Kapaskuhan.

Puso ang sigaw ng Siyete, pamilya naman ang timon ng ABS-CBN, kani-kaniyang atake at preparasyon ang dalawang istasyon sa Christmas ID nila.

Kapansin-pansin na sangkatutak pala talaga ang kontratadong artista ng ABS-CBN. Halos ikatlong bahagi lang ng kabuuang bilang nila ang mga artista at personalidad na nasa GMA-7.

Umikot nang umikot ang mga camera sa mga ipinagmamalaki nilang artista, binigyan ng magandang exposure ang kalilipat pa lang na si Regine Velasquez at si Vice Ganda, pero sa pinakahuling frame siyempre nandoon ang mga pinakabida.

Kina Coco Martin, Manang Inday (Susan Roces) at Ms. Charo Santos-Concio huminto ang pinakahuling kuwadro. Sila ang pinakamalalaking personalidad na itinuturing ng ABS-CBN.

Magandang senyal ang padaplis na reklamo ni Janno Gibbs sa hindi niya pagkasali sa Christmas Station ID ng ABS-CBN. Pagkatapos nang ilang dekada ay ngayon lang narinig ng publiko ang pagtatampo ng magaling na singer-actor.

Maganda ‘yan, nagpapahalaga na ngayon si Janno sa kaniyang career, hindi tulad noon na maraming alok na trabaho sa kaniya pero siya mismo ang nagtatamad-tamaran.

Gasgas nang kuwento ang pagiging tamad ni Janno. Ang palaging lumulutang na kuwento ay insomniac daw siya. Gising sa buong gabi at sumisikat na ang araw kapag nakakatulog siya.

Kaya nawawalan ng kabuluhan ang kaniyang maghapon, tulog kasi siya sa buong araw, pagkatapos ay gising na naman siya nang magdamag.

Mapagbiro ang panahahon, kung kailan naman niya gusto nang magtrabaho ay saka mailap sa kaniya ang kapalaran, pumirma na siya ng kontrata sa Viva pero wala pang bagong nagaganap sa kaniyang karera.

Nagkaroon siya ng partisipasyon sa matagumpay na seryeng FPJ’s Ang Probinsiyano, pero mabilis lang naman iyon, pintay rin agad siya sa serye.

Kailangang dagdagan pa ni Janno Gibbs ang kaniyang pagsisikap, napag-iiwanan na siya ng kaniyang mga kakontemporaryo, nakapanghihinayang ang kaniyang talento sa pagkanta at pag-arte lalo na’t anak siya ng napakapropesyonal na si Ronaldo Valdez

Vice Ganda – Masaya, laging topic sa show ang basketball player

Pagpansin ng mga tumututok sa It’s Showtime ay sobra-sobrang publicity na ang nakukuha ng basketbolistang si Calvin Abueva mula sa show.

Naiintindihan nila na masaya ngayon ang komedyante-TV host dahil kay Abueva, mas masaya si Vice Ganda ay mas masaya rin siyang nagho-host, pero sana naman daw ay huwag nang masyadong nagiging topic sa show ang basketball player.

May komento tungkol doon ang isang kaibigan naming nauumay na sa mga nangyayari sa It’s Showtime, ang kaniyang sabi, “Hindi naman ang lovelife ni Vice ang reason ng panonood namin sa show. Gusto namin ang programa dahil magaganda ang mga segments nila, lalo na ang TNT.

“Pero lately kasi, e, palagi na lang nilang pinag-uusapan si Abueva. Kesyo ipinagluluto raw niya ng masasarap na ulam si Vice. Kesyo nanood sila ng laro ni Calvin, kesyo nanonood daw si Abueva palagi kaya binabati naman nila.

“Noong una, e, cute pa ang dating noon dahil parang nagpapa-cute din si Vice. Pero noong matagal-tagal na, parang nakakaumay na.

“Hindi naman part ng show si Abueva, ano namana ng interes ng televiewers sa kaniya? Kung masaya si Vice dahil sa kaniya, e, sarilinin na lang sana niya iyon1

“Kung gustong makita ng publiko si Abueva, e, sa PBA iyon, hindi dapat sa show nina Vice, dahil wala siyang participation sa programa,” reklamo ng aming kaibigan. –CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Disyembre 16-31, 2018

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminDisyembre 16-31, 2018

      Angelica Panganiban & Carlo Aquino
 
Angelica Panganiban & Carlo Aquino
  KC Concepcion & Sharon Cuneta
 
KC Concepcion & Sharon Cuneta
  Coco Martin
 
Coco Martin
  Robin Padilla
 
Robin Padilla
  Kris Aquino, Willie Revillame & Josh
 
Kris Aquino, Willie Revillame & Josh
  Rhian Ramos & JM De Guzman
 
Rhian Ramos & JM De Guzman
  Vice Ganda
 
Vice Ganda
  Jessy Mendiola & Luis Manzano
 
Jessy Mendiola & Luis Manzano
  Jericho Rosales
 
Jericho Rosales
  Diego Loyzaga
 
Diego Loyzaga

Angelica Panganiban – Sana nga’y nag-move on na

Tapos na si Angelica Panganiban sa pakikipagkaibigan sa kalungkutan. Mukhang nagising na siya sa katotohanan na pinaasa man siya ni John Lloyd Cruz na sila pa rin pero hindi na pala dahil umeksena na si Ellen Adarna ay hindi niya kailangang sayangin ang kaniyang buhay.

Tapos na ang kaniyang pagmemelangkolya, tapos na rin ang mga hinaing niya sa buhay, dahil nand’yan na ang lalaking dati siyang minahal at handa pa rin siyang mahalin hanggang ngayon.

Mahabang panahon din silang naging magkarelasyon ni Carlo Aquino, mga bata pa sila ay sa magaling na aktor na niya natikman ang ibig sabihin ng pagmamahal, nagkaroon lang ng third party sa kanilang relasyon kaya nauwi iyon sa hiwalayan.

Pero kung nagbabago ang takbo ng panahon ay ganoon din ang tao, maraming nagbabago sa paglipas ng mga taon, kaya puwede nilang ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan ngayon.

Kuwento ng aming source na malapit sa mgandang dalaga ay ibang-iba na ang pananaw niya sa buhay ngayon. Maraming pagbabago. Maraming bagay na nagpapaligaya kay Angelica.

Kuwento ng aming source, “Ibang-iba na ang aura niya ngayon. Saka hindi na siya masungit, marunong na siyang tumawa. Si Carlo ang alam kong dahilan noon!

“Sana nga, e, bigyan pa nila ng chance ang mga sarili nila na ituloy ang naunsiyami nilang relasyon. Hindi na sila mga teenagers ngayon, alam na nila ang mga tama at mali.

“Sa tingin ko, e, sila na nga, kasi, maraming pagbabago kay Angel. Love lang ang alam kong reason noon,” pagtatapat ng kaibigan ng magandang aktres.

Sana nga. 

KC Concepcion – Galing magpundar, manang-mana kay Mega

Naglulunoy sa kayamanan si Sharon Cuneta. Ang mga ipinatayo pa lang niyang mga gusali hindi lang sa Pasay City ay sapat nang ikabuhay ng kaniyang pamilya nang maraming dekada.

Kumikita lahat ng mga building na iyon, pinauupahan ng Megastar, paano pa ang mga ekta-ektaryang lupain na unti-unti niyang ipinundar noong pataas na nang pataas ang kaniyang popularidad?

Sa isang panayam namin sa pumanaw niyang dakilang ama ay sinabi ni Mayor Pablo Cuneta, “Marunong sa kinikita niya si Sharon. Inuuna niya ang pagpupundar, hindi siya waldas sa pera.

“Alahas lang naman ang hilig niya, nireregaluhan naman namin siya ng mommy niya, kaya wala na siyang pagkakagastusan. Nabibingi na nga siya sa mga kuwento ko na nanggaling ako sa wala. Nagsipag lang ako at nag-ipon, kaya marami akong nabiling propyedad.

“Iyon din ang turo namin sa kaniya ni Elaine, habang kumikita siya nang malaki, gamitin niya ang pera niya sa investment. Wala siyang katalu-talo doon,” kuwento ng kaniyang mahal na ama.

Kung ano ang itinuro kay Sharon ng kaniyang mga magulang ang ipinapasa niya naman ngayon sa kaniyang mga anak. Ang kahalagahan ng salapi. Ang pagpupundar.

At pinatunayan na iyon ni KC Concepcion nang bumili ng property sa Palawan ang kaniyang panganay. Tiis-tiis lang muna ang magandang dalaga sa mga granatsa ng buhay tulad ng mga branded bags, inuna muna nito ang beach house na puwede nitong iparenta o ipaghintay na lang ng mas magandang presyo para maibenta, epektibo ang payo ni Sharon sa kaniyang dalaga.

Sa Laguna, sa Batangas, sa Tagaytay, ang mga propyedad doon na bakante, ayon sa aming mga nakakausap ay pag-aari ni Sharon Cuneta.

Nabili lang daw ni Mega ang mga properties na iyon sa napakamurang halaga, pero ngayon ay milyunan na ang bentahan, tumubo na nang ilang libong beses si Sharon kung ibebenta niya ngayon ang mga naipundar niya. 

Coco Martin – Very humble, hindi ikinahihiya ang pinanggalingan

Kung pagiging mapagkumbaba sa kabila ng tagumpay ang pag-uusapan ay wala na sigurong makapapantay kay Coco Martin. Napakalaki talaga ng leksiyong itinuturo ng kasaysayan sa mga taong nagtatagumpay.

Galing sa mahirap na pamilya si Coco, kung anu-anong trabaho ang kaniyang pinasok para kumain nang tatlong beses sa isang araw ang kaniyang pamilya, hanggang sa nginitian na siya ng kapalaran.

Hndi niya kinalilimutan kung saan siya nanggaling, inspirasyon niya ang mga paghamong naengkuwentro niya bago siya magtagumpay bilang aktor, iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nasisilaw sa milyones na hawak niya ngayon at kasikatang pinapangarap ng bawat personalidad.

Palaging pinagkukuwentuhan ng mga Pinoy sa Vancouver, Canada ang pagiging OFW ng magaling na aktor. Iba-ibang trabaho rin ang tinanggap niya doon para hindi magutom ang kaniyang pamilya.

Kuwento ng isang kababayan nating editor ng isang pahayagang tinatangkilik ng mga Pinoy sa British Columbia (Vancouver), “Pero hindi siya gaanong nagtagal dito, umuwi rin siya agad, hindi niya kinaya ang sobrang lamig.

“Saka mahirap mabuhay dito kung hindi naman kagandahan ang work mo. Masaya kami dahil palaging binabalikan ni Coco Martin ang pagtatrabaho niya dito sa Vancouver.

“Napaka-humble niya. Magtatagumpay talaga ang mga tulad niya na hindi nakalilimot sa pinagdaanan niya. Kagagaling lang nila dito, kasama niya ang mga artista ng Ang Probinsiyano, noong tawagin ang pangalan niya, e, halos magiba na ang venue dahil proud na proud sa kaniya ang mga kababayan natin.

“Kung idol niya si FPJ, e, masarap namang idolohin si Coco Martin. Pareho silang taong-tao at makatao,” kuwento ng aming kaibigan. 

Robin Padilla – Ang pinakamaligayang tatay ngayon

Tama. Si Robin Padilla nga ang pinakamaligayang tatay ngayon dahil pinanindigan ni Aljur Abrenica ang kaniyang pangakong pakakasalan si Kylie Padilla.

Iyon lang naman ang tanging hiling ng action star, ang mag-abang sa altar si Aljur habang naglalakad si Kylie, wala nang iba pa.

Natagalan lang ang kasalan dahil nag-ipon pa si Aljur. Hindi nga naman ganoon kadaling magplano ng pagpapakasal. Madaling sabihin, pero mahirap gawin nang agaran, dahil malaking halaga ang kailangan kahit sa pinakasimpleng kasalan lang.

Pero ang layunin na pakasalan niya si Kylie ay palaging nand’yan, hindi nawawala, lalo na’t mayroon na silang munting anghel. Malinis ang hangarin ni Aljur sa anak ni Robin.

Naitago ng mag-asawa ang kanilang pagpapakasal, nanahimik sila nitong mga huling araw, pero sa likod pala ng pananahimik na iyon ay ang pagkikita na nila sa altar.

Wala nang masasabi ngayon si Robin, ginawa na ni Aljur ang kaniyang gusto, legal na nitong manugang ngayon ang dating sinasabi nitong hilaw pa lang.

Sa anumang paghamon ay palaging buo ang pamilya ni Aljur, sama-sama nilang hinaharap ang problema, hindi sila nag-iiwanan.

Kung sino ang mayroon sa kanila ay hindi puwedeng hindi maglabas, magkakasangga sila sa lahat ng gastusin, tulad noong bumili ng bahay si Aljur na kani-kaniyang donasyon ang buong pamilya.

Masuwerte si Kylie Padilla sa pamilyang natagpuan nito, simple lang sila pero rock, sabi nga.

Willie Revillame at Kris Aquino – Tunay na magkaibigan

Parehong organisado sa buhay sina Willie Revillame at Kris Aquino. Maraming katangian ni Willie ang nakikita rin namin sa aktres-TV host.

Pareho silang napakalinis sa bahay, ayaw nila sa mga kalat, galit sila sa maruming kapaligiran. Mga kuwadrong nakatabingi sa pagkaka-display, kapag nakikita iyon ni Willie, paalis na siya ay babalikan pa niya para ayusin.

Ganoon din si Kris, lahat ay nakikita nito, kailangang nasa ayos ang lahat dahil kung hindi ay talagang hindi mapapakali ang aktres-TV host.

Pareho rin silang mahilig sa pagpapagawa ng mga personalized na envelope, sticker, bags at kung anu-ano pang mga kagamitang may kakambal na respeto kapag nagreregalo sila.

Kuwento ni Bernadette, make-up artist ni Willie, “Hindi puwede kay Kuya Wil ang iba-ibang kulay ng mga stuff niya sa kuwarto. Kailangang puro puti lang.

“Bedsheet, unan, comforter, towel, kailangang puti lahat iyon. Para raw madaling makita kapag marumi na. Pati ang basurahan niya sa buong bahay, kailangang white din. Ganoon siya ka-perfectionist,” kuwento ni Bern.

Iba naman si Kris, napakakulay ng kaniyang mundo, lalo na sa kaniyang sala. Parang bahaghari ang kulay ng kaniyang mga kagamitan, pati ang mga throw pillows, hindi naman mahilig sa carpet ang aktres-TV host.

Una ay may asthma ang kaniyang bunso, ikalawa ay nasisiksik lang daw naman sa ilalim ng carpet ang mga dumi, kaya kapansin-pansin na walang mga carpet sa kaniyang pabolosong mansiyon.

Marami silang pagkakapareho kaya malapit sila sa isa’t isa. Pero ang pinakamarkadong paglalarawan kay Willie na narinig namin mismo kay Kris, “We love Willie, kasi, hindi siya humingi sa amin ng kahit anong favor noong nakaupo pa kami.” 

Rhian Ramos ­– Kawawa, bina-bash dahil kay JM at Barbie

Sobra na ang ginagawang pang-aalipusta ng mga tagasuporta nina JM de Guzman at Barbie Imperial kay Rhian Ramos. Ang tanging kasalanan lang naman ng magandang aktres ay ang tanggapin ang pelikulang sila ni JM ang magkapareha.

Hanggang doon lang. Ginagampanan lang nila ang hinihingi ng istorya. Pero wala silang relasyon. Hanggang pagiging magka-partner lang sa proyekto ang namamagitan sa kanila.

Pero iba ang lumabas. Inuupakan din ngayon si JM dahil niloloko raw niya si Barbie. Harap-harapang panloloko na raw ang ginagawa ng magaling na aktor sa kaniyang girlfriend.

At si Rhian Ramos ang sobrang napupuruhan dahil kung anu-anong masasakit na salita ang ipinakakain nila sa aktres. At dumating pa iyon sa puntong may nag-post ng dating pinagpistahang sex video nila ng kaniyang dating karelasyong si DJ Mo Twister.

Umabot na sa ganoong sukdulan ang mga nagaganap ngayon. Nakasulong na si Rhian mula sa napakasaklap na senaryong iyon at kahit si Mo Twister ay hindi matutuwa sa nangyari.

Ngayon ay naiintindihan na namin kung bakit humulagpos ang mahabang pisi ng pasensiya ni JM. Sinagot niya ang sobrang masasakit na bintang na ibinabato sa kaniya ng mga taong nagpapalala sa pakikipagtambal lang naman niya kay Rhian.

Hindi magandang senyales ito. Nakakatakot palang makarelasyon si Barbie Imperial. Una ay si Paul Salas. Nagulo rin ang buhay ng young actor nang dahil sa magandang young actress.

Kung anu-anong bintang ang napala ni Paul, ngayon naman ay si JM, hindi pala maayos na makarelasyon si Barbie dahil masalimuot ang kinauuwian noon para sa mga lalaking nagmamahal sa kaniya.

Katakot! 

Vice Ganda – Ginagawang katatawanan ang pag-spoof si Kris

Madalas naming matiyempuhan si Vice Ganda na ginagaya-gaya ang pagsasalita ni Kris Aquino. Kuhang-kuha nito ang tiyempo at tono ng pagbibitiw ng mga salita ng aktres-TV host.

Komedyante si Vice Ganda, kaya natural lang na bentang-benta sa publiko ang ginagawa nitong panggagaya kay Kris, pero sa kabila noon ay maraming nasasaktan para sa kanilang idolo.

Mula nang mawala si Kris sa ABS-CBN ay lumabnaw na ang kanilang pagkakaibigan. Kung dati’y “asawa ko” ang tawagan nila, ngayon ay inanod na ng ilog-Pasig iyon, ni hindi na nga yata sila nagkukumustahan.

Nagkaroon ng pader sa kanilang pagitan, puwedeng pinagbawalan ng mga ehekutibo ng Dos si Vice na dumistansiya kay Kris, puwede rin namang walang ganoon at personal nang desisyon ng sikat na komedyante ang pagputol sa kanilang komunikasyon ni Kris.

Nagrerebelde ang mga tagasuporta ni Kris kapag ginagaya-gaya siya ni Vice sa It’s Showtime. Hindi welcome sa kanila ang pag-spoof ng komedyante sa kanilang idolo dahil hindi na sila “mag-asawa” ngayon.

Minsan ay tinanong na rin kami ng mga kaibigan namin sa kolehiyo kung sino ang dumistansiya kanino? Bukod kay Vice Ganda ay may isa pang kaututang-dila dati si Kris na mukhang ngayon ay lumabnaw na rin.

Mahirap sagutin ang tanong, pero puwede pa rin tayong mag-opinyon, siguro nga ay tama si Kris sa kaniyang posisyon na kapag nawala ka na sa network na mahigit na dalawang dekada niyang pinagserbisyuhan ay parang outcast ka na. Hindi ka na in.

Baka nag-aalala ang kaniyang mga dating kaibigan na kapag nakipaglapit pa rin sa kaniya ang mga ito ay may magbabawal. Pero ang isang tunay na kaibigan ay walang pinipiling panahon.

Saanman kayo makarating, paghiwalayin man kayo ng kapalaran at mga alanganing sitwasyon, ang pagpapahalaga sa isang magandang samahan ay kailangang nand’yan pa rin.

Luis Manzano – Handang makipagrambulan para kay Jessy

To the rescue siyempre si Luis Manzano sa kaniyang girlfriend na si Jessy Mendiola na paboritong target ngayon sa social media.

Matindi ang inaabot na upak ng seksing dalaga mula sa kaniyang mga bashers. Talagang puro negatibo ang mga salitang ginagamit na pambato laban sa kaniya.

Natural, bilang isang karelasyong nagmamahal, hindi gusto ni Luis ang mga naganganap, lalo na’t sobrang personal na ang mga ipinakakaing salita sa kaniyang girlfriend.

Nang magkaroon ng pagkakataon ang magaling na actor-TV host ay siya mismo ang naghamong makipagkita sa isang basher na akala mo lang kumakain ng peanuts kung pintasan at ilaglag si Jessy.

Talaga namang humahaba ang buhok ng dalaga dahil sa sobrang pagmamahal at proteksiyong ibinibigay sa kaniya ni Luis. Handang makipag-away ang actor-TV host dahil sa pagtatanggol sa kaniya.

Iyon naman ang konsolasyong tinatanggap ni Jessy sa kabila ng kaliwa’t kanang pamba-bash na tinatanggap nito ngayon mula sa mga taong never na nakakita ng positibong katangian sa kaniya.

Nand’yan si Luis Manzano na handang magtanggol, handang makipagrambulan, handang harapin ang lahat-lahat ng mga kumakalaban sa kaniya. 

Jericho Rosales – Kahit anong eksena ay lumulutang ang galing

Pinag-iwanan na nga ni Jericho Rosales ang kaniyang mga kakontemporaryo sa pag-arte. Habang walang pinagkakaabalahang proyekto ang mga nakasabay niyang magningning ang pangalan sa ABS-CBN ay heto naman ang magaling na aktor at halos wala nang tulog at pahinga sa dami ng kaniyang mga ginagawa.

Paborito siyang artista ng mga direktor. Isang source ang nagkuwento sa amin na sa meeting ng mga direktor ay si Echo ang pinipiling bumida ng mga ito sa pinaplanong seryeng sila ang magiging kapitan.

“Wala kasing problema kapag si Jericho ang artista nila, mabilis ang work nila dahil magaling siyang umarte, very professional pa,” kuwento ng aming kausap.

Sa seryeng Halik ay kitang-kita ang napakahaba nang matagumpay na pagbiyahe ng talento ni Echo. Sa kahit anong eksena ay lumulutang siya, nakakaawa nga si Sam Milby sa mga eksena ng kanilang komprontasyon, parang gutom na buwaya si Echo sa pagsakmal sa kaniyang kaeksena.

Matang-mata pa lang ng aktor ay umaarte na, hindi na niya kailangan pang magbato ng dialogue, iyon pa lang ay sobra pa sa sapat.

Iba talaga ang pagganap na may hugot. Alalahanin lang ni Jericho Rosales ang mga panahon nagkakaliskis siya ng panindang isda ng kaniyang tiyahin sa palengke ng Marikina ay agaran na niyang naibibigay ang hinihingi ng eksena.

Ume-echo ang galing ni Jericho Rosales. 

Diego Loyzaga – Titigil muna ang career para magpa-rehab

Kumpirmadong nakipag-usap na si Teresa Loyzaga sa mga tagapamuno ng Los Bastardos kung saan isa sa mga bumibida ang kaniyang anak na si Diego Loyzaga.

Hanggang maaari ay hindi pa rin pinapatay ang karakter na ginagampanan ng aktor sa serye, umaasa pa rin ang produksiyon sa kaniyang pagbabalik, pero ang mismong ina na ni Diego ang nagpaalam para sa kaniyang anak.

Nakapanghihinayang ang career ng binatang aktor, hindi naman lahat ng mga nangangarap ay kinakampihan ng kapalaran, pero pinabayaan niya pa ang napakagandang oportunidad na hinawakan niya.

May puhunan siyang pangalan, may mukha, may talento. Nakikipagsabayan siya sa pag-arte, propesyonal, pero ang lahat ay nawalan ng saysay. May plano ang kaniyang pamilya para kay Diego.

Ang unang kuwentong lumutang ay ipare-rehab siya ng kaniyang ina. Hindi dahil sa bisyo ng droga, kundi para bantayan at patatagin siya bilang tao, kailangang lapatan ng patnubay ang depresyong pinagdadaanan ng binatang aktor.

Brusko siyang tingnan, lalaking-lalaki, pero pagdating sa pagharap sa mga problema ay binatang nakalampin si Diego na nangangailangan ng paggabay ng kaniyang mga mahal sa buhay.

Minsan na kaming nakapasok sa isang rehabilitation center na ang mga namamahay ay mga kabataang hindi na masuheto ng kanilang mga magulang ang ugali. May tumatakas sa gabi at umaga na bumabalik.

May palasagot sa magulang, kapos na kapos sa respeto, wala nang payong pinakikinggan. Sa loob ng center ay isa-isang ginagamot ng mga dalubhasang doktor ang kanilang mga kalabisan at kakapusan.

May katagalan ang proseso pero paglabas ng naka-rehab ay parang bagong tao na uli siya. Marunong nang rumespeto sa mga mas nakatatanda sa kanila.

Hindi na nakikipagkaibigan sa mga taong nanghihila sa kanila pababa at hindi magandang impluwensiya. Matapang na nilang hinaharap ang mga problema dahil pakiramdam nila’y buung-buo na ang kanilang pagkatao.

Napakalaking tulong at paggabay kahit pa may kamahalan ang tuition fee. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Enero 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 1-15, 2019

      RAINBOWS SUNSET
 
Eddie Garcia, Gloria Romero, Tony Mabesa
  Toni Gonzaga
 
Toni Gonzaga
  Jack em popoy poster
  FANTASTICA MOVIE POSTER
  Calvin Abueva
 
Calvin Abueva
  Clint Bondad Catriona Grey
 
Clint Bondad & Catriona Gray
  LOTLOT WITH HER KIDS 
 
Lotlot at kaniyang pamilya
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Julia Barretto & Joshua Garcia
 
Julia Barretto & Joshua Garcia
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Regine Velasquez
 
Regine Velasquez
  Janno Gibbs
 
Janno Gibbs
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  josh kris bimby
 
Josh, Kris & Bimby
  Lani Mercado Bong Revilla
 
Lani Mercado & Bong Revilla
  Mocha Uson & Rodrigo Duterte
 
Mocha Uson & Rodrigo Duterte

Eddie Garcia – Napakahusay sa Rainbow’s Sunset

Nakakundisyon na ang isip ng mga sumaksi sa gabi ng parangal ng MMFF na si Eddie Garcia ang magwawaging best actor. Nakaselyo na iyon, walang ibang makatatalo sa beteranong aktor, iyon ang paulit-ulit nilang pag-asa.

Pero nang ipahayag na kung sino ang nanalo ay nawalan ng kibo ang mga umaasang pangalan ni Eddie Garcia ang isisigaw, nagkakamali lang ba sila ng pandinig, dahil pangalan ni Dennis Trillo ang tinawag?

Kinabukasan ay iyon pa rin ang naging paksa kahit saan, bakit si Dennis, bakit hindi si Eddie Garcia na napakagaling sa Rainbow’s Sunset?

Ano iyon, porke raw ba binigyan na ng special jury prize ang beteranong aktor-direktor ay ibinigay na kay Dennis ang tropeo bilang pinakamahusay na aktor ng taunang pestibal?

Iyon ang emosyon ng marami, kahit daw pagkumparahin ang talentong ipinamalas ng dalawang aktor sa pelikulang lahok nila ay napakalayong talunin ni Dennis si Eddie Garcia, saan daw kaya niluto ang desisyon—sa Macau?

Kung kilala nga namin si Tito Eddie ay bukas-puso niyang tinanggap ang pagkatalo kay Dennis. Wala tayong maririnig mula sa kaniya kundi ang ginawa niya ang lahat para sa pelikulang ipinagkatiwala sa kaniya.

Ano pa ba naman ang kailangang patunayan ng isang Eddie Garcia? Sangdamakmak nang parangal ang naiuwi niya, hall of famer na nga siya sa ibang award-giving bodies, tapos na tapos na siya sa estado ng pangangarap.

Ang mahalaga para kay Tito Eddie Garcia ngayon ay ang madagdagan ang mga sinehang pinagpapalabasan ng Rainbow’s Sunset. Masakit ang naganap sa kanilang pelikula. Kakaunting sinehan na nga lang ang ibinigay sa produksiyon, sa ikalawang araw ay binawasan pa, samantalang mga hurado na mismo ng MMFF ang nagpapatunay na kapano-panood ang kanilang obra.

Makahulugang pahayag nga ni Direk Joel Lamangan sa pagtanggap nito ng kaniyang best director award, “Huwag naman sanang bulsa lang ng mga theatre owners ang patabain. Patabain din ang kaluluwa ng ating bayan.”

Toni at Alex Gonzaga – Sana’y kumita ang Mary, Marry Me

Sana nga ay kumalat nang kumalat ang balita na maganda pala ang pelikulang Mary, Marry Me ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga.

Iyon ang naririnig namin sa mga kaibigang naiinip sa pagpila sa ibang pelikula, doon na lang sila napadpad sa proyekto ng magkapatid, at noon nila napatunayang hindi naman pala nasayang ang kanilang panahon at pera.

Maganda raw ang movie, magaling ang magkapatid, nakakaaliw daw ang mga eksena ni Alex na ayon sa aming nakakuwentuhan ay nagdala ng pelikula.

Sabi pa ng aming kaibigan, “Very natural silang umarte, Sam Milby naman kahit nagkakaedad na, e, yummy pa rin. Mas mahusay umarte si Alex kesa sa ate niya dahil wala siyang pakialam sa itsura niya.

“Sana naman, magkaroon ng chance ang mga moviegoers na panoorin ang movie,” rekomendasyon pa ng aming kausap.

Ang mga Gonzaga mismo ang namuhunan para sa Mary, Marry Me. Bagong karanasan ito para sa kanila. At sabi rin ng isang kaibigan namin, “May special participation sa movie si Mrs. Pinty Gonzaga!”

Nagkakabiruan nga kaming magkakaibigan na natupad na rin sa wakas ang matagal nang ambisyon ni Aling Pinty. Artista na rin ito ngayon.

Simple lang si Aling Pinty pero mahilig itong umeksena, konting kibot lang ay nanghihimasok na ang stage mother na ito para sa kapakanan ng kaniyang mga anak, promise!

Sabi ng isang sutil naming kasamahan sa trabaho, “Si Mommy Pinty talaga ang mahilig sa pag-aartista, pero hindi natupad! Frustrated actress siya!”

Vic Sotto at Coco Martin – Nakakaaliw talaga ang Jack Em Popoy

Jack Em Popoy ang unang pelikulang pinanood ng aming mga kasambahay kasama ang aming special child na si Demo. Nahirapan sila sa pagpila pero umuwi silang masayang-masaya dahil maganda raw at nakakaaliw ang pelikulang pinagbidahan nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin.

Akala raw nila ay basta mababaw na halakhakan lang ang mangyayari pero maganda pala ang ikot ng kuwento ng mag-amang Vic at Coco.

At dahil sanay silang mapanood sa maaksiyong Ang Probinsiyano si Coco ay aliw na aliw ang aming mga kasambahay, magaling din daw palang komeyante ang idolo nilang si Cardo Dalisay, panalung-panalo!

Iyon din ang kuwento ng mga kaibigan naming piniling mas unang panoorin ang Jack Em Popoy, ikalawa nilang pinanood ang Fantastica ni Vice Ganda, doon na sila nagkumpara sa dalawang comedy movies.

Mas maganda raw ang kuwento ng Jack Em Popoy, ang kay Vice Ganda raw ay basta tatawa ka lang nang tatawa, pero paglabas mo ng sinehan ay wala kang maaalalang istorya.

“Aliw na aliw ang mga anak ko sa mga bloopers ng Jack Em Popoy, lalo na kay Coco Martin, dahil talagang sinabi niyang nerbiyos na nerbiyos siya noong ginawa niya ang eksenang kasali siya sa Mr. Pogi.

“Nakakaaliw na ang movie nila ni Bossing Vic, isang malaking revelation pa ang pagko-comedy ni Coco na sinusubaybayan namin sa serye niyang puro bakbakan,” kuwento pa ni Mareng Liza.

Vice Ganda – Number one sa MMFF ang Fantastica

Napakaligaya ngayon ni Vice Ganda. Napakapinagpalang beki, sabi nga ng kaniyang mga kabaro, dahil maligaya na ang kaniyang lovelife ay matagumpay pa ang kaniyang pelikulang nangunguna sa walong entries ng MMFF.

Maaga pa lang ay inangkin na ng sikat na komedyante ang pangunguna sa MMFF. Naka-tape ang It’s Showtime pero parang live na live na niyang pinasalamatan ang ating mga kababayang piniling unang panoorin ang kaniyang Fantastica.

Napakalaking kaway noon sa manonood, lalo na’t kilala ang ating lahi sa pag-angkas sa kung ano ang uso at matagumpay, pinilahan talaga ang kaniyang pelikula.

Aminado si Vice na napakasuwerte niyang beki. Hanggang ngayon daw ay hirap pa rin ang ating lipunan na magmahal ng mga bakla, pero siya ay pinagtuunan ng pagmamahal at suporta ng mga Pinoy, kaya todo hanggang langit ang kaniyang pasasalamat.

Ang sumusunod sa Fantastica na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Coco Martin ay pinupuri naman ng manonood sa daloy ng kuwento ng Jack En Popoy.

Hindi raw basta nakakatawa lang ang pelikula, balanseng-balanse raw ito, may lalim daw kasi ang istorya ng proyekto nina Bossing Vic at Coco.

Doon medyo malabnaw ang papuri ng mga manonood sa Fantastica, tatawa ka raw nang tatawa, pero kung lalim ang hahanapin ay wala ang pelikula ni Vice.

Para sa sikat na komedyante ay hindi na mahalaga ang mga ganoong patutsada, para sa kaniya ay hawak na niya ang korona, tuwing may pelikula siya sa MMFF ay sinusuportahan siya ng ating mga kababayan para pumosisyon sa numero unong puwesto.

Mahigit na isandaang milyong piso na ang kinikita ng Fantastica, pero gahibla lang ang kaniyang layo sa Jack En Popoy, kaya aligagang-aligaga ngayon si Vice Ganda sa promo ng kaniyang pelikula sa It’s Showtime at sa social media.

Calvin Abueva – Sinusumbatan na ng mga loyal kay Vice

Ayan na, dumating na ang senaryong ayaw makita ng basketbolistang si Calvin Abueva, ang matinding galit sa kaniya ng mga tunay na nagmamahal kay Vice Ganda.

Kung noong una ay panay papuri anng tinatanggap ni Calvin dahil sa paninindigan nito sa pagiging super-close nila ng sikat na komedyante, ngayon ay kabaligtaran na noon ang nararanasan ng dribolero, negang-nega na ang kaniyang imahe.

Sinusumbatan ito ng mga nagmamalasakit kay Vice, parang pinadama lang daw ni Abueva ang kanilang idolo, pero nang makuha na nito ang loob ni Vice ay iiwan lang pala sa gitna ng laban.

Nag-ugat ang issue sa lantarang pagpo-post ni Abueva na ang asawa ay asawa at ang kaibigan ay kaibigan lang. Iba raw siyempre ang asawa.

Galit na buwelta kay Calvin ng isang nagmamahal kay Vice Ganda, “Okey ka rin naman, e! Noong magulo ang takbo ng personal life mo, noong palayasin ka ng misis mo, kanino ka ba nakababad?

“Sino ba ang palagi mong tinatakbuhan, sino ba ang inaabala mo para samahan ka lang sa kalungkutan mo? Pero ngayong nagkabalikan na kayo, wala na, parang tissue paper na lang na itinapon mo sa basurahan si Vice! Okey ka rin naman, magaling ka talagang mag-dribble,” panunumbat nito sa basketbolistang napamahal na sa sikat na komedyante-TV host.

Catriona Gray – Long distance ang relationship sa boyfriend

Pansamantalang hindi nagkikita ngayon ang ating Miss Universe na si Catriona Gray at ang matagal na nitong boyfriend na si Clint Bondad.

Malawak ang isip ng Filipino-German boyfriend ni Catriona. Alam niya na ito ang katuparan ng pangarap ng kaniyang girlfriend, ang makuha ang korona bilang Miss Universe, kaya naiintindihan ni Clint na kailangan muna nilang magkaroon ng distansiya.

Ang communication nila ngayon ay puro sa social media lang muna, handang maghintay si Clint ng pagkakataong puwede na uli silang magkasama nang matagal, tulad nang dati.

Pareho silang modelo, kaya ang long distance affair ay hindi na bago para sa kanila. May panahong ilang buwang nagtatrabaho sa ibang bansa si Clint, o kaya’y may kontrata ring kailangang tapusin si Catriona sa ibang bansa, pero hindi iyon nakaaapekto sa magandang takbo ng kanilang relasyon.

Saludo si Clint Bondad sa pagiging organized ng kaniyang girlfriend. Kumpleto raw ng mga notebook si Catriona para sa mga mahahalagang kompromiso ng dalaga, maging sa kaniyang mga stuff ay talagang organized ang ating Miss Universe.

Maligayang-maligaya si Clint sa tagumpay ni Catriona, nasubaybayan niya kasi kung paano nito pinagtrabahuhang mabuti ang lahat ng mga detalye para makopo nito ang korona, pinakamaligayang lalaki raw siya sa mundo ngayon dahil sa pagwawagi ng ating kababayan.

Maganda si Catriona, guwapo naman si Clint, kaya siguradong kapag bumuo na sila ng pamilya ay napakagandang produktong pang-Miss Universe din ang magiging anak nila.

Lotlot de Leon – Hindi dumating si Nora Aunor sa kasal

Sa isang malaking umpukan sa isang Christmas party ay naging paksa ang katatapos lang na kasal ni Lotlot de Leon sa kaniyang Lebanese boyfriend Fadi El Soury nang maraming taon na.

Hindi dumating si Nora Aunor kahit pa pinadalhan siya ng imbitasyon, kahit ang anino lang ng Superstar ay hindi nakita sa okasyon, kaya lalong lumutang ang kakaibang respetuhang namamagitan kay Lotlot at sa kinagisnan niyang amang si Christopher de Leon.

Sabi ng isang nasa umpukan, “Ibang-iba si Boyet, mula noon hanggang ngayon, e, pinaninindigan niya ang pagiging father kay Lotlot. Marami siyang kuwento, may mga binabalikan siyang scenario noong bata pa si Lotlot.

“Alam mo na sa pagitan nila ni Nora, e, mas malapit talaga si Lotlot sa daddy niya. Kung dumating kaya si Nora doon, e, marami rin siyang maikukuwento tungkol sa relasyon nila ni Lotlot? May mga istorya rin kaya siyang maise-share tungkol sa kabataan ng anak niya?

“Baka naman iyon ang iniintindi niya, kaya hindi na lang siya nagpunta sa kasal? Sinabi rin naman ni Lotlot na lola niya ang tumanggap sa kaniya noong dalhin siya sa bahay ni Nora, di ba?” nag-aalalang komento ng source sa umpukan.

Inaasahan na ng mga malapit kay Nora na hindi siya darating sa okasyon. Nagpupustahan pa nga ang iba, sa darating si Nora o hindi, panalo ang mga nagsabing kahit anino lang ng Superstar ay hindi makikita sa kasal ni Lotlot.

Nakapanghihinayang ang relasyon ng mag-iina. Hindi lang naman kasi si Lotlot ang hindi nakakatinginan nang maayos ngayon ni Nora, pati sina Ian, Kenneth at Kiko ay ganoon din, si Matet lang ang nakikita niya paminsan-minsan.

Ang mas nakapanghihinayang na lantad na dahilan kung bakit nagkaroon ng gap ang mag-iina ay dahil lang sa isang tao, si John Rendez, na hanggang ngayo’y hindi pa rin tanggap ng mga anak ng Superstar.

May mga nagkokomento na selfish ang kaniyang mga anak, kaisa-isang kaligayahan ng kanilang ina ay hindi pa maibigay ng mga ito kay Nora, pero mahaba pala ang pinanggagalingan ng kuwentong iyon.

May sariling dahilan ang magkakapatid kung bakit gusto nilang mawala na si John sa buhay ng kanilang ina. Para rin iyon sa kapakanan ni Nora.

Angel Locsin – Paboloso sa The General’s Daughter

Panay-panay na ang pagpapasilip ng ABS-CBN sa trailer ng bago nilang ihahaing serye, ang The General’s Daughter, nagtatanungan na lang ang manonood kung aling serye ang papalitan nila.

Sa takbo ng kuwento ng dalawang serye nila, ang Ngayon At Kailanman at Halik, ay parang papunta na sa pagtatapos ang dalawang serye.

Nababaligtad na ang istorya, nagdurusa na ang mga nagmalabis, kaya alin kaya sa dalawang seryeng ito ang hahalinhan ng The General’s Daughter?

Paboloso ang dating ng bagong serye, may mahalagang role si Maricel Soriano sa kuwento, si Angel Locsin ang bumibida.

Kailangan pang magbawas ng timbang ng aktres, halatado sa ilang eksena sa trailer ang malaki pa rin niyang bulto, sa personal ay maaaring ayos na ang kaniyang timbang pero malaki ang nadadagdag kapag humaharap na ang mga artista sa mga camera.

Sa kaniyang ganda ay wala nang kuwestiyon kay Angel Locsin, isa siya sa nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha, konting bawas na lang sa timbang ang kailangan pa niyang pagsikapan.

Kilalang-kilala ang Dos sa paggawa ng mga seryeng katutuk-tutok, siguradong iinit din ang suporta ng publiko sa The General’s Daughter, oras na lang ang hinihintay ngayon ng mga kababayan natin kung sa anong time slot iyon ilalagay.

JoshLia – Nakaplantilya na ang next film nila Joshua at Julia

Sa daloy ng kuwento ng Ngayon At Kailanman ay parang mamamaalam na ito sa ere.

Malamang na ang papalitan ng The General’s Daughter serye ni Angel kung saan may mapaghamong role din si Maricel Soriano ay ang kina Joshua Garcia at Julia Barretto. Isa ang Ngayon At Kailanman sa mga palabas ng Dos na saktung-sakto ang timpla. Tamang istorya, mga tamang artista, may lalim ang hugot ng kuwento.

Kaya naman pala nakaplantilya na ang susunod na pelikulang gagawin ng JoshLia. Magpapaalam ang kanilang serye na baun-baon nila ang paghanga ng manonood dahil minsan pang pinatunayan ng loveteam na ito na puwede silang isalang sa kahit anong klase ng role.

Alden Richards – Sikat pa rin kahit mahina na ang AlDub

Sinasamantala ni Alden Richards ang buong panahon ng bakasyon nila ng kayang pamilya sa Japan sa pamamasyal, pagtulog nang mahabang oras at pagba-bonding lang.

Utang na loob ni Alden iyon sa kaniyang sarili, regalo na rin, dahil mula noong 2015 ay sagaran na ang kaniyang pagtatrabaho.

Mahirap makakuha ng bakasyon ang mga personalidad na kasingsikat ni Alden, oo na ay hindi pa pala puwede, dahil may pumapasok na mga bagong trabaho na hindi maaaring ipagpaliban.

Alok na TV commercial na milyunan ang halaga ng kontrata. Kahit naman siguro sinong artista ay hindi tatanggi sa ganoong kagandang oportunidad. Ilang oras na trabaho lang iyon, pinakamatagal na ang isang buong araw, busog na naman ang kanilang bulsa.

Pansamantalang kinalimutan ni Alden ang mga intrigang bahagi na ng kaniyang pang-araw-araw na buhay bilang isang artista. Kailangan niyang ituon sa kaniyang pamilya ang panahon dahil kapag nandito siya ay bihira lang silang magkita-kita.

Tama lang iyon. Kung makina nga ay pinagpapahinga para mapakinabangan pa uli, katawan pa ba naman ang ating pagdadamutan, tama lang na paminsan-minsan ay nakatatakas ang Pambansang Bae sa kaniyang trabaho.

Napahiya ang mga humula noon na kapag lumamig na ang tambalan nila ni Maine Mendoza ay pupulutin na sa kangkungan si Alden. Hindi iyon naganap, pareho lang sila ni Maine na mayroong career kahit hindi na ganoon kainit ang AlDub, suportado pa rin sila ng kanilang mga tagahanga.

Isa sa pinakamagandang katangian ni Alden Richards ang hindi pagpatol sa mga bashers, maaga niyang na-master ang pamimili lang ng giyerang papasukin niya.

Hanggang ngayon ay kakabit pa rin ng kaniyang pangalan ang pagiging mapagkumbaba, hindi pinagbabago ng kasikatan at magandang suwerte, may mabuting puso sa panloob at panlabas.

Regine Velasquez – Kaniya ang entablado, buhay na buhay mag-host

Pansin na pansin na inaangkin talaga ni Regine Velasquez ang entablado ng nilipatan niyang musical variety show, ang ASAP Natin ‘To, dahil hindi lang siya magaling na performer kundi buhay na buhay siyang mag-host.

Punumpuno ng energy si Regine, parang wala siyang kapaguran, kahit saan siya ilagay na segment ay wala ka nang hahanapin pa kapag hawak na niya ang mikropono.

At kapag kumakanta na ang Asia’s Songbird ay hawak niya sa leeg ang manonood, parang walang humihinga at nakanganga lang habang bumibirit na siya, wala pa ring kupas ang kaniyang talento.

Huwag na lang pansinin ni Regine ang mga bashers na hanggang ngayo’y paborito siyang pakainin ng ampalaya at pahigupin ng apdo, ang kaniyang performance sa ASAP Natin ‘To lang ang maibabalik niyang sagot, hindi niya sinayang ang inaasahan sa kaniya ng publiko nang magdesisyon siyang kumabilang-bakod sa Dos.

Kapag nagdu-duet na sila ni Sarah Geronimo ay para lang siyang kumakain ng kornik, pansin na pansin din na hindi siya makasarili, binibigyan niya ng moment si Sarah.

Janno Gibbs – Napaka-iresponsable kaya wala na ang career

Si Bing Loyzaga agad at ang kanilang mga anak ni Janno Gibbs ang naisip namin nang lumabas ang sex video ng singer-actor. Ano na lang ang sasabihin ng kaniyang mag-iina sa kalahayang ito?

Sa impormasyon ng malalapit sa mag-asawa ay hindi na sila magkasama sa isang bubong, pero ilang hakbang lang ang layo ng kanilang tinitirhan, malaya pa ring nakadadalaw si Janno sa kaniyang mag-iina.

Kalat na kalat na ang sex video ni Janno Gibbs, mayroon siyang ka-chat at patayo niyang ginagawa ang paglalaro sa kaniyang sarili, siguradong nakaabot na rin sa kaalaman ni Bing at ng kanilang mga anak ang kuwento.

Depressed daw kasi si Janno dahil wala na siyang proyekto. Napakagasgas nang dahilan dahil malawak ang oportunidad na nag-aabang sa kaniya pero siya naman ang nagtatamad-tamaran.

Palagi siyang late sa kaniyang mga kompromiso, palagi niyang sinisisi ang kaniyang pagiging insomniac, kaya hirap na hirap siyang gumising.

Ilang taon ba niyang gagamitin ang ganoong dahilan? At sa paglabas ng kaniyang sex video ay mas ibinaon pa niya ang naghihingalo na niyang career para tuluyan nang mamatay.

Hindi depression iyon. Pagiging iresponsable ang ginawa ni Janno Gibbs. Siya mismo ang sumisira sa kaniyang kinabukasan bilang singer-actor.

John Lloyd Cruz – Hindi totoong nagbalik-showbiz na si JLC

Naunsiyami ang pag-asa ng mga tagahanga ni John Lloyd Cruz na malapit nang magbalik-showbiz ang kanilang idolo. Lumutang pa noon ang kuwento na tumatawag siya sa mga taga-Star Magic pero wala naman palang katotohanan ang lumabas na istoryang gusto na uli niyang umarte.

Nasa estado pa rin ng pagpapahinga si JLC, ninanamnam pa niya ang pagiging ama sa anak nila ni Ellen Adarna, kung kailan niya maiisipang umarte uli dahil nabuburyong na siya sa paghehele sa kanilang baby ay walang nakakaalam.

Kapani-paniwala ang opinyon ng marami na siguro nga’y maayos na napaghandaan ng magaling na aktor ang kaniyang kinabukasan. Kung walang sapat na ipon si JLC ay hindi tatagal nang ganito ang hindi niya pagtatrabaho.

Maraming personalidad ang gusto na ring magpahinga at namnamin ang pagiging ordinaryong mamamayan pero hindi iyon magawa-gawa dahil sa matinding pangangailangan. Kailangan pa rin nilang magtrabaho para kumita. Hindi pa panahon para sila huminto sa pagharap sa mga camera.

Alangan namang kay Ellen Adarna siya umasa? Maprinsipyo sin John Lloyd, hindi niya gugustuhing iasa na lang sa kaniyang karelasyon ang kanilang buhay at ang mga pangangailangan ng kanilang anak, hindi si JLC iyon.

Sabi nga ay iba ang adiksiyon ng showbiz. Basta nakapasok ka na sa mundong ito ay hindi ka na makaaalis maliban na lang kung maysakit na ang artista at hindi na kayang magtrabaho.

Maingat sa kaniyang kinikita si John Lloyd, nakapagpundar na siya ng mga ari-ariang anumang oras kapag gusto niya nang ibenta ay malaking pera pa rin ang katapat, milyunan pa rin.

Siguraodng nami-miss na ng magaling na aktor ang pag-arte, pero nagmumuni-muni pa muna siya ngayon, para sa mga artistang ilang dekada nang nagtatrabaho nang walang pahinga halos ay kasabik-sabik ang isang normal na pamumuhay.

Pero siguradong babalik pa rin si John Lloyd Cruz. Tamang panahon na lang ang pinagtatalunan ngayon kung kailan siya uli haharap sa mga camera.

Kris Aquino – Wish na sana ay magkaroon na siya ng mamahalin

May mga tagahanga si Kris Aquino na nagwi-wish na sana, sa pagpasok ng 2019 ay magkaroon na siya ng mamahalin na magmamahal din sa kaniya, para kumpleto na araw ang kaniyang buhay at kaligayahan.

Pagkatapos nilang maghiwalay ni James Yap ay si Mayor Herbert Bautista ang pinakamaingay niyang nakarelasyon. Pero maligalig ang kanilang samahan, minsang okey sila, mas madalas na hindi.

Nasa kaniya na nga naman ang lahat, wala na siyang mahihiling pa, usapin na lang ng puso ang kailangang punuan dahil ilang taon na siyang walang lovelife.

May mga nagpaparamdam, pero hindi pa nga siguro panahon para makipagrelasyon si Kris, marami pa siyang inaayos sa kaniyang buhay na nangangailangan ng atensiyon.

Kailangang-kailangan muna niyang tiyakin na maayos na ang kaniyang pisikal na kundisyon. Nahihiya naman siyempre si Kris na ang magiging karelasyon niya pala ay magiging doktor o nurse lang niya sa pag-aalaga sa kaniya.

At naniniwala kami na kahit ayaw pa niyang makipagrelasyon, kapag dumating na ang tamang tao na magmamahal sa kaniya, ay wala nang magagawa pa si Kris.

Isa lang naman ang kaniyang hinahanap. Isang lalaking hindi lang siya ang mamahalin kundi pati ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby. Darating iyon. Sa tamang panahon.

Bong Revilla – Nag-Noche Buena kasama na ang pamilya

Pinakamaligayang Pasko talaga para kay dating Senador Bong Revilla, pagkatapos nang mahigit na apat na taon ay pinagsaluhan nila muli ng kaniyang pamilya ang Noche Buena.

Nand’yan pa rin ang paninibago, ang hindi agarang pagdalaw sa kaniya ng antok, para nga naman siyang isda na mula sa tubig ay inilipat sa lupa.

Pero ang mahalaga ay magkakasama na silang mag-anak ngayon, hindi na siya dadalawin pa sa PNP Custodial Center para makita lang, at masayang-masaya si Senador Bong dahil anumang oras niyang gustong makita ang kaniyang mahal na ama ay napakadali niyang nagagawa iyon.

Sa isang kuwentuhan namin ng aktor-pulitiko noong nasa piitan pa siya ay madalas niyang sabihin, “Ang inaalala ko, e, ang daddy ko. Bihira kaming magkita. Kapag nasa ospital lang siya at pinapayagan akong makadalaw sa kaniya.

“Pero napakalimitado ng oras, gusto ko pa siyang makasama, pero kailangan ko nang bumalik uli dito. Nakakalungkot,” emosyon ni Senador Bong.

Sa kaniyang paglaya ay naghahabol siya sa panahon, bumabawi siya sa mga pagkakataong hindi sila nagkakasama ng kaniyang ama, lalo na’t lagi na itong may dinaramdam sa katawan.

Kumpleto ang kanilang pamilya ng nakaraang Pasko. Mula sa kaniyang mga anak hanggang sa kanilang mga apo ni Mayor Lani Mercado ay sasalubungin nila ang Bagong Taon sa taong ito.

Walang nagbabago sa kaniyang itsura, hindi binawasan ng pagkapiit ang kaniyang kaguwapuhan, siya pa rin ang aktor-pulitiko na kapag ngumingiti na ay may kakambal na matinding karisma.

Mocha Uson – Waley na! “La Ocean Deep” na ang kinakanta

Tahimik na tahimik ngayon ang mundo ni Mocha Uson. Kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay siya lang ang nakakaalam. Mula nang mabulilyaso ang kaniyang puwesto sa pamahalaan ay nanahimik na ang dating sexy performer.

Ilang panahon ding nakipagsayaw sa huwad na kapangyarihan si Mocha. Palihasa’y dikit siya sa pundilyo ng pangulo, ang akala niya’y panghabambuhay na ang lahat, doon siya nagkamali.

Sino mang pinuno ng bansa, kapag nakakaramdam nang hindi makabubuti sa kaniyang pamahalaan ang mga ginagawa ng kaniyang alipores, ay nagigising din sa katotohanan.

Tinatanggal nila sa posisyon ang mga hindi na nga nakadadagdag ay nakababawas pa sa kanilang pamamahala. Ganoon ang eksaktong naganap kay Mocha Uson.

Tuluy-tuloy pa rin ang kaniyang pagba-blog, pero kapansin-pansin na nabawasan na ang kaniyang mga tagasuporta, kumalas na kay Mocha Uson ang mga dating handang makipaglaban na tulad niya.

Iba ang postura noon ni Mocha, lalo na noong mga panahong palagi siyang ipinagtatanggol ng pangulo, kung lait-laitin niya ang media ay parang kumakain lang siya ng butong-pakwan.

Nandito pa rin ang mga taga-media na tinatawag niyang mukhang pera, na mga bayaran ng mga kalaban, pero nasaan na ba si Mocha Uson ngayon?

Waley na! Kakantahin na rin niya ang piyesang “La Ocean Deep.” – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Enero 16-31, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 16-31, 2019

      Calvin Abueva & pamilya
 
Calvin Abueva & pamilya
  Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli
 
Robin Padilla
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Bong Revilla Jr.
 
Bong Revilla Jr.
  Piolo Pascual
 
Piolo Pascual
  Herbert Bautista & Kris Aquino
 
Herbert Bautista & Kris Aquino
  Kris Aquino / Gretchen Barretto
 
Kris Aquino / Gretchen Barretto
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban
  Ellen Adarna & John Lloyd Cruz
 
Ellen Adarna & John Lloyd Cruz
  Nora Aunor & John Rendez
 
Nora Aunor & John Rendez
  willie and family
 
Willie Revillame & pamilya
  Coco Martin
 
Coco Martin 

Vice Ganda – Bigo dahil bumalik na si Calvin sa asawa

Kahit sa mundo ng basketball ay kalat na kalat na ang kuwentong ipinabalik ng misis ni Calvin Abueva ang regalong ipinadala ni Vice Ganda sa kaniyang inaanak.

Iyon ang unang idinadahilang sangkalan nina Vice at Calvin noong bago-bago pa lang na pumuputok sa publiko ang kanilang closeness. Dati na raw silang magkaibigan dahil inaanak nga ng komedyante-TV host ang isang anak ng baskebolista.

Pero mukhang ang pagkakaibigan nila ay mas lumalim pa, hanggang sa naging tuksuhan na nga ang pagiging palagi nilang magkasama, na pinaninindigan naman ni Abueva. Matagal-tagal ding idinuyan sa kaligayahan si Vice Ganda ng closeness nila ni Calvin.

Pero biglang nagkasundo na si Calvin at ang misis nitong pansamantalang nakahiwalay, biglang naisantabi ang pagpapakilig nila ni Vice, nalungkot siyempre ang sikat na komedyante nang sabihin ni Abueva na iba ang kaibigan at iba ang asawa.

Doon na kumalat ang kuwentong kumita man nang napakalaki ang pelikula ni Vice ay hindi pa rin kumpleto ang kaniyang kaligayahan, kasi nga ay parang basta na lang siya iniwan ni Calvin, nakipagbalikan na ito sa kaniyang misis at ipinasoli pa nito ang pamasko niyang regalo sa kaniyang inaanak.

Sabi ng isang direktor na berdaderong bading na nakakuwentuhan namin, “I feel sorry for Vice, naniwala kasi siya na mahal na mahal talaga siya ng guy. Pero sorry, ha? Siya lang naman ang naniniwala na paninindigan talaga ng lalaki ang love nila sa isa’t isa.

“Tama na ang paasa, tama na ang ilusyon. Palagi na lang ganyan. Kapag gipit, sa beki kumakapit!” natatawang komento ni directed by.

Sarah Geronimo – Napapanahon na para magpakasal

OO naman. Hinog na hinog na ang edad ni Sarah Geronimo para mag-asawa siya. Napapanahon na talaga para magpakasal sila ni Matteo Guidicelli na mula noon hanggang ngayon ay nagpapakita ng magandang layunin sa dalaga.

Napakalaki na ng milagrong nagawa ni Sarah para sa kaniyang pamilya. Naitaas niya na ang kaledad ng kabuhayan showcase nila, lahat-lahat ay naibigay na niya, kaya kailangang ang sariling buhay niya naman ang tutukan ngayon ni Sarah.

Wala pa silang ipinapahayag ni Matteo tungkol sa napapabalitang pagpapakasal nila pero kung totoo ngang engaged na sila ay napakaraming magiging maligaya lalo na sa parte ng Popstar.

Ang kasunod ng pagharap sa altar ay ang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya. Kung bibilang pa nang maraming taon bago magpakasal si Sarah ay baka mahuli na siya sa biyahe para magkaroon sila ng anak ni Matteo.

Ilang taon na ba si Sarah ngayon? Ilang taon pa ay hindi na matutupad ang kagustuhan nilang magkaroon ng mga anak na kasabay nilang maglalakihan.

Kaya hiling ng kaniyang mga tagahanga ay sige na, totoo na sanang magpapakasal ang kanilang idolo, para makita na agad ng kaniyang mga tagahanga ang kanilang pamangkin. 

Robin Padilla – Gaganap na General Bato sa bio-pic

Pumalag ang kampo ni General Bato dela Rosa kung bakit may mga kumokontra sa pagpapalabas ng kaniyang life story na ginagampanan ni Robin Padilla.

Electioneering na raw kasi iyon, napakarami namang pagkakataon para isapelikula ang buhay niya, pero bakit ngayon pang kakandidato siyang senador at saka ipanganganak ang proyektong iyon?

Natural, ipinagtanggol si General Bato ng kaniyang mga abogado, sa February 12 pa naman ang opisyal na pagsisimula ng kampanya ng mga senatorial candidates kaya bakit si General Bato lang ang tinututukan ng mga isyu?

Hindi raw naman ang opisyal ng PNP ang gumaganap, si Robin Padilla naman, kaya ano ang krimen kung ipalabas iyon bago dumating ang opisyal na kampanyahan?

Napakalaki ng bentaheng nakukuha ng mga kakandidatong personalidad na gabi-gabing napapanood sa matagumpay na Ang Probinsiyano. Mataas ang posisyon sa pinakahuling survey ni dating Senador Lito Lapid.

Napakalaking bagay para sa aktor-pulitiko ang pagtutok ngayon ng seryeng pinagbibidahan ni Coco Martin sa nabuo nilang pagmamahalan ni Angel Aquino. May kilig ang kanilang mga tagpo, parang nagbalik ang alaala ni Leon Guerrero sa eksena nilang nangangabayo ng magandang aktres, napakasuwerte naman ni LL.

Pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang pag-alis nito sa Ang Probinsiyano, hanggang bago mag-February 12 na lang ang kaniyang exposure, balita nami’y bibitiw na ito sa pagiging Pinuno at magbubuo na sila ni Angel Aquino ng sarili nilang pamilya sa isang malayong lugar na hiwalay na sa grupong Vendetta.

Limitado na rin ang partisipasyon nina Edu Manzano, Jhong Hilario, Mark Lapid at Roderick Paulate, bago mag-March 29 ay kailangang wala na sila sa serye, dahil tututukan na nila ang kampanyang lokal.

Napakaraming artistang pumasok na sa mundo ng pulitika ang natutulungan ni Coco Martin. Ninong ang tawag sa kaniya ng mga kapuwa nito artista dahil totoo namang hindi mababayaran nang kahit magkano ang exposure na nakuha ng mga ito mula sa kaniya. 

Angel Locsin – Nagbabalik sa The General’s Daughter

Ang pagbabalik ng nag-iisang Angel Locsin! Napakasarap sa pandinig ng linyang ginamit ng Dreamscape Productions sa muling pagbibida sa telebisyon ng aktres sa

Ang ganda-ganda ni Angel sa lahat ng shots, alagang-alaga siya ng mga camera, ngayon pa lang ay hawak na sa leeg ng The General’s Daughter ang manonood sa laki ng casting nila.

Isang dahilan na naman ang seryeng ito para mainis nang todo ang mga kababayan natin dahil sa matinding traffic. Kailangang masimulan ang serye para hindi tayo maligaw sa pagsubaybay. Mahalaga ang unang sultada ng bawat serye dahil doon nag-uugat ang daloy ng istorya.

Natuto na kami, sa halip na ma-stress sa matinding traffic gabi-gabi ay namuhunan na kami ng recorder, tatlong serye ang ipinate-tape namin na nagsisimula sa Ang Probinsiyano.

Pinanonood namin ang tatlong sunud-sunod na serye ng ABS-CBN bago kami matulog. Wala pang patalastas, tuluy-tuloy ang mga eksena, hindi pa kami naiinis gabi-gabi sa pagiging traffic capital of the world ng Pilipinas. 

Bong Revilla, Jr. – Mataas ang rating sa mga voters’ survey

Sa pamamagitan ni Kabsat Portia Ilagan ay nainterbyu namin sa Cristy Ferminute si dating Senador Bong Revilla, Jr. noong Miyerkules nang hapon.

Isang salu-salo ang iniregalo sa kaniya ni Mother Lily Monteverde kasama ang mga press people, sabik na sabik na siyang makausap ng mga reporters dahil hindi naman lahat ay nabigyan ng pagkakataong madalaw siya noon sa PNP Custodial Center, kaya walang nasayang na panahon sa kanilang tanungan-sagutan.

Good afternoon pa lang ang nasasabi ni Senador Bong ay sunud-sunod nang text messages sa FB Live ang tinanggap namin. May mga mensaheng galing pa sa iba-ibang bansa, kinilabutan daw sila nang marinig ang boses ni Senador Bong, ang kanilang idolo.

Maligaya na siya ngayon dahil kapiling niya na ang kaniyang pamilya na halos limang taon na ipinagdamot sa kaniya pero hanggang ngayon ay parang masamang panaginip pa rin para sa aktor-pulitiko ang kaniyang pakiramdam kapag bumabalik sa kaniyang isip ang maglilimang taon niyang pagkakulong.

“Napakaigsi lang ng buhay ng tao, pero kinuha pa nila ang halos limang taon ng buhay ko, napakalungkot. At hindi lang iyon. Bago nila ako ipinakulong, mahigit na isang taon muna nila akong winasak-wasak, siniraan, talagang lahat ng paninira, natikman ko,” emosyonal na pahayag ni Senador Bong.

Pero laging may nakatakdang panahon ng rebelasyon, pinatunayan ng Sandiganbayan na wala siyang kasalanan, hindi siya nagkasala sa batas at wala siyang ninakaw na pera ng bayan o ninuman.

Nag-iikot na uli siya ngayon sa ating bansa, minsan pa ay humihiling siya ng tiwala sa ating mga kababayan para makabalik siya sa Senado sa darating na halalan, isang kahilingan na hindi na siya mahihirapang tanggapin dahil marami na siyang napatunayan at nagawa bilang serbisyo-publiko.

Mataas ang kaniyang rating sa mga survey. Isang malinaw na barometro iyon para malaman natin na buung-buo pa rin ang kaniyang dignidad at kredebilidad sa pannaw ng ating mga kababayan. 

Piolo Pascual – 42 anyos na ang napakaguwapong Papa P

Nag-kuwarenta’s dos anyos na si Piolo Pascual nitong nakaraang January 12. Natural, binigyan ng importansiya ng ASAP Natin ‘To ang 19 years nang bahagi ng Sunday show, nag-duet sila ni Regine Velasquez.

Siyempre, kailangang tanungin ang nagdiriwang ng kaarawan kung ano ang birthday wish niya, pero nagpasakalye na ang Asia’s Songbird, “Ano ba ang New Year’s resolution mo? Ang magka-girlfriend ka na?”

Ang sagot naman ni Papa P, “Ah, nanginig, e, ‘no? Ah, let’s see…” Parang naging awkward para kay Piolo ang tanong ni Regine, pero nakabawi rin naman siya agad, “Sana, magkaroon na ng kapayapaan sa mundo. World peace.”

Komento ni prop, “Hala! Nakita mo iyon? Napanood mo? Parang naloka si Piolo sa tanong ni Songbird! Nabigla siya, aminado si Papa P na nanginig siya sa question sa kaniya ni Regine!

“Ito naman kasing si Regine, kung anu-ano ang itinatanong kay Papa P! Pero wala naman siyang malice sa tanong niya, e! Gusto lang niyang malaman kung sesentrohan na ni Papa P this year ang lovelife niya!” tawa nang tawang pagpansin ni prop.

Sobrang panahon na naman talaga para magkaroon ng karelasyon si Piolo, kuwarenta’y dos anyos na siya, kailangan na talaga niyang magpamilya.

Gusto ba niyang tumandang-binata siya? Papalag ang kaniyang mga tagahanga, kailangang kumalat ang kaniyang lahi, dahil sayang naman ang kaguwapuhan ni Papa P! 

Kris Aquino – Tinuldukan na ang usapan tungkol kay Bistek

Tinuldukan na ni Kris Aquino ang kung anumang natitira pang alaala tungkol sa naging relasyon nila ni Mayor Herbert Bautista.

Tapos na raw iyon, madiing sabi ni Kris, pero kasabay ng desisyon niyang tapusin na ang nakaraan ay nandoon pa rin ang kaniyang papuri sa aktor-pulitiko na kahit minsan ay hindi nagbigay sa kaniya ng sama ng loob kahit sa text lang.

Iyon din daw ang pinakagustong pangyayari ni Bimby, nirespeto raw ng mayor ng Kyusi ang kaniyang mommy, kaya mananatili itong kaibigan ng kanilang pamilya.

Dapat lang namang kalimutan na ni Kris ang namagitan sa kanila ni Mayor Herbert, napakatagal na noon, marami nang naganap sa kani-kanilang buhay.

Kailangan nang tutukan ni Kris ang kaniyang kinabukasan. May matinding laban siyang kinakaharap ngayon, ang kaniyang kalusugan, kailangan niyang bumalik uli sa Singapore para malaman ang kinalabasan ng mga tests na ginawa sa kaniya ilang buwan na ang nakararaan.

Ang dami-dami niyang tests na pinagdadaanan ngayon. Bukod sa lupus na pinoproblema niya ay isinama niya na rin ang pagbabantay sa kaniyang colon, ang naging dahilan ng pamamayapa ng kaniyang inang pangulo, pati na ng iba pa nilang mga kamag-anak.

Ang dami-dami niyang dapat gawin, nakabimbin ang kaniyang mga proyekto, ang mga gagawin niyang pag-eendorso ng mga bagong produkto na dapat sana’y nagawa niya na noon pa.

Maging maayos na sana ang kalusugan ni Kris sa taong ito. Nagbigay nang matinding stress sa kaniya iyon, may sapat man siyang pambili ng gamot at pampaospital ay hindi pa rin naging sagot iyon sa kaniyang allergies.

Napakakinis niya pa naman. Kagat nga lang ng lamok ay kitang-kita na sa kaniyang kutis. May makatapat sanang lunas ang matagal na niyang pinoproblemang sakit sa balat. 

Gretchen Barretto – Bakit kaya binu-bully si Kris?

Siguradong may nagbawal na kay Gretchen Barretto sa kaniyang kalokahang pakikisawsaw sa isyung kinapapalooban ni Kris Aquino, may nagmando siguro sa aktres na magtigil na, bago pa makalkal ang mga sarili niyang kalabisan at kakapusan.

Isang tunay at berdaderong Cojuangco ang kaniyang pinasasaringan na bully at mahilig gumamit ng kapangyarihan, hindi niya iyon maikakaila, maselan ang sinaling niyang paksa.

Hindi nga ba’t sa unang araw pa lang ng pakikisawsaw ni Gretchen ay nakatikim na siya agad ng masasakit na pasaring? Naungkat tuloy pati ang pagpapalabas sa kaniya sa elevator ng ina ng kaniyang ka-live-in.

Totoo man o kuwentong-kutsero lang ang tungkol doon ay napahiya pa rin ang aktres, lalo na’t tinawag pa siyang nagpapanggap na miyembro ng pamilya Cojuangco, kung saan lehitimong kabilang ang aktres-TV host.

Sabi nga ng isang nakausap namin, “Ayaw na ayaw niyang tinatawag siyang laos, pero ano ba itong mga pinaggagagawa niya? Trabaho ‘yan ng laos!

“Nagpapansin, nangbu-bully, sino ba ang tunay na bully at gumagamit ng huwad na kapangyarihan? Magsalita nga siya! Bakit hindi niya harapin ang mga pang-uupak sa kaniya sa social media?

“Nagtatapang-tapangan ang sawsawerang hitad na ‘yan, pero isinarado niya naman ang comment section ng account niya!” inis pang sabi ng isang nagkakaedad nang female personality laban kay Gretchen Barretto.

Kaya naman saludo sa naging tugon ni Kris sa pakikisawsaw ni Gretchen. Sa halip na resbakan ni Kris ng mga salitang nakapananakit ng damdamin si Gretchen ay mas naging makabuluhan para sa kaniya ang pagbabalik sa panahong nangangailangan ng suporta sa eleksiyon ang namayapa niyang ina.

At isa si Gretchen sa mga personalidad na nangampanya para kay Tita Cory, naglaan ng panahon si Gretchen na siguradong kahit paano’y nakakuha ng boto para sa kandidatong ina ni Kris laban sa mga Marcos, ‘yun ang mas pinahalagahan ni Kris.

Napakagandang sagot. Sa halip na kalabanin niya si Gretchen na halatado namang naghahanap ng away ay humakbang nang patalikod si Kris.

Pero sa patalikod niyang hakbang ay binigyan niya ng importansiya ang minsan isang panahong suportang ibinigay ni Gretchen sa kaniyang pamilya.

At ganoon talaga si Kris. Saktan mo na siya, huwag lang ang kaniyang mga magulang, huwag lang ang kaniyang mga anak at kapatid.

Napakapositibong tugon. Pahiya si Gretchen na umaasang papatulan ni Kris ang kaniyang mga patutsada. 

Angelica Panganiban – Hindi pa nakapagmu-move-on, kailan kaya?

Mas maraming naniniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagmu-move-on si Angelica Panganiban sa nakaraan nilang relasyon ni John Lloyd Cruz.

Ayaw bilhin ng mas nakararami ang kusang paglayo ng aktres kay Carlo Aquino nang dahil lang sa mga namba-bash sa kaniya. Napakababaw na dahilan noon para sa mga miron.

Kilala si Angelica sa pagkakaroon ng paninindigan. Matapang ang aktres. Walang kahit sinong puwedeng manghimasok sa mga gusto at ayaw niyang gawin.

Pero dahil siya na mismo ang kusang naglalayo ng kaniyang sarili ngayon kay Carlo dahil sa mga namba-bash at sumisira sa kanilang relasyon ay mas lumutang ang paniniwala ng ating mga kababayan na hindi pa rin nakalilimot si Angelica sa dating relasyon nila ni JLC.

May anak na sina Lloydie at Ellen Adarna, maligaya ang dalawa sa kanilang pagsasama, pero ayon sa mga nagmamasid ay naglulubalob pa rin sa nakaraan si Angelica.

Love on the rebound lang daw kasi si Carlo Aquino, hindi niya naman daw talaga mahal ang binatang aktor, naging close lang daw uli ang dalaga sa kaniyang childhood sweetheart para makalimot siya kay JLC. 

John Lloyd Cruz at Ellen Adarna – Bininyagan na ang anak

Bininyagan pala ang anak nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna noong December 23. Kasabay ng binyagan ang paglutang ng balita na nagpakasal na rin daw sina JLC at Ellen.

Kung totoo nga ang kuwento ay napakagandang pangyayari noon na dapat ikatuwa ng malalapit sa dalawa dahil ginawa na nilang legal ang kanilang relasyon.

Kung totoo ngang nagpakasal na sila sa araw ng binyag ng kanilang anak ay nangangahulugan lang na ang relasyong pinagdudahan noon ng marami ay mauuwi pala sa altar.

Ang pagbabalik na lang ni JLC sa pag-arte ang hinihintay ngayon ng marami. Nasasayangan ang mga tagahanga ng magaling na aktor sa mga oportunidad na dapat ay napupunta sa kaniya.

Pero may isang kaibigan kaming pinagsabihan ni Lloydie na hindi pa niya naman tinatalikuran ang pag-aartista.

Kuwento nito, “Nandoon pa rin ang passion niya, hindi na mawawala iyon, naging mundo na niya sa pinakamahabang taon ang showbiz, hindi ganoon kadaling talikuran ni Lloydie ang naging mundo niya for the longest time.

“Noong magkita kami, e, napakasimple niya. I know what he wants to imply, nagpapahinga lang siya. Iyong nakalalabas siya nang naka-shorts at t-shirts lang.

“Iyong nakakatulog siya nang mahabang oras dahil wala siyang iniintinding trabaho. Nakakaburyong naman talaga ang ganoon, iyong parang wala na siyang sariling buhay,” kuwento ng aming kaibigan.

Isang malaking check iyon. Umaabot talaga ang mga sikat na artista sa puntong pinaniniwalaan na nila ang kasabihang it’s lonely at the top. 

Nora Aunor – Si John Rendez ang balakid sa magandang kapalaran

Natapos ang 2018 na bigo ang mga umaasang matutulayan na ang malaking problema sa pagitan ni Nora Aunor at ng kaniyang mga anak. Taun-taon na lang ay iyon ang hiling ng mga nagmamahal sa mag-iina.

Pero mahabang panahon na ang lumilipas na ganoon pa rin ang sitwasyon, kahit ang tunay na anak ng Superstar na si Ian de Leon ay hindi niya kasundo, malawak ang gap ng mag-ina.

Maganda na sanang pagkakataon ang nakaraang kasal ni Lotlot de Leon para matagpian ang matagal na nilang problema pero hindi naman dumalo si Guy. Sayang na sayang.

Isang common friend namin ni Nora ang nakakuwentuhan namin, ayon sa aming kaibigan ay mahihirapan na ang kahit sinong baklasin sa buhay ng aktres si John Rendez. Magtatangka ang marami, pero mabibigo lang, dahil napakalalim na ng kapit nito sa sistema ng Superstar.

Komento ng aming kaibigan, “Noong palagi pa kaming magkakasama, kapag hindi naririnig ni John, e, sobra ang papuri niya. Si John lang daw ang taong naka-close niya na hindi nang-iwan sa kaniya.

“Noong nasa Amerika raw sila, e, si John lang ang nag-aalaga sa kaniya kapag maysakit siya. Kahit dito raw, wala namang nagmamalasakit sa kaniya kundi si John lang.

“May malalim na factor na mayroon sa pagiging close nila. Mahihirapan na ang kahit sinong magtatangkang maglayo sa kanilang dalawa,” sinserong sabi ng common friend namin ni Nora Aunor.

Maraming beses nang nagpakumbaba ang kaniyang mga anak para bumalik sa dati ang kanilang relasyon. Pero ayon sa mga nakapaligid sa mag-iina ay si Nora ang nagmamatigas.

“Kasi nga, ang gusto ng mga anak niya, e, lumayo na siya kay John Rendez, himala ang gustong mangyari ng mga bata,” pahabol pa ng aming kausap.

Kontra sa salitang laos ang celebrity psychic na si Attorney Nick Nanguit kapag ang Superstar nang si Nora Aunor ang paksa sa kaniyang panghuhula.

Hindi siya laos, madiing sinasabi nang paulit-ulit ng celebrity psychic, hinding-hindi pa mawawala sa sirkulasyon ang nag-iisang Superstar.

Pero sa kaniyang pagbasa sa mga bituin ng aktres ngayong 2019 ay mayroon nakikita si Atty. Nick na bumabara sa maganda sanang oportunidad na dumarating sa Superstar.

“Mayroong humaharang sa kaniya. iyon ang humihila sa kaniya pababa. Gaano man kaganda ang mga dumarating na pagkakataon sa kaniya, tinatalo iyon ng humharang sa career niya. Hindi siya laos at hindi siya malalaos, kailangan lang niyang alisin ang nakabalandarang harang sa buhay at career niya,” paliwanag ng kilalang celebrity psychic.

Natural, maraming nag-text sa amin habang nagsasalita si Attorney Nick Nanguit, isa lang ang kanilang reaksiyon habang nakikinig ng Cristy Ferminute.

Sabi ng isa naming texter, “Kailangan na talagang mawala sa buhay ni Ate Guy si John Rendez. Iyon din ang dahilan kung bakit sila nagkawatak-watak ng mga anak niya.”

Halos lahat ng mga nag-text sa amin ay ganoon din ang komento, si John Rendez ang humaharang sa career ng Superstar, wala nang iba. 

Willie Revillame – Pinahahalagahan ang kaniyang kapribaduhan

May bagong kinagigiliwang puntahang lugar ngayon si Willie Revillame. Hindi siya dumadayo doon nang siya lang, bitbit ng aktor-TV host ang kaniyang production staff, ilang araw at gabi silang nagpapalipas doon.

May nabiling propyedad si Willie na malapit na malapit lang sa Puerto Galera, ang Mangrove Cove, ipinaaayos na niya ngayon ang kaniyang bahay-bakasyunan sa naturang lugar.

Gustung-gusto ni Willie ang tahimik na kapaligiran, hindi siya naiinip doon, kahit pa may kalayuan sila sa kabihasnan. Para sa isang tulad niya na ilang dekada na sa pag-aartista ay isang napakalaking oportunidad ang mamalagi sa isang lugar na walang intriga at stress.

“Umorder na si Kuya Wil ng mga tent na ilalagay sa palibot ng rest house niya. Kilala n’yo naman iyon, hands-on talaga siya sa lahat-lahat, kailangang siya ang pumipili ng mga fixtures na ilalagay sa property niya,” kuwento ng isang staff ng aktor-TV host.

Iyon si Willie Revillame. Nabuhay siya sa pagkokomedya, sa pagho-host ng kaniyang mga programa, pero maraming hindi nakakaalam kung gaano niya pinahahalagahan ang kaniyang kapribaduhan.

Sabi pa ng sikat na kuya ng ating mga kababayan, “Napakasarap kayang makipag-communication with nature. Walang dialogue, pero ramdam na ramdam mo ang kapayapaan ng kalooban. May peace of mind ka.” 

Coco Martin ­– Siya pa rin ang hari ng primetime

Naging matagumpay ang nakaraang taon para kay Coco Martin. Wala siyang hiniling na hindi niya nakuha. Ang tatlong taon na niyang seryeng Ang Probinsiyano ang may pinakamataas na rating pa rin sa mga primetime shows ng ABS-CBN at GMA-7.

Ang dami-dami nang programang ipinangtatapat sa kaniyang serye pero lahat ay bigo na mapatumba ang Ang Probinsiyano. Siya pa rin ang hari ng primetime.

Pero sa kabila ng kaniyang tagumpay ay napananatili ni Coco ang simpleng buhay kung saan siya nagmula. Lumaki nang todo ang kaniyang pangalan pero hindi siya nakalilimot sa kaniyang pinanggalingan.

Kuwento ng isang manager na malapit kay Coco, “Lahat ng inilalabas niyang amount na pangtulong sa mga nangangailangan, sampung dobleng bumabalik sa kaniya. Sa mga TVC na lang na ginagawa niya, grabe ang pasok sa kaniya ng pera, sobra-sobra iyon sa inaasahan niya.

“Saka napaka-professional niya. Kunwari, may bagyo. Sa ibang artista, enough reason na iyon para ipahinto ang TVC shoot niya. Pero iba si Coco, rain or shine, kailangang tuloy ang trabaho niya.

“Kaya talagang destined siya to become so blessed, ang pagmamahal niya sa trabaho niya ang dahilan, saka ang professionalism na sa kaniya ko lang nakikita,” pagtatapat ng aming source.

Sa mga panahong wala siyang trabaho ay nakikita si Coco Martin ng kaniyang mga ka-subdivision na nagtatanim ng mga gulay sa katabing lote ng kaniyang bahay na nirerentahan niya para gawing mini farm.

Ganoon magmahal ang kapalaran. Kapag iningatan mo ang oportunidad na ibinibigay sa iyo, mas mamahalin ka pa at mas dadagdagan, pero kapag pinabayaan mo ay ipahihiram sa ibang nangangarap para pakinabangan. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Pebrero 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminPebrero 1-15, 2019

      Derek Ramsay
 
Derek Ramsay
  Jinkee & Manny Pacquiao
 
Jinkee & Manny Pacquiao
  Mommy Dionisia
 
Mommy Dionisia
  Nora Aunor
 
Nora Aunor
  Senadora Grace Poe
 
Senadora Grace Poe
  Vice Governor Jolo Revilla
 
Vice Governor Jolo Revilla
  Yam Concepcion
 
Yam Concepcion
  FPJs Ang Probinsiyano
  Arjo Atayde
 
Arjo Atayde
  Maine Mendoza
 
Maine Mendoza
  piolo and inigo
 
Piolo & Iñigo Pascual
  SICK Kris Aquno
 
Kris Aquino
  KRIS AND BIMBY
 
Kris & Bimby
  Gretchen Barretto
 
Gretchen Barretto
  YOUNG Rosanna Roces
 
Rosana Roces - noon
  Rosanna Roces OLD
 
Rosana Roces - ngayon

Derek Ramsay – Napakahalaga sa kaniya ng palabra de honor

Pagdating sa word of honour ay palaging isang personalidad lang ang pumapasok sa aming isip. Si Derek Ramsay. Napakahalaga sa kaniya ng palabra de honor. Ng paninindigan.

Ilang proyekto na ang pinakawalan niya dahil sa kontrata niya sa TV5 na hindi pa tapos. May mga artistang mambabalewala na lang sa ganoon, pero ibang-iba si Derek, marespeto siya sa kaniyang mga katransaksiyon.

Doon din namin pinupuri ang kaniyang manager na si Joji Dingcong, mapagpahalaga rin ito sa mga kontratang pinapasok nila ng kaniyang alaga, puwede naman itong magpaalam pero hindi nito ginagawa.

Tinatapos muna ni Derek Ramsay ang kaniyang pananagutan sa anumang kumpanya, hindi siya mapaparatangan ng kawalan ng loyalty, ang TV5 ang makapagpapatotoo kung gaano kamarespeto si Derek.

Maaaring totoong pipirma na ng kontrata sa GMA-7 ang guwapo at magaling na aktor, ibig sabihi’y malaya na siya sa anumang nakaraang pananagutan niya, panahon na para bumawi si Derek ngayon sa kaniyang karera.

Hanggang ngayon ay parang naririnig pa rin namin ang mga papuri ng mga dating nakatrabaho ng aktor. Professional siya. Walang arte sa katawan. Marunong siyang makisama sa set hanggang sa mga utility.

Bibihira lang ang tulad ni Derek Ramsay na mula sa taal na mayamang pamilya pero walang kaangasan. Hindi na niya kailangang magtrabaho dahil sobra-sobra pa sa pangangailangan niya ang puwedeng ibigay ng kaniyang pamilya pero mas gusto niyang pagpaguran ang kung anumang mayroon siya.

Sana nga ay matuloy siya sa GMA-7. Sabik na ang mga kababayan natin na makapanood ng proyektong si Derek Ramsay ang bumibida.

Senador Manny Pacquiao – Na-break in ang bahay sa Los Angeles

Nasa Pilipinas na ang Pambansang Kamao. Na-delay lang nang ilang araw ang pag-uwi ni Senador Manny Pacquiao at ng kaniyang misis na si Jinkee dahil kinailangan pa nilang ayusin ang nakawang naganap sa kanilang bahay sa Los Angeles habang nasalas Vegas sila.

Maraming kuwento tungkol sa kaganapan. May mga nagpapalagay na may kakutsaba sa loob ang mga magnanakaw dahil alam nilang tumbukin kung saan nakalagay ang mga mahahalagang kagamitan ng pamilya.

Pati ang safe box ay tinangay, pinaglilimas din ng mga ito ang mga sapatos ni Pacman na hindi pa naisusuot, totoo kayang pati ang mga branded bags ni Jinkee na nagkakahalaga nang milyun-milyon ay tinangay ng masasamang-loob?

Inaabangan na ng mga kababayan natin ang balitang muling pagduduop sa lona ng Pambansang Kamao at ng dati na niyang nakalabang si Floyd Mayweather, Jr., kailan daw ba magaganap iyon?

Nakangiting pahayag ni Senador Manny, “Oo nga, palaging nagkukrus ang landas namin! Dalawang beses kaming nagkita, noong mismong laban ko, saka noong manood kami ng basketball sa Staples Center.

“Pero wala pa kaming initial talk, baka in two weeks, magkaroon na kami ng pag-uusap, doon ko pa lang masasabi kung matutuloy ang fight namin. Ako, willing ako, gusto ko ng rematch, pero kailangan pa muna siyang kausapin,” sabi ni Pacman.

Kung matatandaan ay taong 2015 nang maganap ang kanilang engkuwentro ni Mayweather na kung tawagin ng mga Pinoy ay Boy Takbo, may shoulder injury noon ang Pambansang Kamao, na pinaniniwalaang naging dahilan ng kaniyang pagkatalo.

Pero ibang-iba ang mga pamatay na suntok at bilis ngayon ni Pacman, parang bumalik ang dati niyang lakas noong palagi niyang pinahahalik sa lona ang kaniyang mga kalaban, kaya ayon sa mga mahilig sa boksing ay ito na ang hinog na panahon para muli silang magsukatan ng lakas ni Floyd Mayweather, Jr.

Mommy Dionisia – Nagpaiwan sa GenSan, sumasakit ang dibdib

Hindi nakasama salas Vegas ni Senador Manny Pacquiao si Mommy Dionisia sa kanilang laban ni Adrien Broner. Sa bawat laban ng kaniyang kampeong anak ay palaging nandoon si Mommy Dionisia, agaw-eksena pa nga siya, pero sa pagkakataong ito ay siya na ang umurong sa pagsama.

Aminado si Mommy Dionisia na matanda na siya, marami na siyang nararamdaman sa katawan, pero ang madalas niyang idaing ay ang paninikip ng kaniyang dibdib.

Tamang desisyon ang ginawa ng ina ng Pambansang Kamao na huwag nang sumama salas Vegas. Kilala sa pagiging emosyonal si Mommy Dionisia kapag may laban si Pacman.

Hindi makagaganda sa kaniya ang personal na panoorin ang laban ng kaniyang anak, malaki man ang kaniyang tiwala sa kakayahan ni Pacman ay hindi pa rin iyon magiging paborable sa kaniya, kaya naiwan na lang siya sa GenSan.

Kapag tumatanda na ang tao ay marami na siyang iniiwasan. Ang madalas na paninikip ng kaniyang dibdib ay lalong aangat kapag nakita na niyang nakikipagpalitan ng suntok ang kaniyang anak.

Nanay si Mommy Dionisia. Ang sakit na nararamdaman ng kaniyang anak ay triple ang tama sa kaniya, kaya maganda na ang kaniyang desisyong huwag manood, tutal naman ay puwede siyang sumilip-silip na lang sa telebisyon.

Nora Aunor – Magpapaopera para bumalik ang kaniyang golden voice

Tuloy pa rin pala ang plano ni Nora Aunor na magpaopera sa ibang bansa para bumalik ang kaniyang golden voice. Pagkatapos ng serye niya ay isa raw sa mga unang aasikasuhin ng Superstar ang pagpapagamot dahil sabik na sabik na siyang mag-concert.

Matutuloy na raw ang kaniyang planong pagpapaopera dahil may sasagot naman sa kaniyang biyahe at pagpapaospital sa ibang bansa. Iyon ang matagal nang hiling ng kaniyang mga tagahanga, ang muli niyang pagtayo sa gitna ng entablado habang kumakanta, dahil iyon naman ang tunay na dahilan kung bakit siya naging Superstar.

Harinawang bigyan na nga ng prayoridad ni Nora ang pinoproblema niya. Sa pagsasalita ay puwede na niyang iraos ang kaniyang sitwasyon ngayon pero sa pagkanta ay wala pa ring boses na lalabas sa kaniya.

Ang tanong ng marami ay kung sino ang kaniyang makakasama sa pagpapagamot-pagpapaopera sa ibang bansa? Sila na rin ang sumagot sa kanilang tanong, may iba pa ba, siyempre naman ay si John Rendez at wala nang iba pa.

Sa panahon ngayon ay wala na yatang ibang pinagkakatiwalaan ang aktres kundi si John Rendez. Sa kaniyang mga kuwento ay ito lang daw ang hindi nang-iwan sa kaniya noong walang-wala na siya.

Si John lang daw ang nanatili sa kaniyang tabi lalo na noong masangkot ang kaniyang pangalan sa droga sa Amerika. Kapag nagkakasakit daw siya ay ang actor-rapper lang ang tumitingin sa kaniya.

Hinahanap niya noon ang kaniyang pamilya pero wala ang mga ito sa kaniyang tabi. Maging ang mga taong gumanda ang buhay nang dahil sa kaniya ay wala ring lahat.

May monumento na si John Rendez sa puso ni Nora Aunor. Sinumang kumalaban dito ay siguradong makakaengkuwentro si Nora Aunor.

Si John Rendez din ang tanging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi kasundo ni Nora Aunor ang kaniyang mga anak.

Senadora Grace Poe – Palaging nangunguna sa survey

Kahit may ginagawa kami ay pansamantala kaming humihinto kapag ipinalalabas ang paid advertisement ni Senadora Grace Poe.

Gandang-ganda kami sa storyline ng kaniyang ads, malasakit sa mga batang Pilipino ang tinutumbok noon, walang batang papasok nang gutom dahil sa feeding program na kaniyang isinusulong.

“Thank you poe,” sabi ng isang batang babaeng nabusog sa feeding program. “Walang anuman poe,” banayad namang sagot ni Senadora Grace Poe na palaging nangunguna sa survey ng mga tatakbong senador ngayong darating na halalan.

Simple pero ang ganda.

Vice-Governor Jolo Revilla – May bagong girlfriend na

Panahon na para magkaroon ng bagong inspirasyon si Vice-Governor Jolo Revilla. Hindi siya puwedeng maglubalob sa kalungkutan nang dahil sa paghihiwalay nila ni Jodi Sta. Maria.

Kailangang umikot nang normal ang kaniyang mundo, lalo na ngayong malapit na naman ang eleksiyon, kahit pa walang dudang kaniya pa rin naman ang posisyon bilang ikalawang ama ng Cavite.

Matagal na ang kaniyang ipinagtiis sa pag-asang baka naman magkabalikan pa rin sila ng aktres, natuto nga siyang gumawa ng mga kanta at tula, dahil sa kalungkutan nang magkahiwalay sila ni Jodi.

Pero ngayon ay masaya na ang aktor-pulitiko, hindi na huwad ang kaniyang mga ngiti, dahil sa isang inspirasyon na ayaw pang diretsong aminin ni Vice-Governor Jolo kung sila na nga.

Si Angelica Alita, isang beauty queen, ang balitang-balita na nagpapasaya sa bawat paggising ngayon ni VG Jolo, ito raw ang nagpapasaya sa kaniyang maghapon, ayon pa sa mga nakakakita sa kanila.

Sa nangyari kina VG Jolo at Jodi ay hindi pala garantiya ang matagal na relasyon para mauwi na iyon sa altar. Ilang beses na silang naghiwalay at nagbalikan pero sa wala pa rin pala iyon mauuwi.

Sa panig ni Jodi Sta. Maria nagkaroon ng problema, hanggang ngayon ay hindi pa rin napapawalang-bisa ang kasal nito kay Pampi Lacson, kahit pa matagal nang may pamilyang iba ang ama ng kaniyang anak na si Thirdy.

Harinawang ito na nga ang sagot sa matagal na kalungkutan ng aktor-pulitiko. Hindi malayong mangyari iyon dahil sila na ni Angelica Alita ang madalas na magkasama ngayon at tanggap na ng pamilya Revilla ang dalaga.

Yam Concepcion – Mahusay na kontrabida

Pinepersonal talaga ng manonood ang mga personalidad na gumaganap bilang kontrabida sa mga serye. Busog na busog sa pang-uupak ang mga netizens si Yam Concepcion bilang misis ni Jericho Rosales na nangaliwa sa daloy ng istorya.

Noong nagpapakumbaba na ang karakter ni Yam bilang si Jade ay nabawasan ang pagpuntirya sa kaniya sa social media. Ang mga Pinoy pa naman, kapag nagsisisi na ang gumawa ng kasalanan ay lumalambot ang ating puso, nakikisimpatya tayo sa nagso-sorry na.

Pero biglang nagkaroon ng mga eksenang iyak nang iyak si Yam, takot na takot siyang mawala ang kanilang anak ni Lino (Jericho), gusto niyang palaging nakabantay ito sa kaniya.

Aliw na aliw kami sa komento ng isang kaibigan namin sa kolehiyo pa na may napakataas nang posisyon ngayon sa hanay ng hustisya.

Ang kaniyang sabi, “Inis na inis ako kay Yam kapag iyak siya nang iyak! Ang tigas-tigas ng ulo niya! Mas naiinis pa nga ako sa role niya ngayon kesa noong kaliwain niya si Lino, e!

“Umaarte siya, puro arte lang ang drama niyang takot na takot siyang mawala ang anak nila ni Lino, dahil ang totoo, e, gusto lang niyang makuha uli ang pagmamahal ng lalaking inekokan niya sa ulo!

“Ang kapal! Nakakabuwisit siya! E, hindi na naman siya ang mahal ng asawa niya, kundi si Yen Santos, ang unang naging karelasyon ni Lino!” buong-ningning na komento ng aming kaibigang madalas magsabi ng mga terminong “Sustained!” at “Proceed with your question!”

Wala nang pinipiling estado ng buhay ang mga tele-serye. Sa tindahan ni Aling Nena ay ang mga eksena sa pinanonood nila ang pinagkukuwentuhan, sa mga umpukan sa coffee shop ay bumibida rin ang mga serye, panalo ang ABS-CBN sa kanilang mga palabas.

FPJ’s Ang Probinsiyano – Nauubos na ang cast dahil sa eleksyon

Marami nang nalalagas na buhay sa FPJ’s Ang Probinsiyano. Noong isang gabi ay pinatay na si Konsehal Roderick Paulate na gumaganap na mayor. At marami pang nakasalang na mamatay sa matagumpay na serye dahil malapit na ang eleksiyon.

Ang napakawalanghiyang karakter ni Edu Manzano sa serye bilang si Presidente Cabrera ay bilang na bilang na rin ang oras. Nandoon pa sina dating Senador Lito Lapid at ang anak nitong si Mark, kasama rin sa mga malalagas sina Jhong Hilario at Rommel Padilla na kakandidatong congressman sa aming distrito sa Nueva Ecija.

Aabutin pa ng eleksiyon ang serye, hindi totoong tatapusin na ang inaabangang programa ng mga Pinoy tuwing gabi, napakahaba talaga ng buhay ni Cardo Dalisay na ginagampanan siyempre ng bidang si Coco Martin.

Ilang linggong naghinay-hinay sa maaaksiyong eksena ang Ang Probinsiyano. Nagpahinga muna ang grupong Vendetta. Palagi lang silang nakikitang kumakain sa mahabang mesa at naging barangay tanod pa nga na abalang-abala sa paghahanap sa magnanakaw ng papaya.

Pero mula noong nakaraang Biyernes ay nagsimula na naman ang maiinit na bakbakan. Pero kahit nakatutok ang serye sa barilan ay hindi nawawala ang puso sa kuwento.

Tuloy ang pagpapakita nang matinding pananampalataya sa Diyos ng pamilya ni Ms. Susan Roces, ang napakagaling na pagganap ni Rowell Santiago nang mamatay ang kaisa-isa na lang nitong anak na si Ryza Cenon sa engkuwentro, hindi kabitiw-bitiw ang mga nagaganap ngayon sa Ang Probinsiyano.

Sulit na sulit ang ibinabayad natin sa kuryente sa panonood ng serye, nagsisilbi ring pambanlaw sa nakakairitang traffic ang palabas, hindi nasasayang ang ating oras.

Sabi ng isang pinsan naming magsasaka na tagasuportga rin ng serye, “Huwag muna sanang tapusin ang Ang Probinsiyano. Iyon na lang ang kaligayahan ng mga tulad naming maghapong nasa bukid.

“Iyon ang omento namin sa hirap ng pinagdadaanan namin sa maghapon,” seryosong pakiusap ng aming pinsan.

Arjo Atayde – Magaling na actor pero kay daming bashers

Sa unang gabi pa lang ng seryeng The General’s Daughter ay napansin na agad ng manonood ang mahusay na pagganap ni Arjo Atayde. Totoo, ang mahusay na artista ay walang pinipiling role, kahit saan siya ilagay ay siguradong papalakpakan siya, tulad ni Arjo Atayde.

Autistic na anak ni Maricel Soriano ang papel na ginagampanan ng binatang aktor sa serye. Sila ang nakatagpo sa nabaril-nalunod na si Angel Locsin sa kuwento.

Sa unang eksena pa lang ni Arjo nang makita niya si Angel na pinagkamalan niyang sirena ay naagaw na niya ang atensiyon ng publiko.

Sa una at pangalawang gabi ng The General’s Daughter ay si Arjo ang pinag-uusapan kahit saan. Ang galing-galing niya kasing magbigay-buhay sa anumang role na ipinagkakatiwala sa kaniya. Talento niya ang pambenta ng aktor, ang husay niyang umarte ang kaniyang puhunan, kaya maghunos-dili ang mga humuhusga kay Arjo Atayde.

Aminado naman si Arjo na exclusively dating na sila ni Maine Mendoza. Sobrang happy siya ngayon, sabi ng binatang aktor, kaya lalong nagwarla ang mga walang alam gawin sa maghapon kundi ang upakan siya sa social media.

At hindi pala nagbibiro ang pamilya ni Arjo Atayde na kasuhan ang mga nambu-bully sa kanila sa social media. May kausap kaming sikat na abogado noong isang araw, nakikipag-usap na pala sina Art Atayde at Sylvia Sanchez sa mga abogadong hahawak sa mga kasong isasampa nila, marami nang naparusahan dahil sa kasong cyber libel.

Kung bakit naman kasi ayaw tantanan ng mga taong iyon si Arjo at ang kaniyang pamilya. Napalapit lang ang binatang aktor kay Maine Mendoza ay tinrabaho na siya at ang kaniyang mga kapatid sa social media.

Nakiusap na rin si Maine na huwag mangdamay ng ibang tao, huwag nananakit, pero mukhang deadma lang ang grupo sa sinabi ng kanilang idolo.

Kuwento ng kausap naming kilalang lawyer, “Kaibigan ko ang pamilya ni Arjo. Mababait ang mga batang iyon, maganda ang pagpapalaki sa kanila nina Art at Sylvia.

“Nakapagtataka nga. Tahimik ang pamilya niya, wala kang maririnig na kahit ano mula sa kanila, pero nagulat kaming magkakaibigan, talagang seryoso silang sampahan ng kaso ang mga nambu-bully sa mga anak nila.

“May mga death threats din kasi. Naku, ilang kasong cyber libel na ba ang nahawakan ko na talagang naparusahan ang mga bully,” sabi nito.

Paano kaya kung isang araw ay hindi na basta exclusively dating lang ang estado ng pagiging close ngayon nina Arjo at Maine at totoo palang magkarelasyon na sila?

Ano kayang pagwawarla ang gagawin ng mga tagahanga ni Maine kapag lumabas iyon? Kung ngayon pa nga lang ay ganyan na sila kababangis, paano pa kapag boyfriend na pala ni Maine ang magaling na aktor, di giyera na?

“Isang bala ka lang!” patambis pa ng mga nagagalit kay Arjo Atayde. Ano si Arjo, manok, pinalaki para lang patayin pagdating ng fiesta?

Piolo Pascual – Napikon dahil may nag-bash kay Iñigo

Gaano man kabait ang isang tao ay darating at darating talaga ang pagkakataong huhulagpos ang kaniyang pasensiya, mapapatid ang mahabang pisi ng kaniyang pang-unawa, kaya papatol-sasagot na rin siya sa mga patutsada.

Isa sa pinakamabait na artista si Piolo Pascual, ang natural niyang kabaitan ay lutang na lutang sa kahit anong sitwasyon, iyon ang kaniyang naturalesa.

Wala rin siyang kayabangan, naturingang sikat na sikat na siya, pero kontrolado ng singer-actor ang kaniyang emosyon.

Pero kapag sobra-sobra na ang pananakit sa kaniya ay katangahan naman kung basta na lang niya palalampasin iyon. Kinakalos nga naman ang mga lumalabis at nagmamalabis na.

Isang basher ang nakasagutan ni Piolo at hinamon ng suntukan. Ang bastos na komento nito nang mag-post ang aktor ng picture nila ni Iñigo Pascual, “Ang mag-amang bakla!”

Kahit naman busog si Piolo at may sapat na tulog at pahinga ay talagang maririndi siya sa ganoong kabastusan. Hindi dapat pinalalampas ang ganoon kawalang respeto.

Bumigay si Piolo, sinagot ang basher, hinamon niya itong makipagkita sa kaniya at daanin na lang sa suntukan ang kanilang argumento.

May mga tao talagang walang magawa sa buhay na ginagawang laro ang pananakit sa kalooban ng kanilang kapuwa. Mga bastos!

Kris Aquino – May allergy rin sa sa bulaklak

Hindi nakarating sa pag-alala sa kaarawan ni dating Pangulong Cory Aquino ang bunsong si Kris. Hindi rin nakarating sa puntod ng kanilang ina ang dating Pangulong Noynoy Aquino.

May trangkaso raw si P-Noy, pero si Kris ay walang ibinigay na malinaw na dahilan, ngayon lang nangyari ang ganito na hindi nagsadya sa puntod ng dating pangulo si Tetay.

Bilang bunso ay mas nagpaparamdam ng pagmamahal at pag-alala sa kaniyang mommy si Kris, hanggang ngayon ay sugat na walang paggaling ang pagpanaw ng kaniyang ina, dala-dala niya ang lungkot kahit saan.

Pero may nakausap kaming source na nagbigay ng paliwanag kung bakit hindi nagpunta sa puntod ng kaniyang ina si Kris para dumalo sa misa.

Sabi ng aming source, “Isa sa mga cause ng allergies ni Kris ang bulaklak. Iyon ang mahigpit na ipinagbabawal ng mga doctors niya, sobrang sensitive niya sa pollen.

“Maraming nagpadala ng bulaklak sa puntod ni Tita Cory, ang mga relatives nila, ang mga family friends nila. Alangan namang para lang siya hindi magka-allergy, e, ipatanggal nila ang mga flowers sa puntod?

“Hindi naman magandang tingnan na para lang magpunta si Kris, e, kailangang walang mga bulaklak doon? Nirerespeto nila at pinasasalamatan ang mga nakaalalang magpadala ng bulaklak sa tomb, kaya nag-usap-usap ang magkakapatid na hindi na lang pupunta si Kris,” sabi ng aming source.

Bulaklak ang dahilan. Iyon ang pinaiiwasan ng kaniyang mga doktor. Iyon ang totoong dahilan kung bakit taimtim na lang na nagdasal sa kaniyang bahay si Kris para sa kaluluwa ng kaniyang ina.

Bimby – Kawawa naman, naba-bash dahil sa nanay niya

Mas maganda ang ginagawang pananahimik ni Kris Aquino. Sa totoo lang, sa mga posts niya rin kasi kumukuha ang kaniyang mga bashers ng ipambibira pabalik sa kaniya, nag-uugat iyon sa kaniyang mga ibinabalita.

Nakakaawa nga si Bimby, ang kaniyang bunso, dahil pinaglalaruan ang bagets sa social media sa pamamagitan ng mga meme na pinagtatawanan ng publiko.

At saan napupulot ng mga netizens ang mga iyon? Saan kumukuha ng ideya ang mga bashers? Walang iba kundi sa mga ipino-post ni Kris tungkol sa kaniyang bunso.

Sabi ni prop, “Si Kris din naman kasi, e! Naghugas lang ng pinag-inumang baso ang anak niya, naka-headline na sa buong mundo!

“Kumain lang ng fish ang anak niya, e, parang big deal na! Basta, palagi niyang isine-share sa IG niya ang maliliit lang namang bagay kung tutuusin na ginagawa ni Bimby!

“Nakakaawa tuloy ang bata, parang wala nang sariling buhay, parang si Kris lang ang nagpapagalaw sa mundo niya! Parang wala nang karapatang mabuhay nang mag-isa si Bimby, kasi nga, si Kris ang nagmamando palagi sa mga ginagawa niya!” mahabang pahayag ni prop.

May tama naman, di ba?

Gretchen Barretto – Idinamay si BIR ex-commissioner Kim Henares

Ano kaya ang ihinahandang putahe sa kusina ni Gretchen Barretto bilang sagot sa pahayag ni dating BIR Commissioner Kim Henares sa kaniyang pasabog na tinulungan ni Kris Aquino ang isa niyang kaibigan para doktorin ang dapat nitong bayarang buwis?

Paano ‘yan ngayon? Nagsalita na ang personalidad na idinamay ni Gretchen sa pang-uupak niya kay Kris? Napakalinaw ng sinabi ng dating komisyoner na kahit ang mismong pamilya nito ay hindi nagkaroon ng espesyal na kunsiderasyon sa BIR kaya ang ibang tao pa kaya?

Pinayuhan ni dating Commissioner Kim Henares si Gretchen na mag-ingat sa kaniyang mga pinakakawalang salita, kailangan niyang magpakatotoo, dahil ang kuwento niya tungkol sa tinulungan ni Kris para makabawas sa babayarang buwis ay isang malaking komedya.

Mukhang hindi umaayon kay Gretchen ang pagkakasalansan ng mga bituin. Palagi siyang soplak sa kaniyang mga pasabog. Sa mismong mukha niya sumasabog ang mga impormasyong inilalabas niya laban kay Kris.

Una ay tungkol sa BIR. Walang ganoong senaryo ayon kay Commissiner Kim Henares. Ikalawa ay ang kaniyang sigaw na tinawagan ni Kris ang kapatid niyang bunso na si Claudine para siya siraan ng buong pamilya nila. At ipakulong pa raw siya!

Mukhang naging banderang kapos si Gretchen Barretto sa kaniyang mga sigaw kontra kay Kris Aquino. Hindi tumagal ang pasabog niyang mga bomba at ang masakit pa ay mismong sa mukha niya nagsabugan iyon.

Payo ng mga netizens sa aktres ay tantanan na kasi niya ang pakikisawsaw sa mga isyung wala naman siyang maidadagdag at maibabawas.

Pinayuhan si Greta na manahimik na lang, huwag nakikisali sa kontrobersiya, dahil hindi naman siya sakdal-linis na personalidad na walang maibabato pabalik sa kaniya ang publiko.

“Kung may galit siya kay Kris, e, bakit hindi niya harapin iyong tao? Diretsahin niya! Hindi iyong ganyan na puro posting lang ang ginagawa niya sa social media. Kaduwagan iyon!

“Ang tunay na matapang, e, humaharap sa mga kalaban niya! Hindi puro parinig lang, hindi puro pagpo-post lang na ano tuloy ang nangyari?

“O, di siya ang nasabugan ng mga pasabog niya? Mintis ang mga bombang sinasabi niya, nagsalita ang mga idinadamay niyang tao sa issue, soplak siya!

“Manahimik na lang kasi siya! Huwag na siyang nagpapapansin, magtrabaho siya uli, para may pinagkakaabalahan siya!” isa lang sa mga komentong direktang sinabi ng isang netizen kontra kay Gretchen Barretto.

Rosanna Roces – Napakahirap nang maging isang laos

Kung magbiro nga naman ang kapalaran. Naabot ni Rosanna Roces ang pinakamataas na antas ng kasikatan noon, hindi lang ang mga kasabayan niyang sexy actress ang nilampasan niya nang milya-milya, kahit ang mga sikat na babaeng personalidad ay inabutan din niya.

Nakikipagsayaw noon sa kasikatan at karangyaan si Osang, kung makapangmenos siya ng kahit sino ay parang wala nang bukas, idinemanda niya ang kaniyang manager na si Manay Lolit Solis pati ang network na napakalaki ng naitulong sa kaniya.

Pero noon iyon. Dahil pagkalipas lang nang ilang taon ng pamamayagpag ay pinagdamutan na siya ng mga proyekto, walang ibang dapat sisihin sa nangyari kay Osang, kundi ang sarili rin niya.

Dumoble ang laki ng kaniyang katawan na dati’y pinagnanasahan ng mga kalalakihang tumututok sa bawat pelikulang gawin niya, naubos ang lahat ng mga naipundar niya, paminsan-minsan na lang siyang nagkakaroon ng trabaho ngayon.

At binigwasan pa siya ngayon ng tadhana, inaatasan siya ng Supreme Court na magbayad nang mahigit na tatlong milyong piso sa Forever Flawless na dati niyang ineendorso, natalo siya sa kasong isinampa ng kumpanya laban sa kaniya dahil sa breach of contract at paninira sa kumpanya mismo.

Kung noong kasikatan niya nangyari ang ganito ay walang problema ang milyunang halaga para kay Rosanna Roces, pero ngayon ay ibang-iba na ang kaniyang sitwasyon, namamana na siya sa dilim.

Ang buhay nga naman, parang life, mapagbiro. Ang nasa itaas, kapag naging palalo, ay ibinababa para bigyan ng leksiyon. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Pebrero 16-28, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminPebrero 16 – 28, 2019

      Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
 
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
  Arjo Atayde
 
Arjo Atayde
  Maine Mendoza
 
Maine Mendoza
  Dayanara Torres
 
Dayanara Torres
  Ion Perez
 
Ion Perez
  Greg Hawkins
 
Greg Hawkins
  Lito Lapid & Yassi Pressman
 
Lito Lapid & Yassi Pressman
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban
  Kris Aquino Bimby
 
Kris Aquino & Bimby
  ERAP and Jinggoy Estrada
 
Joseph and Jinggoy Estrada
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

Daniel at Kathryn – Mukhang may problema ang relasyon

Ramdam ng mas nakararami na totoong nagkakaproblema ngayon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ngayon lang nangyari ang hindi pagsama ni Daniel kay Kathryn sa isang okasyon.

Palagi silang magkadikit, anino nila ang bawat isa, kung nasaan si Kath ay siguradong nandoon din si Daniel.

Walang bumili sa dahilan ni Kathryn na napindot lang daw niya ang block sa kaniyang gadget kaya in-unfollow siya ni Daniel. Ngayon nga lang ba naman nalaman ng dalaga na ganoon ang mangyayari kapag ginawa niya ang ganoon?

Noong may nagtanong kay Kathryn kung nasaan si Daniel ay out of town daw, hindi kayang humabol sa oras ng pagtanggap nila ng parangal, hindi rin iyon pinaniwalaan ng mas nakararami.

Ngayon nga lang kasi nangyari ang ganito. Hindi sanay ang kanilang mga tagasuporta na nag-iiwanan sila. Kahit saan at kahit kailan ay palagi silang magkadikit.

Kung ano ang totoong dahilan ng pagkakaganito nila ay sila-sila lang ang nakakaalam. Pero totoong may problema sila. Iyon din ang paniniwala ng kanilang mga tagahanga.

Isang source ang nakapagsabi sa amin na si Daniel ang “namahinga” sa relasyon nila ni Kathryn. Ang paliwanag ng aming kausap ay gusto lang daw munang makahinga ng guwapong aktor.

Kapag ganoon ang paliwanag ay mayroong malalim na konotasyon. Ang taong gustong makahinga ay nagsasawa na. Gusto niyang mapag-isa. Gusto muna niyang makawala sa pang-araw-araw na kalakaran.

Sana naman ay hindi iyon totoo. Nakakapanghinayang ang napakahaba nang itinatakbo ng kanilang relasyon. Hindi biro-biro ang pitong taon.

Parang tumututol ang aming kalooban na maniwalang may problema ngayon ang dalawa. Sabi’y in-unfollow na raw ng binata sa kaniyang IG ang mag-inang Kathryn at Tita Min.

May kaibigan kaming pinakiusapan kung totoo ang kuwento, hinanap nito ang pangalan ni Daniel Padilla sa IG ng mag-ina, “user not found” ang nakuhang sagot ng kaibigan namin.

Ano nga kaya ang nangyari sa pinakamatatag pa namang loveteam sa likod at harap ng mga camera sa aming panukat? Bakit kaya ginawang i-unfollow ni DJ sina Kath at Tita Min?

Mayroon kayang nagaganap na sila-sila lang ang nakakaalam? Isang malaking problema ito para sa kanilang mga tagahanga. Sila ang mga tagasuportang sobrang nagmamahal sa loveteam, nasasaksihan namin ang galaw ng KathNiel, lahat ay ginagawa nila para manatiling matatag ang relasyon at career ng kanilang mga idolo.

Natural, dahil sa balitang lumabas ay nagkani-kaniyang bash na naman ang mga taong matagal nang gustong magkahiwalay sina DJ at Kath, may nag-post habang nabubulabog daw ang mundo ng KathNiel ay hayun naman si Daniel at nakikipag-party na ibang babae ang kasama.

Mas marami pang makikisawsaw sa sitwasyon, asahan nang mas lalawak pa ang problema ng magkarelasyon, dahil sa mga komentong hindi makatutulong sa kanilang pinagdadaanan ngayon.

Tanong ng isang kaibigan namin, “Ito na kaya ang resulta ng sinasabing sakal na sakal na raw si Daniel sa mag-ina? Matagal na naming naririnig iyon. Ito na nga kaya iyon?

Naku, huwag naman sana, sayang na sayang naman ang halos pitong taon na nilang relasyon.

Arjo Atayde – Kasama si Yaya Dub sa USA

Nakahanap ng katapat ang mga nagwawarlang miyembro ng AlDub Nation kay Arjo Atayde. Gusto n’yo ng inisan, sabi siguro ng magaling na aktor, ibibigay ko ang hinahanap n’yo.

May pagkasutil din ang guwapong aktor dahil kung ano ang ipinanggigigil ng mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza ay iyon ang kaniyang ibinibigay sa social media.

Lalo tuloy siyang isinusumpa ng mga grupong ayaw ipamigay si Maine sa iba, buwisit na buwisit sila kay Arjo, na parang pinagtatawanan lang naman sila.

Hindi na kailangan pa ng isang magaling na manghuhula para malaman ng lahat na nagkita sa Amerika sina Arjo at Maine. Bigay na bigay na iyon. Nakaplano na iyon.

Bago pa sila umalis nang magkahiwalay ng araw ay baon na nila ang pangako na magkikita sila sa Amerika. Iyon ang naging bitamina nina Arjo at Maine.

Lalong nabulabog ang mundo ng AlDub nang maglabas ng retrato si Arjo sa kaniyang IG, wala siya sa frame, pero ang masayang-masayang si Maine naman ang nasa kuwadro.

Ayaw maniwala ng mga tagasuporta ni Maine na nagkita nga sila ni Arjo, nasaan daw ang ebidensiya, hanggang wala raw resibo ay hindi pa rin sila maniniwalang nagkita nga sa Amerika ang aktor at ang kanilang idolo.

Malalim na ang kanilang pagkakaunawaan, maligaya sila sa isa’t isa, wala nang makahaharang pa sa relasyong mayroon ngayon sina Arjo at Maine.

Habang nagwawarla ang ibang miyembro ng AlDub ay tahimik lang naman si Alden Richards. Parang hindi apektado ang Pambansang Bae. Career at negosyo lang ang pinagkakaabalahan ng guwapong aktor.

Maine Mendoza – Maligaya sa relasyon kay Arjo

Maraming grupong umaaway ngayon kay Maine Mendoza. May mga Mainatics na galit sa kaniya, ang mga tagasuporta ni Alden Richards ay pinupukol na rin ang dalaga, at ang lahat ng iyon ay dahil sa pakikipagmabutihan niya kay Arjo Atayde.

Pero kung kilala nga ng publiko si Maine ay kayang-kaya niyang depensahan ang kaniyang sarili, hindi niya kailangan ng mga magtatanggol sa kaniya, isang pitik lang niya iyon sa kaniyang gadget ay tapos na ang laban.

Nagwawarla ang mga fans nila ni Alden dahil pareho silang nasa Amerika ngayon ni Arjo. May show ang binata sa Virginia, nasa New York naman si Maine para sa pakikipagtransaksiyon ng isang produktong siya ang kinukuhang endorser, nasa East Coast silang pareho.

Natural, nag-aalala ang kaniyang mga tagasuporta na mas lalalim pa ang ugnayan nila ni Arjo ngayong nasa ibang bansa sila. Paano na si Alden, naiwan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Pero may karapatan ba ang mga tagasuporta nina Alden at Maine na harangan pati ang personal na kaligayahan ng kanilang mga idolo? Si Maine na mismo ang nagdeklara noon na magkaibigan lang sila ni Alden, walang labis, walang kulang.

Hindi ang kanilang gusto ang dapat masunod, kung saan maligaya sina Alden at Maine ay iyon ang kailangang mangyari, hindi na sakop ng kanilang mga tagahanga pati ang idinidikta ng kanilang puso.

Tulad n’yan, mukhang nagkakaigihan na talaga sila ni Arjo, malinis naman ang intensiyon ng binatang aktor kay Menggay, ano ang masama doon, may magagawa ba sila kung talagang pinana ni Kupido ang kanilang puso para sa bawat isa?

Sabi nga ng mga kaibigan namin ay buhay na buhay pa rin pala ang mga Guy & Pip fans. 2019 na pero parang 70’s pa rin ang peg ng mga AlDub members na kontrang-kontra kapag may ibang napapalapit kina Alden at Maine.

Dayanara Torres – Malungkot na balita

Napamahal na sa ating mga kababayan ang tinanghal na Miss Universe 1993 na si Dayanara Torres. Pangalawang tahanan na nga niyang itinuturing ang Pilipinas.

May mga ginawa siyang pelikula dito sa atin katambal ang nakarelasyon niya sa tunay na buhay na si Aga Muhlach.

Pero malungkot na balita ang gumulat sa ating mga kababayan dahil mismong ang dating Miss Universe ang kumumpirma na mayroon siyang skin cancer. Nagsimula lang iyon sa isang buhay na itim na nunal sa likod ng kaniyang tuhod.

Matagal na panahon niyang hindi pinansin iyon, hanggang sa lumaki na nang lumaki at tubuan siya ng mga kulani sa binti. Nang-i-biopsy ang nakuhang laman ay kumpirmadong kalat na ang cancer sa kaniyang katawan.

Sa kaniyang video ay nagbahagi pa ng payo ang dating queen na huwag babalewalain ang ating kalusugan. Kapag may kakaiba na tayong nararamdaman ay huwag tayong magdadalawang-isip na kumonsulta agad sa doktor.

Nalungkot ang buong bayan sa pinagdadaanan ngayon ni Dayanara Torres, natutuhan na kasi siyang mahalain ng mga Pinoy, at minahal din niya ang ating bayan na parang tunay na dito siya nagmula.

Ion Perez – Kuya Escort na bitamina ni Vice ngayon

Ang kuya escort na si Ion Perez ang gumaganansiya nang matinding exposure at attention ngayon dahil sa ginagawa nilang serye ni Vice Ganda sa It’s Showtime.

Serye nga ang tawag ng ating mga kababayan sa mga pakilig nilang ginagawa sa noontime show, inaabangan iyon ng manonood, dahil parang naniniwala ang mga ito na may lihim na ugnayan ang dalawa.

Ang guwapong escort ang sinasabing dahilan kung bakit mabilis na nakapag-move-on si Vice Ganda sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Calvin Abueva.

Sa paglalarawan ng kaniyang mga kaibigan ay dinamdam talaga ng sikat na TV host ang nangyari, ilang araw niyang dinala ang matinding lungkot, hanggang sa nakita na lang ng kaniyang mga kasamahan na bumalik na sa dating sigla si Vice.

Ang escort ng noontime show na si Ion ang sinasabing nagsilbing gamot ni Vice sa kalungkutan. Parang bitamina raw na naging pampagana sa trabaho ni Vice ang binata, parang suwerong nagbigay uli ng panibagong energy sa bumibida sa programa.

Silang dalawa ang madalas na magkasama ngayon, ewan lang kung gaano katotoo ang kuwento na sa bahay na nga ni Vice Ganda nakatira ngayon si Ion. Sabi nga, puso lang din ang gamot sa nawasak na puso, kaya nakita iyon ng sikat na TV host sa guwapong binata.

Hindi na kailangan pa ng exposure ni Vice Ganda, kuhang-kuha na niya ang pulso ng bayan, ang escort na si Ion ang nangangailangan ng pansin ng publiko.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Ikaw man si Ion, makikisakay ka na lang sa mga kaechosang nangyayari sa show. Natural, nangangarap ding sumikat iyong tao, breadwinner siya ng pamilya nila, kaya sabi nga, ang lalaking nagigipit, sa bakla kumakapit!

“Aba, napakalaking exposure ang nakukuha niya sa pakikisakay sa mga drama ni Vice, ha? Pinag-uusapan na siya ngayon, nagiging laman na siya ng mga tabloids, at may mga booking na siya sa mga fiesta!

“Ano lang ba naman ang ipupuhunan niya? Sasakyan lang niya ang mga sinasabi ni Vice, makikipaglaro lang siya, walang kagastus-gastos!” tawa nang tawang komento ni prop.

At oo nga naman, ine-enjoy ni Ion Perez ang atensiyong ibinibigay sa kaniya ngayon, diretsong-diretso ang tingin nito kay Vice na para bang totoong mayroon nga silang relasyon.

Naaalibadbaran naman ang mga nakakausap naming becki kay Ion, lantaran kung lantaran na raw kasi ang ginagawang pakikisakay ng binata sa mga birada ni Vice, matindi raw ang pangangailangan ni Ion Perez!

Greg Hawkins – Hindi totoong nagkarelasyon kay Vice

Maraming nagtatanong kung nasaan na ang guwapong original Kuya Escort ng It’s Showtime na si Greg Hawkins. Babalik pa raw kaya siya sa noontime show o hindi na?

May kuwentong lumabas na hindi raw kasi maayos ang mga dokumento ng American-Korean model, kailangan pa raw niyang makakuha ng working permit, pero kapag mayroon na ay tatawagan na lang siya ng production.

Pero may lumabas ding istorya na ang dahilan daw ng pagkawala ni Greg sa programa ay dahil niligawan siya ng bidang si Vice Ganda pero iniwasan nito ng guwapong modelo.

Noong maging guest namin si Greg Hawkins sa Cristy Ferminute ay madiin niyang nilinaw na walang katotohanan ang kuwentong hindi siya pumayag na makipagrelasyon kay Vice kaya siya nawala sa noontime show.

Malinaw ang paliwanag ni Greg, ang kaniyang sabi, “I really don’t know where that issue came from. It’s not true and it’s too unfair for Vice. Hindi po totoo iyon.

“Sana lang, it will stop na. nakakahiya naman kay Vice, I want to keep our friendship kahit wala na ako sa show. He’s been so nice to me,” paglilinaw ng guwapong binata.

Masarap kausap si Greg Hawkins dahil marespeto siya, matalinong sumagot, hindi mo siya maililigaw dahil magaling siyang magsalita ng ating wika.

At napakaguwapo. Wala siyang pinipiling anggulo. Marami siyang ginagawang TVC, hindi pinahinto ng pagkawala niya sa It’s Showtime ang ikot ng kaniyang mundo, tuloy ang buhay para kay Greg Hawkins.

Lito Lapid – Markado ang pagpapa-alam sa Ang Probinsyano

Nagsimula na ang unang sultada ng kampanya para sa mga pulitikong tumatakbo sa nasyonal na posisyon. Itiniyempo iyon sa “pagpatay” kay dating Senador Lito Lapid bilang si Pinuno sa matagumpay na seryeng Ang Probinsiyano noong Lunes nang gabi.

Binigyan ng produksiyon ng napakagandang pamamaalam ang action star, mahabang-mahaba ang kaniyang mga eksena, hanggang sa mapatay na siya ay isang marespetong paglilibing pa rin ang ihinandog sa kaniya sa ituktok ng burol.

Sa mga eksenang napanood namin ay parang totoong-totoong nalagasan nga ng miyembro ang grupong Vendetta. Natural ang kilos ng mga artista, umiiyak sila na parang hindi na nila makikita pa uli si Pinuno sa tanang buhay nila, pinagsunugan ng kilay ng direktor ang paglilibing kay Pinuno.

Namatay si Pinuno habang yakap-yakap si Angel Aquino, ang babaeng natutuhan niyang mahalin sa kasagsagan ng kanilang kilusan, tigmak sa luha ang eksenang iyon.

Ang pumatay kay Pinuno ay si Alakdan na ginagampanan ng magaling na dancer-actor na si Jhong Hilario ay magkakaroon din ng eksena ng pagkamatay sa darating na buwan.

Kailangan na rin itong mamatay dahil magsisimula na sa March 29 ang kampanya ng mga tatakbo sa lokal na posisyon. Siguradong magiging madugo ang pamamaalam ni Jhong Hilario sa matagumpay na serye.

Angelica Panganiban – Ipinagsisigawang wala siyang boyfriend

Kung anumang masasakit na salita ang tinatanggap ngayon ni Angelica Panganiban sa social media ay kailangan niyang tanggapin at tiisin iyon.

Walang ibang pinagkukunan ng ideya at impormasyon ang mga netizens, lalo na ang mga bashers, kundi ang mga posts din niya na para bang sabik na sabik na siyang magkaroon ng boyfriend.

Hindi maingat sa pagpo-post si Angelica, puwede ring wala siyang pakialam, dahil matagal na nga siyang napag-iinitan ng mga netizens ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon.

Nang maghiwalay sila ni John Lloyd Cruz ay kauna-unawa pa ang kaniyang sitwasyon. Masakit naman talaga para sa isang babaeng tulad niya ang basta na lang ipagpalit sa iba.

Asang-asa ang aktres na sila pa rin ni John Lloyd, pero sa ibang tao pa niya nalaman na karelasyon na pala ng aktor si Ellen Adarna, sobrang sakit naman talaga ng nangyari sa kaniya.

Pero nagbibigay ang publiko ng palugit sa ganoon. Mga ilang buwan lang ay dapat nang nakapag-move-on si Angelica, pero hindi ganoon ang nangyari, taon na ang lumilipas ay si JLC pa rin ang pinoproblema niya.

Sisigaw siya, 2019 na ay wala pa rin siyang boyfriend, talagang pagkakaisahan siyang i-bash, dahil kailan lang ay nagpalutang siya ng ideyang nagkakamabutihan na uli sila ni Carlo Aquino.

Pinaniwala niya ang marami na sila na, pero biglang may lumitaw na babae, may iba palang karelasyon si Carlo. Nakakalungkot nga naman ang mga nagaganap sa kaniyang lovelife.

Iwasan na lang sana niyang magpakaemosyonal sa social media para hindi siya naba-bash. Siya rin kasi ang nagbibigay ng dahilan para siya upakan.

Huwag siyang maghanap para may dumating. Huwag siyang mainip dahil sa ganda niyang ‘yan ay siguradong marami pang magmamahal sa kaniya.

Bimby – Kahangahanga ang anak ni Kris at James

Hindi makapag-concentrate sa pagdadasal ang mga anak ng isa naming kaibigan nang makasabay nila sa pagsisimba ang mag-iinang Kris Aquino, Josh at Bimby.

Ganoon talaga kapag sikat na artista ang nakakaharap ng ating mga kababayan, walang pinipiling panahon at lugar ang pagkuha ng atensiyon, kahit sa simbahan ay nang-aagaw ng pansin ang mga kilalang personalidad.

Kuwento ng kaibigan namin, “Dati na naming nakikita si Kris, kaya hindi na masyadong excited ang mga anak ko sa kaniya. Pero si Bimby!

“Napakaguwapong bata! Naka-eyeglasses siya, polo at jeans lang, pero guwapo pala si Bimby? Siya ang nagpa-excite sa mga anak ko,” sabi ng aming kausap.

Hindi na bago ang kuwento dahil kapag paalis ang mag-iina ay pinagkakaguluhan din sa airport ang bunso ni Kris. Mabait naman si Bimby, pinagbibigyan niya ang mga nakikipag-picture sa kaniya, wala kaming naririnig na kuwentong nagmaangas ang teenager.

Kahit nga sa concert ng sikat na Korean group na BlackPink ay si Bimby rin ang nang-agaw ng pansin. Pinagkaguluhan siya, may mga nanggigil sa bunso ni Kris, ang guwapo-guwapo raw kasi ng anak nila ni James Yap.

Sa totoo lang, ekstensiyon ng popularidad ng kaniyang ina si Bimby, malaking puhunan niya agad ang pagiging anak ni Kris. Napapanood pa siya sa mga TVC pero ang pinakamalakas na imbitasyon sa publiko ng nagbibinata nang si Bimby ay ang pagiging mapagmahal niyang anak.

Sa pagkakasakit ng kaniyang ina ay si Bimby ang palaging nakabantay. Hanggang sa pagsasampa nga ng demanda ng mommy niya sa magkapatid na Falcis ay nandoon din si Bimby.

Sabi ng aming kaibigang nakasabay sa pagsisimba ng mag-iina, “Tinanong ko ang mga anak ko kung bakit gusto nila si Bimby. Siyempre, mga bagets pa sila, kaya ang kaguwapuhan ng anak ni Kris ang unang sagot nila.

“Pero sabi ng mga anak ko, magandang role model daw kasi si Bimby ng isang mabuting anak. Kahit saan nandoon ang mommy niya, e, nandoon din si Bimby.

“Pinoy kasi tayo, palagi nating hinahangaan ang mga anak na matanaw sa parents nila. iyon ang gustung-gusto ng mga anak ko kay Bimby.”

Sorry, pero hindi kami sang-ayon sa pinalulutang ng ibang tao na si Kris mismo ang nagpapasimuno sa pagkalat ng kuwentong bading si Bimby para magmukhang biktima ang kanilang anak ni James Yap, sorry talaga.

Walang inang magkakaroon ng ganoong klase ng ideya para lang magmukhang kaawa-awa ang kaniyang anak. Ano iyon, ipupuhunan ng ina ang imahe ng kaniyang anak para lang kaawaan ng publiko?

Kahit pa siguro kalikutin nila ang buong kapaligiran ay wala silang makikitang bayarang manunulat ni Kris na magsasabing oo, siya nga ang utak sa lahat ng nangyayari, wala!

Pero ibang klase pa rin ang presensiya ni Kris Aquino. Kahit yata kulapulan na ng putik ang buong katawan niya ay babangon pa rin siya at magiging matagumpay.

Kris Aquino – Balik na sa multi-million endorsements

Habang abalang-abala ang ibang tao sa pagpipinta ng itim sa kaniyang pangalan, habang aligagang-aligaga ang mga walang magawa para siya ibagsak, ay nagpapakapagod naman si Kris Aquino sa pagharap sa kaniyang mga kompromiso.

Sa totoo lang, iyon ang positibong kapaguran, ilang araw lang niyang bibigyan ng panahon ang paggawa ng commercial ay milyones na agad ang pumapasok sa kaniyang kaban.

Tawa kami nang tawa sa kuwento ng isang nagtatrabaho sa isang kilalang agency na humahawak sa paggawa ng mga TVC ng mga sikat na produktong si Kris ang nag-eendorso.

Sabi nito, “Hindi siya maarteng katrabaho, very professional siya, pero kumbaga sa mga track and field players, una muna ang jogging.

“Marami siyang tanong. Lahat, inuusisa niya. Marami siyang kuwento. Jogging muna bago ang rektang pagtakbo. Pero kapag naka-ready na ang lahat, wala ka nang poproblemahin!

“Ginagawa niya ang nasa story board. Hindi siya nagmamarunong. Alam niya na tama ang ginagawa ng ahensiya, kaya sumusunod siya. Saka hindi siya maramot sa mga kailangang gawin.

“Siya pa nga ang nagsasabing hindi siya satisfied sa first take, kailangan daw ulitin, concerned siya sa kalalabasan ng trabaho niya.

“Ganoon ang masarap katrabahong endorser. Kung kuwentuhan, kuwentuhan lang. pero kapag kasado na ang lahat, diretso na siyang magtrabaho,” kuwento ng aming source.

Pero ang pinakamarkadong linyang naririnig namin mula mismo sa mga ahensiya ay ibang-iba kapag si Kris Aquino ang modelo ng produkto.

“Nata-translate sa sales ang pag-e-endorse niya. Bilyong transaction ang paglalabas ng brand, suntok sa buwan talaga kung babalik ang puhunan ng company.

“Kapag si Kris ang endorser, pre-sold na ang produkto. Negosyo ito, kailangang bumalik ang puhunan at ang tubo, kaya si Kris Aquino pa rin ang kinukuhang endorser,” paliwanag ng aming source sa agency. Panalo!

Kaya sorry na lang sa mga taong nagpapalaganap ng galit laban sa kaniya dahil eto na naman at muling pumirma ng kontrata si Kris sa dalawang multinational companies para sa pag-eendorso ng kanilang mga produkto.

Wala na raw sisirain pa kay Kris Aquino dahil dati na siyang sira. E, bakit kinukuha pa rin siyang endorser? Bakit pinagkakatiwalaan pa rin siya ng malalaking kumpanya?

Sabi ng aming source, “Nagpa-survey muna ang agency na humahawak sa mga produkto, si Kris pa rin ang most effective endorser, kapag siyan ang nagbebenta sa publiko ng produkto, sigurado na ang panalo!

“May nagawa ba ang mga paninira sa kaniya? Kulang na kulang pa siguro ang effort nila!” sabi ng aming kaibigan.

Sen. Jinggoy Estrada – Suportado ng mga kasambahay

Napakalaki ng utang na loob na tinatanaw ng mga kababayan nating naglilingkod bilang kasambahay kay dating Senador Jinggoy Estrada. Siya ang may-akda at nagtaguyod ng Batas Kasambahay na sinasandalan ngayon ng mga inaabusong kasambahay.

Ang pinag-ugatan ng Batas Kasambahay ni dating Senador Jinggoy ay ang napakaparehas na pagtrato ng kanilang pamilya sa mga kasambahay. Personal naming nakikita iyon, ang mga yaya nilang magkakapatid, hanggang ngayon ay naglilingkod pa rin sa pamilya Estrada.

May mga kasambahay silang bumibilang na ng dekada sa paglilingkod sa kanila, mga anak na nina Senador Jinggoy, Jackie at Colonoel Jude ang inaalagaan ng mga ito ngayon, ganoon kaganda kung ituring ng pamilya ang kanilang mga kasambahay.

Ang Batas Kasambahay ang nagbibigay ng proteksiyon sa mga inaabusong kasambahay, ang isinulong na Republic Act 10361 ni Senador Jinggoy rin ang nagmulat sa mga mata ng mga kasambahay tungkol sa kanilang mga karapatan, ang suweldong kakarampot sa sobrang daming trabaho nila ay tumaas dahil kay Senador Jinggoy.

Hindi lang dito nagmamalasakit ang aktor-pulitiko, maging sa ibang bansa kung saan namamasukang kasambahay ang ating mga kababayan ay sinasadya rin ng anak ng masang pulitiko, nabibiyayaan din ang mga ito ng ipinasang batas ni Senador Jinggoy.

Sa mga probinsiyang dinadalaw niya nitong mga huling buwan ay ramdam na ramdam ng aktor-pulitiko ang napakainit pa ring pagtanggap sa kaniya ng ating mga kababayan mula sa iba-ibang rehiyon.

“Pakiramdam ko nga, e, parang hindi naman ako nakulong dahil walang pagbabago ang pagtanggap nila sa akin. Napakainit pa rin ng mga yakap nila, damang-dama ko iyon,” pahayag ng anak ng masa.

Ngayon, sa kaniyang nakatakdang laban para muling bumalik bilang senador ay mayroon nang malaking bulto ng botong masasandalan si Senador Jinggoy, hindi siya pababayaan ng mga kababayan nating kasambahay at ng mga Pinoy na naniniwalang malaking karagdagan siya sa Senado.

Willie Revillame – Nagsimula na uling mag-taping sa Wowowin

Nagsimula na uling mag-taping si Willie Revillame para sa kaniyang matagumpay na Wowowin. Sobrang nasaktan-nalungkot ang aktor-TV host dahil sa aksidenteng naganap sa kaniyang studio ilang linggo na ang nakararaan.

Ang pinlano niyang birthday party ay hindi natuloy pero dumating pa rin ang kaniyang mga kaibigan at katrabaho para bumati sa kaniyang kaarawan.

Nagpahinga muna si Willie sa kaniyang bagong biling islang bakasyunan sa Mindoro, doon siya nagpalipas ng kalungkutan, kilalang-kilala si Willie kung paano magmahal ng kaniyang mga tagasuporta.

Sabi niya, “Ang pinakamasayang point ng buhay ko sa maghapon, e, kapag may nananalong contestant sa show, lalo na kapag nakukuha ang jackpot prize.

“Nakauwi na ako, pagod na pagod dahil sa dalawang taping, pero kapag naaalala ko ang happiness ng nananalong contestants, nawawala ang pagod ko.

“Nagbabalik sa akin iyong sarap ng mga sigaw nila, iyong pag-iyak dahil sa sobrang kaligayahan dahil magkakaroon ng malaking pagbabago ang buhay nila,” komento ng aktor-TV host.

Bago magsimula ang taping ng Wowowin ay ang mga pamigay na t-shirt, jacket, telepono at kung anu-ano pang giveaways ang unang tsine-check ni Willie.

Sabi ng isa niyang staff, “Kailangang aregladong lahat iyon, hindi puwedeng umuwing walang dala ang mga supporters niya. Ganoon niya kung mahalin ang mga nanonood ng show niya, lalo na ang mga nanggagaling pa sa malalayong probinsiya.

“Kumbaga, e, kulangin na kami sa iba, huwag lang sa mga fans niya, dahil ang palaging sinasabi sa amin ni kuya sa meeting, ang audience ang priority dapat sa amin,” kuwento ni Bern.

May bahid pa rin ng lungkot ang TV host, pero sabi nga, the show must go on dahil maraming kababayan natin ang umaasang mababago ang estado ng buhay dahil sa Wowowin.

ABS-CBN – Ibang klase ang magneto ng mga serye ngayon

Ibang klase ang magneto ng mga serye ng ABS-CBN sa ating mga kababayan tuwing primetime. May mga kaibigan kaming hindi tumatanggap ng meeting mula alas siyete hanggang alas nuwebe nang gabi.

Sa hapon sila nakikipag-meeting, pinaglalaanan nila ng panahon ang sunud-sunod na serye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsiyano, The General’s Daughter at Halik.

Kung talagang kailangan nilang makipagkita sa katransaksiyon nila sa gabi ay nagpapa-record na lang sila ng tatlong serye. Wala silang pinalalampas. Bigyan mo sila ng pagsusulit at siguradong perfect nila ang mga tanong tungkol sa sunud-sunod na serye ng Dos.

Iyon din ang dahilan kung bakit kinabubuwisitan ng mga kababayan natin ang matinding traffic kapag pauwi na sila. Hindi na nila nasisimulan ang Ang Probinsiyano.

Lalo na ngayon na napakainit na naman ng sagupaan ng Vendetta na pinamumunuan ni Cardo Dalisay at ng pinagsanib na grupo nina Jhong Hilario at Joross Gamboa, sino nga ba naman ang magkakagustong makalampas sa kanila ang mga upakan-barilang eksena, nakakapanghinayang iyon kapag hindi nila napanood.

Hawak sa leeg ng mga serye ng ABS-CBN ang manonood. Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “Mainit ang ulo ng mga Pinoy kapag nakalalampas sa kanila ang tatlong serye, sa totoo lang.

“Magpunta ka sa palengke, iyon ang pinagkukuwentuhan ng mga tindera. Ang mga estudyante ko nga, e, ang mga serye ring iyon ang pinag-uusapan nila!” tawa nang tawang kuwento ni prop.

May sasagupa sa kanila, pero mabibigo, may tatapat pero pinag-iiwanan sa rating. Ibinibigay naman kasi ng ABS-CBN ang kapritso ng manonood.

Maayos na daloy ng kuwento, mga sikat na artista, magagaling na direktor na namamahala sa kanilang mga serye.

Wala ka nang hahanapin pa. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Marso 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 1-15, 2019

      NAY CRISTY MANAY LOLIT SALVE ASIS REY AR REYES PSN LIVE
 
Lolit Soli, Rey-ar Reyes, Cristy Fermin & Salve Asis
  Sarah Geronimo Matteo Guidicelli
 
Sarah Geronimo & Matteo Guidicelli
  LizQuen
 
Enrique Gil & Liza Soberano
  Coco Martin
 
Coco Martin
   Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Sam Milby
 
Sam Milby
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
 
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
  Morisette Amon & Regine Velaquez
 
Morisette Amon & Regine Velaquez

 Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Korina Sanchez & Mar Roxas
 
Korina Sanchez & Mar Roxas
  PEPE PILAR
 
Pepe & Pilar
  Catriona & Clint Bondad
 
Catriona Gray & Clint Bondad

Take It… Per Minute! – Tuwing Martes, 12 nn sa Pilipino Star Ngayon FB page

Sobrang saya ng hatid sa amin ng pagkakaroon ng isang show sa social media. Sa isang tulad namin na mas piniling walang anumang social media account, ang pagkapanganak ng Take It… Per Minute ay isang bagong atake, grabe pala ang naaabot ng ganoong palabas.

Ang mga kaibigan naming matagal nang naninirahan sa Canada, Amerika, Saudi Arabia, Australia at United Kingdom ay tumutok sa unang sultada ng show namin ni Manay Lolit Solis sa PSN Facebook Page.

Isang oras na chikahan iyon na walang break, tuluy-tuloy lang ang kuwentuhan, kaya sabi ni Salve Asis na patnugot namin kay Manay Lolit, “Nay, dyuminggel ka na! Walang break ito!”

Maraming-maraming salamat kay Boss Miguel Belmonte na may pabulaklak pa sa amin ni Manay Lolit, maraming salamat sa PSN staff at kay Salve Asis na tunay namang nagpakahirap para sa ikagaganda ng show, maraming salamat sa mga regular naming tagapakinig-tagapanood sa Cristy Ferminute sa Cignal Channel 6 na tumutok mula sa umpisa hanggang sa dulo ng Take It… Per Minute.

At maraming salamat sa aming assistant na si Japs Gersin na nagdisenyo sa aming set, kay Ahwel Paz na may pa-lunch sa buong grupo, at sa mag-asawang Senador Bam Aquino at Timi na humanap ng panahon para makasama namin sa programa.

Sa darating na Martes, alas dose nang tanghali, ay tinatrabaho namin ang pagge-guest ng isang napakakontrobersiyal na female personality para makasama namin ni Manay Lolit.

Ang tanong, kakasya ba ang isang oras lang ng Take It… Per Minute kapag pumayag siyang maging panauhin namin, si Salve Asis na at ang PSN staff ang bahalang magdagdag ng oras kapag kinailangan.

Mula po sa amin ni Manay Lolit Solis, mula sa pamunuan ng PSN, maraming-maraming salamat sa napakainit na pagtanggap sa unang sultada ng Take It… Per Minute!

Hanggang sa susunod na Martes, alas dose nang tanghali sa Pilipino Star Ngayon Facebook Page, kitakits!

Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo – Nagpakasal na ba?

Bahala na ang kampo nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo kung paano nila tatanggapin at ipagkakaila ang sariwang-sariwang balitang nakarating sa amin.

Una, ayon sa aming source ay secretly married na sina Matteo at Sarah. Ikalawa, noong nakaraang Huwebes ay magkasama silang nag-scout ng condo unit at nakakita na sila.

50M ang halaga ng unit pero nakikipagnegosasyon pa rin sila para mabawasan ang presyo. Ang napili nila ay isang unit sa Amorsolo Condo Building sa harapan ng Edades Condo sa Rockwell area.

Ayon sa aming source ay malaki ang posibilidad na idenay ng magkarelasyon ang kuwentong ito dahil baka walang alam ang pamilya ng singer-actress pero naninindigan ang aming kausap na hindi multo ang nakita ng mga nakatira na sa Amorsolo Condo Building.

Isa pa ay nasa tamang edad na sina Matteo at Sarah para bumuo ng sarili nilang mundo. Balitang nagpaalam na ang aktor sa pamilya ng singer-actress pero hindi pumayag ang pamilya ni Sarah sa plano na sana nilang lumagay sa tahimik.

Sundot pa ng aming source, “Kapag nagdenay sila tungkol sa pag-scout ng condo unit, mag-imbestiga na lang kayo sa building.”

LizQuen – Sinuportahan ng fans ang Alone/Together

Ilang linggo nang malungkot ang mundo ng industriya ng pelikulang Pilipino dahil sa sunud-sunod na hindi pagtatagumpay sa takilya ng mga pelikulang ipinalalabas.

Ang ibang pelikula ay binabawasan na agad ng mga sinehan sa ikatlong araw pa lang, wala nang panahon para man lang makabawi sa puhunan, subsob ang mga proyektong ipinalalabas nitong mga nakararaang linggo.

Pero parang sinaksakan ngayon ng suwero ang industriya, milyones ang kinita sa unang araw pa lang ng pelikulang pinagtambalan ng LizQuen, ang Alone/Together at patuloy pa ring sinusuportahan ngayon ng ating mga kababayan.

Minsan pa ay lumutang ang kasabihan na walang masamang panahon para sa isang magandang pelikula. Hindi problema ang mahigpit na traffic kung gusto nating mapanood ang isang proyektong maayos na sinulat at ginawa ang kabuuan ng kuwento.

Isang magandang senyal din ang pagkita ng Alone/Together na may fan base nga ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Puwede silang sugalan, puwede na silang pakawalan, pakikinabangan talaga sila ng produksiyon.

At huwag menosin ang kakayahan ng sumulat at nagdirek ng pelikula, magaling talaga si Antonette Jadaone, tahimik lang pero rock na rock ang dating ng kaniyang mga obra.

Sabi ng isang kaibigan ay nakatulong daw ang pag-amin ng LizQuen tungkol sa dalawang taon na nilang relasyon. Naging kapani-paniwala raw ang kanilang mga lambingan sa pelikula.

Hindi kami sang-ayon doon dahil maraming loveteam na matagal nang lantad tungkol sa kanilang mga relasyon pero hindi naman kumita ang mga pelikula.

Word of mouth ang mas kapani-paniwalang pambenta ng isang produkto. Kapag nagpasa-pasa na sa iba-ibang bibig ang kaayusan ng isang pelikula ay nagkakaroon ng interes ang publiko na panoorin din iyon.

Pinutol ng LizQuen ang tanikala ng sinasabing kamalasan sa mundo ng industriya ng pelikulang Pilipino. Sana’y masundan pa ang kanilang pelikula ng mas maraming proyektong mamimiruya rin ng pera sa takilya.

Coco Martin – Ang FPJ ng kasalukuyang panahon

Sa pagsasalba ni Coco Martin sa matinding problemang dinadala ng mga naiwan ng sumakabilang-buhay na aktor na si Kristoffer King ay sumariwa sa aming alaala ang namayapang Hari Ng Aksiyon na si Fernando Poe, Jr. noong kaniyang kapanahunan.

Pampalibing. Pampaospital. Pambili ng gamot. Pambayad ng ilaw at renta sa bahay. Pampaaral ng mga anak. Lahat na yata ng problema ng kaniyang mga kasamahang artista ay inilalapit noon kay Da King.

Walang nabibigo, lahat ay umuuwing may maluwag na kalooban, dahil hindi tumatanggi ang FPJ ng ating bayan sa kahit sinong humihingi ng tulong sa kaniya.

Ganyang-ganyan din ang imaheng mayroon ngayon ang bumibida sa Ang Probinsiyano na si Coco Martin. Siya ang takbuhan ng mga nangangailangang personalidad, siya ang hinihingan ng ayuda ng maliliit na manggagawa ng telebisyon at pelikula, binubuhay ni Coco Martin si FPJ sa maraming paraan at dahilan.

Bukas ang kaniyang palad sa pagtulong, pati nga nag takbo ng kuwento ng pinagbibidahan niyang serye ay ipinasusulat niya para maipasok lang sa daloy ng istorya ang lumalapit na personalidad sa kaniya para magkatrabaho, si Coco Martin na talaga ang FPJ ng kasalukuyang panahon.

Napakalaki ng tulong na ibinigay niya sa pamilya ng namayapang si Kristoffer King na nakasama niya sa mga pelikulang indie. Pambayad sa ospital, pampalibing, tulong para sa mga anak ng namayapa at iba pang mga aspetong kakailanganin ng naiwang pamilya.

Lahat ng iyon ay ibinigay ni Coco, ganoon siyang magpahalaga sa kaniyang mga kasamahan, marunong siyang magbahagi ng kaniyang mga biyaya dahil sobra-sobrang suwerte rin naman ang hawak niya ngayon.

Iyon si Coco Martin. Hindi lang siya magaling sa bakbakan, hindi lang siya guwapo, mas makisig ang kaniyang puso na hindi nakikita ng mas nakararami.

Sa ngalan ng pamilya ni Kristoffer King, maraming-maraming salamat, Coco Martin. Mabuhay ka!

Kris Aquino – Ibinasura ng piskalya ang mga kaso laban kay Falcis

Dalawang asunto nang ihinain ni Kris Aquino laban kay Nicko Falcis ang ibinabasura ng piskalya. Nauna lang nang ilang araw ang resolusyon ng Makati Prosecutors Office sa pagbabasura ng kasong qualified theft pero agaran ding lumabas ang desisyon ng piskalya ng Pasig City.

May balita pang lumulutang ngayon na malapit na ring lumabas ang resolusyon ng Taguig at Manila, dismissed din diumano ang kasong isinampa ni Kris laban kay Nicko Falcis, kaya maraming nag-oopinyon na humihina ang mga kasong ihinain ng aktres-TV host laban sa dati niyang kasama sa KCA Productions.

Nakaaalarma ang ganitong senaryo para kay Kris. Kung nababasura ang mga kasong isinampa niya ay puwedeng isipin na mahina ang kaniyang kaso laban kay Nicko.

Puwede ring isipin na wala na kasi sa posisyon ang pamilya ni Kris, ang kapangyarihang hawak nila noon ay wala na, kaya nangyayari ang ganito.

Kailangan nang magmuni-muni ni Kris, bigyan niya dapat ng panahon ang pagbabalanse sa kaniyang buhay, sunud-sunod kasing paghamon at kabiguan ang kaniyang nakakaengkuwentro

Ang unang malakas na bigwas sa kaniya ay nang pagsaraduhan siya ng pintuan ng ABS-CBN mahigit na dalawang taon na ang nakararaan. Ikalawa ay ang pagkakaroon niya ng problema sa kaniyang kalusugan.

Napakatinding problema para kay Kris ang pagkakaroon ng sakit na matagal na panahon bago natuklasan kung saan nag-uugat. Mabuti na lang at sobra-sobra ang kaniyang kayamanan na kayang tumustos sa lahat ng kaniyang mga pangangailangang medikal.

Tapos ay heto ang mga kasong isinampa niya laban sa isang taong binigyan niya ng pagtitiwala. Nakatagpo siya ng katapat kay Nicko Falcis, palaban din itong katulad niya, hindi magpapagapi nang basta-basta.

Tatluhan daw ang pag-atake sa atin ng suwerte at ng mga hindi kagandahang pangyayari. Sana nga ay ito na ang huli para kay Kris Aquino, wala na sanang sumunod pa, para magkaroon na siya ng katiwasayan ng isip at kalooban.

 Sam Milby – Napaka-guapo! Mas maganda pa siya kay Yen!

Mukhang nakarating kay Sam Milby ang madalas mapansin ng mga manonood sa acting na ipinakikita niya sa seryeng Halik. Kumikiwal-kiwal kasi ang kaniyang bibig, palaging napapakagat ng kaniyang labi, hindi nga naman maganda iyon.

Sa mga huling episodes ng serye ay mukhang alam na ni Sam ang kaniyang gagawin, iniiwasan na niya ang pagalaw-galaw ng labi, mas maganda na siyang panoorin.

Dapat lang namang malaman iyon ni Sam para kapag magkaeksena sila ng bumibidang si Jericho Rosales ay nakakasabay siya, hindi siya napag-iiwanan, dahil para lang kumakain ng kornik si Echo kahit sa madadramang tagpo.

Sobrang pinasama na ang karakter ni Sam sa Halik, kasumpa-sumpa na ang mga pinaggagawa niya kay Yen Santos pati kay Yam Concepcion, pero may komento ang kaibigan naming propesor sa ginagampanang papel ng guwapong singer-actor.

Sabi ni prop, “Napakaganda ng mga mata ni Sam Milby, kung ganoon naman ang mangangawawa sa iyo, e, okey na rin! Honestly, napakaguwapo niya, ibang-iba ang charisma niya.

“Sa mga eksena nga nila ni Yen, e, mas maganda pa siya!” komento ng sutil naming kaibigang propesor.

John Lloyd Cruz – Mukhang babalik na sa trabaho

Tumawag ang isang source namin mula sa ABS-CBN. Nandoon daw si John Lloyd Cruz nitong February 26. May kakausapin daw na ehekutibo ng network ang kinasasabikang bumalik nang aktor ng ating mga kababayan.

“Ibang-iba na ang itsura niya! Tumaba siya, saka parang hindi clean-looking, may balbas at bigote kasi siya. Ang layu-layo sa John Lloyd na nakikita ko dati!” excited na kuwento ng aming source.

Pero mukhang masaya raw ang magaling na aktor, kitang-kita iyon sa bukas ng kaniyang mukha, parang natagpuan na nga ni JLC ang kaligayahang hinahanap niya.

Pero naniniwala kaming hindi basta pagdalaw lang sa network ang ipinunta niya doon, may kailangan siyang kausapin para sa kaniyang pagbabalik, ganoon din ang paniwala ng lahat ng mga nakakita sa kaniya sa bakuran ng ABS-CBN.

Napakagandang senyal noon kung magbabalik na nga sa pagtatrabaho si Lloydie. Napakarami nang nakaabang sa pag-arte niya uli sa telebisyon man iyon o sa pelikula.

Palaging may espasyo ang showbiz para sa mga personalidad na nagmarka na. Hindi matatawaran ang galing sa pagganap ni Lloydie at pruweba ng tagumpay niya ang kaban ng yaman ng Star Cinema na malaking halaga ang galing sa kaniyang mga obra.

Puwede niya namang pagsabayin ang peronal niyang kaligayahan ngayon sa pagtatrabaho, mas maganda nga kaniyang estado ngayon, mayroon siyang inspirasyong anak na pag-uukulan ng kaniyang pagpapagod at pagpupuyat.

“Nagtagal din siya sa pakikipag-usap sa mga executives. Sana nga, magbalik na siya sa pagtatrabaho, ang dami-dami nang nakaka-miss sa kaniya!” sabi ng kaibigan namin sa Dos.

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo – Totoo bang nagkabalikan na?

Ayon kay Ogie Narvaez Rodriguez, anak-anakan naming malapit sa KathNiel, ay masasaya raw ang mga tagasuprota ng loveteam dahil hindi totoong nagkakaroon sila ng problema.

Sana nga ay totoo iyon, sana nga ay walang pinagdadaanan ngayon sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, dahil tunay na nakapanghihinayang ang mahabang panahong pinagsamahan nila at parehong iningatan.

Pero wala kasing lalabas na mga kuwento kung walang pinag-ugatan. Kahit anong pagtatakip pa ang kanilang gawin ay makakahalata pa rin ang marami sa mga kakaibang nagaganap ngayon sa kanilang relasyon.

Nabigyan tuloy ng kakaibang pakahulugan ang sinabi ni Daniel sa isang interview na masarap lang sa mga unang panahon ang relasyon dahil masaya, pero kapag nagtagal na ay palagi nang nagkakaroon ng mga away, ng hindi pagkakaintindihan.

Ano raw ang ibig sabihin noon? Na hindi na masaya si Daniel sa relasyon nila ni Kathryn ngayon? Na parang nagsasawa na ang binata sa kaniyang girlfriend?

Lahat ng kanilang mga pahayag ay puwedeng bigyan ng kakaibang interpretasyon, kahit wala namang negatibong ibig sabihin, kaya kailangan nilang mag-ingat sa mga binibitiwan nilang mga salita.

Natural lang naman sa mga nagmamahalan ang pagkakaroon ng problema paminsan-minsan, sabi nga ay kumbinasyon ng tamis at asim ang mas nagpapatibay sa isang relasyon, pero kung mayroon nga sa pagitan nina DJ at Kath ngayon ay mas maaga sana nilang matagpian ang kung anumang hindi pagkakaintindihang pinagdadaanan nila.

Hindi biro-biro ang pitong taon. Sayang. Nakapanghihinayang.

Regine Velasquez – Ipinagtanggol si Morisette Amon

Kahangahanga ang naging aksiyon ng Asia’s Songbird nang i-bash ng kaniyang mga tagasuporta si Morisette Amon dahil sa pagkakatiwala niya ng kaniyang piyesa sa magaling na female singer.

Walang kiyaw-kiyaw, talagang sinagot nang diretso ni Regine Velasquez ang kaniyang mga fans na kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato laban kay Morisette.

Tama lang ang kaniyang ginawa, paminsan-minsan ay kailangang nakakatikim ng latigong mga salita ang mga taong walang kunsiderasyon sa kanilang kapuwa, walang masama sa ginawa ng magaling na singer.

Ipinahiya nga naman siya ng mga ito, siya ang nagdesisyong ipa-record ang kanta kay Morisette, tapos ay hahadlangan siya ng mga taong walang magawa sa buhay?

Malinaw na pagkapahiya iyon dahil sa halip na pahalagahan ng kaniyang mga tagasuporta ang puso niyang walang karamutan ay sinaktan pa ng mga ito si Morisette Amon.

Kapala-palakpak ang kaniyang sinabi na “Bakit, pag-aari n’yo ba ako?” at ang kumakagat niyang buweltang “Bakit mas marunong pa kayo sa akin?”

Ganoon kung magbigay ng proteksiyon si Regine Velasquez sa kaniyang mga kapuwa singers. Hindi siya papayag na basta na lang apihin ang isang taong wala namang kasalanan.

Ganoon ang makikipagkaibigan. Hindi nang-iiwan sa gitna ng laban.

Angel Locsin – Nag-walk out sa sa taping ng The General’s Daughter

Nilinaw ng isang source sa amin ang totoong bersiyon daw kung bakit nag-walkout si Angel Locsin sa taping ng The General’s Daughter noong nakaraang Biyernes.

Ang wardrobe department pala ang nagpa-init ng ulo ni Angel. Palagi na lang daw kasing nangyayari na hindi nagkakasya ang mga ipinasusuot sa kaniya sa taping.

“Maagang bumiyahe si Angel papuntang Tagaytay, napakalayo ng place, ang traffic-traffic pa! May kukunang eksena na magdi-disguise siya, kasi nga, undercover agent siya sa istorya, di ba?

“Palpak ang wardrobe, hindi kasya sa kaniya. Puwedeng lagyan ng mga perdible, pero sino ba namang artista ang makaaarte nang kumportable kapag ganoon?” kuwento ng aming kausap.

Iyon ang palaging iniiwasang problema ni Susan Roces, si Manang Inday, namumuhunan ang Reyna Ng Pelikulang Pilipino sa mga isinusuot nito.

Sabi ng aming source, “Kailangan naman talagang namumuhunan ang mga artista sa linya ng trabaho nila. Ganoon ang ginagawa ni Manang Inday para maiwasan ang problema sa wardrobe.

“Bumibili siya ng mga damit niya, nagpapatahi siya, para fit na fit sa kaniya. Kahit si Maricel Soriano, namumuhunan din. Hindi siya umaasa sa wardrobe lang ng production.

“May namimili para sa kaniya, gumagastos siya, kasi nga, hindi talaga maiiwasan ang ganoong problema sa shooting at taping,” impormasyon pa ng aming source.

Iyon daw ang talagang naging problema kaya umalis si Angel Locsin sa taping. Ang hirap-hirap na nga ng role na ginagampanan niya pero nagkakaroon pa ng problema sa kaniyang mga isinusuot.

Mar Roxas at Korina Sanchez – May kambal na anak, sina Pepe at Pilar

Nakahabol pa rin sa huling biyahe sina dating Senador Mar Roxas at Korina Sanchez. Sa kanilang edad ngayon ay mahirap na silang magkaanak sa normal na proseso pero ano ang ginagawa ng kanilang salapi?

May milagro kahit saan, maging sa pagkakaroon ng anak na hatid ng siyensiya, kaya kasama na nila ngayon ang kanilang kambal na sina Pepe at Pilar.

Butas ang bulsa ng mga magulang na dumadaan sa proseso ng surrogacy, ang pinagsama nilang itlog kapag nabuo ay iniineksiyon sa isang babae, ito ang magpapalaki sa punla sa loob ng kaniyang tiyan.

Matagumpay ang lahat, siyam na buwang naghintay sina Kuyang Mar at Ate Koring, hanggang sa iluwal na ng surrogate mother ang kanilang kambal.

Sila ang magkatuwang na nag-aalaga ngayon sa kanilang anak sa ospital kung saan nanganak ang babae. Hindi pa nila maiuuwi ang kambal, dahil may mga dokumentong kailangan nilang kumpletohin pero mauuna na sa pagbabalik sa bansa ang tatay dahil sa kampanyang inaasikaso nito sa kaniyang pagbabalik sa Senado.

Regalo ng langit ang turing ni Ate Koring kina Pepe at Pilar. Tunay namang milagro talaga ang naganap dahil sino nga ba ang mag-aakalang magkakaanak pa sila, at kambal pa, sa kanilang edad ngayon?

Maraming kababayan natin ang masayang-masaya sa pagdating ng kambal sa buhay ng mag-asawa. Mahal ang proseso, milyunan ang ginastos nila, pero natupad naman ang kanilang pangarap na magkaroon ng mga anak na mula pa rin sa kanilang punla.

Sina Pepe at Pilar ang magsisilbing gabay nina Kuyang Mar at Ate Koring sa kanilang pagtanda. Mas masarap maging gabay ang mga kamay ng anak kesa sa tungkod na walang buhay.

Catriona Gray – Trabaho muna ang priority bago si Clint Bondad

Malakas ang kutob naming magkakaibigan na mayroon nang pormal na usapan sina Clint Bondad at Miss Universe Catriona Gray tungkol sa magiging estado ng kanilang relasyon.

Hindi ganoon kadaling kalimutan ang anim na taong relasyon. Bumubukadkad pa lang kumbaga sa bulaklak si Catriona ay sila na ang nagmamahalan.

Nang dahil lang sa isang korona ay nanaisin ba nilang basta na lang mabalewala ang pagmamahalang pareho nilang iningatan at ipinaglaban?

Sabi ng isang kaibigan namin, na sinasang-ayunan ng buong grupo, “Madalas nang nangyayari ang ganyan. Kapag nanalo sa malakihang beauty pageant ang babae, kailangan niyang i-set aside ang personal life niya.

“Iyon kasi ang kailangan at nararapat, magiging malaking abala kasi sa mga responsibilidad niya ang pagkakaroon ng boyfriend. Saka parang ang feeling kasi ng buong bansa, e, pag-aari nila si Catriona bilang kinatawan nating nagtagumpay,” komento ng aming kaibigan.

Maraming naaawa ngayon kay Clint Bondad, parang tissue paper lang daw ito na pagkatapos gamitin ay basta itinapon na lang sa basurahan, ganoon ang pakikisimpatya ng mga kababayan natin sa guwapong modelo.

Pero ayon kay Catriona, bago pa man siya pumagitna sa laban ay mayroon na silang mga problema ni Clint, ayaw nilang palakihin ang sitwasyon kaya nagkasundo na lang silang maghiwalay.

Lahat ay puwede nilang sabihin ngayon pero mas maraming naniniwala na kapag natapos na ni Catriona Gray ang kaniyang mga sinumpaang tungkulin bilang Miss Universe ay balik pa rin siya sa mga bisig ni Clint Bondad.

Hindi biro ang anim na taon. Si Clint ang nagmulat sa ating Miss Universe sa mundo ng pag-ibig. Hindi madaling kalimutan ang kanilang pinasamahan at mga pinagsaluhang paghamon na pareho nilang nalampasan. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Marso 16-31, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 16-31, 2019

      cristy
 
Lolit Sol & Cristy Fermin
  Jericho Rosales
 
Jericho Rosales
  Chokoleit
 
Chokoleit
  MARICEL WITH NAY CRISTY ETC
 
Marciel Soriano
  Gabby Concepcion
 
Gabby Concepcion
  kathryn.b
 
Kathryn Bernardo
  Kathryn Bernardo & Alden Richards
 
Kathryn Bernardo & Alden Richards
  Daniel Padilla
 
Daniel Padilla
  Arjo Atayde Maine Mendoza
 
Arjo Atayde / Maine Mendoza
  Coco Martin
 
Coco Martin

Take It… Per Minute – Nakaka-adik si Manay Lolit at si Cristinelli!

Grabe ang nagiging epekto sa ating mga kababayan ng FB Live show namin ni Manay Lolit Solis na Take It… Per Minute.

Alas dose ang programa, oras ng pananghalian, tuwing Martes pala ay nagbabaon na lang sila ng pagkain para hindi na sila lumabas pa ng opisina.

Kuwento ni Liza, kaklase namin noong kolehiyo na wala pang pinalalampas na episode ng Take It… Per Minute, “Dati, mga five lang kaming nagbabaon ng lunch tuwing Tuesday. Ayaw na kasi naming lumabas pa ng office, mami-miss namin ang show n’yo ni Manay Lolit.

“Lately, marami nang gumaya sa amin, so magkakasama na kaming nagla-lunch habang nanonood ng Take It… Per Minute. Kaniya-kaniyang gadget kami, halakhakan kami nang halakhakan habang kumakain!

“Grabe si Manay Lolit! Komedyante siya! Iyong sinabi niyang siguradong parehong bakla sina JK Labajo at Darren Espanto, siya lang ang puwedeng magpakawala ng ganoong comment!

“Malapit na kaming mabulunan noong sabihin niya iyon! Pero ang grabe, e, noong sabihin niyang butanding naman talaga si Jessy Mendiola! Si Sharon Cuneta raw, e, mother butanding at si Karla Estrada, grandparent butanding!

“Alam mo, Cristinelli, hindi na kami makakain sa katatawa! Puro halakhakan ang maririnig mo sa opisina namin! Grabe kayo! Pampagana kayo sa tanghalian.

“Nakakaadik kayo! Walang script, anything goes, palundag-lundag ang topic n’yo, pero puro scoop ang pinag-uusapan n’yo!” tawa nang tawang kuwento ng aming kaibigan.

Nakakatuwang malaman ang mga ganoong reaksiyon, kaya sa mga kapatid, kapamilya at kapuso na nagtatanong kung paano nila kami masusundan ni Manay Lolit sa programa, wala po kayong ibang gagawin kundi ang i-like at i-follow lang ang Pilipino Star Ngayon Facebook Page, tara na at makipananghalian kayo ng chika sa amin sa Take It… Per Minute!

Maraming salamat kay Salve Asis, ang aming patnugot na punong-abala sa show, sa aming staff at crew na magagaan katrabaho, ganoon din kina Japs Gersin at Tina Roa.

Maraming salamat po sa mga tumututok sa amin, lalo na sa mga OFW mula sa iba-ibang bansa na nagsasabing gamot kami ni Manay Lolit sa kanilang stress at kalungkutan, mabuhay po kayo!

Jericho Rosales – Lutang ang pagganap sa Halik

Hindi kami mapapakali kapag hindi namin sinulat ang mga papuring ito kay Jericho Rosales. Gabi-gabi niyang pinahahanga ang kaniyang mga tagapanood sa seryeng Halik, pero kakaiba ang kaniyang pagganap noong isang gabi, nag-iisa lang talaga si Jericho Rosales.

Ang pagganap ng magaling na aktor ay hindi pasigaw, pigil na pigil ang kaniyang emosyon, pero bumubulwak ang epekto noon sa manonood.

Ang eksena ay itinakas nina Sam Milby at Yam Concepcion ang kanilang anak ng aktres, hinabol niya ang dalawa habang tumatakbo na ang sasakyan, kitang-kita ang nagngangalit niyang emosyon dahil sa paglalabasan ng mga ugat niya sa leeg habang pinahihinto ang sasakyang magtatakas sa kaniyang anak.

Tumawag sa amin si prop, “Nanonood ka ba? Ano’ng masasabi mo sa eksenang ‘yan? Grabe! Siya na talaga! Hayup ang eksenang ito, pangmalakasan ito, walang ibang makagawawa ng ganito, si Echo lang!

“Pinanday na talaga ng panahon si Jericho, sobra-sobra na ang natutuhan niya, sa totoo lang! Tingnan mo, tingnan mo!” reaksiyon ni prop habang ipinakikita sa serye si Jericho na hinahabol ang sasakyang kinaroroonan nina Sam at Yam.

Ang lutang na pagganap ni Jericho Rosales ang dahilan kung bakit kahit may kagabihan na ang Halik ay inaabangan pa rin ng ating mga kababayan.

Ang tumutulay na emosyon ni Jericho sa pamamagitan ng kaniyang mga mata lang ang dahilan kung bakit hindi mo tutulugan ang serye.

Tabi-tabi sa maraming aktor d’yan pero hawak na ni Jericho Rosales ang tropeo bilang pinakamahusay na aktor ng kaniyang panahon!

Chokoleit – Nagluluksa ang mundo ng mga komedyante

Nagluluksa ang mundo ng mga komedyante, lalo na ang mga stand-up comedians, dahil sa maagang pagpanaw ng kanilang kasamahang si Chokoleit.

Siya ang nagpauso ng Miss Universe sa mga comedy bar, kaniyang-kaniya iyon, kahit papikit ay kayang-kaya niyang gawin ang pagrampa sa entablado na isang balabal lang ang kaniyang props.

Dalawang beses namin siyang nakasama sa ibang bansa, una ay sa Amerika kung saan kaming dalawa pa ang magkasama sa hotel room, ikalawa ay sa Canada kung saan limang siyudad ang aming inikutan para sa show nila nina Vhong Navarro at Vina Morales.

Ganoon nga yata ang mga komedyante. Sa entablado ay parang wala nang bukas sa kanilang pagpapatawa pero pagkatapos ng kanilang pagkokomedya ay tahimik lang sila.

Naobserbahan namin ang ganoon kina Tito Dolphy, Babalu, Willie Revillame, Vic Sotto at sa marami pang nakakasama naming nasa linya ng pagpapatawa pero seryoso sa likod ng mga camera.

Sabi nga ng mga stand-up comedians ay ganoon lang daw pala kabilis ang buhay, kausap lang nila si Chokoleit noong isang gabi, pero patay na ngayon.

Atake sa puso ang dahilan ng pagpanaw ng magaling na komedyante pero hindi namin nabalitaan kahit minsan na maysakit pala siya sa puso.

Walang-wala iyon sa kaniyang itsura lalo na kapag nasa entablado na siya, para siyang manyikang de-susi na kapag nasimulan na ang pagkokomedya ay wala nang katapusan iyon, hahalakhak ka na lang nang hahalakhak sa kaniyang mga kalokahan.

Nilinaw sa amin ni Dada, isa sa mga talent coordinators sa ginanap na show sa Abra, na hindi heat stroke ang naging dahilan ng pagkamatay ni Chokoleit.

Ang gym kung saan kumain ang mga artista ay fully-airconditioned, sabi ng aming source, pagkatapos kumain ay ihinatid naman sila sa stand-by area na naka-aircon din.

Sa oval kung saan ginanap ang main show ay hindi rin mainit, malamig ang simoy ng hangin, lagus-lagusan iyon sa venue. Ayon kay Dada ay mayroon ding mga ambulansiya sa mismong event.

Pagdating pa lang daw ni Chokoleit sa lugar ay marami nang nakapansin na parang matamlay siya, Hindi siya ang dating Chokoleit na madaldal at makulit.

Pero wala raw reklamo ang komedyante, ni hindi siya nagparamdam na mabigat ang kaniyang pakiramdam, sumalang pa rin siya at tinapos ang kaniyang performance.

Napanood namin ang kabuuang performance ni Chokoleit nang gabing iyon, mahahalata na hirap na hirap siyang huminga, hinihigit niya ang kaniyang balikat at umaangat ang kaniyang suot kapag humuhugot siya nang malalim na paghinga.

Dalawang beses din siyang humingi ng tubig, nawawala na rin siya sa tono sa ikalawa niyang song number, kaya itinututok niya na lang sa audience ang mikropono para sabayan siyang kumanta.

Hindi nagpabaya ang pamunuan ng Abra, isinugod siya agad sa pinakamalapit na ospital, pero sa biyahe pa lang ay nalagutan na ng hininga ang magaling na komedyante.

Ang aming pakikiramay sa lahat ng mga iniwan ng komedyanteng maraming pinahalakhak, pansamantalang naging gamot sa lungkot at problema ng mga Pinoy, isang payapang paglalakbay.

Maricel Soriano – Napakagaling pa rin ng Diamond Star

Para kaming nanuno sa pagkagulat nang makita naming pumapasok sa studio ng Cristy Ferminute ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sinorpresa niya kami na ang mga kasabwat ay sina Mel Martinez, Tita Dolor Guevarra at ang mga anak nitong sina JP at Aness. Ang Diamond Star, walang pagbabago ang itsura, medyo nadagdagan lang ang kaniyang timbang.

Alam namin kung gaano siya kaabala ngayon dahil tatlong araw ang kaniyang taping para sa The General’s Daughter. Hindi naman malapitan lang ang kanilang location, bumibiyahe sila sa malalayong probinsiya, kaya dapat ay ipagpahinga niya na lang ang Huwebes na libre sa kaniyang kalendaryo.

Ibang klase si Marya, ang ganda-ganda pa rin niya, makinis pa rin, mabilis gumalaw at buhay na buhay magkuwento, wala siyang kapaguran.

Kuwento niya tungkol kay Arjo Atayde na gumaganap bilang anak niya sa TGD, “Kitang-kita kong maligaya siya ngayon. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung bakit, siya mismo ang kuwento nang kuwento tungkol kay Maine!

“Very happy ang anak ko, inspired siyang magtrabaho, naaalala ko tuloy ang mga panahon ng kabataan ko!” parang kinikilig na kuwento ng Diamond Star.

Puring-puri ni Marya ang kaniyang mga kapuwa artista sa serye, para lang daw silang naglalaro sa set dahil masasaya sila, kahit pa mahihirap ang mga ginagawa nilang eksena.

“Ibang-iba kapag masaya sa set. Ang work, parang gumagaan, kahit pa matitindi ang mga scenes na ginagawa n’yo. Nakaka-miss sila kapag nagpa-pack-up na kami,” sabi ni Marya.

Gumigising siya nang alas kuwatro nang madaling-araw kapag maaga ang calltime niya. Inaayos niya ang kaniyang mga kailangan sa taping, ayaw na ayaw niya kasi na may nakakalimutan siya, iyon ang nagpapainit ng kaniyang ulo.

“Alas kuwatro ako gumigising. Muni-muni muna, nagpapainin muna ako sa kama. After noon, kilos na ako agad in preparation for the shoot. Ayoko kasi noong nagmamadali ako, kailangang cool lang, kaya maaga akong gumigising,” tip niya sa mga kapuwa niya artista.

Game na game siyang sumayaw, makasaysayan ang Rico Mambo at Body Dancer na naging tatak na niya, wala pa ring kupas ang galing sa pagsayaw ng Diamond Star.

Sa kaniyang estado bilang may titulong personalidad, sa kaniyang katayuan bilang nag-iisang Diamond Star ay hindi pinagbago ng pera, panahon at kasikatan si Maricel Soriano.

Maraming-maraming salamat sa pagdalaw na naging dahilan ng kaligayahan ng mga solidong Maricelians na hanggang ngayon ay nand’yan pa rin, buhay na buhay, nagmamahal pa rin sa kanilang Inay Marya.

Gabby Concepcion – Idinemanda ng mga kapatid!

Mismong nakababatang kapatid ni Gabby Concepcion ang nagdemanda sa kaniya tungkol sa isang lote sa P. Guevarra, San Juan na diumano’y naipalipat ng aktor sa kaniyang pangalan nang walang pirma ang kanilang inang nasa Amerika.

Matagal na raw gusong makausap ni Miguel ang kaniyang kuya, pero hindi sinasagot ni Gabby ang kaniyang mga tawag, kaya nagdesisyon itong sampahan na siya ng kasong falsification of public document.

Ayon sa lumabas na report ay nailipat ni Gabby ang lupa sa kaniyang pangalan pero imposibleng pumirma ang kaniyang ina sa mga dokumento dahil nasa Amerika nga ito.

Binili raw niya iyon sa mommy niya pero napakababa ng pagkabili sa loteng kung ibebenta ngayon ay triple na ang halaga sa pagkabili ng aktor.

Sa Amerika na naninirahan-nagtatrabaho ang mga kapatid ni Gabby, nandoon din ang kanilang inang si Mommy Baby, kauuwi lang sa Pilipinas ni Miguel na nag-check sa mga propyedad ng kanilang pamilya.

Si Gabby ang panganay sa kanilang magkakapatid, noong kasagsagan ng kaniyang popularidad ay sinubukan ding mag-artista nina Mike at Martin, hanggang sa Amerika na nga nanirahan ang mga ito.

Kung paano at bakit nailipat ni Gabby sa kaniyang pangalan ang naturang property nang hindi naman pumipirma ang kanilang ina ang kailangang depensahan ngayon ng aktor.

Alden Richards & Kathryn Bernardo – Tuloy na ang tambalan!

Tuloy na tuloy na! Wala nang makahaharang pa sa pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na kukunan sa Hong Kong. Mahigit na 20 araw silang mananatili doon para sa isang napakagandang istorya ng mga OFW na siguradong kayang-kayang itawid ng magaling na young actress at ng Pambansang Bae.

Natural, nagwawala na naman ang mga AlDub fanatics, puwede raw palang kumabilang-bakod si Alden sa Star Cinema pero bakit hindi makagawa ng pelikula ang GMA Films o TAPE, Incorporated para kina Alden at Maine Mendoza.

Malawak ang naaabot ng grupong KathNiel, naiintindihan nila na ang hakbang na ito ay para sa ikauunlad ng karera ng kanilang idolo, hindi sila maramot, lalo na’t payapa naman ang kanilang kalooban na hindi maaapektuhan nito ang relasyon nina Kath at Daniel Padilla.

Maging ang solidong Aldenatics ay hindi nagmamarakulyo, progreso para kay Alden ang tambalan nila ni Kathryn, pero siyempre’y may mga nagtatanong kung paano na si Daniel ngayong itinatambal na sa iba si Kathryn?

Ngayon pa lang ay parang nakikinita na namin kung gaano kagandang lalabas ang proyektong ito. Digmaan ito ng luha, kilalang-kilala sina Alden at Kathryn sa pagiging pabrika ng emosyon, parang gusto na naming hilahin ang panahon ng pagpapalabas ng pelikula.

Sa totoo lang!

Daniel Padilla – Pikon, dapat bantayan ang emosyon

Kailangang bantayan ni Daniel Padilla ang kaniyang emosyon. Hindi puwedeng dahil sa napipikon na siya sa kaliwa’t kanang tanong sa kaniya kung totoo bang nag-break na sila ni Kathryn Bernardo ay basta na lang siya magluluwa ng matatalim na salita.

Kailangan niyang kumuha ng seminar sa kaniyang tiyuhing si Robin Padilla na kahit pa galit na galit na ay marunong magbalanse ng mga salitang bibitiwan nito.

Madiplomasya si Robin, hanggang kaya nitong daanin sa magandang usapan ang sitwasyon ay gagawin nito, hindi tulad ni Daniel na palaging napipikon.

Kung matatandaan, nang mag-concert siya sa isang probinsiya ay hinamon niya ang isang grupo ng mga kabataang lalaki na umakyat sa entablado, dahil ang akala niya’y pinagtatawanan at binu-bully siya.

Kumalat ang kuwentong iyon, biglang tumabang ang paghanga sa kaniya sa lugar na pinangyarihan ng senaryo, pikunin nga si Daniel.

Napakaraming paraan para masagot niya nang maayos ang mga tanong kahit pa inis na inis na siya. Maraming salitang puwedeng pakawalan sa halip na sisihin ang mga manunulat na sila lang ang nagpapalaki ng isyung hiwalay na sila ni Kathryn.

May isyu lang, kaya siya tinatanong, pampublikong pigura siya at sikat, kaya siya nauurirat ng mga reporters. Mas masakit kapag dumating ang panahon na ang dami-dami nang nangyayari sa kaniyang karera at lovelife nang wala nang nagtatanong sa kaniya.

Mas masakit kapag wala nang pakialam ang mga manunulat sa pinakahuling balita tungkol sa kaniya dahil hindi na siya karapat-dapat bigyan ng espasyo sa mga pahayagan dahil mayroon nang pumalit sa kaniyang puwesto.

Arjo Atayde & Maine Mendoza – Dapat tanggapin na ng AlDub Nation

Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. matagal nang magkarelasyon sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Noong mga panahong inuupak-upakan ng ibang miyembro ng AlDub Nation si Arjo at ang pamilya nito ay magkarelasyon na sila.

Ipinakilala na noon ni Maine sa kaniyang pamilya ang aktor, nagkakilala na rin ang mga magulang ni Maine at ang parents ni Arjo, kaya huwag nang umasa pa ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza na mapipigil pa nila ang pagkakamabutihan ng dalawa.

Sabi ng aming source, “Maingat lang sila, pero noong sinabi ni Maine na exclusively dating nila ni Arjo, sila na noon. Nakakaligtas na sila sa mga mata ng mga AlDub fans, nakapagpoprobinsiya nga sila nang walang lumalabas na kahit ano,” sabi ng aming kausap.

Kailangan nang isuko ng mga nakikipagpatayang fans nina Alden at Maine ang kanilang pangarap na ang kanilang mga idolo ang magkatuluyan.

Mula noong 2015 ay sila na ang magkasama halos sa araw-araw, pero mayroon bang naganap na seryosong relasyon sa kanilang pagitan, parang John Lloyd Cruz at Bea Alonzo lang sila na hanggang sa harap lang ng mga camera naglalambingan.

Pang-unawa ang kailangan ngayon ni Maine. Kailangang intindihin ng kanilang mga tagahanga ni Alden na may sarili silang buhay. Hindi ang kung sino ang gusto ng kanilang mga fans ang kailangang masunod.

Ang puso ni Maine ay hindi puso ng mga fans. May sariling buhay ang dalaga na kung sino ang nagpapaligaya sa kaniya ay kailangang doon siya.

Sa pakikipagrelasyon ni Maine kay Arjo ay itinaya na niya ang lahat-lahat. Handa na siyang mabuwag ang loveteam nila ni Alden, naka-ready na siyang humiwalay ang kaniyang mga loyalista sa buhay niya, taya na pati ang buhay at career ni Maine sa pakikipagrelasyon niya kay Arjo Atayde.

Pero maligaya siya.

Claudine Barretto – Payat na! Napakaganda pa rin!

Payat na si Claudine Barretto. Napakalaki ng bumagsak na timbang ng aktres at maganda at makinis pa rin siya hanggang ngayon sa kabila ng mga giyera ng buhay na pinagdaanan niya.

Maraming tagahanga ng aktres ang umaasang isang araw ay babalik na uli sa pag-arte ang kanilang idolo dahil wala namang nagbago sa kaniyang itsura. Hindi siya nagmukhang matanda samantalang parang pasan niya ang daigdig noong mga nakaraang taon dahil sa hiwalayan nila ni Raymart Santiago.

Madalas silang mag-bonding ngayon ng kaniyang kapatid na si Gretchen, si Claudine ang nagpupunta sa bahay ng kaniyang ate kasama ang kaniyang mga anak, napakaayos ng kanilang samahan ngayon.

Tutal naman ay humupa na ang demandahan nila ni Raymart, bakit kaya hindi na lang tumutok si Claudine sa kaniyang career, nakapanghihinayang ang butas ng oportunidad na iniwanan niya nang magkawindang-windang ang buhay niyang personal.

Itinuturing siyang reyna ng ABS-CBN, walang patlang ang paggawa niya ng mga serye at pelikula, dahil malakas ang panghatak niya sa manonood.

Nakapanghihinayang ang pagkakataong pinalalampas niya, handang-handa pa rin siyang humarap sa mga camera, lalo na ngayong payat na payat na siya at maganda pa rin.

Sabi ng aming source, “Kapag nakita mo siya, ang ganda-ganda pa rin ni Claudine! Napaka-flawless niya! Wala siyang make-up noong makita namin, pero magandang-maganda pa rin siya, saka ang payat-payat na niya ngayon.

“Ang weight lang niya ang naging problema niya noon, lumaki kasi siya nang husto, pero ngayong payat na siya, e, magseryoso na sana siya sa pagbabalik sa pag-arte,” kuwento ng aming kausap.

Harinawa.

Kris Aquino – “There is dignity in silence”

“There is dignity in silence.” Iyon ang caption ni Kris Aquino sa pagsasarado niya sa isyung nag-uugnay sa kaniya kina Phillip Salvador at dating SAP Bong Go.

Totoong-totoo ang kaniyang sinabi, may matinding dignidad sa pananahimik, pero ang nag-apply noon ay hindi siya kundi si Phillip.

Sa kilometriko niyang pagbabando sa buong mundo tungkol sa kairesponsablehan ng ama ni Josh na kahit piso lang ay hindi man lang nagkaisip na magbigay sa kanilang anak ay walang narinig ang publiko mula sa action star.

Nanahimik lang ang aktor, ipinasok lang nito sa kaniyang kanang tenga ang masasakit na pintas ng babaeng minsan nitong minahal, at saka pinalabas sa kaniyang kaliwang tenga. Masakit man at nagmamarka ang mga salita ni Kris ay pinaniniwalaan ni Phillip ang linyang there is dignity in silence.

Noong sinukol na si Phillip para mahingan ng komento sa mga upak ni Kris ay isa lang ang kaniyang sinabi, “She is the mother of my son. She has my respect and I’ll always respect her forever.”

Ang sakit-sakit noon, lumalatay iyon sa puso at budhi, manhid na lang ang hindi makakaramdam ng mga pinakawalang salita ni Kuya Ipe.

Akala pa naman namin ay natuto nang pumili ng papasuking laban si Kris Aquino. Pero hindi pa rin pala. Tinatalo pa rin siya at nagpapatalo sa kaniyang emosyon.

Ang pagiging brat pa rin niya ang umiiral, na anumang gusto niya ay kailangan niyang nakukuha, sa anumang dahilan at paraan.

There is dignity in silence. Napakatotoo ng kaniyang sinabi. Paulit-ulit sana niyang alalahanin ang positibong kasabihang iyon para kapag may naeengkuwentro siyang isyu ay nag-iisip muna siya bago sumabak sa laban na hindi sigurado ang kaniyang panalo.

Coco Martin – Bayani para sa mga batang Pinoy si Kardo

Matindi ang epekto ng FPJ’s Ang Probinsiyano hindi lang sa mga manonood na nasa tamang edad na. Nakagugulat na pati mga batang nanonood ng serye ay sineseryoso pala ang kanilang napapanood.

Bayani para sa mga bata si Coco Martin bilang si Ricardo Dalisay. Mga miyembro raw ng Avengers ang Vendetta dahil hindi sila namamatay kahit gaano pa karami ang kanilang mga kalaban.

Pero ang talagang ikinagulat namin ay ang mismong kuwentuhan ng aming mga apo sa Nueva Ecija habang nagsisipaglaro sila sa aming kuwarto.

Sabi ng apo naming si Simon na gabi-gabing nakatunghay sa serye, “Di ba, pupunta na sa Maynila ang Vendetta? Iniwan nila sa bundok ang dalawang bata, makakaabala kasi iyong dalawa sa laban na haharapin nila.

“Babalikan nila ang mga bata kapag napatay na nila si President Cabrera at saka si Alakdan. Siguradong babalikan nila, kasi, kukunin pa nila ang bangkay ni Pinuno at saka ng anak ni presidente na inilibing sa ituktok ng bundok,” litanya ng aming apo.

Sagot naman ng batang si EJ, apo namin sa pinsan, “Lagot silang lahat kapag nakabalik na si presidente sa Palasyo! Lahat sila, ubos talaga! Babalikan nila ang mga taga-Sto. Niño, pagtatrabahuhin na lang sila ni presidente sa Palasyo!

“Lahat ng naging mabait sa kanila noong wala silang matuluyan, babalikan nila at pasasalamatan!” may paaksiyun-aksiyon pang litanya ni EJ.

Akala nila’y hindi kami nakikinig sa kanilang mga kuwentuhan, pero nangingiti kami nang palihim, ganoon na pala kalawak ang epekto ng Ang Probinsiyano sa ating bayan.

Sabi naman ni Lucille, “Ako, hindi ako natatakot sa mga ginagawa ni Dalisay, kasi, sabi ni Lola Flora (si Manang Inday), e, hindi sila pababayaan ng Diyos.

“Iyon ang palaging sinasabi ni Lola Flora, kapag tama ang ginagawa, ililigtas ng Diyos,” namamangha kami sa kanilang mga kuwentuhan sa napakamura nilang edad.

Tawa kami nang tawa sa himutok ng pinsan naming si Kap Jojo, “Naku, maagang kumakain ang mga bata dahil nakaharap na sila sa TV kapag Ang Probinsiyano na!

“Talo kaming lahat sa kanila. Kahit gusto naming manood ng PBA, wala na, nakikipanood na lang kami sa kapitbahay!”

Ganoon katindi ang karisma sa ating mga kababayan ni Coco Martin, ng Ang Probinsiyano, ayaw pa rin nilang matapos na ang serye sa kaniyang ikatlong taon! – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Abril 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAbril 1-15, 2019

      Anne Curtis2
 
Anne Cutis
  Claudine Barretto
 
Claudine Barretto
  Jinkee Pacquiao
 
Jinkee Pacquiao
  Kris Aquino & siblings
 
Kris Aquino & siblings
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban
  Dani Barretto Xavi Panlilio
 
Dani Barretto & Xavi Panlilio
  Ion Perez Vice Ganda
 
Ion Perez & Vice Ganda
  Maricel Soriano
 
Maricel Soriano
  Martin Nieverra
 
Martin Nieverra

Eddie Garcia
 
Eddie Garcia
  Maine Mendoza Arjo Atayde
 
Maine Mendoza & Arjo Atayde
  Darren Espanto & JK Labajo
 
Darren Espanto & JK Labajo
  Jay Khonghun & Aiko Melendez
 
Jay Khonghun & Aiko Melendez
  Gary Estrada family
 
Gary Estrada & family

Anne Curtis – Panalo ang concert sa Winnipeg

anne.crowd

Umiiyak sa sobrang kaligayahan si Anne Curtis dahil sa mainit at masarap na pagtanggap sa kaniya ng mga kababayan natin sa Winnipeg, Manitoba.

Panalo ang concert ng aktres-TV host sa Winnipeg, habang nakasalang pa siya ay ka-video call namin ni Japs Gersin ang anak-anakan namin doon na si Rey-Ar Reyes ng Pilipino Express, kitang-kita namin kung gaano kapuno ang venue ng kaniyang concert.

Anak ng kaibigan naming sina Tito Jun at Tita Vivian David ang producer ng concert ni Anne, kilalang-kilala sa Manitoba ang Juvian’s Restaurant na pag-aari ng pamilya, inalagaan nila nang husto si Anne habang nasa Winnipeg.

Hindi na nakapagtataka ang emosyonal na pasasalamat ni Anne sa mga kababayan natin sa Winnipeg, bukod sa binigyan siya ng standing ovation ay ramdam na ramdam niya ang pagmamahal sa kaniya ng mga Pinoy sa nasabing lugar, ganoon talagang magmahal ang mga Winnipeggers.

Nilalahat na namin ang lahat ng probinsiya at siyudad sa Canada na napuntahan namin, pero ang Winnipeg ang may pinakamasarap na pagmamahal para sa mga Pinoy entertainers, ibang klase silang sumuporta at magparamdam ng pagmamahal.

Kaya nga second home ang tawag namin sa Winnipeg, nandoon ang mga Pilipinong hindi nagbabago ng ugali at kultura, kahit ilang dekada na silang naninirahan doon ay Pinoy na Pinoy pa rin sila sa puso.

At iyon mismo ang naramdaman doon ni Anne Curtis kaya ganoon na lang siya kaemosyonal. 

Claudine Barretto – Hindi totoong may unpaid utang kay Jinkee

Lalong lumalim ang hindi pagkakaunawaan ng magkakapatid na Barretto dahil sa natuklasan nina Gretchen at Claudine na si Marjorie diumano ang nagpapakalat ng kuwentong may utang ang kanilang bunso kay Jinkee Pacquiao.

Malinaw na ang istorya ngayon, si Jinkee mismo ang kumupirmang walang pagkakautang sa kaniya si Claudine, wala rin daw silang pinagsososyohang negosyo at magkaibigan lang sila.

Galit si Claudine, hiyang-hiya siya sa tumatakbong kuwento sa showbiz na matagal na ang pagkakautang niya sa misis ni Senador Manny Pacquiao, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nababayaran.

Sangkatutak na pamba-bash ang inabot namin ni Manay Lolit Solis tungkol sa isyu, mabuti na lang at nilinaw ni Gretchen na hindi kami ang tinutukoy nilang magkapatid na nagpapakalat ng balita, kundi ang kanilang kapatid na si Marjorie.

Naging paksa kasi namin sa Take It. Per Minute ang utangan isyu, maraming interesadong malaman kung bayad na ba ni Claudine si Jinkee, pero mismong ang misis ng Pambansang Kamao ang nagbigay ng paglilinaw na walang katotohanan ang lumabas na istorya.

Ano naman kaya ang dahilan nni Marjorie para ipagkalat na may utang ang kaniyang kapatid kay Jinkee? Sino kaya ang source ni Marjorie?

Ngayong pareho nang nagsalita sina Jinkee at Claudine ay naiwan sa gitna ng laban si Marjorie. Magkakampi sa laban ngayon sina Claudine at Gretchen na dating magkaaway.

Sabi ng isang source na nakausap namin, “May pagkainggitera kasi si Marjorie. Kapag nakakakita siya ng mga branded stuff ni Gretchen, naiinis siya, bakit siya raw, e, walang ganoon?

“Teka naman muna, kung gusto niyang sumabay kay Gretchen, e, magtrabaho siya! Pagpaguran niya dapat ang mga pinapangarap niyang branded na kagamitan!” madiing sabi ng aming source. 

Kris Aquino – Nasaan na ang suporta ng mga kapatid?

Takang-taka ang mga nakakausap namin kung bakit hindi man lang nagsasalita ang mga kapatid ni Kris Aquino sa gitna ng mga nagaganap ngayon sa kaniyang buhay.

Ikinumpara tuloy sila ng mga ito sa pamilya ng kalaban niyang si Nicko Falcis, nagsasalita kasi ang lahat ng miyembro ng pamilya nito para depensahan ang kanilang kapamilya, pero ang mga kapatid ni Kris ay nananatiling tahimik lang.

Para kay Nicko ay nagpo-post ng suporta ang kaniyang kapatid na si Attorney Jesus, ang kapatid nitong babae at ang kanilang ina, kulang na nga lang na magsalita na rin ang mga alaga nilang aso at pusa para suportahan si Nicko.

Pero mag-isang hinaharap ni Kris ang kaniyang mga problema, kinakaya niyang depensahan ang kaniyang laban kasama ang kaniyang mga abogado, kaya nasaan na ang kaniyang mga ate at kuya sa gitna ng lahat ng ito?

Totoo kaya ang lumabas na kuwento na kaya hindi nagsasalita ang kaniyang mga kapatid ay dahil hindi naman sinusunod ni Kris ang payo ng kaniyang mga ate?

Matigas daw kasi ang ulo ni Kris, sa halip na manahimik na lang siya at tumutok sa kaniyang katawan ay kung bakit naghahanap pa siya ng gulo, kaya ayaw nang makialam ng kaniyang mga kapatid sa pinagdadaanan niyang mga laban ngayon.

Ang bukambibig niyang si Ate Ballsy ay parang pipi ngayon, hindi ito tulad nang dati na basta napapagitna sa kontrobersiya si Kris ay agad nang nakasaklolo, may problema nga kaya sa magkakapatid ngayon?

Iba pa naman ang suporta at pagmamahal ng sariling pamilya. Talikuran man tayo ng buong mundo, basta kahawak-kamay natin sa laban ang ating pamilya, hindi pa man ay naipanalo na natin ang giyera. 

Angelica Panganiban – Nagiging Kris Aquino Jr na yata ngayon

Ilang hibla na lang, ayon sa aming mga nakakausap, ay magka-level na sa pakikipagrelasyon sina Angelica Panganiban at Kris Aquino.

Hindi kagandahan ang pagkukumpara sa dalawang personalidad, pero may dahilan ang mga pumapansin, konting-konti na lang daw talaga at Kris Aquino, Jr. na si Angelica.

Sabi ng isang kakuwentuhan namin, “Ano ba naman si Angelica, idol ba niya sa pakikipagrelasyon si Kris Aquino? Aba, ilang paligo na lang at magka-level na sila!

“Si Kris, walang isinalba sa mga exes niya! Lahat talaga, binulabog niya at sinumbatan sa magkakaibang reasons! Parang ganoon na rin si Angelica ngayon.

“Mula kay Derek Ramsay, kay John Lloyd Cruz at Carlo Aquino, itinitinda niya sa publiko ang emotion niya. Hindi maganda. Sino pa ang manliligaw sa kaniya kapag ganyan na ibinabando niya sa publiko ang mga nakakarelasyon niya?

“May nanliligaw ba kay Kris? Matagal na siyang walang boyfriend, pero mayroon na bang sumunod? Kasi nga, natatakot ang mga lalaki na baka ma-Joey Marquez, ma-Phillip Salvador at ma-James Yap sila!

“Naku, walang lalaking gustong makatikim ng negang publicity, iiwasan talaga nila ang mga babaeng ganoon, gaano man nila kagusto ang girl, kung ganoong kapalaran naman ang naghihintay sa kanila, e, hindi nila gugustuhin!” mahabang reaksiyon nng aming kausap.

Bata pa si Angelica, marami pa siyang makikilala at makakaengkuwentrong lalaking puwedeng magmahal sa kaniya, kaya iwasan na sana niya ang pagbubukas ng kaniyang kalooban sa publiko.

Mas walang sinasabi ang babae ay mas maganda, hawak niya ang misteryo at kapribaduhan, walang nasasabi kontra sa kaniya ang kahit sino. 

Daniella – Ayaw magpahatid sa altar sa amang si Kier Legaspi

Si Dani. Ang madaldal na si Dani. Nasubaybayan namin ang paglaki ng anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto. Hindi man siya kagandahan na katulad ng mga anak ni Marjorie kay Dennis Padilla ay hindi siya nagpapaiwan.

Napakabibo ni Dani. Ilang taong-gulang pa lang siya ay akala mo na siya matanda kung magsalita. Buhay na buhay siyang kakuwentuhan. Matalino si Dani.

Napakabilis ng panahon, mag-aasawa na pala si Dani, at marami siyang hugot at himutok sa kaniyang ama na anim na taon na raw niyang hindi nakakasama.

Si Marjorie lang ang gusto niyang maghatid sa kaniya sa altar, wala sa kaniyang bokabularyo si Kier, dahil ang kaniyang ina lang daw naman kasi ang nagpalaki sa kaniya.

Hindi natin masisisi ang isang anak na naghahanap ng pagkalinga ng kaniyang magulang. Hindi kumpleto ang kaniyang paglaki dahil wala naman si Kier sa kaniyang tabi.

Noong bata pa si Dani ay nagkikita naman silang mag-ama, pero bilang na bilang ng anak ang mga pagkakataong nagkakasama sila ni Kier, at iyon ang tumanim sa puso at isip niya.

Talagang ganoon. Ang wala lang naman ang hinahanap, ang nand’yan ay pinasasalamatan, dahil pinupunan nito ang kakapusan ng iba.

Pero positibo ang sagot ni Kier sa hinampo ng kaniyang anak. Sa halip na magalit ay ipinaramdam pa rin ng aktor ang kaniyang malasakit at pagmamahal kay Dani.

Walang argumento, hindi kinontra ng aktor ang mga reklamo ni Dani, pagmamahal nga lang naman ang puwedeng ipangtapat sa isang pusong nagdudugo at naghahanap.

Subalit, iniyakan pala ni Mommy Hershey, ina ni Kier Legaspi, ang matatalim na salitang binitiwan ng kaniyang apong si Dani laban sa kaniyang ama.

Kuwento ng aming source, “Umiyak ang mommy ni Kier, kasi nga, tuwing mag-aaway pala si Dani at si Marjorie, e, doon siya tumitira sa bahay ng father niya.

“Two months siyang nandoon, inaasikaso siyang mabuti, lalo na ng lola niya. Kaya takang-taka sila kung ano ang sinasabi ni Dani na six years ago na noong huli silang magkita ni Kier.

“Saka bakit kaya hindi tanungin ni Dani ang mommy niya kung bakit hindi siya malayang nakikita ang father niya? Para malaman niya ang totoo, para hindi niya pinagsasalitaan ng ganyan ang father niya!” komento ng aming source.

“Napakabilis namang makalimot ni Dani! Napakabata pa niya para magkaroon siya ng amnesia! Kapag may problema sila ng mommy niya, e, kanino ba siya nagpupunta?

“Sino ba ang kumukupkop sa kaniya? Ibang tao ba? Sana naman, e, magdahan-dahan siya sa pagsasalita. Tuloy, ang daming namba-bash sa kaniya.

“Hindi na nga raw siya kagandahan na tulad ng mga half sisters niya, e, ganyan pa ang ugali niya. Teka, tumatanaw ba siya ng utang na loob sa mga tita niya?

“Alam kaya ni Dani na halos sina Gretchen at Claudine na ang nagpalaki at nagkagastos sa pag-aaral niya? Magtigil nga ang babaeng ‘yan!” inis na pagtatapos ng aming kausap.

Hindi mapanumbat si Gretchen. Pero galit siya sa mga walang utang na loob at sinungaling. Iyon ang dahilan kung bakit siya umalsa pagkatapos niyang mabasa ang post ng kaniyang pamangking si Daniella.

Binalikan ni Gretchen ang nakaraan noong ipinagdadalantao pa lang ni Marjorie si Dani, sila ni Claudine ang sumagot sa lahat-lahat, mula sa pagdadalantao at panganganak at hanggang noong lumalaki na si Dani.

Ang tanging pagkakamali lang daw ni Kier, ayon kay Gretchen, ay hindi kasi ito mayaman na tulad ng mayor ng Caloocan na karelasyon ni Marjorie.

At nakikiusap pala si Kier na makasama si Dani kahit paminsan-minsan lang, pero hindi pumapayag si Marjorie, ayaw nitong magkita ang mag-ama.

Tandang-tanda pa namin na noong nagsasama pa sina Marjorie at Dennis Padilla ay sa isang bahay nina Kuyang Tony “Boy” Cojuangco at Gretchen sa Loyola Grand Villas nakatira ang pamilya.

Napakalaki ng bahay, Japanese style, umalis na lang doon ang pamilya nang maghiwalay na sina Dennis at Marjorie. Ganoon magmahal si Gretchen sa kaniyang mga kapatid, todo-todo siyang sumuporta, kaya hindi niya nagustuhan ang tabas ng dila ni Dani.

Hindi siya naghihintay ng kredito, pero kahit sila ni Claudine ay binalewala ni Dani, samantalang kung magtutuusan sila ngayon ay silang magkapatid ang tumayong pangalwang ina ng kanilang pamangkin.

Walang utang na loob si Dani, madiing paglalarawan nina Gretchen at Claudine, kaya si Kier Legaspi pa ba ang bibigyan ng importansiya ni Dani? 

Vice Ganda – In love, maligaya kay Ion Perez

Kung totoo ngang may naghahabol na becki kay Ion Perez dahil sa utang nitong isandaang libong piso ay walang problema. Sa ayaw at sa gusto ni Kuya Escort ay babayaran iyon ni Vice Ganda.

Pero hindi iyon dahil sa pineperahan at ginagamit nito ang sikat na komedyante, talagang hindi gugustuhin ni Vice na hinahabol ang nagpapaligaya ngayon sa kaniya, bayaran na agad ‘yan!

Lantaran na ang pagsasabi ni Vice na in-love siya ngayon. Hindi sa kaniya nanggagaling kung sino ang nagpapasaya sa bawat umaga niya, mga kasamahan nila sa noontime show ang nagbubuking sa kanila ni Ion Perez, dahil wala na silang itinatago.

Baryang-barya lang ang one hundred thousand pesos sa isang bilyonaryo nang tulad ni Vice Ganda. Inuulit namin, hindi siya milyonaryo, bilyonaryo na ang komedyante-TV host.

At hindi gugustuhin ni Vice na may naghahabol kay Ion sa ganoong halaga lang, lalo na’t ginamit naman iyon ng binatang personalidad para sa kaniyang pamilya, kahit sampung doble pa ay kayang bayaran ni Vice ang pagkakautang ni Ion.

Kung ang mga lumalapit nga sa kaniya ay hindi niya pinagdadamutan, marami siyang tinutulungan, si Ion pa ba naman na kumukumpleto ng kaligayahan niya sa maghapon ang titiisin ngayon ni Vice?

Lahat ay gagawin ng isang nagmamahal, kahit ano ay handang ibigay ng isang umiibig, si Ion ang kape sa umaga ngayon ng sikat na komedyante at inspirasyon at bitamina sa maghapon kaya walang hindi gagawin si Vice para kay Ion. 

Maricel Soriano – May pelikula kasama si Martin Nievera

Nag-aabang na ang mga loyalista ng Diamond Star, sana raw ay matuloy na ang gagawin nilang pelikula ni Martin Nievera, ang Does Your Mother Know? na ididirek ni Eric Quizon.

Buhay na buhay pa rin ang mga tagahanga ni Maricel Soriano, nanahimik lang sila pansamantala nang magpahinga ang kanilang idolo, pero ngayong gabi-gabi na nilang napapanood si Marya sa The General’s Daughter ay pelikula na ang kanilang sigaw.

Kung matutuloy ay balik-tambalan na pala nila ni Martin Nievera ang gagawin nilang pelikula sa Regal Films, noong mga huling taon ng dekada otsenta ay nagtambal na rin sila sa Maria Went To Town, kaya kapado na nila ang isa’t isa.

Magaan katrabaho si Maricel, pinadadali niya ang trabaho ng wardrobe department, inaalam lang niya kung anu-anong damit ang kailangan niyang isuot at siya na ang bahalang maghanda ng mga kailangan sa kaniyang mga eksena.

Sabi ng kaniyang PA, “Gumagastos po siya, ipinabibili niya ang mga kailangan niyang isuot, para wala na siyang problema on the set.

“Kung minsan kasi, e, malaki o maliit ang naka-prepare mula sa wardrobe, malaking problema iyon, kaya si Maricel na ang namumuhunan para sa mga isinusuot niya,” sabi ng kaniyang alalay.

Hindi rin siya problema sa pagkain dahil nagbabaon siya sa location, napakadali niya namang pakainin dahil sinigang na hipon lang at daing na bangus ay langit na para sa kaniya, kumpleto na ang kayang araw.

Sana nga ay payagan si Maine Mendoza na magiging anak niya sa pelikula, siguradong magkakasundo ang dalawa, dahil pareho silang diretsong magsalita at kikay pa. 

Eddie Garcia – Pinarangalan ng GEMS ang batikang actor

Muli kaming nagkita ng nirerespeto naming premyadong aktor na si Tito Eddie Garcia sa pamamahagi ng parangal ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) na ginanap sa De La Salle Zobel noong March 20, Miyerkules nang gabi.

Maraming nagpaparetrato kay Tito Eddie nang dumating kami. Narinig pa naming sabi niya, “O, baka may mga gusto pang magpakuha ng picture?” Napaka-humble na personalidad.

Mahigpit kaming nagyakap. Miss na miss na namin ang magaling na aktor na naging mahalagang bahagi ng aming buhay noong mga panahong inuulaol kami ng mga problema.

Diretso niya kaming tiningnan, ang kaniyang sabi, “Bukas, sisikat uli ang araw and tomorrow is another day. Lahat ng pinagdadaanan mo ngayon, maiiwan na lang sa maghapong ito.”

Saglit kaming nagkuwentuhan, sa Ang Probinsiyano na lang kasi namin siya napapanood, totoong pinatay na raw ang kaniyang papel bilang si Don Gustavo sa serye.

“Pero hindi n’yo ako nakitang sumakay sa chopper, di ba? Kaya ang akala ng iba, e, buhay pa ako. By chance lang na may dumadaang chopper, doon kunwari ako sumakay, saka nilagyan na lang ng mga effects na pinasabog iyon habang sakay ako,” kuwento ni Tito Eddie.

Pinarangalan ng GEMS bilang Natatanging Hiyas Ng Sining Sa Pelikula si Tito Eddie. Wala nang iba pang sasaktong paglalarawan sa kaniyang kahenyuhan bilang aktor kundi ang parangal na ibinigay ng GEMS.

Tunay namang mula noon hanggang ngayon ay nagniningning pa rin ang kaniyang pangalan bilang bida-kontrabida. At hanggang sa kaniyang edad ngayon ay kipkip niya ang respeto sa kaniya ng buong industriya ng telebisyon at pelikula pati na ng mga manonood. Maligayang bati sa henyong aktor na napakalapit sa aming puso. 

Arjo Atayde – Dedma sa mga bashers ng relasyon nila ni Maine

Tama lang ang ginagawang pangdededma ni Arjo Atayde sa mga bashers niya. May mga pagkakataong bumibigay rin ang magaling na aktor, napuputol din ang pisi ng kaniyang pasensiya, pero ang mga walang katuturang pagbira sa kaniya ay deadma lang ang katapat.

Nakakapagtaka naman kasi kung bakit inuunahan ng grupong bumibira sa kaniya ang mga pangyayari. Hindi raw matatanggap ng pamilya ni Maine Mendoza ang aktor dahil hindi siya nababagay sa Dubsmash Queen, ano pa kayang pruweba ang kailangang makita ng mga ito, dahil matagal nang naipakilala ni Maine ang kaniyang boyfriend sa kaniyang pamilya?

Kailangan nang sumuko ang mga kumokontra kay Arjo para kay Maine dahil hindi naman ang kanilang puso ang dapat masunod.

Maligaya sina Arjo at Maine sa isa’t isa, kaya ang mga namba-bash sa kanila ay puwede nang hindi pansinin, dahil maligaya ang kanilang puso. 

Darren Espanto – Kinasuhan ng cyber libel si JK Labajo

Hindi biro-biro lang ang pinagdadaanan ngayon ni JK Labajo. Kailangan nang mamaalam muna ng young singer sa kaniyang mga social media accounts dahil habang post siya nang post ay mas madadagdagan ang mga ebidensiya ng pamilya ni Darren Espanto laban sa kaniya sa kasong cyber libel.

Pormal nang kinasuhan ni Mrs. Mariel Espanto ng cyber libel si JK Labajo. Ang ina ni Darren ang kinailangang magsampa ng kaso dahil magdidisiotso pa lang ang young singer sa May 24. Nagdisiotso anyos na si JK noong nakaraang Pebrero.

Ang pinag-ugatan ng kaso ay ang pagpapadala ng mensaheng “Gayness at its finest” ni JK Labajo kay Darren. Pinasinungalingan iyon ni JK, na-hack lang daw ang kaniyang account, hindi raw siya ang nagpadala ng mensahe kay Darren.

Pero may mga sumunod pang post si JK na naging dahilan para bigyan siya ng leksiyon ng pamilya ni Darren. Sa korte na lang kailangang sagutin ni JK ang mga reklamong ihinain ng ina ni Darren laban sa kaniya.

Nauwi na nga sa demandahan ang isang isyung pinagpistahan noon sa social media, akala siguro ni JK ay nagbibiro lang ang pamilya ni Darren nang sabihin ng mga ito na sa korte na lang sila magkita, tinotoo ng pamilya ang kanilang hamon.

Nagpadala sa kaniyang emosyon si JK noong may sumigaw ng, “I love you, Darren!” sa isa niyang pagtatanghal. Tatlong beses niyang pinagmumura ang sumigaw. Nang kontrahin ng mga manunulat ang kaniyang pagmumura ay tinawag niya pang kupal ang mga reporters.

Isang kanta pa lang ni JK Labajo ang kinakanta-kanta ngayon ng ating mga kababayan. Nakatiyempo siya sa piyesang “Buwan.”

Pero hindi sapat ang isang sikat na kanta lang para magbago at yumabang na ang isang singer. Hindi na sa kaniyang account ngayon kailangang sumagot si JK Labajo. Kailangan na niyang kumuha ng abogado para idepensa ang kaniyang sarili sa mga akusasyon laban sa kaniya ng pamilya ni Darren Espanto. 

Aiko Melendez – Sangkot sa narco politics ang BF na si Mayor Jay

Sangkot sa isyu ng narco politics ang kasalukuyang boyfriend ni Aiko Melendez, si Mayor Jay Khonghun, ng Subic. Nakasama ang pangalan nito sa unang bugso ng listahan na pinalabas ng DILG, marami pa raw susunod, kinukumpirma pa lang ang pagkakasangkot ng mga ito sa usapin ng droga.

Kapag sinabing narco politician ang isang lingkod-bayan, ang ibig sabihi’y nagbibigay ito ng proteksiyon sa mga tulak ng droga, suporta na ayon sa mga otoridad ay may katapat na malaking halaga.

Pero pinasinungalingan na ni Mayor Jay ang akusasyon, hindi raw ito kailanman matatawag na narco politician, dahil wala itong ikinakanlong na tulak ng droga sa kaniyang nasasakupan.

Ikalawang mayor na nakarelasyon ni Aiko si Mayor Khonghun, si Mayor Patrick Meneses ang una, kahit pa may mga nagsasabing ikatlo na dahil nagkaroon din sila noon ng relasyon ni Mayor Herbert Baustista.

Sabi ng isang source, “Hindi puwedeng idenay ni Aiko ang past relationship nila ni Mayor Bistek, maraming nakakaalam noon, hindi lang nagtagal ang relasyon nila.”

Malaking problema para sa mga pulitiko ang matawag silang narco politician, makaaapekto iyon sa kanilang kandidatura, kukuwestiyunin ng kanilang mga kalaban at botante ang kanilang integridad. 

Gary Estrada – Natatandaan pa ba ninyo si Gary?

Naging guest namin sa Cristy Ferminute (Cignal Channel 6, 92.3 Newsa FM) ang aktor-pulitikong si Gary Estrada. Kasama niyang dumating ang magandang anak nila ni Bernadette Allyson na si Gaby.

Habang iniinterbyu namin ni Wendell Alvarez ang guwapo pa ring si Gary ay nakaupo lang sa isang tabi si Gaby at nakikinig-nanonood sa takbo ng programa.

Binalikan namin ang nakaraan, matinding paghamon ang naranasan ni Gary Etrada nang itakwil siyang anak ng namayapang aktor na si George Estregan, kung anu-anong bintang ang ipinukol laban sa kaniya ng mga taong hindi tanggap ang kaniyang pagkatao.

Ang unang-unang humusga sa kaniya ay si dating Governor ER Ejercito. Todo ang pagtanggi nito sa kaniya bilang kapatid. Pero nang magsalita na ang kaniyang ama at si dating Pangulong Joseph Estrada at Papa Jesse Ejercito na totoo, anak nga siya ni George, lahat ng bibig ay sumarado na laban kay Gary.

Nasa ganoong pag-uusap kami nang makita naming umiiyak ang kaniyang anak na si Gaby. Ang sabi ni Gary, “Ako kasi ang mundo ng anak ko. Daddy’s girl talaga siya.”

Talagang iyak nang iyak si Gaby na malaki ang pagkakahawig kay Kim Chiu, napakaganda ng kanilang anak ni Bernadette, kaya hindi na nakapagtataka kung isang araw ay maging artista na rin ang dalagita.

Nang mag-commercial break kami ay tumakbo si Gaby sa tabi ni Gary. Mahigpit ang yakap nito sa aktor, iyak pa rin nang iyak, humalik pa si Gaby sa kaniyang ama.

May alam na pala si Gaby tungkol sa nakaraan ng kaniyang daddy, pero ngayon lang nito narinig ang buong kuwento, kaya ganoon na lang ang pag-iyak ng bata.

Mula sa pagiging Board Member sa kanilang bayan sa Quezon ay tumatakbong vice-mayor ngayon si Gary Estrada sa Cainta, Rizal. Wala pa ring nagbabago sa kaniyang itsura, nadagdagan lang siya ng timbang, pero siya pa rin ang marespeto at mabait na aktor na nakilala namin ilang dekada na ang nakararaan. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Abril 16-30, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAbril 16 – 30, 2019

      Coco Martin & Julia Montes
 
Coco Martin & Julia Montes
  Liza Soberano
 
Liza Soberano
  Yassi Pressman
 
Yassi Pressman
  Erich
 
Marjorie Barretto – puwede nang amining anak si Erich
  Kris Aquino Nicko Falcis
 
Kris Aquino / Nicko Falcis
  Jericho Rosales
 
Jericho Rosales
  April Boy & Madelyn Regino
 
April Boy & Madelyn Regino
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban

Vice Ganda / Greg Hawkins
 
Vice Ganda / Greg Hawkins

Coco at Julia – Kumpirmado! May baby na!

Kinumpirma ng isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang pinagpipistahang isyu tungkol sa panganganak ni Julia Montes sa isang ospital sa San Juan.

Kumpirmado! Totoo ngang nanganak si Julia Montes, hindi totoong nasa Germany siya kasama ang kaniyang pamilya, nandito lang siya sa Pilipinas.

Sabi ng aming source, “Hindi naman kasi naililihim ang ganoong scenario. Maraming involved sa pagpapaanak. Nandoon ang OB/Gyn niya, may magsasaksak sa kaniya ng anesthesia, may assistant nurse doon, may iba pang kasama sa delivery room na nakakakita sa nanganganak.

“Ipagpalagay nang tahimik lang ang OB niya, kahit ang mga nurses, hindi pa rin maiiwasang lumabas ang kuwento dahil kilala ang nanganak,” sabi ng aming impormante.

Madaling-araw daw nang dumalaw kay Julia Montes ang ama ng kaniyang sanggol na si Coco Martin. Tulog na ang mga pasyente sa ospital pati ang kanilang mga bantay.

Wala namang masama kung nagbunga na ang matagal na relasyon nina Coco at Julia. Wala silang sinasagasaan, pareho silang libreng magmahal, hindi rin sila nang-aabala ng ibang tao.

Ibinibigay ni Coco Martin ang lahat-lahat ng kaniyang talento para mapasaya ang ating mga kababayan. Walang takot niyang ginagawa ang mga delikadong stunts para masiyahan ang mga tumututok sa pinagbibidahan niyang FPJ’s Ang Probinsiyano.

Bilang aktor ay wala nang itinitira para sa kaniyang sarili si Coco Martin. Action, drama, pati nga comedy ay pinasok na rin niya para ipakita sa lahat na puwede siya sa kahit ano.

At sa listahan ng ating mga kababayan ay walang kapantay si Coco Martin sa Ang Probinsiyano, siya na talaga ang naghahari sa telebisyon, kaya lahat ng mga programang tumapat sa kanilang serye ay tumitihaya sa rating.

Ano na lang ba ang hindi kayang ibahagi ni Coco Martin sa publiko? Ang kaniyang pribadong buhay. Pipi si Ricardo Dalisay kapag iyon na ang itinatanong sa kaniya. Bingi rin si Coco Martin kapag iyon na ang inuukilkil sa kaniya.

Kaya mapapanghal sa paghihintay ang mga umaasang siya mismo ang kukumpirma sa panganganak ng matagal na niyang karelasyong si Julia. Kung ang relasyon nga nila’y hindi nila isinasapubliko, ang pagkakaron pa kaya nila ng anak ang unahing kumpirmahin ni Coco Martin, malabong mangyari iyon.

Pahayag ng kaibigan naming propesor, “Ako, regular kong sinusubaybayan ang Ang Probinsiyano dahil sa istorya at sa husay umarte ng mga artista, lalo na si Coco.

“Wala akong pakialam sa lovelife niya, ang pag-arte niya ang concern ko, hindi ako naghihintay ng confirmation niya tungkol sa panganganak ni Julia!

“Ang mga susunod pang eksena sa serye ang inaabangan ko dahil stress reliever ko ang Ang Probinsiyano!” madiing komento ni prop.

Panahon lang ang kailangan nating hintayin kung kailan babasagin ng magkarelasyon ang kanilang kapribaduhan. Darating din iyon. Hindi nila planong idenay ang kanilang anak nang habampanahon.

A baby is always a blessing.

Liza Soberano – Wasak ang puso dahil wala na sa Darna

Wasak ang puso ni Liza Soberano nang magdesisyon siyang talikuran na ang pagganap bilang ang makasaysayang si Darna. Napakalaki na ng panahong ipinangpupuhunan ng magandang young actress para sa role pero kinailangan niyang isakripisyo ang napakagandang oportunidad na gumanap bilang Darna.

Basta libre ang panahon ng kaniyang manager na si Ogie Diaz ay nakakasabay namin itong mag-lunch sa aming gallery. Pinagkukuwentuhan namin ang kaniyang alaga.

May routine-fight lessons si Liza. Palaging nasa gym ang magandang dalaga para sa mas pagpapa-trim pa sa kaniyang katawan. Maselan ang mga eksenang nakatakda niyang gawin bilang bida sa pelikula.

Isang araw ay nag-usap nang masinsinan ang manager at ang magandang young actress, iyak nang iyak si Liza, kailangan niyang magdesisyon, hindi siya puwedeng sumabak sa Darna nang may pinoproblema siya.

Ang unang naisip ni Liza Soberano ay ang kaniyang pamilya. Paano na ang kayang mga mahal sa buhay? Baka magalit sa kaniya ang Star Cinema, ang Star Magic, dahil hindi na niya gagawin ang pelikula sa payo na rin ng kaniyang mga doktor?

May bakal pa ang isa niyang daliri, matatagalan pa ang therapy, ayaw niya namang maging dahilan sa pagtatagal ng shooting ng proyekto.

Sabi ni Ogie, “Kung alam lang nila kung gaano kasakit ang iyak ni Liza noong malaman niya from her doctors na hindi pa siya puwedeng sumalang sa matitinding fight scenes.”

Yassi Pressman – Maganda, matapang, walang kaere-ere

Gustung-gusto namin si Yassi Pressman. Regular namin siyang nasusubaybayan sa FPJ’s Ang Probinsiyano bilang si Alyana na misis sa serye ni Ricardo Dalisay.

Maganda. Matapang. Buung-buo ang loob. Mabuting anak at asawa. Nasa kaniya na ang lahat ng mga katangian.

Magaling siyang umarte, sinsero, mahal na mahal din siya ng mga camera. Akala nami’y tapos na iyon, pero mayroon pa pala, kapag sumisilip kami sa ASAP Natin ‘To ay bigay na bigay sa kaniyang pagsayaw si Yassi.

Palagi niyang kakabugan sa pagsasayaw si Maja Salvador, ang mga artistang kung ilarawan ni prop ay mga babaeng walang buto, dahil sa husay nilang umindak at kumendeng-kendeng.

Pero marami kaming kaibigan sa Ang Probinsiyano na kumukumpleto sa pagkagusto namin sa magandang dalaga. Marunong makisama si Yassi, walang kaere-ere, maganda na siya ay maganda pa rin ang kaniyang puso.

Iyon na iyon, wala nang hahanapin pa ang kahit sino kay Yassi Pressman, kumpletos rekados na ang kaniyang mga katangian.

Erich – Hindi na itinatago ang anak ni Mayor Recom at Marjorie

Sa halip na hanapan ng butas ay positibo ang naging dating sa amin sa paglutang ng larawan ng anak nina dating Mayor Recom Echeverri at Marjorie Barretto na si Erich.

Maligaya kami para sa bata na habampanahong ipinakikilala bilang pamangkin ng aktres. Sa kasagsagan ng pagtatago sa katotohanan ng kaniyang mga magulang ay naiiwan sa bahay si Erich kapag may mga pagtitipon ang kanilang pamilya.

Baka kasi makita ng mga usisero, baka kasi siya pagpistahan, dahil nagtatago pa sa dilim ang kaniyang mga magulang.

Walang lihim na maaaring ikubli nang habampanahon. Maaaring sa mga unang taon ay puwede ang ganoon, pero darating at darating din ang takdang oras, kailangan na nilang makipagtuos sa katotohanan.

Maganda si Erich tulad ng kaniyang mga kapatid sa ina. Nakuha ng bata ang karisma ng mga Barretto at maraming salamat, sabi ng mga usisero, hindi niya nakuha ang itsura at kulay ng kaniyang amang pulitiko.

Malaya na ngayon si Erich. Puwede na siyang isama ng kaniyang ina at mga kapatid sa kahit saan, sa kahit anong okasyon, dahil nalantad na ang kaniyang retrato sa buong mundo.

Hindi na siya nagtatago ngayon sa dilim, maging ang kaniyang mga magulang ay siguradong nakahinga na rin nang maluwag ngayon, dahil tapos na ang panahon ng kanilang pagdedenay.

Ang bawat bata ay regalo ng langit. Walang kasalanan ang bata sa masalimuot na istorya ng kaniyang mga magulang. Hindi nakapamimili ng magulang ang anak.

Wala ring anak sa labas. Ang bawat binhi ay tumutubo at pinalalaki sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina na mula sa semilya ng kaniyang ama.

Kris Aquino – May lupus, bawal ang stress at mamroblema

Walang katotohanan ang kumalat na balitang iniurong nang lahat ni Kris Aquino ang mga kasong isinampa niya laban kay Nicko Falcis. Isa lang. Iyong sa Mandaluyong fiscal’s office lang.

May mga kaso pang natitira, mayroon sa Taguig, Quezon City at San Juan, ang kaso lang sa piskalya ng Mandaluyong ang winidrow ni Kris.

Malalim ang ideyang pinaghugutan ng isang source namin, ang kaniyang opinyon, “Naramdaman siguro ni Kris na madi-dismiss ang kasong ihinain niya sa Mandaluyong, kaya instead na dismissal, withdrawal na lang ang ginawa niya.

“We’re talking about Kris. Matalino siya, alam niya ang gagawin sa kahit anong scenario. May pakiramdam siyang mahina ang kaso niya sa Mandaluyong, kaya kesa nga naman ma-dismiss iyon, siya na mismo ang nag-withdraw ng kaso!

“Magiging kahiya-hiya kasi siya kapag dismissed na naman ang case, magkakaroon ng mantsa ang image niya, ang tali-talino talaga ni Kris!” madiin pang komento ng aming kausap.

Balitang-balita na ipinagmamalaki ni Kris na malakas siya sa San Juan at sa Quezon City. Nakakaalarma ang ganoong kuwento sa kaniyang kalaban pero umaasa ang kampo ni Nicko Falcis na mabibigyan sila nang parehas na laban sa mga binanggit na siyudad ni Kris.

Sa kaniyang sitwasyon ngayon na konting bagay lang ay makaaapekto na sa kaniyang problema sa kaniyang kalusugan ay panahon na talaga para umiwas muna siya sa stress.

May pansamantalang gamot sa stress. Pero remedy lang iyon at hindi cure. At paggaling ang hinahanap ni Kris, hindi pansamantalang kaginhawahan lang, kaya tama ang kaniyang desisyon.

Sana nga ay mapanindigan ni Kris Aquino ang pagbaklas sa social media. Hindi niya maiaalis na magduda ang mga nakabasa ng kaniyang post ng pamamaalam, ilang ulit na kasi niyang ginagawa ang ganoon, pero hindi rin naman niya napaninindigan ang kaniyang desisyon.

Pero mas makagaganda para kay Kris ang paglayo muna sa social media. Matinding stress ang nakukuha niya, iyon pa naman ang matinding ipinagbabawal sa kaniya ng mga doktor niya, walang gamot ang stress.

May lupus siya, kinumpirma ni Kris, at ang mga taong sumasailalim sa matinding gamutan sa ganoong problema ay hindi kailangang nagpapaapekto sa kaniyang kapaligiran.

Bawal ang stress. Bawal ang mamroblema. Hanggang maaari ay kailangan niyang umiwas sa mga senaryong magpapalala sa kaniyang dinaramdam.

At napakarami palang ipinagbabawal sa mga pasyenteng may problemang katulad ng kay Kris. Bawal ang carpet sa kanilang bahay, lalong bawal sa kanila ang pag-upo sa carpet dahil ang alikabok ay napakatinding dahilan ng pag-angat ng allergies, bawal din sa kanila ang mga tela gaano man kaganda dahil cotton lang ang fabric na ipinapayo sa kanila para isuot.

Mapaglaro talaga ang kapalaran. Sa estado ni Kris ay puwede siyang bumili ng tela kahit daang libo pa ang halaga ng bawat yarda pero bawal naman sa kaniya.

Puwede niyang ipa-wall to wall carpet ang buo niyang mansiyon, pero matinding kalaban pala niya iyon, dahil maglalabasan ang kaniyang mga patse-patse sa katawan.

Pampakinis ng kutis ang gatas, ayon na rin sa mga napapanod nating anunsiyo, pero hindi siya puwedeng tumikim ng mga dairy products.

Abot-kamay niya lang ang lahat, pero hindi naman pala niya mae-enjoy ang kung anumang mayroon siya ngayon, dahil bawal.

Masarap na mahirap ang maging Kris Aquino. Sa totoo lang.

Jericho Rosales – Napatunayang talagang mahusay na actor sa Halik

Dalawang linggo na lang mula ngayon ay matutuldukan na ang kuwento ng seryeng Halik na pinagbibidahan ng walang kakupas-kupas sa pag-arteng si Jericho Rosales.

Maraming nagmarka sa seryeng ito, matatagalan pa bago makalimutan ng mga Pinoy na mahilig tumutok sa mga serye sina Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby at marami pang ibang nabibigyan ng magandang exposure sa palabas.

Si Yam Concepcion bilang maharot, kaliwete at walanghiya ang pinakalumutang sa Halik. Gustung-gusto siyang sunugin nang buhay ng manonood dahil mahusay niyang naitawid ang role ng isang nakikiapid sa asawa ng may asawa.

Sila ni Echo ang mag-asawa, pero ninakaw ni Yam ang mister ni Yen Santos na si Sam, doon umikot nang mahabang panahon ang kuwento ng serye.

Sana nga ay kasing-interesante rin ng Halik ang ipapalit ng programa ng ABS-CBN para kahit gabi nang ipinalalabas ay nakikipaglaban pa rin sa rating.

Ang seryeng ito ang buhay na patotoo na wala pa ring kakupas-kupas ang pag-arte ni Jericho Rosales na ang mga mata ay hindi na nangangailangan pa ng dialogue para lang magkaroon ng konek sa manonood.

April “Boy” Regino – May one-year contract sa Star Music

Nabuhayan ng loob ang Jukebox King na si April “Boy” Regino nang papirmahin siya ng isang taong kontrata ng Star Music sa tulong ng magaling na composer na si Vehnee Saturno.

Mula nang mabulag siya ay parang tinapos na rin niya ang kaniyang singing career. Nawalan na siya ng gana. Kinapos na siya ng tiwala sa kaniyang sarili. Pero ang musikero ay magiging musikero habambuhay.

Saksi kami sa matinding sakrpisyong pinagdaanan niya nang lumabo-mabulag ang magkabila niyang mata. Kapag may nagpaparetrato sa kaniya ay agad niyang itatanong, “Nasaan ka ba, nasa kaliwa o kanan ko?”

Kapag kumakain na siya ay sasabihin agad ng butihin niyang misis na si Madel, “Mahal, nasa kanan ang menudo, nasa kaliwa ng plato mo ang gulay.”

Hanggang sa itim nang plato ang ginagamit ni April Boy, itim at puti lang kasi ang mga kulay na nababanaagan niya, lahat ng kinakainan niya dapat ay kulay itim lang.

Sabi ni April Boy habang napapaluha, “Ganoon po pala iyon. Sa isang iglap lang, kayang bawiin sa atin ng Panginoon. Masuwerte pa nga po ako dahil hindi Niya kinuha ang boses ko.

“Saka binigyan ako ng Diyos ng misis na talagang hindi nang-iiwan sa akin, si Madel ang naging mata ko sa lahat ng panahon. Siya ang nagpapaligo sa akin, ang nagbibihis sa akin, napakabuti po ng asawa ko,” papuri ng magaling na singer kay Madel.

Naririnig na ngayon ang pinakahuling piyesa ni ABR, ang Hanggang Sa Wakas na komposisyon ni Vehnee Saturno, iniaalay niya ang nasabing piyesa sa kaniyang misis na si Madel at sa mga kababayan nating hindi pa rin kumukupas ang pagsuporta sa kaniya.

“Wala po pala tayong puwedeng angkinin sa buhay na ito. Lahat, sa Panginoon nanggagaling at Siya lang ang may karapatang magbigay at bumawi sa atin,” panghuling sinserong komento ng Jukebox King.

Willie Revillame – Parang hindi milyonaryo kung pumorma

Kapag bakasyon ay si Willie Revillame lang yata ang artistang hindi problemado kung saan siya magpapalipas ng mga araw. Pipili lang siya kung saan, wala siyang babayaran, siya kasi ang may-ari ng lugar.

Pero hindi siya magpupunta nang siya lang, kailangang kasama ni Willie ang kaniyang staff sa Wowowin, kinikidnap niya talaga ang kaniyang mga kasamahan sa show para makasama niyang magbakasyon.

May sarili siyang eroplano, mayroon din siyang yate, wala ka nang hahanapin pa kapag si Willie ang promotor sa pagbabakasyon.

Ang madalas niyang puntahan ngayon kasama ang kaniyang staff ay ang nabili niyang propyedad sa Mindoro. Ilang buwan na niyang ipinaayos ang lugar, pagkaganda-ganda na ng kapaligiran, siya mismo ang namamahala sa pagpapagawa.

Pero ang nakakatawa, kahit pa sagana sa food ang kaniyang staff ay napakasimple pa rin ni Willie, mayroon siyang paboritong brand ng sardinas na hindi na lang namin babanggitin ang pangalan.

Marami siyang stock noon sa kaniyang bahay, kailangan ding may dala-dala siya ng sardinas na iyon sa kaniyang pagbabakasyon, ewan kung ano ang lasang nakita niya sa brand na iyon para magkaganyan siya.

Sabi ng kababayan naming bestfriend ni Willie, “Hindi siya nagbabago, para pa rin siyang isa sa amin hanggang ngayon. One of the boys pa rin siya kahit pa sikat na siya at super-yaman.

“Kami-kami pa rin palagi ang magkakasama, pinaluluwas niya kami, hindi siya nakalilimot sa mga dati niyang kaibigan. Dahil sa ugali niyang ganoon, e, hindi ka mahihiyang tumabi sa kaniya.

“Kapag magkakasama kami, e, parang wala lang, parang hindi siya sikat na artista, parang hindi siya milyonaryo, parang ka-level lang namin siya,” pahayag ni Efren Ciyap na kababata ng Kuya Wil ng buong bayan.

Angelica Panganiban – Mahilig na sa hugot, masokista pa

Tawa kami nang tawa sa mga komento ng isang source nang mapagkuwentuhan sa isang umpukan si Angelica Panganiban. Hindi lang daw basta mahilig sa hugot ang aktres, may kakaiba pa siyang katangian, masokista raw si Angelica.

Ang kaniyang sabi, “Hindi n’yo ba napapansin? Tuwang-tuwa siyang bina-bash-bash sa social media, di ba? Siya pa nga ang gumagawa ng paraan at dahilan para siya upakan!

“Hindi ba naman masokista ang tawag sa babaeng gustung-gustong nasasaktan siya? Si Angelica iyon! Parang doon siya nagiging happy,” unang komento ng impormante.

Marami nang pinagdaanang kontrobersiya si Angelica. Pero kinakaya niya namang lusutan ang lahat ng mga isyung kinapapalooban niya.

Sa totoo lang ay pinatibay na rin kasi ng panahon ang aktres, bata pa lang siya ay puro kontrobersiya na ang kaniyang kakambal, hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang ikot ng kaniyang mundo.

Pahayag uli ng source sa umpukan, “Kailangang mag-undergo ng anger management ang babaeng iyon, kasi, napakadali niyang mairita!

“Masyado siyang manipis, samantalang siya naman ang gumagawa ng mga dahilan kung bakit siya pinupuruhan sa social media! Madali siyang magalit, patol siya nang patol sa mga bashers, pero napakahilig din naman niyang magpagalit ng ibang tao!

“Nabubuhay siya sa hugot, sa nakaraan, ang dami-dami nang nangyayari sa mundo, pero si Angelica, nakatutok pa rin sa past!” madiing komento ng source sa umpukan.

Vice Ganda – Inoperan daw ng kotse at condo unit si Greg Hawkins

Siguradong pinagtawanan lang ni Vice Ganda ang palutang ni dating Kuya Escort ng It’s Showtime na si Greg Hawkins na inoperan niya ito ng kotse at condo unit.

Nakakatawa nga naman ang kuwento, ang totoong dahilan kung bakit pinagpahinga si Greg sa noontime show ay dahil sa kakulangan nito ng working permit, na inasikaso ng kaniyang manager na si Lito de Guzman.

Nakapanghihinayang ang exposure sa programa, nagmamarka agad sa publiko ang sinumang nagiging bahagi ng show, tulad ngayon ni Ion Perez na kilalang-kilala na ng manonood.

Patugtugin pa nga lang ang piyesang isinasayaw ng binata ay sinasalubong na iyon ng tilian, ganoon kaepektibo ang exposure sa It’s Showtime, na nawala kay Greg Hawkins.

Lumalabas tuloy ngayon na gumagawa lang ng isyu si Greg Hawkins. Binitiwan na ito ng kaniyang manager at plano pang ipa-deport, inilabas na rin ng kaniyang manager ang mga hindi kagandahang katangian ng Amerikanong bagito, kaya saan na pupulutin ngayon si Greg Hawkins?

Ang nawalang oportunidad kay Greg ay naging malaking premyo para kay Ion. Mahal ng kaniyang mga katrabaho ang binata dahil marunong makisama ito, hindi nagpapaimportante, kahit pa sabihing napakalapit nito ngayon sa bumibida sa show na si Vice Ganda.

“Kabaligtaran si Ion ni Greg. Iyong isa, kapag na-delay lang nang konti ang salang niya, e, nakasimangot na agad. Inaaway na ang handler niya!

“American time daw kasi dapat on the dot. E, nasa Pilipinas siya! Kailangan niyang mag-adjust, dapat siyang maghintay, dahil hindi naman siya sikat!” komento ng isang source.

Noong matanggal pala bilang Kuya Escort ng It’s Showtime si Greg Hawkins ay mayroon siyang sinabing rebelasyon tungkol kay Vice Ganda.

Matagal nang alam ng kaniyang manager na si Lito de Guzman ang tungkol doon, pero ito mismo ang nagsabing huwag ilalabas ni Greg ang kuwento, dahil siguradong maba-bash lang siya.

Noong nasa noontime show pa raw si Greg ay inalok siya ni Vice Ganda ng kotse at condo unit. Pero ayon kay Greg Hawkins ay hindi niya iyon sineryoso, bukod daw kasi sa ayaw niyang makipagrelasyon sa bading, bawal daw iyon sa kaniyang relihiyon bilang isang Mormon.

Pero ang sabi ni Lito, “Sa kaniya mismo nanggaling ang kuwentong iyon, pero sabi ko, e, huwag na huwag niyang sasabihin sa iba, dahil lalabas lang na iginagawa niya ng issue si Vice, dahil natanggal nga siya sa show.” – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Mayo 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 1-15, 2019

       
 
Anne Cutis
   
 
Claudine Barretto
   
 
Jinkee Pacquiao
   
 
Kris Aquino & siblings
   
 
Angelica Panganiban
   
 
Dani Barretto & Xavi Panlilio
   
 
Ion Perez & Vice Ganda
   
 
Maricel Soriano
   
 
Martin Nieverra

 
 
Eddie Garcia
   
 
Maine Mendoza & Arjo Atayde
   
 
Darren Espanto & JK Labajo
   
 
Jay Khonghun & Aiko Melendez
   
 
Gary Estrada & family

Claudine Barretto – Parang ginto, napakagaling na aktres

Sino’ng magsasabing natengga nang maraming taon sa pag-arte si Claudine Barretto sa ipinamalas niyang pagganap sa MMK?

Hindi talaga kinakalawang ang ginto kahit ano ang mangyari. Hindi iyon kukupas, hindi magbabago ang kulay, dahil tunay na tunay.

Unang mapapansin sa pagbabalik-telebisyon ni Claudine ang kaniyang itsura. Napakaganda pa rin ng bunsong Barretto. Makinis, payat na payat na, parang wala siyang pinagdaanang mga paghamon at problema sa personal niyang buhay.

Sinimulan at tinapos namin ang MMK, bawat buka ng bibig ng aktres ay binantayan namin, magaling pa rin siyang umarte at hindi namin nakita ang pangangarag ng isang aktres na nabakante nang maraming taon sa acting niya.

Isang malaking senyal ang ipinakita niyang pagganap na kailangan na niyang magbalik nang seryosohan. Tumanggap na siya ng serye, gumawa na siya ng pelikula, dahil walang nangalawang sa kaniya kahit pa ilang taon siyang hindi humarap sa mga camera. Sana nga ay magtambal uli sila ni Piolo Pascual, hindi kalimut-limot ang pelikula nilang Milan, napapanahon na para gumawa uli sila ng pelikula.

Huwag na sanang magsayang pa ng panahon si Claudine Barretto, ito na ang tamang panahon para magdesisyon siyang umarte na uli, dahil sinampolan na niya ang publiko at pumasa naman siya sa pagsusulit. 

Pinoys sa HongKong – Full support sa mga Filipino artists

Nakakatuwa ang pagiging makabayan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Hong Kong. Wala silang pakialam kung mag-shoot man sa naturang bansa sina Tom Cruise at Jacky Chan, ang pakialam lang nila ay ang mga Pinoy na artista, lalo na ang kanilang mga paborito.

Iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan ang Star Cinema sa shooting ng pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Hindi sila makausad, hindi makukumpleto ang nakakalendaryo nilang sequences sa araw-araw, dahil sa pagkakagulo ng kanilang mga fans.

Kailangan pa namang sumentro ng mga eksena sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pinoy OFW tuwing Linggo, doon mabubuo ang pagmamahalan sa istorya, pero nahihirapan ang produksiyon.

Kuwento ng isang kaibigan naming may-ari ng agency na nagpapadala ng mga manggagawa sa iba-ibang bansa, “Ang unang tanong nga nila kapag paalis na, e, kung may mga artista raw bang nagpupunta sa destination nila?

“Lalo na sa Hong Kong, wala silang pakialam kung nandoon man sila Julia Roberts na kilala sa buong mundo! Ang pinagkakaguluhan lang nila, e, ang mga Pilipinong artista.

“Sa Central Park pa naman kukunan ang mga scenes nina Alden at Kathryn, mahihirapan talaga ang production, balwarte ng mga Pinoy ang lugar na iyon tuwing Sunday. Fiesta para sa kanila ang araw na iyon,” kuwento ng aming kaibigan.

Dalawang sikat na artista ba naman ang nandoon ngayon, talagang magkakagulo ang mga kababayan nating OFW, harap-harapan nilang nakikita ang kanilang mga idolo sa Hong Kong. 

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo – Matatag ang 9 years na relasyon

Matibay na nga ang pundasyon ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kumbaga sa bahay ay hindi na iyon kayang patumbahin ng kahit pinakamalakas na bagyo.

Sementado na ang kanilang puso para sa isa’t isa, wala nang puwedeng umentra sa kanilang relasyon nang basta-basta, ganoon na kabuo ang kanilang tiwala sa bawat isa.

May nakapagbulong sa amin na siyam na taon na pala nilang inaalagaan at ipinaglalaban ang kanilang relasyon ngayon. Limang taon lang ang inamin ng dalawa pero ayon sa amin mapagkakatiwalaang source ay siyam na taon na silang magkarelasyon.

Kung ganoon ay sobrang tibay na nga ng kanilang pagmamahalan, wala nang makatitibag doon, dahil nakalaan na ang puso nila sa isa’t isa lang.

Ang relasyon nina DJ at Kath ay hindi lang nakapokus sa pagmamahalan, may kakambal na tiwala at pang-unawa iyon, kaya kahit hindi sila magkasama ay patuloy na positibo ang kanilang relasyon.

Mapagpahalaga sila sa emosyon ng isa’t isa, bumibiyahe si Daniel para lang bisitahin ang kaniyang girlfriend sa ibang bansa habang nagtatrabaho, at si Kathryn naman ay naglalaan ng espesyal na panahon para makasama si DJ sa mahahalagang okasyon ng kanilang buhay.

Sana’y tularan ng iba sina Daniel at Kathryn na alam kung ano ang kanilang prayoridad sa buhay. Mahal nila ang isa’t isa pero may mga pagkakataong kailangan nilang pansamantalang magkalayo dahil iyon ang kailangan.

Napakasinsero nila sa isa’t isa, sa tinginan pa lang nila ay umapaaw na ang kanilang pagmamahalan, ito ang klase ng relasyon na ayaw nating makitang mauuwi lang sa wala. 

Alden Richards – May sariling McDo sa Biñan, marunong magpundar

Maaga pa ang umaga ay bukas na bukas na ang sikat na food chain ni Alden Richards sa Biñan Highway para maglingkod sa ating mga kababayan.

Katuparan ng isang malaking pangarap ang pagkakaroon ng Pambansang Bae ng isang food chain na paboritong pinupuntahan ng mga Pinoy at ginagawang party place ng mga batang nagdiriwang ng kaarawan.

Sino nga ba ang mag-aakala na isang araw pala, ang food chain na madalas lang puntahan ni Alden at ng kaniyang pamilya ay magkakaroon siya ng sariling branch, napakabait talaga ng kapalaran sa mga taong nagsisipag at walang kahit sinong tinatapakan.

Pangarap ng mga negosyante ang pagkakaroon ng sangay ng nasabing food chain. Kilala sa buong mundo ang McDonald’s. Kahit saang bansa tayo magpunta ay may McDo. At napakapalad ni Alden Richards sa pagkakaroon ng branch ng paboritong food chain ng mga Pinoy.

Kausap namin ang isang kaibigan, sa pagkakaroon nito ng suwerte sa buhay ay pangarap din nitong kumuha ng franchise ng McDonald’s para sigurado na raw ang kinabukasan ng kaniyang pamilya, pero nang malaman nito kung magkano iyon ay bigo ang aming kaibigan.

“Naku, one third pa lang pala ang exact franchise fee ang naiipon ko! Kailangan ko pa uling mangibang-bansa para makaipon!” natatawang sabi ng kaibigan namin.

Dugo, pawis at luha ang ipinuhunan ni Alden sa kaniyang negosyong food chain. Hindi iyon natupad sa isang magdamagan lang matitinding sakripisyo muna ang kaniyang pinagdaanan.

At totoo. Kapag nagsisikap tayo at nagsisipag ay may premyong napakaganda sa bandang dulo ng laban.

Congratulations kay Alden Richards! 

Coco Martin – Napuno ang salop, napikon ang mabait na aktor

Maraming nagmamahal kay Coco Martin. Milyon ang umiidolo kay Ricardo Dalisay ng Ang Probinsiyano. Pero hindi lahat ay sumasang-ayon sa pagiging pikon niya pagdagting na sa kaniyang personal na buhay.

Kalat na ang kuwento tungkol sa pagsisilang ni Julia Montes. Hindi puwedeng itago ang panganganak ng isang public figure na tulad ng dalaga.

Pero hanggang ngayon ay walang naririnig na anumang komento ang mga kababayan natin mula kay Coco Martin na itinuturong ama ng isinilang ni Julia.

Sabi ni prop, “Doon naman ako hindi agree, napakadali namang sabihing oo, ako nga ang father ng bata, may problema ba? Pero parang napikon si Coco, kung anu-anong comment ang ipino-post niya.

“Sana lang, e, hindi na niya ginawa ang ganoon. Sa personal opinion ko, e, nakabawas iyon sa ipino-project niyang image ng isang action star.

“Ang ganda-ganda ng kartada niya, e! Tahimik, hindi pumapatol sa mga bashers, ganoon ang tingin sa kaniya ng publiko. Basta, pakikipagbakbakan lang ang ginagawa niya, ganoon!” opinyon ng kaibigan naming propesor.

Pero may punto naman si Coco Martin, tao lang din siyang napupuno paminsan-minsan, kailangan niyang maglabas ng sama ng loob kesa sa siya pa ang magkasakit sa pagiging malihim sa kaniyang emosyon.

Nakakatakot ang taong tahimik lang. Para siyang bulkan na matagal na panahong nag-ipon lang ng lava kaya nang pumutok ay sobrang pagsabog ang naganap.

Ganoon si Coco Martin. Hindi siya masalita, puro trabaho lang ang nasa kaniyang utak, pero may panahon ng pagkaputol ng pisi ng mga taong ganoon.

Sa kasagsagan ng Mahal Na Araw tumapat ang pagsabog ng emosyon ni Coco. Wala siyang binabanggit na pangalan pero tulad ng kaniyang mga suntok sa Ang Probinsiyano ay direktang tumama iyon sa mukha ng taong pinatutungkulan niya.

Ang sama-sama ng kaniyang loob dahil wala na raw ginawa ang taong iyon kundi ang hanapan ng butas ang kaniyang personal na buhay. Hindi na nga nakatutulong sa kaniyang propesyon ay puro paninira pa ang ginagawa.

Natural, may santo Kristo man sa dibdib ang magaling na aktor ay mas gugustuhin niyang pakawalan ang laman ng kaniyang puso kesa sa siya ang maapektuhan.

Mahirap nga namang kimkimin ang mga sama ng loob na kalaunan ay nagiging matinding galit nang kailangang ilabas para sa katahimikan ng kaniyang kalooban.

Paminsan-minsan lang naman siyang bumibigay, kapag talagang punumpuno na lang ang salop, sabi nga ng kaniyang idolong si FPJ ay kailangan nang kinakalos ang ganoon para hindi umawas.

Sikat na sikat si Coco Martin. Tahimik lang sa kaniyang tagumpay. Pero tao rin siyang nasasaktan na kailangang maglabas ng kaniyang sama ng loob kung kinakailangan.

Kung kakandidatong senador daw si Coco ay hindi na niya kailangang manganpanya. Tapos na agad ang halalan, number one na siya, dahil sa sobrang paghanga ng mga kababayan natin kay Ricardo Dalisay.

Ibang klase ang karisma sa publiko ni Coco Martin. Lampas-lampasan pa sa kaniyang mga pinapangarap ang ibiniagy na regalo sa kaniya ang kapalaran. Napakasuwerteng nilalang. 

Marjorie Barretto – Bakit lahat ng anak may problema sa mga ama?

Pinanindigan ni Daniella, anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto, ang pagpapakasal na wala nag kaniyang ama. Ayon kay Dani noong unang lumabas ang balita ay si Marjorie lang naman ang nakasama nitong lumaki, hindi nito nakasama si Kier, kaya hindi na nito iimbitahan ang aktor.

Natural lang na hindi nagustuhan ng ating mga kababayan ang ginawang pang-eetsapuwera ni Dani sa kaniyang ama. Kulturang Pilipino nga naman na ang ama ang naghahatid sa kaniyang anak papunta sa altar.

Pero ang mas matinding tinutukan ng mga hindi nagkagusto kay Dani ay ang kaniyang ina. Tanong ng mga netizens, bakit daw ganoon, lahat ng mga anak ni Marjorie ay may problema sa kanilang mga ama?

Si Dani kay Kier. Si Julia at ang mga kapatid nito kay Dennis Padilla. Kaya tanong ng isang basher, ang anak daw kaya ni Marjorie kay dating Mayor Recom Echiverri ay magalit din sa kaniyang ama sa mga darating na panahon? 

Bimby – Katorse años na ang bunso ni Kris

Parang kailan lang iyon, katorse anyos na pala ngayon si Bimby, napakabilis talagang lumipad ng panahon. Magbibinata na ang anak nina James Yap at Kris Aquino.

Aminado naman si Kris na sa lahat ng laban na pasukin niya ay palaging nasa tabi niya si Bimby. Manang-mana kasi sa kaniya ang binatilyo, matalino si Bimby, artikulado ring magsalita na tulad ng kaniyang ina.

Inis na inis si Kris kapag may mga nagkokomento na malambot gumalaw si Bimby, doon siya manipis, agad na umaalma ang nanay kapag ang kaniyang bunso na ang bina-bash.

Na natural lang naman, wala na nga namang kasamang ama si Bimby ay magpapabaya pa ba naman si Kris, hindi mangyayari iyon hanggang nabubuhay pa ang aktres-TV host.

Maraming salamat naman at isinasantabi na ni Kris ang kung anumang kanegahang mayroon sa kaniyang puso laban kay James Yap. Sabi nga niya, hindi man sila nagtagumpay bilang magkarelasyon ay may isang napakagandang regalong iniwan iniwan sa kaniya ang relasyon, si Bimby.

At sana’y mapanindigan ni Kris Aquino ang kaniyang sinabi na pinakawalan na niya ang lahat-lahat ng sama ng loob niya kay James Yap.

Sana nga. 

Ogie Alcasid – Marespeto pero matalim ang balik kay Ben Tulfo

Mahirap ang sitwasyon ng magaling na singer-composer na si Ogle Alcasid bilang mister ni Regine Velasquez. Dikta ng pagiging padre de pamilya ay hindi siya siyempre makapapayag na may lumapastangan sa kaniyang misis at anak.

Wala siyang lulugaran. Kapag hindi siya kumibo bilang pagdepensa sa kaniyang misis ay sasabihan siyang iresponsableng asawa. Kapag ipinagtanggol niya naman si Regine ay may magsasabing palaaway siya.

Ang pagdepensa ni Ogie nang laitin ni Ben Tulfo ang kaniyang misis ay natural na reaksiyon ng isang asawang nasasaktan. Hindi lang para sa kaniyang sarili, mas nasasaktan siya para sa kaniyang misis, dahil kababaeng tao nga naman ay sukat patulan-menosin ng isang machong-machong broadcaster na si Ben Tulfo.

Marespeto si Ogie Alcasid, palibhasa’y edukado, idinaan niya ang pagtatanggol sa kaniyang misis sa pinakabanayad na paraang nalalaman niya. Hindi niya binastos ang nambastos sa kaniyang misis, pero dumudugo ang sugat, nagnanaknak.

Isandaang porsiyento naming sinusuportahan si Ogie Alcasid sa kaniyang ginawa. Kundi niya sasalagin ang nanglalait sa kaniyang misis ay sino pa ang gagawa noon para sa ina ng kaniyang anak?

At isa lang ang napakalinaw sa senaryong ito. Palaging nakikipaghamunan ng suntukan si Ben Tulfo dahil sa tindig at bulto nitong lalaking-lalaki.

Maliit si Ogie Alcasid kumpara sa machong Tulfo, pero sa kaniyang ipinost bilang pagdepensa sa kaniyang asawa ay titingala sa kaniya si Ben Tulfo, sa totoong-totoo lang.

Dahil sa ginawang lantarang pangmamaliit ng radio commentator na si Ben Tulfo laban kay Regine Velasquez ay hindi namin mapipigilan ngayon ang aming sarili na pagkumparain sila ng kaniyang kapatid na si Raffy Tulfo. Pati kina Kuya Ramon at Erwin.

Kilalang-kilala ang Tulfo Brothers sa pagiging marespeto sa mga kababaihan. Ang tingin nila sa bawat babaeng nabubuhay sa mundo ay larawan ng kanilang inang si Mommy Caring.

Si Kuya Raffy, kapag babae ang sangkot sa inirerelamo ay ipinapasa nito ang pagtatanong sa kaniyang kapareha sa Wanted Sa Radyo, ayaw niyang husgahan ang babaeng inirereklamo dahil laban iyon sa kaniyang pamantayan.

Kasalu-saludo ang ganoon, mas nagiging lalaking-lalaki at bruskong-brusko si Raffy Tulfo dahil sa pagrespeto nito sa mga kababaihan, napakalayo nito sa kaniyang kapatid na si Ben.

Sa ngalan ng pakikisawsaw sa isyung pinag-ugatan, ang pagkokomento ni Regine sa mga pahayag ni Secretary Teddy “Boy” Locsin tungkol sa mga taklobong pinakikialaman ng mga Tsino, ay ang female singer ang madiing nilait ni Ben Tulfo.

Talagang inilampaso niya ang Asia’s Songbird, tinatanggalan niya ng karapatang magbigay ng kaniyang opinyon, dahil hindi raw iyon ang linya ni Regine.

Bakit, Pilipino ang singer, nagmamalasakit si Regine sa ating karagatan at kalikasan, wala na bang karapatang magbigay ng komento ang isang Pilipino dahil pagkanta lang ang kaniyang linya?

Sobrang magbitiw ng mga salita itong si Ben Tulfo. Kababaeng tao ng kaniyang inuupakan, nasaan na ang respetong tatak ng Tulfo Brothers sa mga ginawa niyang pangmamaliit at pangmemenos sa pagkatao ni Regine Velasquez?

Mema lang? May masabi lang? Hindi bale nang halos ipagngudnguran niya sa sahig ang kapasidad ng personalidad na pinupuna niya? Teka lang muna.

May panahon na si Ben Tulfo sa panglalait kay Regine Velasquez. Siguro nga may ay sapat na panahon na siya ngayon para ibaling sa iba.

Naibalik na kaya ni Ben Tulfo ang milyun-milyong pisong kinukuwestiyon ng Department Of Tourism kung bakit lumanding sa kaniyang programa samantalang kapatid niya ang tagapamuno noon ng ahensiya?

Kung hindi pa tapos ang usapin, tantanan niya si Regine Velasquez, iyon muna ang kaniyang ayusin! – CSF

Cristy Per Minute • Nobyembre 16-30, 2018

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminNobyembre 16-30, 2018

      Alden Richards
 
Alden Richards
  ANDREA TORRES
 
Andrea Torres
  Coco Martin
 
Coco Martin
  kris aquino
 
Kris Aquino
  Regine Velasquez
 
Regine Velasquez
   Vice Ganda & Calvin Abueva
 
Vice Ganda & Calvin Abueva
  AI Ai Delas Alas & Gerald Sibayan
 
AI Ai delas Alas & Gerald Sibayan
  Diego Loyzaga
 
Diego Loyzaga
  Teresa Loyzaga Diego
 
Teresa & Diego Loyzaga
  LANI MERCADO
 
Lani Mercado
  MARCO REY HAJJI RICO
 
Marco Sison, Rey Valera, Hajji Alejandro & Rico J. Puno

Alden Richards – Ang kabaitan ay hindi pakitang-tao lang

Hanggang ngayon na lang (Nov. 16) ang pinagbibidahang action serye ng Pambansang Bae na si Alden Richards. Tumakbo lang nang three months o one season ang palabas.

Dahil sa maigsing panahon ng serye ay inuupakan ngayon ang binatang aktor, iniinsulto siya, iyon daw ba ang seryeng sumumpa noon na magpapadapa sa Ang Probinsiyano ni Coco Martin?

Sino raw ngayon ang nakatakda nang sumuko? Namamayagpag pa rin ang programa ni Coco pero magsasarado na ang libro ng kuwento ni Victor Magtanggol.

Nasubaybayan namin ang mga pahayag ni Alden Richards noong malapit nang ipalabas ang kaniyang serye. Kahit minsan ay hindi namin siya naringgan na kahit anong kayabangan. Wala siyang sinabing padadapain ng Victor Magtanggol ang serye ni Coco.

Marunong siyang rumespeto.

Ang kabaitan ni Alden ay likas, hindi pakitang-tao lang, naturalesa na talaga ni Alden ang pagiging mapagkumbaba. Magpaalam man ang kaniyang serye ay hindi pa rin siya matatawag na talunan.

Ang maipangtapat ng kaniyang network sa isang tulad ni Coco Martin na tatlong taon nang bumibida sa matagumpay nitong serye ay isang malaking karangalan na.

Hindi nagwawakas ang popularidad ni Alden Richards sa pamamaalam sa himpapawid ng kaniyang serye. Marami pang nakalaan para sa kaniya.

Magbabakasyon si Alden Richards at ang kaniyang pamilya ngayong Kapaskuhan. Noong nakaraang taon pa nila pinaghandaan ang bakasyon sa Amerika. Ngayon lang din niya makakasama nang mahabang panahon ang kaniyang pamilya, kailangan nilang samantalahin ang pagkakataon, dahil una palagi para sa Pambansang Bae ang kaniyang mga mahal sa buhay. 

Andrea Torres – Napakaseksi ni Andeng!

Halos lahat ng mga kaibgian naming male professionals ay mga hinihiling na regalo sa amin ngayong Pasko. Kami raw ang makasasagot sa kanilang problema.

Ang regalong hiling nila ngayong Christmas ay ang kalendaryo ni Andrea Torres para sa isang klase ng inuming nakalalasing.

Buo na raw ang kanilang Pasko kapag nabigyan namin sila ng kalendaryo ng napakaseksi naman kasing aktres. Napakalakas ng appeal ni Andrea sa mga kalalakihan, maging ang mga kaibigan naming tibo ay nahuhumaling sa kaniyang kaseksihan, humihingi rin sila ng kalendayo ng dalagang napakasimple sa tunay na buhay.

Noong minsang magkita-kita kami ni Andrea, ng kaniyang ina at ng mga kaibigan ng kanilang pamilya na sina Tito Manny at Tita Norsky Garcia ay nalaman namin kung sino talaga si Andrea Torres.

Takang-taka kasi ang mag-asawa kung paano nasabak sa mga sexy roles si Andrea samantalang konserbatibo ang kanilang pamilya.

Sabi ng kaniyang mommy, “Kami man ng daddy niya, nagulat na lang, dahil mga sexy roles ang ibinibigay sa kaniya. Noong una, e, hindi kami pumapayag, pero naging challenge iyon kay Andeng.

“Hindi raw naman siya maghuhubad-hubad, sexy lang, saka she can take care of herself daw naman. Kilala naman namin kung gaano siya ka-responsible, kaya pinayagan na rin namin siya,” kumpisal ng ina ng seksing dalaga.

Nakita na namin ang calendar ni Andrea Torres. Naiintindihan na namin kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan ng mga kaibigan naming lalaki at tibo kung bakit iyon ang pamaskong hiling nila sa amin.

Napakaseksi ni Andeng! 

Coco Martin – Hindi siya magreretirong nakanganga

Magdesisyon man si Coco Martin na huminto na sa pag-aartista ay hindi siya magreretirong nakanganga. Napaghandaan na ni Ricardo Dalisay ang Ang Probinsiyano ang kaniyang kinabukasan.

Wala na ring poproblemahin ang kaniyang pamilya, mamumuhay sila nang maayos, dahil pati ang future ng kaniyang mga magiging anak ay naihanda na ni Coco.

Kuwento ng aming kausap na malapit sa magaling na aktor, “Mahilig siyang bumili ng mga loteng malalaki ang sukat. Mas malaki, mas gusto niya, dahil mahilig siya sa farming.

“Napakasuwerte ng magiging wife ni Coco, ngayon pa lang, e, handang-handa na ang kanilang kinabukasan, hindi nagsasayang ng pera si Coco.

“Ang dami-dami na niyang nabiling properties, malalaking lupain iyon na kapag ayaw na niyang mag-artista, e, mapapakinabangan niya talaga,” unang kuwento ng aming source.

Sa isang umpukan ay naging subject si Coco Martin. May pagkakuripot daw ang aktor, hindi basta-basta naglalabas ng pera, marunong daw humawak ng pananalapi ang idolong si Cardo ng mga tumututok sa FPJ’s Ang Probinsiyano.

Pero kinontra ng aming kausap ang ganoong imahe ng aktor, ang kaniyang sabi, “Hindi totoo iyon, napakabukas nga ng palad niya sa pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi siya maramot.

“Sa pagbibigay pa lang niya ng trabaho sa mga artistang wala nang pinagkakakitaan, e, kitang-kita na ang pagiging generous niya. Hindi lahat ng mga sikat na artista, e, may ganyan kagandang puso.

“Kuripot siguro siya sa mga walang katuturang pagkakagastusan, pero kung kailangan niyang humugot para makatulong, lalo na’t alam niya namang sincere ang lumalapit sa kaniya, e, hindi siya nagdadamot,” paliwanag ng aming kausap.

Napakaraming personalidad na humawak nang milyones noong kaitaasan ng kanilang popularidad, pero pagkatapos lang nang ilang taon ay wasak na ang bulsa, mukha nang kaawa-awa.

“Hinding-hindi mangyayari kay Coco Martin iyon!” madiing pahabol pa ng aming source. 

Kris Aquino – Nagsampa ng criminal case laban sa staff

Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nakakuwentuhan namin tungkol kay Kris Aquino. May regular naman kaming komunikasyon ng aktres-TV host pero iba pa rin kapag mga close sa kaniya ang nakakabalitaan mo.

Nalaman namin na hindi lang pala criminal case ang isinampa ni Kris kontra sa kaniyang staff na hinahabol niya ngayon dahil sa milyunang halagang nawala sa kaniyang kaban.

May civil case pa palang ihinahanda ang kaniyang mga abogado, anumang oras ay isasampa na nila ang mga kaso, sa iba-ibang siyudad din sila maghahain ng kaso.

Sabi ng aming kakuwentuhan, “Ang ikinaiinis kasi ni Kris, e, siya pa ang binabaligtad ng kampo noong hinahabol niya. Marami silang pinalalabas na kuwento, saka parang siya pa ang kailangang sumunod sa mga hinihingi nila, e, siya na nga itong nawalan ng pera!

“Kesyo natatakot daw ang kalaban niya dahil may threat siyang ipapapatay, iyon daw ang reason kung bakit nangibang-bansa ang kinasuhan niya, marami silang sinasabi!

“Napakasimple lang naman ng problema kung tutuusin, di ba? Sagutin nila ang affidavit ni Kris, maglabas sila ng mga ebidensiya na walang katotohanan ang accusation tungkol sa kaniya, napakadali!” madiing kuwento ng aming source. 

Regine Velasquez – Umo-OA na naman daw, may paiyak-iyak pa

Isang text message ang tinanggap namin noong Lunes nang tanghali (Nov. 12). Manood daw kami ng It’s Showtime. Guest daw si Regine Velasquez. Umo-OA na naman daw ang Asia’s Songbird na may paiyak-iyak pa.

Sa imbitasyon sa amin na manood ay humihingi ng opinyon ang nag-text. Puwedeng sang-ayunan namin ang kaniyang opinyon na OA ang reaksiyon ni Regine, puwede rin kaming magbigay ng sarili naming opinyon sa pinanonood naming programa, libre ang pag-oopinyon kapag ganoon.

Napanood namin nang buo ang guesting ni Regine sa noontime show ng ABS-CBN. Natutukan namin ang kaniyang pagkanta na minahal ng sambayanang Pinoy.

Hindi siya OA. Isang natural na reaksiyon lang ang nakita namin mula sa isang personalidad na lumipat sa bago niyang kuwadra. Dala iyon ng saya dahil maganda ang pagtanggap sa kaniya sa It’s Showtime.

Pinalitan ni Regine ang ilang letra ng kaniyang kanta, nilagyan niya ng “kapamilya,” pero ang talagang pinalakpakan ng studio audience ay nang sabihin niya ang terminong “habambuhay.”

Ibig sabihi’y panghabambuhay na siyang magseserbisyo sa ABS-CBN. At kalayaan niyang sabihin iyon dahil siya ang may katawan. Siya rin ang lumipat at hindi naman tayo.

Kung anuman ang maging resulta ng kaniyang paglipat sa Dos mula sa Siyete ay buhay niya iyon, karera niya, kaya siya lang ang mananagot. 

Vice Ganda – Aminadong masaya kay Calvin Abueva

Isa sa mga kinabubuwisitang PBA players si Calvin Abueva. Buskador kasi ang player, pumapatol sa pangangantiyaw ng mga miron ng ibang teams, at ang pinakaimportante ay magaling maglaro si Abueva kaya kinaiinisan ito.

Nasa Phoenix na ngayon si Abueva, bigla na lang itong nawala sa Alaska team at nang muling bumalik ay nasa ibang koponan na, ganoon pa rin ang reaksiyon ng mga basketball fans sa kaniya.

Kapag nagdi-dribble at nagsu-shoot ang may kadugyutang player ayon sa mas nakararami ay sumisigaw ang mga fans, “Vice Ganda! Vice Ganda! Vice Ganda!”

Nalipat na sa kaniya ang sigaw noon na para kay Terrence Romeo, ang sikat na PBA player na unang naugnay ang pangalan kay Vice Ganda, minana na ni Abueva ang trono.

Aminado si Vice Ganda na si Calvin Abueva ang nagsisilbing kape niya sa umaga ngayon. Pinasasaya siya ng basketball player at proud na proud si Vice dahil hindi siya ikinahihiya ng bruskong manlalaro.

Lumalabas sila, may mga pictures nila ni Abueva na lumalabas sa social media na halos magkapalitan na sila ng mukha sa pagiging close, pakiramdam ng TV host ay mahal na rin siya ng basketball player.

May mga kumokontra sa kanilang relasyon, dapat daw mauntog na sa pader habang maaga pa si Vice Ganda, dahil ginagamit lang naman siya ng basketbolista. Matindi raw ang pangangailangna ngayon ni Abueva dahil may problema itong pinagdadaanan sa kaniyang pamilya.

Sana’y pabayaan na lang ng mga nangdadaot sa kanilang relasyon si Vice. Kung talagang mahal niya si Abueva ay ibigay na natin iyon sa kaniya. Maghapon at magdamag na nagpapakamatay sa pagtatrabaho si Vice, kailangan niya namang lumigaya, at kung natagpuan niya ang happiness na iyon kay Calvin Abueva ay ibigay na natin ang basbas sa kaniya. 

Gerald Sibayan – Tinututukan ang pagpa-pilot ng mister ni Ai AI

Bukod sa pagiging head badminton coach ng iba-ibang kolehiyo ay kumukuha rin ng kursong Aeronautics ang mister ng Comedy Concert Queen na si Gerald Sibayan.

Lumiban muna sa pagtuturo ng badminton si Gerald, kailangan niyang tumutok nang husto sa kursong matagal niya nang pinapangarap, bata pa lang si Gerald ay gustung-gusto na niyang makapagpalipad ng eroplano.

Kuwento ni Gerald nang huli naming makausap, “Part naman po talaga ng kabataan ng mga batang lalaki ang makapagpalipad ng plane. Noong bata pa po ako, basta may dumadaang eroplano sa laruan namin, e, kumakaway-kaway pa kaming magkakaibigan.

“Takang-taka ako kung bakit nakakalipad ang eroplano, samantalang napakabigat noon! So, matagal ko na talagang pangarap na maging piloto. Heto na ang chance, hindi ko na po ito sasayangin pa,” naniningkit lalo ang mga matang kuwento ng mister ni Ai-Ai delas Alas.

Lingguhan lang sila kung magkita ngayon, sa Subic nag-aaral si Gerald, pero napakalawak ng sakop ng teknolohiya para sa bukas nilang komunikasyon.

Naninibago si Gerald sa sitwasyon niya ngayon dahil mula nang maging magkarelasyon na sila ng Comedy Concert Queen hanggang nang magpakasal na sila ay araw-araw silang magkasama.

“Pero marami namang paraan para sa communication namin, daily ko silang nakukumusta ng mga anak niya, ilang beses kaming nagkakausap sa maghapon.

“Busy siya, busy rin ako, para rin naman po sa future namin ang ginagawa ko,” komento pa ni Gerald.

Masikap sa buhay ang asawa ni Ai-Ai, puring-puri nito si Gerald noong nag-aaral pa, napakalayo ng La Salle sa kanilang tirahan pero madaling-araw pa lang ay umaalis na siya sa bahay para hindi mabiktima ng trapik.

“Believe ako sa discipline ni Ge, sanay na ako sa trabahong wala halos panihangan, pero iba siya, sobrang disiplinado,” kuwento pa ni Ai-Ai. 

Diego Loyzaga – Nasa rehab matapos magtangkang mag-suicide

Malapit lang sa bahay ng isa naming kaibigan ang rehab-nursing home na pinagdalhan kay Diego Loyzaga pagkatapos siyang gamutin sa St. Luke’s Medical Center dahil sa tangka niyang pagkitil sa kaniyang buhay.

Maganda ang lugar, malapit lang sa lahat, lalo na sa isang palengkeng pinagkukunan ng mga sariwang prutas, karne at gulay na kinakain ng mga nasa rehabilitation center.

Tama ang desisyon ng pamilya ni Diego, kailangan niyang magpalipas nang mahaba-habang panahon sa nasabing lugar para siya makapagmuni-muni, ang minsang nagawa na ay puwedeng maulit pa.

Nagtatanungan ngayon ang marami kung ano ang nagtulak sa aktor para pagtangkaang tapusin ang kaniyang buhay. May matinding pinagdadaanan ba si Diego sa kaniyang personal na buhay?

Kung iyon ang magiging paksa, bata pa lang ang aktor ay nakasalang na siya sa ganoong sitwasyon, dala-dala niya iyon hanggang ngayong nasa wastong edad na siya.

Ipakuwento na lang natin kay Teresa Loyzaga, ang matapang sa buhay niyang ina, kung anu-ano ang depresyong umabot kay Diego noong batambata pa lang siya.

Nakatulong sa kaniyang paglaki ang matagal niyang pamamalagi sa Australia kasama ang pamilya Loyzaga, mayroon mang pagmamahal na ipinagkait sa kaniya ang ibang tao ay pinuno naman iyon ng pamilya ng kaniyang ina, pero hindi pa rin kumpleto ang buhay niya.

Sabi ng aming source, “Hindi naman matindi ang nangyari kay Diego, iyong paghiwa niya sa leeg at braso niya, hindi ganoon kalalalim, kahit tanungin n’yo pa ang mga doktor na tumingin sa kaniya.

“Kaya nga nakalabas din siya agad, kaya nga nailipat agad siya sa rehab,” impormasyon ng aming source. 

Teresa Loyzaga – Hindi namana ni Diego ang tapang ng loob

Hindi nakuha ni Diego Loyzaga ang tapang ng kaniyang ina. Kung namana niya ang tapang ng loob ni Teresa Loyzaga ay ipangtatadtad lang niya ng sibuyas ang Swiss knife at hindi ipanglalaslas ng kaniyang leeg at braso.

Kahit sana konting-konti lang ay nakakauha ng katangian ang guwapong young actor sa kaniyang ina. Palaban si Teresa, hindi sumusuko sa laban, kaya nitong kontrahin ang mga negatibong pangyayari sa kaniyang buhay.

Anak ni Cesar Montano si Diego. Mukhang mas maraming dugo ang sinalok ng young actor sa kaniyang ama. Masakit mang balikan ay ganyang-ganyan din ang nangyari sa kaniyang kapatid sa amang si Angelo.

Kinitil din nito ang kaniyang buhay, tulad ni Diego na napakabruskong tingnan, pero nagplano ring tapusin na ang kaniyang kaisa-isang buhay.

Depresyon ang sinasabing dahilan ng tangkang pagpapakamatay ni Diego Loyzaga. Madali siyang talunin ng lungkot at problema.

Babae si Teresa pero lahat na yata ng klase ng giyera ay pinagdaanan nito. Problemang pampamilya, problema sa pakikipagrelayon, problema sa trabaho at napakarami pang iba.

Pero si Diego nga ay hindi ang kaniyang ina. Anumang panggabay ang gawin ni Teresa ay may sariling desisyon pa rin ang kaniyang binata.

Sa tanong kung ano pa ba naman kasi ang dahilan ng depresyon ni Diego Loyzaga para humantong siya sa ganyan ay siguradong mayroon.

Lahat ng ating galaw, lahat ng ating desisyon, ay may kakambal na dahilan. 

Sen. Bong Revilla – Dec. 7 ang itinakdang araw para sa sentensiya

Ilang tulog na lang ay babasahan na ng sentensiya ng Sandiganbayan si dating Senador Bong Revilla. Abut-abot ang pagdarasal ngayon ng kaniyang pamilya at mga tagasuporta na harinawang mapawalang-sala ang aktor-pulitiko sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Siya na lang ang naiiwan sa PNP Custodial Center, pansamantala nang pinalaya si dating Senador Jinggoy Estrada, pinairal naman ng batas ang puso sa kaso ni Senador Juan Ponce Enrile na napakatanda na.

Sa December 7 ang itinakdang araw para basahan ng sentensiya si dating Senador Bong, binibilang-bilang na ng kaniyang pamilya ang pag-usad ng mga araw, ang kaniyang mga tagasuporta ay nag-aalay rin ng vigil para sa positibong resulta.

Plunder ang kasong halos apat na taon nang dinidinig ngayon, nagbaligtaran na ang mga witness, inilabas na ng mga ito si dating Senador Bong sa pagbibigay ng pahayag na ni minsan ay hindi nila nakitang pumirma-nagbigay ng mga dokumento ang aktor-pulitiko na pinagbabasihan ng asunto.

Sa kabila ng kaniyang pagkapiit pa hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang laban ng dating senador, ang kaniyang misis na si Mayor Lani Mercado at ang kanilang mga anak ang nag-file ng kaniyang COC, kaya tuloy pa rin ang laban ng action star sa Senado.

Habang papalapit na ang December 7 ay para namang bumabagal ang pag-usad ng panahon. Tama ang emosyon ng misis ni dating Senador Bong, kung kailan malapit na, kung kailan ilang araw na lang ang nalalabi ay saka naman parang napakabagal ng tiktak ng orasan.

Umaasa ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta na makakalaya na si dating Senador Bong Revilla sa December 7. Magiging markado ang araw na iyon, nakaabang na ang lahat ngayon sa sentensiyang igagawad sa kaniya ng Sandiganbayan, ang dasal ng lahat ng mga nagmamahal sa kaniya ay kalayaan.

Kalayaan para kay dating Senador Bong Revilla! 

Rico J. Puno – Kahit wala na, marami pa ring nakaka-alala

Isinoli na ni Rico J. Puno ang hiram niyang buhay. Pero kung ilang buwan lang ay hindi pa rin hihinto ang mga kuwentong-Rico J. Marami siyang naapektuhang buhay, naging malapit siya sa kaniyang mga kasamahang musikero, minahal din siya ng ating mga kababayan dahil sa mga awiting ipinamana niya sa atin.

Hanggang sa mga huling sandali ng kaniyang buhay ay sa mundo ng musika pa rin umiikot ang buhay ng Total Entertainer.

Nakakalungkot ang kuwento ni Rey Valera, kasama niya sa OPM Legends, na sa huling pagsasama nila sa isang show ay halos hindi na makatayo-makalakad si Rico.

“Habang nasa stage siya, hawak ng dalawa niyang kasama ang magkabilang braso niya. Kung hindi kasi, e, siguradong babagsak siya. So, kinausap ko siya sa backstage.

“Sabi ko, bakit kailangan pa niyang magtrabaho? Nakikita ko kasi na hirap na hirap na siyang kumilos, hirap na siyang huminga, pero nandoon pa rin siya at nagtatrabaho?

“Ang sagot niya sa akin, ‘Kailangan, e.’ Ang sa akin naman, bakit pa niya pipilitin ang sarili niya, e, hirap na nga siyang kumilos, ang pagkanta pa kaya ang magiging madali para sa kaniya?

“Pero naiintindihan ko si Koriks. Musika ang mundo niya. He will die a singer,” malungkot na pag-alala ng magaling na singer-composer sa kaniyang kaibigan.

Matindi rin siyempre ang epekto ng pagkawala ni Rico J. Puno kina Eva Eugenio, Imelda Papin at Dulce na palagi niyang nakakasama sa mga shows dito at sa iba-ibang bansa man.

Naging emosyonal ang Asia’s Diva sa pagkatanggap nito ng balitang pumanaw na si Rico. Hindi na mabilang pa ni Dulce ang mga concerts na pinagsamahan nila ni Koriks.

“Napamahal na siya sa pamilya ko. Basta nand’yan si Rico, no dull moment talaga, palagi siyang nagbibiro, parang wala siyang pinoproblema. Hindi niya dinadala sa stage ang kung anumang pinagdadaanan niya.

“Ang palagi niyang sinasabi sa akin, ‘Do not abandon your original song, iyong piyesang nagbigay sa iyo ng pangalan. Huwag kang hihiwalay doon.’

“I will surely miss him. Mami-miss siya ng pamilya ko, ng mga kasamahan naming performers,” sinserong pahayag ni Dulce. – CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Mayo 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 1-15, 2019

      Claudine Barretto
 
Claudine Barretto 
  OFWs
 
OFW's sa Hong Kong. Photo ni Marilou Driedger
  Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
 
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Coco Martin
 
Coco Martin
  Marjorie Barretto at mga anak
 
Marjorie Barretto at mga anak
  Bimby & Kris Aquino
 
Bimby & Kris Aquino
  Regine Velasquez & Ogie Alcasid
 
Regine Velasquez & Ogie Alcasid

Claudine Barretto – Parang ginto, napakagaling na aktres

Sino’ng magsasabing natengga nang maraming taon sa pag-arte si Claudine Barretto sa ipinamalas niyang pagganap sa MMK?

Hindi talaga kinakalawang ang ginto kahit ano ang mangyari. Hindi iyon kukupas, hindi magbabago ang kulay, dahil tunay na tunay.

Unang mapapansin sa pagbabalik-telebisyon ni Claudine ang kaniyang itsura. Napakaganda pa rin ng bunsong Barretto. Makinis, payat na payat na, parang wala siyang pinagdaanang mga paghamon at problema sa personal niyang buhay.

Sinimulan at tinapos namin ang MMK, bawat buka ng bibig ng aktres ay binantayan namin, magaling pa rin siyang umarte at hindi namin nakita ang pangangarag ng isang aktres na nabakante nang maraming taon sa acting niya.

Isang malaking senyal ang ipinakita niyang pagganap na kailangan na niyang magbalik nang seryosohan. Tumanggap na siya ng serye, gumawa na siya ng pelikula, dahil walang nangalawang sa kaniya kahit pa ilang taon siyang hindi humarap sa mga camera. Sana nga ay magtambal uli sila ni Piolo Pascual, hindi kalimut-limot ang pelikula nilang Milan, napapanahon na para gumawa uli sila ng pelikula.

Huwag na sanang magsayang pa ng panahon si Claudine Barretto, ito na ang tamang panahon para magdesisyon siyang umarte na uli, dahil sinampolan na niya ang publiko at pumasa naman siya sa pagsusulit. 

Pinoys sa Hong Kong – Full support sa mga Filipino artists

Nakakatuwa ang pagiging makabayan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Hong Kong. Wala silang pakialam kung mag-shoot man sa naturang bansa sina Tom Cruise at Jacky Chan, ang pakialam lang nila ay ang mga Pinoy na artista, lalo na ang kanilang mga paborito.

Iyon ang dahilan kung bakit nahihirapan ang Star Cinema sa shooting ng pelikulang pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Hindi sila makausad, hindi makukumpleto ang nakakalendaryo nilang sequences sa araw-araw, dahil sa pagkakagulo ng kanilang mga fans.

Kailangan pa namang sumentro ng mga eksena sa lugar kung saan nagtitipon-tipon ang mga Pinoy OFW tuwing Linggo, doon mabubuo ang pagmamahalan sa istorya, pero nahihirapan ang produksiyon.

Kuwento ng isang kaibigan naming may-ari ng agency na nagpapadala ng mga manggagawa sa iba-ibang bansa, “Ang unang tanong nga nila kapag paalis na, e, kung may mga artista raw bang nagpupunta sa destination nila?

“Lalo na sa Hong Kong, wala silang pakialam kung nandoon man sila Julia Roberts na kilala sa buong mundo! Ang pinagkakaguluhan lang nila, e, ang mga Pilipinong artista.

“Sa Central Park pa naman kukunan ang mga scenes nina Alden at Kathryn, mahihirapan talaga ang production, balwarte ng mga Pinoy ang lugar na iyon tuwing Sunday. Fiesta para sa kanila ang araw na iyon,” kuwento ng aming kaibigan.

Dalawang sikat na artista ba naman ang nandoon ngayon, talagang magkakagulo ang mga kababayan nating OFW, harap-harapan nilang nakikita ang kanilang mga idolo sa Hong Kong. 

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo – Matatag ang 9 years na relasyon

Matibay na nga ang pundasyon ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kumbaga sa bahay ay hindi na iyon kayang patumbahin ng kahit pinakamalakas na bagyo.

Sementado na ang kanilang puso para sa isa’t isa, wala nang puwedeng umentra sa kanilang relasyon nang basta-basta, ganoon na kabuo ang kanilang tiwala sa bawat isa.

May nakapagbulong sa amin na siyam na taon na pala nilang inaalagaan at ipinaglalaban ang kanilang relasyon ngayon. Limang taon lang ang inamin ng dalawa pero ayon sa amin mapagkakatiwalaang source ay siyam na taon na silang magkarelasyon.

Kung ganoon ay sobrang tibay na nga ng kanilang pagmamahalan, wala nang makatitibag doon, dahil nakalaan na ang puso nila sa isa’t isa lang.

Ang relasyon nina DJ at Kath ay hindi lang nakapokus sa pagmamahalan, may kakambal na tiwala at pang-unawa iyon, kaya kahit hindi sila magkasama ay patuloy na positibo ang kanilang relasyon.

Mapagpahalaga sila sa emosyon ng isa’t isa, bumibiyahe si Daniel para lang bisitahin ang kaniyang girlfriend sa ibang bansa habang nagtatrabaho, at si Kathryn naman ay naglalaan ng espesyal na panahon para makasama si DJ sa mahahalagang okasyon ng kanilang buhay.

Sana’y tularan ng iba sina Daniel at Kathryn na alam kung ano ang kanilang prayoridad sa buhay. Mahal nila ang isa’t isa pero may mga pagkakataong kailangan nilang pansamantalang magkalayo dahil iyon ang kailangan.

Napakasinsero nila sa isa’t isa, sa tinginan pa lang nila ay umapaaw na ang kanilang pagmamahalan, ito ang klase ng relasyon na ayaw nating makitang mauuwi lang sa wala. 

Alden Richards – May sariling McDo sa Biñan, marunong magpundar

Maaga pa ang umaga ay bukas na bukas na ang sikat na food chain ni Alden Richards sa Biñan Highway para maglingkod sa ating mga kababayan.

Katuparan ng isang malaking pangarap ang pagkakaroon ng Pambansang Bae ng isang food chain na paboritong pinupuntahan ng mga Pinoy at ginagawang party place ng mga batang nagdiriwang ng kaarawan.

Sino nga ba ang mag-aakala na isang araw pala, ang food chain na madalas lang puntahan ni Alden at ng kaniyang pamilya ay magkakaroon siya ng sariling branch, napakabait talaga ng kapalaran sa mga taong nagsisipag at walang kahit sinong tinatapakan.

Pangarap ng mga negosyante ang pagkakaroon ng sangay ng nasabing food chain. Kilala sa buong mundo ang McDonald’s. Kahit saang bansa tayo magpunta ay may McDo. At napakapalad ni Alden Richards sa pagkakaroon ng branch ng paboritong food chain ng mga Pinoy.

Kausap namin ang isang kaibigan, sa pagkakaroon nito ng suwerte sa buhay ay pangarap din nitong kumuha ng franchise ng McDonald’s para sigurado na raw ang kinabukasan ng kaniyang pamilya, pero nang malaman nito kung magkano iyon ay bigo ang aming kaibigan.

“Naku, one third pa lang pala ang exact franchise fee ang naiipon ko! Kailangan ko pa uling mangibang-bansa para makaipon!” natatawang sabi ng kaibigan namin.

Dugo, pawis at luha ang ipinuhunan ni Alden sa kaniyang negosyong food chain. Hindi iyon natupad sa isang magdamagan lang matitinding sakripisyo muna ang kaniyang pinagdaanan.

At totoo. Kapag nagsisikap tayo at nagsisipag ay may premyong napakaganda sa bandang dulo ng laban.

Congratulations kay Alden Richards! 

Coco Martin – Napuno ang salop, napikon ang mabait na aktor

Maraming nagmamahal kay Coco Martin. Milyon ang umiidolo kay Ricardo Dalisay ng Ang Probinsiyano. Pero hindi lahat ay sumasang-ayon sa pagiging pikon niya pagdagting na sa kaniyang personal na buhay.

Kalat na ang kuwento tungkol sa pagsisilang ni Julia Montes. Hindi puwedeng itago ang panganganak ng isang public figure na tulad ng dalaga.

Pero hanggang ngayon ay walang naririnig na anumang komento ang mga kababayan natin mula kay Coco Martin na itinuturong ama ng isinilang ni Julia.

Sabi ni prop, “Doon naman ako hindi agree, napakadali namang sabihing oo, ako nga ang father ng bata, may problema ba? Pero parang napikon si Coco, kung anu-anong comment ang ipino-post niya.

“Sana lang, e, hindi na niya ginawa ang ganoon. Sa personal opinion ko, e, nakabawas iyon sa ipino-project niyang image ng isang action star.

“Ang ganda-ganda ng kartada niya, e! Tahimik, hindi pumapatol sa mga bashers, ganoon ang tingin sa kaniya ng publiko. Basta, pakikipagbakbakan lang ang ginagawa niya, ganoon!” opinyon ng kaibigan naming propesor.

Pero may punto naman si Coco Martin, tao lang din siyang napupuno paminsan-minsan, kailangan niyang maglabas ng sama ng loob kesa sa siya pa ang magkasakit sa pagiging malihim sa kaniyang emosyon.

Nakakatakot ang taong tahimik lang. Para siyang bulkan na matagal na panahong nag-ipon lang ng lava kaya nang pumutok ay sobrang pagsabog ang naganap.

Ganoon si Coco Martin. Hindi siya masalita, puro trabaho lang ang nasa kaniyang utak, pero may panahon ng pagkaputol ng pisi ng mga taong ganoon.

Sa kasagsagan ng Mahal Na Araw tumapat ang pagsabog ng emosyon ni Coco. Wala siyang binabanggit na pangalan pero tulad ng kaniyang mga suntok sa Ang Probinsiyano ay direktang tumama iyon sa mukha ng taong pinatutungkulan niya.

Ang sama-sama ng kaniyang loob dahil wala na raw ginawa ang taong iyon kundi ang hanapan ng butas ang kaniyang personal na buhay. Hindi na nga nakatutulong sa kaniyang propesyon ay puro paninira pa ang ginagawa.

Natural, may santo Kristo man sa dibdib ang magaling na aktor ay mas gugustuhin niyang pakawalan ang laman ng kaniyang puso kesa sa siya ang maapektuhan.

Mahirap nga namang kimkimin ang mga sama ng loob na kalaunan ay nagiging matinding galit nang kailangang ilabas para sa katahimikan ng kaniyang kalooban.

Paminsan-minsan lang naman siyang bumibigay, kapag talagang punumpuno na lang ang salop, sabi nga ng kaniyang idolong si FPJ ay kailangan nang kinakalos ang ganoon para hindi umawas.

Sikat na sikat si Coco Martin. Tahimik lang sa kaniyang tagumpay. Pero tao rin siyang nasasaktan na kailangang maglabas ng kaniyang sama ng loob kung kinakailangan.

Kung kakandidatong senador daw si Coco ay hindi na niya kailangang manganpanya. Tapos na agad ang halalan, number one na siya, dahil sa sobrang paghanga ng mga kababayan natin kay Ricardo Dalisay.

Ibang klase ang karisma sa publiko ni Coco Martin. Lampas-lampasan pa sa kaniyang mga pinapangarap ang ibiniagy na regalo sa kaniya ang kapalaran. Napakasuwerteng nilalang. 

Marjorie Barretto – Bakit lahat ng anak may problema sa mga ama?

Pinanindigan ni Daniella, anak nina Kier Legaspi at Marjorie Barretto, ang pagpapakasal na wala nag kaniyang ama. Ayon kay Dani noong unang lumabas ang balita ay si Marjorie lang naman ang nakasama nitong lumaki, hindi nito nakasama si Kier, kaya hindi na nito iimbitahan ang aktor.

Natural lang na hindi nagustuhan ng ating mga kababayan ang ginawang pang-eetsapuwera ni Dani sa kaniyang ama. Kulturang Pilipino nga naman na ang ama ang naghahatid sa kaniyang anak papunta sa altar.

Pero ang mas matinding tinutukan ng mga hindi nagkagusto kay Dani ay ang kaniyang ina. Tanong ng mga netizens, bakit daw ganoon, lahat ng mga anak ni Marjorie ay may problema sa kanilang mga ama?

Si Dani kay Kier. Si Julia at ang mga kapatid nito kay Dennis Padilla. Kaya tanong ng isang basher, ang anak daw kaya ni Marjorie kay dating Mayor Recom Echiverri ay magalit din sa kaniyang ama sa mga darating na panahon? 

Bimby – Katorse años na ang bunso ni Kris

Parang kailan lang iyon, katorse anyos na pala ngayon si Bimby, napakabilis talagang lumipad ng panahon. Magbibinata na ang anak nina James Yap at Kris Aquino.

Aminado naman si Kris na sa lahat ng laban na pasukin niya ay palaging nasa tabi niya si Bimby. Manang-mana kasi sa kaniya ang binatilyo, matalino si Bimby, artikulado ring magsalita na tulad ng kaniyang ina.

Inis na inis si Kris kapag may mga nagkokomento na malambot gumalaw si Bimby, doon siya manipis, agad na umaalma ang nanay kapag ang kaniyang bunso na ang bina-bash.

Na natural lang naman, wala na nga namang kasamang ama si Bimby ay magpapabaya pa ba naman si Kris, hindi mangyayari iyon hanggang nabubuhay pa ang aktres-TV host.

Maraming salamat naman at isinasantabi na ni Kris ang kung anumang kanegahang mayroon sa kaniyang puso laban kay James Yap. Sabi nga niya, hindi man sila nagtagumpay bilang magkarelasyon ay may isang napakagandang regalong iniwan iniwan sa kaniya ang relasyon, si Bimby.

At sana’y mapanindigan ni Kris Aquino ang kaniyang sinabi na pinakawalan na niya ang lahat-lahat ng sama ng loob niya kay James Yap.

Sana nga. 

Ogie Alcasid – Marespeto pero matalim ang balik kay Ben Tulfo

Mahirap ang sitwasyon ng magaling na singer-composer na si Ogle Alcasid bilang mister ni Regine Velasquez. Dikta ng pagiging padre de pamilya ay hindi siya siyempre makapapayag na may lumapastangan sa kaniyang misis at anak.

Wala siyang lulugaran. Kapag hindi siya kumibo bilang pagdepensa sa kaniyang misis ay sasabihan siyang iresponsableng asawa. Kapag ipinagtanggol niya naman si Regine ay may magsasabing palaaway siya.

Ang pagdepensa ni Ogie nang laitin ni Ben Tulfo ang kaniyang misis ay natural na reaksiyon ng isang asawang nasasaktan. Hindi lang para sa kaniyang sarili, mas nasasaktan siya para sa kaniyang misis, dahil kababaeng tao nga naman ay sukat patulan-menosin ng isang machong-machong broadcaster na si Ben Tulfo.

Marespeto si Ogie Alcasid, palibhasa’y edukado, idinaan niya ang pagtatanggol sa kaniyang misis sa pinakabanayad na paraang nalalaman niya. Hindi niya binastos ang nambastos sa kaniyang misis, pero dumudugo ang sugat, nagnanaknak.

Isandaang porsiyento naming sinusuportahan si Ogie Alcasid sa kaniyang ginawa. Kundi niya sasalagin ang nanglalait sa kaniyang misis ay sino pa ang gagawa noon para sa ina ng kaniyang anak?

At isa lang ang napakalinaw sa senaryong ito. Palaging nakikipaghamunan ng suntukan si Ben Tulfo dahil sa tindig at bulto nitong lalaking-lalaki.

Maliit si Ogie Alcasid kumpara sa machong Tulfo, pero sa kaniyang ipinost bilang pagdepensa sa kaniyang asawa ay titingala sa kaniya si Ben Tulfo, sa totoong-totoo lang.

Dahil sa ginawang lantarang pangmamaliit ng radio commentator na si Ben Tulfo laban kay Regine Velasquez ay hindi namin mapipigilan ngayon ang aming sarili na pagkumparain sila ng kaniyang kapatid na si Raffy Tulfo. Pati kina Kuya Ramon at Erwin.

Kilalang-kilala ang Tulfo Brothers sa pagiging marespeto sa mga kababaihan. Ang tingin nila sa bawat babaeng nabubuhay sa mundo ay larawan ng kanilang inang si Mommy Caring.

Si Kuya Raffy, kapag babae ang sangkot sa inirerelamo ay ipinapasa nito ang pagtatanong sa kaniyang kapareha sa Wanted Sa Radyo, ayaw niyang husgahan ang babaeng inirereklamo dahil laban iyon sa kaniyang pamantayan.

Kasalu-saludo ang ganoon, mas nagiging lalaking-lalaki at bruskong-brusko si Raffy Tulfo dahil sa pagrespeto nito sa mga kababaihan, napakalayo nito sa kaniyang kapatid na si Ben.

Sa ngalan ng pakikisawsaw sa isyung pinag-ugatan, ang pagkokomento ni Regine sa mga pahayag ni Secretary Teddy “Boy” Locsin tungkol sa mga taklobong pinakikialaman ng mga Tsino, ay ang female singer ang madiing nilait ni Ben Tulfo.

Talagang inilampaso niya ang Asia’s Songbird, tinatanggalan niya ng karapatang magbigay ng kaniyang opinyon, dahil hindi raw iyon ang linya ni Regine.

Bakit, Pilipino ang singer, nagmamalasakit si Regine sa ating karagatan at kalikasan, wala na bang karapatang magbigay ng komento ang isang Pilipino dahil pagkanta lang ang kaniyang linya?

Sobrang magbitiw ng mga salita itong si Ben Tulfo. Kababaeng tao ng kaniyang inuupakan, nasaan na ang respetong tatak ng Tulfo Brothers sa mga ginawa niyang pangmamaliit at pangmemenos sa pagkatao ni Regine Velasquez?

Mema lang? May masabi lang? Hindi bale nang halos ipagngudnguran niya sa sahig ang kapasidad ng personalidad na pinupuna niya? Teka lang muna.

May panahon na si Ben Tulfo sa panglalait kay Regine Velasquez. Siguro nga may ay sapat na panahon na siya ngayon para ibaling sa iba.

Naibalik na kaya ni Ben Tulfo ang milyun-milyong pisong kinukuwestiyon ng Department Of Tourism kung bakit lumanding sa kaniyang programa samantalang kapatid niya ang tagapamuno noon ng ahensiya?

Kung hindi pa tapos ang usapin, tantanan niya si Regine Velasquez, iyon muna ang kaniyang ayusin! – CSF

Cristy Per Minute • Mayo 16-31, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 16 – 31, 2019

      Julia Montes & Coco Martin
 
Julia Montes & Coco Martin
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Phillip Salvador, Bong Go & Robin Padilla
 
Phillip Salvador, Bong Go & Robin Padilla
  Mariel Rodriguez
 
Mariel Rodriguez
  Martin Andanar & John Lloyd Cruz
 
Martin Andanar & John Lloyd Cruz
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  Arjo Atayde
 
Arjo Atayde
  Aiko Melendez
 
Aiko Melendez
  Ken Chan & Rita Daniela
 
Ken Chan & Rita Daniela

Coco Martin – Matindi ang galit sa mundo

Paboritong pulutan ngayon si Coco Martin sa mga umpukang showbiz. Kahit saan, maraming nagtatanong-nagugulat kung bakit siya nagiging negatibo, ano raw ba talaga ang ipinagpuputok ng butse ng action star?

Ang dating tahimik lang na aktor ay biglang naging pikon. Panay-panay ang paglalabas niya ng mga mensaheng hindi nakagaganda sa kaniyang imahe.

Komento ng aming regular na kritiko sa buhay ng mga artista na si SOS, “Sobrang agree po kami sa mga opinyon n’yo. Di po ba, marami nang nagtatanong noon pa kung bakit kailangang itago ni Coco bilang karelasyon si Julia Montes?

“Ano’ng mayroon? Hindi po lalaki ang diskarte niya, talagang nasira siya sa parteng ito, hindi maganda ang mga pinagsasasabi niya. Hindi ba siya proud sa anak nila ni Julia?

“Dahil ba iyon sa pagiging sarado-Katoliko niya at pagiging deboto ng Poong Nazareno na naanakan niya si Julia, samantalang hindi naman sila kasal at mag-asawa?

“Ibang-iba pala talaga ang role niya bilang si Ricardo Dalisay na may matinding paninindigan sa Ang Probinsiyano. Ibang-iba pala talaga siya sa totoong buhay.

Nanganak si Julia Montes. Siya ang ama ng isinilang nito. Ano ang dapat ikagalit ni Coco sa istoryang lumabas? E, totoo namang nanganak si Julia, totoo namang siya ang tatay ng bata, ano ang dapat niyang ikagalit sa mga press people na naglabas ng balita?

Ang dapat niyang gawin ay ang humarap sa katotohanan. Kung ayaw man niyang kumpirmahin ang nangyari ay karapatan niya iyon bilang indibidwal pero tantanan niya ang pagpapatutsada sa mga taong nakikialam daw sa kaniyang pribadong buhay.

Nasira ang kaniyang imahe. Kung ang yapak ng kaniyang idolong si FPJ ang pinaplakado niya ay sumablay si Coco Martin. Ang tunay na lalaki ay hindi nakikipag-eskrimahan sa patutsadahan, hinaharap niya ang kaniyang mga kalaban, hindi siya nagiging balat-sibuyas dahil ang mundong nagbigay-katuparan sa kaniyang mga pangarap ay ang showbiz. Ang lokal na aliwan.

Nakakapanibago ang dating tahimik lang na action star na ito. Galit siya sa mundo. Galit siya sa mga bashers at sa mga taong nanghihimasok daw sa kaniyang pribadong buhay.

Ano kaya ang akala ni Coco? Hahangaan siya ng publiko sa pagpo-post niya ng mga salitang hindi magandang basahin at nakakagulat sa pandinig? Hindi na rin kaya kinakaya ng aktor ang magandang kapalaran niya sa showbiz kaya siya nagkakaganyan?

Nagiging pikon si Coco Martin na pinatutunayan naman ng mga nakakasama niya sa seryeng pinagbibidahan niya. Iyon pala ang dahilan kung bakit dalawang direktor ang umalis na sa Ang Probinsiyano.

Palaging mainit ang kaniyang ulo, marami siyang pinapansin sa set, hanggang sa lumabas na nga ang kuwentong isang crew na inaantok ang sinabuyan niya ng tubig.

Kailangang mag-ingat si Coco Martin sa kaniyang mga sinasabi at ginagawa. Pinakamalalaking artista man ay dumarating sa punto ng paglamlam ng bituin.

Palaging una ang ugali at pangalawa na lang ang talento. Napipikon siya dahil pinanghihimasukan daw ang personal niyang buhay?

Ano ba ang mundong pinasok niya? Bakit ba ang tawag sa mga tulad niya ay public figure? Sige nga, magpaliwanag nga siya?

Maigsi na ang aming espasyo. Hindi na kakargahin ang aming mga opinyon na hindi naman hinihingi ni Coco Martin pero nais pa rin naming itawid sa kaniya.

Binulabog niya ang kuta ng langgam, sige, saku-sakong langgam ang makikipagtuos ngayon sa kaniya.

Kris Aquino – Siya mismo ang dahilan kung bakit naba-bash

Sa isang malaking umpukan dahil break nila sa taping ay napunta kay Kris Aquino ang kuwentuhan ng magkakatrabahong personalidad.

May nagkomento kasi tungkol kay Coco Martin, ang sabi ng isang nandoon, “Huwag siyang pakasigurado sa popularity na mayroon siya ngayon. Kung si Kris Aquino nga, may makapag-iisip bang ganyan ang magiging kapalaran niya sa ABS-CBN?

“Ang kapaniwalaan noon, e, mawawalan ng career ang lahat ng mga artista ng Dos, pero puwera lang kay Kris, dahil malaki ang utang na loob ng network sa family nila.

“But look what happened to Kris? Hindi lang siya pinagsasaraduhan ng pintuan at bintana ng istasyon, isinarado rin ng mga executives pati ang mga bubong ng network para sa kaniya.

“So, huwag maging kampante si Coco, hindi niya hawak ang bukas, hindi na kagandahan ang mga kuwento tungkol sa kaniya. Kung si Kris nga, e, nawalan ng career, siya pa kaya?” mahabang litanya ng isang female personality sa umpukan.

Pero isang veteran actress ang nagbigay ng positibong pananaw tungkol kay Kris, nakakatawa ang mga sinabi ng beteranong artista, pero totoong-totoo.

Sabi ng veteran actress, “But she’s very gutsy! She knows every reason para siya mapag-usapan. Alam niya kasi na kapag wala na siya sa mainstream, e, madali na lang siya makakalimutan!

“Magaling doon si Kris, alam niya ang mga ginagawa niya. E, ano nga naman kung tawagin siyang sawsaw-suka, ang importante, e, nasa gitna pa rin siya ng laban!” madiing komento ng may edad nang babaeng personalidad.

May dahilan naman kung bakit palaging naba-bash si Kris Aquino. Siya mismo ang naglalantad ng sitwasyon ng kaniyang katawan, maraming bawal sa kaniya, pero iba naman ang mga sinasabi niya sa kaniyang mga ginagawa.

Bawal ang bulaklak sa kanilang bahay, ipinagbabawal iyon ng kaniyang mga doktor, dahil mas lumalala ang kaniyang allergies dahil doon.

Bawal din sa bahay ng aktres-TV host ang sahig na carpeted, tabla kung tabla o semyento kung semyento lang ang dapat, para huwag umariba ang sakit niya sa balat.

Bawal din siya sa matataong lugar, mahigpit na ipinagbabawal sa kaniya ang ganoon sabi ni Kris, pero ano ba ang ginagawa niya nitong mga huling araw?

Kung ayaw ni Kris na naba-bash siya ay wala siyang ibang dapat gawin kundi ang manahimik na lang pagdating sa kaniyang personal at pribadong buhay.

Huwag niyang inilalabas ang kaniyang medical history, walang dapat makaalam ng mga sakit niya kundi ang mga taong malapit lang sa kaniya, hindi ang publiko.

Kapag nanahimik na siya at nand’yan pa rin ang mga namba-bash sa kaniya ay may karapatan na siyang magalit. Pero sa ngayon, dahil siya rin ang source ng mga ibinabato laban sa kaniya, ay wala siyang karapatang magalit sa mga kumokontra sa kaniya.

Alden Richards – Hindi pikon, hindi pumapatol sa intriga

Sa isang malaking umpukan ng mga manunulat ay pinagkumpara sina Coco Martin at Alden Richards. Pareho kasi silang sikat, nagpaparamihan sila ng mga ineendorsong produkto, nakatuon din ang kanilang atensiyon ngayon sa pagnenegosyo.

Pero nagkaisa ang magkakaharap na manunulat na oo nga, malaki rin ang pagkakaiba nila, may kani-kaniya silang katangian. Magkaiba ang atake nila sa buhay.

Sabi ng isang kasamahan namin, “Hindi palapatol sa mga bashers si Alden. Mahaba ang pasensiya niya, alam niya kasi na kahit doon sa mga grupong namba-bash sa kaniya, e, may dapat din siyang tanawing malaking utang na loob.

“Hindi rin napipikon si Alden kapag nasusulat ang private life niya. At ang pinakamatindi, kahit iyong isyung bading siya, e, hindi iyon ikinapikon ni Alden!

“Hindi siya ipinaglihi sa patola at hindi rin siya balat-sibuyas. Alam niya ang pinasok niyang mundo, aware siya na public figure siya,” pahayag ng aming kasamahan.

Kabaligtaran nga naman ni Alden si Coco na mahilig sumagot sa mga pumpansin sa kaniyang mga kakapusan at sa kuwento ng kaniyang personal na buhay.

Sabi nga ng isang reporter, “Itong si Coco kasi, e, masyado nang believe sa sarili niya. Umakyat na ang hangin ng popularity sa ulo niya. Lumalabas na ngayon ang mga kuwento kung gaano siya kahirap katrabaho!

“Mayabang ang mga posts niya, parang kaniya na ang mundo, palibhasa, e, sikat na nga siya at pinayaman na ng showbiz! Napakalayo niya kay Alden at sa iba pang mga artistang mas sikat kesa sa kaniya,” komento pa ng aming kasama sa hanapbuhay.

Oong-oo naman.

Phillip Salvador – Traydor, walang utang na loob

Isang napakagandang pagkakaibigan ang itinapon lang sa basurahan nang basta-basta ni Phillip Salvador. Ang mga taong sumagip sa atin sa matinding pangangailangan, ang mga taong nagtiwala sa atin nang walang anumang kapalit, ay sobrang dapat lang na pinahahalagahan.

Alam ni Phillip kung ano ang kahalagahan sa kaniyang buhay ni Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Noong mga oras na parang tinalikuran na siya ng mundo dahil sa kawalan ng trabaho, noong hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng panglaman sa bituka ng kaniyang mga mahal sa buhay, ay noon niya nakilala ang businessman.

Literal na naging tungkod niya sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay si Mayor Enrico, matindi pa sa sikat ng araw sa tanghaling-tapat kung paano siya pinagmalasakitan at pinahalagahan ng kaniyang kaibigan, pero ano ang ipinalit niya pagkatapos?

Nasukat ni Mayor Enrico ang kaniyang katapatan, inakyatan niya ang entablado ng kalaban noong tao dahil daw kay SAP Bong Go, ewan kung nasa talampakan ang prinsipyo ni Phillip Salvador.

Tumawag naman daw si Phillip Salvador kay Mayor Enrico Roque. Umiiyak pa siyang nagpaliwanag. Kailanman daw ay hindi niya kayang saksakin nang patalikod ang kaniyang kaibigan.

Umakyat lang daw siya sa entablado de kampanya ng kalaban ni Mayor Enrico nang dahil kay SAP Bong Go. Nainis nga raw ang kumakandidatong senador na binubuntutan niya kahit saan dahil kakaunti lang ang tao sa inakyatan nilang entablado.

Parang nasayang lang daw ang kanilang pagod, sana raw ay hindi na lang sila pumunta, kuwento pa ni Phillip kay Mayor Enrico.

Pero anumang paliwanag ang gawin ng aktor ay nangyari na ang nangyari, nagawa na niyang traydurin ang taong nagsalba sa kaniya sa pinakamadilim na bahagi ng kaniyang buhay at karera, lumuha man siya ngayon ng bato ay ipinakita na ni Phillip Salvador ang tunay niyang kulay.

Tapos na si Phillip sa mga Pandieño na nakasaksi sa lalim ng samahan nila ni Mayor Enrico. Tapos na rin ang action star sa mga tulad naming hindi lang nalungkot kundi nagimbal sa ginawa niyang pagbebenta sa pagkakaibigan nila ni Mayor Enrico.

Anumang paliwanag at pag-iyak ang gawin niya ngayon ay magmumukha lang luha ng buwaya ang kaniyang pagluha. Puro dahilan na lang ang naiiwanan sa kaniya ngayon dahil nakapanakit na siya ng damdamin ng mga taong nag-akala na mabuti at matino siyang kaibigan na puwedeng tayaan sa laban.

Pera-pera na lang ang mahalaga para kay Phillip Salvador ngayon. HIndi niya kayang tanggihan si SAP Bong Go dahil ito na ang bagong mina ng ginto niya ngayon. Hindi na niya kayang lumingon sa nakaraan.

Balewala na sa kaniya ngayon ang mga taong tulad ni Mayor Enrico na hindi nagdalawang-isip na tumulong sa kaniya noong mga panahon na hindi niya alam kung saang kamay ng Diyos niya kukunin ang ipakakain sa kaniyang pamilya at ipampipiyansa sa kaniyang mga kaso.

Napakaigsi pala ng memorya ni Phillip Salvador. Mas masahol pa siya sa isang ulyanin dahil sadya ang ginawa niyang kawalan ng utang na loob sa isang itinuring niya nang kapatid.

Mariel Rodriguez – Nagdadalantao muli ang misis ni Robin

Tatlong buwan nang nagdadalantao si Mariel Rodriguez sa pangalawa nilang anak ni Robin Padilla. Pinili niyang ibalita iyon sa It’s Showtime sa Mother’s Day episode ng noontime show.

Nakakatuwang malaman na magkakaroon na ng kapatid ang kanilang panganay na si Isabella. Hands-on siya sa pagpapalaki ng kanilang anak, nang pumasok na lang siya sa noontime show, saka kumuha ng tagapag-alaga ni Isabella si Mariel.

Maraming naging emosyonal sa balita ni Mariel, alam ng publiko na dalawang beses muna siyang nakunan, bago nabuo si Isabella.

Palaging ganoon ang nangyayari sa mga nanay na nagkakaroon ng miscarriage. Nagiging sunud-sunod ang kanilang pagdadalantao, pagkatapos nilang makunan.

May anak-anakan kaming matagal nang naninirahan sa San Diego, California. Pitong taon na silang kasal ng kaniyang mister, pero hindi pa rin sila makabuo, palaging nalalaglag ang binhi.

Pero nang magpa-check-up ito sa natuloy na pagdadalantao ay kambal pa pala ang kaniyang dinadala, bawing-bawi ang pitong taon nilang ipinaghintay, kaya maligayang-maligaya ang mag-asawa.

Ang tulad ni Mariel Rodriguez na mapagmahal sa anak ay dapat lang biyayaan pa ng mas maraming supling. Mabuti siyang ina at alam niya ang tunay na kahulugan ng pagiging ina.

John Lloyd Cruz – Mukhang ermitanyo pero masaya

Nakakatawa ang kuwento, pero sumusumpa ang aming source na totoong-totoo, napagkamalan pala ng mga PSG sa Malacañang na si Anthony Castelo si John Lloyd Cruz noong dumating sa Palasyo.

Iniradyo pa raw iyon ng isang PSG sa loob, “Positive na rin si Anthony Castelo, papasok na siya d’yan.”

Kahit nga si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi nakakilala kay JLC, nanibago raw ang pangulo sa balbas at bigote ng magaling na aktor, kaya hindi nito nakilala.

Sa paglalarawan ng mga nakakita kay John Lloyd ay mukha na siyang ermitanyo. Naalala nilang bigla ang Hapon na si Onoda na ilampung taong nanirahan sa bundok.

Iyon ang piniling maging itsura ngayon ni Lloydie, siguro ay ninanamnam lang niya ang pagkakataong magawa ang kaniyang gusto, na hindi niya nagagawa noong aktibo pa siya sa pagharap sa mga camera.

Gusto niyang magpahaba ng buhok ay hindi puwede, may continuity pa ang kaniyang mga eksena, hindi rin siya makapagpahaba ng balbas at bigote dahil clean guy ang papel na ginagampanan niya sa pelikula.

Kinasabikan niya ang ganyang itsura, iyong walang magbabawal sa kaniya na huwag magpahaba ng buhok, maging ang magkaroon ng bigote at balbas na para na siyang ermitanyo.

Isang bagay lang naman ang pinakamahalaga. Masaya si John Lloyd Cruz ngayon. Iyon lang iyon.

Willie Revillame – Pilot ng kaniyang private plane

May bagong makabuluhang pangarap na pinagkakaabalahan ngayon si Willie Revillame. Siguradong ikaliligaya ng kaniyang mga tagasuporta ang pinagtutuunan niya ng mahalagang panahon ngayon.

Hindi kailanman pinababayaan ni Willie ang kaniyang game show, napakapropesyonal niya, marami siyang pinahahanga bilang host ng Wowowin.

Pero may pinaglalaanan siya ng panahon ngayon, ang pagpipiloto, nakapagpapalipad na ng eroplano ang sikat na aktor-TV host.

Mahaba-haba na rin ang panahong ginugugol niya sa pag-aaral magpalipad, iyon ang kaniyang tinututukan ngayon bukod sa Wowowin, balak niyang bumili ng 6-seater private plane para mapakinabangan ang kaniyang pinag-aralan.

May kuwento si Willie tungkol sa kaniyang kabataan, kapag nasa bukid daw sila ng kaniyang mga kalaro at nagpapalipad ng saranggola ay kinakaway-kawayan nila ang dumadaang eroplano, “Nandito kami!”

Mahilig din silang magpaanod ng bangkang papel sa gilid ng kalsada basta may tubig.

Ang mumunting pangarap ni Willie Revillame ay nagkaroon ng katuparan. Mayroon na siyang nabiling commercial plane na ginagamit nila ng kaniyang staff sa pangingibang-bansa.

Mayroon na rin siyang yate na madalas niyang gamitin sa pagpunta sa kaniyang nabiling resort sa Mindoro. Wala nga namang masama sa pangangarap lalo na kung kinakambalan iyon ng pagsisipag at paglaban nang parehas ng nangangarap.

Maligaya kami para kay Willie Revillame, ang sikat na personalidad na astang-mayabang lang, pero ginto ang puso.

Arjo Atayde – Hanga si Maricel sa galing nang pag-arte

Ang tunay na magaling na artista, itago man sa kahon ay siguradong lulutang, hindi naitatago ang natural na husay sa pag-arte.

Iyon mismo si Arjo Atayde, kahit anong papel ang gampanan ng magaling na aktor ay naitatawid niya nang buong husay, nasa puso kasi niya ang pag-arte.

Ibang klase ang acting ni Arjo sa The General’s Daughter bilang isang autistic na anak ni Maricel Soriano. Hindi siya bumibitiw sa kaniyang karakter, anumang pagbabantay sa kaniyang pagganap ang gawin mo ay napaka-consistent niya, ganoon ang tunay na anak ng sining.

Sabi ni Maricel Soriano na pinalakpakan ng manonod sa magaling nitong pag-arte sa komprontasyon nila ni Janice de Belen, “Marami na akong nakakasamang artista, pero ibang-iba itong si Arjo! Sabi ko nga, minsan-minsan, e, makakakita tayo ng artistang nasa puso ang pagmamahal sa craft niya!

“Si Arjo, hindi mo siya masisilipan ng butas sa role niya bilang si Elai. Yakap na yakap niya ang role, hindi siya naliligaw!

“Ako, tinitingnan ko siyang mabuti sa mga eksena namin bilang mag-ina. Iyong hand gestures niya, iyong tono ng pagsasalita niya, iyong tingin niya, iyong paglakad niya, tinitingnan kong mabuti iyon!

“Never ko siyang nakitang bumitiw sa character niya, baka nga hanggang sa house nila, e, bitbit pa rin niya ang pagiging si Elai niya!

“Magaling! Mahusay umarte si Arjo, saka humble siya, walang kaangas-angas! Ako mismo kapag umaarte na siya, wala ako sa eksena, pero pinanonood ko ang acting niya.

“Napakagaling ni Arjo, nakaka-challenge siyang katrabaho, nanglalamon siya ng kaeksena!” sinserong paglalarawan ni Marya kay Arjo Atayde.

Aiko Melendez – Kinasuhan ng libel ang Vice-Gov ng Zambales

May hangganan ang pasensiya, may limitasyon ang pang-unawa, kapag sobra na talaga ay kailangan nang kalusin ang ginagawang hindi kagandahan ng ating kapuwa.

Pormal nang naghain ng kasong libelo laban sa kasalukuyang vice-governor ng Zambales si Aiko Melendez. Kung kinaya niyang palampasin lang ang mga naunang patutsada ng kalaban ng kaniyang karelasyon sa posisyon, ngayon ay lantaran na ang pagrereklamo nang pormal ni Aiko, gusto niyang makaharap sa husgado ang babaeng kung anu-anong masasakit na paghusga ang ibinabato laban sa kaniya.

Ang talagang pumutol sa mahabang pisi ng kaniyang pasensiya ay nang magpalaganap ng fake news ang pulitiko na sangkot siya sa droga. Matinding akusasyon ang ganoon, lalo na’t wala namang basehan, hindi makapapayag ang aktres na basta wasakin na lang ng kung sino ang imahe at pangalang ilang dekada niyang pinaghirapang buuin.

Tinawag na siyang kabit, nagpakalat na ito na maysakit siya sa balat, pero ang isangkot siya sa usapin ng droga ay talagang papalagan na ni Aiko Melendez.

Hindi naman siya ang katunggali nito sa posisyon kundi ang kaniyang boyfriend na si Mayor Jay Khonghun, pero siya ang pinupuntirya ng babaeng pulitiko, kaya husgado na ang pinagsumbungan ni Aiko Melendez.

Ken Chan – Mabait sa tunay na buhay si Boyet

May mukha na ang pangalan ngayon. Sa wakas ay nakaharap na namin nang personal ang kinaaliwan naming si Boyet sa My Special Tatay.

Sa TV man o sa personal ay nang-iimbita ng pagmamahal si Ken Chan. Sinsero siyang makipag-usap, alam mong sa puso niya nanggagaling ang kaniyang mga sinasabi, hindi kami nagkamali sa malayuang pagkagusto sa magaling na aktor.

Sa Hong Kong nag-ugat ang pamilya ng kaniyang ama na purong Tsino. Marami silang negosyo noon pero nang mag-kidney transplant ang kaniyang ama hanggang sa madiskubreng nasa stage 2B na ang cancer ay napilitan silang isakripisyo ang kanilang mga negosyo.

Pero nagsasalita ang mga pinasukan niyang eskuwelahan, pangyayamanin, Colegio San Agustin at De La Salle University.

Sa pagsasalita ni Ken Chan ay wala kang mapapansing kaangasan. Tama ang mga nakakausap naming nakakatrabaho niya, lalo na ang mga cameramen ng GMA-7 na mga anak-anakan namin, napaka-humble daw ni Ken Chan.

Paborito si Ken Chan ng aming bunsong anak na si Demo. Tulad ng ginampanan niyang karakter ni Boyet ay may mga kakapusan din ang aming bunso, nananalamin ito sa kaniya sa My Special Tatay.

Sana nga ay mas marami pang ipagkatiwalang programa sa kaniya ang GMA-7, mula sa Destiny Rose at My Special Tatay ay rumolyo pa sana nang malayung-malayo ang career ni Ken, ang mga tulad niyang artista na mapagpahalaga sa trabaho ang dapat binibiyayaan ng magagandang oportunidad.

Sa totoo lang, habang iniinterbyu namin ni Manay Lolit si Ken sa Take It. Per Minute ay hindi namin siya hinihiwalayan ng tingin, naaalala kasi namin si Boyet habang tinatanong si Rita Daniela ng “Aubrey, nagpopokpok ka ba?”

Mahal na namin si Ken Chan. – CSF

 

Cristy Per Minute • Hunyo 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 1-15, 2019

      John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Lorna Tolentino
 
Lorna Tolentino
  Ion Perex & Vice Ganda
 
Ion Perex & Vice Ganda
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  Jimmy Bondoc
 
Jimmy Bondoc
  Conrad Onglao & Zsa Zsa Padilla
 
Conrad Onglao & Zsa Zsa Padilla
  Isko Moreno
 
Isko Moreno
  Chet Cuneta & Sharon
 
Chet Cuneta & Sharon
  vi and ralph
 
Vilma Santos & Ralph Recto
  Herbert Bautista & Tates Gana
 
Herbert Bautista & Tates Gana

John Lloyd Cruz – Burnout ang dahilan sa biglang paglayo sa career

Itinuturing nang isang medical condition ngayon ang pagiging burnout. Parang stress, parang depresyon, kasama na sa mga tinututukang kundisyon ngayon ng mga doktor ang pagiging burnout.

Usung-uso ang salitang ‘yan sa mga artista. Kapag may mga personalidad na palaging wala sa mood, kapag may mga artistang palaging nakasimangot, ang dahilan daw noon ay pagiging burnout na sa ikot ng kanilang buhay bilang mga artista.

Isa sa mga ibinigay na halimbawa ng pagiging burnout ay ang biglang pagtalikod-paglayo ni John Lloyd Cruz sa kaniyang career. Kahit sino ang tanungin, isa lang ang pinakasimpleng sagot na ibinibigay, masyado na raw na-burnout si JLC sa kaniyang trabaho.

Araw-araw, sa loob nang ilang dekada, ay ganoon ang rutina ng kaniyang buhay. Matutulog siya nang bitin, kapos sa pahinga, dahil sa kaniyang trabaho.

Gusto pa niyang magpahinga, pero hindi puwede, dahil kailangan na niyang mag-report sa shooting. Palaging ganoon ang ikot ng kaniyang buhay sa araw-araw.

Sabi ng aming source, “Bago siya nag-hibernate, e, madalas nang sabihin ni Lloydie na parang wala nang bago sa buhay niya. Shooting, taping, pictorial, provincial show, palaging ganoon na lang!

“So, na-burnout siya, nainip, parang nagsawa, naburyong, ganoon ang nangyari sa kaniya. Wala kasi siyang pahinga, very routinary ang mga ginagawa niya, kaya ngayon lang talaga niya nararanasan ang ganyang buhay ngayon.

“Puwede siyang matulog nang hanggang gusto niya, wala siyang iniisip na trabahong mabibitin kapag hindi siya nag-report. Malayang-malaya siya ngayon sa sitwasyon niya,” kuwento ng aming kausap.

Lorna Tolentino – Walang pagbabago, napakaganda pa rin ni LT

Komento ng mga tumututok sa Take It. Per Minute, Me Ganun! ay may lahing bampira raw si Lorna Tolentino. Panahon lang kasi ang umuusad sa kaniya, hindi ang kaniyang itsura, hanggang ngayon ay napakaganda pa rin ni LT.

Katabing-katabi namin si LT habang iniinterbyu namin siya nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu. Halos magkapalitan na kami ng mukha sa lapit, kaya kitang-kita namin kung gaano kaganda ang aktres, para ngang may lahi siyang bampira dahil hindi siya tumatanda.

Tanggap ni LT na hindi na siya bumabata, kaya dobleng pag-iingat sa katawan ang kaniyang ginagawa, tabain pa raw naman siya.

Nakabantay sa kaniya ang bottled detox, iyon daw ang pinakatubig niya, anim na bote noon ang iniinom niya sa maghapon para mapabilis ang kaniyang pagpayat.

“Hindi na ako tulad nang dati na basta may food, kain lang ako nang kain. Kapag nagkakaedad na tayo, kailangang nababantayan na natin ang food intake.

“Hindi na ako nagra-rice ngayon, puro salad na lang, vegetable salad ang pinakagusto ko. Kailangan na kasi, e,” nakangiting kuwento ng magandang aktres.

Hindi pagmumulan ng kahit anong issue si LT dahil marunong siyang magbantay ng kaniyang bibig. Kahit anong tanong ang gawin naming tatlo sa kaniya tungkol kina Coco Martin at Julia Montes ay palaging safe ang kaniyang tugon.

Kahit sa kuwentong nagkakamabutihan na sina Coco at Yassi Pressman ay alam na alam din ni LT ang kaniyang isasagot, bantay-sarado siya sa kaniyang bibig, kaya hindi siya mapupuno at madudulo ng tsismis.

Vice Ganda – Hindi lang milyonaryo kundi isang bilyonaryo!

Kainggit-inggit naman kasi talaga nag kasikatan at yaman na mayroon ngayon si Vice Ganda. Pero bago siya kainggitan nang wala sa lugar, sana’y balikan muna ng mga bashers ang naging buhay ng sikat na komedyante-TV host, para maintindihan nila ang napakatamis na tagumpay ni Vice.

Hindi siya ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Kahit ordinaryong kutsara nga lang ay wala sila, mahirap lang ang kanilang pamilya, iyon ang naging matinding hamon para sa baklitang si Tutoy para magsikap at mangarap.

Sumikat siya sa comedy bar, ibang klase ang kaniyang atake sa pagpapatawa, noon pa man ay marami nang nagsasabing hindi lang sa entablado ng comedy bar siya pakikinabangan.

Hanggang sa angkinin na rin ng telebisyon at pelikula ang kaniyang talent, sumikat siya, milyun-milyon ang kinikita ng mga ginagawa niyang pelikula.

At, correction, hindi milyonaryo si Vice Ganda. Bilyonaryo na siya. At ang halagang mayroon siya ngayon ay produkto ng luha, pawis at pagpupuyat-pagpapagod ng sikat na TV host.

Bumili man siya ngayon ng eroplano ay wala na tayong pakialam. Bilhin man niya ang lahat ng mga materyal na bagay na makapagpapasaya sa kaniya ay napakamalaya niyang magagawa iyon.

Pera iyon ni Vice Ganda, salaping pinaghirapan niya, saanman niya gustong dalhin ang kaniyang pera ay labas na tayo sa kaniyang aksiyon.

Mag-shopping man siya araw-araw ay kaya niyang gawin, sumasargo sa kapunuan ang kaniyang bulsa, kundi niya mapapakinabangan ang mayroon siya ngayon ay mas nakakalungkot.

Pero sa kabila ng kaniyang kayamanan ay hindi nakalilimot ang kaniyang puso sa paglingon sa kaniyang payak na nakaraan sa Tambunting.

Mula noong simulan niya ang proyekto sa kanilang barangay na pagpapakain ng agahan sa mga batang nag-eeskuwela ay wala nang mag-aaral na hinihimatay sa gutom.

May komunikasyon sila ng kaniyang mga ka-barangay, buwan-buwan ang pagbibigay niya ng budget para sa pagluluto ng agahan para sa mga batang pumapasok, sinumpaan niyang tungkulin iyon.

Bukod doon ay napakaraming natutulungan ni Vice Ganda mga kababayan nating gustong magsimula ng negosyo, pambili ng mga pangunahing pangangailangan, siya ang becking Wilie Revillame sa panukat ng mas nakararami.

Kaya huwag nang inuupakan pa si Vice Ganda kung gusto niya namang pasayahin ang kaniyang sarili sa pagsi-shopping. Makialam tayo kung ginagawa niya iyon nang nangungutang lang siya para makapagyabang.

Bakit ba tayo nagpapakahirap sa pagtatrabaho? Bakit ba tayo nangangarap ng magandang buhay? Bakit ba halos binabaligtad na natin ang gabi at araw para lang tayo kumita?

Inaalipin dapat ang pera. Hindi dinidiyos.

Kaya lang… dahil sa komentong walang star quality ang isang auditionee ng Idol Philippines ay nakakatikim ngayon ng pamba-bash ang isa sa apat na huradong si Vice Ganda.

Pinakakain ngayon ng ampalaya ng mga netizens ang vaklang twoooo! Kaliwa’t kanang upak ang inaabot ng sikat na komedyante dahil sa nag-audition na si Diane Vergoza na wala raw star quality ayon kay Vice.

Natural, naghimagsik ang manonood, ano raw ang pinagsasasabing star quality ni Vice samantalang mga bagito nga ang nag-o-audition sa kanilang programa?

Si Vice ang binalikan ng mga kababayan natin, noong nagsisimula raw ba siya ay mayroon na siyang star quality, hindi ba’t ang talento niya sa pagkokomedya ang naging susi niya sa kasikatan?

Sabi ni SOS, ang anak-anakan naming kritiko ng mga artista, “Wala rin siyang star quality noong nag-uumpisa pa lang siya. Nagkataon lang na sumikat siya, nagkapera, kaya may panggastos na siya sa pagpaparetoke! Look, who’s talking!”

Ibinigay ring halimbawa ng mga kumontra kay Vice ang sitwasyon ni Nora Aunor noong sumali ito sa Tawag Ng Tanghalan. Maliit, maitim, napakasimple lang ng Superstar noong magkampeon sa labanan.

Maging si Regine Velasquez ay ganoon din nang sumali ito sa Bagong Kampeon, simpleng-simple lang si Chona Velasquez.

Pero naging Superstar si Nora Aunor at may titulo namang Asia’s Songbird si Regine. Pareho silang sumikat kahit wala silang star quality nang mangarap na manalo sa paligsahan sa pagkanta.

Pahiya si Vice Ganda.

Kris Aquino – No comment tungkol sa intriga sa ABS-CBN

Ang dami-dami naming kaibigang nagbabantay sa dila ni Kris Aquino. Ang kanilang inaabangan, ang saloobin ng aktres-TV host tungkol sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ng one-hit-wonder singer na si Jimmy Bondoc.

Ano raw ang posisyon ni Kris tungkol sa mga sinabi ni Jimmy Bondoc na kinasasabikan na niyang magsarado ang ABS-CBN?

Ang iba ay nangungutya pa nga kay Kris, heto na naman daw ang bangka na puwedeng pakisakyan ng aktres, para mapag-usapan daw siya ay siguradong magpo-post din siya ng kaniyang saloobin.

Pero kung kilala nga namin si Kris Aquino ay wala kaming inaasahang komentong magmumula sa kaniya. Tama, pinagsaraduhan siya ng pintuan ng network, nawalan siya ng trabaho pero hindi sapat iyon para kampihan niya ang mga ipinagpuputok ng butse ng male singer.

Napakaarte sa dilang maarte si Kris. Sasakyan na rin namin ang paniwala ng mas nakararami na kapos siya sa atensiyon kaya gumagawa siya ng mga bagay-bagay na kapansin-pansin.

Pero mas gusto naming maniwala na mas pahahalagahan ni Kris ang maraming taon na ipinamalagi niya sa ABS-CBN. Hindi na kailangan ng pera ni Kris, pero nakadagdag sa kaniyang kayamanan ang kinita niya sa Dos, kapalit ng kaniyang talento sa pagho-host.

Kung pinggan ang kinakainan ng maraming personalidad ng network ay palanggana ang sa kaniya, malaki ang talent fee ni Kris, dahil malaki rin naman ang puhunan niyang talento sa kaniyang linya.

At mas magandang huwag na lang makihalo pa si Kris Aquino sa usapin. Kung anu-ano na namang pamba-bash ang matitikman niya, siguradong tama man ang kaniyang opinyon ay hahanapan pa rin iyon ng mali ng kaniyang mga bashers, masaktan lang siya.

Willie Revillame – Hindi talaga ugali ang nakikisawsaw

Maraming nagtatanong sa amin kung bakit nananahimik lang si Willie Revillame sa isang isyung kinasasangkutan ngayon ni Jimmy Bondoc laban sa ABS-CBN.

Sabi pa ng isang nang-usisa sa amin, “Di ba, nagkasuhan pa nga noon si Willie at ang network? Bakit tahimik lang si Willie?”

Kilalang-kilala namin ang aktor-TV host, hindi siya palasawsaw sa kahit anong isyu, napakatahimik lang niya at walang inaasikaso kundi ang kaniyang programa at ang kaniyang mga negosyo.

Kailan ba natin nakitang nakihalo si Willie sa kahit anong kontrobersiya? Una ay wala siyang kahit anong social media account, may mga staff siyang naglalabas ng mga impormasyon tungkol sa Wowowin, pero siya mismo ay walang sariling account.

Iyon ang dahilan kung bakit tahimik ang kaniyang buhay at career. Hindi siya nagpapaka-play safe, iyon lang talaga siya, walang panahon para makisali-makisawsaw sa anumang isyung pumapalaot sa showbiz man o hindi.

Siyempre’y tumatanaw siya ng utang na loob sa ABS-CBN, hindi na kailangan pang sabihin iyon, ilang dekada rin siyang naglingkod sa network.

Nasaktan siya noong mawala siya sa istasyon, ipinaglaban niya ang kaniyang karapatan, pero hanggang doon na lang iyon. Hindi mo siya mariringgan nang mapapaklang salita laban sa pinanggalingan niyang network.

Ganoon ang matanaw ng utang na loob. Nakabaon na iyon sa kaniyang isip at puso. Hindi na kailangan pang ipagmakaingay.

Alam niya ang mga nagaganap, pero para ang makisawsaw pa siya sa kontrobersiya ay hindi gagawin ni Willie, kulang na kulang pa nga naman ang beinte kuwatro oras para ilaan sa mga sarili niyang laban at pinagkakaabalahan bilang producer at host kaya wala siyang balak na makihalo pa sa usapan.

Iyon nga ang dapat na ginawang batayan ni Jimmy Bondoc. No talk, no mistake.

Jimmy Bondoc – Takot na takot sa multong ginawa niya

Siya ang nagsimula ng sunog pero ngayong siya na ang natutupok ng apoy na nilikha niya ay nagpapanggap pang biktima ngayon ang one-hit-wonder na si Jimmy Bondoc.

Ang tapang-tapang niyang magpakawala ng mga salitang nakayayanig laban sa ABS-CBN, pero nang magtayuan na ang mga sundalo ng network para ipagtanggol ang kanilang nasasakupan ay napapraning ngayon si Bondoc, nanginginig na ang mga kalamnan.

Pinababantayan niya ngayon sa mga netizens kung paano raw siya wasakin ng ABS-CBN, kung anu-anong litanya raw ang naririnig niya mula sa mga personalidad ng istasyon na sa kaniya patungkol, napapraning na nga si Jimmy Bondoc!

Noong una siyang magtungayaw ay napakalakas ng loob niyang sinabi na wala siyang pakialam kung anuman ang maging balik sa kaniya ng isinigaw niyang rebelasyon laban sa ABS-CBN. Nakahanda raw siya saan man makarating ang usapin.

O, ano ngayon ang nangyayari, hindi ba’t naghahanap na siya ng mga kakampi? Umaaray siya sa mga naririnig niya, kahit hindi na patungkol sa kaniya ang mga sinasabi ng mga personalidad ng Dos, pakiramdam ni Jimmy ay siya pa rin ang pinariringgan ng mga ito.

Iyon ang dapat niyang pinaghandaan. Kuta ng langgam ang kaniyang kinalaban dahil sa kaniyang kadaldalan. Ngayong gumising na ang mga langgam at isa-isa nang kumakagat sa kaniya ay saka siya aray nang aray.

Nagpatinterbyu pa siya kay Mocha Uson para magtawid ng kaniyang paliwanag. Akala ni Jimmy ay nakatulong iyon sa kaniyang ipinaglalaban. Pero nagkamali siya.

Silang dalawa ni Mocha Uson ang pinaghahambing at inilalarawang mga langaw lang na natungtong sa likod ng kalabaw pero ang pakiramdam na ay mas malaki pa sila sa kanilang tinungtungan.

Si Jimmy Bondoc ang nagpasimula, siya ang gumawa ng multo, pero ngayon ay siya mismo ang takot na takot sa multong ginawa niya.

Zsa Zsa Padilla – Nakakadalawa na, huwag nang maging tatlo pa

Sa pagdadagdag niya ng edad ay maganda pa rin si Zsa Zsa Padilla. Walang kupas ang kaniyang ganda at ang hubog ng kaniyang katawan ay nagpapakain ng alikabok sa mga kapuwa niya singers na wala pang anak.

Ipinagdiwang ni Zsa Zsa ang kaniyang kaarawan noong Linggo nang tanghali sa ASAP Natin ‘To. May spot number siya, hinandugan din siya ng production number ng mga kasamahan niyang singers, at ang pinakahuling pumasok sa entablado ay ang karelasyon niyang si Architect Conrad Onglao.

Walang masama doon, sila ang nagmamahalan ngayon, kaya natural lang na maging bahagi ng birthday celebration ng magandang singer ang kaniyang boyfriend.

Pero totoo ang obserbasyon naming magkakaibigan, habang kinakantahan ni Conrad si Zsa Zsa ay bumiyahe pabalik ang aming alaala noong sila pa ng namayapang Hari Ng Komedya na si Tito Dolphy, ganoong-ganoon din kasi ang eksena.

Nakakalungkot lang dahil nawala man si Tito Dolphy ay buhay na buhay pa rin sa ating presensiya ang kaniyang mga nagawa sa industriya bilang sinasaluduhang komedyante.

Sabi ng isang kausap namin sa phone habang pinanonood ang magkarelasyon, “Nakakadalawa na si Zsa Zsa, sana, huwag nang maging tatlo pa.”

Manila Mayor Isko Moreno – Uunahin ang problema ng basura

Kumalat na parang apoy noon ang kuwentong nalulong sa sugal ang bagong mayor ng Maynila na si Isko Moreno. Ang kuwento pa, kapag talung-talo na raw siya ay isinasangla niya ang kaniyang sasakyan sa casino, kaya nagta-taxi na lang siyang pauwi.

Noong magkita kami at magkausap nang matagal ay pinaalalahanan namin siya, “Hindi ka na puwedeng mag-casino ngayon, bawal na sa iyo dahil government official ka na.”

Matagal na pala niyang gustong linawin ang istoryang iyon dahil marami siyang nababasang blind items na siya mismo ang tinutukoy.

Ang kaniyang monologue, “Kahit isang ebidensiya walang lumabas at walang lalabas na lulong ako sa casino. Nagpupunta ako sa casino, pero kasama ko ang mag-iina ko, nagtse-check-in kami sa hotel.

“Papasok kami sa entrance, pakaliwa kami, diretso, hindi ako kumakanan para magsugal! Ano, dadalhin ko pati ang mga anak kong menor de edad sa casino para makita nilang nasusugal ako?

“Isa iyon sa mga ginawang panira sa akin ng mga kalaban. Isusugal ko lang daw ang pera ng bayan kapag nanalo ako. Kalokohan iyon, marunong akong magsugal, pero sakla lang, beto-beto, tatsing at tong-its.

“Maglabas sila ng ebidensiya para mapanindigan nila ang mga kuwentong ipinakakalat nila,” paliwanag ni Mayor Isko Moreno.

Malawak ang kaniyang pangarap ngayon bilang bagong mayor ng lunsod ng Maynila na kapital ng ating bansa. Basura ang uunahin niyang asikasuhin.

“Bilang isang dating basurerong dugyutin, alam ko ang mga paraan para magawan ng solusyon ang nagkalat na basura. Sa basura ako lumaki, namatsoy ako nang maraming taon, kaya nakaprograma na ang gagawin ko,” sinsero pang sabi ni Mayor Isko Moreno.

Sharon Cuneta – Hindi naipanalo ang laban ng kaniyang Kuya Chet

Nabigo ang pangarap ng kuya ni Sharon Cuneta para muling mayakap ang pagiging tagapamuno ng lunsod ng Pasay. Ginamit na nito ang kaniyang pangalan sa balota, Chet Sharon Cuneta ang kaniyang pang-imbita sa mga botante, pero wala pa ring nangyari.

Tama ang kasabihang weather-weather lang. Hindi lang naman ang kapatid ng Megastar ang umuwing luhaan, maraming pamilyang nabuhay na sa mundo ng pulitika ang nabigo rin, dahil tinalo ng mga kalaban.

Iisa lang si Chet kung tutuusin, mas magaan pa ngang tanggapin iyon, ang talagang nakalulungkot ay ang nangyari sa pamilya Ejercito-Estrada na kumbaga sa palayan ay parang pinamugaran ng lukton at inubos silang magkakaanak.

Ayon sa mga kaibigan naming naninirahan sa Pasay City ay may isa pang alas na natitira ang mga Cuneta kung gusto pa rin nilang mabawi ang panunungkulan sa siyudad.

Sabi ng aming source na taga-Pasay, “Si Sharon na lang ang nag-iisa nilang paraan kung talagang gusto nilang buhayin ang iniwanang marka sa kanila ni Mayor Pablo Cuneta.

“Chet is not enough. Si Sharon ang kailangang bumangga sa pamilyang naghahari ngayon sa Pasay. Siya ang hinihintay ng mga tagaron para tumakbo.

“Sabi niya kasi noon, e, hindi raw siya cut-out for politics. Mas alam daw niya ang pag-aartista dahil iyon ang profession niya.

“E, nand’yan naman si Senator Kiko Pangilinan para gumabay sa kaniya. Bakit si Congresswoman Vilma Santos? Wala rin naman siyang masyadong alam noong kumandidato siyang mayor?

“Pero dahil kay Senator Ralph Recto, natutunan niya ang pasikut-sikot ng politics. Puwede rin niyang gawin iyon!” komento ng aming kaibigan.

May tatlong taon pang nakalaan para sa Megastar para pag-aralan kung gusto niyang tumakbong mayor ng Pasay. Mahaba-habang panahon pa ang tatlong taon.

Congresswoman Vilma Santos – Ang daming Veterbo at Viterba!

Marami talagang Viterbo at Viterba (read: bitter) sa mundo ng pulitika. Wala raw kasing pulitikong natatalo, nadadaya lang, kaya kahit pa pinakain na sila ng alikabok ng kalaban ay naghahamon pa sila ng recounting.

Ang matagumpay bang marka sa pulitika ni Congresswoman Vilma Santos ay kailangan pang kuwestiyunin? Mula sa unang hakbang niya sa pulitika sa pagiging mayor, na kalaunan ay naging gobernador na ng Batangas, ay wala siyang katalu-talo.

Literal niyang pinakain ng kabiguan ang lahat ng kaniyang mga kalaban. Kung anu-anong paninira na ang ginawa laban sa kaniya, nagpalutang na ang kaniyang mga katunggali ng fake news, pero pagdating ng eleksiyon ay nagsusumigaw pa rin ang kaniyang tagumpay.

Puwede nga nating sabihin na hindi pa ipinanganganak ang sinumang tatalo sa Star For All Seasons sa probinsiya ng Batangas lalo na sa Lipa.

Nagsalita na ang taumbayan, iniluklok na nila uli sa pagiging kongresista ang aktres, kaya sana’y maluwag sa kalooban na lang na tanggapin ng kaniyang mga kaagawan sa posisyon ang katotohanan.

Napakalinis ng kaniyang kartada bilang lingkod-bayan, hindi siya maaaring butasan ninuman pagdating sa katiwalian, kung mayroon mang lulutang na kuwento ay siguradong kathang-isip lang.

Noon pa man ay naniniwala kami na hindi lang sa ganito ang kauuwian ng karerang pulitikal ni Congresswoman Vilma Santos. Parang nakikinita na naming isang araw ay magdedesisyon siyang tumakbong senador.

At kung mapapapayag siya ay maluwag ang daan para sa kaniya papunta sa pagiging vice-president at ang pagiging pangulo.

Sa totoo lang!

Mayor Herbert Bautista – Pamilya muna ang focus ngayon

Maraming nabigla at nanghinayang nang hindi makilahok sa eleksiyon si Mayor Herbert Bautista. Hinog na hinog na siya para sa pagkakongresista, malaki rin ang tsansang manalo siyang senador, pero bakit nga ba nanahimik lang si Mayor Bistek nitong nakaraang eleksiyon?

Pangalawang balat na ni Mayor Herbert ang mundo ng pulitika, hindi na iyon mawawala pa sa kaniyang sistema, pero para sa aktor-pulitiko ay may isa pang aspeto ng kaniyang buhay na napakamahalaga.

Ang kaniyang pamilya. Lalo na ang kaniyang mga anak. Dahil halos sa paglilingkod-bayan niya na ginugol ang mga nakaraang dekada ng kaniyang buhay ay aminado si Mayor Herbert na kulang na kulang ang panahong naibabahagi niya para sa kaniyang mga anak.

Nagsilaki sina Athena at Harvey na halos hindi niya nasusubaybayan, nagulat na lang ang aktor-pulitiko dahil halos magkasinglaki na pala ang size ng sapatos nila ni Bunso, napakabilis nga naman ng panahon.

Sa darating na buwan, sa pagpapalit ng upuan ng pamunuan ng Quezon City ay magkakaroon na siya nang sapat na oras para sa kaniyang pamilya, babawi siya nang husto. Makikipaghabulan siya sa panahon.

Nakakalungkot nga naman ang dati nilang pagsasama-sama ng kaniyang pamilya. Palagi siyang nagmamadali, kailangan siya sa munisipyo, gustuhin man niyang magtagal sa kanilang bonding ay napakaraming naghihintay sa kaniya sa opisina.

Ngayon ay babawi si Mayor Herbert, may nakaplano na silang pagbiyahe ni Tates Gana at ng kanilang mga anak, hindi na rin siya uuwi agad pabalik ng Pilipinas dahil tambak ang mga pipirmahan niyang dokumento.

Ganoon talaga. Kailangan nating magsakripisyo ng isang napakaimportanteng pangarap para mapunan ang pagkukulang sa ating pamilya. – CSF

 


Cristy Per Minute • Hunyo 16-31, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 16-31, 2019

       Robin Padilla
 
Robin Padilla
  Eddie Garcia Coco Martin
 
Eddie Garcia & Coco Martin
  Jodi Sta. Maria
 
Jodi Sta. Maria
  Tirso Cruz III
 
Tirso Cruz III
  Maine Mendoza & Arjo Atayde
 
Maine Mendoza & Arjo Atayde
  Sylvia Sanchez at kaniyang pamilya
 
Sylvia Sanchez at kaniyang pamilya
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Vice Ganda & Calvin Abueva
 
Vice Ganda & Calvin Abueva

Robin Padilla – Mukhang mamamagitan kay Pres. DU30 at ABS-CBN

Malakas ang ugong ng balita na si Robin Padilla ang “nagpapalamig” ng ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng posibilidad ang pagpapatuloy sa himpapawid ng ABS-CBN.

Kilalang malapit sa pangulo ang action star, sinuportahan niya ang pangulo noong kampanya nito, kaya hindi siya nakakalimutan ng ating tagapamuno.

Madiin ang mga pahayag ni PRRD, hindi nito palulusuting makakuha ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, kailangan munang makipagkita sa gitna ng network tungkol sa kanilang pagkakautang sa pamahalaan.

Ang pakikipagkompromiso ng network sa mga gustong mangyari ng pangulo ang tanging makapagbibigay sa kanila ng panibagong prangkisa na nakalutang pa sa ere hanggang ngayon!

Napakabilis ng panahon, ang March 20 ng susunod na taon ay ilang tulog at gising na lang, napakalaking problema para sa mga empleyado at artista ng ABS-CBN ang puwedeng maganap sa kanilang istasyon.

Hindi totoong makakasabay ng network sa pagre-refile ng kanilang prangkisa ang TV5, noong Pebrero pa ay nakakuha na nang 25-taong lisensiya ang istasyon, kasabay ang GMA-7.

Mapagbiro talaga ang kapalaran. Number one station na itinuturing ang ABS-CBN pero kung ganyan naman kalaking problema sa prangkisa ang kanilang hinaharap ay nakapanghihinayang ang posisyong pinanghahawakan nila.

Eddie Garcia – Walang tatalo sa propesyonalismo ng batikang actor

Nababahala ang mga nagmamahal kay Tito Eddie Garcia dahil sa kaniyang kalagayan ngayon. Comatose pa rin ang magaling na aktor-direktor, kailangan pa rin siyang kambalan ng life support system, walang nakatitiyak kung kailan siya magigising at kung manunumbalik ba ang dati niyang sigla pagkatapos ng pinagdadaanan niya ngayon.

Napatunayan ng kaniyang mga doktor na nang bumagsak siya sa taping ng bagong serye niya sa GMA-7 ay 20-minuto siyang nawalan ng oxygen, may komunikasyon ang mga doktor kahit sa iba-ibang ospital pa sila nakatalaga, na-revive lang si Manoy Eddie nang isugod siya sa Mary Johnston’s Hospital.

Ginagawa ng kaniyang mga doktor ang lahat-lahat, pero napakalaking tulong ng sama-samang panalangin sa ganitong pagkakataon, dasal pa rin ang hinihingi ng kaniyang pamilya para siya magising.

Ginagawa ng GMA-7 ang lahat sa kanilang kapasidad para makatulong sa pamilya, walang katotohanan ang kuwentong lumabas na pinababayaan ng network ang beteranong aktor-direktor, nakikipagtulungan sila sa pamilya ni Tito Eddie.

Hindi lang ipinagmamakaingay ng mga tagapamuno ng GMA-7 ang kanilang mga ginagawa, pero kumikilos sila, kasabay ng pag-iimbestiga nila sa naganap sa taping ay hindi sila nagpapabaya sa responsibilidad na kailangan nilang panagutan sa naganap kay Eddie Garcia.

Pagdating sa propesyonalismo bilang aktor at direktor ay walang makakukuwestiyon kay Tito Eddie Garcia. Dumarating siya nang mas maaga sa kaniyang calltime.

Kahit sa mga awards night ay isa siya sa mga nauunang dumating, pinakahuli rin siyang umaalis, tinatapos niya ang pagbibigay ng parangal.

Pagdating sa disiplina sa oras ay sensitibo siya, alam niya kasi ang gastos ng produksiyon kapag may artistang wala pa sa set, kapaniwalaan nga ng marami niyang katrabaho sa pelikula at serye ay mas nauuna pa siyang dumating sa lokasyon kesa sa generator.

Kuwento ni Bayani Agbayani na nakatrabaho ng premyadong aktor, “Hindi mo talaga siya mauunahan sa set, palagi siyang nauuna. Ganoon siya ka-professional.

“Minsan, e, tinanong ko si Tito Eddie, ‘Anong oras po ang calltime n’yo bukas?’ Sabi niya, alas singko nang madaling-araw. So, ako naman, pinaghandaan ko iyon!

“Gusto kong maunahan sa set si Tito Eddie kahit minsan lang ba! Maagang-maaga akong umalis sa bahay, sabi ko, mauuna na siguro ako kesa sa kaniya noon!

“Aba, pagdating ko, e, nandoon na si Tito Eddie! Tinanong ko siya, ‘Anong oras po kayo dumating?’ Alas kuwatro, sabi niya, kaya natawa ako, hindi ko pa rin siya naunahang dumating!” tawa nang tawang kuwento ng magaling na komedyante.

Noong isang gabi ay dumalaw si Senadora Grace Poe, ang kaniyang sabi, ”Kung walang Eddie Garcia, wala ring FPJ.”

Madaling-araw namang dumalaw si Coco Martin na matagal na nakasama ni Tito Eddie sa seryeng Ang Probinsiyano.

Jodi Sta. Maria – Sumosobra yata ang pagpayat ng magandang aktres

Tama ang obersbasyon ng mga nakakausap namin na tumatapang ang ganda ni Jodi Sta. Maria dahil sa sobra niyang kapayatan ngayon. Malayung-malayo ang itsura niya ngayon sa dating Jodi na napapanood ng ating mga kababayan.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Hindi ba natatakot si Jodi na baka isang araw, e, mauwi sa kung ano ang sobrang kapayatan niya ngayon?

“Una, ang health niya, baka maging anorexic siya. Ikalawa, tumatapang ang itsura niya, parang palagi siyang nagagalit! Mas maganda sa kaniya ang may konting laman.

“Totoong very vain sila sa itsura nila, ayaw nilang tumaba, pero huwag naman sanang ganyan kapayat si Jodi!” nagmamalasakit na komento ng aming kausap.

Pero hindi maitatago na isa pa rin si Jodi Sta. Maria sa nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha sa industriya. Payat o anuman, ang maganda ay maganda pa rin sa kahit anong anggulo, hindi maikakaila iyon.

Tuloy ay may nagkokomento na kaya raw nangayayat nang husto ang aktres ay dahil hindi pa rin siya nakapagmu-move-on sa hiwalayan nila ni Vice-Governor Jolo Revilla.

Hindi nga naman maigsing panahon lang ang kanilang pinagsamahan, marami ngang umaasang sa altar na iyon hahantong, pero hindi nga garantiya ang ganoon katagal na panahon para maging panghabambuhay na ang kanilang relasyon.

Mahirap din ang kalagayan ng mga pamosong artista. Kapag tumaba sila ay nagdadalantao raw, kapag pumayat naman ay maysakit, wala silang pupuntahan.

Tirso Cruz III – Pinarangalan bilang ‘Natatanging Bituin Ng Siglo’

Napakahusay ni Tirso Cruz III bilang ang kontrabidang si Tiago sa The General’s Daughter. Napakasarap niyang sapakin sa role na buong ningning niyang nabibigyan ng hustisya.

Walanghiya si Heneral Tiago, puro ilegal ang kaniyang negosyo, kalaban siyang mortal ni Albert Martinez na nakaagawan niya sa puso ni Eula Valdez.

Si Tiago ang nagpapahirap sa bidang si Angel Locsin, palibhasa’y siya ang nagpalaki kay Rhian, na ang tunay na mga magulang ay sina Albert at Eula.

Hindi pa man humuhupa ang paghanga ng manonood kay Pip sa matagal nang natapos na seryeng Wildflower bilang kontrabida rin ay heto na naman siya sa The General’s Daughter.

Ang galing-galing ni Pip, talagang mamumuhi ang manonood sa kaniyang karakter, napakaepektibong aktor ni Tirso na nagsimula bilang ka-loveteam ni Nora Aunor noong dekada ‘70.

Ang sabi, kapag naghiwalay raw ang magka-loveteam, ay ang lalaki ang napag-iiwanan. Winasak iyon ni Tirso dahil mula nang hindi na maging aktibo ang tambalang Guy & Pip ay hindi siya nawalan ng trabaho.

Buhay na buhay pa rin ang career ni Tirso Cruz III, hindi siya lumiban sa magaling na pagganap, ibinibigay niya ang lahat-lahat.

Napapanahon lang na bigyan siya ng parangal bilang Natatanging Bituin Ng Siglo. Maraming salamat sa PMPC-Star Awards dahil binigyan nila ng importansiya ang walang palyang mahusay na pagganap ni Tirso Cruz III.

Si Pip, na mula noon hanggang ngayon ay hindi pinagbago ng kasikatan ang ugali, sa phonebook ng aming cellphone ay “Forever Idol” ang pangalang nakalagay sa numero ng nag-iisang idolo ng aming kabataan.

Maine at Arjo – Lantaran na ang pagmamahalan

Kailangan nang magtaas ng magkabilang kamay bilang pagsuko ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza. Lantaran na ang pagmamahalan nina Maine at Arjo Atayde.

Wala na silang itinatago, talagang hayagan na silang bumibiyahe nang silang dalawa lang, nagpo-post na rin sila ng mga nilalanggam sa katamisan nilang retrato kapag magkasama sila.

Siguro naman ay napakalaking ebidensiya na ng mga iyon para huminto na sa pag-asa ang mga tagasuporta nina Alden at Maine na magiging sila pa rin sa bandang huli.

Bilang magkapareha ay puwedeng mangyari ang kanilang gusto, pero sa personal na buhay ay nakapagdesisyon na si Menggay, si Arjo ang pinakamalapit na lalaki sa kaniyang puso ngayon.

At maganda ang ginagawa nina Arjo at Maine, nagpapakatotoo lang sila, ang pagmamahalan nga namang tulad ng sa kanila ay kailangang ipinaaalam at hindi ikinukubli.

Maraming pinagkakasunduan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Pareho silang mahilig sa adventure. Gustung-gusto nilang bumibiyahe dito man o sa ibang bansa.

Umalis sila nang maagang-maaga noong minsan, namasyal lang sila sa Singapore at nagkape-kape, pagkatapos ay umuwi rin sila kinagabihan.

Pareho rin silang diretsong magsalita, hindi uso sa kanila ang paliguy-ligoy, hindi sila nagpapaapekto sa mga bashers na kung anu-anong paninira ang ibinabato laban sa kanila.

Tama lang ang kanilang ginagawa dahil ang importante ay silang dalawa, ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, hindi kayang ibigay ng ibang tao iyon sa kanila.

Hindi sila nagpapabaya sa kanilang trabaho, inspirasyon nila ang isa’t isa, kaya siguradong magtatagal sina Arjo at Menggay.

Sylvia Sanchez – Mahusay na aktres ang nanay ni Arjo Atayde

Inihihelera na namin ngayon ang pangalan ni Sylvia Sanchez kina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Dina Bonnevie at Maricel Soriano na napakasarap interbyuhin.

Sila ang mga personalidad na bihirang-bihirang sumagot ng “no comment.” Wala silang pinalalampas na tanong, diretso silang sumagot, kaya paborito sila ng mga manunulat.

Naging guest namin si Sylvia Sanchez sa Take It…Per Minute. Nagkaroon ng ekstensiyon ang programa dahil nakakapanghinayang putulin ang kaniyang mga kuwento. Mula sa pagiging misis niya kay Art Atayde, sa pagiging ulirang ina ng kaniyang mga anak, hanggang sa pagiging magaling na aktres.

Hindi siya nagkusang magkuwento tungkol kay Maine Mendoza, halinhinan namin siyang tinanong ni Manay Lolit, kailangang maging malinaw iyon dahil baka na naman siya i-bash at pagbintangang laos na aktres kaya kailangan pa niyang gamitin ang Dubsmash Queen sa kaniyang mga panayam.

Ipinakilala na sa kanila ni Arjo si Maine, “Nicomaine ang pagpapakilala niya, kaya hindi siya si Maine na artista nang pumasok sa bahay namin. Mabait ang bata, walang kayabang-yabang, gusto ko siya,” sabi ni Ibyang.

Pinakamaligayang anak niya ngayon si Arjo dahil sa inspirasyon nito, hindi man magkuwento ang binata ay ramdam na ramdam ng ina ang emosyon ng kaniyang anak, walang maitatago ang magaling na aktor kay Sylvia.

Unti-unti ay natututuhan na niyang huwag pansinin ang mga taong walang magawa sa buhay, hindi na siya naaapektuhan ng kung anu-anong pamba-bash, dahil kilalang-kilala niya naman ang kaniyang sarili.

Isa lang naman ang pinakamahinang parte ng buhay ni Sylvia Sanchez, ang kaniyang mga anak, isa siyang kapapanganak na tigre sa bangis kapag ang mga ito na ang lantarang sinasaktan.

Alden Richards – Pinagawaan ng school ang mga batang Mangyan

Talagang pepremyuhan ng kapalaran si Alden Richards. Bukod sa masipag na ang aktor at mapagpakumbaba ay hindi siya mawawala sa aksiyon kahit tapos na ang kinakikiligan nilang tambalan ni Maine Mendoza dahil sa mga bukal sa pusong ginagawa niya para sa ating mga kababayan.

Nagbukas siya ng sikat na food chain sa Biñan, Laguna, marami siyang nabigyan ng trabaho, maraming nagpapasalamat sa kaniya.

May dalawang restaurants din siya, ang Concha’s Garden, ilang kababayan din natin ang nagtatrabaho para sa kaniya na palaging nagdarasal para sa kaniyang mas pag-unlad pa.

May mga kaibigan kaming taga-Mindoro na nagpapasalamat din ngayon sa Pambansang Bae dahil malaking suporta ang ibinigay niya para makapagpatayo ng eskuwelahan para sa mga batang Mangyan.

Kuwento ng aming kaibigan, “Nakakaawa ang mga batang Mangyan. Nakatira sila sa bundok ng Sablayan, para makapag-aral sila, apat na kilometro ang kailangan nilang lakarin sa umaga at hapon.

“Bundok ang nilalakad nila, may tinatawiran din silang mga ilog, kaya talagang napakalaking sakripisyo para sa kanila ang makatungtong sa elementarya.

“Napakalaki ng tulong na ibinigay sa kanila ni Alden Richards. Todo ang suporta niya para maipagtayo ng school ang mga batang Mangyan.

“Tanungin mo ang mga batang Mangyan ngayon kung sinong artista lang ang kilala nila, Alden Richards lang ang ang isasagot nila. Pangarap kasi nila ang tinugunan ni Alden, hinding-hindi na siya makakalimutan ng mga pamilyang Mangyan,” kuwento ng aming kaibigan.

Napakaganda ng puso ng Pambansang Bae, hindi niya sinasarili lang ang mga biyayang tinatanggap niya, ibinabahagi niya iyon sa mga kababayan nating mas nangangailangan.

Uulanin talaga ng suwerte si Alden Richards, gagantihan siya ng kapalaran sa kagandahan ng kaniyang puso, mga tulong iyon na ni hindi nga niya ipinagmamakaingay.

Maligaya si Alden sa kaniyang pag-iisa, ang tutok ng kaniyang buhay ngayon ay sa kaniyang career at pagnenegosyo, hindi niya kailangang mabilisang makipagrelasyon din para lang patunayan niyang maligaya rin siya.

Ang kaligayahan ay hindi nasusukat sa pakikipagmahalan lang. Nararamdaman iyon sa iba-ibang sitwasyon, sa iba-ibang porma at hugis, ang may katawan lang ang puwedeng magsabi kung gaano siya kaligaya.

Vice Ganda – Buti na lang at wala na si Calvin sa eksena

Si Calvin Abueva, ang basketbolistang minsang naugnay ang panglaan kay Vice Ganda, ay pinatawan ng indefinite suspension ng pamunuan ng PBA.

Bukod kasi sa napakabarubal niyang paglalaro ay pumapatol din siya sa mga babaeng miron, nakikipagtalakan siya, may bonus pang pangdi-dirty finger iyon.

Dapat lang lapatan ng parusa ang maruming paglalaro ni Abueva, matagal na siyang ganyan, pakiramdam ng mokong na ito ay siya na ang pinakamagaling na basketbolista.

Kaligayahan na niyang mambalya, manakit-manahod ng kapuwa niya manlalaro, parang iyon na ang ikinabubuhay niya sa hardcourt.

Brusko ring maglaro ang The Living Legend na si dating Senador Robert Jaworski, ang tapang nito ang hinahangaan ng sambayanang Pinoy, pero marespeto pa rin sa kaniyang mga kapuwa basketbolista si Big J.

Liyebo sitenta na ngayon si Robert Jaworski, pero kasabay ng kaniyang pagkakaedad ang respeto ng buong bayan sa kaniya, hindi ito tatawaging The Living Legend nang walang dahilan.

Komento ng mga becki ay ipinag-aadya pa rin ng kapalaran si Vice Ganda. Mabuti na lang daw at tapos na ang kuwento ng romansa espesyal nila ng bruskong basketbolistang si Calvin Abueva. –CSF

Cristy Per Minute • Hulyo 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 1-15, 2019

      Alden & Richard Faulkerson
 
Alden & Richard Faulkerson
  Regine Velasquez
 
Regine Velasquez
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Jeric Gonzales & Eddie Garcia
 
Jeric Gonzales & Eddie Garcia
  Eddie Garcia
 
Eddie Garcia
  Joshua Garcia & Julia Barretto
 
Joshua Garcia & Julia Barretto
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Derek Ramsay & Joanne Villablanca
 
Derek Ramsay & Joanne Villablanca
  Vice Ganda
 
Vice Ganda

Alden Richards – Marami pa ring umaasang siya at si Maine pa rin

Kami man ang ama ni Alden Richards ay talagang mamamangha rin kami kung gaano kahusay magtagpi-tagpi ng mga kuwento ang ibang tao para lang paniwalain ang marami na nagpakasal na sina Alden at Maine Mendoza.

At may venue pa, sa Vatican daw, at mayroon na rin pala silang anak na dumaan sa proseso ng surrogacy. Di ba naman napakadetalyado ng kuwento na milya-milya naman ang layo sa katotohanan?

Totoong naabot ng tambalan nina Alden at Maine ang pinakaituktok ng popularidad pero sila na mismo ang nagsasabi, lalo na ang dalaga, na magkaibigan lang sila. Hanggang doon lang ang pagiging malapit nila, hanggang sa pagkakaibigan lang, walang labis at walang kulang.

Pero ewan kung bakit may mga taong ayaw pa ring bumitiw hanggang ngayon sa paniniwala na may karelasyon na si Maine, nand’yan na si Arjo Atayde, lantaran na ang kanilang relasyon pero may mga nagpapalutang pa rin ng kalokohang kuwento na kasal na sina Alden at Maine.

Sa inis tuloy ni Mr. Richard Faulkerson ay nasagad na ito, tahasang sinabi ng ama ng Pambansang Bae na wala itong manugang, lalong wala itong apo kay Alden.

Ang tanong, kailan kaya magigising sa katotohanan ang mga taong hanggang ngayo’y nag-iilusyon na sina Alden at Maine pa rin ang tunay na nagmamahalan?

Napakarami nang naganap sa buhay ng dalawa, nagkaintindihan na sila na hanggang sa pagkakaibigan lang ang kanilang tambalan, pero may kuwento pa ring nagpakasal na sila at mayroon pang anak?

Nakakaloka nga naman! 

Regine Velasquez – Palaging inuupakan sa social media, bakit kaya?

Anong kampo kaya ang nagpapasimuno sa pambubulabog kay Regine Velasquez? Nakakaawa kasi si Regine, parang wala na siyang nagagawang maganda sa mundo, palagi siyang inuupakan sa social media na pare-pareho lang naman ang mga sinasabi.

Mula nang lumipat sa ABS-CBN si Regine ay naging pagkain na niya sa maghapon ang mapaklang ampalaya. Tinututukan talaga ng mga bashers ang kaniyang mga galaw. Konting bagay lang ay malaking isyu na agad para birahin nila nang walang humpay ang Asia’s Songbird.

May mga pagkakataon siyempreng nasasagad na rin ang pasensiya ng singer-actress, sumsagot na rin siya, kahit pa alam niya na mas magiging dahilan iyon nang walang humpay na bira sa kaniya.

Pero kung aanalisahing mabuti ang sitwasyon ay positibo iyon para kay Regine. Isa lang ang ibig sbaihin noon, nasa gitna pa rin siya ng labanan, relevant pa rin siya.

Mas magiging masakit at masaklap para kay Regine kung halos maputol na ang mga ugat niya sa leeg sa pagkanta pero wala nang pumapansin sa kaniya. Iyon ang pinakamalungkot na puwedeng mangyari sa isang artista.

Kailangan na lang sigurong mag-ipon pa ng pasensiya si Regine Velasquez, kakambal noon dapat ang pag-iingat sa kaniyang mga pagsasalita, para walang balang maibabalik laban sa kaniya ang mga taong hindi masaya sa kaniyang tagumpay.

Mahirap dn ang kalagayan ng kaniyang mister, napakasakit para kay Ogie Alcasid ang mga tinatanggap niyang negatibong pagpuna, kaya paminsan-minsan ay iniaalok na lang ng singer-composer ang kaniyang sarili para birahin para maisalba lang ang ina ng kaniyang anak sa stress. 

Kris Aquino – Nakikipag-aregluhan na raw sa Falcis family

Pitong kaso ang isinampal ni Kris Aquino kay Nicko Falcis. Iba-ibang kaso iyon na pinagpistahan ng buong bayan dahil ayon sa aktres-TV host ay betrayal of trust ang ginawa sa kaniya ni Nicko Falcis na dati niyang staff.

May resolusyon na ang limang kaso, dalawa na lang ang naiiwanan, ang estafa cases na nasa piskalya ng Quezon City at Taguig.

Dismissed na ang tatlong kasong nakahain sa Pasig, Makati at Manila. Ang dalawang kaso naman sa Mandaluyong at San Juan ay winidrow ni Kris, pero may bagong progreso tungkol sa magkabilang panig.

Noong June 22 ay nag-text si Kris kay Nicko Falcis, ang nilalaman ng mensahe ay positibo, ang posibilidad ng compromise agreement.

Kapag ganoon na nag-aalok na ng compromise agreement ang nagdemanda ay marami pa ring prosesong pagdadaanan ang magkabilang kampo, pero maganda ang patutunguhan, kung paano sila magkikita sa gitna ng pagkokompromiso ay kailangan na lang nating hintayin.

Kung magiging matigas at emosyonal ang pamilya Falcis ay puwede nilang hindi pagbigyan ang iniaalok ni Kris, tutal naman ay dinumihan na rin lang ang kanilang pangalan, di ituloy na lang ang laban hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Nakaladkad ang pangalan ni Nicko sa isyung kahiya-hiya, damay doon ang pangalan ng kaniyang pamilya, kaya kung magpapairal sila ng pride ay puwedeng parang nagsalita lang si Kris sa bingi.

Siguradong pag-aaralang mabuti ng pamilya Falcis ang senaryo, abogado naman si Attorney Jess na kinasuhan din ni Kris ng libelo, aabangan namin ang magiging pinal nilang desisyon.

Natawa lang kami sa komento ng kaibigan naming propesor, ang kaniyang sabi, “Nakakaloka talaga si Kris! Siya itong very persistent noon tungkol sa mga kaso, kesyo pati raw ang pera ng mga anak niya, e, ninakaw ni Nicko, tapos ngayon, e, siya itong magte-text para sa isang compromise agreement? Only Kris can do that inconsistency!” inis na sabi ni prop.

Pero sa isang banda ay maganda na ring magkita sila sa gitna, siguro nga ay naglalaglag na ng stress sa kaniyang katawan si Kris Aquino, para gumaling na siya nang tuluyan.

Jeric Gonzales – Shelved na muna ang seryeng Rosang Agimat

Maraming naapektuhan ang pagpanaw ni Manoy Eddie Garcia. Walang may gusto sa naganap, pero nangyari na nga, na naging dahilan ng kaniyang pagkawala.

Maraming nagtatanungan ngayon kung itutuloy pa rin ang seryeng Rosang Agimat na pagbibidahan sana ni Gabi Garcia, sa set kasi ng serye nangyari ang aksidente, tuloy pa rin daw ba iyon o hindi na?

Noong isang araw, ayon sa aming impormante, ay nagkaroon ng meeting ang produksiyon. Ang napagkasunduan ay hindi na muna itutuloy ang serye, ibang proyekto na lang ang ipapalit, shelved na ang Rosang Agimat.

Isa sa mga nalungkot sa pagkawala ni Manoy Eddie ay si Jeric Gonzales. Idolo niya kasi ang magaling na aktor-direktor. Lumaki siya sa panonood ng mga pelikula ni Manoy.

Kung si Jeric ang tatanungin ay mas gusto niyang buhay si Manoy Eddie, nand’yan man o wala ang seryeng kasama siya, apektado ang aktor sa kinahinatnan ng kaniyang idolo.

Maganda pa naman sana ang gagampanan niyang role sa serye, hahamunin ang kaniyang kapasidad sa action, pero hindi na iyon matutuloy ngayon.

Malaki naman ang tiwala ng GMA-7 kay Jeric Gonzales, marami pang nakaabang na proyekto para sa kaniya, kaya sinasamantala niya ngayon ang panahon para sa paghahanda sa mga palabas na ipagkakatiwala sa kaniya ng network.

Sabi nga, kundi ukol ay hindi bubukol, marami pa namang pagkakataon para kay Jeric Gonzales na puwedeng isalang sa iba-ibang linya dahil bukod sa pag-arte ay mahusay rin siyang kumanta. 

Manoy Eddie Garcia – Dapat lang hiranging National Artist

Mananatiling bahagi ng alaala ng publiko ang namayapang aktor-direktor na si Manoy Eddie Garcia. Hindi siya madaling malilimutan. May saysay ang pitumpong taon na ipinagserbisyo niya sa minahal niyang trabaho sa mundo ng pelikula at telebisyon.

Isang marespetong pamamaalam ang ibinigay ng kaniyang mga katrabaho, kaibigan at pamilya sa henyong aktor. Lahat ay sumasaludo sa kaniyang propesyonalismo, sa kawalan niya ng kaaway sa lokal na aliwan, kahit pa napakaepektibo niyang kontrabida.

Natupad ang kaniyang hiling na mula sa kaniyang death bed ay diretso na siya sa “prituhan,”kinagabihan nang tuluyan na siyang magpaalam ay cremated agad ang respetadong aktor-direktor, ang hindi lang naganap ay ang pagsasaboy ng kaniyang mga abo sa Manila Bay.

Ayon sa isang malapit sa pamilya ni Manoy Eddie ay iuuwi agad sa Bicol ang kaniyang urn, bibigyan ng pagkakataon ang kaniyang mga kababayan na magbigay ng huling pamamaalam kay Manoy Eddie, at saka pa lang iuuwi sa bahay nila sa Alabang ang mga abo.

Maraming personalidad na nagbibigay ng opinyon na dapat lang hiranging National Artist si Manoy Eddie dahil sa napakalaki niyang kontribusyon sa industriya hanggang sa pinakahuling sandali ng kaniyang buhay.

Pero sabi ng isang personalidad, “Dapat, buhay pa si Manoy, e, binigyan na siya ng parangal para nagkaroon siya ng chance na namnamin ang produkto ng kaniyang pagsisikap at talento.”

Oo nga naman. 

Joshua Garcia at Julia Barretto – Totoo bang hiwalay na?

Wala pang kumpirmasyong nanggagaling mula kina Joshua Garcia at Julia Barretto tungkol sa kalat nang balitang hiwalay na sila. Tahimik pa ang magkabilang kampo.

Pero may mga nagsasabing nagkakatabangan na raw sila, si Julia ang naunang mas tinabangan, ayon sa mga istoryang umiikot ngayon.

Pero bakit nakakaladkad sa kuwento ng kanilang hiwalayan si Gerald Anderson? Bakit ang aktor na boyfriend ni Bea Alonzo ang sinasabing dahilan ng break-up nina Joshua at Julia?

Diumano, isang araw ay may nakakita kay Julia na lumalabas sa private room ni Gerald sa gym, nakarating daw iyon kay Joshua na natural lang na ikinagalit ng magaling umarteng young actor.

Nagkasama sa Japan sina Gerald at Julia, gumawa sila ng pelikula doon, kaya puwedeng naging magkaibigan na sila muna noon. Puwedeng dumalaw lang si Julia sa gym kay Gerald, nagkumustahan lang sila, iyon ang nakita ng mga miron.

Minarkahan ng marami ang post ni Julia na ang gusto niyang lalaki ay matalino, masarap kausap at mahusay magdala ng conversation. May mga nagpalagay na patama iyon ni Julia kay Joshua, kaya ang sagot naman ng aktor, “I’m a listener, not a talker.”

Sayang naman kung totoong nauwi lang sa wala ang kanilang relasyon. Epektibo rin kasi ang kanilang pareha, bibihira ang ganoon sa kanila na tinatanggap ng publiko ang mga ginagawa nilang proyekto, nakapanghihinayang ang kanilang tamabalan.

Napakasimple lang kasi ni Joshua Garcia. Magalang ang young actor, kitang-kita sa kaniyang ugali ang mga payo ng kaniyang tiyuhing pari na nagpalaki sa kaniya, hindi kaya type ni Julia Barretto ang ganoong kasimplehan? 

Willie Revillame – Nag-aaral ngayon para maging piloto

Basta wala siyang taping para sa kaniyang matagumpay na game show na Wowowin ay walang ibang pinagkakaabalahan ang actor-TV host na si Willie Revillame kundi ang kaniyang pagpapakadalubhasa sa pagpapalipad ng chopper.

Dati’y mayroon nga siyang eroplano, pero wala sa isip niyang maging piloto, pero nitong mga huling buwan ay nagdesisyon siyang mag-aral na ring magpalipad.

Iba na nga naman iyong siya mismo nag nagpapalipad ng kaniyang chopper, naihahanap niya ng schedule ang kaniyang flying lessons, kinakarir talaga ni Willie ang pangarap niyang maging piloto.

Marami nang nagbabago sa kaniyang pananaw ngayon, palibhasa’y nagkakaedad na siya, lalo na sa kaniyang mga naipundar na ari-arian.

Ang mga luxury cars niyang naka-park lang sa isang palapag ng kaniyang building na hindi niya naman sabay-sabay na magagamit ay idinispatsa na niya ang iba.

“Sabi mo nga, e, isa lang naman ang puwede kong sakyan, hindi naman puwedeng dalawa o tatlo at the same time, kaya mas magandang ibenta ko na lang ang iba.

“Ang mahalaga, e, natupad ko ang pangarap ko noon na magkaroon ng mga luxury cars, pero kapag mayroon ka na, ano na ang kasunod? Wala na, wala nang excitement, di ba?” tanong-opinyon ng sikat na TV host.

Ang kaligayahan para kay Willie Revillame ay ang makasama ang kaniyang mga tagahanga sa Wowowin, ang makapagbigay ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan, iyon na ang bumubuo sa kaniyang bawat maghapon ngayon. 

John Lloyd Cruz – Nagpaalam na sa kaniyang ermitanyo look

Markado pa rin talaga ang pangalan ni John Lloyd Cruz kahit mahigit na isang taon na siyang namamahinga sa pagharap sa mga camera. Siya pa rin ang itinatanong ng mga kababayan natin kung kailan siya babalik.

Ang klase ni Lloydie ang personalidad na matagal mang mawala ay siguradong may babalikan. Maganda kasi ang markang iniwanan niya sa industriya. Bukod sa kaniyang talento ay pinilahan ang mga pelikulang pinagbidahan niya na iba-ibang aktres ang kaniyang kapareha.

Nagpaalam na si JLC sa kaniyang ermitanyo look. Malinis na ang kaniyang mukha ngayon dahil inahit na niya ang kaniyang bigote at balbas. Bumalik na ang itsura ng dating John Lloyd.

Umaasa ang kaniyang mga tagasuporta na isang araw ay sosorpresahin na ang sila ng kanilang idolo.

Walang ingay. Walang promo. Tahimik na tahimik ang paggawa ng proyekto. Tapos, isang araw ay bubulagain na lang sila ni John Lloyd dahil may pelikula na pala siyang natapos, doon pa lang lalabas ang mga detalye na habang hinahanap pala siya ay mayroon na siyang pinagkakaabalahang pelikula.

Nakaka-miss naman kasi ang presensiya ng magaling na aktor. Marami nang lalaking personalidad na nagdatingan pero ibang-iba pa rin ang kaniyang suwabeng atake na minahal ng bayan.

Hindi siya pinagsaraduhan ng puso ng manonood, sa halip ay inunawa pa nga siya, siguro raw ay gusto lang matikman ni Lloydie ang isang klase ng buhay na matagal na niyang hindi naaangkin dahil sa pagiging artista.

Siguradong babalik sa pag-aartista si John Lloyd Cruz. Ito ang bisyong walang rehab. Walang paggaling. Minsan kang naging artista ay hahanap-hanapin mo ang ingay at saya ng mundong kinalakihan mo.

Derek Ramsay – Sana’y huwag nang patulan ang mga bashers

Paboritong i-bash ngayon si Derek Ramsay. Lahat na lang ng sabihin at i-post ng hunk actor ay kinakikitaan ng negatibong konotasyon ng mga bashers.

Para sa ikalilinaw ng mga bira ay sumasagot naman si Derek, lalo na ang isyung walanghiya raw siyang amo sa kanilang mga kasambahay, talagang dumepensa ang bruskong aktor.

Kapansin-pansin lang na nag-ugat ang mga ganitong upak sa aktor mula nang maghiwalay sila ng kaniyang girlfriend na si Joanne Villablanca. Walang ganitong senaryo sa buhay ni Derek bago naganap ang kanilang break-up ng modelo.

Nakakaawa rin si Andrea Torres na nananahimik pero pinagbibintangang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Joanne. Hindi kailangang mang-agaw ng karelasyon ng aktres, marami itong manliligaw, pero career ang binibigyan ng panahon ng napakaseksing si Andeng.

Mas maganda siguro kung hindi na lang sasagutin ni Derek ang mga patutsada ng mga taong hindi naman siya kilala nang personal. Kabaligtaran kasi ng kung ano at sino siya ang ipinakakaing mga salita ngayon laban sa kaniya.

Edukado ang hunk actor, mula siya sa isang buena familia, hindi rin siya puwedeng pagbintangang nananakit ng damdamin ng kaniyang girlfriend dahil tumatagal nang lima hanggang anim na taon ang paghawak niya ng relasyon.

Hindi bumibilang nang mahabang panahon ang pakikipagrelasyon ng isang manlolokong lalaki. Buwan lang ang binibilang ng ganoon. 

Vice Ganda – Hindi nabibili ang breeding, kahit milyonayo na

Mabuti na ring paminsan-minsan ay naba-bash si Vice Ganda dahil sa kaniyang pagmamalabis. Basta hawak na kasi niya ang mikropono, feeling ng sikat na komedyante ay baril ang hawak niya na handang lipulin ang lahat ng mga nakamasid sa kaniya, makapangyarihan na ang pakiramdam ni Vice Ganda.

Sa kabila ng kaniyang popularidad ay mayroon dapat sumusubaybay kay Vice para maalala niya na anumang salitang nabitiwan niya na ay mahirap nang mabawi pa.

Masyadong madulas ang kaniyang dila, walang preno ang kaniyang bibig, dahil ang akala nga ni Vice ay naaaliw ang buong bayan sa mga pinagsasasabi niya.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Masaya tayo na sumikat siya, na yumaman siya, pero hindi tayo masayang nakikita at naririnig siya na nagbibitiw ng mga salita na kabastusan ang konotasyon.

“Totoo, hindi nabibili ang breeding, kapag wala ka noon, wala ka talaga. Kung ano ka, kung ano ang naturalesa mo, iyon ka na talaga. At bastos talaga si Vice, kaya kahit gaano pa siya kayaman, hindi noon mababago ang kabastusan niya!” napakadiing komento ni prop.

Kailangang may bumabalanse sa estado ni Vice Ganda. Madaya ang kasikatan, nanglilipad iyon na parang hangin sa mga personalidad sa alapaap ng kayabangan, kaya kailangan siyang marendahan.

Pakinggan lang sana niya ang mga papuri at palakpak pero huwag niyang paniniwalaan. ­– CSF 

Cristy Per Minute • Hunyo 16-30, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 16-30, 2019

       Robin Padilla
 
Robin Padilla
  Eddie Garcia Coco Martin
 
Eddie Garcia & Coco Martin
  Jodi Sta. Maria
 
Jodi Sta. Maria
  Tirso Cruz III
 
Tirso Cruz III
  Maine Mendoza & Arjo Atayde
 
Maine Mendoza & Arjo Atayde
  Sylvia Sanchez at kaniyang pamilya
 
Sylvia Sanchez at kaniyang pamilya
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Vice Ganda & Calvin Abueva
 
Vice Ganda & Calvin Abueva

Robin Padilla – Mukhang mamamagitan kay Pres. DU30 at ABS-CBN

Malakas ang ugong ng balita na si Robin Padilla ang “nagpapalamig” ng ulo ni Pangulong Rodrigo Duterte para magkaroon ng posibilidad ang pagpapatuloy sa himpapawid ng ABS-CBN.

Kilalang malapit sa pangulo ang action star, sinuportahan niya ang pangulo noong kampanya nito, kaya hindi siya nakakalimutan ng ating tagapamuno.

Madiin ang mga pahayag ni PRRD, hindi nito palulusuting makakuha ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN, kailangan munang makipagkita sa gitna ng network tungkol sa kanilang pagkakautang sa pamahalaan.

Ang pakikipagkompromiso ng network sa mga gustong mangyari ng pangulo ang tanging makapagbibigay sa kanila ng panibagong prangkisa na nakalutang pa sa ere hanggang ngayon!

Napakabilis ng panahon, ang March 20 ng susunod na taon ay ilang tulog at gising na lang, napakalaking problema para sa mga empleyado at artista ng ABS-CBN ang puwedeng maganap sa kanilang istasyon.

Hindi totoong makakasabay ng network sa pagre-refile ng kanilang prangkisa ang TV5, noong Pebrero pa ay nakakuha na nang 25-taong lisensiya ang istasyon, kasabay ang GMA-7.

Mapagbiro talaga ang kapalaran. Number one station na itinuturing ang ABS-CBN pero kung ganyan naman kalaking problema sa prangkisa ang kanilang hinaharap ay nakapanghihinayang ang posisyong pinanghahawakan nila.

Eddie Garcia – Walang tatalo sa propesyonalismo ng batikang actor

Nababahala ang mga nagmamahal kay Tito Eddie Garcia dahil sa kaniyang kalagayan ngayon. Comatose pa rin ang magaling na aktor-direktor, kailangan pa rin siyang kambalan ng life support system, walang nakatitiyak kung kailan siya magigising at kung manunumbalik ba ang dati niyang sigla pagkatapos ng pinagdadaanan niya ngayon.

Napatunayan ng kaniyang mga doktor na nang bumagsak siya sa taping ng bagong serye niya sa GMA-7 ay 20-minuto siyang nawalan ng oxygen, may komunikasyon ang mga doktor kahit sa iba-ibang ospital pa sila nakatalaga, na-revive lang si Manoy Eddie nang isugod siya sa Mary Johnston’s Hospital.

Ginagawa ng kaniyang mga doktor ang lahat-lahat, pero napakalaking tulong ng sama-samang panalangin sa ganitong pagkakataon, dasal pa rin ang hinihingi ng kaniyang pamilya para siya magising.

Ginagawa ng GMA-7 ang lahat sa kanilang kapasidad para makatulong sa pamilya, walang katotohanan ang kuwentong lumabas na pinababayaan ng network ang beteranong aktor-direktor, nakikipagtulungan sila sa pamilya ni Tito Eddie.

Hindi lang ipinagmamakaingay ng mga tagapamuno ng GMA-7 ang kanilang mga ginagawa, pero kumikilos sila, kasabay ng pag-iimbestiga nila sa naganap sa taping ay hindi sila nagpapabaya sa responsibilidad na kailangan nilang panagutan sa naganap kay Eddie Garcia.

Pagdating sa propesyonalismo bilang aktor at direktor ay walang makakukuwestiyon kay Tito Eddie Garcia. Dumarating siya nang mas maaga sa kaniyang calltime.

Kahit sa mga awards night ay isa siya sa mga nauunang dumating, pinakahuli rin siyang umaalis, tinatapos niya ang pagbibigay ng parangal.

Pagdating sa disiplina sa oras ay sensitibo siya, alam niya kasi ang gastos ng produksiyon kapag may artistang wala pa sa set, kapaniwalaan nga ng marami niyang katrabaho sa pelikula at serye ay mas nauuna pa siyang dumating sa lokasyon kesa sa generator.

Kuwento ni Bayani Agbayani na nakatrabaho ng premyadong aktor, “Hindi mo talaga siya mauunahan sa set, palagi siyang nauuna. Ganoon siya ka-professional.

“Minsan, e, tinanong ko si Tito Eddie, ‘Anong oras po ang calltime n’yo bukas?’ Sabi niya, alas singko nang madaling-araw. So, ako naman, pinaghandaan ko iyon!

“Gusto kong maunahan sa set si Tito Eddie kahit minsan lang ba! Maagang-maaga akong umalis sa bahay, sabi ko, mauuna na siguro ako kesa sa kaniya noon!

“Aba, pagdating ko, e, nandoon na si Tito Eddie! Tinanong ko siya, ‘Anong oras po kayo dumating?’ Alas kuwatro, sabi niya, kaya natawa ako, hindi ko pa rin siya naunahang dumating!” tawa nang tawang kuwento ng magaling na komedyante.

Noong isang gabi ay dumalaw si Senadora Grace Poe, ang kaniyang sabi, ”Kung walang Eddie Garcia, wala ring FPJ.”

Madaling-araw namang dumalaw si Coco Martin na matagal na nakasama ni Tito Eddie sa seryeng Ang Probinsiyano.

Jodi Sta. Maria – Sumosobra yata ang pagpayat ng magandang aktres

Tama ang obersbasyon ng mga nakakausap namin na tumatapang ang ganda ni Jodi Sta. Maria dahil sa sobra niyang kapayatan ngayon. Malayung-malayo ang itsura niya ngayon sa dating Jodi na napapanood ng ating mga kababayan.

Sabi ng isang kaibigan namin, “Hindi ba natatakot si Jodi na baka isang araw, e, mauwi sa kung ano ang sobrang kapayatan niya ngayon?

“Una, ang health niya, baka maging anorexic siya. Ikalawa, tumatapang ang itsura niya, parang palagi siyang nagagalit! Mas maganda sa kaniya ang may konting laman.

“Totoong very vain sila sa itsura nila, ayaw nilang tumaba, pero huwag naman sanang ganyan kapayat si Jodi!” nagmamalasakit na komento ng aming kausap.

Pero hindi maitatago na isa pa rin si Jodi Sta. Maria sa nagmamay-ari ng pinakamagandang mukha sa industriya. Payat o anuman, ang maganda ay maganda pa rin sa kahit anong anggulo, hindi maikakaila iyon.

Tuloy ay may nagkokomento na kaya raw nangayayat nang husto ang aktres ay dahil hindi pa rin siya nakapagmu-move-on sa hiwalayan nila ni Vice-Governor Jolo Revilla.

Hindi nga naman maigsing panahon lang ang kanilang pinagsamahan, marami ngang umaasang sa altar na iyon hahantong, pero hindi nga garantiya ang ganoon katagal na panahon para maging panghabambuhay na ang kanilang relasyon.

Mahirap din ang kalagayan ng mga pamosong artista. Kapag tumaba sila ay nagdadalantao raw, kapag pumayat naman ay maysakit, wala silang pupuntahan.

Tirso Cruz III – Pinarangalan bilang ‘Natatanging Bituin Ng Siglo’

Napakahusay ni Tirso Cruz III bilang ang kontrabidang si Tiago sa The General’s Daughter. Napakasarap niyang sapakin sa role na buong ningning niyang nabibigyan ng hustisya.

Walanghiya si Heneral Tiago, puro ilegal ang kaniyang negosyo, kalaban siyang mortal ni Albert Martinez na nakaagawan niya sa puso ni Eula Valdez.

Si Tiago ang nagpapahirap sa bidang si Angel Locsin, palibhasa’y siya ang nagpalaki kay Rhian, na ang tunay na mga magulang ay sina Albert at Eula.

Hindi pa man humuhupa ang paghanga ng manonood kay Pip sa matagal nang natapos na seryeng Wildflower bilang kontrabida rin ay heto na naman siya sa The General’s Daughter.

Ang galing-galing ni Pip, talagang mamumuhi ang manonood sa kaniyang karakter, napakaepektibong aktor ni Tirso na nagsimula bilang ka-loveteam ni Nora Aunor noong dekada ‘70.

Ang sabi, kapag naghiwalay raw ang magka-loveteam, ay ang lalaki ang napag-iiwanan. Winasak iyon ni Tirso dahil mula nang hindi na maging aktibo ang tambalang Guy & Pip ay hindi siya nawalan ng trabaho.

Buhay na buhay pa rin ang career ni Tirso Cruz III, hindi siya lumiban sa magaling na pagganap, ibinibigay niya ang lahat-lahat.

Napapanahon lang na bigyan siya ng parangal bilang Natatanging Bituin Ng Siglo. Maraming salamat sa PMPC-Star Awards dahil binigyan nila ng importansiya ang walang palyang mahusay na pagganap ni Tirso Cruz III.

Si Pip, na mula noon hanggang ngayon ay hindi pinagbago ng kasikatan ang ugali, sa phonebook ng aming cellphone ay “Forever Idol” ang pangalang nakalagay sa numero ng nag-iisang idolo ng aming kabataan.

Maine at Arjo – Lantaran na ang pagmamahalan

Kailangan nang magtaas ng magkabilang kamay bilang pagsuko ang mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza. Lantaran na ang pagmamahalan nina Maine at Arjo Atayde.

Wala na silang itinatago, talagang hayagan na silang bumibiyahe nang silang dalawa lang, nagpo-post na rin sila ng mga nilalanggam sa katamisan nilang retrato kapag magkasama sila.

Siguro naman ay napakalaking ebidensiya na ng mga iyon para huminto na sa pag-asa ang mga tagasuporta nina Alden at Maine na magiging sila pa rin sa bandang huli.

Bilang magkapareha ay puwedeng mangyari ang kanilang gusto, pero sa personal na buhay ay nakapagdesisyon na si Menggay, si Arjo ang pinakamalapit na lalaki sa kaniyang puso ngayon.

At maganda ang ginagawa nina Arjo at Maine, nagpapakatotoo lang sila, ang pagmamahalan nga namang tulad ng sa kanila ay kailangang ipinaaalam at hindi ikinukubli.

Maraming pinagkakasunduan sina Arjo Atayde at Maine Mendoza. Pareho silang mahilig sa adventure. Gustung-gusto nilang bumibiyahe dito man o sa ibang bansa.

Umalis sila nang maagang-maaga noong minsan, namasyal lang sila sa Singapore at nagkape-kape, pagkatapos ay umuwi rin sila kinagabihan.

Pareho rin silang diretsong magsalita, hindi uso sa kanila ang paliguy-ligoy, hindi sila nagpapaapekto sa mga bashers na kung anu-anong paninira ang ibinabato laban sa kanila.

Tama lang ang kanilang ginagawa dahil ang importante ay silang dalawa, ang nararamdaman nila para sa isa’t isa, hindi kayang ibigay ng ibang tao iyon sa kanila.

Hindi sila nagpapabaya sa kanilang trabaho, inspirasyon nila ang isa’t isa, kaya siguradong magtatagal sina Arjo at Menggay.

Sylvia Sanchez – Mahusay na aktres ang nanay ni Arjo Atayde

Inihihelera na namin ngayon ang pangalan ni Sylvia Sanchez kina Sharon Cuneta, Kris Aquino, Dina Bonnevie at Maricel Soriano na napakasarap interbyuhin.

Sila ang mga personalidad na bihirang-bihirang sumagot ng “no comment.” Wala silang pinalalampas na tanong, diretso silang sumagot, kaya paborito sila ng mga manunulat.

Naging guest namin si Sylvia Sanchez sa Take It…Per Minute. Nagkaroon ng ekstensiyon ang programa dahil nakakapanghinayang putulin ang kaniyang mga kuwento. Mula sa pagiging misis niya kay Art Atayde, sa pagiging ulirang ina ng kaniyang mga anak, hanggang sa pagiging magaling na aktres.

Hindi siya nagkusang magkuwento tungkol kay Maine Mendoza, halinhinan namin siyang tinanong ni Manay Lolit, kailangang maging malinaw iyon dahil baka na naman siya i-bash at pagbintangang laos na aktres kaya kailangan pa niyang gamitin ang Dubsmash Queen sa kaniyang mga panayam.

Ipinakilala na sa kanila ni Arjo si Maine, “Nicomaine ang pagpapakilala niya, kaya hindi siya si Maine na artista nang pumasok sa bahay namin. Mabait ang bata, walang kayabang-yabang, gusto ko siya,” sabi ni Ibyang.

Pinakamaligayang anak niya ngayon si Arjo dahil sa inspirasyon nito, hindi man magkuwento ang binata ay ramdam na ramdam ng ina ang emosyon ng kaniyang anak, walang maitatago ang magaling na aktor kay Sylvia.

Unti-unti ay natututuhan na niyang huwag pansinin ang mga taong walang magawa sa buhay, hindi na siya naaapektuhan ng kung anu-anong pamba-bash, dahil kilalang-kilala niya naman ang kaniyang sarili.

Isa lang naman ang pinakamahinang parte ng buhay ni Sylvia Sanchez, ang kaniyang mga anak, isa siyang kapapanganak na tigre sa bangis kapag ang mga ito na ang lantarang sinasaktan.

Alden Richards – Pinagawaan ng school ang mga batang Mangyan

Talagang pepremyuhan ng kapalaran si Alden Richards. Bukod sa masipag na ang aktor at mapagpakumbaba ay hindi siya mawawala sa aksiyon kahit tapos na ang kinakikiligan nilang tambalan ni Maine Mendoza dahil sa mga bukal sa pusong ginagawa niya para sa ating mga kababayan.

Nagbukas siya ng sikat na food chain sa Biñan, Laguna, marami siyang nabigyan ng trabaho, maraming nagpapasalamat sa kaniya.

May dalawang restaurants din siya, ang Concha’s Garden, ilang kababayan din natin ang nagtatrabaho para sa kaniya na palaging nagdarasal para sa kaniyang mas pag-unlad pa.

May mga kaibigan kaming taga-Mindoro na nagpapasalamat din ngayon sa Pambansang Bae dahil malaking suporta ang ibinigay niya para makapagpatayo ng eskuwelahan para sa mga batang Mangyan.

Kuwento ng aming kaibigan, “Nakakaawa ang mga batang Mangyan. Nakatira sila sa bundok ng Sablayan, para makapag-aral sila, apat na kilometro ang kailangan nilang lakarin sa umaga at hapon.

“Bundok ang nilalakad nila, may tinatawiran din silang mga ilog, kaya talagang napakalaking sakripisyo para sa kanila ang makatungtong sa elementarya.

“Napakalaki ng tulong na ibinigay sa kanila ni Alden Richards. Todo ang suporta niya para maipagtayo ng school ang mga batang Mangyan.

“Tanungin mo ang mga batang Mangyan ngayon kung sinong artista lang ang kilala nila, Alden Richards lang ang ang isasagot nila. Pangarap kasi nila ang tinugunan ni Alden, hinding-hindi na siya makakalimutan ng mga pamilyang Mangyan,” kuwento ng aming kaibigan.

Napakaganda ng puso ng Pambansang Bae, hindi niya sinasarili lang ang mga biyayang tinatanggap niya, ibinabahagi niya iyon sa mga kababayan nating mas nangangailangan.

Uulanin talaga ng suwerte si Alden Richards, gagantihan siya ng kapalaran sa kagandahan ng kaniyang puso, mga tulong iyon na ni hindi nga niya ipinagmamakaingay.

Maligaya si Alden sa kaniyang pag-iisa, ang tutok ng kaniyang buhay ngayon ay sa kaniyang career at pagnenegosyo, hindi niya kailangang mabilisang makipagrelasyon din para lang patunayan niyang maligaya rin siya.

Ang kaligayahan ay hindi nasusukat sa pakikipagmahalan lang. Nararamdaman iyon sa iba-ibang sitwasyon, sa iba-ibang porma at hugis, ang may katawan lang ang puwedeng magsabi kung gaano siya kaligaya.

Vice Ganda – Buti na lang at wala na si Calvin sa eksena

Si Calvin Abueva, ang basketbolistang minsang naugnay ang panglaan kay Vice Ganda, ay pinatawan ng indefinite suspension ng pamunuan ng PBA.

Bukod kasi sa napakabarubal niyang paglalaro ay pumapatol din siya sa mga babaeng miron, nakikipagtalakan siya, may bonus pang pangdi-dirty finger iyon.

Dapat lang lapatan ng parusa ang maruming paglalaro ni Abueva, matagal na siyang ganyan, pakiramdam ng mokong na ito ay siya na ang pinakamagaling na basketbolista.

Kaligayahan na niyang mambalya, manakit-manahod ng kapuwa niya manlalaro, parang iyon na ang ikinabubuhay niya sa hardcourt.

Brusko ring maglaro ang The Living Legend na si dating Senador Robert Jaworski, ang tapang nito ang hinahangaan ng sambayanang Pinoy, pero marespeto pa rin sa kaniyang mga kapuwa basketbolista si Big J.

Liyebo sitenta na ngayon si Robert Jaworski, pero kasabay ng kaniyang pagkakaedad ang respeto ng buong bayan sa kaniya, hindi ito tatawaging The Living Legend nang walang dahilan.

Komento ng mga becki ay ipinag-aadya pa rin ng kapalaran si Vice Ganda. Mabuti na lang daw at tapos na ang kuwento ng romansa espesyal nila ng bruskong basketbolistang si Calvin Abueva. –CSF

Cristy Per Minute • Hulyo 16-31, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 16-31, 2019

      Isko Moreno
 
Isko Moreno
  Kris Aquino & Derek Ramsay
 
Kris Aquino & Derek Ramsay
  Kathryn Bernardo & Alden Richards
 
Kathryn Bernardo & Alden Richards
  Luis Manzano
 
Luis Manzano
  Angel Locsin & Neil Arce
 
Angel Locsin & Neil Arce
  John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
 
John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
  Hipon Girl Willie Reviallme
 
Herlene Budol & Willie Reviallme
  Julia Barretto & Joshua Garcia
 
Julia Barretto & Joshua Garcia
  Claudine Barretto & Piolo Pascual
 
Claudine Barretto & Piolo Pascual
  Manny Pacquiao & Keith Thurman
 
Manny Pacquiao & Keith Thurman
  Pierre & KC Concepcion
 
Pierre Passart & KC Concepcion
  Jolo Revilla & Angelica Alita
 
Jolo Revilla & Angelica Alita

Mayor Isko Moreno – Matindi ang political will ng new Manila mayor

Puro pogi points ang inaani ngayon ni Mayor Isko Moreno bilang bagong ama ng lunsod ng Maynila. Poging-pogi siya sa pinamunuan niyang paglilinis sa mga lugar ng lunsod na pinamumugaran ng mga illegal vendors.

Ibang-iba na nga naman ngayon ang kahabaan ng C.M. Recto Avenue, ng Carriedo, ng Quiapo, dahil wala nang mga nakahambalang na paninda sa mismong gilid ng mga kalye, nakapagpapatakbo na ng mabilis ang mga motorista at nakapaglakad na nang hindi patagilid ang mga kababayan natin.

Maging ang mga tagapamuno ng mga barangay na mahilig mangotong ay alarmado na ngayon, hindi kasi magdadalawang-isip ang kanilang mayor na kasuhan at ipakulong sila, oras na mapatunayan ang mga ilegal nilang gawain.

Wala na ring cutting trip ngayon sa lunsod ng Maynila, kakanselahin kasi ang kanilang prangkisa, kapag inireklamo ang mga kalokohan nila sa kalye.

May mahabang komento ang anak-anakan naming si SOS tungkol sa malaking pagbabagong nagaganap ngayon sa Maynila. Laking-Maynila ang kaniyang mga magulang kaya kabisado ni SOS ang mapa ng lunsod.

Sabi ni SOS, “Grabe talaga ang political will ni Mayor Isko Moreno na linisin ang Maynila, sobrang nakakatuwa at nakaka-impress siya.

“Wish lang po namin na sana, e, hindi ningas-cogon lang ang lahat, i-maintain na sana niya ang paglilinis sa mga kalye ng Maynila, napanood po namin ang video na napakaluwag na ngayon ng mga lugar na dati, e, pagkasikip-sikip dahil sa mga illegal vendors!

“Sana nga po, hanggang sa reelection niya, e, panindigan na niya ang sinimulan niya. Capital pa naman ng bansa ang Maynila, kaya dapat alagaan.

“Sa nobela po ni Dan Brown na Inferno, e, nasulat na gates of hell daw ang Maynila. Si Claire Danes naman, idineklarang persona non grata ni Mayor Erap noon, dahil sa isang interview, e, sinabi niyang maraming ipis at daga sa Maynila noong mag-shooting sila dito ng Brokedown Palace.

“Kaya sana nga, linisin talaga ni Mayor Isko Moreno ang makasaysayang Maynila. Amazing!” kabuuang komento ni SOS.

Sino nga ba ang mag-aakala na ang dating anak ng Tondo na namamatsoy lang ng mga basura ang iluluklok palang mayor ng kaniyang lunsod? Destiny ang tawag doon. Nakasulat na sa kaniyang mga palad. Walang kahit sinong makahaharang sa anumang nakatakda na.

Kumandidato siyang konsehal ng kanilang distrito, nagdeliber, nag-aral ng batas at pagkatapos ay tumakbo siyang vice-mayor at nagtagumpay naman.

Ngayon nga ay tinatawag na siyang Mayor Isko Moreno.

Si Francisco Domagoso na nadiskubre ni Daddy Wowie Rojas sa lamayan, nagpupunta lang siya doon sa gabi para makikain ng sopas at makapagtong-its, hanggang sa nag-artista na siya sa pamamagitan ng That’s Entertainment.

Nakakaaliw ang pahayag ng milenyal na mayor ng Maynila, sabi niya sa isang interbyu, “Bata pa ako, e, may patong na ang mga barangay chairman, alam na alam ko ‘yan!

“Ang legal, e, etneb (beinte) lang sa umaga, etneb din sa hapon, pero ang tongpats, one hundred fifty pesos kada araw! E, puwede ba naman iyon? Takuwarents (kuwarenta) lang ang sa city hall, mas malaki pa ang sa patong?”

Pati ang mga ilegal na video karera shops ay ipinasarado na rin ng bagong mayor ng Maynila, minaso nila ng kaniyang mga tauhan ang mismong mga makina, dahil may milagro palang nangyayari kapag hindi ganoon ang kanilang ginawang aksiyon.

Ang hamon ni Mayor Isko Moreno sa mga nagsasabing sana’y hindi ningas-cogon lang ang kaniyang mga ginagawa, “Kapag nagbalikan uli ang mga nagtitinda sa mga kalyeng nilinis namin, kapag napuno na naman ang mga kalyeng dapat, e, daanan ng mga tao, pag-isipan nila ako agad na nalagyan ako!”

Read my lips, sabi pa ni Mayor Isko sa mga pasaway na nangongotong, subukan n’yo lang! 

Derek Ramsay at Kris Aquino – Magkakasama sa pelikulang pang-MMFF

Sinuwerteng nakapasok agad sa listahan ng mga pelikulang mapapanood sa MMFF ang proyektong pagsasamahan nina Derek Ramsay at Kris Aquino.

Script pa lang ng K(Ampon) ay pasado na agad, principal photography na ang sisimulan ng produksiyon, pero maraming nag-aalala na baka hindi matuloy ang partisipasyon ni Kris sa pelikula.

Dobleng ingat nga naman ang kailangang gawin ng aktres-TV host kapag ginagawa na niya ang pelikula dahil sa kaniyang sakit na siya rin naman ang nagdedetalye sa publiko.

Ang kaniyang blood pressure na parang spaghetting pataas-pababa, ang kaniyang allergies na napakabilis na naglalabasan kapag mainit ang panahon at maalikabok, talagang kailangang mag-ingat ni Kris sa linya ng kaniyang trabaho.

Hindi pa man nagsisimula ang shooting ni Kris ay kaliwa’t kanang pamba-bash na ang kaniyang tinatanggap. Napakarami raw namang pelikulang karapat-dapat na maging entry sa MMFF pero bakit ang kay Kris pa?

Kung may mga namba-bash kay Kris ay marami ring sabik na sabik nang muli siyang mapanood sa pelikula at telebisyon. Matatapos na ang pagka-miss kay Kris Aquino ng kaniyang mga loyalist dahil sa darating na Kapaskuhan matutunghayan na uli sa big screen ang aktres-TV host.

Pero ngayon pa lang ay ayaw na siyang patahimikin ng kaniyang mga bashers, nabuhay uli ang paglalarawan sa kaniyang pagganap na kung tawagin ng marami ay “constipated acting,” ke masaya at malungkot at natatakot daw si Kris sa mga ginagawa niyang eksena ay isang klase lang ng acting ang nakikita sa kaniya.

Para raw siyang umiiri (kaya nga constipated acting ang paglalarawan sa pagganap niya), hirap na hirap sa pagdumi, iyon lang daw ang kaisa-isang atake ni Kris Aquino sa pag-arte.

Pero kahit pa, pagkatapos nang mahigit na dalawang taon nang pananahimik ay heto na uli si Kris, hindi na siya matatawag na extra lang dahil siya ang bumibida sa proyekto nila ni Derek Ramsay.

Tapos na ang paghihintay ng kaniyang mga tagahanga na anuman ang nangyari sa kaniyang career ay nand’yan pa rin at matiyagang nagmamahal at sumusuporta sa kaniya.

Kathryn Bernardo – Pinakanangungunang aktres sa kaniyang hanay

Bihirang-bihira kaming manood ng pelikulang lokal. Pero inaabangan namin ang kanilang video, sa bahay lang kami nanonod, umay na umay na kasi kami sa sobrang higpit ng traffic na araw-araw naming nararanasan papunta sa trabaho.

At bibihira rin kaming magkainteres sa mga trailer ng pelikula na halos magkakapareho lang, naiba lang ang mga karakter, pero ang tema ng kuwento ay walang ipinagkaiba.

Pero ewan kung bakit kapag ang trailer na ng Hello, Love, Goodbye ang ipinalalabas ay humihinto kami sa pagtatrabaho, sinisimulan at tinatapos namin ang patikim na mga eksena nina Alden Richards at Kathryn Bernardo, interesado kami sa kanilang pelikula.

Alam namin ang dahilan kung bakit. Pangalawa na lang ang ikot ng kuwento para sa amin, ang mas una ay ang pagpapahalaga namin kina Alden at Kathryn, dalawa sa mga personalidad na hinahangaan namin ang ugali.

Si Kathryn Bernardo para sa amin ang pinakanangungunang aktres sa kaniyang hanay, panahon ngayon ng dalagang aktres, pero kahit bahagyang pagyayabang ay hindi mo mararamdaman sa kaniya.

Maganda ang pagpapalaki kay Kathryn, bitbit niya ang disiplinang iyon hanggang ngayong dalaga na siya, palagi ang pagpapaalala kay Kathryn ng kaniyang mga magulang na sinuwerte man siyang sumikat ay ordinaryo pa rin siya. 

Alden Richards – “Magaling na actor” puri ni Direk Cathy Garcia-Molina

Walang kasingligaya ngayon si Alden Richards. Nagkaroon ng napakagandang resulta ang mga ginawa niyang pagpapagod at pagsasakripisyo para sa pelikula nila ni Kathryn Bernardo.

Ang masabihan siya ng kanilang direktor mismo na hindi lang siya marunong umarte kundi magaling ay isang nakatataba ng pusong komplimento.

Ang kapitan na ng kanilang barko na si Direk Cathy Garcia-Molina ang nagbitiw ng ganoong papuri, kilalang-kilala ang matabil na dila ng direktor sa pagsasabi ng gusto at ayaw nito, kaya parang nakatanggap na rin ng tropeo si Alden Richards ngayon.

Ang pagiging mapagkumbaba ni Alden Richards, sa kabila ng kaniyang popularidad, ay hiling namin na maging isang sakit sanang makapanghawa sa kaniyang mga kasamahang artista.

Kinakikiligan si Alden, paborito siya ng ating mga kababayan, pero ang Alden na nakilala ng kaniyang mga kasamahan noong nagsisimula pa lang siyang manirador ng puwesto sa showbiz ay siya pa ring Alden na nanakasalamuha nila ngayon.

Walang kaere-ere, nananatiling humble, mapagpahalaga sa lahat ng mga taong naging hagdan niya sa tagumpay. Pareho lang sila ni Kathryn na may magandang breeding.

At kapag kilala mo nang personal ang mga gumaganap sa isang pelikula ay doble ang interes mo sa kanila. Pangako, panonoorin namin sa sinehan ang Hello, Love, Goodbye sa July 31, peksman-sumpa man. 

Luis Manzano – Sana’y nag-best wishes na lang kay Angel

Nakasalang ngayon sa kumukulong tubig si Luis Manzano dahil sa mga pinakawalan niyang salita nang tanungin siya tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng dati niyang girlfriend na si Angel Locsin kay Neil Arce.

Dalawang salita ang pinagdidiskusyunan ngayon ni Luis at ng mga netizens, lalo na ng kaniyang mga bashers, ang mga salitang niya at n’yo.

Ginagawang pulutan ngayon sa social media si Luis dahil doon, napaka-bitter daw niya, hanggang ngayon daw ay hindi pa rin siya nakakapag-move-on sa break-up nila ni Angel.

Sa isang interview ay nagkaringgan ang mga nakapanood ng kaniyang video, pinalabas ng mga ito na “niya” ang sinabi ni Luis na tumutukoy kay Angel Locsin, pero ang kaniyang sinabi ay “n’yo.”

Ang mga nagtatanong sa kaniya tungkol sa kung ano ang kaniyang reaksiyon na engaged na sina Angel at Neil ang kaniyang sinagot, hindi si Angel ang direkta niyang tinukoy, ang dahilan kung bakit siya naba-bash ngayon.

Pinalabas kasing niya ang n’yo, na parang pinarurunggitan niya si Angel na huwag na siyang kaladkarin pa sa kuwento ng personal na buhay ng dati niyang karelasyon, isang letra lang ang pinagtatalunan ngayon sa mga ipinupukol na masasakit na salita laban kay Luis.

Pero kung tutuusin ay naiwasan sana ang ganitong isyu kung sinagot na lang nang diretso ni Luis ang tanong ng reporter sa kaniya. Iyong wala nang mga palabok, iyong hindi na paikut-ikot ang kaniyang sagot, tulad ng ginawa ni Bela Padilla nang tanungin tungkol sa dati nitong boyfriend na karelasyon na ni Angel.

Simple lang ang sinagot ni Bela, “I’m happy for them,” iyon lang. Walang naging isyu, walang nagkamali ng dinig sa kaniyang sinabi, walang intriga.

O baka naman hindi kayang sabihin ni Luis ang sagot na ganoon dahil hanggang ngayon ay may kinikimkim pa siyang sama ng loob kay Angel.

Hindi kasi naging maganda ang kanilang paghihiwalay, masalimuot ang mga kuwento, kaya hanggang ngayo’y ayaw pa rin ni Luis na magkrus ang landas nila ng aktres.

Nag-post tuloy si Angel ng isang litanya na duda ng mga kababayan natin ay patagilid nitong patama kay Luis.

Ang sabi ng maganda at magaling na aktres, “Don’t ruin other people’s happiness just because you can’t find your own.” 

John Lloyd Cruz – Kumbinsido kami, gusto na uling bumalik sa pag-aartista

Kumbinsido kami sa kuwentong gusto na uling bumalik sa gitna ng aksiyon ni John Lloyd Cruz. Ganoon talaga ang pag-aartista, oras na pumasok ka sa mundong ito ay nakabaon na ang isang paa mo, hindi na mababatak palabas.

Lalo na sa sitwasyon ni Lloydie na sa showbiz na nagkaedad, hindi madali para sa kaniya ang basta talikuran na lang ang mundong minahal niya at nagmahal din sa kaniya, ang trabahong nagpabago sa estado ng buhay ng kaniyang pamilya.

Ang dami-daming kabataang aktor na ikinukumpara ang pagganap kay John Lloyd. Siya ang ginagawang barometro kapag magaling umarte ang artista, tulad ni Joshua Garcia, na tumatawid din ang mga mata sa pag-arte.

Pero iisa lang ang John Lloyd Cruz na kung umarte ay napakakaswal, parang nasa bahay lang siya, nagkataon lang na may mga nakatutok na ilaw at mga camera.

At kung sakali ngang handa na uling umarte si Lloydie ay maraming kababayan natin ang maliligayahan. Ang klase ng acting niya ang hinahanap-hanap ng mga Pinoy dahil natural lang pero rock.

Sana nga ay mapagod na sa pamamahinga si Lloydie, sana nga ay mangawit na siya sa paghehele sa anak nila ni Ellen Adarna, sana nga ay magising na lang siya isang umaga na hinahanap-hanap niya na ang amoy ng showbiz na kinalakihan niya. 

Hipon Girl – Aliw na aliw si Willie sa co-host sa Wowowin

Kapag nasisilip namin ang malalakas na halakhak ni Wilie Revillame sa kaniyang matagumpay na game show na Wowowin ay naeengganyo kaming makihalakhak sa kaniya.

Aliw na aliw kasi si Willie sa kaniyang co-host na si Hipon Girl, ang dating kalahok lang sa Wowowin na si Herlene Budol, kayang-kaya nitong pahalakhakin si Willie.

Ang komedyante-TV host pa namang ito, napakababaw ng kaniyang tawa para sa mga taong natural na natural ang sense of humor, tulad ni Hipon Girl.

Minsan ay tinanong niya si Hipon Girl, “O, kumusta naman ang buhay ng pamilya n’yo ngayon? Masaya ba naman sila sa mga nangyayari sa career mo?”

Walang kagatul-gatol na sagot ni Hipon Girl, “Oo naman, kuya! Ayun, sa squammy (iskuwater) pa rin kami nakatira, pero masaya kami! Kung dati, e, pakilo-kilo lang kami kung bumili ng bigas, ngayon, e, isang sako na!”

Aysus! Ang paghalakhak ni Willie, umaabot yata sa kabilang kalye sa lakas, iyon talaga ang hina ng TV host!

Aliaw na aliw siya sa mga taong kung makapagsalita ay sobrang natural, walang pagpapanggap, tulad ni Herlene Budol.

Sana nga ay magtagal sa show si Hipon Girl, tuwang-tuwa rin kasi ang mga kababayan natin sa napakanatural nitong pagkokomedya, napaka-effortless.

Ganyan ang mga gustong tinutulungan ni Wilie Revillame, ang mga mas nangangailangan sa buhay, pero nagpapakatotoo. 

Joshua Garcia at Julia Barretto – Si Gerald ba ang dahilan ng break-up?

Grabe ang pamba-bash ngayon kina Joshua Garcia at Julia Barretto. Lalo na kay Julia, puro ampalaya at apdo ang ipinupukol sa kaniya, dahil kumalat na nga ang kuwentong kaya sila nagkahiwalay ay dahil kay Gerald Anderson.

Walang puputok na kuwento kung walang pinag-uugatan. Marami namang artistang nagtambal, pero pagkatapos noon ay walang kakambal na romansa, katulad ng kina Gerald at Julia.

Hindi nila direktang inaamin ang sitwasyon nila ngayon. Nagkasundo lang daw sila na mag-uumpisa uli bilang magkaibigan. Back to zero, ganoon ang gusto nilang sabihin, na hindi naman binibili ng mga netizens.

Hindi naniniwala si Joshua na may something sa pagitan nina Julia at Gerald, parang kuya na raw kasi niya ang aktor, kuyang kinukuyakoy?

Isa pang kuwentong kailangang tuklasin ni Joshua ay kung ano ang papel na ginagampanan ni Erich Gonzales sa dumano’y pagkakamabutihan nina Julia at Gerald.

Kaibigan ni Julia si Erich, malapit sa kanilang pamilya ang aktres dahil magkapatid ang boyfriend nito at ng kapatid ni Julia na si Claudia, pero bakit nadadamay ang pangalan ni Erich bilang tulay nina Gerald at Julia?

Tapos na ba ang relasyon nina Gerald at Bea Alonzo? Totoo rin bang karma ang nangyari sa aktres dahil noong magkarelasyon pa sina Gerald at Kim Chiu ay si Bea ang sumagot ng phone sa hotel room ng aktor nang tumawag si Kim?

Ay, kawing-kawing ang mga kuwento tungkol sa senaryong ito, kumplikado ang istorya, ang dami-daming nakikisimpatya kay Joshua na mas malaki pa raw kesa sa mundo ang ibinigay na pagmamahal kay Julia.

Magdenay man sila nang magdenay ngayon, isang araw ay lalabas din naman ang totoo, hindi nila iyon mapagtataguan. 

Claudine Barretto – Tuloy na ang kaniyang pagbabalik katambal si Piolo Pascual

Konting paghihintay na lang ang kailangang gawin ng mga loyalista ni Claudine Barretto dahil tuloy na tuloy na ang kaniyang pagbabalik. Ayon sa aming source ay nakalatag na ang pelikulang muli nilang pagtatambalan ni Piolo Pascual.

Ilang taon na ang nakararaan nang gawin nila ang Milan, pero hanggang ngayo’y hindi pa rin iyon nakakalimutan ng ating mga kababayan, tagumpay ang kanilang tambalan.

Nakapag-pictorial na si Claudine, nakikipag-meeting na siya sa mga ehekutibo ng Star Cinema, pinaghandaan ito ng magandang aktres na napakalaking timbang na ang nalalaglag sa matiyaga niyang pagdyi-gym.

Sabi ng aming source, “Kapag nakita n’yo si Claudine ngayon, e, isa lang ang sasabihin n’yo. Parang hindi siya dumaan sa matinding personal na problem. Parang hindi siya tumanda.

“Ang ganda-ganda pa rin niya, young looking, hindi mo nga aakalaing may anak na siyang dalagita at binatilyo! Napakakinis niya, parang wala siyang pores!

“Matindi ang suportang ibinibigay sa kaniya ni Gretchen. Alam n’yo naman si Gretch, talagang mahal na mahal niya ang bunso nila.

“Kung gusto n’yong makitang malungkot si Gretchen, e, si Claudine ang reason noon. Masyado siyang affected kapag si Claudine na ang may problema,” kuwento ng aming source.

Kaya konting panahon na lang ang ipagbihintay ng mga tagasuporta ni Claudine Barretto. Maayos na maayos na siya, plantsado na ang kaniyang mga problemang personal, kaya career na niya ang tututukan niya ngayon.

Pacman vs Keith Thurman – ABS-CBN ang hahawak ng coverage sa July 20

Kapuso na nang maraming taon si Senador Manny Pacquiao. Ang GMA-7 ang itinuturing niyang home network. Nagpapainterbyu siya sa ABS-CBN pero ang Siyete ang palaging una sa mga balita kapag mayroon siyang laban.

Ilang taon nang ganoon ang sistema, ang GMA-7 ang eksklusibong nagpapalabas ng bawat laban niya sa lona, pero sa pagsasalpukan nila ni Keith Thurman sa July 20 (July 21 - Manila time) ay ang ABS-CBN na ang hahawak ng coverage.

Nagsasalimbayan ang mga kuwento kung bakit. Masyadong nataasan ang GMA-7 sa presyong ibinigay ng Team Pacquiao, kinagat naman iyon ng ABS-CBN, kaya sa Dos na mapapanood ang laban nila ni Thurman.

Natural lang na makisali sa usapin ang mga kababayan natin. Lumalabas ngayon na pera-pera lang pala ang tinitingnan ni Pacman at hindi ang magandang relasyon nila ng GMA-7.

Napakalaking negosyo ang pagpapatakbo ng network, kaya opinyon ng mas nakararami ay natural lang na tumawad ang GMA-7, dahil baka hindi kayang suportahan ng mga makukuha nilang commercial spots ang presyong hinihingi ng Pambansang Kamao.

Wala nga namang negosyanteng bibili ng pagkalugi, tubo ang pinakamahalaga para sa kanila, dahil iyon naman talaga ang nasa utak ng mga nagbi-business.

Tinanggap ng ABS-CBN ang presyong ibinigay ng team ni Pacman, tiwala ang network na kaya nilang punuin ng sponsors ang kabuuan ng laban, balita ngang ni hindi tumawagt ang istasyon sa halagang sinabi ng senador-boksingero.

Ang usaping ito ay mauuwi sa isang senaryo lang. Negosyo ang pagpapalabas ng laban, negosyante rin si Senador Manny Pacquiao, ang salpukan nila ni Keith Thurman ay isang nagsusumigaw na negosyo. 

KC Concepcion – Break na sa French BF na si Pierre Emmanuel Passart

Sa isang panahon na ang inaasahan ng mas nakararami ay sa altar na hahantong ang pakikipagrelasyon ni KC Concepcion sa kaniyang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Passart ay mukhang nausog na naman ang kanilang romansa.

Kay KC mismo nanggaling na single lady na siya ngyon, libre na siya, tapos na ang relasyon nila ng French filmmaker.

Nagtatagal naman ang mga relasyon ng dalaga, kaya lang ay sa hiwalayan din iyon nauuwi, hindi pa dumarating ang lalaking makakasama niya na habambuhay.

Kunsabagay ay bata pa naman si KC, hindi pa siya namimiligrong maiwanan ng biyahe, marami pa siyang makikilala at mamahalin niya na magmamahal din sa kaniya.

Maraming nagsasabi na sa isang Pinoy pa rin ang suwerte ni KC. Nagmamahalan sila ni Pierre, nandoon na iyon, pero siyempre’y iba pa rin ang karelasyong magkapareho sila ng kultura.

Dulo sa dulo ang diperensiya ng kanilang lahi, sa pagkain na lang, kahit pa naka-adjust na si KC ay iba pa rin ang lasa ng sariling atin.

At malay naman natin, baka isang araw ay magkasundo uli sila ng French filmmaker, kaya huwag na tayong magulat kung i-post man ng dalaga ni Sharon Cuneta na maligaya na uli at kumpleto siya. 

VG Jolo Revilla at Angelica Alita – Mukhang tuloy na ang kasalan

May nangangamoy na ngang kasalan bago matapos ang taon sa pagitan nina Vice-Governor Jolo Revilla at Angelica Alita. Naghanap na sila ng lugar sa Amerika kung saan nila gustong mabasbasan ang kanilang pagmamahalan.

Nalulungkot naman ang mga kababayan nating umasa na ang hahantong sa altar para pakasalan ng aktor-pulitiko ay si Jodi Sta. Maria. Totoo, wala nga namang garantiya ang haba ng panahon ng isang relasyon para masabing sila na talaga ang magkakatuluyan, may nagaganap pa ring aberya sa pagtakbo ng panahon.

Isang paningit na kuwento lang. May kaibigan kaming nakipagrelasyon nang 12 taon sa kaniyang boyfriend. Sa ika-13 taon nila ay saka nila naisipang magpakasal na.

Pero sa ikatlong buwan pa lang ng kanilang pagsasama ay nagkahiwalay rin sila, tatlong buwan lang iyon, kumpara sa mahigit na isang dekada nilang pagiging magkarelasyon nang walang basbas ng simbahan.

Mahirap ipaliwanag ang mga ganoong senaryo pero nangyayari. Sa isang pagkakataong akala nati’y maayos na ang lahat-lahat ay hindi pa pala. Sa hiwalayan pa rin iyon nauuwi.

Makahulugan ang naging pahayag ni VG Jolo na nagpapasalamat siya kay Angelica dahil minahal siya nito nang walang kundisyon. Marami tuloy ang nag-isip, ano kaya ang naging dahilan talaga ng paghihiwalay nila ni Jodi, may kundisyon kayang hiningi sa kaniya ang aktres?

Sa pagkakaalam namin ay si VG Jolo ang nainip na sa kahihintay sa kasal ni Jodi kay Pampi Lacson na hindi pa rin napapawalang-bisa.

Harinawang maging maayos at masaya ang maging samahan nina VG Jolo at Angelica Alita sa pagdating ng napakaespesyal na araw sa kanilang buhay. – CSF

Cristy Per Minute • Agosto 1-15, 2019

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 1-15, 2019

      Bea Alonzo
 
Bea Alonzo
  GERALD AND BEA
 
Gerald Anderson & Bea Alonzo
  GERALD AND JULIA
 
Gerald Anderson & Juia Barretto
  GERALD AND KIM
 
Gerald Anderson & Kim Chiu
  Kris Aquino, Josh & Bimby
 
Kris Aquino, Josh & Bimby
  Cholo Barretto & Angelica Panganiban
 
Cholo Barretto & Angelica Panganiban
  Vice Ganda & Calvin Abueva
 
Vice Ganda & Calvin Abueva
  VICE AND ION AND MOTHERS ROSARIO VICERAL AND ZENY PEREZ
 
Vice & Ion at mga inang sina Rosario Viceral & Zent Perez
  Claudine Barretto & Piolo Pascual
 
Claudine Barretto & Piolo Pascual
  Phillip Salvador
 
Phillip Salvador

Bea Alonzo – Napakabango ng pangalan ngayon

Napakabango ng pangalan ngayon ni Bea Alonzo. Panay-panay ang pagtanggap niya ng magagandang bulaklak mula sa kaniyang mga kasamahang artista.

Umaapaw na sa sobrang kapunuan ang kaniyang puso dahil sa mga mensahe ng pampalakas ng loob na nagmumula sa loob at labas ng showbiz.

Pero ang pinakanagmarka sa lahat ng mga nakikisimpatya sa kaniya ay ang magkapatid na Gretchen at Claudine na nagpadala rin sa kaniya ng bulaklak.

Markado, dahil ang mag-utol ay kapatid ng ina ni Julia Barretto, ang sinasabing “ikatlong gulong” sa relasyong Gerald Anderson-Bea Alonzo.

Kapatid ni Marjorie sina Gretchen at Claudine, at sa kulturang Pinoy, dapat ay nasa kuwadra ni Julia ang magkapatid dahil blood is thicker than water.

Pero nasa kabilang ibayo ang magkapatid na Gretchen at Claudine, hindi nila kinunsinti si Julia, lantaran silang naglabas ng saloobin at sinabi pa ni Claudine sa card na kasama ng kaniyang bulaklak para kay Bea, “You are loved.”

Napakasakit noon para sa mag-inang Marjorie at Julia, okey lang para sa kanila kung magpadala man ng bulaklak ng pakikisimpatya at pagkampi kay Bea si Queen Elizabeth ng Inglatera, pero mula mismo kina Gretchen at Claudine?

Isang sugat iyon na nagnanaknak, sugat na matagal bago gumaling, dahil ang kalaban pa ni Julia ang kinampihan ng mag-utol na kadugo mismo nila.

Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay, ganoon ang basa ng mas nakararami sa nagaganap sa pamilya Barretto. May kani-kaniyang saloobin sina Gretchen at Claudine kay Marjorie.

Collateral damage si Julia sa senaryo, damay-damay na ito, ganoon ang suma total. Pakiramdam ni Claudine ay nakakaalala lang si Julia kapag may kailangan, pero kapag wala ay deadma lang ang young actress sa kaniyang tiyahin, kaya ang mababangong bulaklak ay ipinadala ni Claudine kay Bea Alonzo.

Kaybango-bango ng sitwasyon ngayon ni Bea Alonzo, habang ibinibitin naman nang patiwarik sa krus ng paghusga sina Gerald at Julia, ang nagagawa nga naman ng pag-ibig.

Pero natural lang na may bumabalanse rin sa usapin, may mga humuhusga rin kay Bea, karma lang daw ang tawag sa nangyari sa aktres.

Noong minsan daw kasing magkaroon ng show ang mga artista ng Star Magic sa ibang bansa ay may nangyari. Magkarelasyon pa noon sina Gerald Anderson at Kim Chiu.

Ayon sa source, “Napakaagang tumawag si Kim sa hotel room ni Gerald, may usapan kasi sila na gigisingin niya si Gerald. Pero na-shock si Kim dahi ang sumagot sa phone, e, si Bea!

“Sa ganoon kaaga, nasa hotel room ni Gerald si Bea? Ano ang ginagawa niya doon? Di ba naman, ang maiisip lang ng kahit sino kapag ganoon, e, sa room ni Gerald nagpalipas nang gabi si Bea?” kuwento ng impormante.

Ganoon ang binabalikang kuwento ng mga kumokontra sa binitiwang pahayag ni Bea Alonzo sa social media tungkol sa cheating o panloloko.

Na-karma lang daw si Bea, kung totoo ngang sina Julia at Gerald na ngayon, dahil ganoon din ang ginawa noon ng dalaga kay Kim Chiu. 

Gerald Anderson – Nauso tuloy ang “Na-Bea Alonzo ka na ba?”

Inis na inis siguro ngayon si Gerald Anderson sa usung-usong tanong na “Na-Bea Alonzo ka na ba?” Putok na putok ang arya ni Paulo Avelino sa Twitter na may hashtag na “ghosting.”

Iyon ang terminong ginagamit kapag bigla na lang nanahimik-tumalikod nang walang sabi-sabi ang lalaki sa kaniyang karelasyon.

Parang ang nangyari kay Bea Alonzo na ang buong akala ng aktres ay sila pa rin ni Gerald, pero hindi na pala, dahil parang multong naglaho na lang ang kaniyang boyfriend.

Walang closure ang kanilang relasyon. Hindi sila naupo para masinsinang isarado ang kung anumang mayroon sila. Basta wala lang. Huminto na lang basta ang aktor sa pakikipag-usap kay Bea.

At ngayon ay umamin na – na totoong nililigawan niya si Julia Barretto.

#Ghosting ayon sa mga milenyal dahil para itong multo na nand’yan lang kani-kanina pero sa isang kisapmata ay nawala nang bigla.

Kaya alam naming patok ang pa-party sa Twitter ni Paulo Avelino ay dahil nasa isang mataong lugar kami noong isang gabi.

May dalawang babaeng nagkukuwentuhan, galit na galit si Girl A, isinusumbong nito ang nangyari kay Girl B. Tanong ni Girl B, “Na-Bea Alonzo ka rin ba?”

E, wala kaming kahit anong social media account, hindi namin alam kung ano ang nagaganap sa Twitter world, iyon pala iyon!

Sabi pa ni Girl A sa kaniyang kausap, “Hayup na iyon! Magkasama pa kami last week sa party ng friend namin! Tapos, bigla na lang siya nanahimik!

“Tinatawagan ko siya, sarado ang phone niya! Pudpod na ang daliri ko sa kate-text sa kaniya, walang reply! Tapos, nalaman ko na lang sa mga friends namin, sila na pala ng bestfriend ko!

“Tama ka! Na-Bea Alonzo nga ako! Ganoong-ganoon din ang drama ng hayup na iyon! Wala na raw kami, e, kami pa rin naman!” inis na inis na sabi ni Girl A.

Naku, maraming personalidad ang na-Bea Alonzo rin! Paputok pa lang ang kuwento, pero may isang female personality na na-Bea Alonzo rin, dahil bestfriend pa nito ang ipinalit ng male personality sa kaniya.

Abangan! 

Julia Barretto – Ikatlong gulong sa “Gerald at Bea” break-up

Sa mga nagaganap ngayon sa kaniyang lovelife ay malaki ang magiging epekto kay Julia Barretto ng kontrobersiya. Maging ang mga TV commercials na ginagawa niya ay siguradong maaapektuhan ng kontrobersiyang kinasasangkutan niya ngayon.

Hindi ganoon kasimple ang mga nangyayari ngayon sa young actress, tinatawag siya sa iba-ibang pangalan, negatibo ang dating ngayon ni Julia sa publiko.

Maraming kalansay na nahuhukay ngayon sa nakaraan ang mga tagadepensa ni Julia Barretto na sinisisi at pinararatangan na mang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend.

Anaconda ang tawag ngayon ng mga bashers kay Julia, ang iba nama’y tinatawag siyang Valentina, dahil sa bintang na inagawan niya ng karelasyon si Bea Alonzo.

Ewan kung anong damage control ang maiisip na gawin ng Star Magic sa isyung kinasasangkutan nila nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, sa pagkakaalam ng mga impormanteng nakausap namin, hindi makikialam ang network sa pinagpipistahang kuwento ngayon.

Nakakaawa rin si Julia sa isang banda, maaaring pinapaniwala siya ni Gerald na totoong tapos na ang lahat sa kanila ni Bea, kaya naman pumasok sa ganitong sitwasyon ang dalaga.

Kaya lang ay nabutasan siya, hindi pa pala break sina Gerald at Bea, napakalakas na bombang sumabog ang balitang iyon sa mukha ni Julia.

Kung bakit naman nataon din ang pakikipaghiwalay niya kay Joshua Garcia pagkatapos nilang magkasama ni Gerald sa Japan, umakto iyon sa balitang nagkakamabutihan na sila ni Gerald, naiwang nakanganga si Joshua.

Kris Aquino – Siya nga ba ang producer ng K(Ampon)?

May kuwentong nakarating sa amin na si Kris Aquino pala, kundi man siya kasosyo, ang producer ng pelikulang ipanglalahok nila ni Derek Ramsay sa MMFF.

Sabi ng aming reliable souce, “Si Kris mismo ang kumuha sa isang friend namin para mag-line produce sa horror movie niya, pero tumanggi sa kaniya iyong tao dahil may ibang movie nang hinahawakan.”

Hindi ang Quantum ang tumawag sa tao, si Kris Aquino mismo, kaya nagkaroon ng ideya ang mga kaibigan ng kinukuhang mag-line produce ni Kris na siya ang producer ng K(Ampon).

Dagdag pa ng aming kausap, “Totoo iyon, sa September ang start ng shoot nila dahil ghost month daw ang August.”

Para tuloy lumalabas na para lang magkaroon ng proyekto si Kris ay kailangan pa niyang maglabas ng sarili niyang pera bilang pampuhunan sa pelikula.

Sinasabi na nga ba. Pabagu-bago ang takbo ng isip ni Kris Aquino, mahirap tayaan ang kaniyang mga salita, oo siya ngayon pero hindi na bukas. Kaya mahirap magsalita nang tapos kapag si Kris Aquino na ang paksa.

Ayon sa kaniyang kampo ay hindi niya magagawa ang pelikulang pagtatambalan nila ni Derek Ramsay na pang-MMFF, hindi kasi pumayag ang kaniyang mg kapatid, inaalala ng mga ito ang kaniyang kalusugan.

Mahihirapan daw si Kris sa shooting dahil mainit, hindi rin niya sigurado ang kaniyang paligid, napakalaking problema noon sa pag-atake ng kaniyang allergies.

Ang kaniyang kundisyon ang inaalala ng mga nagmamalasakit at nagmamahal sa kaniya, hindi pa ganoon kalakas si Kris para muling magtrabaho, pero ang pinakahuli niyang pahayag ay gagawin niya pa rin ang pelikula.

Magsisimula na raw siyang mag-shooting, magtatrabaho na raw uli siya, kaya masaya ang kaniyang mga loyalista na anuman ang mangyari ay nag-aabang lang sa magiging desisyon ng kanilang idolo.

Harinawang makabalik na nga sa pag-arte si Kris Aquino, maraming nanghihinayang kung hindi siya ang gaganap sa horror movie nila ni Derek, siya lang daw kasi ang makapagbibigay ng hustisya sa role dahil kaniya ang titulong Horror Queen. 

Angelica Panganiban – Sana ay si Cholo Barretto na si Mr. Right

May karapatang lumigaya si Angelica Panganiban. Sobra-sobra na ang sakit sa pakikipagrelasyon na pinagdaanan niya. Siya man o ang kaniyang partner ang may mali ay isang bagay lang ang mahalaga – may karapatang maging masaya ang magandang aktres.

Para maintindihan mo si Angelica ay kailangan alamin mo ang kaniyang nakaraan. Lumaki siyang walang nakagisnang ama, silang mag-ina lang ang lumaban sa buhay, kaya may kulang sa kaniyang pagkabata.

Pero hindi siya tulad ng ibang kabataan na nalihis ng landas dahil sa nawawalang bahagi ng kanilang buhay, lumaban si Angelica, nag-artista siya para maging maayos ang buhay nilang mag-ina.

Reklamo ng marami ay mahirap siyang pakisamahan, may sarili siyang mundo, mahirap siyang intindihin. At palagi siyang nakasimangot.

Sabi ng isang kaibigan ng dalaga na nakausap namin, “Front lang niya iyon, pero ang totoo, napakasarap niyang magmahal at magpahalaga sa kapuwa niya. Masarap siyang karelasyon, masarap siyang maging kaibigan, dahil mapagmahal siya.”

Bumibilang nang maraming taon ang pakikipagrelasyon ni Angelica. Nakailang taon ba sila ni Derek Ramsay? Di ba’t kasal na lang ang kulang sa kanila?

Ilang taon din ba silang naging magkarelasyon ni John Lloyd Cruz? Hindi lang sinuwerte si Angelica, sabi ng marami, dahil “na-Bea Alonzo siya.”

Kaya kung sila na nga ni Cholo Barretto ngayon ay maganda ‘yan, may karapatang lumigaya si Angelica Panganiban, ang tulad niyang marunong magmahal ay kailangan ding makatagpo ng bagong magmamahal sa kaniya.

Vice Ganda – Ipinag-adya sa kamay ni Calvin Abueva

Mabuti na lang at ipinag-adya ng kapalaran si Vice Ganda sa kilalang basketbolistang si Calvin Abueva. Napakalakas ng dating sa sikat na komedyante ng mga basketball players, dumudugudog ang kaniyang puso, aminado ang kaniyang mga kaibigan na ang greatest love of all ni Viceral ay si Terrence Romeo.

Naging super-close sila ni Abueva, pati ang numero ng jersey ng basketbolista ay isinusuot ni Vice sa kanilang noontime show, pero pagkatapos lang nang ilang buwan ay may Ion Perez nang pumalit sa eksena.

Mabuti na lang at hindi sila nagkatuluyan ni Abueva na kinakasuhan ngayon ng kaniyang misis na si Sam ng pambubugbog at pambabastos sa kaniyang pagkababae.

Hindi nakapaglalaro ngayon si Abueva, pinatawan siya ng parusa ng pamunuan ng PBA sa pagmamalabis niya sa hardcourt, problemado ang maangas na basketball player.

Nakakahiya ang akusasyon ng kaniyang misis, dinudugo na nga ang ina ng kaniyang mga anak, pero pinipilit pa ring makasiping para sa kaniyang personal na kaligayahan.

Sa pagkukuwentuhan namin ng kaibigan naming propesor ay sinabi nito, “Malapit na malapit nang makuha ng mokong na iyon ang tiwala ni Vice! Ipinagluluto pa siya ng kung anu-anong pagkain, masarap daw kasing magluto si Calvin, dahil Kapampangan!

“Mabuti na lang at nakalabas siya sa kung anumang mayroon sila, dahil kung hindi, e, baka si Vice ang nagdedemanda sa kaniya ngayon! Masuwerte pa rin si Vice!” natatawang komento ni prop.

Sayang na talento na hindi ginamit sa maayos na paraan. Brusko siya sa hardcourt, kinatatakutan ng kaniyang mga katunggali, magaling mag-shoot pero nauwi lang sa wala. 

Ion Perez – Anuman ang motibo, pinaliligaya si Vice ngayon

Sa isang banda, napakahirap din ng sitwasyon ni Vice Ganda. Kahit pa sa sabihin niyang maligaya siya ngayon dahil kay Ion Perez ay marami pa ring nagdududa sa intensiyon sa kaniya ng modelo.

Para sa mas nakararami, ang tingin daw sa kaniya ng binata ay isang wallet na punumpuno ng laman, pera lang daw ang dahilan kung bakit nakipagrelasyon sa kaniya si Ion.

Sabi pa ng isang nagmamalasakit kay Vice Ganda sa social media, “Nakakaawa naman si Vice. Mag-iipon iyong lalaki, tapos, iiwan din siya! Para lang siyang bank na withdraw lang nang withdraw iyong lalaking mahal daw niya!

Komento naman ng isa pa, “Ang greatest love of all ni Vice, e, si Terrence Romeo! Hanggang ngayon, sobrang mahal pa rin niya iyong basketball player na minsang na-link ang pangalan sa kaniya.

Mahirap husgahan ang relasyon nina Vice Ganda at Ion. Marami kaming alam na kuwento tungkol sa katulad ng kanilang pagmamahalan na nagtagal nang maraming taon kundi man dekada.

Walang kahit sinong nakakaalam kung ano ang tunay na intensiyon ni Ion Perez kay Vice, ito lang at ang komedyante ang nakakaramdam ng totoong sitwasyon nila labas ang publiko sa anumang mayroon sila ngayon.

Ang mahalaga ay maligaya ngayon si Vice Ganda, kaligayahang tanging kay Ion Perez lang nagmumula, kulay rosas ang kanilang mundo ngayon. 

Claudine Barretto – Sayang! Hindi tuloy ang movie with Piolo

Naunsiyami ang pag-asa ng mga tagasuporta ni Claudine Barretto na babalik na siya sa pagharap sa mga camera. Matagal nang namamahinga ang aktres, maraming nanghihinayang sa kaniyang talento, pero nauwi lang sa wala ang kanilang paghihintay.

Binitiwan na si Claudine ng tumayo niyang manager na si Tita Dolor Guevarra, hindi kinaya ng powers ng manager ang kaniyang mga kalokahan, mabilis itong sumoko sa laban.

Mahabang panahon din ang ginugol ni Tita Dolor (sa pakiusap sa kaniya ni Gretchen Barretto) para ayusin ang sana’y pagbabalik sa pag-arte ni Claudine. Kinausap na nito ang mga ehekutibo ng Star Cinema, pinlano na nila ang proyektong gagawin ng aktres, katambal si Piolo Pascual.

Sa Italy kukunan ang pelikula, parang Milan nila noon ni Piolo na naging blockbuster, pero ang lahat ng plano ay nauwi sa wala.

Hindi na idinetalye pa ni Tita Dolor ang mga dahilan ng kaniyang pagbibitiw, sapat na ang sinabi nito na hindi talaga kakayanin ng kahit sinong manager ang katigasan ng ulo ni Claudine, kakambal ang pagsisinungaling.

Bilang manager, ang gusto nito ay cards on the table sila ng kaniyang alaga. Ganito at ganyan ang kaniyang gusto, kailangan ding linawin sa kaniya ng artista kung hanggang saan lang siya.

Pero hindi pala ganoon si Claudine. Mayroon siyang mga ginagawa na ikinukubli sa kaniyang manager pero nahuhuli din naman siya. Maraming beses na nangyari ang ganoon.

Nakapanghihinayang ang oportunidad na pinakawalan ng aktres dahil sa kawalan niya ng disiplinang talikuran na ang kung anumang naksanayan niya. Hanggang hindi siya tumatalikod doon ay habampanahon na lang siyang ganyan.

Ang tagumpay ng kaniyang career ay hindi magagawa ng kahit sinong manager, hindi rin iyon magagawa ng produksiyon at ng kaniyang mga tagahanga, si Claudine Barretto lang ang makatutulong sa kaniyang sarili. 

Phillip Salvador – Naliligo ngayon sa swimming pool ng apdo!

Isa pang personalidad na naliligo ngayon sa swimming pool ng apdo at pinakakain ng ampalaya ng ating mga kababayan ay si Phillip Salvador.

Dahil sa kaniyang sigaw na mamatay na sana ang mga tumutuligsa kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sampung doble ang naging balik noon sa aktor.

May punto naman ang mga tumutuligsa kay Phillip Salvador, hindi tamang hilingin ninuman ang pagkamatay ng kahit sino, kahit gaano katinding pagsisipsip pa ang gawin niya sa ating pangulo.

Sabi ng isang sumagot sa sigaw ng action star, “Baka ikaw pa ang mauna sa pangulo! Saka teka lang muna, nakakapagpadala ka na ba ng sustento sa anak n’yo ni Kris Aquino? Iyon muna ang unahin mo, kesa sa hilingin mong mamatay lahat ang mga kumokontra kay PRRD!”

At hindi bibig ang ginagamit na termino ng paglalarawan kay Phillip Salvador kungdi bunganga. Pati ang kaniyang pagiging Kristiyano ay nakakaladkad na rin sa isyu.

Sabi ng isang source na dating tagahanga ni Phillip, “Gawain ba ng isang Kristiyano ang hangaring mamatay ang kaniyang kapuwa nang dahil lang sa pagkontra sa ating pangulo?

“Ang kapal-kapal ng mukha ng taong ‘yan! May pakipkip-kipkip pa siya ng Bibliya kahit saan siya magpunta! Pero ano ang ginagawa at sinasabi niya?

“Kontrang-kontra sa laman ng Bible! Pagsumpa ang ginagawa niya, para hilingin mong mamatay nang lahat ang mga tumutuligsa kay PRRD, bagay ba sa kaniyang magkipkip ng Bibliya?” sabi ng aming source.

Sabi naman ng isa pang post na galit na galit sa action star, “Nasaan na ba ang utak ni Phillip Salvador? Natatapakan na ba niya? Iniisip ba niya ang mga salitang binibitiwan niya?

“Dapat siyang matakot sa mga salitang sinasabi niya. Baka biruin siya ng kapalaran. Baka mauna pa siya sa hukay kesa sa mga hinihiling niyang mamatay!” isa pang bira kay Phillip Salvador! 

Maribel “Lala” Aunor – Proud mommy ni Cool Cat Ash

Nagdiwang ng kaarawan noong July 25 si Maribel “Lala” Aunor ng dating sikat na grupong Apat Na Sikat. Naging markado ang kaniyang birthday dahil sa araw ding iyon pumirma ng kontrata sa Star Music ang kaniyang bunsong anak na si Ashley.

Dekada otsenta pa ay anak-anakan na namin si Lala na isang matagumpay nang businesswoman ngayon. Kapag tinitingnan namin si Ashley ay naaalala namin ang kaniyang kasikatan, ganoong-ganoon ang itsura ni Lala, mas malusog nga lang sa kaniya si Ashley.

Parehong nagmana sa kaniya sina Marion at Ashley, kinabog pa nga siya ni Marion, dahil hindi lang singer ang kaniyang panganay kundi composer pa.

Magkaiba ng genre ang magkapatid. Kung love song ang nililinyahan ni Marion ay pop rock at alternative music naman ang focus ni Ashley na kilala na ngayong bilang si Cool Cat Ash sa mundo ng musika. Napapanood na ngayon ang kaniyang music video para sa pinyesang Mataba na tumutukoy sa body shaming.

Sa lahat ng digital platforms ay nandoon na ang kaniyang music video, napakahusay ni Ashley sa mga instruments at linya nito ang pagmi-mix, tinulungan ni Ashley ang kaniyang Ate Marion sa piyesa nitong Delikado.

Apat na dekada na naming anak-anakan si Lala Aunor at sa loob nang napakahabang panahong lumipas ay nananatili siyang mapagkumbaba, hindi siya pinagbago ng popularidad noong bata pa siya hanggang ngayong matagumpay na siyang negosyante, siya pa rin ang Maribel Aunor na nakilala naming mahiyain at nakatapak ang magkabilang paa sa lupa.

Siya ang malakas na hangin sa ilalim ng mga pakpak nina Marion at Ashley. Suportado niya ang pangarap ng kaniyang mga anak. Walang hindi si Lala kapag sina Marion at Ashley na ang humiling sa kaniya.

Ipa-revive sana ni Lala kina Marion at Ashley ang kaniyang mga piyesang Dalaginding at A, Ewan na nang ilabas sa mga record bars ay nagkaubusan ng kopya.

Ganoon kasikat noong dekada otsenta ang tambalan nina Maribel Aunor at Arnold Gamboa. – CSF

Viewing all 233 articles
Browse latest View live